kasaysayan at introduksiyon-armm (1)
TRANSCRIPT
Kasaysayan at Introduksiyon:
ARMM
(Anonymous)
Sa bandang timog ay may mga Muslim,
Na kapatid, kalahi at kababayan natin.
Ang mga Muslim na katulong mandin,
Sa panghihimagsik sa mga mapang-api
Sa bahaging ito aking natanto,
Ang mga rebeldeng nais ay pagbabago
Kaya’t ang ating gobyerno’y
Nakikipag-areglo.
Kung babaha ng dugo, paano na ang bayan ko,
Na ang sariling katoto ay ginegera nito.
Paanong uunlad ang Pilipinas,
Kung ang lahat ay gumagamit ng dahas.
O, aking kababayan, ako’y pakinggan,
Iisa an gating baying pinaglilingkuran
Ba’t di natin pairalin ang Kapayapaan.
-Ang nagsasariling Rehiyong (Autonomous Region) ng Muslim Mindanao ay
nalikha batay sa itinatadhana ng Saligang Batas, Artikulo X, Sek. 15.
Politikal na Subdibisyo:
-6 probinsiya
-1 siyudad
-106 munisipalidad
-2,469 barangay
Ang anim na probinsiya na bumubuo sa Autonomous Region of Muslim
Mindanao ay ang mga sumusunod: Lanao del Sur, Maguindanao, Shariff Kabunsuan,
Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.
Heograpiya:
Matatagpuan ang ARMM sa may Timog-Kanlurang bahagi ng Pilipinas. Ang
rehiyon ay nahahati sa dalawang heograpikal na saklaw. Ang Mindanao Mainland at
Arkipelago ng Sulu. Kabilang ang mga probinsiya ng Lanao del Sur, Maguindanao, at
Shariff Kabunsuan sa Mindanao Mainland, samantalang ang Basilan, Sulu at Tawi-Tawi
ay nabibilang sa Arkipelago ng Sulu. Ang ARMM ay may kabuuang sukat na 12,695
kilometro kwadrado.
Wika:
Ang wikang ginagamit sa rehiyon ito ay Banguingui, Maguindanao, Maranao,
Yakan at Sama.
Klima:
Ang rehiyon ay may magandang klima na nakakatulong sa buong taon na
produksyon ng mga pananim. May katamtaman at pantay na distribusyon ng ulan sa loob
ng buong taon. Tag-ulan at Tag-araw ang karaniwang panahon at di masyadong
dinadatnan ng mga bagyo ang rehiyon.
Mapa ng ARMM:
Kasaysayan:
Ang Mindanao ay binubuo ng mga maliliit na barangay at pinamumunuan ng mga
datu. Nagkaroon na malaking pagbabago sa sosyo-politikal na antas ng pamumuno nang
dumating si Shariff Kabunsuan noong ika-15 siglo. Isa siyang misyonerong Arabo na
nagpakilala at sa kalaunan ay nagpalaganap ng relihiyong Islam. Nagbunga ito sa
pagkakabuo ng mga iba’t-ibang Islam na komunidad at di nagtagal, sa pagkakaroon ng
Sultanatong Islam, sa ilalim ng pinakamataas na konseho na naging dahilan sa pagkaka-
buklod ng Mindanao Mainland sa iba pang islang kalapit nito. Nang masakop ng mga
Espanyol ang Pilipinas, nanatiling Malaya ang mga sultanato sa Mindanao sa loob gn
mahabang panahon sa kadahilanang matagumpay nilang naipagtatanggol ang kanilang
nasasakupan. Noon na lamang katapusan ng ika-19 siglo kinilala ng Mindanao ang
soberanya ng Espanya. Di rin nagtagal ang kapangyarihan ng mga Espanyol sa Mindanao
dahil napilitan silang umalis dahil sa pagkatalo sa mga Amerikano.
Noong 1942, sa unang yugto ng digmaang Pasipiko, may mga langkay ng
Japanese Imperial Forces ang nanakop sa Mindanao, partikular sa parte ng ARMM
ngayon. Tatlong taon ang nakalipas, noong 1945, tumulong ang Estados Unidos at mga
Pilipino na malipol ang mga mananakop na Hapon.
Si pangulong Ramon Magsaysay ang nagbukas ng Mindanao sa mga dayong
Kristiyano upang manirahan, na ang karamihan ay galing mula sa Visayas. Nagdulot ito
ng pagkakaiba-iba ng mga grupo sa kultura, etnisidad, tradisyon at mga paniniwala.
Noong 1973, nagsimulang lumala ang kaguluhan sa pagitan ng MNLF ( Moro
National Liberation Front) at AFP (Armed Forces of the Philippines). Kalaunan, sa
petsang Hulyo 7, 1975, nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Presidential
Decree No.742 at Letter of Instruction 290 na naglikha sa rehiyon ng Kanluran at
Gitnang Mindanao at pagtatayo ng Office of Regional Commissioner (ORC) sa parehong
rehiyon. Bagamat sa mga aksyon ito, nagpatuloy pa rin ang gulo kaya naman napilitang
makialam ang OIC o Organization of Islamic Conference na nagtungo sa paglalagda ng
Tripoli Agreement sa pagitan ng Gobyerno ng Pilipinas at MNLF sa Tripoli, Libya noong
ika-23 ng Disyembre, taong 1976. Sa pagtupad ng kasunduang Tripoli, nilagdaan ni
Pangulong Marcos ang Proclamation No. 1628 noong Marso 25, 1977 na nagsasaad ng
pagkabuo ng Autonomous Region sa katimugan ng Pilipinas. Noong ika-25 ng Hulyo
1979, naisabatas ang Batas Pambansa No.20 na naglikha sa Regional Autonomous
Government sa Kanluran at Gitnang Mindanao ngunit di pa rin nito napawi ang mga
rebolusyunaryong prinsipyo ng mga mujahideens.
Nagsagawa ng puspusang pagbibigay ng resolusyon sa lumalalang suliranin sa
Mindanao noong 1986 sa pamumuno ni Pangulong Corazon Aquino. Nagkaroon ng mga
Peace Negotiations sa paglagda ng Jeddah Accord noong Pebrero 3, 1987 ng Gobyerno
ng Pilipinas at ng MNLF. Ito’y isang kasunduan sa pagpapatuloy ng mga pag-uusap
patungkol sa implementasyon ng rehiyunal na autonomiya.
