lasallian nxgen blended learning module › uploads › 5 › ...sa pagtatapos ng modyul na ito, ang...

26
BRAFENHS SCIENCE AND TECHNOLOGY UNIT AY 2015-2016 Inihanda ni: G. Jeremias Daniel M. Picaña Page 1 of 26 LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULE Teacher/s: Mr. Jeremias Daniel M. Picaña / Mr. Renz Pasigan Grade/Year Level: Grade 9 Subject: Araling Panlipunan Ekonomiks Term: Ikatlong Kapatan Unit Topic: Makroekonomiks Time Frame: Dalawampu’t walong Araw (28 days) CONTENT STANDARDS PERFORMANCE STANDARDS Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya bilang kabahagi sa pagpapabuti ng pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran. Ang mag-aaral ay nakapagmumungkahi ng mga pamamaraan kung paanong ang pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya ay nakapagpapabuti sa pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran. LASALLIAN GUIDING PRINCIPLES Check applicable LGPs: LGP 1: Challenge learners to realize their full potential. LGP 2: Bring Christian perspectives to bear on human understanding, skills and values of the learners. LGP 3: Are dynamic and encourage differentiation, diversity and synergy amongst learners that are friendly, caring and respectful. LGP 4: Ensure that learners translate knowledge into something useful in actual practice for the betterment of society. LGP 5: Prepare learners to participate responsibly in the world of work, family, community, nation, and church. STAGE 1: ESTABLISHED DESIRED RESULTS TRANSFER GOALS: Ang pagkakaroon ng malalim na pang-unawa ng mga mag-aaral na ang kaalaman sa pambansang ekonomiya ay nakatutulong sa pagpapabuti ng pamumuhay ng kapwa mamamayan upang makamit ang pambansang kaunlaran. ENDURING UNDERSTANDING: Nakatutulong sa pagkamit ng pambansang kaunlaran ang pagkakaroon ng kaalaman sa pambansang ekonomiya. . ESSENTIAL QUESTIONS: Paano naiuugnay ang iyong pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya bilang kabahagi sa pagpapabuti ng pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran? ACQUISITION GOALS: DepEd Code: AP9MAK-IIIa-1 AP9MAK-IIIb-5 Sa pagtatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahan na: Competencies (Knowledge): 1. Nailalalarawan ang paikot na daloy ng ekonomiya 2. Nakikilala ang mga pamamaraan sa pagsukat ng pambansang produkto

Upload: others

Post on 07-Feb-2021

12 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

  • BRAFENHS SCIENCE AND TECHNOLOGY UNIT AY 2015-2016

    Inihanda ni: G. Jeremias Daniel M. Picaña Page 1 of 26

    LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULE

    Teacher/s: Mr. Jeremias Daniel M. Picaña / Mr. Renz Pasigan

    Grade/Year Level: Grade 9 Subject: Araling Panlipunan – Ekonomiks

    Term: Ikatlong Kapatan Unit Topic: Makroekonomiks Time Frame: Dalawampu’t walong Araw (28 days)

    CONTENT STANDARDS PERFORMANCE STANDARDS

    Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya bilang kabahagi sa pagpapabuti ng pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran.

    Ang mag-aaral ay nakapagmumungkahi ng mga pamamaraan kung paanong ang pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya ay nakapagpapabuti sa pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran.

    LASALLIAN GUIDING PRINCIPLES

    Check applicable LGPs:

    LGP 1: Challenge learners to realize their full potential.

    LGP 2: Bring Christian perspectives to bear on human understanding, skills and values of the learners.

    LGP 3: Are dynamic and encourage differentiation, diversity and synergy amongst learners that are friendly, caring and respectful.

    LGP 4: Ensure that learners translate knowledge into something useful in actual practice for the betterment of society.

    LGP 5: Prepare learners to participate responsibly in the world of work, family, community, nation, and church.

    STAGE 1: ESTABLISHED DESIRED RESULTS

    TRANSFER GOALS:

    Ang pagkakaroon ng malalim na pang-unawa ng mga mag-aaral na ang kaalaman sa pambansang ekonomiya ay

    nakatutulong sa pagpapabuti ng pamumuhay ng kapwa mamamayan upang makamit ang pambansang kaunlaran.

    ENDURING UNDERSTANDING:

    Nakatutulong sa pagkamit ng pambansang kaunlaran ang pagkakaroon ng kaalaman sa pambansang ekonomiya.

    .

    ESSENTIAL QUESTIONS:

    Paano naiuugnay ang iyong pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya bilang kabahagi sa pagpapabuti

    ng pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran?

