komunikasyon

Upload: kitkat-ayala

Post on 09-Mar-2016

23 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

Komunikasyon

TRANSCRIPT

Ang wika ay hindi midyum lmang ng komunikasyon. Ang wika ay ang nilalamn nitang karunungang ipinahahayag nit.Ano ang implikasyon ng isang pagtuturo ng wika na may diin sa Diwa? Bawasan na ang mga drill at memorisasyon. Ang paglilinaw sa bawat bahagi ng pangungusap ay kailangang idugtong sa pagtalakay ng isang mahalagang dalumat o paksa pangkasalukuyan. Higit na magiging interesado ang bat sa pangngalan kung ikokonekta ito sa mga bagay na makikita sa kaniyang komunidad. Turo tyo nang turo sa ubas at mansanas e hindi tuloy alam ng mga tagalungsod kung ano ang kamatsile at guyabano. Noong minsan, tinanong ko ang mga titser ng Bulacan kung ano ang kalumpit. Lima sa kanila ang mula sa bayan ng Calumpit. Isa lang sa lima ang nakasagot na punongkahoy ang kalumpit. Lahat sil ay hindi alam kung ano ang itsura nit. Sa paglilibot ko sa buong bansa upang ipaliwanag ang exhibit na Sagisag Kultura ng NCCA, wala pa akong natagpuang estudyante na nakakikilla sa klaw. Isang tan nang pinalalaganap ng KWF ang isang Ortograpiyang Pambansa ngunit natitiyak kong kalahati sa inyo ang ni hindi nakabsa sa DepEd Memo blg 34, seryeng 2013. Dalawang tan na naming inililibot ang Sagisag Kultura ng NCCA at hinihikayat ang lahat na gamitin ang 2000 impormasyong nakapaloob sa saliksik ngunit iilan ang mga guro na nagkukusang ipasok ang mga ito sa kanilang leksiyon sa klase.Ang pagpaplanong pangwika, lalo na ang kultibasyon, ay hindi kailangang magsimula sa pagsasa-Filipino ng pagtuturo ng agham, matematika, at makabagong teknolohiya. Hindi natin mapipilit ang mga doktoradong propesor at propesyonal na gawin ito. Sa halip, kailangang mag-aruga tyo ng magiging mga bagong doktorado at propesyonal. Kailangang alagaan ang kanilang interes at imahinasyon mulang pagkabat, mulang K12, upang pagkatapos nil ng kolehiyo ay isaisip nil ang kultibasyon ng Filipino blang isang tungkuling makabayan. Sa madalng salita, kayong mga guro sa elementarya at hay-iskul ang unang tagapagmulat sa inyong mga estudyante hinggil sa kabuluhan ng kultibasyon ng ating wika. Malaki ang aking paniwala na magaganap o bibilis ang kaganapan ng kultibasyon ng wikang Filipino kung dibdibang lalahok ang ating mga guro sa pagpapalusog sa Diwa ng pagtuturong pangwika o kung ang mga guro ay maging mga uliran sa paggamit ng wikang tigib sa makabuluhang nilalaman.Sa yugtong ito, hindi dapat magtapos ang pagtataguyod natin sa Wikang Pambansa sa pamamagitan ng pagmamahal. Higit pa sa pagmamahal at pagpapamahal sa wikang Filipino, kailangang ituro natin ito blang wika ng karunungan, blang wikang magpapalusog sa imahinasyon ng bawat kabataan upang aktibong makalahok sa pambansang pagkakaisa at kaunlaran.Ferndale Homes15 Agosto 2014