Sa di pagtatagumpay ng mga pag-uusap, sinubukan ng pamahalaan ni Pangulong
Aquino na bumuo ng Autonomous Region of Muslim Mindanao sa pamamagitan ng
pagsama nito sa Konstitusyon ng Pilipinas noong 1987. Naatasan ang Regional
Consultative Council na balangkasin ang Organic Act for Muslim Mindanao.
Nakumpleto ang Organic Act for Muslim Mindanao noong 1988 at naipasa sa Kongreso
para sa deliberasyon at pag-aapruba.
Sa araw ng Agosto 1, 1989, ang Republic Act No. 6734 na kilala rin sa Organic
Act of the Autonomous Region in Muslim Mindanao ay nalagdaan bilang batas ni
Pangulong Aquino. Noon namang ika-17 ng Nobyembre, 1989, isang plebisito ang
pinangasiwaan sa mga namungkahing lugar ng na maisama sa ARMM, ang apat na
probinsiyang kasama ay ang Maguindanao, Lanao del Sur, Tawi-Tawi at Sulu.
Ang unang grupo ng mga namuno sa ARMM ay naihalal noong February 17,
1990. Ang ARMM ay pormal ng napamunuan sa petsang July 6, 1990.
Ika-2 ng Setyembre nilagdaan ng MNLF at Gobyernong Pilipinas ang huling
Peace Agreement na nagtungo sa paghalal kay Nur Misuari (MNLF Chairman) bilang
rehiyunal na gobernador ng ARMM. Ang Peace Agreement ay nagbigay daan rin sa
pagkakalikha sa Special Zone of Peace and Development (SZOPAD) at Southern
Philippines Council for Peace and Development (SPCPD) na nalitatag sa pamamagitan
ng Executive Order No. 371 noong Oktubre 21, 1996 sa ilalim ng pamumuno ni
Pangulong Fidel Ramos.
Sa kabilang banda, patuloy pa rin ang paglaban ng MILF ( Moro Islamic
Liberation Front). Ang paghaharap ng MILF at ng military ay naging giyera sa taong
2000.
Nang maging pangulo si Gloria MAcapagal Arroyo, itinigil niya ang all-out-war
na idenaklara ni dating Pangulong Estrada at pinagpatuloy ang mga peace talks na na
nagdulot sa paglagda ng cease fire agreement noong Hunyo 22, 2001.
Upang mapanatili ang kapayapaan sa Mindanao at bilang pagsunod sa 1996
Peace Agreement sinuportahan ni Pangulong Macapagal-Arroyo ang plebisito noong
Setyembre 2001 para sa ratipikasyon ng Republic Act 9054 na nagpapalaki ng
nasasakupan ng Autonomiya. Ang ARMM ay binubuo na ngayon ng probinsiya ng
Maguindanao, Lanao del Sur, Sulu, Tawi-Tawi, Basilan at Islamic City of Marawi.
ORGANIZATIONAL STRUCTURE:
Ehekutibo
Ang rehiyon ay pinamumunuan ng Rehiyunal na Gobernador. Ang Rehiyunal na
Gobernador at Bise-Gobernador ay tuwirang inihahalal katulad ng pangkaraniwang local
na ehekutibo. Ang mga rehiyunal na ordinansa ay nilikha ng rehiyunal nakapulungan ng
mga mambabatas, na tuwiran ring inihahalal. Ang eleksiyong pang-rehiyunal ay
karaniwang ginaganap pagkalipas ng isang taon matapos ang pambansa at local na
halalan. Ang mga rehiyunal na opisyal ay may nakatakdang tatlong taon na pamumuno
na maaaring magdugtungan depende sa desisyon ng Kongreso.
Ang rehiyunal na gobernador ang chief executive ng rehiyunal na gobyerno at
may katuwang ng gabinete na binunuo ng di hihigit sa sampung miyembro. Siya ang nag-
aatas ng magiging miyembro ng gabinete na siya namang patotohanan ng Regional
Legislative Assembly. Siya rin ang may control sa lahat ng rehiyunal na ehekutibong
komisyon, mga ahensiya, boards, mga kawanihan at iba pang opisina.
Ehekutibong Konseho (Executive Council)
Ang konsehong ito ang nagbibigay payo sa rehiyunal na gobernador sa mga
usapang politikal sa autonomiyang rehiyon. Kasama ditto ang rehiyunal na gobernador,
isang bise-gobernador, tatlong deputy regional governors ( bawat isa ay kumakatawan sa
Kristiyano, Muslim, at Indigenous Cultural Communities).
Lehislatibo
Ang ARMM ay may unicameral Regional Legislative Assembly na
pinamumunuan ng isang ispiker. Binubuo ito ng tatlong miyembro na mula sa bawat
congressional district. Sa kasalukuyan ay may 24 na kasapi, na kung saan ang 6 ay mula
sa Lanao del Sur, kasama ang siyudad ng Marawi, 6 mula sa Maguindanao, 6 sa Sulu, 3
mula sa Basilan, at 3 sa Tawi-Tawi.
Ang Regional Legislative Assembly ay isang lehislatibong sangay ng gobyerno ng
ARMM. Ang mga regular na miyembro (3 miyembro bawat distrito) at sektoral na
kinatawan ay may 3 taong termino na may hangganan na 3 magkakasunod na termino.
Ganap ang lehislatibong kapangyarihan nito sa autonomiya, maliban na lamang sa mga
sumusunod: pandayuhang relasyon, pambansang seguridad, postal service, patakarang
hinggil sa pananalapi, pamamahala sa katarungan, quarantine, taripa, pagka-
mamamayan, imigrasyon at deportasyon, pangkalahatang tuusan, pambansang halalan,
maritime, land at air transportation, komunikasyon, pandayuhang kalakalan, at maaaring
lumikha ng bagay na kabilang sa sakop ng Shari’ah, ang batas na sinusunod ng mga
Muslim.
Tungkulin ng Sangay ng Pamahalaan ( Functions of the Board)
(Based on R.A. 9054)
Serve as the planning, monitoring and coordinating agency for all development
plans, programs and projects, in the ARMM
Evaluate and recommend for approval by the Regional Assembly, the annual
work programs and comprehensive development plans of the region.
