katutubong pamahiin

Download Katutubong Pamahiin

If you can't read please download the document

Upload: gelai-ramones

Post on 14-Oct-2015

558 views

Category:

Documents


32 download

DESCRIPTION

Noon at ngayon, wika ng pamahiin maiinit na usapin

TRANSCRIPT

ALVAREZ, MARJORIE L

ALVAREZ, MARJORIE L.

RAMONES, GERALINE MAE Z.

UDQUIN, LAVIA CELINE R.

I. TITULO

Noon at ngayon, wika ng pamahiin maiinit na usapinII. THESIS STATEMENT

Sa pagbabago at pagdaan ng panahon, nananatili pa rin sa kultura natin ang mga pamahiing Pilipino.

III. RASYUNAL

Likas na mayabong ang kulturang Pilipino noon pa man. Bahagi na ng pamumuhay nating mga Pilipino ang pagkakaroon ng mga paniniwala tulad sa mga pamahiin. Ngunit ano nga ba ang mga pamahiin? Ayon kay Lorenzo (2005), ang mga pamahiin ay pamana sa atin n gating mga ninunong Ita na siyang kauna-unahang nanirahan dito sa Pilipinas, naniniwala an gating mga ninuno na ang mga pamahiin ang nagsilbing kalasa nila upang labanan ang pwersa ng kalikasan sa ano mang hindi mabuting pangyayari sa kanilang pang-araw-araw ng pamumuhay. Mula sa depinisyong ito, masasabing ipinasa mula sa henerasyon patungo sa bago ang mga pamahiin. Kung ating iispan, wala talagang basehan o katotohanan kung paano at bakit nagsimula ang mga pamahiin. Dahil ipinasa sa atin ito, patuloy na natin itong pinaniniwalaan. Bagkus, walang siyentipikong basehan ang mga pamahiin, naging parte na ng aspeto ng katauhan natin ang sumunod sa mga pamahiing ito. Makhang may edad na ang wika ng pamahiin sa ating kultura. Ngunit ganoon pa man, hindi mamatay matay ang mga ito dahil sabi nga nila, wala naman masama at mawawala kung sundin ang mga ito. Maibibigay lagom na ang mga pamahiin ay nagmula sa mga Ita, sa mga Kastila, Intsik at Hapones, sa kadahilanang ito ang mga bansang sumakop sa ating bansa.

Nagpasya ang grupo na magkaroon ng pag-aaral ukol sa mga pamahiin sa Pilipinas dahil kahit na katutubo na ang mga ito, ito ay nauuso pa rin. Ang mga pamahiin ay sinusunod sapagkat ito at simbolo na ng pagkaPilipino at bilang galang sa mga nagpamana sa atin. Tayo ang magpapasya kung papahalagahan natin ito. Marapat na tandaan na bahagi na ito ng kulturang kayumanggi. Sa bawat pagkilos ni Juan De La Cruz sa kaniyang pamumuhay araw-araw, nagging saligan na niya ang pagkakaroon ng paniniwala sa mga pamahiin. Sa paglipas ng panahon, maaring nahati-hati na ang mga pamahiin na ito sa ibat ibang kategorya (Co, Justiniano, Manapat, et.al, 2009). Sa pagkakalap ng mga datos, pumili ng nangungunang limang pamahiin ang grupo. Ang nangungunang mga pamahiin ay ang mga sumusunod:

IV. LAYUNIN

Isinagawa ang pag-aaral na ito upang:

malaman ang opinion ng mga kabataan ukol sa pagsunod sa mga pamahiin. bigyang-linaw ang ibat ibang dahilan sa likod ng pagsunod sa mga pamahiin.

mapatunayan kung sadyang laganap pa rin ang pamahiin sa panahon ngayon.

bigyang-diin o pokus ang mga nakagisnang at nakagawiang pamahiin.

bigyang realisasyon kung nararapat pa bang sundin ang mga ito o hindi.

V. METODOLOHIYA

Maisasagawa ang pag-aaral na ito sa pamamagitan ng:

pagpili ng mga nangungunang limang pamahiin na pinaniniwalaan ng mga Pilipino.

paghahanap ng mga limbag na artikulo at babasahin sa internet at silid-aklatan.

pagbisita sa ilang mga lugar upang mangalap ng mga datos tungkol sa mga pamahiin.

magkaroon ng mga panayam sa mga piling tao.

VI. SANGGUNIAN

http://www.seasie.niu.edu/Tagalog/New_Intermediate_Tagalog/Reading_Lessons/LESSONS/Katutubong_pamahiin.htmhttp://alingbaby.wordpress.com/2008/07/22/naniniwala_ka_ba_dito/http://www.varsitarian.net/filipino/mensahe_ng_pamahiin

Silverio, J.F. (1997). 1001 Katutubong Pamahiin. Philippines: M & L Lidicure Enterprise.

Lorenzo, C. S. (2005). Ugat Ng Panitikang Pilipino. Mandaluyong City: National Bookstore.Co, N.G., Justiniano A.F., Manapat, B. J., Quisay, I.M., & Veneracion, A.O. Ang Mga Laging Sabi Nila Lolot Lola: Isang Pag-aaral Tungkol Sa Mga Pamahiin sa Pilipinas.