    ACQUISITION GOALS:

    DepEd Code:

    AP9MAK-IIIa-1 AP9MAK-IIIb-5

    Sa pagtatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahan na: Competencies (Knowledge):

    1. Nailalalarawan ang paikot na daloy ng ekonomiya 2. Nakikilala ang mga pamamaraan sa pagsukat ng pambansang produkto

  • BRAFENHS SCIENCE AND TECHNOLOGY UNIT AY 2015-2016

    Inihanda ni: G. Jeremias Daniel M. Picaña Page 2 of 26

    DepEd Code:

    AP9MAK-IIIa-3

    AP9MAK-IIIb-4

    AP9MAK-IIIc-6 AP9MAK-IIIc-7

    AP9MAK-IIId-8

    AP9MAK-IIIe-10 AP9MAK-IIIf-13

    AP9MAK-IIIg-15 AP9MAK-IIIh-17

    AP9MAK-IIIh-18

    AP9MSP-IVj-21 AP9MSP-IVj-22

    Sa pagtatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahan na: Competencies (Process):

    1. Nasusuri ang ugnayan sa isa’t isa ng mga bahaging bumubuo sa paikot na daloy ng

    ekonomiya 2. Nasusuri ang pambansang produkto (Gross National Product-Gross Domestic Product)

    bilang panukat ng kakayahan ng isang ekonomiya

    3. Nasusuri ang kahalagahan ng pagsukat ng pambansang kita sa ekonomiya 4. Nasusuri ang katuturan ng consumption at savings sa pag-iimpok

    5. Nasusuri ang konsepto at palatandaan ng Implasyon 6. Nasusuri ang iba’t ibang epekto ng implasyon

    7. Naipaliliwanag ang layunin ng patakarang piskal 8. Nasusuri ang badyet at ang kalakaran ng paggasta ng pamahalaan

    9. Naiuuugnay ang mga epekto ng patakarang piskal sa katatagan ng pambansang

    ekonomiya 10. Naipaliliwanag ang layunin ng patakarang pananalapi:

    11. Nasusuri ang mga patakarang pang-ekonomiya na nakakatulong sa patakarang panlabas ng bansa sa buhay ng nakararaming Pilipino

    12. Natitimbang ang epekto ng mga patakaran pang-ekonomiya na nakakatulong sa

    patakarang panlabas ng bansa sa buhay ng nakararaming Pilipino

    DepEd Code: AP9MAK-IIIa-2

    AP9MAK-IIIc-6

    AP9MAK-IIId-9 AP9MAK-IIIe-11

    AP9MAK-IIIf-12 AP9MAK-IIIg-14 AP9MAK-IIIg-16 AP9MAK-IIIi-19 AP9MAK-IIIi-20

    Sa pagtatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahan na: Competencies (Understanding):

    1. Natataya ang bahaging ginagampanan ng mga bumubuo sa paikot na daloy ng

    ekonomiya

    2. Naipapahayag ang kaugnayan ng kita sa pagkonsumo at pag-iimpok 3. Natataya ang mga dahilan sa pagkaroon ng implasyon

    4. Napapahalagahan ang mga paraan ng paglutas ng implasyon 5. Aktibong nakikilahok sa paglutas ng mga suliraning kaugnay ng implasyon

    6. Napahahalagahan ang papel na ginagampanan ng pamahalaan kaugnay ng mga patakarang piskal na ipinatutupad nito

    7. Nakababalikat ng pananagutan bilang mamamayan sa wastong pagbabayad ng buwis

    8. Naipahahayag ang kahalagahan ng pag-iimpok at pamumuhunan bilang isang salik ng ekonomiya

    9. Natataya ang bumubuo ng sektor ng pananalapi

    STAGE 2: DETERMINING VALID EVIDENCE / ASSESSMENT

    PRODUCT OR PERFORMANCE SHOWING EVIDENCE OF UNDERSTANDING AND TRANSFER

    LIVELIHOOD PROJECT

    GRASPS NARRATIVE OF TRANSFER TASK

    Kayo ay youth volunteers mula sa isang Non-Governmental Organization na nagsusulong na maibsan ang kalagayan ng kahirapan sa Pilipinas. Isa sa mga napili ninyong tulungan ay ang mga magulang ng mga mag-aaral ng BRafeNHS kung kaya’t kayo ay nagkaroon ng pagpupulong sa mga opisyal ng kanilang samahan, ang PEGTHA o Parents, Employees, Guardians, Teachers,and Homeroom Association, na kayo ay nagnanais na magmungkahi sa kanila ng isang livelihood

    project na maaari nilang pakakitaan lalo na iyong mg magulang na walang trabaho o di kaya ay isa lamang ang nagtatrabaho sa mag-asawa. Ang inyong livelihood project proposal ay mamarkahan batay sa kapakinabangan,

    orihinalidad, proseso ng paggawa ng produkto o serbisyo, at presentasyon.