Formulate a master plan for systematic, progressive, and total development plans
of the region.
Ekonomiya:
Ang ARMM ay isa sa mga pinakamahirap na rehiyon sa Pilipinas. Meron lamang
itong per capita gross regional domestic product na PhP3,433 noong 2005, ang
pinakamababa, mula sa 17 rehiyon ng bansa. Ang populayon ng rehiyon ay umabot sa 4.1
milyon noong nakaraang 2007 census. Ang kita sa buong taon ng rehiyon ay umaabot
lamang sa Php89, 000, kung saan wala pa sa 1/3 na kita ng Metro Manila.
Noong taong 2000, apat sa probinsiya ng ARMM na kinabibilangan ng Lanao del
Sur, Maguindanao, Sulu at Tawi-Tawi ang kasama sa 10 pinakamahirap na probinsiya sa
Pilipinas.
Ang ARMM ang isa sa mga rehiyong nangunguna sa mga produktong isda at iba
pang yamang-dagat, partikular na ang mga halamang dagat. Ang rehiyon ding ito ay may
pinakamalaking deposito ng mineral lalo na ng ginto, nikel, zinc,manganese at tanso.
Nabiyayaan sa masaganang lupa at magandang klima ang rehiyon kaya naman iba’t-
ibang produkto ang maaaring matanim. Pangunahin na ang mais, palay, saging, kopra,
niyog, pinya, kape, goma, bulak, mangga at durian. Mainam at malaki ang pakinabang
ang magkaroon ng negosyong pang-agrikultura. Maganda rin ang kalakaran ng turismo
dahil maraming likas at cultural na atraksyon na matatagpuan sa rehiyon. Isa sa mga
pinaka-kakaiba sa Timog-Silangan Asya.
Mga Legal na Basehan (Legal bases)
-Tripoli Agreement (Disyembre 23, 1976) – nilagdaan sa pagitan ng MNLF at
pamahalaan sa Tripoli, Libya.
-paglikha sa ARMM sa ilalim ng Art.10. Sek.15-19, 1987, Konstitusyon ng Pilipinas.
-Republic Act 6734 (Agosto 1, 1989)
-GRP-MNLF Final Peace Agreement (Sept. 2, 1996)
-Republic Act 9054 (August 14, 2002)
PETSA NG PAGTATAG AT MGA BATAS NA NAGLIKHA SA REHIYON AT
SA MGA PROBINSIYANG NASASAKUPAN
DIBISYONG POLITIKALPETSA NG
PAGTATAG
BATAS NA
NAGPAIRAL
Regional Commision July 7, 1975 P.D. 742
Regional Autonomous Government July 25, 1979 P.D. 1618
Autonomous Region in Muslim
MindanaoAugust 1, 1989 R.A. 6734
Expanded ARMM March 31, 2001 R.A. 9054
Lanao del Sur July 4, 1957 R.A. 2228
Maguindanao November 22, 1973 P.D. 341
Sulu March 10, 1917 R.A. 2711
Tawi-Tawi September 27, 1973 P.D. 302
Basilan December 27, 1973 P.D. 356
Marawi June 16, 1956 R.A. 15
MGA PROBINSIYA:
MAGUINDANAO
Ang probinsiyang ito ay nalikha ng hatiin ang Cotabato. Kasabay sa pagkakalikha
ng Maguindanao ang probinsiya ng Hilagang Cotabato at Sultan Kudarat noong ika-22 ng
Nobyembre, 1973. Taong 1989 naman nang mapasama ito sa nasasakupan ng ARMM.
Malapit ang Maguindanao sa hilagang bahagi ng Lanao del Sur, sa silangang Cotabato,
golpo ng Moro sa kanluran at Sultan Kudart naman sa timog. Ang kapatagang lupain ng
lalawigan ng Maguindanao ay may lawak na humigit kumulang sa 5,474.1 kilometrong
parisukat na katumbas ng lawak ng lupain ng Pilipinas. Matatagpuan ditto ang Polloc
Port, isa sa mga pinakamakabagong daungan sa Mindanao. May dalawampu’t dalawang
munisipalidad ang Maguindanao, isang siyudad at 488 na mga barangay. Ang kabisera ng
probinsiya ay Shariff Aguak. Walo sa mga munisipalidad ng lalawigan ay may mababang
lupain kaya tinagurian itong “Maguindanao Basin”. Ang mga munisipalidad ng
Maguindanao ay Ampatuan, Buluan, Datu Abdullah Sangki, Datu Anggal Midtimbang,
Datu Paglas, Datu Piang, Datu Saudi-Ampatuan, Datu Unsay, Gen S.K. Pendatun,
Guindulungan, Mamasapano, Mangudadatu, Pagagawan,Pagalungan, Paglat, Pandag,
Rajah Buayan, Shariff Aguak, South Upi, Lambayong, Talayan, at Talitay.
Batay sa pananaliksik, ang ibig sabihin ng Maguindanao ay “kindred settled in the
country about the lake”. Ito raw ay galing sa Mag (akin ito), Ingud (bansa) at Danao
(lawa).
Si Shariff Kabungsuwan ng Jahore ang nagpakilala sa buong kapuluan ng
paniniwalang islam noong ika-15 siglo. Siya ay nakapag-asawa ng isang prinsesa at noon
nagsimula ang paniniarahan ng mga Sultan sa Maguindanao. Ang lambak ng Cotabato ay
nakuha rin nila para pamunuan hanggang sa sila ay makarating sa Zamboanga,
Saranggani bay at Davao. Ang mga kastila ay nagtangka ring lumunsad at manakop sa
lugar na iyon subalit sila ay nabigo.
