krisis sa zamboanga

25
6 patay, higit 20 sugatan sa pag-atake ng MNLF sa Zamboanga City Anim na ang kumpirmadong patay sa pag-atake ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa Zamboanga City , Lunes. Nagsimula ang putukan Linggo ng gabi matapos pasukin ng mga tauhan ng MNLF ang mga Barangay Rio Hondo, Sta. Barbara at Mariki. Lunes alas-2:00 ng madaling araw, nasa 40 nakasibilyang MNLF naman ang namataan. Rumesponde ang mga pulis kaya nagkaroon ng engkwentro at anim na nagpakilalang rebelde ang naaresto. Pagsapit ng umaga, halos mapuno na ng mga pulis ang lansangan matapos mapasok na rin ng MNLF ang karatig-barangay ng Santa Catalina. Nagmistulang war zone doon at nagkalat ang sniper. Nagpalipad din ng mga helikopter ng militar para palibutan ang mga barangay na kinubkob ng MNLF. Ayon kay Mayor Maria Isabelle Climaco, batay sa pinakahuling report ng Zamboanga City Police Office (ZCPO), kabilang sa mga nasawi ang isang pulis, isang Navy personnel at apat na sibilyan. Umaabot naman sa 25 ang sugatan habang mas maraming napaulat na casualty sa panig ng MNLF. Apektado ng tensyon ang mga Brgy. Sta. Catalina, Sta. Barbara, Talon-talon at Mampang. Mga bihag Samantala, mahigit 100 ang binihag ng mga MNLF. Ayon kay Climaco batay pa rin sa ZCPO report, 87 ang bihag sa Kasanyangan, 20 sa Sta. Catalina mosque, 20 sa Talon-talon mosque at 10 sa Camacop, Sta. Barbara. May ilan pa sa SDK building sa Sta. Catalina at Fernandez store sa Lustre. Pero giit ng pulisya at militar, naiipit lang at hindi makalabas sa kanilang lugar ang mga residente. Inihayag naman ni Philippine National Police (PNP) 9 Regional Director C/Supt. Juanito Vaño sa panayam ng DZMM na hinostage ng MNLF members sa ilalim ni Malik Hibo ang ilang sibilyan at ginamit na human shield para makalapit sa city hall. Evacuation Bukod sa mga nasawi, sugatan at bihag, libo-libong residente sa Zamboanga City ang kinailangang ilikas. Ayon sa alkalde, nasa 600 evacuees mula Arena Blanco at Rio Hondo ang tumuloy sa Zamboanga Grandstand. 847 naman ang nasa Tetuan Central School at Tetuan Parish Church habang may ilan pa sa Talon-talon National High School. Klase at flights, kanselado Dahil sa kaguluhan, inanunsyo ng lokal na gobyerno na suspendido ang klase sa lahat ng antas sa Zamboanga City, Lunes. Mananatili itong kanselado ngayong Martes, pati trabaho sa opisina maliban sa mga ahensyang kasama sa frontline services. Kinansela rin ang mga flights at biyahe ng barko roon. MNLF, sinisi ang PH troops Kinumpirma naman ni Atty. Emmanuel Fontanilla, tagapagsalita ng MNLF-Nur Misuari faction, sa panayam ng DZMM na sangkot ang kanilang mga tauhan sa putukan. Layunin anya nila na "mapayapang" makapag-ikot sa lugar si Misuari para sa konsultasyon sa deklarasyon ng kasarinlan. Pero hinarass aniya sila ng mga awtoridad kaya nagkaroon ng standoff. "The other party (PH government units) has approached and harassed some group of the MNLF and unfortunately there was an encounter and these things started," sabi ni Fontanilla sa panayam ng ANC. 11 hinihinalang miyembro ng MNLF ang naaresto sa gulo. Kabilang dito si Nurin Jorge Ismael na umaming miyembro siya ng rebeldeng grupo at dating kumander sa Basilan. Sari-saring uniporme ng MNLF, mga ID at dokumento ang nakumpiska sa kanila. Galing pa umano sa iba- ibang lugar sa Mindanao at Palawan ang mga naaresto. Aksyon ng Malakanyang Kinondena naman ni Pangulong Noynoy Aquino ang pag-atake ng grupo ni Misuari sa Zamboanga City. Ayon pa kay Presidential Communications Group Secretary Sonny Coloma, hindi uubra ang isinusulong na Bangsamoro independence ng MNLF dahil ang Mindanao ay bahagi ng Pilipinas. Nilinaw naman ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na nagpapatuloy ang tripartite review process sa pagpapatupad ng 1996 peace agreement sa MNLF sa pangangasiwa ng Organization of Islamic Conference. Ipinadala na ni PNoy sa Zamboanga City si Interior and Local Government Secretary Mar Roxas kasama sina Department of National Defense (DND) Sec. Voltaire Tuvera Gazmin at AFP Chief of Staff Emmanuel Bautista para matiyak ang kaligtasan ng mga sibilyan. Paksyon ng MNLF Binatikos naman ng isang paksyon ng MNLF ang hakbang ng iba nilang ka-grupo. Ayon kay Abdul "Kong" Sahrin, secretary general ng MNLF-Sema faction, "No, we do not support this. This is about power, this independence thing may be secondary. This is about power." Nagpatupad naman ng curfew sa lungsod simula alas-8:00 Lunes ng gabi hanggang alas-5:00 ng madaling araw.

Upload: racy-rafols

Post on 22-Oct-2015

142 views

Category:

Documents


14 download

DESCRIPTION

News that are Zamboanga Crisis related.

TRANSCRIPT

Page 1: Krisis Sa Zamboanga

6 patay, higit 20 sugatan sa pag-atake ng MNLF sa Zamboanga CityAnim na ang kumpirmadong patay sa pag-atake ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa Zamboanga City, Lunes.Nagsimula ang putukan Linggo ng gabi matapos pasukin ng mga tauhan ng MNLF ang mga Barangay Rio Hondo, Sta. Barbara at Mariki. Lunes alas-2:00 ng madaling araw, nasa 40 nakasibilyang MNLF naman ang namataan. Rumesponde ang mga pulis kaya nagkaroon ng engkwentro at anim na nagpakilalang rebelde ang naaresto.Pagsapit ng umaga, halos mapuno na ng mga pulis ang lansangan matapos mapasok na rin ng MNLF ang karatig-barangay ng Santa Catalina.Nagmistulang war zone doon at nagkalat ang sniper.Nagpalipad din ng mga helikopter ng militar para palibutan ang mga barangay na kinubkob ng MNLF.Ayon kay Mayor Maria Isabelle Climaco, batay sa pinakahuling report ng Zamboanga City Police Office (ZCPO), kabilang sa mga nasawi ang isang pulis, isang Navy personnel at apat na sibilyan. Umaabot naman sa 25 ang sugatan habang mas maraming napaulat na casualty sa panig ng MNLF.Apektado ng tensyon ang mga Brgy. Sta. Catalina, Sta. Barbara, Talon-talon at Mampang.

Mga bihagSamantala, mahigit 100 ang binihag ng mga MNLF.Ayon kay Climaco batay pa rin sa ZCPO report, 87 ang bihag sa Kasanyangan, 20 sa Sta. Catalina mosque, 20 sa Talon-talon mosque at 10 sa Camacop, Sta. Barbara. May ilan pa sa SDK building sa Sta. Catalina at Fernandez store sa Lustre.Pero giit ng pulisya at militar, naiipit lang at hindi makalabas sa kanilang lugar ang mga residente.Inihayag naman ni Philippine National Police (PNP) 9 Regional Director C/Supt. Juanito Vaño sa panayam ng DZMM na hinostage ng MNLF members sa ilalim ni Malik Hibo ang ilang sibilyan at ginamit na human shield para makalapit sa city hall.

EvacuationBukod sa mga nasawi, sugatan at bihag, libo-libong residente sa Zamboanga City ang kinailangang ilikas.Ayon sa alkalde, nasa 600 evacuees mula Arena Blanco at Rio Hondo ang tumuloy sa Zamboanga Grandstand.847 naman ang nasa Tetuan Central School at Tetuan Parish Church habang may ilan pa sa Talon-talon National High School. 

Klase at flights, kanseladoDahil sa kaguluhan, inanunsyo ng lokal na gobyerno na suspendido ang klase sa lahat ng antas sa Zamboanga City, Lunes. Mananatili itong kanselado ngayong Martes, pati trabaho sa opisina maliban sa mga ahensyang kasama sa frontline services.Kinansela rin ang mga flights at biyahe ng barko roon.

MNLF, sinisi ang PH troops Kinumpirma naman ni Atty. Emmanuel Fontanilla, tagapagsalita ng MNLF-Nur Misuari faction, sa panayam ng DZMM na sangkot ang kanilang mga tauhan sa putukan.Layunin anya nila na "mapayapang" makapag-ikot sa lugar si Misuari para sa konsultasyon sa deklarasyon ng kasarinlan.Pero hinarass aniya sila ng mga awtoridad kaya nagkaroon ng standoff."The other party (PH government units) has approached and harassed some group of the MNLF and unfortunately there was an encounter and these things started," sabi ni Fontanilla sa panayam ng ANC.11 hinihinalang miyembro ng MNLF ang naaresto sa gulo.Kabilang dito si Nurin Jorge Ismael na umaming miyembro siya ng rebeldeng grupo at dating kumander sa Basilan.Sari-saring uniporme ng MNLF, mga ID at dokumento ang nakumpiska sa kanila. Galing pa umano sa iba-ibang lugar sa Mindanao at Palawan ang mga naaresto.

Aksyon ng MalakanyangKinondena naman ni Pangulong Noynoy Aquino ang pag-atake ng grupo ni Misuari sa Zamboanga City.Ayon pa kay Presidential Communications Group Secretary Sonny Coloma, hindi uubra ang isinusulong na Bangsamoro independence   ng MNLF dahil ang Mindanao ay bahagi ng Pilipinas.Nilinaw naman ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na nagpapatuloy ang tripartite review process sa pagpapatupad ng 1996 peace agreement sa MNLF sa pangangasiwa ng Organization of Islamic Conference.Ipinadala na ni PNoy sa Zamboanga City si Interior and Local Government Secretary Mar Roxas kasama sina Department of National Defense (DND) Sec. Voltaire Tuvera Gazmin at AFP Chief of Staff Emmanuel Bautista para matiyak ang kaligtasan ng mga sibilyan.

Paksyon ng MNLFBinatikos naman ng isang paksyon ng MNLF ang hakbang ng iba nilang ka-grupo.Ayon kay Abdul "Kong" Sahrin, secretary general ng MNLF-Sema faction, "No, we do not support this. This is about power, this independence thing may be secondary. This is about power."Nagpatupad naman ng curfew sa lungsod simula alas-8:00 Lunes ng gabi hanggang alas-5:00 ng madaling araw.2 patay, 4 sugatan sa pag-atake ng MNLF sa isang jeep sa Zambo City - report(UPDATE) Dalawang sibilyan na ang nasawi at apat pa ang sugatan sa pambubulabog ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa Zamboanga City.Batay ito sa impormasyong nakalap ng ABS-CBN News matapos makapanayam ang mga biktima.Pinagtataga at pinagbabaril umano ng mga rebelde ang mga biktima matapos tumangging huminto ang sinasakyan nilang jeep sa Barangay Talon-Talon.Nagpatawag na ngayon ng crisis management meeting si Zamboanga City Mayor Beng Climaco.Wala nang pasok sa lahat ng antas at sa mga opsina, pampubliko o pribado sa lungsod.Wala na ring klase sa mga eskwelahan sa Isabela City, Basilan ayon kay Mayor Cherrilyn Santos Akbar.Patuloy naman ang negosasyon ng mga awtoridad sa MNLF. Pansamantala ring humupa ang tensyon.Mga sibilyang hinostage sa Zambo City, ginamit na human shield ng MNLF - mayorNaniniwala ang alkalde ng Zamboanga City na nais ng Moro National Liberation Front (MNLF) na magdeklara ng kasarinlan nito sa kanilang 'strategic' na lungsod.Lunes ng madaling araw nang mabulabog ang lungsod ng putukan sa pagitan ng MNLF at tropa ng gobyerno na nagpalikas sa 300 residente at nagpasuspinde sa klase at pasok sa mga opisina sa lungsod.Sa panayam ng ABS-CBN News Channel, sinabi ni Zamboanga City Mayor Beng Climaco na nais ng grupo na magdeklara ng kanilang kasarinlan sa lungsod."The main goal is just simply to stage (their protest), not for them to take over the city hall. They want to hoist their flag in the city hall," ani Climaco sa pagsasabing strategic ang lokasyon ng Zamboanga City sa rehiyon.

Page 2: Krisis Sa Zamboanga

Para maisagawa ito, 20 sibilyan sa Sta. Catalina aniya ang hinostage at ginagamit nitong 'human shield'.Ani Climaco, prayoridad nila ngayon na mailigtas ang mga sibilyang bihag.Ngunit giit ng alkalde sa mga rebelde, hindi saklaw ng ARMM ang Zamboanga City.Wala rin aniyang permit o koordinasyon ang gagawing "mapayapang" protesta ng MNLF.Una nang iginiit ng MNLF, sa panayam ng DZMM sa tagapagsalita nitong si Atty. Emmanuel Fontanilla na nais ng grupo nilang mapayapang magtungo sa lugar para sa konsultasyon na pangungunahan ng founder nitong si Nur Misuari.Tinawag ito ni Climaco na "unacceptable" dahil tiyak nang gumagamit sila ng armas.Panawagan ni Climaco sa mga tao, kumalma at manatiling mapagmatyag. Ginagawa na aniya ng pulis at militar ang lahat para mapahupa ang tensyon.Mayroon nang ipinatawag na crisis management meeting si Climaco.MNLF, bumulabog sa Zamboanga CityPinasok ng mga miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) ang ilang barangay sa Zamboanga City na nauwi sa engkwentro sa mga awtoridad.Marami na ang lumikas at sinuspinde na rin ang klase sa lungsod dahil sa patuloy na bakbakan.Sa paunang ulat, isa na ang patay habang anim na ang nasugatan sa engkwentro pero patuloy pang kinukumpirma ang naturang bilang.Nagsimula ang putukan Linggo ng gabi matapos pasukin ng mga MNLF ang Barangay Rio Hondo, Sta. Barbara at Mariki. Ayon sa kagawad sa lugar, nasa 40 naka-sibilyang MNLF ang kanilang namataan kaninang alas-2:00 ng madaling araw.Rumesponde ang mga pulis pero tumangging magbaba ng armas ang grupo dahilan para mauwi sa putukan.Anim na nagpakilalang rebelde ang naaresto sa ngayon.300 indibidwal ang napilitang lumikas dahil sa putukan.Nag-abiso na ang lokal na gobyerno na suspendido na ang klase sa lahat ng antas sa Zamboanga City dahil sa patuloy na engkwentro.Kinumpirma naman ni Atty. Emmanuel Fontanilla sa panayam ng DZMM na sangkot ang kanilang mga tauhan sa putukan.Hindi pa tukoy sa ngayon ang dahilan ng engkuwentro.Tinawag nitong "very, very unfortunate" ang pangyayari dahil mayroon naman aniya silang ceasefire mechanism.Sinabi ni Fontanilla na higit 100 advance forces ni MNLF founder Nur Misuari ang mga sangkot sa barilan. Nakatakda aniyang "mapayapang" mag-ikot sa lugar si Misuari para sa konsultasyon sa deklarasyon ng kasarinlan.Ayon kay Chief Supt. John Baño, PNP-9 Regional Director, walang koordinasyon sa pulisya ang mga pumasok na grupo ng MNLF sa lugar. Sa record ni Baño, isa pa lamang ang sugatan at may casualty naman na sa panig ng MNLF.Ngunit naniniwala naman si Fontanilla na kung walang "mabibilis ang kamay sa trigger," hindi mangyayari ang putukan. Pansamantala umanong huminto ang sagupaan para sa isang negosasyon. Patuloy ang pagkalap ng detalye sa putukan na nirerespondehan na ngayon ng sundalo at mga pulis.MNLF, may hostage na mga sibilyan sa Zamboanga City - PNPWala pang kumpirmadong patay ngunit apat na miyembro na ng tropa ng gobyerno ang sugatan sa patuloy na engkwentro sa mga tauhan ng Moro National Liberation Front (MNLF).Inihayag ni PNP-9 Regional Director, C/Supt Juanito Vaño sa panayam ng DZMM na aabot sa 20 armadong MNLF members umano sa ilalim ni Malik Hibo ang kanila ngayong pinipigil sa Barangay Sta. Catalina. Nasa 10 hanggang 15 sibilyan aniya ang hinostage ng grupo.Patuloy ang evacuation ng mga residente sa panganib na madamay sa gulo. Sinasabing higit 100 'advance forces' ni MNLF founder Nur Misuari ang pumasok sa lungsod kung saan inaasahang magsasagawa ng konsultasyon ang lider ukol sa deklarasyon nito ng kasarinlan.Giit ni Vaño, bawal sa Zamboanga City ang pagpasok ng mga unipormado at armado dahil hindi ito saklaw ng ARMM.11 na ang napaulat na nasa kustodiya ng pulis para kasuhan.Una nang inihayag sa DZMM ni Atty. Emmanuel Fontanilla ng MNLF na higit 100 advance forces ni MNLF founder Nur Misuari ang mga sangkot sa barilan. Nakatakda aniyang "mapayapang" mag-ikot sa lugar si Misuari para sa konsultasyon sa deklarasyon ng kasarinlan.3 patay, 10 sugatan sa engkwentro sa MNLF sa Zambo CityTatlo na ang patay habang 10 na ang sugatan sa patuloy nastandoff sa coastal barangays ng Zamboanga City sa mga tauhan ng Moro National Liberation Front (MNLF) ni Nur Misuari. Una nang napaulat na nasawi ang isang tauhan ng Philippine Navy habang apat naman ang sugatan. Sa hiwalay na insidente naman sa Talon-Talon sa lungsod,dalawa ang patay sa isang pampasaherong jeep na tumangging maharang ng mga rebelde. Apat pa ang sugatan sa pamamaril at pananaga ng MNLF. Sa ngayon, aabot sa 200 residente sa Kasanyangan, Zamboanga City ang hostage ng grupo.Demand umano ng grupo, makapunta sa city hall ng Zamboanga City at itaas ang kanilang bandila sa lugar.Nais ng MNLF na magdeklara ng kanilang kasarinlan sa "strategic" na lungsod.Giit ng MNLF, nasa lugar ang mga personnel nito para sa isang peace rally sa lungsod.Ngunit bigo silang makakuha ng permit para sa pagkilos at"unacceptable" din umano ang planong ito ng MNLF, ayon kay Mayor Beng Climaco. Patuloy ang negosasyon sa lugar kung saan bahagya nang humupa ang putukan.Suspendido na ang klase sa lahat ng antas at ang pasok sa opisina sa lungsod at sa Isabela City, Basilan.Pwersa ng MNLF sa Zambo City, aabot sa 200 hanggang 300 - AFPTinatayang aabot sa 200 hanggang 300 ang puwersa ng Moro National Liberation Front (MNLF) na nakapasok sa Zamboanga City.Sa press briefing mula sa Camp Crame, sinabi ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na tinututukan ngayon ng tropa ng gobyerno na mapigilang makapasok ang MNLF ng kapital ng lungsod at wala nang madamay pang sibilyan.Kinokontrol aniya nilang makagalaw pa ang grupo at magkaroon pa ng spillover ng karahasan.Umakyat na ngayon sa anim ang nasawi habang 24 ang sugatan sa engkwentro. Higit 200 sibilyan pa ngayon ang bihag ng rebeldeng grupo.Sinasabing nais ng grupo na makapunta sa city hall para roon madeklara ng kasarinlan doon, base na rin sa isang report sa AFP pero nabigo silang makakuha ng permit.Ang mga nakatunggaling personnel umano ay mga 'advance forces' ni Misuari. Taktika?Isang anggulong tinitingnan ngayon ng tropa ng gobyerno ang 'cash for arms' na ginawa ng paksyon ng MNLF.Ayon sa AFP, pumasok nang hindi armado sa Barangay Rio Hondo ang grupo kaya hindi ito hinaharang. Tatlong araw na rin itong namo-monitor sa lugar nang walang armas. Ngunit nitong Linggo lamang anila nakitang armado ang grupo.Report pa ng militar, pinasok ng mga rebelde ang lungsod mula sa iba't ibang coastal areas nito nang sabay-sabay.Agad na nagkaroon ng engkwentro sa MNLF ang Philippine Navy na ikinasawi ng isang sundalo at anim ang sugatan ala-1:45 Lunes ng madaling araw.