  • BRAFENHS SCIENCE AND TECHNOLOGY UNIT AY 2015-2016

    Inihanda ni: G. Jeremias Daniel M. Picaña Page 3 of 26

    SCAFFOLD FOR TRANSFER

    LEVEL 1 Directed Prompt

    LEVEL 2 Open Prompt

    LEVEL 3 Guided Transfer

    LEVEL 4 Independent Transfer

    Magpapapanood ang guro ng mga videos ng mga iba’t ibang klaseng livelihood project na makikita sa kalkhang Maynila.

    Batay sa video na napanood, sila ay bubuo ng konsepto ng makabagong mga paraan na maaaring pagkakakitaan bilang isang livelihood project.

    Ang mga mag-aaral ay bubuo ng isang produkto o serbisyo na maaari nilang imungkahi sa mga magulang na miyembro ng PEGTHA.

    Ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng LIVELIHOOD PROJECT proposal sa mga magulang na miyembro ng PEGTHA upang makadagdag sa kanilang kita at sa kanilang pang-araw araw na gastusin.

    ASSESSMENT TOOLS (Unit Assessment Map)

    TYPE KNOWLEDGE PROCESS UNDERSTANDING PRODUCT/

    PERFORMANCE

    Pre-Assessment/ Diagnostic

    Pre-Test Pre-Test Pre-Test

    Formative

    SMILE NAMAN DYAN AND EVERYTHING! 4 PICS 1 WORD MAKRO o MAYKRO IKOT-IKOT LANG

    IKOT-IKOT PA! Unang Pormatibong Pagtataya DRAW-PAIR-SHARE GDP vs. GNP On The Spot Ikalawang Pormatibong Pagtataya Math-Talino! Ang Implasyon ANTAS ANG TAAS! Dahilan At Bunga PUSH AND PULL! Now Hiring! SALAPI: ANG GAMIT ANG MGA URI NITO WHAT’S IN A BOX?

    SMILE NAMAN DYAN AND EVERYTHING! 4 PICS 1 WORD MAKRO o MAYKRO IKOT-IKOT LANG IKOT-IKOT PA! Graph Analysis Unang Pormatibong Pagtataya KWL Chart DRAW-PAIR-SHARE GDP vs. GNP On The Spot Ikalawang Pormatibong Pagtataya Math-Talino! Ang Implasyon ANTAS ANG TAAS! Dahilan At Bunga PUSH AND PULL! Now Hiring! SALAPI: ANG GAMIT ANG MGA URI NITO

    SMILE NAMAN DYAN AND EVERYTHING! IKOT-IKOT PA! Unang Pormatibong Pagtataya GDP vs. GNP On The Spot Ikalawang Pormatibong Pagtataya Ang Implasyon Dahilan At Bunga Mga Sektor Ng Pananalapi

  • BRAFENHS SCIENCE AND TECHNOLOGY UNIT AY 2015-2016

    Inihanda ni: G. Jeremias Daniel M. Picaña Page 4 of 26

    Mga Sektor Ng Pananalapi

    WHAT’S IN A BOX? Mga Sektor Ng Pananalapi

    Summative

    Short Assessment 1 and 2

    Long Assessment Post - Test

    Short Assessment 1 and 2

    Long Assessment CUA

    Post - Test

    Short Assessment 1 and 2

    Long Assessment CUA

    Post - Test

    Livelihood Project

    Self-Assessment Online Journal Online Journal

    RELATED FACETS OF UNDERSTANDING

    PAGPAPALIWANAG

    Naipapaliwanag ang kahalagahan ng pagtutuos sa pambansang kita bilang bahagi ng batayan sa pagpapatupad ng mga patakarang ekonomiko.

    PAGPAPAKAHULUGAN

    Nabibigyang-kahulugan ang iba’t ibang hakbang ng pamahalaan sa pagpapatatag sa pambansang ekonomiya.

    PAGLALAPAT

    Makapagbigay ng suhestyon ang mga mag-aaral sa pagpapaunlad ng pambansang ekonomiya ng Pilipinas.

    PERSPEKTIBO

    Nailalahad ang pananaw tungkol sa kung aling panukat ang higit na sumasalamin sa tunay na kalagayan ng pambansang

    ekonomiya.

    PAGSASAALAANG-ALANG NG DAMDAMIN NG IBA

    Naipapahayag ang pangamba at inaasahang matamo ng isang manggagawang natanggal sa trabaho sa panahong

    mataas ang implasyon.

    PAGKILALA SA SARILI

    Nailalahad ang sariling pananaw tungkol sa paggasta sa sariling allowance at paghahambing dito sa paggasta ng

    pamahalaan sa laang-guguling nakatakda sa pambansang badyet.