Ang mga Muslim na naninirahan sa Maguindanao ay tatlong uri: ang mga
Tiruray, Tiboli at mga Manobo. Ang mga Tiruray ay mapamahiin na siyang nagiging
dahilan ng kanilang mabagal na pag-unlad. Naniniwala sila na ang taong walang bisyo ay
pinarurusahan sa iba’t ibang pamamaraan. Maaari silang makagat ng aso o ahas, mahulog
sa bangin, mabagsakan ng nabuwal na punong kahoy, makatapak ng tinik o kaya ay basta
na lamang mamatay nang walang dahilan o maaari ring tamaan ng kidlat. Tinatawag nila
ang paniniwalang ito na bengkulen. Ayon pa rin sa kanila, ang isang dalaga ay hindi
dapat na umawit o kumanta samantalang nagluluto sapagkat siya ay makapag-aasawa ng
matandang balo. Para sa kanila masama ang pagkakaroon ng malaking bahay ng langgam
sa harap ng bahay. Kamalasan daw ang dala nito sa buong pamilya kaya’t dapat nilang
iwan ang lugar at kung di sila aalis doon ay magagalit ang mga espiritu kaya ang lahat sa
pamilya ay magkakasakit. Titigil lamang ang pagkakasakit kung may isang mamatay sa
pamilya.
Sa paniniwala pa rin nila, ang huni ng uwak sa gabi ay babala ng masamang
pangitain na may mamatay sa pamilya kaya ng akung sila ay makaririnig ng huni ng
uwak sa gabi, ang ama o ina ay kukuha ng isang puso ng mais at lalapit sa abuhan o kalan
at magsasabi ng: “ito ay para sa iyo, itatanim ko rito upang ikaw at ang mga kasama mo
ay hindi magutom.”
Ang isa pang pangkat ng mga Muslim sa Maguindanao ay ang mga Tiboli. Sila ay
naniniwala sa mabubuti at masasamang espiritu na pinagmumulan ng sakit, pagkaloko at
kamatayan. Ang kanilang mga tahanan ay yari sa nipa at kawayan na ang atip na
nakatikwas sa dalawang panig katulad ng bangkang papel na laruan ng mga bata. Iisa
lamang ang kanilang silid-tulugan, walang upuan, hapag at higaan. May mga nakabitin na
basket na sisidlan ng mga damit at bigas. Ang kanilang abuhan o kalan ay lagging may
apoy lalo na kung gabi sapagkat malamig.
Ang mga lalaki ay nagtatanim o nagsasaka samantalang ang mga babae ang
naiiwan sa bahay upang mag-alaga ng mga bata, humabi at gumawa ng iba pang gawaing
tulad ng mga kuwintas. Sa kanila ang pagtatrabaho ay tulung-tulong at pangkat-pangkat
at itinuturing na seremonya sa pamumuhay ng mga Tiboli.
Ang mga Manobo ng Maguindanao ay magagaling na mga panday. Mahuhusay
rin silang gumawa ng mga palayok. Mga tahimik sila subalit masayahin, masisipag at
may matitipunong pangangatawan. Kilala sila sa pagiging mapamaraan at sa mabuting
pagtanggap ng mga panauhin. Sila ay may mga tato na simbulo ng kanilang tribu. Sila
raw ay hindi naglilibing ng mga patay o bangkay. Ang kanilang bangkay ay inilalagay
nila sa biniyak na torso at ikinokola ng goma upang magtagal at huwag mangamoy. Ang
bangkay ay inaabot ng may dalawampung taon. Ang mga kabaong ng mga bata ay
ibinibitin sa haligi ng bahay at kung minsan ay gingawang unan samantalang ang mga
kabaong ng mga matatanda ay inilalagay sa bungad ng bahay kaya madaling makita ng
mga pumapanhik na mga panauhin. Kung sila ay lumilipat ng tirahan, ang mga ito ay
kanilang dinadala.
Ang pananamit ng mga Muslim sa MAguindanao ay tulad na rin ng mga
Maranao. Matitingkad ang kulay ng kanilang mga malong. Ang iba sa kanila ay
marunong na ring manumit tulad ng mga kababauhan sa kanluran na nagkakaroon na ng
impluwensiya ng mga taga-kanluran.
May batas pangkagandahang-asal silang sinusunod na kung tawagin nila ay
Luwaran. Isa sa pinagtutuunan at binibigyang-pansin sa probisyon ng batas na ito ay ang
panghihiram at pagkawala ng mga bagay an hiniram. Sa kanila ano mang bagay na
hiniram ay kailangang isauli agad at kung sakaling hindi ito maisauli, ito ay
ipinagpapalagay na ninakaw. Ang sinumang hindi magsauli ng hiniram ay dapat na
maparusahan.
Lubhang mahalaga sa mga muslim ng Maguindanao ang pangako at
panunumpa. Ang sinumang hindi tumupad sa pangako o panunumpang binibitiwan ay
magbibigay o maglalagay sa kanya sa panganib. Sa kanila ang kasunduan ng mga
magulang sa pag-aasawa ay karaniwan. Naniniwala sila na ang ganitong uri ng pag-
aasawa ang siyang nagiging maligaya, matagumpay at may matibay na pundasyon upang
tumagal ang relasyon ng mag-asawa.
Ipinagmamalaki ng Maguindanao ang magagansa nitong “beaches” tulad ng
Dinaig beach, Tapian beach, Buel beach, Linic beach, Kusyong beach at Dimpatoy
beach. Matatagpuan din dito ang rehiyunal na museo, Shariff Kabunsuan Cultural
Center, Cotabato City hall, simbahan ng Tamontoka na itinayo noong 1872 ng mga
Kastila at iba pang mga atraksyon para sa mga turista.
Bisaya ang tawag sa mga taong naninirahan dito na nagsasalita bg Bisayang
Ilonggo, Bisayang Cebuano at Maguindanao. Ang pangunahing ikinabubuhay at
pinagkakakitaan ng mga tao rito ang pagsasaka, pangingisda, pagtotroso at
paghahayupan. Ang industriya ng pagtotroso ay matatagpuan sa mga bayan ng Buldon at
Upi sa Timog.
Ang ‘takik’ ay isang sayaw ng mga tribu sa Maguindanao. Isa itong sayaw
pangkasal an kung saan ang ibinibigay ng babae ang kanyang ‘shawl’ sa kanyang
manliligaw. Ang pagbibigay ay ginagawa sa paraang pasayaw sa saliw ng musika at
paghampas ng ‘gong’. Ang sayaw ay ginagawa kung ang dalawang nag-iibigan ay
malapit ng ikasal.