Page 3: Krisis Sa Zamboanga

Mabilis namang nakaresponde ang Task Force Zamboanga kaya napipigilan ang pagsulong pa ng grupo.Nililinaw naman ng AFP na hindi city-wide ang napasok ng mga rebelde.Kabilang lamang sa mga direktang apektadong lugar sa lungsod ngayon ang Sta. Catalina, Kasanyangan, Sta. Barbara, Mariki at Rio Hondo.Blangko rin ang AFP sa political intent ng paksyon ng MNLF; seguridad anila ng mga residente ang kanilang layunin.Sinuspinde lamang ang klase sa paaralan at opisina sa buong lungsod para mailayo sa panganib ang publiko. Patuloy ang paglilikas sa mga residente sa Zamboanga Grandstand, CSWDO, Tetuan Central School at Tetuan Parish Church.Patuloy naman anila ngayon ang kanilang kumpirmasyon sa bilang ng mga casualty.Hindi pa rin kinukumpirma ng militar ang ulat na 200 sibilyan ang hawak ngayon ng MNLF sa Barangay Kasanyangan.Higit 200 sibilyan, hostage ng MNLF sa Zambo City(UPDATE) Daan-daang sibilyan ang hawak ngayon ng mga tauhan ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa Zamboanga City.Inihayag ni PNP-9 Regional Director, C/Supt. Juanito Vaño sa panayam ng DZMM na aabot sa 20 armadong MNLF members sa ilalim ni Malik Hibo ang kanila ngayong pinipigil sa Barangay Sta. Catalina. Nasa 10 hanggang 15 sibilyan aniya ang hinostage ng grupo sa nasabing barangay kung saan ginamit pa umano ang mga ito bilang human shield ng grupo para makalapit sa city hall.Bukod pa ito sa 200 residente ng Barangay Kasanyangan na hostage din ng grupo.Patuloy ang evacuation ng mga residente sa panganib na madamay sa gulo. Tatlo na ang nasawi habang 10 ang sugatan sa nagpapatuloy na standoff.Giit ng Armed Forces of the Philippines, hindi buong lungsod ang napasok ng mga bandido kundi ilang lugar lamang kabilang ang Sta. Catalina.11 rebelde na ang napaulat na nasa kustodiya ng pulis para kasuhan.Una nang inihayag sa DZMM ni Atty. Emmanuel Fontanilla ng MNLF na higit 100 advance forces ni MNLF founder Nur Misuari ang mga sangkot sa barilan. Nakatakda aniyang "mapayapang" mag-ikot sa lugar si Misuari para sa konsultasyon sa deklarasyon ng kasarinlan.Ngunit sinasabing nais ngayon ng grupo na magtungo sa city hall para doon idekalra ang kanilang kasarinlan.Giit ni Vaño, bawal sa Zamboanga City ang pagpasok ng mga unipormado at armado dahil hindi ito saklaw ng ARMM.Tinawag din itong "unacceptable" ni Mayor Beng Climaco dahil mayroon lamang na iisang sentrong gobyerno ang bansa.Blue alert status, itinaas ng militar sa Zamboanga CityItinaas ng Armed Forces of the Philippines Eastern Mindanao Command (AFP-EastMinCom) sa blue alert ang security status nito dahil sa sagupaan ng Moro National Liberation Front (MNLF) at pwersa ng gobyerno sa Zamboanga City.Ayon kay Capt. Severino David, tagapagsalita ng Eastmincom, bagamat wala nang namomonitor na movement ng MNLF sa kanilang area of responsibility, nakahanda ang Armed Forces sa posibleng pagkalat pa ng kaguluhan sa Western Mindanao Command.Mahigpit ding binabantayan ng mga sundalo ang coastal town sa Saranggani partikular na sa Kiamba, Maitum at Maasim na siyang pinakamalapit na daungan mula sa Zamboanga City.Sa katunayan, nagsasagawa na ng naval blockade sa naturang lugar sakaling pumasok sa Sarangani ang MNLF na sangkot sa kaguluhan sa Zamboanga.6 patay, 24 sugatan sa pag-atake ng MNLF sa Zamboanga City - mayorAnim na ang kumpirmadong patay sa engkwentro sa pagitan ng mga awtoridad at Moro National Liberation Front (MNLF) sa Zamboanga City, Lunes.Ayon kay Mayor Maria Isabelle Climaco, batay ito sa pinakahuling report ng Zamboanga City Police Office (ZCPO).Kabilang sa mga nasawi ang isang pulis, isang Navy personnel at apat na sibilyan. 24 naman ang sugatan. Batay din sa report, mas maraming casualty sa panig ng mga MNLF.Ayon sa city government, apektado ng tensyon ang mga Barangay Sta. Catalina, Sta. Barbara, Talon-talon at Mampang.Bukod naman sa mga nasawi at sugatan, may 20 bihag pa ang mga rebelde sa Sta. Catalina habang 200 ang sa Kasanyangan Village sa Mampang. Nasa 600 evacuees naman mula Arena Blanco at Rio Hondo ang nananatili sa Zamboanga Grandstand.847 ang nasa Tetuan Central School at Tetuan Parish Church habang may ilan pa sa Talon-talon National High School. Ayon kay Climaco, patuloy naman ang pakikipag-ugnayan nila sa pulisya at militar para maresolba ang krisis sa lalong madaling panahon.Nagtayo na rin anya sila ng command center at itinalaga si City Administrator Antonio Orendain Jr. bilang ground supervisor sub-center. Maaaring makipag-ugnayan dito sa numerong 992-2385 o 992-3137. Ibinigay din nito ang Police hotline numbers na 117/ 166 at 09063680749. Tumatayong ground commanders dito si City Police OIC Director Col. Chiquito Malayo at ang Task Force Zamboanga.Archdiocese ng Zamboanga, umapela ng kapayapaanUmapela ang Archdiocese ng Zamboanga sa tropa ng pamahalaan at sa Moro National Liberation Front (MNLF) na maging mahinahon at magdayalogo upang maiwasang may madamay pang mga sibilyan sa sagupaan.Hinimok din ni Msgr. Cris Manongas ang lahat na ipagdasal ang kapayapaan at magkaroon ng maayos na pamumuno sa buong rehiyon ng Mindanao.Umaasa si Manongas na matitigil din ang sagupaan sa pagitan ng MNLF at manunumbalik na sa normal ang buhay ng mga taga-Zamboanga City.MNLF, may bihag na higit 100; ginagamit na human shield - Zambo City mayorMahigit na 100 residente pa ang bihag ng mga miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) matapos ang engkwentro sa militar at pulis kahapon.Sa panayam ng DZMM, inihayag ni Mayor Beng Climaco na karamihan sa tinatayang 150 hostages ay natipon sa mosque habang ang iba'y posibleng nakuha ng mga rebelde sa daan.Ginagamit anya ng MNLF ang mga bihag bilang human shield."Ang priority po namin is to secure in safety lahat po ng aming hostages. Ang total number namin is around 150 more or less or 200 kasi merong mga area na hindi natin nakukuha ang sakop."May ulat naman anyang pinakawalan na ng mga rebelde ang mga batang bihag.Pero mayroon din anya silang kinukumpirmang balita na dinadala na ng MNLF ang ilan sa hostages paalis ng Zamboanga City sa pagdaan sa exit points sa coastal areas.Hanay ng MNLF sa Zambo City, muling nagpaputok - mayorInihayag ni Zamoanga City Mayor Beng Climaco na may mga miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) ang muling nagpaputok sa lungsod.Sa panayam ng DZMM, sinabi niyang may kasamang bihag bilang human shields ang mga rebelde nang tangkaing magtungo sa isang barangay.Nagpaputok anya ang mga ito bilang senyales o "preemptive warning" ng pagpasok nila sa kuta ng mga kagrupo.Sa huling ulat namang inilabas ng Zamboanga City government sa social media, 30 ang mga armadong MNLF na nagdala ng mga bihag mula Mampang patungong Sta. Catalina, alas-3:00 Martes ng madaling araw.Naharang naman anila ito ng mga pulis.

Page 4: Krisis Sa Zamboanga

PNP: 5 hostage sa Zambo City, pinalayaLimang bihag ng Moro national Liberation Front (MNLF) ang pinakawalan ngayong Martes ng umaga. Sa kumpirmasyon naman ni Chief Inspector Ariel Huesca, tagapagsalita ng PNP Region 9, limang hostage ng MNLF ang pinakawalan sa Talon-Talon.Alas-7:00 ng umaga aniya nang pakawalan matapos ang matagumpay na negosasyon ang 45-anyos na babae, 18-anyos na babae at tatlong menor de edad: 15, 7 at 9 taong gulang. Pawang residente ng Barangay Mampang ang mga pinalaya. Pinangunahan umano ni Sr. Insp Joseph Ortega ng PNP Zamboanga City ang negosasyon kasama ang ilang miyembro ng media.Sa impormasyon ng ABS-CBN News, mayroon pang pitong hawak ang mga MNLF matapos pakawalan ang lima.Klase at flights sa Zamboanga City, kanselado pa rinNananatiling kanselado ang pasok sa mga paaralan at opisina, gayundin ang flights sa Zamboanga City dahil sa tensyon dulot ng engkwentro sa pagitan ng Moro National Liberation Front (MNLF) at Philippine troops kahapon.Ayon sa lokal na pamahalaan, suspendido ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pampribadong paaralan.Wala ring pasok sa opisina maliban sa mga ahensyang nagbibigay ng frontline services.Sa panayam naman ng DZMM, sinabi ni Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Deputy Director General Rodante Joya na suspendido ang biyahe ng mga eroplano hanggang mamayang alas-9:00 ng gabi.Dagdag niya, "Pwede pa rin hong ma-extend 'yan depende sa mangyayaring kaguluhan sa Zamboanga ngayon."Kahapon, 10 flights na may tinatayang 1,500 pasahero ang naapektuhan dahil sa kanselasyon. Ganito rin ang inaasahang bilang ngayong Martes.Binanggit ni Joya na prayoridad nila ang kaligtasan ng mga pasahero lalo't kahapon, "'Yung airbase sa kabilang ibayo lang ng airport terminal e meron hong pumapatak na stray bullets 'dun."Nasa tatlo hanggang apat na kilometro ang layo ng airport sa mga barangay na apektado ng tensyon.Posible anyang tamaan ng bala ang mga eroplanong paalis o papalapag sa paliparan sakaling magkaroon muli ng barilan sa lugar.Aabot sa 40 MNLF members, dumating sa Zamboanga City - reportMay namataang karagdagang pwersa ang Moro National Liberation Front (MNLF) sa Barangay Talon-Talon, Zamboanga City.Kinumpirma ng kagawad ng barangay na may 40 MNLF members ang dumating sa kanilang lugar ngayong umaga.Wala namang hostage ang mga ito ngunit kumakatok sa mga bahay ng mga residente at nanghihingi ng pagkain.May standoff ngayon sa Talon-Talon kung saan pito pa ang bihag ng MNLF. Kapansin-pansin namang may ilang indibidwal ang nagmamatyag malapit mismo sa hostage takers ngunit kataka-takang hindi binibihag ng grupo.Patuloy naman ang putukan sa Barangay Sta. Barbara hanggang nitong umaga sa pagitan ng mga awtoridad at mga rebelde. Wala namang napapaulat na nasaktan sa insidente.May ilan na ring nagsasamantala sa kaguluhan sa lugar. Sa Sta. Catalina at mga kalapit-lugar, may nahuling aatake sa mga warehouse at tangkang magpupuslit ng bigas.Mga ospital sa Zamboanga City, inilagay sa red alertIsinailalim na ng Department of Health (DOH) sa red alert ang Zamboanga City Medical Center at iba pang ospital dahil sa patuloy na bakbakan sa pagitan ng tropa ng gobyerno at Moro National Liberation Front (MNLF).Ayon kay Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag, sa ilalim ng code red alert, lahat ng medical at non-medical personnel ng ospital ay dapat nasa loob ng pagamutan.Nasa ilalim naman ng blue alert ang tanggapan ng DOH sa Region 9 dahil sa pangambang madagdagan pa ang masasawi at masusugatan kaya nakahanda ang kanilang mga response team.Samantala, kinumpirma ng Zamboanga City Health Office na 17 na ang sugatan sa standoff ng gobyerno at MNLF.Pulis, sugatan sa panibagong engkwentro ng PH troops at MNLF sa Zambo CityMuling nagka-engkwentro ang pwersa ng pamahalaan at Moro National Liberation Front (MNLF) sa Zamboanga City.Sa pahayag ni Mayor Beng Climaco, isang pulis na kinilalang si PO2 Baguinda ang nasugatan sa sagupaang ito na nangyari Martes ng umaga.Nagtamo ng tama ng bala sa kaliwang hita si Baguinda.Una nang inihayag ng Zamboanga City government na may 30 armadong MNLF na nagdala ng mga bihag mula Mampang patungong Sta. Catalina kaninang madaling araw na naharang ng pulisya.Sinabi naman ni Climaco na nananatiling nasa defensive positions ang pwersa ng gobyerno sa lungsod.Patuloy din anya ang koordinasyon nila kina Interior and Local Government Secretary Mar Roxas at Defense Sec. Voltaire Gazmin.Zamboanga Pier, pinasabugan ng mortar ng MNLFPinasabugan ng mortar ng Moro National Liberation Front (MNLF) ang Zamboanga Pier kaninang umaga.Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Zamboanga District Commander Leo Laroya, dalawang magkasunod na pagpapasabog ang ginawa ng mga rebelde sa dagat, 100 metro ang layo sa kanilang headquarters.Dahil dito, agad inatasan ng PCG ang lahat ng barko at iba pang sasakyang pandagat sa Zamboanga Pier na lumipat ng daungan.Patuloy pa ring ipinagbabawal ng PCG ang anumang shipping activity sa Moro Gulf partikular ang nasa pagitan ng Zamboanga City at Basilan.Mga simbahan sa Zamboanga, binuksan para sa evacueesBukas ang lahat ng simbahan sa Archdiocese ng Zamboanga para maging evacuation center kung kinakailangan.Inihayag ni Msgr. Crisologo Manongas, administrator ng Archdiocese ng Zamboanga na binuksan na nila ang pintuan ng mga nasasakupan nilang simbahan, mapa-Kristyano man o Muslim dahil sa gulo ng Moro National Liberation Front (MNLF) at mga tropa ng pamahalaan.Labis na nalulungkot si Manongas na mga sibilyan lalo na ang mga walang muwang na bata ang naaapektuhan ng pangyayari.Umapela ang monsignor sa pamahalaan na huwag bumigay sa demands ng MNLF sa kabila ng patuloy na banta ng panggugulo at pagsasarili ng mga ito.Ayon kay Manongas, maaaring makipag-negotiate ang gobyerno pero hindi ito dapat bumigay sa demand ng mga armadong grupo dahil soberenya ng bansa ang nakasalalay dito.Samantala, dalawang pari ang kinumpirma ni Manongas na nadamay sa standoff at hindi makalabas sa loob ng simbahan sa Zamboanga City.Humihingi na aniya ng pagkain ang mga ito dahil gutom na ang mga kasama nilang evacuees.Sinubukan naman ng ibang taga-simbahan na mapasok ang lugar pero hindi nagtagumpay dahil mapanganib ito.Residential area sa Brgy. Sta Barbara, Zamboanga City, nasusunogNasusunog ang mga bahay sa Barangay Sta. Barbara, Zamboanga City na sentro ng engkwentro ng Moro National Liberation Front (MNLF) at tropa ng gobyerno.Batay sa ulat, nagaganap ang sunog malapit sa mosque kung saan naririnig din ang patuloy na putukan. Hirap namang makapasok ang tatlong truck ng bumbero sa pangambang maipit sa bakbakan.

Page 5: Krisis Sa Zamboanga

Nakaantabay sila Veterans Extension, ilang metro ang layo sa lugar nang nasusunog na kabahayan.Patuloy pang inaalam kung papaano makakapasok ang mga bumbero upang apulahin ang apoy.Zamboanga City, unti-unti nang bumabalik sa normal; tensyon, limitado lang sa 5 barangayPaisa-isa nang muling nagbubukas ang mga establisimyento sa Zamboanga City para tumugon sa mga pangangailangan ng mga residenteng naiipit sa tensyon doon.Kinumpirma ni Mayor Beng Climaco na kabilang sa mga nagbukas ngayong Martes ang pampublikong pamilihan, botika, gas stations habang regular na muli ang biyahe sa mga bus terminal.Bagamat kanselado pa rin ang biyahe ng mga eroplano papasok at palabas ng lungsod. Pag-uusapan pa naman ngayong araw kung magpapatupad muli ng curfew mamayang alas-8:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng madaling araw ng Miyerkules.Kasama sa press briefing, tinitiyak naman ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na nasa Zamboanga City ngayon, na guwardyado ang mga utilities tulad ng tubig, kuryente at maging mga cell site.Nananatiling walang lamang tao ang mga kalsada sa lungsod maliban lamang sa ilang sasakyan.

