kahalagahan at tungkulin ng wika
DESCRIPTION
Komunikasyon sa Akademikong Filipino Kahalagan at Tungkulin ng WikaTRANSCRIPT
KAHALAGAHAN
NGWIKA
KAHALAGAHAN NG
WIKA
SARILINagagawang paunlarin ng tao ang kanyan sarili sa pamamagitan ng pagtatamo ng mga butil ng kaalaman mula sa kanyang paligid. Nagagawa rin niyang maipahayag ang kanyang mga naisin at hangarin sa buhay na maaaring may malaking epekto sa kanya tungo sa pampersonal na kasiyahan.
KAPWAWalang sinuman sa mundong ito ang nabubuhay para sa sarili lamang. Kung kaya’t kailangan natin ang ating kapwa upang sa gayon ay lalo pa nating mapaunlad ang ating kaalaman at kakayahan.
LIPUNANNagkakaroon ng isang maayos na lipunan sa sandaling magkaroon ng mabuting ugnayan ang mga tao sa isang tiyak na pamayanan. Nagagawang pagbuklurin ang lahat ng mga taong nakatira sa isang lipunan sa pamamagitan ng wikang gagamitin upang magkaunawaan, magkaintindihan, at magkapalagayan dahil nakabatay ito sa kanilang sariling kultura.
TUNGKULINNG
WIKA
TUNGKULIN NG
WIKA
PAGPAPABATID(IMFORMATIVE)
Ginagamit upang maghatid ng ilang kabatiran. Karaniwang ito’y nasa anyong pangungusap na paturol.
1. Si Dr. Jose P. Rizal ang pambansang bayani natin.
2. Ang Pilipinas ay binubuo ng mahigit sa pitong libong pulo.
HALIMBAWA:
ginagamit upang gumawa ng ilang bisa o effects. Karaniwang nasa pangungusap na pautos gaya ng panawagan, pakiusap at pagtalima.
Pagsasapraktikal(Practical)
1. Bawal ang tumambay dito.
2. Magsaing ka na.
Halimbawa :
ginagamit di – lamang upang magpahayag ng natatanging damdamin ng nagsasalita kundi magbunsod ng ilang madamdaming tugon mula sa nakikinig. Karaniwan itong nasa anyo ng padamdam at panulaan.
Pagpapahayag (expressive)
Juliet, ipinapangako ko sa iyo na pakamamahalin kita nang husto makuha ko lamang ang matamis mong “oo”.
Halimbawa:
ginagamit di – lamang upang magsabi o mag-ulat ng ilang bagay kundi isagawa pa rin ang bagay na sinabi.
Pagsasagawa(performative)
1. Walang hiya ka! (sabay sampal o dili kaya’y hampas sa sinabihan)
2. Siya! Siya po ang salarin! (sabay turo sa taong pinatutungkulan)
Halimbawa :
ginagamit upang magdagdag sa palagayang sosyal, ugnayan, kalugurang sosyal.
Panseremonya(ceremonial)
Dora, tinatanggap mo ba si Naruto bilang kabiyak panghabambuhay?
Halimbawa :
ginagamit para pangatwiranan, suriin at linawin ang problema o ang pinagtalunan. Ito’y karaniwang nasa anyo ng silohismo na isang hinuha o imprensya na binubuo ng tatlong proposisyon: pangunahing batayan, pangalawang batayan at konklusyon.
Pagmamatuwid(logical)
Ang nagtuturo sa silid-aralan ay guro. (unang batayan)
Si ginoong Jedel Baquiran ay isang guro. (pangalawang batayan)
Samakatuwid, si Ginoong Jedel Baquiran ay ang gurong nagtuturo sa silid-aralan. (konklusyon)
Halimbawa :
ginagamit sa hugnayang tungkulin ng wika. Sa madali’t sabi, kumbinasyon ng dalawa o higit pang gamit ng wika.
Paghuhugnayan(complex)
1. Anong petsa na? (maaaring siya ay nababalisa o kaya’y naiinip na)
2. Oo na! (maaaring sumasang-ayon siya ngunit may halo itong galit)
Halimbawa :
Tungkulin Ng
wika ayon kayMichael halliday
TUNGKULIN NG WIKA AYON KAY MICHAEL HALLIDAY (1973)
Nagiging instrumento ang wika upang maisagawa at maisakatuparan ng tao ang anumang nais nito. Kabilang dito ang pakikipag-usap (pagkuha ng kasagutan sa mga tanong na nangangailangan ng kasagutan), paghihikayat (pagpapakita ng patalastas sa isang produkto), paggawa ng liham (maaaring liham pangangalakal o liham sa pagnugot), pagbibigay – utos at iba pa.
Maaari nating bigyan ito ng kowd na “May gusto ako”
Instrumental
NATSU: Nais ko sanang ipadama mo sa akin ang iyong tunay na pagmamahal.
LUCY: Ganun ba ? Bakit nagdududa kaba sa katapatan ko sa iyo ?