SULU:
Ang Sulu ay nasa pagitan ng Basilan at Tawi-Tawi sa dakong timog ng
Mindanao. Ito ay napapaligiran ng dagat ng Sulu pahilaga at kanluran. Ang dagat naman
ng Mindanao sa silagan at dagat ng Celebes sa timog.
Jolo ang kabisera ng Sulu. Ang lupain nito ay may sukat na humigit kumulang sa
1,600.4 kilometrong parisukat, binubuo ng ng labimsiyam na munisipalidad: ang Hadji
Panglima Tahil, Indanan, Jolo, Kalingalan Caluang, Lugus, Luuk, Maimbung, Old
Panamao, Omar, Pandami, Panglima Estino, Pangutaran, Parang, Pata, Patikul, Siasi,
Talipao, Tapul at Tongkil.
Ang mga grupong etnikong naninirahan dito ay ang mga Tausog, Samal at mga
Badjao.
Ang mga muslim na nainirahan sa Jolo ay mga Tausug. Sila ang grupo ng mga
Muslim na naging makapangyarihan sa loob ng maraming panahon sapagkat sila ay
matatapang. Nakikipagkalakalan sila sa Borneo, Sumatra, Java at pati na sa China at
Japan bago pa man dumating sa Pilipinas ang mga Kastila. Ang ibig sabihin ng Tausug
ay “treacherous waters” o mapanganib na tubig. Ibinigay daw sa kanila ang katawagang
ito dahil sa ang kanilang lupain ay lumulutang sa tubig. Tinatawag rin ang mga Tausug
na ‘people of the current’ dahil ang uri ng kanilang pamumuhay ay malapit sa dagat.
Ang mga bahay ng mga Tausug ay yari sa mga local na materyales. Kahoy mula
sa punong Joti ang ginagamit nilang poste o haligi ng kanilang mga bahay at dahon ng
Sani ang ginagamit na dingding at Digpi, balat ng isang natatanging kahoy ang ginagamit
sa pagkakabit ng dingding sa mga poste. Malalaki ang tahanan ng mga Tausug subalit ito
ay walang dibisyon. Karaniwan nang may balkonahe sa harap. Ang kusina ay
nakahiwalay sa kabahayan upang hindi pumasok ang usok sa loob ng kabahayan. May
paniniwala sila na ang hagdan ng bahay ay dapat nakaharap sa sikatan ng araw upang
umaga pa lamang ay pumasok na ang swerte sa bahay.
Ang pananamit ng mga lalaking Tausug ay mahigpit na pantaloon at ‘shirt’ sa
itaas. Naglalagay sila ng ‘sash’ sa baywang at nagsusuot sila ng turban. Ang mga babaing
Tausug ay nagsusuot ng mga sarong tulad ng mga Malay. Gumagamit sila ng mga ‘brass’
na maaaring nakakabit sa kanilang mga blusa o kaya ay kuwintas o mga ‘bracelet’.
Ang pag-aasawa ng mga Tausug ay usapang magulang. Ang isang dalaga at
binata ay maaaring magkapangasawahan kahit hindi sila gaanong magkakilala.
Nagbibigay ng ‘dowry’ ang magulang ng lalaki sa pamilya ng dalaga-maaaring lupain,
pera, mga ani at iba pang bagay na maibibigay nila. Mahalaga sa mga tausug ang
katapatan nila. Mabuti silang kaibigan subalit masamang kaaway.
May kakaibang kaugalian ang mga Tausug sa paglilibing ng kanilang mga patay.
Pinaliliguan nila ang bangkay bago gaganapin ang isang seremonyang ang pinakatampok
na bahagi ay ang pagbabasa ng mga banal na teksto sa Koran, bibliya ng mga Muslim.
Naniniwala sila na ang awit mula sa Koran ay nagpapagaan sa kaluluwa ng namatay.
Ang mga Muslim ay madasalin. Sa umagang-umaga pa lang ay naliligo na sila sa
ilog bilang paghahanda sa gagawing pagdarasal sa Mosque. Pagkatapos ng pagdarasal sa
Mosque, magsisimula sila sa kanilang mga gawain tulad ng pagbubungkal ng lupa,
pangingisda at pagtitinda sa mga palengke. Nagdarasal uli sa tanghali, sa ikatlo ng hapon,
sa dapit-hapon at bago matulog sa gabi.
Sa islang matatagpuan sa pagitan ng Sulu at Zamboanga ay naninirahan naman
ang mga Samal, isa pang uri ng mga muslim sa Sulu. Sila ay mahuhusay sa paggawa ng
mga vinta at iba pang sasakyang-dagat. Magagalang sila at matatapang na mandaragat.
Mga Badjao naman ang mga Muslim na naninirahan sa Timog Sulu.
Makasaysayan ang Jolo, Sulu, dito matatagpuan ang ‘Four Gates’ na nagsisilbing ‘Watch
Towers’ at ‘General Mounds’ na ginawang libingan ng mga sundalong Kastila at
Amerikano na pinatay ng mga gererong Muslim. Narito rin ang American Cavalry
Monument na magpahanggang ngayo’y nag-iisang Museo sa Sulu.
Maipagmamalaki sa mga turista ang ‘Pearl Farm’, Maubo Beach, tandu Beach,
Tadjung Beach, Tulya Mosque, at iba pang magagandang tanawin.
TAWI-TAWI:
Ang Tawi-Tawi ay nasa Timog-kanluran ng Mindanao. Sa kabila ng karagatan ay
bansang Sabah sa silangan Malaysia. Ang Tawi-Tawi ay nasa nasasakupan ng Sulu Sea
pahilaga at kanluran gayon din ang Celebes Sea pasilangan at timog.
Ang lalawigan ay binubuo ng tatlong grupo ng malalaki at maliliit na isla na may
kabuuang bilang na 107. Ito ay may sampung munisipalidad-Bongao, Languyan, Mapun,
Sapa-Sapa, Sibutu, Simunul, Sitangkai, South Ubian, Tandubas, Turtle Island. Mayroon
itong 203 na mga barangay.
Ang Tawi-Tawi ay binubuo ng kapatagan, bulubundukin at luntiang kagubatan.
Ang maliliit na pulo ay napapaligiran ng mga malalaking batong-dagat. Ang Bongao na
siyang kabisera nito ay may malalim na daungan.