StandoffNananatili ngayon sa defensive position ang tropa ng gobyerno sa lugar sa harap ng pabugso-pabugsong sagupaan sa mga rebelde partikular sa Barangay Sta. Barbara kung saan sinasabing nagkukuta ngayon ang mga rebelde.Kinumpirma naman ni Roxas ang pagkakaligtas sa limang hostage sa Barangay Talon-Talon. Kinilala ang mga ito na sina Mercedita Hasinun y Baldon, 45-anyos; Luhisma, 18; Judith, 15; Aira, 7; at Pingsal, 9.Kinukunan na ng impormasyon ang mga nakalaya para makatulong sa operasyon. Sa salaysay ng mga ito at obserbasyon ng mga nasa ground zero, hirap na maihiwalay ang mga hostage sa mga rebelde dahil hindi umano nakaposas at naka-detine ang mga bihag.Ginagamit ang mga ito bilang human shield ng mga rebeldeng "pumapalagi sa gitna ng mga komunidad."Kinuwestyon naman ni Roxas ang pinagmulan at motibo sa likod ng standoff.Pagtataka ng kalihim, kung tunay ng peace caravan ang pakay ng MNLF sa lugar, bakit may mga bitbit na mahahabang armas, rocket propelled grenade (RPG) at mga mortar ang mga personnel nito.Binuwag din ni Roxas ang alegasyon sa pagtugon ng mga awtoridad sa intel information ukol sa pagdating ng MNLF sa lugar.Sinabi ni Roxas na natiktikan ang mga rebelde at matagumpay ang pagresponde kaya kalat at hindi coordinated ang galaw ng mga ito.Sinabi naman ni Roxas na 'contained' na lamang sa limang barangay ng lungsod ang tensyon at hindi na hahayaang lumawak pa ito.Ngunit giit ng kalihim, positibo ang tropa ng gobyerno na mapayapang matatapos ang tensyon.

Bilang Nilinaw naman ni Roxas at Mayor Climaco na pawang mga pagtaya lamang ng bilang ng mga hostage at mga rebelde ang kanilang inilalabas sa publiko.Wala anilang nakakapasok sa mismong mga lugar ng sagupaan. Sa militar lamang din sila umaasa ng mga impormasyon.Ginawa ang paglilinaw sa gitna na rin ng mga tanong mula sa mga kagawad ng media ukol sa alegasyong "sensationalized" ang bilang na inilalabas sa standoff.Bagamat pawang pagtaya ang inilalabas sa mga opisyal na pahayag at kaiba sa hawak ng media, inaako naman ni Climaco ang responsibilidad sa mga ulat.AFP: 168 hostage ng MNLF sa Zambo standoffUmaabot sa 168 ang hostage ngayon ng Moro National Liberation Front (MNLF) faction ni Nur Misuari sa Zamboanga City, ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP).Sinabi naman ni Lt. Col. Ramon Zagala, tagapagsalita ng AFP na aabot sa 180 ang pwersa ng MNLF sa lungsod.Na-contain naman aniya ang mga ito sa mga barangay ng Talon-Talon, Kasangyaan, Sta. Barbara at Sta. Catalina.Mas magiging malinaw aniya ang bilang habang tumatagal ang standoff.Patuloy naman ngayon ang pabugso-bugsong sagupaan sa lugar.Nananatiling nakatuon ang operasyon ng tropa ng gobyerno sa pagtitiyak ng kaligtasan ng mga bihag. Nananatili pa rin sa red alert ang Western Mindanao Command.Ukol sa akusasyong hinarass ng tropa ng gobyerno ang mga personnel ng MNLF, nilinaw ni Zagala na tumugon lamang ang awtoridad sa isang intel information na may 300 ang papasok sa Rio Hondo Lunes ng madaling araw.Ipinadala aniya ang Tasf Force Zamboanga sa lungsod lalo na sa coastal areas nito.MNLF, may panibagong 20 hostage sa Zambo CityPanibagong 20 hostage ang hawak ngayon ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa Zamboanga City. Ayon kay Mayor Beng Climaco, hinostage ng grupo ang 20 sa Barangay Mampang kaninang alas-3:00 ng madaling araw.Dahil dito, umakyat na sa 170 sibilyan ang nasa kustodiya ngayon ng mga rebelde at ginagamit na human shield.Sinabi ni AFP Public Affairs Chief, Lt. Col. Ramon Zagala na "densely populated" ang lugar kaya nagtagumpay ang mga rebelde.Batay pa sa ulat, tinangka ng grupo na magtungo sa barangay hall dala ang ilang hostage ngunit nabigo ang mga ito dahil nakaposte sa lugar ang tropa ng Philippine Army.Nakaantabay ngayon ang grupo ng MNLF sa Talon-Talon Elementary School.Isolated pa rin ang mga barangay ng Rio Hondo, Mariki, Sta. Catalina at Sta. Barbara at Talon-talon.Kontrolado pa rin naman umano ng mga pulis ang sitwasyon.Sinasabing sinusubukan ngayon ng lokal na gobyerno na makipag-usap sa MNLF para matapos na ang krisis sa lugar.Sarado pa rin ang mga pangunahing negosyo sa lungsod gaya ng Guardia Nacional. Suspendido pa rin ang pasok sa mga opisina at eskwelahan.Samantala, hindi naman kumpirmado ang mga ulat na may mga reinforcement ang MNLF sa lugar na pumasok sa pamamagitan ng coastal areas. Nakabantay ang mga awtoridad sa mga posibleng entry at exit points para maiwasan pa ang paglala ng gulo.Pari, kabilang sa mga hostage ng MNLFIsang pari ang kabilang sa mahigit 100 bihag ngayon ng Moro National LIberation Front (MNLF) sa Zamboanga City. Sa report ng CBCP News, kinilala ni Chief Inspector Ariel Huesca, tagapagsalita ng Police Regional Office 9 ang paring bihag ng MNLF na si Fr. Michael Ufana ng St. Joseph Parish. Sabi pa ni Huesca, Lunes pa hawak ng MNLF ang pari kasama ang iba pang mga bihag. Batay pa sa ulat, kasama ng pari ang kaniyang mga magulang na nagdiriwang ng wedding anniversary nang dakpin ito ng mga rebeldeng Muslim. Ayon naman kay Msgr. Crisologo Manongas, administrator ng Archdiocese of Zamboanga, naipit si Ufana sa bakbakan ng mga rebelde at militar. Samantala, nauna nang iniulat na bukas ang mga simabahan sa Zamboanga para sa mga lumikas na apektado ng bakbakan, Muslim man o Kristiyano.

Page 6: Krisis Sa Zamboanga

Evacuees sa Zambo City, lumobo na sa 5,000Tuloy ang pagdagsa ng mga residente sa mga evacuation center sa Zamboanga City na umaabot na ngayon sa 5,000.Matatandaang pumalo sa 1,000 ang inilikas kahapon dahil sa pabugso-bugsong sagupaan ng tropa ng gobyerno at Moro National Liberation Front (MNLF) sa lungsod.Sunod-sunod ang pagdating ng mga trak na nagsasakay sa mga lumikas mula sa iba't ibang barangay patungo sa Don Joaquin Memorial Sports Complex.Kabilang dito ang 2,000 mula sa Barangay Mampang.Kasabay ng pagdami ng bilang, nagkukulang ang pagkain at suplay para sa mga ito. Dahil dito, tumatanggap na ng tulong at donasyon ang lokal na pamahalaan.Samantala sinabi naman ni Mayor Beng Climaco na magbubukas ng opisina ang lokal na pamahalaan ngunit suspendido pa rin ang klase sa lahat ng antas, operasyon sa mga pantalan at Zamboanga City Airport.Pagkilos ng MNLF sa Zambo City, limitado na; tensyon, bahagyang humupaLumiit at limitado na ang lugar na ginagalawan ngayon ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa Zamboanga City.Kasunod ito ng paglapad ng lugar na nirorondahan at pinopostehan ng tropa ng pamahalaan.Sang-ayon na rin ito sa paliwanag ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na nakapako na lamang sa Talon-Talon, Rio Hondo, Sta. Catalina at Sta. Barbara ang mga rebelde.Dulot nito, unti-unti nang dumarami ang tao sa mga kalsada at nagbukas na rin ang ilang establisyimento.Kabilang sa mga kinakampohang lugar ng mga MNLF ang mosque sa Sta. Barbara at eskwelahan sa Talon-Talon.Sinabi naman ni Roxas na nasa stand down position ang tropa ng gobyerno roon. Ibig sabihin, wala silang ginagawang opensiba sa ngayon laban sa grupo ng MNLF.Ibinigay ng AFP ang awtoridad sa Crisis Monitoring Committee para makipag-negosasyon sa mga rebelde.Tinitiyak din naman ng militar na na-secure na nila ang mga lugar na pinagkukutaan ng rebelde kaya hindi makalabas o makapasok ng Zamboanga City ang mga ito.Samantala bahagyang humupa ang tensyon sa lungsod.Kabilang sa mga naririnig na putukan ang pagbabaril sa mga sasakyang panghimpapawid ng mga rebelde at sagupaan ng mga nakapwestong sniper ng MNLF at tropa ng gobyerno.

Dagdag-pwersa Hindi kumpirmado ang mga ulat na may mga namamataang dagdag-pwersa ang MNLF sa lugar mula sa coastal areas.Sa press briefing nitong Martes, nilinaw ni Defense Secretary Voltare Gazmin na kinukumpirma pa nila ang lahat ng ganitong ulat ngunit tiniyak nitong tuloy ang kanilang interceptions o pagharang sa mga rebelde.Napaulat na napilitang lumikas ang mga residente sa ilan pang lugar sa gitna ng gabi matapos makakita ng mga tropa ng MNLF.Sa Sinunuc, bineberipika ang lahat ng text message na kanilang natatanggap ukol sa MNLF sightings.Suspendido pa rin ang klase pati operasyon sa paliparan at pantalan sa lungsod.Bakbakan ng MNLF at gov't troops, naitala malapit sa Zamboanga City hallMuling nagka-engkwentro ang pwersa ng pamahalaan at Moro National Liberation Front (MNLF) sa Zamboanga City.Sa panayam sa programang "Headstart" ng ANC, pasado alas-8:00 ngayong umaga, sinabi ni Mayor Beng Climaco na may nagaganap na namang putukan malapit sa city hall.Sinisikap naman anya ng gobyerno na matiyak ang kaligtasan ng mga residente, gayundin ng mga bihag ng rebelde.Kaugnay naman ng hirit ng MNLF na mamagitan na ang United Nations at Indonesia para maayos ang gulo, sinabi ni Climaco na ang Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) ang makapagdedesisyon dito.Mga inilikas sa Zambo City, pumalo na sa 6,000Umakyat pa sa 6,000 ang mga sibilyan na nasa evacuation centers ngayon dahil sa bakbakan sa Moro National Liberation Front (MNLF) sa Zamboanga City.Ito'y sa gitna na rin ng pabugso-bugsong pagsiklab ng putukan na ang pinakahuli ay naganap sa Sta. Catalina at Sta. Barbara. Lumobo ang inisyal na 1,000 bilang ng mga lumikas Martes ng gabi nang mamataan umano ng mga residente ang ilang armadong dagdag-pwersa ng MNLF.Kabilang sa mga ito ang 2,000 sibilyan mula sa Barangay Mampang na lumikas sa gitna ng gabi.Marami sa mga inilikas ang nananatili sa Don Joaquin Memorial Sports Complex sa Kawa-Kawa Boulevard.Nananawagan naman sa karagdagang tulong at donasyon ang lokal na gobyerno para sa mga lumikas.Partikular na kailangan ng mga ready-to-eat food packs dahil walang nabitbit na gamit ang mga residente.MNLF at gov't troops, muling nagkaputukan sa Zambo CityMuling sumiklab ang putukan sa bahagi ng Barangay Sta. Catalina at Sta. Barbara sa Zamboanga City kung saan pinaniniwalaang nagkakampo ang mga miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF).Alas-6:00 ng umaga kanina nang marinig ng news team ang ilang putok sa lugar ngunit dakong alas-9:00 nang magsunod-sunod ang barilan.Bukod sa mga pulisya at sundalo ng Zamboanga, nasa lugar na rin ang tropa mula Misamis Oriental.Tumanggi muna ang awtoridad na banggitin ang eksaktong lugar ng bakbakan para walang makasagabal sa operasyon.Sinasabing mas malayang makakagalaw ang mga tropa ng gobyerno ngayon dahil nabawasan na ang bilang ng tao sa lugar dahil nailikas na ang mga ito. Inaasahan pa ang pagdating ng iba pang dagdag-pwersa ng gobyerno sa lugar.Sa ngayon, wala pang ulat ukol sa panibagong nasaktan o nasawi sa putukan mula sa Crisis Management Committee.AFP: Walang ceasefire sa operasyon sa Zamboanga CityNilinaw ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi sila nagdedeklara ng ceasefire sa operasyon sa Misuari breakaway group sa Zamboanga City.Sinabi ni Lt. Col. Ramon Zagala, tagapagsalita ng AFP, na si mismong Task Force Zamboanga Ground Commander Brig. Gen. Virgilio Trinidad ang nagsabing walang tigil-putukan sa lugar.Sa gitna ito ng mga ulat na nagdekalra ng ceasefire ang kanilang hanay. Paliwanag ni Zagala, posibleng nag-utos lamang ng pansamantala tigil-putukan ang isang leader ng ground troop ngunit hindi ito para sa buong operasyon.Sa ngayon, nasa stand down position ang tropa ng gobyerno para mabigyang daan anila ang negosasyong pinapagulong ng Crisis Management Committee.Sinabi naman ni Zagala na "hindi peaceful solution ang pagpull-out ng mga sundalo sa Zamboanga City".Kung mayroon man aniyang dapat mag-pullout, ang grupo ni Misuari iyon.Tiniyak naman ng AFP na may "overwhelming" silang pwersa sa lugar para hindi na lumawak pa ang tensyon.Pagkamatay ng 7 MNLF sa Zambo standoff, kinukumpirma paInaalam pa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ulat na may pitong miyembro ng Misuari breakaway group ang napatay sa bakbakan sa Zamboanga City.Ayon kay Lt. Col. Ramon Zagala, tagapagsalita ng AFP, hindi ito makukumpirma ng militar hanggang wala pang nakikitang bangkay ng mga rebelde.Gayunman, binanggit ni Zagala na mayroon nang narekober na bangkay ng rebelde habang patuloy na hinahanap ang

Page 7: Krisis Sa Zamboanga

iba pang naiulat na namatay.Nilinaw naman ni Zagala na aabot lamang sa 160 hanggang 180 ang bilang ng mga rebeldeng kumubkob sa ilang barangay sa Zamboanga City.Pamantasan sa Zambo, nasunogNasunog ang isang pamantasan sa Zamboanga City ngayong Huwebes sa kasagsagan ng pagkubkob ng paksyon ng Moro National Liberation Front (MNLF) na pinangungunahan ni Nur Misuari. Sa opisyal na Twitter account ng lokal na pamahalaan ng Zamboanga, kinumpirma nitong nasunog ang Zamboanga State College of Marine Sciences and Technology (ZSCMST). Batay pa sa detalyeng ibinahagi ng pamahalaang lungsod, nagsimula ang sunog sa motorpool area ng pamantasan. Agad din namang naapula ang apoy habang patuloy pang inaalam ang sanhi ng sunog. Ang ZSCMST ay matatagpuan sa barangay Santa Barbara, isa sa mga lugar na kinubkob ng ilang miyembro ng MNLF na iginigiit ang kanilang kasarinlan mula sa pamahalaan ng Pilipinas.Ilang evacuees sa Zambo City, nagkakasakit naNagkakasakit na ang ilang evacuees sa gitna ng kaguluhan sa Zamboanga City.Partikular na tinatamaan ng ubo at sipon ang mga bata sa 13,000 na nananatili sa Joaquin F. Enriquez Sports Memorial Complex.Napilitan na magpahinga ang ibang evacuees sa kalsada sa kabila ng matinding lamig. Nakahiga sa semento na walang bubungan ang iba habang mayroon din sa hagdanan na lang ng grandstand natutulog. May makikita ring nasa bangka na tumira at may nagtayo na ng tent sa tabi ng kalsada.Nagreklamo na rin ang ibang evacuees dahil sa kakulangan ng rasyon ng pagkain.

Mag-a-apat na araw na ngayon ang kaguluhan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at Moro National Liberation Front (MNLF)Panibagong putukan, naitala sa ika-4 na araw ng Zambo standoffTuloy ang bakbakan sa pagitan ng Moro National Liberation Front (MNLF) at pwersa ng gobyerno sa Zamboanga City.Sa ika-apat na araw ng standoff, nakarinig na naman ng putukan dakong alas-5:30 kaninang madaling araw.Ayon sa Mindanao Human Rights Action Center, narinig ito sa kahabaan ng Martha Drive sa Sta. Catalina.Bago mag-alas-7:00 ng umaga, may narinig ding putok ang Radyo Patrol sa Sta. Catalina na sinasabi nang "no man's land".Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP), mistula itong pahiwatig na gising na ang mga rebelde.Batay sa kanilang obserbasyon, may pattern ang aksyon ng MNLF. Nagsisimula ito ng umaga at bahagyang huhupa hanggang sa muling pagpapaputok dakong alas-10:00. Titigil muli ang mga rebelde,saka muli anilang aatake ng ala-1:00 ng hapon.May paisa-isa ring putok na sinasabing mula sa mga sniper ng MNLF.Iginiit naman ng militar na naka-defensive mode pa rin sila. Ito rin naman ang binibigyang diin ng MNLF kaya walang makatiyak kung sino ang umaatake.Maraming negosyo sa Zambo City, nananatiling saradoMaraming tindahan sa Zamboanga City ang nananatiling sarado dahil sa pabugso-bugsong bakbakan sa pagitan ng Moro National Liberation Front (MNLF) at tropa ng gobyerno.Sa pag-iikot ng Radyo Patrol, napansin na karamihan sa mga grocery, bangko at botika ay tigil-negosyo.Bagama't may ilang ATM na bukas, mahaba ang pila ng mga residenteng kumukuha ng pera.Ganito rin ang sitwasyon sa mga tindahang nagbukas. Pinapapila at binibigyan ng numero ang mga mamimili para hindi dumagsa sa loob ng mga grocery.Nagpa-panic buying na ang ilang residente lalo't walang kasiguraduhan kung kailan muli magbubukas ang mge negosyo at magbabalik-normal ang sitwasyon sa lungsod.Hindi bababa sa 6, sugatan sa pagsabog ng mortar malapit sa pwesto ng media at Red Cross sa ZamboHindi bababa sa anim ang sugatan matapos ang pagsabog ng mortar malapit sa pwesto ng mga kawani ng media at Philippine Red Cross sa Lustre Street sa Barangay Sta. Catalina, Zamboanga City, Biyernes ng hapon. Sa live report ni DZMM Radyo Patrol 37 Edwin Sevidal na nasa lugar ng pagsabog, dinig na dinig kung paanong bigla na lang nagkagulo sa naturang lugar habang walang humpay ang palitan ng putok sa pagitan ng mga awtoridad at nagrerebeldeng paksyon ng Moro National Liberation Front (MNLF). Kabilang sa mga sugatan ay ilang kawani ng Red Cross at miyembro ng security force. Ayon pa sa report, nanggaling ang mortar attack sa kampo ng MNLF. Dahil dito, nagdesisyon si Philippine Red Cross Secretary General Gwendolyn Pang na pansamantalang suspendihin ang kanilang operasyon sa Zamboanga City kasunod ng pagtaas ng tensyon. Ito na ang ika-limang araw simula nang kubkubin ng naturang paksyon ng MNLF ang ilang barangay sa Zamboanga City. Umabot na sa 22 ang nasawi sa bakbakan.Evacuees sa Zamboanga City, pumalo na sa halos 16,000Umabot na sa 15,800 ang mga nagsilikas na residente sa gitna ng kaguluhan sa Zamboanga City.Sa panayam ng DZMM, sinabi ni Mayor Maria Isabelle Climaco-Salazar na karamihan sa mga lumikas ay mga Samal, Badjao, Muslim sa mga coastal areas sa lungsod.Marami sa mga ito ay nananatili sa Don Joaquin Memorial Sports Complex. Bukod sa mga paaralan at barangay halls, binuksan na rin ang mga simbahan at parokya sa diyosesis para sa mga lumikas.Nagpapasalamat si Climaco sa lahat ng tumulong tulad ng mga Muslim Student Association na binubuo ng mga batang estudyante na silang nagluluto ng mga ihahaing pagkain sa evacuees.Patuloy naman aniya ang kanilang pagtugon sa pangangailangan ng mga ito.Una na ring bumisita sa mga evacuees si Social Welfare and Development Secretary Dinky Soliman para magpaabot ng tulong.Nananawagan pa rin ang lokal na pamahalaan sa mga donasyon at tulong para sa mga evacuees tulad ng ready-to-eat food packs at damit.Nagkakasakit na rin ang ilang bata sa evacuation centers.Paring hinostage ng MNLF sa Zamboanga, pinalaya naPinalaya na ng mga tauhan ng Moro National Liberation Front (MNLF) ang paring kasamang hinostage noong Lunes sa Barangay Sta. Barbara, Zamboanga City.Ayon kay Lt. Col. Ramon Zagala, hepe ng Public of Information Office (PIO) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi muna nila pwedeng ibigay ang detalye kung saan pinalaya si Fr Michael Ofana.Kinumpirma rin ni Zamboanga City Archdiocese Administrator Msgr. Chris Manongas na pinalaya na ng MNLF si Ofana na ngayo'y nasa Camp Batalla ng Philippine National Police (PNP) sa Zamboanga City at sumasailalim sa medical examination at debriefing.Sinabi pa ni Manongas na si Ofana ang ginamit ng MNLF para iparating ang mga demands nito sa pamahalaan.Tumanggi namang idetalye ni Manongas kung ano ang demands ng mga rebelde.

