kagawaran ng edukasyon filipino 2 - deped muntinlupa
TRANSCRIPT
Kagawaran ng Edukasyon
Filipino 2 Pagpapahayag ng Sariling Ideya/Damdamin
o Reaksiyon tungkol sa Napakinggan/
Nabasang Kwento, Alamat, Tugma o Tula,
o Tekstong Pang – impormasyon.
Ikalawang Markahan – Ikalimang Linggo
Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940
Rosel T. Cabasag
Manunulat
Hilario G. Canasa
Nelia G. Abejar
Mga Tagasuri
Rhodora V. Mandap Melesa L. Calapano
Jennifer S. Joson Jayson S. Manikan
Mga Validator
Marissa S. Muldong
Tagapangulo, Katiyakan sa Kalidad
2
INAASAHAN
Ang aralin na ito ay kusang binuo para magamit sa
pagpapalalim ng iyong pang-unawa at pagkatuto.
May mga pagsasanay ang modyul na ito. Dapat
mong basahing mabuti ang bawat bahagi upang iyong
maintindihan.
Kailangang matapos mo at maunawaan ang aralin
na ito. Kung nahihirapan ka pwede kang magpatulong sa
magulang, sa mga kapatid o kaya’y tumawag sa iyong
guro para magtanong.
Ingatan at panatilihing malinis ang modyul na ito.
Pagkatapos ng aralin na ito, ikaw ay inaasahang;
1. Naipahahayag ang sariling ideya, damdamin o
reaksyon tungkol sa napakinggan o nabasang
kwento, alamat, tugma o tula, o tekstong pang –
impormasyon (F2PS-Ig-6.1)
UNANG PAGSUBOK
Panuto: Bilugan ang letrang nagsasaad ng tamang
damdamin sa bawat bilang.
1. Napabulyaw at nasabi niya nang malakas, “Ay,
kabayo!” dahil sa matinding gulat.
A. lungkot C. panghihinayang
B. pagkabigla D. pagkamangha
3
2. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makitang may
ibang gumamit ng kaniyang damit.
A. galit B. inis C. tuwa D. takot
3. “Naku, kinikilabutan at naninindig ang aking
balahibo! Anong lugar kaya ito?”
A. gulat B. inis C. takot D. lungkot
4. “Aha! Diyan ka lang pala nagtatago. Ikaw na ang
bagong taya.”
A. inis B. pagkagulat C. tuwa D. takot
5. “Yehey, tumama at nanalo ng malaking halaga ang
Nanay ko sa paligsahan!”
A. pagkabigla C. tuwa
B. lungkot D. pagkatakot
BALIK-TANAW
Panuto: Basahin ang kuwento at sagutin ang
mga tanong gamit ang graphic organizer.
Si Lito
Si Lito ay batang palasagot. Isang araw, maagang
umuwi mula sa paaralan si Gng. Santos. Narinig niyang
4
sinisigawan ni Lito ang kasambahay. Pinagsabihan niya
itong pumasok sa kuwarto at kinausap. Paglabas nila sa
silid, pinuntahan ni Lito si Aling Sonya na kasambahay at
humingi ng paumanhin.
Pamagat
Tauhan Tagpuan
Problema Solusyon
5
MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN
Lilinangin ng araling ito ang inyong kahusayan sa
pagpapahayag ng sariling ideya/damdamin o
reaksiyon tungkol sa napakinggang/nabasang
kwento, alamat, tugma o tula, o tekstong pang
impormasyon.
Ito ay makatutulong sa ating buhay sa pang araw
– araw na pakikipag-usap natin sa ating pamilya,
katrabaho at kalaro naipahahayag natin ang ating
sariling ideya/damdamin o reaksiyon tungkol sa ating
napakinggan/nabasang kwento, alamat, tugma o
tula, o tekstong pang impormasyon o base sa ating
karanasan at kaalaman.
6
GAWAIN
A. Panuto: Basahin ang kwentong “Ang Magkaibigan”.
Ang Magkaibigan
Sina Ben at Lino ay magkaibigan. Isang araw,
nagkita sila sa palaruan. Dala-dala ni Lino ang laruang
padala ng kaniyang ama. Basahin natin ang kanilang
usapan.
Ben: Wow! Ang ganda naman ng laruan mo!
Lino: Padala ito sa akin ni Tatay.
Ben: Bakit parang hindi ka masaya? Sabihin mo sa akin
at ako’y makikinig.
Lino: Gusto ko na kasing makita si Tatay. Sa isang taon pa
siya makauuwi. Palagi namin siyang iniisip at
ipinagdarasal.
Ben: Malungkot ka pala. Halika at paglaruan na lang
natin ang mga maliliit na kotseng iyan. Tingnan
natin kung alin sa mga kotseng iyan ang
pinakamabilis.