Ang lupain ay may sukat na humigit kumulang sa 1,807 kilometrong parisukat.
Ang kapitolyo ng probinsiya ay Bongao.
Ang salitang Tawi-Tawi ay nanggaling daw sa salitang “Jaui” na ang ibig sabihin
ay “Far” o malayo. Ang mga sinaunang manlalakbay ay paulit-ulit na sinasabing “Jaui-
Jaui” na ang ibig ay “Very far” o malayung-malayo.
Isang misyonerong Arabe, si Sheil Karimul makdum ang nagpakilala ng Islam sa
probinsiya noong 1380. maraming mga Arabe ang nagsisunod sa yapak ni makdum ang
nagpunta sa Sulu sa pamamagitan ng pakikipag-kaibigan sa mga katutubo.
Noong ika-15 siglo, ang Sulu ay nagsimula sa sistemang Sultanatong Muslim
base sa Jolo sa panunungkulan ni Rajah Baguinda. Noong 1450 aydumating ditto si
Sayyid Abubakar, mas kilala sa tawag na Shariff Ul-hashim at napangasawa niya si
Paramisuli, anak na dalaga ni Baguinda at doon nagsimula ang Islam bilang relihiyon
nang siya ang namuno sa Sulu.
Ang pananakop ng mga Kastila ay nagbigay ng pagbabago sa mga katutubo.
Nagkaroon din ng mga pagbabago sa pananakop ng mga Amerikano at iyon ay nangyari
lamang matapos ang napakaraming madugong pakikidigma. Noong 1915, ang mga
Sultan ay nagbalik sa dati nilang simpleng pamumuhay. Doon nagsimulang pawalan ng
bisa ang panunungkulan ng mga Sultan. Noong 1960’s ibinalik sa kapangyarihan ang
mga Sultan sa Sulu n gating pamahalaan at naghain na maangkin ang Sabah na inupahan
ni Sultan Jamalul Alam sa mga British noong 1878.
Ang Tawi-Tawi ay humiwalay sa Sulu noong Setyembre 11, 1973 sa
kapangyarihan ng Presidential Decree No.302. Sa ngayon ang tawi-Tawi ay bahagi na ng
Autonomous Region ng Muslim Mindanao.
Halos karamihan ng 90% na naninirahan ditto ay mga Muslim. Ilan dito ay mga
Badjao, Jam-Mapun at Tausug. Ang mga Samal ang kauna-unahang naninirahan dito.
Ang kahulugan ng salitang Badjao ay mangingisda. Ang kanilang pamumuhay ay
hindi mahihiwalay sa tubig kaya sila’y binansagan na “Sea Gypsy”. Palibut-libot sila sa
dagat kung saan dito sila kumukuha ng kanilang ikinabubuhay. Ang tirahan ng mga
Badjao ay nasa Tapul Group sa Sulu, ang iba’y nasa Celebes Sea, Borneo at mga isla sa
Tawi-Tawi, Sibutu at Sitangkai. Ang kanilang mga ninuno ay galing sa Jahore. Bagama’t
kung sila ay naninirahan sa karagatan, kung sila ay namamatay, sila ay inililibing din sa
lupa.
Ang mga katutubong Jama-Mapun ng Cagayan de Tawi-Tawi ay isa sa mga
unang nanirahan dito. Ang kanilang hanapbuhay ay pangingisda at pagsasaka. Sila ay
kumikilala sa mga paniniwala’t ritwal ng mga Muslim. Ang kanilang seremonya sa
pagpapakasal ay buong gabing awitan at sayawan na tinatawag nilang Lunsay.
Ang mga Tausug na naninirahan dito ay nagmula sa Malayan at Indonesian stock.
Kinikilala itong pinakamatapang na tribu at hindi naipalam sa sinong conquistadores sa
loob ng 300 taon. Sila ay naging Muslim noong ika-13 dantaon dahil sa mga
misyonerong taga-Arabia. Nakikipagkalakalan sila sa Borneo at marunong magsalita ng
Bahasa Malayo. Sila ay nabubuhay sa pangingisda, pagtatanim ng palay at mga bungang
kahoy tulad ng langka, manggosteen, durian, lanzones, madangs at mangga. Kumikita rin
sila sa paninisid ng mga perlas sa karagatan.
Ang mga atraksiyong maipagmamalaki ng Tawi-TAwi ay ang Sibuter island,
Qurong reef, Bongao peak, Tubig indangan, Musa island, Tabing-tabing beach, at
Mosque sa Simunul.
LANAO DEL SUR:
Ang Lanao del Sur ay matatagpuan sa kanlurang bahagi ng malawak na kapatagan
ng Hilagang Sentrral Mindanao. Ang lalawigan ay may hangganang nasa hilagang-
kanluran ng Lanao del Norte sa silangan ng kapatagang lalawigan ng Bukidnon, sa
timog-kanluran ng Maguindanao at Hilagang Cotabato at sa timog-kanluran ng Illana
bay.
Sa kalagitnaan ng lalawigan ng Lanao del Sur ay matatagpuan ang Lawa ng
Lanao, ang pinaka-malaking lawa sa Mindanao at ang pangalawang pinakamalaki sa
Pilipinas. Ang mga bundok na makikita ng nakahanay sa lalawigan o ang tinatawag na
“Mountain Ranges” ay siyang nagsisilbing likas na hangganang naghihiwalay sa Lanao
del Sur, Maguindanao at Hilagang Cotabato.
Ang lalawigan ay may malawak na lupain na humigit kumulang sa 3,872.9
kilometrong parisukat na katumbas ng 3.8% ng kabuuang lawak ng lupain ng Mindanao
at 1.3% ng kabuuang lawak ng lupain ng Pilipinas.
Ang lalawigan ay binubuo ng 37 na munisipalidad at ito ay ang mga sumusunod:
Bacolod-Kalawi, Balabagan, Balindong, Bayang, Binidayan, Buadiposo-Buntong,
Bubong, Bumbaran, Butig, Calanogas, Ditsaan-Ramain, Ganassi, Kapai, Kapatagan,
Lumba-Bayabao, Lumbaca-Unayan, Lumbatan, Lumbayanague, Madalum,
Madamba,Maguing, Malabang, Marantao, Marogong,Masiu, Mulondo, Pagayawan,
Piagapo, Poona Bayabao, Pualas, Saguiaran, Sultan Dumalondong, Picong, Tagoloan
Li,Tamparan, Taraka, Tubaran, Tugayan, Wao. May 1,155 na barangay ang Lanao del
Sur, at Marawi city ang kabisera.