Page 8: Krisis Sa Zamboanga

2 bangkay ng MNLF, narekober sabay sa pagpapalaya sa paring hostageDalawang bangkay ng rebelde ang narekober ng tropa ng gobyerno kasabay ng pagpapalaya sa bihag na pari sa Zamboanga City.Sa kumpirmasyon ni Fr. Michel Alejo ng Crisis Management Committee, inilabas ng MNLF si Fr. Michael Ufana kasama ang dalawang labi kaninang alas-6:00 ng umaga.Hinostage ng MNLF si Ufana at hindi bababa sa 100 residente at ginamit umanong human shield ng mga rebelde.Ayon kay Fr. Alejo, bilang kaugalian ng mga Muslim, kinailangang ilabas ang mga bangkay para mabigyan ng maayos na libing.Forced evacuation, iniutos sa 5 barangay sa Zamboanga CityIpinag-utos na ngayon ng lokal na pamahalaan ng Zamboanga City ang pwersahang paglilikas ng mga residente sa danger zones na sentro ng standoff.Kinumpirma ng Public Information Chief ng lungsod na si Sheila Cubarubias na saklaw ng kautusan ang Barangay Mampang, Sta. Catalina, Sta. Barbara, Rio Hondo at Talon-Talon.Tumutulong na ngayon ang AFP sa paglilikas sa mga natitirang residente sa mga naturang barangay.Sa ngayon, aabot na sa halos 16,000 indibidwal ang inilikas sa mga evacuation center sa lungsod hanggang kaninang hatinggabi.Samantala, sinabi ni Western Mindanao Command (WESMINCOM) Public Information Officer, Col. Rodrigo Gregorio, base sa kanilang matinding engkwentro, lumiit pa ang lugar na ginagalawan ng mga MNLF.Mortar, pinasabog malapit sa media at Red Cross sa Zambo; 6 sugatanHindi bababa sa anim ang sugatan matapos ang pagsabog ng mortar malapit sa pwesto ng mga kawani ng media at Philippine Red Cross sa Lustre Street sa Barangay Sta. Catalina, Zamboanga City, Biyernes ng hapon. Sa live report ni DZMM Radyo Patrol 37 Edwin Sevidal na nasa lugar ng pagsabog, dinig na dinig kung paanong bigla na lang nagkagulo sa naturang lugar habang walang humpay ang palitan ng putok sa pagitan ng mga awtoridad at nagrerebeldeng paksyon ng Moro National Liberation Front (MNLF). Kabilang sa mga sugatan ay ilang kawani ng Red Cross at miyembro ng security force. Ayon pa sa report, nanggaling ang mortar attack sa kampo ng MNLF. Dahil dito, nagdesisyon si Philippine Red Cross Secretary General Gwendolyn Pang na pansamantalang suspendihin ang kanilang operasyon sa Zamboanga City kasunod ng pagtaas ng tensyon. Ito na ang ika-limang araw simula nang kubkubin ng naturang paksyon ng MNLF ang ilang barangay sa Zamboanga City. Umabot na sa 22 ang nasawi sa bakbakan.Hindi bababa sa anim ang sugatan matapos ang pagsabog ng mortar malapit sa pwesto ng mga kawani ng media at Philippine Red Cross sa Lustre Street sa Barangay Sta. Catalina, Zamboanga City, Biyernes ng hapon. Sa live report ni DZMM Radyo Patrol 37 Edwin Sevidal na nasa lugar ng pagsabog, dinig na dinig kung paanong bigla na lang nagkagulo sa naturang lugar habang walang humpay ang palitan ng putok sa pagitan ng mga awtoridad at nagrerebeldeng paksyon ng Moro National Liberation Front (MNLF). Kabilang sa mga sugatan ay ilang kawani ng Red Cross at miyembro ng security force. Ayon pa sa report, nanggaling ang mortar attack sa kampo ng MNLF. Dahil dito, nagdesisyon si Philippine Red Cross Secretary General Gwendolyn Pang na pansamantalang suspendihin ang kanilang operasyon sa Zamboanga City kasunod ng pagtaas ng tensyon. Ito na ang ika-limang araw simula nang kubkubin ng naturang paksyon ng MNLF ang ilang barangay sa Zamboanga City. Umabot na sa 22 ang nasawi sa bakbakan.Mga barko sa Zamboanga Port, pinalipat ng daunganPinalipat na ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mas ligtas na lugar ang ilang mga commercial na barko na nakadaong sa Port of Zamboanga.Ayon kay PCG Commander Armand Balilo, batay sa ulat sa Coast Guard station sa Zamboanga, may ilang barko na ang tinamaan ng ligaw na bala sa kasagsagan ng putukan.Wala namang nasaktan sa panig ng Coast Guard habang patuloy na inaalam kung ilang barko ang nadamay sa bakbakan.Cargo operations sa Zambo pier, muli nang binuksan - PCGMuling binuksan sa cargo operations ang Zamboanga City pier international side na ilang araw ding isinara sa gitna ng tensyon sa ilang barangay sa lungsod.Kinumpirma ito ni Philippine Coast Guard (PCG) Zamboanga District Commander Commodore Leopoldo Laroya.Gayunman, sinabi ni PCG Spokesperson Lt. Commander Armand Balilo na delikado pa ring lumayag ang pampasaherong barko sa local side ng pier dahil sa patuloy na bakbakan ng pwersa ng pamahalaan at paksyon ng Moro National Liberation Front (MNLF).Mahigpit namang sinusuri ng PCG at Philippine Navy ang mga pasaherong patungong Jolo, Sulu upang matiyak na walang makasasakay na miyembro ng MNLF.Isasakay ang mga istranded na pasahero sa dalawang pribadong barkong inarkila ng lokal na pamahalaan ng Sulu.Binanggit ni Balilo na nakaantabay na rin ang dalawang barko ng PCG para maghatid ng relief goods sa Zambaonga City. Mahigit 50 na ang patay habang 60,000 ang inilikas dahil sa patuloy na bakbakan sa Zamboanga City.3 labi ng hinihinalang MNLF, narekober sa ika-7 araw ng bakbakanTatlong bangkay ng mga hinihinalang miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) ang narekober sa mga lugar ng bakbakan sa Zamboanga City.Dalawang bangkay na isang babae at isang lalaki ang narekober sa Barangay Sta. Barbara.Ayon sa isang opisyal ng 32nd Infantry Batallion, napatay ang mga hinihinalang rebelde sa isang lugar sa naturang barangay Sabado ng kagabi.Armado umano ang mga ito ng M-16 armalite rifle nang kanilang marekober Linggo umaga.Samantala, isang bangkay ang narekober ng mga sundalo sa Barangay Sta. Catalina.Hindi pa rin nakikilala ang mga labi.Putukan, muling sumiklab sa ika-7 araw ng Zambo standoffMuling sumiklab ang putukan sa ika-pitong araw ng standoff sa Sta. Catalina, Zamboanga City. Kasabay ng ilang pagsabog sa lugar, partikular na nagkakagirian ang mga sniper troops ng kapwa panig ng MNLF at Philippine Army sa kanto ng Cervantes.Nagaganap ang bakbakan sa gitna ng sunog na tumutupok sa isang residential area sa likod ng Zamboanga Medical Center. Matatandaang matagal nang nailipat ang mga pasyente sa ospital.Pinipilit namang respondehan ng mga kawani ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang apoy.Pinaatras na ang mga kagawad ng media ng PH Red Cross dahil sa tindi ng palitan ng putok.Inaasahang tataas ang bilang ng mga nasawi sa pagrekober pa ngayon ng mga labi ng mga hinihinalang rebelde.Anim na indibidwal na pawang nakatali ang isinakay sa isang ambulansya ng Philippine Army sa bahagi ng Claveria street. Kabilang dito ang limang lalaki at isang babae.

Page 9: Krisis Sa Zamboanga

Hindi pa naman malinaw kung mga MNLF ang mga ito o mga bihag. Samantala patuloy ang interogasyon sa apat na indibidwal: dalawang babae at dalawang lalaki na isinumbong ng mga resindete na nagtatago sa imburnal.May narekober sa mga ito na mga barya at ilang ID.Hindi pa rin tiyak sa ngayon kung mga rebelde ang mga ito o hindi.3-taong gulang na bata, tinamaan ng stray bullet sa Zamboanga CityIsang tatlong taong gulang na bata ang tinamaan ng ligaw na bala sa kasagsagan ng bakbakan ng militar at Moro National LIberation Front (MNLF) sa Zamboanga City nitong Linggo.Ayon sa pulisya, lumusot sa bubong ng kanilang bahay sa Barangay Tugbungan ang balang dumaplis sa mukha ng batang si Agapar Akip.Agad na itinakbo sa ospital ang bata.Malayo ang bahay ng biktima sa kaguluhan pero inabot pa rin ng mga ligaw na bala.Ganito rin ang sinapit ng isang babae sa Barangay Talon-Talon na tinamaan naman sa binti habang nasa loob din ng kanyang bahay.Batay sa tala ng Zamboanga City Police Office, nasa anim na ang biktima ng ligaw na bala sa siyudad.Patay sa Zambo standoff, umakyat na sa 62; pinangangambahang tataas pa(UPDATE) Nadagdagan pa ang bilang ng mga sugatan sa patuloy na standoff sa Zamboanga City.Sa huling tala alas-9:00 Lunes ng umaga ng ika-walong araw ng bakbakan, 62 na ang patay kabilang ang tatlong pulis, tatlong sundalo, limang sibilyan at 51 MNLF.Pumalo na sa 112 ang sugatan matapos dumami ang sugatan sa AFP na nasa 70 na ngayon.Nasa 63 MNLF-Misuari faction members naman na ang naitatalang sumuko o naaresto.Sa ngayon, ilang bangkay pa ng hinihinalang MNLF ang narekober sa lugar at pinoproseso ng ngayon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO). Aabot sa apat ang mga labi na nakabalot sa telang puti.Ilan din ang inaresto Lunes ng tanghali, batay sa impormasyong nakalap ng Radyo Patrol.Naglunsad na ng air strike ang Philippine Air Force (PAF) laban sa mga rebelde.  Patuloy din sa pag-init ang putukan sa lugar lalo't umuurong na pabalik sa baybayin ang MNLF.Higit 80,000 residente, apektado ng bakbakan sa Zamboanga CityMahigit 80,000 residente na ang apektado ng patuloy na bakbakan ng tropa ng gobyerno at Moro National Liberation Front (MNLF) sa Zamboanga City.Sa press conference sa ika-walong araw ng standoff, sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Dinky Soliman na kabuuang 16,973 pamilya o 81,806 indibidwal ang naapektuhan na ng gulo.14,028 pamilya rito o 67,845 residente ang nananatili sa 24 evacuation centers kung saan pinakamarami ang nasa stadium o sports complex na umaabot sa mahigit 9,000 pamilya.Ayon sa kalihim, bukod sa pang-araw-araw na pagkain, nagbibigay din sila ng stress debriefing sa mga residente.Binanggit naman ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Mar Roxas na nasa 850 bahay sa Sta. Catalina, Sta. Barbara at Mariki ang naabo dahil sa panununog ng mga rebelde.Nasukol naman na anya sa limitadong lugar ang mga MNLF. Iprinisinta rin nito ang mga armas na narekober sa 56 rebeldeng naaresto.Nananatili sa 62 ang bilang ng mga nasawi sa bakbakan ng tropa ng pamahalaan at MNLF. Kabilang dito ang 51 rebelde, anim na pulis at sundalo; at limang sibilyan.Nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Noynoy Aquino sa pamilya ng mga biktima.Patuloy ang operasyon ng mga awtoridad laban sa mga rebelde. Lunes, naglunsad sila ng air strike laban sa pinaniniwalaang grupo ni Nur Misuari.Sunog at putukan, nagpapatuloy sa Zambo standoffSinabayan ng putukan at pagsiklab muli ng sunog ang pagsikat ng araw sa Zamboanga City. Alas-5:30 ng madaling arawvnang muling makarinig ng barilan mula sa magkabilang kampo ng tropa ng gobyerno at MNLF. Sinundan pa ang mga ito ng pagsabog na sinasabing mula sa mortar at sniper.Kasabay nito, muling sumiklab ang apoy sa lugar malapit sa Zamboanga City Medical Center sa Sta. Catalina. Una nang nasunog ang lugar nitong Linggo.Sinasabing sinasadya ng MNLF ang pagsusunog sa mga bahay dahil tuwing mag-uumpisa ang bakbakan, magkakaroon muna ng pagliyab, batay na rin sa teorya ng mga rumespondeng Bureau of Fire Protection (BFP).Wala pang tiyak na tala ang BFP sa lawak ng danyos ng mga sunog ngunit tinatayang nasa daan-daaang bahay na ang natupok.AFP, nasa offensive position na vs MNLF sa Zambo standoffNasa opensibang posisyon na ngayon ang militar laban sa mga miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa Zamboanga City.Sa panayam ng ANC kay AFP Public Affairs Chief Lt. Col. Ramon Zagala, ang hakbang ay para any matiyak ang kaligtasan ng mga lokal at mga residente.Simula pa aniya noong Biyernes nang ipatupad ang offensive stance ng AFP.Hanggang Biyernes aniya nang tangkaing pagulungin ang mapayapang pagresolba sa pamamagitan negosasyon sa mga rebelde.Ngunit anim na beses na nagpaputok ang MNLF sa halip na makipagtulungan.Sa ulat ng ABS-CBN News, sinasabing tumutulak na pabalik sa mga coastline ang mga rebelde. Kinordonan na ang lugar ng awtoridad.Ayon sa source, ilang tauhan ng Secuirty Force at Navy na ang patungo na umano ngayon sa shoreline para makuntina na ang grupo.Tumanggi naman si Zagala kung saang partikular na lugar nagaganap ang operasyon ngunit patuloy aniya sila sa pagtugon sa putukan."We continue to push forward. We are now constricting this MNLF-Misuari faction so that we can eventually put an end to this crisis the soonest possible time," ani Zagala.Napako pa rin ngayon sa 51 ang nasawi sa hanay ng MNLF habang 48 ang sumuko o naaresto."They are not an organized force anymore. The momentum belongs to the AFP," paniwala ngayon ng tagapagsalita.Sa tantya ni Zagala, higit 100 na lamang ang mga rebeldeng kanilang kinasasagupa. Kumbinsido naman ito na mauubos din ang bala at amunisyon ng MNLF.Samantala sinabi naman ni Zagala na bukas pa rin ang AFP at tropa ng gobyerno sa mapayapang negosasyon. Ngunit tila may 'disconnect' aniya sa mga pahayag ng MNLF sa ipinapahiwatig ng ground commander nito na si Habier Malik.Opensiba vs MNLF-Misuari grp., umabot na sa shoreline ng Zambo CityWalang tigil-putukan ngayon ang pumapagitna sa mga pwersa ng tropa ng gobyerno at Moro National LIberation Front (MNLF) Misuari faction na tumutulak na pabalik sa baybayin ng Zamboanga City.Sa ulat ng ABS-CBN News, sinasabing bumabalik na sa mga coastline ang mga rebelde kaya kinordonan na ang lugar ng mga awtoridad.Tumanggi naman si Lt. Col Ramon Zagala, Public Affairs officer ng AFP kung saang partikular na lugar nagaganap ang operasyon ngunit patuloy aniya sila sa pagtugon sa putukan.