  • BRAFENHS SCIENCE AND TECHNOLOGY UNIT AY 2015-2016

    Inihanda ni: G. Jeremias Daniel M. Picaña Page 5 of 26

    BLENDED ACTIVITIES/TOOLS

    ENVIRONMENT ATTRIBUTES

    FACE-TO-FACE E-LEARNING

    ACTIVE The students investigate the EQ or a given situation, issue, or problem. The students research in different sources and activities for information related to the EQ, situation, or problem.

    oral recitation, role playing, discussion, problem solving, games

    polls/surveys, interactive activities, flipped, virtual fieldtrips, video tutorials

    COLLABORATIVE The students work in groups and discuss their ideas, answers, or solutions to the EQ, problem, or situation. The students take on roles to complete a group work.

    buzzgroup, think-pair-share

    blogs,forums, LMS,discussion boards,

    CONSTRUCTIVE The students produce the content related to the knowledge and process competencies. The students form generalizations and conclusions based on different texts, situations, problems, and scenarios. The students answer the EQ, discuss the EU and justify their ideas with supporting examples.

    graphic organizers (illustrated or printed), oral recitation/defense, socratic questioning

    LMS, video streaming, assessments, reflective journals,slide presentations, shout-outs, tags

    AUTHENTIC The students transfer their learning to real life situations. The students in their performance task show practical applications and solutions to the EQ, issue or problem situation. The students manifest the 7Cs of 21st century learning in their performance and product.

    oral defense web-based courses

    GOAL-DIRECTED The students reflect on their learning process. The students manage their way of working. The students check every now and then how they are accomplishing the learning goals they set for themselves.

    graphic organizer, mind maps activity planner/organizer, scoring rubrics, reflection logs,

    STAGE 3: LEARNING PLAN FLOW

    LESSON PROPER

    I. INTRODUKSYON

    Unang Linggo: Unang Araw Mga Layunin:

    a. Nabibigyang kahulugan ang makroekonomiks b. Nailalarawan ang paikot na daloy ng ekonomiya c. Nabibigyang kahulugan ang mga konsepto tulad ng pag-iimpok, pamumuhunan, angkat, luwas, buwis, at iba pa d. Napapahalagahan ang pag-iipok at pamumuhunan sa ekonomiya

    Gawain 1: Pre-Test Administration Ipamamahagi ng guro ang 10-aytem na pre-test upang masukat ang kanilang panimulang kaalaman ukol sa MAKROEKONOMIKS. Sa loob ng labinlimang minuto, sasagutan ng mga mag-aaral ang pre-test na ito. Ipababatid sa mga mag-aaral na ang magiging resulta ng pagsusulit ay hindi makakaapekto sa kanilang marka sa aralin dahil ito ay

    isang diagnostic na pagsusulit.

  • BRAFENHS SCIENCE AND TECHNOLOGY UNIT AY 2015-2016

    Inihanda ni: G. Jeremias Daniel M. Picaña Page 6 of 26

    Gawain 2: Introduksyon ng Mahalagang Katanungan Gamit ang Powerpoint presentation, ipapakita ng guro sa buong klase ang mga Mahahalagang Katanungan para sa ikatlong kapatan. Mahalagang Katanungan: Paano naiuugnay ang iyong pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya bilang kabahagi sa pagpapabuti ng pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran? Ipapakita rin ang isang grapikong organayser na makatutulong sa pag-unawa ng magiging talakayan.

    Gawain 3: SMILE NAMAN DYAN AND EVERYTHING!

    Sa kwaderno ng mga mag-aaral, kokopyahin nila ang mga sumusunod na pahayag sa ibaba. Matapos kopyahin, sila ay guguhit ng nakangiting mukha kung sila ay may malawak na pang-unawa sa konseptong iyon o kaya ay guguhit ng malungkot na mukha kung sila ay hindi gaano malawak ang pag-unawa dito.

    1. Dayagram ng paikot na daloy 2. Ugnayan ng sambahayan, bahay kalakal, at pamahalaan 3. Buwis na binabayaran ng sambahayan at bahay kalakal sa pamahalaan 4. Ugnayan ng pag-iimpok at pamumuhunan 5. Konsepto ng angkat at luwas 6. Transfer payments na ibinabayad ng pamahalaan 7. Paglabas (outflow) ng salapi sa paikot na daloy 8. Pagpasok (inflow) ng salapi sa paikot na daloy 9. Pinagmumulan ng mga salik ng produksiyon 10. Pagbuo ng mga kalakal upang maging tapos na produkto

    Mga Pamprosesong Tanong: 1. Matapos mong sagutan ang gawain, ilang konsepto ang alam mo na sa paksa? Ilan naman ang konseptong hindi mo pa nalalaman?