Mga Maranao na nagmula sa lahi ni Rajah Indarapatra ang naninirahan dito sa
lanao del Sur. Ang ibig sabihin ng Maranao ay “tao ng lawa”. Ang salitang ugat na Ranao
ay nangangahulugan ng lawa. Ang dayalektong sinasalita ng mga Maranao ay tinatawag
ding Maranao.
Ang Lanao del Sur ay madalas na dalawin ng lindol kung kaya’t ang mga bahay
dito ay hindi nakabaon sa lupa ang mga haligi. Ang haligi ng mga tahanan ay yari sa
malalaking troso na nakasalalay sa malalaking batumbahay kaya nakalutang at ano mang
oras ay maaaring igulong sakaling may lindol na dumaan. Ang kanilang malalaking
bahay ay nahahti sa mga silid-tulugan at bawat silid-tulugan ay akupado ng isang
pamilya. Ang silid-tulugan ay nagsisilbi na ring silid-kainan. Ang kanilang habihan ay
narito na rin at ito na rin ang nagsisilbing tanggapan ng mga bisita o panauhin. Sila ay
mayroon ding Antique Royal House na kung tawagin niya ay Torogan. Ito ay may mataas
na bubong na sinusuportahan ng dalawang malalaking troso na nagsisilbing haligi.
Karaniwan na ang Torogan ay walang dibisyon dahil para sa kanila ang pangunahing
gamit nito ay lugar na pagtitipun-tipon tulad ng pagdaraos ng salu-salo kung may
nagdaraos ng kaarawan o kasalan at iba pang uri ng kasayahan. Ang bubong ng Torogan
ay napapalamutian ng mga lilok (carvings) na kung tawagin nila ay Okir. Kung titingnan
sa malayo ang Torogan, ito ay mistulang barko. Sa malalaking bahay ng mga Maranao ay
karaniwang magkakaroon ng mga karagdagang kwarto na tinatawag nilang lamin, bilik o
gibon. Dito naman naninirahan ang mga kababaihang wala pang asawa. Ang bilik o
gihon ay maaaring nasa ibabaw o gilid ng Torogan.
Ang kanilang pananampalataya ay Islam, bagamat naimpluwensiyahan na rin sila
ng Kristiyanismo. Ang mga Maranao ang pinakamalaking grupo ng mga Islam dito sa
Pilipinas. Sa ngayon marami na rin sa kanila ang nagsasalita ng Cebuano, tagalong,
Arabic at Ingles.
Ang mga kababaihang Maranao ay makikilala sa suot nilang mga malong. Ito ay
parang isang sako na kasuotang isinusuot mula ula hanggang sakong. Ang malong ay
maraming gamit. Bukod sa maaari itong gawing palda, bestida o blusa at gown, ang
malong ay nagagamit ding duyan ng mga sanggol at banig. Ang kombong naman ay
isang telang may isang metro ang haba na nakasuklob sa ulo ng mga kababaihang
Maranao na hindi pa naiimpluwensiyahan ng mga kultura ng mga taga-kanluran. Ang
mga kalalakihang Maranao ay gumagamit ng Kopia (sombrero) at tubao. Ang tubao ay
ginagamit ng mga lalaking nagsasagawa ng hadji (paglalakbay patungong Mecca).
Gumagamit din sila ng ‘sash’ na itinatali sa kanilang baywang na may katernong turban.
Kilala ang mga maranao sa pagsasaka at sa kahusayan nila sa paggawa ng mga
gong, kulintang at plorera na yari sa brass.
Ang impluwensiya ng mga Hindus at pananampalatayang Islam ay nababaks sa
mga lilok na makikita sa mga medya-agua ng kanilang mga tahanan at sa arko ng
kanilang vinta. Ang sarimanok ay impluwensiya rin ng mga Hindu sa kanilang kultura.
Ang mga Maranao ay mapamahiin. Naniniwala sila sa kapangyarihan ng anting-
anting. Ang mga bagay na isinusuot nila sa kanilang leeg at ang mga inilalagay nila sa
kanilang mga braso at binti ay pinaniniwalaan nilang nagdadala sa kanila ng swerte sa
pang-araw-araw nilang pamumuhay.
Mahirap ligawan ang isang dalagang Maranao. Ang binatang manliligaw ay
kailnangang ang pinakamasipag at matiyaga sa kanilang lugar. Kailangan magkaroon ng
tulay (mediator) na siyang mag-uugnay sa mga magulang ng dalaga at magulang ng
binata. Ang medyeytor ang magsasabi sa magulang ng dalaga ng pagnanais ng binata na
makasal sa kanilang anak. Ang magulang ng dalaga ay hihingi ng dote o ‘dowry’ sa
binata at pagkatapos na mapagkasunduan ang mga bagay-bagay ay saka idinaraos ang
masaya at mala-fiestang kasalan ng dalaga at binata.
Para sa mga Maranao, ang pagpapakasal ay isang kabanalan. Naniniwala sila na
ang nagpapakasal ay yumayaman at nagiging makapangyarihan sapagkat pinagpapala.
Sa tradisyunal na pamilya ng mga Maranaao, ang ama ang siyang nangangalaga
sa pamilya upang manatili itong buo. Ang nanay naman ang siyang namamahala sa
tahanan. Sa kanya rin nakaatang ang pagtuturo ng kagandahang-asal sa kanyang mga
anak kaya kung anong asal ang nakikita sa mga anak ay laging naiiugnay ito sa inang
nagpalaki.
Ang Adat ay isang batas pangkaugalian na tumutulong sa paghutok ng pagkatao
ng mga Maranao. Ito ay isang batas na pinagtibay batay sa “Islamic Code”. Ang
pagpapataw ng mga multa at iba pang legal na pagbabawal ay saklaw naman ng korte ng
Agama na pinamamatnugutan ng mga Sultan. Ang korteng ito ang naghahatol sa mga
kasong sibil at kriminal.