Page 10: Krisis Sa Zamboanga

"We continue to push forward. We are now constricting this MNLF-Misuari faction so that we can eventually put an end to this crisis the soonest possible time," ani Zagala."They are not an organized force anymore. The momentum belongs to the AFP."Ayon sa source sa battle ground na hindi muna pinangalanan, napasok na ng mga awtoridad ang gusali sa Sta. Barbara na dating pinagkukutaan ng mga rebelde.Nasa hiwalay na gusali na ngayon ang mga MNLF. Ilang bahay pa rin ngayon ang ginagamit na taguan ng mga rebelde.Sabi pa sa source, ilang tauhan ng Security Force at Navy na ang patungo na ngayon sa shoreline para makuntina na ang grupo at mapigilan ang mga itong magamit na escape route ang baybayin.Ibinahagi pa ng source, tuloy na ginagamit ng mga rebelde bilang human shield ang kanilang mga bihag.CAAP: Operasyon ng Zambo Int'l Airport, suspendido hanggang Sept. 21Pinalawig ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang suspensyon ng operasyon ng Zamboanga International Airport dahil sa bakbakan sa pagitan ng Moro National Liberation Front (MNLF) at tropa ng gobyerno.Sa pahayag ng CAAP, ikinatwiran nito ang pagtitiyak ng seguridad sa gitna ng tensyon sa Zamboanga.Suspendido hanggang Sabado, Setyembre 21 ang operasyon ng paliparan.Una nang inanunsyo ng CAAP ang suspensyon ng lahat ng flights patungo ng Zamboanga airport hanggang ngayong araw, Setyembre 16.26 hostages, pinalaya ng MNLFDalawampu't anim na hostages ang nailigtas ng Joint Special Operation Group sa Zamboanga City, Lunes ng gabi.Ayon kay Councilor BG Guingona, pinalaya ang mga ito ng rebeldeng Moro National Liberation Front (MNLF).Dinala sa tanggapan ng Criminal Investigation and Detection Group ang 26 upang masigurong walang humalong MNLF sa mga ito.Air strike vs MNLF-Misuari faction, inilunsadNaglunsad ng air strike ang tropa ng gobyerno laban sa mga nalalabing Moro National Liberation Front (MNLF) sa Zamboanga City.Sa pagpasok sa ika-walong araw ng patuloy na standoff, namaril mula sa itaas ang mga helicopter ng Philippine Air Force laban sa mga MNLF na nasa ibaba. Hindi pa naman malinaw sa ngayon ang mga detalye sa lokasyon ng bakbakan bagama't nakikitang palipad-lipad ang mga chopper.Una nang kinumpirma ni Lt. Col. Ramon Zagala, tagapagsalita ng AFP na tumindi ngayong araw ang bakbakan mula nang maglunsad sila ng opensiba noog Biyernes.Sa huling tala, umaabot na sa 120 MNLF ang nasawi, nasugatan at sumuko sa tinatakbo ng standoff.Sinasabing umuurong na ang grupo ng mga nalalabing rebelde pabalik sa baybayin ng mga coastal areas ng Sta. Barbara matapos ang patuloy na pakikipaggirian sa mga tropa ng gobyerno.Tumanggi naman itong pangalanan ang lokasyon ng bakbakan para hindi maapektuhan ang patuloy na operasyon.Kaliwa't kanang putukan ang gumigimbal sa lugar kung saan maging ang Masjid Mosque ay napaulanan ng bala.May mga tangke na ring nagkalat sa lugar.Naghahanda na rin umano sa shoreline ang mga awtoridad para makuntina ang mga rebelde.Bilang ng nailigtas na bihag ng MNLF-Misuari group, higit 150 naMahigit 150 na ang nailigtas na bihag mula sa Moro National Liberation Front (MNLF) Misuari faction sa Zamboanga City.Ito'y matapos umabot sa 117 bihag ang nailigtas ng mga tropa ng gobyerno sa nakalipas na magdamag, bukod pa 34 unang na-rescue nitong Lunes.Kinumpirma ni Social Welfare and Development Secretary Dinky Soliman sa panayam ng DZMM na 151 na ngayon ang kanilang naitalang bilang ng na-rescue.Inaasikaso na aniya nila ang stress debriefing sa mga nakuhang bihag na ang ilan ay tulala at hindi makausap.Na-trauma at pagod anya ang mga hitsura ng mga sibilyan. Nagpapasalamat naman ang mga ito sa kanilang pagkakaligtas.Samantala patuloy pa nilang bineberipika sa mga nailigtas kung tunay ang mga ulat na naglabasan na inabuso at may ilan pa umanong ginahasa sa kanila. Sa ngayon, ilan sa mga panibagong nailigtas ang tapos nang ma-proseso at maaari nang makauwi kasama ang kanilang mga pamilya na naghihintay sa labas ng camp Eduardo Batalla Kawa-Kawa, Zamboanga City.Pinangungunahan ng DSWD at PNP ang stress at tactical debriefing sa mga naligtas na sibiliyan.Hindi pa tiyak sa ngayon kung ilan pa ang hawak na bihag ng MNLF sa ngayon.6 bihag ng MNLF sa Zamboanga City, nailigtasTatlumpu't anim na bihag ng Moro National Liberation Front (MNLF) ang nailigtas ng mga awtoridad sa Zamboanga City, Lunes ng gabi.Unang nailigtas ng Joint Special Operations Group ng Philippine Army ang 26 na bihag sa Lustre Drive, Barangay Sta. Catalina.Kasama sa mga na-rescue si Isidro Ufana, ang ama ni Father Michael Ufana na naging bihag din ng MNLF.Tatlong oras makalipas ito, 10 bihag pa ang nabawi ng mga sundalo.Agad silang dinala sa Camp Batalla para sa ilang katanungan upang matiyak na walang nahalong rebelde sa kanila.Narito ang listahan ng mga na-rescue mula sa Zamboanga City government.1. Isidro Ufana 2. Madelyn Ufana 3. Akia Rain Aninon 4. Pilar Ramos 5. Limuel Agacita 6. John Paul Planteras 7. Judith Pasilan Arnado 8. Miguel Delos Reyes9. Jake Louie Diaz Barcero 10. Aerbert Dagohoy 11. Elsie Isidro Romo 12. Dante Dales 13. Rostica Marino Dales 14. Ricky Roa Cabangon Jr. 15. Momar Toribio Javier 16. Harold Jay Atilano 17. Jeffrey Illore Baricua 18. Boyet Torres 19. Juana Cepada 20. Reyneil Olis 21. Glorifaith De Leon 

Page 11: Krisis Sa Zamboanga

22. Analyn Dela Pena 23. Mark Vincent Luspo 24. Densteve Fajardo Empuesto 25. Christina Decipalo Mendoza26. Darrell Fajardo Empuesto 27. Vincent Roda Cartegenas 28. James Ryan Vencer 29. Ryan Jay Espinueva 30. Nonito Estrada 31. Noel Rebollos Pagotaisidro 32. Romeo Decipolo 33. Janil Uran 34. Joel Rubio Mueblas Tumanggi ang dalawa na isama ang kanilang pangalan.Ayon sa pulisya, umaabot na sa mahigit 60 ang nailigtas at nakatakas na hostages.Samantala, dalawa na ang patay matapos tamaan ng ligaw na bala sa Zamboanga City. Kabilang dito ang isang Victor Fabian Manuel na tinamaan ng bala sa Southcom Village.Day 9: Patay sa bakbakan sa Zambo, 90 na; 72 ang MNLFLumobo pa ang ang bilang ng mga nasawi sa patuloy na bakbakan ng tropa ng gobyerno at Moro National Liberation Front (MNLF) sa Zamboanga City.Sa opisyal na report ng Armed Forces of the Philippines (AFP), umabot na sa 90 ang napatay kung saan 72 dito ang mga rebeldeng MNLF, walo sa militar, tatlong tauhan ng Philippine National Police (PNP) at pitong sibilyan.Nasa 160 naman ang kabuuang bilang ng mga sugatan: siyam sa MNLF, 100 sa AFP, 12 sa PNP at 39 sibilyan.67 rebelde ang sumuko na.Nailigtas naman ang 150 bihag kung saan 14 dito ang nakatakas na nasa pangangalaga ng gobyerno. Sa ika-9 na araw ng bakbakan, napaulat na binihag ng MNLF si Zamboanga OIC Chief of Police Sr. Supt. Chiquito Malayo Martes ng umaga pero kinagabihan, sinasabing pinalaya na ito at matagumpay pang nakumbinsi ang 23 miyembro ng MNLF na sumuko at sumama sa kaniya. Pero sa panayam ng mga mamamahayag, hindi masabi ni Malayo ng direkta kung binihag nga ba siya ng mga rebelde.Samantala, patuloy ang clearing operation ng militar sa Barangay Catalina matapos maitaboy ang mga miyembro ng MNLF na nagkuta roon. Bakas ang nagdaang bakbakan sa bawat sulok ng barangay. Sa isang abandonadong bahay, kita ang mga basyo ng bala ng armalite. Isang gusali naman ang tadtad ng tama ng bala na pinaniniwalaang ginamit na kuta ng MNLF.Sinuyod ng militar ang lugar bunsod ng posibilidad na may naiwan pang mga rebelde. Pero bakas na lang ang nakuha ng mga ito gaya ng ilang piraso ng uniporme na hinala ng militar ay maaaring binalak gamitin ng kalaban sa pagbabalat-kayo. Patuloy naman ang pagdami ng mga apektadong residente na pumalo na sa higit 16,533 pamilya o 82,000 indibidwal at nagsisiksikan ngayon sa stadium sa Zamboanga at improvised tents. Nagkita na rin ang ilang pinalayang bihag ng MNLF at pamilya ng mga ito. Siniguro naman ng lokal na pamahalaan ng Zamboanga na dumaan sa stress-debriefing ang mga binihag.66 bihag ng MNLF-Misuari group, nailigtasAnimnapu't anim na bihag ang nailigtas ng tropa ng gobyerno sa standoff sa Zamboanga City ngayong ika-siyam na araw ng krisis.Na-rescue ng Joint Special Operations Task Force ng AFP ang mga bihag sa Barangay Sta. Barbara.Ayon sa ama ng isa sa mga hostage, alas-3:00 kaninang madaling araw nang maglunsad ng operasyon ang mga sundalo at mabawi ang mga bihag.Maayos naman ang lagay ng mga bihag na isinasailalim na sa pagpo-proseso ngayon bago i-turn over sa DSWD.Bago ito, 26 bihag din ang nailigtas Lunes ng gabi mula sa KDK Building sa Sta. Catalina. 10 iba pa ang nailigtas matapos ang ma-rescue ang mga ito.Sa ngayon, higit 100 na ang nailigtas na bihag ng MNLF-Misuari faction.Sa bilang ng AFP, 183 ang bihag na hawak ng MNLF noong sumiklab ang gulo.Samantala dalawang military truck naman ang natiyempuhan ng Radyo Patrol ngayong umaga na may sakay na limang sibiliyan. Hindi pa naman kumpirmado kung mga bihag o rebelde ang mga ito.Kalye sa Brgy. Catalina, Zamboanga City, napasok na ng AFP at PNPNapasok na ng mga operatiba ng Joint Special Task Force ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang Lustre Street sa Barangay Catalina, Zamboanga City.Ito'y matapos ang limang araw na matinding bakbakan doon ng Moro National Liberation Front (MNLF) at tropa ng gobyerno.Sa ngayon, nagsasagawa na ng clearing operations para matiyak na wala nang rebeldeng nagkukuta sa kalye.Pero may ilang naririnig na putok na indikasyong may sniper ng MNLF sa lugar.Mistulang no man's island ang Lustre Street dahil abo na ang maraming bahay habang wasak ang ilang gusali kabilang ang KDK Building kung saan nailigtas ang 26 sibilyan kahapon.Bakbakan ng MNLF at gov't troops, muling sumiklab kasunod ng pagbihag sa Zambo police chiefMuling sumiklab ang matinding barilan sa pagitan ng Moro National Liberation Front (MNLF) at tropa ng gobyerno kasunod ng pagbihag sa hepe ng Zamboanga City Police.Nagbabakbakan ang mga militar at rebelde sa Barangay Mampang kung saan hinostage si Sr. Supt. Chiquito Malayo.Patuloy ang pursuit operations at tumanggi munang magbigay ng detalye ang mga awtoridad. 117 bihag ng MNLF-Misuari group, nasa kustodiya na ng pamahalaanUmakyat na sa 117 bihag ang nailigtas sa patuloy na standoff sa Zamboanga City.Ito'y kasabay ng pagpasok ng bakbakan sa ika-siyam na araw kung saan pinakahuling nailigtas ang grupo ng 66 mula sa Sta. Barbara, alas-3:00 ng madaling araw. Nag-aabang na ngayon sa labas ng Camp Eduardo Batalla sa Kawa-Kawa, Zamboanga City ang mga kamag-anak ng mga nailigtas na bihag. Ito'y matapos dalhin sa kampo ang mga na-rescue na sibilyan para sa kaukulang proseso ng DSWD at PNP.Nagsalita naman sa mga kaanak sa labas ng kampo sina Interior and Local Government Secretary Mar Roxas at Social Welfare and Development Secretary Dinky Soliman.Tiniyak ng mga ito na ligtas ang kanilang mga kaanak bagama't ilan ay tulala at hindi makausap.Isinailalim ang mga ito sa stress debriefing at tactical debriefing ng pulis para sa posibleng impormasyon na makuha kaugnay ng operasyon ng mga rebelde.Siniguro naman ng pamahalaan sa mga kaanak ng mga biktima na makakauwi na ang mga ito sakaling matapos ang proseso.Ilan sa mga nakaabang sa labas ng kampo ang isang lalaki na nag-aabang sa kanyang asawa.

Page 12: Krisis Sa Zamboanga

Kasabay nito, sumalubong din sa kanya ang balitang isa sa kanyang mga anak na bihag din ng MNLF ay binaril ng sniper ng mga rebelde nang magtangka itong tumakas noong Biyernes.May isa pang estudyante sa lugar na tanging nakaligtas sa isang kinubkob na boarding house sa kalye ng Lustre nang hindi siya makauwi sa oras. May mga kaklase pa aniya siyang hindi malaman ang kinalalagyan ngayon. May ilang una nang nakatakas ang nasa lugar rin ngayon. Kwento ng mga ito, hindi naman anila sila tinorture ng mga MNLF ngunit aminadong matindi ang pinagdaanan nila sa kamay ng mga MNLF sa gitna ng putukan.Patay sa bakbakan sa Zamboanga City, 87 na; halos 150, sugatanUmakyat na sa 87 ang bilang ng mga nasawi sa patuloy na bakbakan ng tropa ng gobyerno at Moro National Liberation Front (MNLF) sa Zamboanga City.Sa tala ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na inisyu alas-9:00 Lunes ng gabi, 71 na ang napatay sa panig ng mga rebelde na hinihinalang pinamumunuan ni Nur Misuari.Anim naman ang nalagas sa hanay ng mga sundalo, tatlo sa Philippine National Police (PNP) at pito sa sibilyan.Halos 150 naman ang kabuuang bilang ng mga sugatan - siyam sa MNLF, 86 sa AFP, 12 sa PNP at 39 sa sibilyan.64 rebelde ang sumuko na.Mahigit 100 bihag naman na ang nailigtas mula sa mga rebelde hanggang ngayong Martes ng umaga.P50-B, nawawala sa ekonomiya ng Zamboanga City kada araw dahil sa tensyonAabot sa P50 bilyon ang nawawala sa Zamboanga City sa bawat araw na tumatagal ang tensyon bunsod ng bakbakan ng militar at nagrerebeldeng paksyon ng Moro National Lberation Front (MNLF). Batay ito sa pagtaya ng Bangko Sentral Pilipinas (BSP). Ngayong Martes, Setyembre 17 ang ika-siyam na araw ng kaguluhan sa Zamboanga. Kung mistulang ghost town ang downtown nitong mga nakaraang araw, ilang maliliit na tindahan ang nagbukas ngayong Martes tulad sa Barangay Ayala kung saan hindi masyadong ramdam ang tensyon. Gayunman, marami pa rin ang sarado. Sa ilang factory, tigil pa rin ang trabaho. Hindi na rin nakakapagpasahod ang ilang kumpanya dahil limitado ang transaksyon sa mga bangko.Allowance ng ilang sundalo, idinonate para sa evacuees sa Zambo CityNapagpasyahan ng 4th Infantry Division (ID) ng Philippine Army na i-donate sa mga lumikas sa gitna ng standoff sa Zamboanga City ang kanilang isang araw na allowance.Inianunsyo ni Colonel Gerardo Barrientos, assistant division commander ng 4th ID na nakapagpasya ang mga sundalo sa kanilang division na i-donate ang kanilang P90 na subsistence allowance.Mayroong higit 4,000 sundalo sa ilalim ng 4th ID.Ayon kay Barrientos, aabot sa P430,000 ang kanilang ibibigay na tulong.Idadaan nila ito sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na siyang nag-aasikaso sa mga evacuee. Dagdag pa ni Barrientos, naawa sila sa kondisyon ng mga evacuees sa Zamboanga kaya kahit sa maliit na paraan maiparamdam nila sa mga evacuees na handang tumulong ang mga sundalo.Putukan sa Zambo City, bahagyang humupa sa nakalipas na magdamagBahagyang humupa ang putukan sa Zamboanga City sa pagpasok sa ika-10 araw ng krisis bagama't balot pa rin sa tensyon ang lugar ng bakbakan ng MNLF at tropa ng pamahalaan.Naging matahimik sa buong magdamag sa Barangay Sta. Catalina kung saan naging mainit ang barilan nitong mga nakalipas na siyam na araw.Napasok na ng tropa ng gobyerno ang lugar para sa kanilang clearing operations.Mas mahigpit na seguridad ang kanilang ipinatutupad sa mga napasok na lugar dahil may ilan pang natitirang rebelde.Sa pagputok ng liwanag, lumiit na umano ang bilang ng mga rebeldeng tutugisin dahilan para mas maging mahirap ang paghahanap sa mga ito.Samantala dalawang buhay ang nalagas sa panig ng militar na nag-akyat sa bilang ng nasawi sa 11. Naglalaro na ngayon sa 100 ang kabuuang nasawi sa bakbakan.Tuloy ang calibrated military operation ng AFP sa ngayon.Samantala may mga nagbubukas nang mga tindahan sa mga kalapit lugar.Unti-unti na ring sinusubukang bumalik sa dating pamumuhay ang mga residenteSinasabing muli nang bubuksan ang Zamboanga International Airport ngayong Huwebes. Pinal na ilalatag ang detalye ng plano ngayong araw kung saan ilan sa mga pinag-aaralan ang paggamit sa Baliwasan Elementary School bilang holding area sa mga pasahero sa halip na sa mismong paliparan.Higit 8,000 apektado ng Zamboanga siege, isinailalim sa psycho-social counselingUmakyat na sa 8,394 ang sumailalim sa critical incident stress management ng Philippine Red Cross (PRC) sa ika-10 araw ng tensyon sa Zamboanga City.Ito'y para makaagapay ang mga biktima sa kanilang dinanas na trauma sa 10 araw nang bakbakan sa pagitan ng pwersa ng gobyerno at paksyon ng Moro National Liberation Front (MNLF).Nagbigay ng psycho-social counseling ang PRC sa mga apektado ng bakbakan upang maiwasan ang post-traumatic disorder o labis na pagkabalisa matapos ang isang sakuna o trahedya.Nagtayo na rin ng welfare desks ang PRC sa Joaquin Enriquez Memorial Sports Complex sa lungsod para sa iba pang tulong sa mga inilikas na residente.DTI, nagtakda ng SRP sa mga pangunahing bilihin sa Zamboanga CityNaglabas ng suggested retail price (SRP) sa mga pangunahing bililihin ang Department of Trade and Industry (DTI) sa ika-10 araw ng tensyon sa Zamboanga City.Ayon sa DTI, magsisilbi itong gabay sa mga mamimili sa pamilihan at dapat itong sundin ng mga nagtitinda.Batay sa inilabas na SRP, mabibili lamang sa P12.50 hanggang P13.25 ang kada lata ng 155 gramo ng sardinas; P49.60 ang 300 milligrams condensed milk; P45 ang 150 gramo ng powdered milk; P33.50 ang 50 gramo ng kape habang P18.95 ang bawat 400 gramong sabong panlaba.Pinaalalahanan ng DTI ang mga mamimili sa Zamboanga na isumbong sa ahensya ang mga magsasamantala sa presyo ng mga nabanggit na produkto.Mga lumikas na residente sa Zambo, hindi pa pwedeng bumalik sa kani-kanilang tahananHindi pa pwedeng bumalik sa kani-kanilang mga tahanan ang mahigit 100,000 residenteng apektado ng bakbakan sa Zamboanga City. Sa isang press conference ngayong Miyerkules, sinabi ni Zamboanga City Mayor Beng Climaco na makabubuting huwag munang magsibalikan ang mga residente lalo't hindi pa naman tuluyang natutuldukan ang krisis na sinimulan ng nagrerebeldeng paksyon ng Moro National Liberation Front (MNLF). Partikular na pinagbabawalang bumalik sa kani-kanilang mga bahay ang mga residente ng:-barangay Sta. Catalina;-barangay Sta. Barbara;-barangay Kasanyangan;-barangay Rio Hono;-barangay Talon-Talon;-barangay Mampang; at-barangay Arena Blanco.