    2. Base sa iyong kasagutan, ano ang mabubuo mong hinuha batay sa lawak ng iyong kaalaman sa paksa?

    iBudget!

    Ito ay magiging bahagi ng pang-araw-araw na gawain o routine sa klase na magsisilbing panimulang gawain.

    Ang guro ay magpapakita ng isang kasabihan o quotation mula sa isang pulitiko mapalokal man o sa internasyunal o

    hindi kaya ay may kinalaman sa pulitika. Tatawag ang guro ng tatlong mag-aaral na magbibigay ng kanilang saloobin

    sa nabasang quotation. Ang layunin nito ay mahasa ang critical thinking skills at kasanayan na maihayag ang kanilang

    sariling pananaw o damdamin sa mga bagay-bagay.

  • BRAFENHS SCIENCE AND TECHNOLOGY UNIT AY 2015-2016

    Inihanda ni: G. Jeremias Daniel M. Picaña Page 7 of 26

    Gawain 4: 4 PICS 1 WORD

    Magpapakita ang guro ng mga larawan na may kinalaman sa paikot na daloy ng ekonomiya. Ito ay kanilang susubuking sagutin upang matukoy ang mga ito. Pagkatapos sagutin ang mga ito, itatanong ang mga sumusunod na katanungan. Ang mga salitang papahulaan ay HOUSEHOLD, MALACANANG PALACE, FACTORY, BANK, FOREIGN INVESTOR Mga Pamprosesong Katanungan:

    Ano ang ugnayan ng mga salitang ating natuklasan ngayong araw? Sila ba ay may kinalaman sa ekonomiya? Ipaliwanag.

    Gawain 5: Takdang-Aralin

    Bilang pagsiismula ng aralin ngayong ikatlong kapatan, kinakailangan na magsaliksik at pag-aralan ng mga mag-aaral tungkol sa ma sumusunod: 1.) Makroekonomiks 2.) Bahay-Kalakal 3.) Sambahayan 4.) Pamahalaan 5.) Financial market 6.) Dayuhang Sektor Kinakailangan rin nilang tanungin ang kabuoang kita ng kanilang pamilya at magkano ang kanilang nagagastos sa parehong panahon. Ito ay ilalagay sa kanilang kwaderno upang maging gabay sa magiging sunod na mga talakayan. Para sa OHSP na klase, ito ay gagawin bilang isang worksheet at ipapasa sa Edmodo.com.

    II. INTERAKSYON

    Unang Linggo: Ikalawang Araw Gawain 1: Balik-Aral

    Ang guro ay magbabalik-tanaw sa nakaraan talakayang naganap sa klase. Itatanong sa mga mag-aaral ang sumusunod na katanungan sa ibaba. Tatawag ng ilang mag-aaral na sasagot nito.

    Mga Katanungan sa Pagbabalik-Aral: 1. Ano ang anim na salita na inyong sinaliksik? 2. Ano ang kahulugan ng mga ito?

    Upang lalong mapalalim ang pag-unawa sa konsepto ng MAKROEKONOMIKS, magpapatuloy sa papapalalim ng aralin sa pamamagitan ng mga susunod na gawain.

  • BRAFENHS SCIENCE AND TECHNOLOGY UNIT AY 2015-2016

    Inihanda ni: G. Jeremias Daniel M. Picaña Page 8 of 26

    Gawain 2: MAKRO o MAYKRO

    Gamit ang isang Venn Diagram, susubukin na ipakita ng mga mag-aaral sa pisara ang pagkakaiba at pagkakatulad ng MAKROEKONOMIKS at ng MAYKROEKONOMIKS. Susunod, bibigyang pakahulugan kung ano nga ba ang MAKROEKONOMIKS. Itatanong din sa mga mag-aaral ang kabuoang kita ng kanilang pamilya at ang kanilang paggastos. Pagkatapos nito, ipapabatid sa mga mag-aaral na ito ay may kinalaman sa daloy ng ekonomiya. Gawain 3: IKOT-IKOT LANG

    Ang klase ay hahatiin sa walong pangkat. Ang dalawang pangkat ay makakakuha ng parehas na handout. Kapag naiayos na, ang guro ay bibigyan ang bawat pangkat ng worksheet na naglalaman ng iba’t ibang modelo ng daloy ng ekonomiya. Ito ay kukunin mula sa DepEd Module para sa AP9. Pangkat 1 and 4 – Modelo 1 at Modelo 2 Pangkat 2 at 5 – Modelo 3 Pangkat 3 at 6 – Modelo 4 Pangkat 4 at 8 – Modelo 5 Sa bawat handout, makikita ang limang modelo ng daloy ng ekonomiya. Ito rin ay may kalakip na mga pamprosesong katanungan.