Ang mga Maranao ay may isang tradisyunal na paraan sa paghuli ng mga
magnanakaw. Halimbawa, sa isang bahay ay may nawalang isang bagay, ang unang
gagawin ng nawalan ay tatawag ng isang paririmar o isang ‘wiseman’. Ang taong ito ay
lagging may dalang librong tinatawag na rimaran. Respetado ng mga Maranao ang mga
paririmar. Ang isa pa nilang paraan ng panghuhuli ng magnanakaw ay sa pamamagitan
ng paghuhulog ng isang barya (coin) sa isang kalderong may kumukulong tubig. Ang
lahat ng mga suspek ay inaatasang ilubog ang kanilang kamay sa kumukulong tubig
upang kunin ang barya. Kung sino ang tatangging gumawa nito, siya ang sinasabing
magnanakaw at pipiliting magsauli ng ninakaw na gamit. Sa iba naman, itlog ang
kanilang ginagamit upang parusahan ang magnanakaw. Kung may nawawalang bagay,
ang may-ari ng bagay na nawawala ay kukuha ng itlog at bibigkas ng bulong habang
iniinit ang itlog. Kapag nabasag ang itlog ay pinaniniwalaang mabubulag ang
magnanakaw. Sa ngayon ay bihira na ang gumagawa ng kaparusahang ito sapagkat
napagtanto rin nila na masyadong malupit ang kaparusahang ito.
Kung sila ay namamatayan, ang bawat bahay sa buong nayon ay nagtatali sa
hagdan ng bandilang puti. Sila ay hindi gumagamit ng kabaong pagkat ayon sa kanilang
paniniwala ang tao ay isinilang ng hubad kaya’t dapat lang kung siya ay pumanaw ay
walang kasamang anuman ang katawan.
Ipinagmamalaki ng Lanao del Su rang Aga Khan Museum na katatagpuan ng
koleksyon ng malalaking ‘indegenous arts’ mga tugtuging etniko, mga sayaw at mga
katutubong kagamitan at mga armas. Ang lahat ng mga ito ay makikita sa Main Campus
ng Mindanao State University sa Lanao del Sur.
SHARIFF KABUNSUAN:
Kamakailan lamang, sa bisa ng Muslim Mindanao Autonomy Act No. 201,
nasama ang probinsiya ng Shariff kabunsuan sa nasasakupan ng Autonomous Region of
Muslim Mindanao. Ito ay may labing-isang munisipalidad na kinabibilangan ng mga
sumusunod- Barira, Buldon, Matanog, Parang, Sultan Mastura, Sultan Kudarat, Datu
Blah Sinsuat, Datu Odin Sinsuat, Kabuntalan, Northern Kabuntalan, Upi. Sa
pagkakalikha ng Shariff Kabunsuan, ika-walumpu itong probinsiya sa Pilipinas at ika-
anim naman para sa ARMM. Ito ang pinaka-unang probinsiyang nalikha ng hindi
sumasailalim sa kongreso ngunit sa pagpapatupad sa nasasakupang kapangyarihan ng
Republic Act No. 9054 o ng Expanded ARMM law. Nabuo ang Shariff Kabunsuan noong
Oktubre 29, 2006 sa pagratipika nito sa pamamagitan ng botohan. 285,372 ang sang-ayon
(mayorya) at 8,802 ang di naman sang-ayon sa naganap na botohan sa plebisito.
Ang probinsiya ng Shariff Kabunsuan ay ipinangalan mula kay Shariff
Mohammad Kabungsuwan, isang Arabong- Malay na nagpalaganap ng Islam sa gitnang
Mindanao noong ika-15 siglo.
Datu Odin Sinsuat ang kapitolyo ng probinsiyang ito. Binubuo ito ng 209 na
barangay at isang kongresyunal na distrito. Iranon at Maguindanao ang wikang sinasalita
dito.
BASILAN:
Ang siyudad ng Isabela ang kapitolyo ng probinsiya ng Basilan. Ang Basilan ay
matatagpuan sa katimugang baybayain ng peninsula ng Zamboanga. Ang Basilan ang
pinakamalaki at nasa pinakahilaga sa mga isla ng archipelago ng Sulu. Nasa pagitan ito
ng malaking isla ng Mindanao at ng Borneo na binubuo ng 400 isla. Ang Basilan
lamang ang kaisa-isang probinsiya sa ARMM na hindi kasama sa sampung
pinakamahirap na probinsiya sa buong bansa.
Sinasabing ang pangalan ng Basilan ay nagmula sa salitang “Bantilan” (lugar), na
sa kalaunan ay naging Basilan dahil sa maling pagbigkas ng mga dayuhan lalo na ng mga
kastila. Sagana rin ang Basilan sa mga iron ores na sa salitang tausug ay ‘basih’, kaya
naman nabansagan ang probinsiya na ‘Basilan’ dahil ito yung lugar na dapat puntahan
kung maghahanap ng mineral na ito. May mga nagsasabi rin na ipinangalan ito sa isang
datu na nagngangalang Datu Bantilan ang ikadalawampung sultan ng Sulu na nagpatayo
ng isang naval base sa timog-kanlurang bahagi ng isla.
Tatlong grupo na may pinakamalalaking impluwensiya sa probinsiya ay ang mga
Yakan, Tausug at mga Chavacano. Ang mga Yakan at Tausug ay mga Muslim
samantalang ang mga Chavacano naman ay mga Kristiyano. Ang mga iba pang grupo na
matatagpuan sa probinsiyang ito ay ang mga Bisaya, Samal Bangingi, Ilokano, Ilonggo at
mga Maranao. Halos lahat ng mga resident eng lugar ay nagsasalita sa wikang
Chavacano, sunod na pinakakilala at maraming nagsasalita ay sa wikang Tausug, lalo na
sa mga lugar na karamihan ng naninirahan ay Muslim. Sunod na maraming gumagamit
ay ang wikang Bisaya, sunod ay Yakan at maliit na porsiyento lamang ang nagsasalita ng
Samal Bangingi.
Agrikultura ang pangunahing pinagkakakitaan ng mga taong nakatira sa
probinsiyang ito. Ang mga pangunahin nilang produkto ay niyog, kopra, goma, kape,
paminta, palay, mais, cacao at cassava. Marami ring yamang dagat na makikita dito.