Halimbawa:
Nagagawa ng wika na kontrolin ang ugali o asal ng tao. Maari itong maganap sa sarili o sa ibang tao. Saklaw ng tungkuling ito ang pagbibigay ng direksyon kug paano gawin ang isang bagay, pagbibigay ng wastong panuto sa pagsusulit, pagbibigay ng direksyon sa taong hindi matagpuan ang lugar na pupuntahan at iba pa.
Maaari nating bigyan ng kowd na “Sundin mo ang sasabihin ko.”
regulatori
DORA : Maari mo bang ituro sa akin kung saan ng PUP?
MAP : Oo naman, dumeretso ka lang sa daan na yan. Pag nakita mo na yung Ministop, malapit ka na sa PUP.
Halimbawa:
Nagagamit din ang wika upang makipagtalastasan, makapagbaagi ng mga pangyayari, makapagpahayag ng detalye, gayundin mapakapagpadala at makatanggap ng mensahe sa iba. Ang pagbabalitam pagbibigay-paliwanag, pag-iinform gayon din ang pagsisinungaling ay kabahagi nito.
Maaari natin itong bigyan ng kowd na “Alam mo ba?”
representasyonal
RENZ: Alam mo ba na ang salitang SIRIT ay mula sa pahayag na “share it” ?
JAYSON: Ha, Talaga?
Halimbawa:
Nagagawa ng wika na mapanatili at mapatatag ang relasyon ng tao sa kanyan kapwa. Ang tungkuling ito ng wikaay naipapakita sa pamamagitan ng pakikipagpalagayan ng tao sa kanyang kapwa, pakikipag-usap, pakikipagtalakayan, pakikipagtalo hinggil sa isang isyu, pagsasalaysay ng mga masasaya at malulungkot na kwento, pakikipag-text, pakikipag-chat at iba pa.
Maaaring bigyan natin ng kowd na “Ikaw, ako, tayo, ay iisa”
interaksyunal
NIKKA: Aba, ano kaya ang nakain nun at masyado ata siyang masaya?
EHLA: Secret! Pero for sure alam mo na iyon friend . Hihihihi !
Halimbawa:
Nagagamit din ang wika upang magpahayag ng sariling kuro-kuro o pala-palagay, sa paksang pinag-uusapan. Kasama rin dito ang pagsulat ng journal at talaarawan (diary).
Maaari nating bigyan ng kowd na “Ako ito eh.”
pampersonal
GERALD: Sus,grabe naman ang mga pulitiko ngayon, hayagan na kung bumili ng boto.
NATHAN: Wala tayong magagawa diyan ‘Tol kasi nakasanayan ng nila yan eh!
Halimbawa:
Nakatutulong din ang wika upang makapagtamo ang tao ng iba’t ibang kaalaman. Ilan sa mga ito ang pagkuha o paghahanap ng mga impormasyon na may kinalaman sa paksang pinag-uusapan o kaya nama’y pinag-aaralan. Kabilang din dito ang pakikipanayam sa mga taong dalubhasa sa kanilang larangan upang masagot ang mga tanong na may patungkol sa kanilang pinagkakadalubhasaan. Maisasama rin dito ang pakikinig sa radyo, panonood ng telebisyon, pagbabasa ng pahayagan at aklat.
Maaari naman nating itong bigyan ng kowd na “Makinig ka’t may sasabihin ako sa iyo”
Heuristiko
Freddy: Alam mo ba na ang bansang Papua New Guinea ang tanging bansa sa buong mundo na walang pambansang wika at ito rin ang bansang may pinakamaraming wika at wikain sa buong mundo. Mayroon itong humigit kumulang ng 3000 wika at wikain.
Jason: Ha! Hindi ko alam yan ha…. So , tulad pala ng Pilipinas ang Papua New Guinea, maraming mga wika at diyalekto
Halimbawa:
KENNETH: Alam mo ba na ang pinakamatagal na movie na tumagal ng 85 hours ay ang “The Cure For Insomia”.
RONNIE: Wow! Ang galing!
nakapagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan. mga biro
IMAHINATIBO
CANNIBAL
NATHAN : Wala kayo sa lolo ko... CANNIBAL! sampu na nakaing tao! Ganun katindi lolo ko!EMMAN : Sampu lang? Lolo mo ata nagje-jeta eh?! Bagsak apetite! Yung lolo ko bente eh.GERALD : Ano ba mga lolo ninyo VEGETARIAN? Lolo ko dalawa lang nakain eh.NATHAN : Oh baket naman dalawa?! Eh sa lolo ko nga 10 eh, sa lolo ni Emman 20.GERALD: Eh yung dalawang kinaIn ng lolo ko eh yung mga lolo nInyo.
HAHAHAHAHAHA!
HALIMBAWA:
"Ang wika ay susi ng puso at diwa, tuluyan ng tao’t ugnayan ng bansa.“
-Marisol Mapula-
“If you talk to a man in a language he understands, that goes to his head. If you talk to him in his language, that goes to his heart.” ― Nelson Mandela
SALAMAT PO SA INYONG
PAKIKINIG. ^^
REPORTED BY:
PADRIAGAO, GRACE G.
BSED-1M is