    Anu-anong sektor ang kabilang sa modelo?

    Ano ang bahaging ginagampanan ng bawat isa?

    Paano maapektuhan ang ekonomiya kung magkakaroon ng suliranin sa paikot ng daloy ng ekonomiya na ito?

    Ang bawat pangkat ay may sampung minuto upang subukin na ipaliwanag at sagutan ang mga worksheet. Matapos ang pagpapaliwanag, susubukin na ipagkumpara ang kanilang gawa sa isang pangkat nakaparis ng nakuha at maipaliwanag ng mga mag-aaral ang kanilang gawain at ibabahagi ito sa kanilang mga kamag-aral. Ito ay gagawin sa loob ng sampung minuto. Ang gawaing ito ay lilinangin at papalalimin pa sa susunod na talakayan.

  • BRAFENHS SCIENCE AND TECHNOLOGY UNIT AY 2015-2016

    Inihanda ni: G. Jeremias Daniel M. Picaña Page 9 of 26

    Unang Linggo: Ikatlong Araw Gawain 1: Balik-Aral

    Ang guro ay magbabalik-tanaw sa nakaraan na klase. Ang mga mag-aarala ay gagawin ito sa ¼ na bahagi ng papel. TAMA O MALI

    1. Ang makroekonomiks ay sumasaklaw sa gawain ng kabuuang ekonomiya. 2. Ang pag-aaral ng makroekonomiks ay binubuo ng sambahayan at bahay-kalakal lamang.

    3. Kung ang makroekonomiks ay naglalarawan sa kabuoang ekonomiya, ang maykroekonomiks naman ay

    naglalarawan sa indbidwal na bahagi ng ekonomiya. 4. Ang modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya ay nagpapakita ng ugnayan ng iba’t ibang sector sa kabuoang

    ekonomiya. 5. Ang ekonomiya ay masasabing nasa ekwilibriyo kapag pantay ang dami ng kita sa paggasta.

    Gawain 2: IKOT IKOT PA!

    Sa gawaing ito, tatalakayin ng guro ng ang konsepto ng paikot na daloy ng ekonomiya at ang ugnayan ng bawat sector sa bawat modelo. Ito ay isang gawain na maglilinang at magpapalalim sa kanilang pang-unawa ng mga nasabing konsepto. Gawain 3: Takdang – Aralin

    Kinakailangan magdala ng mga mag-aaral ng mga lumang magazine, pandikit, cartolina, at iba pang pangkulay o materyales na kakailanganin sa paggawa ng collage. Para sa OHSP na klase, ito ay ipapagawa sa pamamagitan ng isang worksheet at ipapasa sa Edmodo.com. Ikalawang Linggo: Ika-apat na Araw Gawain 1: Balik-Aral

    Ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng isang maikling pormatibong pagsusulit na naglalaman ng limang aytem at magtataya ng kanilang Knowledge. Panuto: Isulat ang hinihinging salita na tinutukoy sa ibaba.

    1. Ito ay binubuo ng sambahayan, bahay-kalakal, pamahalaan at dayuhang sector. 2. Kumakatawan sa salaping hindi ginagasta 3. Nagaganap kapag mas malaki ang export kaysa import. 4. Ito ang sector na bumubuo ng patakaran upang maisaayos ang labis na suplay ng salapi sa ekonomiya. 5. Ito ang tagapamagitan sa ano mang gawaing may kaugnayan sa pananalapi.

  • BRAFENHS SCIENCE AND TECHNOLOGY UNIT AY 2015-2016

    Inihanda ni: G. Jeremias Daniel M. Picaña Page 10 of 26

    Gawain 2: Graph Analysis

    Bilang pagtataya ng kanilang natutunan, ang graph ng export t import sa Pilipinas ay ipapakita sa klase at susubukin na sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa ibaba:

    Mga Pamprosesong Tanong:

    Batay sa graph, ano ang kalagayan ng pag-aangkat at pagluluwas ng bansa sa loob ng sampung taon?

    Bakit hindi maiwasang lumahok sa pag-aangkat at pagluluwas ang pambansang ekonomiya? Ipaliwanag.

    Gawain 3: Collage-A-Gram

    Para sa huling gawain sa araw na ito, muling pagsasamahin ang sampung pangkat na nabuo sa naunang gawain. Gamit ang mga kagamitang ipinadala sa kanila, ang mag-aaral ay gagawa ng isang collage na diagram na nagpapakita ng kumpletong paikot na daloy ng ekonomiya. Ang mga mag-aaral ay hindi na maaaring tumingin sa kanilang mga notes. Kinakailangan na ito ay matapos sa arawa na ito. Ito ay mamarkahan batay sa rubriks na inihanda para dito.