Lino: Sige, iyo na ang kotseng pula at akin ang kotseng
asul.
Nag-unahan sa pagkarera ng kotse ang mga bata.
Ben: Hayan, masaya ka na.
7
Lino: Oo, mag-unahan tayo sa pagkarera ng kotse.
Ben: Yehey! Tiyak mananalo ako.
Mga Tanong:
________________1. Sino ang magkaibigan?
________________2. Ano ang dala-dala ni Lino sa palaruan?
________________3. Ano ang damdamin ni Ben nang
sabihin niyang “Wow! Ang ganda naman ng laruan mo?”
________________4. Ano ang sinambit ni Ben sa pahayag ni
Lino na “Gusto ko kasing makita si Tatay?”
________________5. Paano naipahayag ni Lino ang
kaniyang kalungkutan kay Ben?
6. Kung ikaw ay binigyan ng paborito mong laruan ng
iyong mga magulang, ano ang iyong mararamdaman?
Iguhit mo ang iyong nararamdaman sa pamamagitan ng
pagguhit ng emoji.
_____________________________________________
7. Paano mo masusuklian ang kasiyahang dulot sa iyo ng
mga bagay na ibinibigay sa iyo ng iyong mga magulang?
______________________________________________________
8
Karagdagang Gawain:
B. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang damdaming
ipinahihiwatig ng pahayag sa bawat
bilang.
pagkagalit pagkahiya pagkainip
pagkatuwa paninisi
1. “Bakit mo iniwan ang nakasalang na sinaing?
Nasunog tuloy.” _______________
2. “Yehey! Mataas ang nakuha ko sa pagsusulit.”
_____________
3. “Pasensiya na po. Narumihan ko ang inyong
sapatos.” ___________________
4. “Bakit ang tagal – tagal nila? Kanina pa ako rito.”
________________
5. “Ilang ulit ko nang sinasabi sa iyo na bawal dito ang
aso?” ____________________
9
TANDAAN
May iba’t ibang damdaming nadarama katulad ng
tuwa, galit, pagka – yamot, saya, takot, gulat, lungkot at
iba pa. Mahalaga na alamin natin ang iba’t ibang
damdamin para naipahahayag natin ang sariling
ideya/damdamin o reaksiyon tungkol sa ating
napakinggan/ nabasang kwento, alamat, tugma o tula at
sa tekstong pang – impormasyon.
PAG-ALAM SA NATUTUNAN
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang letrang akma sa
damdaming ipinahahayag ng bawat
pangungusap.
______1. “Hay, umalis na si Tatay patungong Saudi Arabia.
Matagal na naman bago kami magkita.”
______2. “Yehey, manonood kami ng sine!”
______3. “Ay! Nawalan ng kuryente.”
A. nagalit B. natakot C. nagulat
D. natuwa E. nalungkot
10
______4. “Gabi na. Bakit nasa lansangan ka pa?”
______5. “Naku! Ang dilim-dilim dito. Bakit parang may
matang mapupula sa may dulo ng lagusan.
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
Panuto: Bilugan ang tamang letra na nagsaad ng
tamang damdamin sa bawat bilang.
_____1. Yehey! Nanalo kami sa laro.
A. gulat B. lungkot C. tuwa D. takot
_____2. Nawawala ang pitaka ko.
A. gulat B. lungkot C. tuwa D. takot
_____3. Ha! Nasunog ang bahay nila?
A. gulat B. lungkot C. tuwa D. takot
_____4. “Bakit kaya hindi ako isinama ni Ate sa parke?
A. gulat B. lungkot C. tuwa D. takot
_____5. “Ang tataas ng mga marka ko. Tiyak matutuwa si
Nanay.”
A. gulat B. lungkot C. tuwa D. takot
11
Sanggunian
Ang Bagong Batang Pinoy (Filipino 2)
Kagamitan ng Mag-aaral
Teacher Guide sa Filipino 2
Susi ng Pagwawasto
Unang Pagsubok
1.B 2.A
3.C
4.A
5.C
Pag- alam sa Natutunan
1.E
2.D 3.C 4.A
5.B
12
Gawain
A.1. Ben at Lino 2..laruan
3..masaya
4.malungkot
5.Sa pamamagitan ng pagkukwento
B.1. Paninisi
2. Pagkatuwa
3. Pagkahiya
4. Pagkainip
5. Pagkagalit
Pangwakas na Pagsusulit
1.C 2.B 3.A
4.B
5.C
Balik – Tanaw
Pamagat – Si Lito
Tauhan – Lito, Gng. Santos at Aling Sonya
Tagpuan – Sa loob ng bahay
Problrema – Sinigawan ni Lito ang kasambahay
Solusyon – Kinausap ni Gng. Santos si Lito at si
Lito ay humingi ng paumanhin kay Aling Sonya.