Page 13: Krisis Sa Zamboanga

Suspendido pa rin ang klase hanggang Biyernes sa lahat ng antas, pampubliko man o pribadong paaralan. Patuloy namang ipapatupad ang curfew mula alas-8:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga. Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang clearing operation sa ilang lugar na nabawi na ng militar mula sa kontrol ng MNLF.Bakbakan ng MNLF at tropa ng gobyerno sa Zamboanga City, muling sumiklabMuling sumiklab ang bakbakan ng Moro National Liberation Front (MNLF) at tropa ng gobyerno sa Zamboanga City.Ngayong ika-10 araw ng tensyon, matapos ang halos tahimik na magdamag, umigting na naman ang putukan sa Lustre Street, Barangay Sta. Catalina, alas-9:30 ng umaga.Matatandaang napasok at nagsagawa na ng clearing operations doon ang mga awtoridad kahapon ngunit may mga miyembro pa rin ng MNLF kaya nagpatuloy ang sagupaan.Bukod sa putukan, may sunog ding nagaganap sa barangay.Tinangka ng isang trak ng bumbero na rumisponde pero dahil sa putukan ay umatras ito.Zamboanga City Police chief, nilinaw na hindi siya dinukot ng MNLF; 23 rebelde, sumukoNilinaw ng hepe ng Zamboanga City Police na hindi siya dinukot ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa gitna ng putukan sa Barangay Mambang, Martes ng umaga.Giit ni Senior Superintendent Jose Chiquito Malayo, kusa siyang sumama para makipag-usap sa mga rebelde.Wala ring bakas na pinahirapan ang hepe."Hindi po kami tumakas. Nag-uusap kami dun sa area, nag-meet kami sa isang bakawan, because they wanted to talk."Martes ng gabi, sumuko kay Malayo ang 23 MNLF at dumiretso sila sa Western Mindanao Command. Sinalubong sila nina Philippine National Police (PNP) Chief Alan Purisima, Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Emmanuel Bautista at Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas.Isinuko nila ang 23 armas.Ayon kay Malayo, babalik na sa Basilan ang mga rebelde dahil hindi sila kasama sa gulo.Binigyang diin naman ni Roxas, "Hindi ibabalik ang mga armas, dadaan [sila sa] proseso, sasampahaan ng kaso pero sinabi naman nila na hindi sila kasama sa bakbakan."Sa ngayon, hindi pa malinaw kung ano ang napag-usapan nina Malayo at ng mga sumukong MNLF sa pangunguna ni Commander Usong.Sinabi lang ni Malayo na nagkaroon sila ng kasunduan at nakumbinsi niya ang ilan na sumuko na lang sa mga awtoridad.Zamboanga City Airport, muling magbubukas ngayong HuwebesMuling magbubukas ang Zamboanga City Airport ngayong Huwebes matapos isuspinde ang operasyon dahil sa standoff sa lungsod. Sa abiso ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), magkakaroon ng preliminary flights sa paliparan simula ala-1:00 Huwebes ng madaling araw.Tig-isang biyahe ng Philippine Airlines (PAL) at Cebu Pacific ang unang pinayagan.Inalis na rin ang no fly zone sa loob ng 25 nautical mile radius ng paliparan.Sa panayam ng Radyo Patrol kay Capt. John Andrews, deputy director-general ng CAAP, sinabi nitong matapos ang kanilang personal na pagtungo sa lugar para matiyak ang sitwasyon at makipagpulong sa Crisis Management Team (CMC) ng Zamboanga, napagpasyahan na alisin na ang suspensyon.Gagawin aniya ang mga operasyon sa paliparan ngayong Huwebes matapos ang curfew sa lungsod na tumatagal hanggang alas-5:00 ng madaling araw.Wala ring operasyon sa gabi dahil sa curfew, ani Andrews.Posibleng madagdagan aniya ang biyahe sa paliparan sa Biyernes, depende sa takbo ng sitwasyon. Samantala asahan na aniya ng mga pasahero ang mahigpit na seguridad na ipatutupad. Isang hand carry luggage lamang ang papayagan. Tatlong lebel ng security checks ang ilalatag.Bilin ni Andrews, dapat nasa paliparan na ang mga babiyahe tatlong oras bago ang kanilang iskedyul.Sa tala, 5,000 pasahero ng Cebu Pacific habang 1,200 naman sa PAL ang naapektuhan ng pag-antala ng biyahe.Inaabisuhan ang mga naapektuhang pasahero na makipag-uganayan sa kani-kanilang carrier para maisaayos na ang detalye ng kanilang flight.Zamboanga City Airport, balik-operasyon naBalik-operasyon na ang Zamboanga City Airport simula ngayong Huwebes, Setyembre 19.Ang muling pagbiyahe sa paliparan ay kasunod na rin ng pag-alis ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng suspensyon kahapon matapos humupa ang banta sa seguridad ng standoff doon. Unang bibiyahe ang dalawang flight mula sa Philippine Airlines (PAL) at Cebu Pacific.Magsisimula na ang pagtanggap ng check-in counter ng Cebu Pacific para sa flight 5J 849 patungong Zamboanga. Aalis ito ng NAIA Terminal 3 alas-8:30 ngayong umaga.Sa ngayon, 12 pasahero pa lamang ang nagkumpirmang tutuloy sa biyahe pa-Zamboanga, 11 naman ang nagsasabing babalik pa-Maynila.Sa kabila nito, tuloy ang biyahe kung saan sinabi pang sasabay dito si CAAP Dir. Gen. William Hotchkiss.Samantala alas-11:40 ng umaga naman aalis ang PALEx flight 2P 995 at inaasahang darating ng alas-1:15 ng hapon sa Zamboanga. Babalik ito alas-3:40 ng hapon.Hindi papayagan ang check-in baggages at ididiretso ang mga pasahero sa Baliwasan Central School bilang bahagi ng security measures na ipinatutupad sa lungsod.15 pang MNLF-Misuari faction members, sumuko naUmabot sa 15 miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) ang napasuko ngayon ng militar sa patuloy na clearing operations sa Barangay Sta. Catalina, Zamboanga City.Ayon kay PNP Deputy Director General Felipe Rojas, 10 ang sumuko Miyerkules ng gabi habang karagdagang lima ang sumuko kaninang umaga.Nasa barangay hall ng Sta. Catalina ngayon ang 15. Isinasailalim sa tactical interrogation ang mga ito.Madadagdag ang bilang sa huling tala ng sumuko o nasa kustodiya ng awtoridad nitong Miyerkules na 93. Patuloy ang putukan sa barangay habang isang sunog ang muling sumiklab sa ika-11 araw ng standoff.Unang flight makalipas ang 10 araw, lumapag na sa Zambo Int'l AirportUnti-unti nang bumabalik sa normal ang sitwasyon sa Zamboanga City.Bagama't nagpapatuloy pa rin ang bakbakan ng Moro National Liberation Front (MNLF) at tropa ng gobyerno ngayong ika-11 araw ng tensyon, nagbukas na muli ang Zamboanga International Airport.Alas-10:09 Huwebes ng umaga, lumapag sa paliparan ang Cebu Pacific flight 5J 849 mula Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Umalis ito ng Maynila, alas-8:53.Ito ang unang commercial flight na lumapag sa Zamboanga City makalipas ang 10 araw na suspensyon ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).Lulan ng CebuPac ang 17 pasahero. Sumama sa biyahe si CAAP Deputy Director General John Andrews.Ayon kay Andrews, normal ang naging biyahe at makakaasang madaragdagan na ang mga flight pa-Zamboanga sa mga susunod na araw.Sabi rin ng ilang pasahero, naging maayos ang biyahe at masaya silang muling nagbukas ang paliparan sa Zamboanga.Dumating naman sa paliparan si Interior and Local Government Secretary Mar Roxas para salubungin si Andrews at

Page 14: Krisis Sa Zamboanga

kumustahin ang unang flight.Pahayag niya, "Magandang senyales ito, unti-unti bumabalik na sa normal. Magkakaroon kami ng assessment mamayang hapon kung ano 'yung takbo nitong flight na ito at kung okay naman ay dodoblehin ang flight kung hindi man bukas, sa Sabado. "Samantala, alas-11:40 ng umaga inaasahan namang aalis ng NAIA ang Philippine Airlines (PAL) flight 2P 995 at darating ng alas-1:15 ng hapon sa Zamboanga. Babalik ito ng alas-3:40 ng hapon.Sundalo, patay sa clearing ops sa Zamboanga City(UPDATE) Nadagdagan pa ang mga nalagas sa tropa ng gobyerno ngayong ika-11 araw ng bakbakan sa Zamboanga City.Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na may isang sundalo na nasawi sa clearing operations sa Barangay Sta. Catalina ngayong Huwebes ng umaga.Bukod dito, may dalawa pang sundalo ang nasugatan sa mahigit dalawang oras na bakbakan.Mga sniper ng Moro National Liberation Front (MNLF) ang bumaril sa mga biktimang sundalo.Humupa naman na ang tensyon sa ngayon.Una nang sinabi ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na ang clearing operations ay delikadong bahagi ng bakbakan dahil house-to-house ang paghahalughog at malapitan ang laban sa mga natitirang rebelde ng MNLF.Operasyon sa Zambo Int'l Airport, patuloy; 6 flights, naka-iskedyul ngayonUnti-unti nang nagbabalik-normal ang operasyon sa Zamboanga International Airport matapos dumami pa ang biyahe ngayong ikalawang araw ng muling pagbubukas nito.Sa aprubadong iskedyul ng Civil Authority of the Philippines (CAAP), tatlong inbound at tatlong outbound flights sa lungsod ang nakatakda ngayong Biyernes.Unang lilipad ang Philippine Airlines (PAL) Express flight 2P 993 alas-9:00 ng umaga.Susundan ito ng Cebu Pacific flight 5J 853 alas-11:00 ng umaga at 2P 997, ala-1:50 ng hapon ng PAL Express.Ang mga pa-Maynila namang biyahe ay ang sumusunod: 2P 994, 11:10 PM; 5J 854, 1:30 PM at 2P 998, 4:00 PM.Umabot ng 300 pasahero ang ligtas na naibiyahe papasok at palabas ng lungsod nitong Huwebes sa apat na paunang biyahe sa paliparan. Umaasa naman ang CAAP na mas marami pang pasahero ang mapaglilingkuran matapos ang 10-araw na tigil-biyahe dahil sa standoff.Kaibahan ngayong Biyernes, pinapayagan na ngayon ang mga pasaherong magdala ng malalaking bagahe. Una nang hand carry luggage lang ang pinayagan dahil sa seguridad.Ngunit abiso sa magdadala ngayon ng malaking bagahe, agahan ang pag-check in sa paliparan.3 patay sa pagsabog ng bus sa Zamboanga City(UPDATE) Umakyat na sa tatlo ang kumpirmadong patay sa pagsabog ng bus ng Biel Transit sa Barangay Labuan, Zamboanga City.Kinumpirma ito ni Police Inspector Chester Natividad, hepe ng Labuan Police Station 10.Ayon naman sa barangay chairman ng Labuan, kabilang sa mga nasawi ang konduktor ng bus at dalawang empleyado sa garahe ng Biel Transit habang sugatan naman ang driver ng bus.Naitala ang pagsabog Biyernes alas-5:55 ng hapon.Sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, kagagarahe lamang ng bus mula sa city proper nang maganap ang pagsabog.Inihayag naman ni Police Chief Insp. Ariel Nuesca, tagapagsalita ng PNP Regional 9, inapula ng rumespondeng bumbero ang nasusunog na bus.Hindi pa naman tukoy ng awtoridad kung sino ang nasa likod ng pagsabog at uri ng bombang ginamit.Pangingisda sa Zambo Peninsula, unti-unti nang nagbabalik-normalApat na trak na ng isda mula Zamboanga City ang nakarating sa Cebu hanggang nitong Huwebes tanda ng unti-unti pagbabalik-normal ng pangingisda sa tensyonadong lungsod.Ayon kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Dir. Asis Perez, bagamat kaunti ito kumpara noong hindi pa pumuputok ang standoff, magandang senyales na ito mula sa Zamboanga peninsula.Wala pa naman aniyang naitatalang karahasan sa mga lumayag na barkong pangisda ng mga kumpanya ng sardinas.Nililinaw naman ng BFAR na wala dapat maging epekto sa presyo ng sardinas ang gulo sa Zamboanga dahil may buffer stock pa ang mga kumpanya.Ang huli ngayon ay para sa Disyembre at unang buwan ng 2014.Kapamilya shower van ng ABS-CBN, pinipilahan sa Zamboanga CityTuloy-tuloy ang pagbibigay-serbisyo ng Kapamilya shower van ng ABS-CBN Sagip Kapamilya para sa mga evacuee sa Zamboanga City.Naibiyahe na sa Zamboanga ang unang batch ng 5, 040 tuwalya mula sa First Gen Corporation, 5,000 piraso ng toothbrush mula sa mga negosyanteng sina Alfonso Ang at Romy Chua at 2,000 toiletries kit na naglalaman ng mga shampoo, sabon at toothbrush mula sa Unilever Philippines.Libre itong inihatid ng Philippine Airlines (PAL) Express Flight 2P-993.Pinipilahan naman ng mga evacuee sa Joaquin Enriquez Memorial Sports Complex ang Kapamilya shower van.Ayon sa area coordinator ng ABS-CBN Foundation na si Aiza Magallanes, umaaabot sa 2,000 evacuees ang maseserbisyuhan ng shower van na dinala sa lungsod mula sa Cagayan De Oro City.Sa panayam naman ng DZMM, laking pasalamat ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Dinky Soliman sa ABS-CBN dahil sa malaking tulong na ipinaabot sa mga naapektuhan ng kaguluhan sa Zamboanga."Malaking bagay 'yung shower... Dahil ang hygiene kit ay malaking bagay dahil tradisyon ng ating mga kapatid nating Muslim na mahalaga yung hygiene, sa kanila bahagi po 'yan ng kaniliang pananalangin," banggit ni Soliman.94 MNLF rebels na nahuli sa Zambo standoff, ililipat sa BuCor facility - SILG RoxasNakatakdang ilipat sa facility ng Bureau of Correction (BuCor) sa Zamboanga City ang 94 na nahuling miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) na nasa istasyon ng pulis ngayon.Ayon kay Interior and Local Government Secretary Mar Roxas matapos ang pag-iikot sa mga pinagkukulungan ng mga MNLF, nakipag-ugnayan na siya kay Justice Secretary Leila De Lima ukol dito.Sa plano, ililipat sa Zamboanga Police Office ang mga minimum risk na preso habang ililipat naman sa San Ramon Penal facility ang mga MNLF.Mahigpit na babantayan ang paglilipat sa mga ito. Pulisya pa rin ang tututok doon. Kung ano aniya ang pagkain ng mga normal na detainee gayundin ang sa mga rebelde.Kinunan na ng mugshot ang mga nahuling MNLF.Samantala, may panawagan si Roxas sa mga human rights advocate na pumupuna sa trato ng mga pulis sa mga rebelde kung saan masikip umano ang kulungan at binubugbog umano ang mga ito.Ani Roxas, hindi sa pagdedepensa sa mga awtoridad ngunit dapat sana aniyang maging pantay ang human rights advocates at tingnan din ang pinsalang idinulot ng tensyon.Tungkol naman sa isasampang kaso, pangkabuuang kaso aniya ang rebelyon at nakapaloob na ang kaso ng murder, arson at iba pa.Inaayos pa ang detalye ng kaso dahil ang korte at piskalya ay nasa loob ng battlezone. Hahanapan pa ng paraan para

Page 15: Krisis Sa Zamboanga

makapagpulong ang korte sa ibang lugar.Ayon kay Roxas, hindi pa naman nabubuksan ang suhestyong gawin ito sa Maynila.Naniniwala naman si Roxas na matatapos na ang krisis. Tiniyak ng kalihim na hindi inip o galit ang paiiralin ngayon ng tropa ng gobyerno sa operasyon lalo't pakonti-konti ang bilang ng mga ito.Sunog at putukan, sumalubong sa ika-12 araw ng Zambo standoff(2nd UPDATE) Dalawang sibilyan ang nasa ospital ngayon matapos tamaan ng ligaw na bala sa Lustre Street, Barangay Sta. Catalina, Zamboanga City sa ika-12 araw ng standoff.Sa impormasyon mula kay AFP Public Affairs Office Chief, Lt. Col. Ramon Zagala, alas-6:35 Biyernes ng umaga nang magsimula muli ang bakbakan sa naturang lugar kung saan isinasagawa ang clearing operations.Isinugod na sa Brent Hospital ang mga sugatan.Apat namang senior citizens na naipit sa kaguluhan sa loob ng kanilang mga bahay sa Barangay Mariki ang nailigtas ng awtoridad ngayong umaga.Bago ito, ilang pagputok at patuloy na sunog ang muling nagmarka ng pagpasok sa ika-12 araw ng bakbakan.Matapos ang matahimik na magdamag, muling sumiklab ang sunog at putukan ngayong Biyernes ng umaga sa Sta. Catalina. Una nang pinaghinalaang sinasadya ng mga miyembro ng MNLF-Misuari group ang panununog ng mga bahay para maging tanda ng pagsisimula ng bakbakan.Nirerespondehan ng Explosives and Ordnance Division (EOD) ang mga nakikitang mortar sa lugar na hindi pa napasabog.Sa paglipas ng mga araw ng operasyon, lumiit na ayon sa tropa ng gobyerno ang lugar na ginagalawan ng mga rebelde kasabay ng pagkonti rin ng bilang ng mga ito.Sa tatlong barangay na lamang nagpapabalik-balik ang mga MNLF: Barangay Rio Hondo, Sta. Catalina at Sta. Barbara.Kumikilos pa rin ang mga ito bitbit ang nasa 20 pang bihag.House-to-house ang inilalatag na operasyon ng mga awtoridad.15 MNLF ang sumuko habang walo pa ang naaresto nitong Huwebes.Sa paghupa ng putukan, maraming residente ang nagnanais na bumalik sa kanilang mga tahanan bagay na hindi naman pinapayagan ng mga awtoridad.Naka-kordon pa rin ang lugar lalo na sa coastal areas para matiyak na hindi makakatakas ang mga rebelde at walang sibilyan pa ang malalagay sa panganib.AFP: Pwersa ng MNLF-Misuari grp., patuloy na humihina; 4 nasawi, 6 sumuko ngayong arawNasa 40 hanggang 50 na lamang ang nalalabing Moro Nationla Liberation Front (MNLF)-Misuari faction sa Zamboanga City.Sa press briefing ni Lt. Col. Harold Cabunoc, commander ng 7th Civil Relations Group ng Philippine Army, kumbinsido ang mga awtoridad na mabubuwal na sa mga susunod na paghaharap ang mga rebelde.Naghati-hati na aniya ang mga ito sa maliliit na grupo kung saan 'leaderless' pa umano ang ilan. Nauubusan na rin umano ng bala ang mga ito.Sa katunayan, karamihan sa mga narekober na armas ay wala nang ammunition.Ngayong ika-12 araw ng standoff, anim na rebelde ang sumuko sa Sta. Barbara at apat naman ang nasawi sa bakbakan kaninang alas-9:00 hanggang alas-10:00 ng umaga.Kaya positibo ang AFP na matatapos na ang tensyon sa lugar."Ang pagkakawatak-watak, pagkaubos ng bala, pagkagutom at paunti-unting pagsuko, asahan natin matatapos din ang kaguluhan sa Zamboanga City," ani Cabunoc.Napag-alaman ng AFP na 850 kabahayan sa mga pinasok na barangay ng MNLF ang sinunog. Ginagamit ng mga rebelde bilang smokescreen ang sunog para makatalilis sa mga tropa ng gobyerno.Patuloy naman ang pagsuko at pagdagdag ng bilang ng nasasawi at nasusugatan sa bakbakan habang patuloy ang house-to-house clearing operation.