    RUBRIKS SA PAGGAWA NG COLLAGE DIAGRAM

    PAMANTAYAN 3 Proficient

    2 Developing

    1 Beginning

    Nakuhang Iskor

    Nilalaman Naipakita ang lahat ng sektor na bumubuo sa paikot na daloy at ang tungkuling

    ginagampanan ng bawat isa.

    Naipakita ang ilan sa mga sektor na bumubuo sa paikot na daloy at ang ilang tungkuling ginagampanan ng bawat isa.

    Hindi naipakita ang mga sektor na bumubuo sa paikot na daloy at hindi rin naipakita ang tungkuling ginagampanan ng bawat isa.

    Kaangkupan ng Konsepto

    Lubhang angkop ang konsepto at

    maaaring magamit sa

    pang-araw-araw

    Angkop ang konsepto at maaaring magamit sa pang-araw-araw na pamumuhay.

    Hindi angkop ang konsepto at hindi maaaring magamit sa pang-araw-araw na pamumuhay.

  • BRAFENHS SCIENCE AND TECHNOLOGY UNIT AY 2015-2016

    Inihanda ni: G. Jeremias Daniel M. Picaña Page 11 of 26

    na pamumuhay.

    Kabuuang Presentasyon

    Ang kabuuang presentasyon ay maliwanag at organisado at may kabuluhan sa buhay ng isang Pilipino.

    .

    Ang kabuuang presentasyon ay bahagyang maliwanag at organisado at may bahagyang kabuluhan sa buhay ng isang Pilipino

    Ang kabuuang presentasyon ay hindi maliwanag, hindi organisado, at walang kabuluhan sa buhay ng isang Pilipino.

    Pagkamalikhain Gumamit ng tamang kombinasyon ng mga kulay at iba pang materyales at upang ipahayag ang nilalaman at mensahe.

    Gumamit ng bahagyang kombinasyon ng mga kulay at iba pang materyales upang ipahayag ang nilalaman at mensahe.

    Hindi gumamit ng tamang kombinasyon ng mga kulay at iba pang materyales upang ipahayag ang nilalaman at mensahe.

    KABUUANG ISKOR /12

    Gawain 4: Unang Pormatibong Pagtataya Bilang takdang-aralin, kinakailangan na sagutin ng mga mag-aaral ang gawain sa ibaba. Ito ay ilalagay sa isang buong papel. Ito ay ang kanilang unang pormatibong pagtataya.

    I. Punuan ang Tsart

    Panuto: Ibigay ang bahaging ginagampanan ng mga aktor at pamilihan sa paikot na daloy ng ekonomiya. (0.5 na puntos sa bawat tamang sagot)

    Mga Aktor sa Paikot na Daloy ng Ekonomiya Bahaging Ginagampanan

    1. Sambahayan

    2. Bahay-kalakal

    3. Pamahalaan

    4. Panlabas na Sektor

    II. Maikling Sanaysay (3 puntos sa bawat bilang) 1. Ano ang ugnayang namamagitan sa sambahayan at bahay-kalakal? Ipaliwanag. 2. Bakit kailangan ng ekonomiya ang panlabas na sektor?

    Gabay sa Pagpupuntos:

    3 puntos: Napakalinaw at napakahusay ang pagpapaliwanag ng saloobin sa sanaysay.

    2 puntos: Hindi gaano malinaw at hindi gaano mahusay ang pagpapaliwanag ng saloobin sa sanaysay.

    1 puntos: Mayroong tugon ngunit hindi maayos ang pagkakaorganisa ng mga ideya.

    0: Walang tugon, mali o walang kaugnayan ang sagot sa paksa.

  • BRAFENHS SCIENCE AND TECHNOLOGY UNIT AY 2015-2016

    Inihanda ni: G. Jeremias Daniel M. Picaña Page 12 of 26

    Gawain 5: Takdang-Aralin

    Bilang takdang-aralin, ang mga mag-aaral ay kinakailanan na gawin ang mga sumusunod:

    1. Kumuha ng sipi ng mga balita sa dyaryo o sa internet na tumatalakay sa GDP o sa GNP. 2. Magdala ng lapis at ng isang pirasong oslo paper.

    Ikalawang Linggo: Ikalimang Araw Mga Layunin:

    a. Napag-iiba ang GDP at GNP b. Natatalakay ang mga paraan ng pagtutuos ng GDP c. Nasasabi ang kahalagahan ng pagsukat sa nominal GDP at real DP

    Gawain 1: Unang Maikling Pagsusulit

    Sa pagtatapos ng talakayan sa paikot na daloy ng ekonomiya, magkakaroon ng unang maikling pagsusulit

    tungkol dito. Ito ay magtataya ng kanilang pang-unawa sa nasabing aralin. Gawain 2: KWL Chart

    Sa kanilang mga kwaderno, ang mga mag-aaral ay pupunuin ang diagram na KWL sa loob ng 5 minuto. Sasagutan lamang ang unang dalawang bahai nito. Sa pagtatapos ng aralin, sasagutin nila ang huling bahagi nito.