CasualtyNililinaw ng AFP na 10 lamang ang nasawi sa kanilang hanay taliwas sa unang ulat na 12.Paliwanag ni Cabunoc, napasama sa paunang listahan ang pangalan ng mga pulis.Kinilala ang mga sundalong nasawi sa standoff na sina: - PO3 Jose Audrey Bañares - Priv. First Class Jumerin Abdul Ahib- Priv. First Class Jeffrey Castillo - Priv. First Class Alvin Dayna - Priv. First Class Jay Olivar - Priv. Sergio Buagas - Corporal Mark Herson Caranso- Corporal Michael Baltazar - Corporal Allan Camerino - 1st Lt. John Christopher Rama Unang iuuwi si Rama sa Luzon ngayong hapon. Sa Norzagaray, Bulacan nais ng pamilya ilagak ang labi ng sundalo.May mga special financial assistance para sa mga pamilya ng sundalo bukod pa sa ibinibigay ng AFP at iba pang ahensya. May scholaship pa sa mga anak nito.Samantalang sa panig ng PNP, tatlo ang patay habang 13 ang sugatan.Sa panig ng MNLF-Misuari faction, 92 na ang patay habang 72 ang nahuli o sumuko. Bukod pa ito sa pinakahuling nahuli na anim na MNLF na sumuko at apat na napatay kaninang umaga.20 pa rin ang tinatayang hawak na sibilyan ng mga rebelde. Hindi pa tukoy ngayon kung pinaghiwa-hiwalay din ang mga ito o hindi.Pondo para sa pagkain ng higit 100,000 evacuees sa Zambo, higit P5-M kada arawHindi bababa sa P5 milyon kada araw ang ginagastos ng pamahalaan sa pagkain ng mga nasa evacuation area sa Zamboanga City.Sa panayam ng DZMM, kinuwenta ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Dinky Soliman na nitong Huwebes, kabuuang P5,079,000 ang kanilang inilaan sa ready-to-eat food packs ng evacuees sa Zamboanga stadium pa lamang.Nitong Huwebes, 105,458 food packs ang kanilang inihanda bukod pa sa 10,000 na mula sa Philippine Red Cross.Maglalaro sa P25-P50 ang halaga ng food pack depende kung agahan, tanghalian o hapunan.Sa ngayon, kabuuang 118,819 indibidwal ang apektado ng patuloy na kaguluhan sa Zamboanga. Ilan sa mga ito ang nakisilong sa kanilang mga kaanak at kakilala.111,162 pamilya naman ang nasa loob ngayon ng 57 evacuation centers sa lungsod.Sinabi ni Soliman hindi pa sakop sa P5 milyon ang mga ipinamamahaging food packs sa iba pang nasa evacuation centers.

Page 16: Krisis Sa Zamboanga

Sa isang P250-halagang food pack, mayroon itong tatlo hanggang limang kilong bigas, de-lata, noodles, kape at asukal.Naglalabas din aniya sila ng P5,000 - P10,000 pondo sa mga panibagong nabubuksan na evacuation centera.Sa ngayon aniya, inaayos na nila detalye ng tulong sa mga apektado ng standoff matapos maglaan si Pangulong Noynoy Aquino ng P3.9 bilyong pondo upang ayudahan ang mga residente partikular ang pabahay sa mga ito."Nag-o-ocular (inspection) na ang (city) planning officer at ating mga kasamahan kung saan itatayo ang temporary shelter, dahil hindi sila pwede sa tent habang inaayos ang permanenteng shelter," ani Soliman.Redevelopment aniya ang planong ilatag dahil delikado at masikip din ang mga lugar ng mga residenteng lumikas.15,000 hanggang 20,000 pamilya ang target ng pamahalaan na mabigyan ng permanenteng bahay.20,643 pamilya aniya ngayon ang nasa evacuation centers.5 pang MNLF, patay sa Zambo standoff; natitirang rebelde, nasa 35 - AFPNalagasan pa ng lima ang hanay ng Moro National Liberation Front (MNLF) ngayong ika-13 araw ng bakbakan sa tropa ng gobyerno sa Zamboanga City.Sa panayam ng Radyo Patrol, sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesman Lt. Col. Ramon Zagala na napatay nila ang mga rebelde kanina kaya bumaba na sa 35 ang natitirang MNLF."May napatay tayo kaninang lima. Ang estimate natin 30 to 40... so nasa 35 siguro po [ang natitira], estimate lang 'yun."Nanatili naman anya sa 20 ang tinataya nilang bihag na sibilyan ng mga MNLF.Kaugnay naman ng operasyon, sinabi ni Zagala na hindi na sila gumagamit ng heavy weapons sa pangambang makapahamak ng sibilya ngayong nasa close quarter battle na sila kung saan "dipa-dipa na lang ang pagitan namin at ng kalaban."Bagama't hindi makapagbigay ng petsa kung kailan matatapos ang bakbakan, tiniyak ni Zagala na: "Nasa atin po ang momentum... Patuloy ang pag-atras ng ating mga kalaban habang sila po ay naiipit sa isang lugar."Sa huling tala, halos 120 na ang patay sa krisis sa Zamboanga City.Day 13: Bahay sa Zambo City, tinamaan ng mortar; 1 patayIsa ang patay matapos tamaan ng hinihinalang mortar ang isang bahay sa Barangay Tetuan, Zamboanga City.Sa pagpasok ng ika-13 araw ng bakbakan ng tropa ng gobyerno at Moro National Liberation Front (MNLF), tinamaan ng mortar ang ikalawang palapag ng bahay, partikular ang kusina nito.Nagluluto ang biktimang si Norma Lladones, 71-anyos, para sa mga sundalo at pulis sa Brgy. Sta. Catalina nang masabugan.Dead-on-arrival ito sa ospital dahil sa matinding sugat sa kanang balikat at binti.Butas ang pader ng bahay habang basag ang ilang bintana sa isang kwarto.Bihirang gumamit ng mortar ang militar kaya malaki anila ang posibilidad na nanggaling ito sa kampo ng mga rebelde.Samantala, patuloy pa rin ang putukan sa lungsod. Sabado ng umaga, nagkaroon pa ng sunog sa Brgy. Sta. Catalina.5-taong gulang na bata, ginahasa ng tiyuhin sa evacuation center sa Zambo CityIsang 5-taong gulang na batang babae ang umano'y ginahasa ng kanyang tiyuhin sa loob mismo ng evacuation center sa Zamboanga City, Huwebes ng gabi.Ayon kay Police Inspector Izel Maraviles, hepe ng Women and Children Section ng Zamboanga City Police Office, hinihinalang ginahasa ang bata sa loob ng isang make-shift tent sa grandstand.Naabutan ng nanay ng bata ang suspek sa loob ng kanilang tent, at dali-dali itong lumabas.Sa sumbong ng bata sa kanyang mga magulang, ni-rape siya ng kanyang tiyuhin.Lumalabas din sa medico legal na may laceration ang ari ng bata, isang indikasyon na ginahasa ito.Nakakulong na ang suspek pero pinabulaanan niya ang pahayag ng bata.Hinawakan lang anya niya ang likod nito, dahil nagpapakamot sa kanya.Ayon naman sa pulisya, sasampahan ng kasong statutory rape ang suspek dahil menor de edad ang biktima.Umapela naman ang pulisya sa mga magulang sa mga evacuation center na huwag pabayaan ang mga bata at parating bantayan para maka-iwas sa mga pang-aabuso.Pagbubukas ng Zamboanga City Pier, pinaplantsa naPinaplantsa na ang muling pagbubukas ng Zamboanga City Pier sa mga pasahero ngayong ika-14 na araw ng krisis dahil sa presensya ng Moro National Liberation Front (MNLF).Nagpupulong na sina Interior and Local Secretary Mar Roxas, Defense Sec. Voltaire Gazmin, Philippine National Police (PNP) Chief Alan Purisima at mga matataas na opisyal sa lungsod kaugnay ng operasyon ng pier matapos na rin buksan nitong Huwebes ang Zamboanga International Airport.Tinatalakay ang magiging daloy ng mga biyahe palabas at papasok ng Zamboanga, partikular ang mga manggagaling ng Basilan at Jolo para matiyak na wala nang dagdag na pwersa ni Nur Misuari ang makapapasok sa lungsod.Matatandaang nagsara ang pier nang sumiklab ang gulo sa Zamboanga City noong ikalawang linggo ng Setyembre.Samantala, naging tahimik ang magdamag ng mga taga-Zamboanga City.Kahapon, nakarekober ng mga armas mula sa mga rebelde.Ilang taga-Zamboanga, nais nang permanenteng lumikas dahil sa guloBalak nang permanenteng lumikas ng ilang taga-Zamboanga habang nagpapatuloy ang clearing operations ng militar sa Moro National Liberation Front (MNLF). Ito'y sa kabila ng pagtiyak ng gobyerno na matatapos din ang gulo sa lungsod. Ayon sa paring Heswita na si Lito Ocon ng Ateneo de Zamboanga, hindi lang pamilya ng kanilang mga estudyante ang gusto nang lumikas kundi maging mga guro.Maging siya, aminadong na-trauma sa bakbakan pero umaasa pa ring hindi maaabandona ang lugar."Who will rebuild Zamboanga if all will leave? We encourage our students not to leave Zamboanga... I need time to gather my thoughts. We need time. I hope people will not lose their hope."Kaunti na ang dumadalo ngayon sa misa sa Zamboanga City dahil karamihan sa mga residente ay lumikas na dahil sa bakbakan.Bitbit naman ang imahen ng Santo Niño at Birheng Maria, nag-iikot ang isang grupo para basbasan ang ilang daan, poste at pintuan sa pag-asang mawawakasan na ang krisis sa lungsod.Bata at 2 matanda, sugatan sa ligaw na bala sa Zamboanga CityPatuloy na tumataas ang bilang ng mga nasugatang sibilyan dahil sa bakbakan ng tropa ng pamahalaan at Moro National Liberation Front (MNLF) sa Zamboanga City.Pinakahuli rito ang isang bata at dalawang matandang tinamaan ng ligaw na bala sa Barangay Tugbungan.Samantala, mistula nang ghost town ang Barangay Talon-Talon sa Zamboanga City dahil sa paglikas ng mga bata at kababaihan bunsod pa rin ng bakbakan.Sa panayam ng Radyo Patrol sa isang residente, sinabi nitong malapit na ang giyera at marami na silang nakikitang mga balang naliligaw sa kanilang lugar kaya natatakot na sila.Halos ang mga kalalakihan na lang aniya ang natira sa kanilang lugar upang magbantay ng kanilang bahay, Lunes ng gabi.Habang nagrereport naman ang Radyo Patrol Lunes ng gabi, naririnig ang mga pagsabog partikular sa Climaco Street ng naturang barangay malapit sa boundary ng Barangay Sta. Catalina.AFP: 17 nananatiling bihag sa Zambo standoff

Page 17: Krisis Sa Zamboanga

Nasa 17 pa ang nananatiling bihag ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa Zamboanga standoff.Ito ang kinumpirma ni AFP Public Affairs Office Chief Lt. Col. Ramon Zagala sa panayam ng DZMM sa pagpasok ng tensyon sa ika-16 na araw.Bumaba aniya ang bilang ng bihag ng Crisis Management Committee matapos tatlo sa mga ito ang ma-rescue nitong Lunes.Sa pagkakaalam aniya, may bata sa nalalabing 17. Pinaliligiran naman na anya ng tropa ng gobyerno ang mga rebeldeng may hawak sa mga ito.105 na ngayon ang nasawi sa panig ng MNLF habang 15 sa tropa ng sundalo at pulis. Sa patuloy na close counter battle sa mga MNLF, house-to-house na aniya ang clearing operation sa lugar. Bilang resulta, patuloy ang pagliit ng "area of constriction". Aminado si Zagala na kasabay ng pagliit ng lugar, humihirap at tumitindi ang bakbakan. Naglalaro na lamang sa 5-10 metro ang palitan ng putok.Dahil dito, nagpwesto na rin aniya ng mga tauhan sa iba pang lugar na maaaring pagpasukan at paglabasan ng mga MNLF.May mga nag-iikot na ring mga helicopter para tutukan ang paggalaw sa battle ground.Bukod pa ito sa mga tauhan ng Navy at Coast Guard na nag-aabang sa bakawan na nakikitang dadaanan ng mga rebelde.Panawagan naman ni Zagala sa mga residente, huwag na munang bumalik sa kanilang tahanan."Naiintindihan namin sila sa pakay nila, alam nating nahihirapan na rin sila, ngunit dapat tingnan muna siguro ang sitwasyon," pahayag ni Zagala.Sa ngayon, nakikita man na malapit nang magwakas ang standoff hindi naman nagbigay ng petsa si Zagala kung kailan matatapos ang bakbakan.Day 16: MNLF commander at 7 kasamahan, arestado sa Zambo CityPanibagong walong miyembro ng MNLF ang napasakamay ng awtoridad ngayong ika-16 araw ng Zamboanga standoff.Sa panayam ng Radyo Patrol kay Interior and Local Government Secretary Mar Roxas, sinabi nitong batay sa tactical debriefing, kasama sa walo ang kumander ng mga rebelde na si Salip Idjal.Dalawa sa mga ito ang sugatan matapos maaresto ang grupo sa Sta. Barbara Martes ng madaling araw.Iprinisinta na ang mga ito sa Zamboanga Police Station Martes ng tanghali. 14 naman ang kabuuang nahuli, Martes ng umaga.Bukod sa walo, sibilyan ang anim. Apat sa mga ito ang orihinal na bihag, ayon kay Roxas.Isa sa anim ay napag-alaman pang maybahay ng isang PNP officer.Ang dalawang sibilyan naman ay mga nagtago lamang at nakita sila ng tropa ng pamahalaan.Nananatili aniyang mataas ang morale ng mga sundalo at pulis sa gitna ng bakbakan."All out" naman ani Roxas ang suporta ng gobyerno sa kanila.Sa pagpapatuloy ng standoff, tinitiyak ng tropa ang kaligtasan ng mga sibilyan.Operasyon vs MNLF, umabot na sa mangrove area sa Zambo City; mga residente, nagsisilikas naUmabot na sa dulong bahagi ng Zamboanga City partikular sa mga bakawan ang grupo ng Moro National Liberation Front (MNLF) na nakikibaka sa mga tropa ng pamahalaan.Sa tubigang lugar na sa Barangay Talon Talon at Sacol ngayon inaasahang sesentro ang bakbakan, mga lugar na mahirap na umanong maabot kaya patuloy na maglulunsad ng air strike ang militar.Una nang tiniyak ni AFP Public Affairs Chief Lt. Col. Ramon Zagala na may helikopter nang nag-iikot ngayon para ma-monitor ang kilos ng mga rebelde. Bukod pa ito sa mga nagpapatrulyang tauhan ng Navy at Coast Guard para mapigilian ang pagtakas ng mga MNLF.Sa pag-usad ng MNLF, tuloy naman ang paglikas ng ilang residente sa lugar sa pangambang madamay sa gulo.Una nang sinabi ni Zamboanga City Mayor Beng Climaco na may tatlong sibilyan ang tinamaan ng ligaw na bala kahit malayo ang lokasyon ng mga ito sa Barangay Tugbungan sa mismong lugar ng sagupaan. http://bit.ly/15lAFGwMismong sa baybayin ng Talon-Talon matatandaang pumasok ang grupo ng MNLF Linggo gabi, Setyembre 8 para umano magsagawa ng peace rally na ilulunsad umano nito sa mismong kapital ng lungsod.Sa salaysay ng isang residente roon na isang Tausug, Lunes kinabukasan nang maglakad sa kalye sa lugar ang mga MNLF.Armado umano ang mga ito, nakatapak ang ilan at dumiretso sa highway at kumuha ng hostages.Sa tala ng AFP, ginamit ng mga rebelde ang mga bihag nito bilang human shield para makausad papalapit sa city hall kung saan layon nito umanong magtaas ng bandera.Martes nang umano'y dumating ang 'reinforcement' ng MNLF sa mangrove area papasok ng Mariki, dagdag pa ng lokal na Tausug. Patuloy pa rin naman ang operasyon sa iba pang barangay sa lungsodMga rebeldeng nais sumuko sa Zambo standoff, binabaril ng MNLF commander - reportBinabaril umano ng ground commander ng Moro National Liberation Front (MNLF) ang mga kasamahan nitong nais nang sumuko sa gitna ng standoff.Batay ito sa ilang intel report na nakukuha ng Radyo Patrol mula mismo sa Zamboanga City.Sinuman umanong nagpapahayag ng interes na sumuko ay binabaril ni MNLF Ground Commander Ustadz Habier Malik.Batay pa sa report, dalawang MNLF na ang nasawi matapos sabihin kay Malik na sila'y susuko na.Dinidisarmahan din umano ng kumander ang mga MNLF na ayaw nang makipaglaban sa mga tropa ng gobyerno.Matatandaang ayon sa pahayag ng tagapagsalita ng MNLF na si Rev. Absalom Cerveza, si Malik ang pinag-iwanan ng free hand ni MNLF Chairman Nur Misuari sa standoff sa Zamboanga.Zambo City, balik-eskwela na ngayong Miyerkules; klase sa critical zones, suspendido pa rinBalik-eskwela na ngayong Miyerkules ang 158 paaralan sa elementarya at high school sa Zamboanga City.Ayon kay Zamboanga City Schools Superintendent OIC Pedro Melchor Natividad, manananatiling suspendido ang klase sa 47 paaralan sa loob ng critical zones kung saan patuloy ang bakbakan sa MNLF.Sumasailalim na ngayon sa stress debriefing ang mga gurong nasunugan at naapektuhan ng tensyon.Nagbigay na rin ng instruksyon sa mga guro na dahan-dahanin muna ang pagtuturo ngayong Miyerkules.Bigyang-daan din aniya ang stress debriefing sa mga bata. Nilinaw ni Natividad na bagamat nasa labas ng critical zone ang 158 paaralan, naglatag na rin ng seguridad ang PNP, Task Force Zamboanga at barangay officials.Day 17: Pamangkin ni Nur Misuari at higit 30 pang rebelde, sumuko naSumuko na si MNLF Commander Enir Misuari at 35 pa nitong kasamahan ngayong ika-17 araw ng bakbakan.Ito ang kinumpirma ni Lt. Col. Harold Cabunoc, commander ng 7th Civil Relations Group ng Philippine Army sa pinakahuling ulat mula sa Camp Aguinaldo.Sinasabing si Commander Misuari ay pamangkin ni MNLF Founder Nur Misuari.Narekober sa mga rebelde ang 23 high powered firearms kaninang alas-10:30 ng umaga.Hawak na ang mga ito ng awtoridad at isinasailalim sa tactical debriefing.Sa kabila nito, tumanggi aniyang sumuko ang ground commander ng MNLF na si Ustadz Habier Malik at dalawa pa nitong kasamahan.

Page 18: Krisis Sa Zamboanga

Nabibilang na lamang aniya sa daliri o lima ang bilang ng nalalabing MNLF ngayon.Umaasa ang tropa ng pamahalaan na sa pagliit ng bilang ng MNLF sa lungsod, mawawakasan na ang standoff sa lalong madaling panahon.Una nang naaresto nitong Martes ang isa pang kumander ng rebelde na si Salip Idjal at pito nitong kasamahan.Sa tala ng AFP, 14 sundalo na ang nasawi, 147 namang sugatan.Lima sa PNP ang napatay at 14 ang sugatan.110 MNLF na ang napabagsak habang 12 naman sa sibilyan.1 sundalo at 2 pulis na nasawi sa Zambo City, pinarangalan bago iuwiIuuwi na sa kani-kanilang pamilya ang isang sundalo at dalawang pulis na nasawi sa bakbakan sa Zamboanga City.Miyerkules ng umaga, nagsagawa ng send-off ceremony para kina Army Lt. Francis Damian, PO2 Lawin Falisa at PO2 Enrique Afable III sa Edwin Andrews Airbase. Napatay sila sa bakbakan sa Barangay Sta. Barbara.Pinangunahan nina Interior and Local Government Secretary Mar Roxas at Defense Sec. Voltaire Gazmin ang seremonya kung saan kinilala ang kabayanihan ng tatlo. Nakiisa rin dito ang ilang kaanak ng mga biktima.Ililipad ang tatlo patungong Villamor Airbase sa Pasay City sakay ng C-130 plane ng Philippine Air Force.2 bangkay ng MNLF, narekober sa Day 17 ng Zambo standoffDalawa pang bangkay ng pinaniniwalaang tauhan ng Moro National Liberation Front (MNLF) ang inilabas sa Sta. Catalina, Zamboanga City sa pagpapatuloy ng isinasagawang close quarter battle doon.Sa pinakahuling impormasyong nakalap ng Radyo Patrol mula sa mga sources nito, tinatayang nasa 100 square meters na lamang ang ginagalawan ng natitira pang tagasunod ni MNLF Commander Khabier Malik.Kapansin-pansin ding kahit umaatake ang militar at pulisya, bihirang bihirang gumanti ng putok ang mga rebelde na ayon sa ground forces ay nagpapatunay na halos wala ng bala ang mga ito.Ang kapakanan pa rin ng natitirang hostages ang isinasaalang-alang ng militar kaya hindi nila agad mapulbos ang ilang bahay na pinagtataguan ng mga rebelde.Day 17: Ilang estudyante sa Zamboanga City, balik-eskwela naBalik-eskwela na ang ilang estudyante sa Zamboanga City kahit nagpapatuloy pa ang bakbakan ng mga rebeldeng Moro National Liberation Front (MNLF) at tropa ng gobyerno.Ngayong ika-17 araw ng krisis, binuksan na ang mga paaralan sa labas ng 5 hanggang 7 kilometrong radius ng critical zone.Sakop nito ang 149 eskwelahan habang 56 pa ang sarado.Gayunpaman, bakas pa rin ang takot sa maraming residente. Sa Sta. Maria Central Elementary School na may 4,000 estudyante, 39 lamang ang pumasok ngayong araw.Nakiisa naman sina Interior and Local Government Secretary Mar Roxas, Social Welfare and Development Sec. Dinky Soliman at Defense Sec. Voltaire Gazmin sa flag ceremony.Play therapy muna ang isasagawa ng mga guro sa mga nagbukas na paaralan.Day 18: Panibagong grupo ng MNLF, naaresto ng militar sa clearing ops sa Zambo City(UPDATE) Isang grupo ng MNLF-Misuari faction ang hawak na ng militar matapos ang maagang putukan ngayong ika-18 araw ng tensyon sa Zamboanga.Tumanggi munang magbigay ng detalye si Lt. Col Ramon Zagala ng AFP-Public Affairs Office sa kung ilan o kaninong grupo ang mga nahuli dahil patuloy aniya ang pagproseso sa mga ito.Sa impormasyon ng Radyo Patrol, nagwagayway ang mga ito ng puting bandera.Kasabay ng nasukol na grupo ngayong Huwebes, anim na bihag pa ang nailigtas ng militar sa Sta. Barbara.Pasado ala-1:00 ng madaling araw ngayong Huwebes, muling nagkaputukan sa bahagi ng barangay. Taliwas sa mga unang pattern kung saan dakong alas-5:00 ng madaling araw ang hudyat ng putukan, agresibo at napaaga ang bakbakan ngayon.Kasunod na rin ito ng pagsuko ni Commander Enir Misuari,pamangkin ni MNLF Founder Nur Misuari at 35 pa nitong kasamahan nitong Miyerkules ng umaga. Una nang itinataya ng AFP na nasa lima o bilang sa daliri ang mga nalalabing rebelde sa lugar matapos ang pagsuko kahapon.Subalit kung matatandaan, mayroong iba't ibang lider ang bawat grupo na nangunguna sa operasyon sa mga barangay sa lungsod.Una nang napatay si Commander Dasta Ismael sa Sta. Catalina at sumuko na rin si Commander Salip Idjal sa bahagi ng Sta. Barbara.Kung pagbabasehan ang mga unang ulat ng Radyo Patrol, ang grupo na lamang nina Commander Ustadz Habier Malik, Asamin Hussein at Usong Ugong ang natitira.Sa ngayon, may hiwa-hiwalay pa ring putukan sa mga barangay.Day 18: 40 pang MNLF, sumuko naApatnapung miyembro ng MNLF-Misuari faction ang sumuko pasado alas-4:00 Huwebes ng madilang araw, ika-18 araw ng standoff.Kabilang sa mga sumuko ang limang menor de edad.Marami sa kanila ang may sugat at pasa sa iba't ibang bahagi ng kanilang katawan.Ayon sa isa sa mga suspek na si Elmar Madras, pinangakuan sila ng trabaho ng kanilang commander kaya pumayag siyang pumunta dito sa Zamboanga City.Ani Madras, kinailangan nilang sumuko dahil wala na silang bala at limang araw na rin sila walang pagkain.Sa ulat ng Radyo Patrol, may grupo ng MNLF ang nagtaas ng puting bandera kaninang madaling bagamat matipid ang AFP sa pagdetalye sa kung kaninong grupo ng MNLF itoNagreklamo din ang iba, dahil binugbog pa umano sila ng militar bago dinala sa Zamboanga City Police Office.Samantala dinala na sa San Ramon Penal Colony ang 42 MNLF na sumuko kahapon.Comelec, pag-aaralan pa kung itutuloy ang halalan sa Zambo CityIsang linggo pang pag-aaralan ng Commission on Elections (COMELEC) kung matutuloy o ipagpapaliban ang eleksyon sa Zamboanga City dahil sa tensyon doon.Sinabi ni COMELEC Chairman Sixto Brillantes na magkakaroon sila ng general assessment sa lugar.Tutukuyin kung itutuloy ang eleksyon sa buong lungsod o tanging sa mga lugar na hindi apektado ng bakbakan sa MNLF-Misuari faction."The report of the police and the military will be the most significant matter. 'Pag sinabi nilang mahirap, then we will probably postpone it," ani Brillantes sa pulong balitaan sa PhilPost.Sa tala ng COMELEC, may anim na barangay ang apektado ng tensyon sa lungsod- Mampang, Sta. Barbara, Sta. Catalina, Rio Hondo, Talon-Talon at Mariki.Mayroong 45,791 rehistradong botante sa 125 clustered precincts sa lungsod.Tutulak pa-Zamboanga City si COMELEC Commissioner Christian Lim sa mga susunod na araw para magbigay ng rekomendasyon sa ahensya.Sumukong MNLF commander: Niloko kamiInamin ng kumander ng MNLF-Misuari faction na poot, gutom at dami ng sugatang tauhan ang dahilan ng kanilang pagsuko nitong Huwebes.

Page 19: Krisis Sa Zamboanga

Ani Misba Baladji, 69-anyos na babaeng kumander ng grupo, pinangunahan niya ang pagsuko ng 45 kasamahan sa militar.Pinangakuan aniya sila na babayaran ng P15,000 para sumali sa peace march sa Zamboanga ngunit nagulat na lamang nang biglang magkaputukan.Mula Zamboanga Sibugay si Baladji. Kakatapos lamang nilang maproseso ng PNP at SOCO at ibinibiyahe na patungong San Ramon Prison.Day 19: Sitio Sumatra sa Talon-Talon, Zamboanga City, napasok na ng tropa ng gobyernoNapasok na ng mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang Sitio Sumatra sa Barangay Talon-Talon, Zamboanga City ngayong ika-19 araw ng bakbakan sa Moro National Liberation Front (MNLF).Naitaas na nila ang watawat ng Pilipinas doon.Matatandaang sa Sumatra pumasok ang mga rebelde para masakop ang barangay noong unang araw ng gulo.Sinunog na rin ang mga bangka ng rebelde upang matiyak na hindi na makakatakas ang mga MNLF.Una nang nabawi ng tropa ng gobyerno ang Lustre Street sa Barangay Catalina noong Setyembre 17.Samantala, muling nagkasunog sa Brgy. Sta, Catalina, Biyernes ng umaga. Nagkaroon din ng putukan.May dumating namang peace advocates sa lugar upang mapag-aralan kung paano masosolusyunan ang hidwaan sa Mindanao.MNLF, wala nang bihag - AFPWala nang hawak na bihag ang Moro National Liberation Front (MNLF) Misuari faction sa Zamboanga City.Ito ang inihayag ni AFP Public Affairs Chief Lieutenant Colonel Ramon Zagala base sa salaysay ng huling anim na hostage na nailigtas.Patuloy aniyang makakakalap ng impormasyon ukol dito sa pagpapatuloy ng clearing operations ng tropa ng pamahalaan.Sinabi naman ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na posibleng magbago ng military strategy ngayong wala nang bihag ang MNLF.Ani Mayor Beng Climaco, wala pa ring malinaw na timetable kung kailan matatapos ang clearing operations sa lugar ngunit umaasa aniya siyang hindi na ito umabot hanggang Oktubre.166 MNLF rebels, napatay sa 19 na araw ng Zambo siegeUmabot na sa 166 miyembro ng nagrerebeldeng paksyon ng Moro National Liberation Front (MNLF) ang nasawi simula nang kubkubin ng mga ito ang ilang barangay sa Zamboanga City. Ito ang inihayag ni Lt. Col. Ramon Zagala, chief ng AFP public information office, sa isang press conference Biyernes ng hapon, ang ika-19 na araw ng tensyon sa Zamboanga. Nasa 186 MNLF rebels naman ang nadakip ng mga awtoridad habang 52 ang kabuuang bilang ng mga sumuko. Kabilang dito ang 23 MNLF fighters na napasuko ni Acting Zamboanga City Police Chief Sr. Supt. Jose Chiquito noong nakalipas na linggo."Our focus now is to remove the threat in the area of operation so that we would be able to turnover this area to the Philippine National Police and the local government unit so we can pave the way for normalization," sabi ni Zagala. Sa panig naman ng pwersa ng gobyerno, 18 miyembro ng AFP ang killed in action habang 166 ang mga sugatan. Lima naman mula sa panig ng pulisya ang nasawi habang nakikipagbakbakan at 14 ang sugatan. Aabot naman sa 172 iba't ibang uri ng armas ang narekober ng mga awtoridad mula sa mga rebelde. Ayon pa kay Zagala, kagabi lang ay may naganap na bakbakan sa tangkang "breakout" ng ilang miyembro ng MNLF kung saan 15 sa mga ito ang nasawi. Nasundan ito ng panibagong "engagement" Biyernes ng tanghali. Malik, posibleng buhay pa

Patuloy namang tinutugis ng mga awtoridad si Ustadz Habier Malik, ang sinasabing ground commander ng nagrerebeldeng paksyon ng MNLF at umano'y kanang-kamay ni Nur Misuari. Sa panayam ng DZMM kay AFP Spokesman Brig. Gen. Domingo Tutaan Jr., posible aniyang buhay pa si Malik batay na rin sa nakalap nilang testimonya ng mga nailigtas na bihag ng MNLF gayundin mula sa mismong miyembro ng mga MNLF na nadakip at sumuko. Hindi rin inaalis ng militar ang posibilidad na may hawak pang bihag ang grupo ni Malik kaya patuloy ang pag-alalay ng gobyerno sa mga operasyon.PNoy, personal na nakiramay sa pamilya ng mga sundalong napatay sa Zambo crisisDinalaw at personal na nakiramay si Pangulong Noynoy Aquino sa mga kapamilya ng military officers na napatay sa standoff sa Zamboanga City.Unang pinuntahan ng Pangulo ang labi ni 1st Lt. John Kristopher Rama ng Norzagaray, Bulacan na napatay ng isang sniper ng Moro National Liberation Front sa gitna ng rescue operation sa Barangay Sta. Barbara.Sumunod na dinalaw ni PNoy ang burol ni 2nd Lt. Florencio Michael Esguerra Meneses ng Pulilan, Bulacan na napatay din sa gitna ng clearing operations sa Barangay Sta. Catalina.Huling pinuntahan ng Pangulo ang burol ni 1st Lt. Francis Damian sa St. Ignatius church sa loob ng Camp Aguinaldo. Napatay si Damian habang nakikipagbakbakan sa mga rebelde sa Barangay Sta. Barbara noong September 24. Una nang sinabi ni Col. Harold Cabunoc, hepe ng Armed Forces of the Philippines Public Affairs Office na makatatanggap ng tulong-pinansyal ang mga kapamilya ng mga sundalong nasawi bilang pagkilala sa kabayanihan ng mga ito.Krisis sa Zamboanga City, tapos na - Malakanyang(3rd UPDATE) Kinumpirma ng Malakanyang na nagwakas na ang krisis sa Zamboanga City matapos ang 20 araw.Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, batay ito sa assessment ng mga tropa ng gobyerno sa lungsod."Certainly [Zamboanga crisis is over]. Defense Secretary [Voltaire Gazmin] made that announcement ... based on their assessment," ani Valte sa isang press briefing sa palasyo Sabado ng umaga.Ito'y matapos maiulat na wala nang hawak na bihag ang mga rebeldeng Moro National Liberation Front (MNLF) Misuari faction. "Our task from day 1 is to ensure the safety of the hostages that were taken, to ensure their safe recovery as well as to get the civilians out of harms way and that is already been accomplished."Naging sunod-sunod din ang pagsuko at pagkaaresto sa mga rebelde sa pangunguna ng mismong mga kumander nito.Wala nang naitalang putukan sa nakalipas na magdamag.Sa ulat ng Radyo Patrol mula sa Zamboanga City, inanunsyo ni Gazmin sa mga kagawad ng media na maituturing nang tapos ang standoff.Pinapasok na ng militar ang piling mamamahayag sa Barangay Sta. Catalina, partikular sa Martha Drive na naitaas na muli ang bandera ng Pilipinas matapos itong maging sentro ng bakbakan.Tumambad sa lahat ang lawak ng pinsala, mga sunog na bahay, nagkalat na mga bangkay at mga wasak na ari-arian.Nililinaw naman ng AFP na patuloy ang kanilang pagtugis sa mga natitira pang MNLF.Nananatili na lamang na banta ang natitirang MNLF hangga't may armas ang mga ito. Maliit na lamang din ang bilang ng mga rebelde.May tatlong phase anila ang operasyon sa Zamboanga: una ang iligtas ang mga bihag, (2) clearing operation sa

Page 20: Krisis Sa Zamboanga

posibleng mga pampasabog, at (3) rehabilitasyon ng lungsod.'Mission accomplished' sabi ng AFP sa unang phase ngunit patuloy pa rin ang pagtitiyak na ligtas na ang lugar.Sa clearing operation, pinoproseso ang lugar sa posibilidad ng mga itinanim na improvised explosive device.Bagamat mayroon pa ring nararanasang 'pocket of resistance' at putukan sa ibang lugar sa lungsod.Isang sunog pa ang sumiklab muli sa bahagi ng Rio Hondo.May dalawang helikopter ding nag-iikot pa sa lugar.Sa ngayon, ang PNP na ang tututok sa operasyon sa mga nalalabing MNLF at susuporta na lamang ang AFP.Sa panayam ng DZMM kay Interior Secretary Mar Roxas, sinabi nitong "hindi na makakawala ang mga MNLF dahil nakapaligid ang containment ng AFP at pulis at hindi sila makakalabas."

Malik, tinutunton pa rinSamantala, hindi pa makumpirma kung nasaan ang ground commander ng MNLF na si Habier Malik.Isasailalim sa forensic examination ang 98 bangkay na inaasikaso pa sa Sta. Catalina para malaman kung isa sa mga ito si Malik.Walang sinabi ang militar kung nakatakas o nawala ito.Parangal sa mga nasawing PH troopsKasabay ng pag-anunsyo ng pagtatapos ng bakbakan, pinangunahan din sa West Mindanao Command (WESMINCOM) ang isang flag raising ceremony.Dinaluhan ang seremonya nina Interior Secretary Mar Roxas, Mayor Beng Climaco at Defense Secretary Voltaire Gazmin.Kinilala sa seremonya ang 18 sundalo, limang pulis at maging ang siyam na sibilyang nasawi sa bakbakan sa MNLF. Naging emosyonal ang mga kaanak ng mga nasawi.Inilagay sa half mast ang watawat sa kampo bilang pakikiramay.Samantala sinabi ni Roxas na iniimbestigahan na ang mga ulat na may ilang personalidad na nasa likod ng tensyon sa Zamboanga.Kasabay ng pagtiyak na masasampahan ng kaso ang nasa 200 rebeldeng nahuli o sumuko.