    ALAM KO NAIS KONG MATUTUNAN NALAMAN KO

    Transisyon sa Susunod na Aralin: Nabatid na ninyo ang konsepto ng paikot na daloy ng ekonomiya.

    Ipinaliwanag rin sa natapos na aralin ang ugnayang namamagitan sa bawat sektor ng ekonomiya. Ang

    susunod na aralin naman ay tatalakay sa konsepto ng pambansang kita.

  • BRAFENHS SCIENCE AND TECHNOLOGY UNIT AY 2015-2016

    Inihanda ni: G. Jeremias Daniel M. Picaña Page 13 of 26

    Gawain 3: DRAW-PAIR-SHARE

    Sa isang short bond paper, ang mga mag-aaral ay guguhit ng kanilang sariling paglalarawan ng isang maunlad na ekonomiya. Matapos ang labinlimang minuto, hahanap sila ng kaparis at sila ay magkakaroon ng maikling talakayan sa kanilang ginawa. Itatanong o ilalahad ng mga mag-aaral ang mga sumusunod sa kanilang kamag-aral: Mga Pamprosesong Katanungan:

    Anu-ano ang iyong makikita sa iginuhit mong larawan?

    Sa iyong palagay, taglay kaya ng ekonomiya ng Pilipinas ang mga iginuhit mo sa larawan?

    Masasabi mo bang maunlad ang ekonomiya ng bansa? Bakit mo ito nasabi? Gawain 4: GDP vs. GNP

    Sa pagsisimula ng talakayan, itatanong sa mga mag-aaral ang isang mahalagang katanungan:

    Bakit mahalaga na sukatin ang economic performance ng isang bansa? Mula sa mga kasagutan ng mga mag-aaral, ito ang gagamiting plataporma upang matalakay ang susunod na aralin. Ang Gross Domestic Product at Gross National Product ay bibigyang-kahulugan at paghahambingin. Ipapakita sa mga mag-aaral ang magiging balangkas ng kaisipan para sa talakayan.

    Tutukuyin rin sa puntong ito na ang Gross Domestic Product ang ginagamit sa panukat sa halaga ng produksyon.

    ECONOMIC

    PERFORMANCE

    GROSS

    DOMESTIC

    PRODUCT

    GROSS

    NATIONAL

    PRODUCT

    KABUUANG

    PRODUKSYON NG MGA

    MAMAMAYAN NG BANSA

    KABUUANG

    PRODUKSYON SA LOOB

    NG BANSA

  • BRAFENHS SCIENCE AND TECHNOLOGY UNIT AY 2015-2016

    Inihanda ni: G. Jeremias Daniel M. Picaña Page 14 of 26

    Gawain 5: Takdang – Aralin

    Bilang takdang-aralin, ang mga mag-aaral ay magsasaliksik ng kaalaman tungkol sa mga sumusunod na aralin para sa mga susunod na talakayan:

    1. Expenditure Approach 2. Income Approach 3. Real GDP 4. Nominal GDP

    Para sa OHSP na klase, ito ay gagawin bilang isang worksheet at ipapasa sa Edmodo.com. Ikalawang Linggo: Ika-anim na Araw Gawain 1: Balik-Aral

    Ang guro ay magbabalik-tanaw sa nakaraan na klase. Itatanong sa mga mag-aaral ang sumusunod na katanungan sa ibaba. Tatawag ng ilang mag-aaral na sasagot nito. Mga Katanungan sa Pagbabalik-Aral:

    • Ibigay ang pagkakaiba ng GDP at ng GNP. • Alin ba ang mas mainam gamitin sa pagsukat ng ekonomiya ng Pilipinas?

    Gawain 2: On The Spot

    Batay sa kanilang mga nasaliksik tungkol sa mga konsepto ng Expenditure Approach, Income Approach, Nominal GDP, at Real GDP, hahatiin ang klase sa apat na pangkat. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng mga tatalakaying aralin:

    Pangkat 1 – Expenditure Approach

    Pangkat 2 – Income Approach

    Pangkat 3 – Nominal GDP

    Pangkat 4 – Real GDP Bawat pangkat ay bibigyan ng sampung minuto upang pag-usapan at talakayin sa kanilang pangkat ang konseptong ito. Pagkalipas ng sampung minuto, ang bawat pangkat ay bibigyan ng limang minuto upang magbahagi o magreport on-the-spot sa klase ng kanilang natutunan sa kanilang talakayan.

  • BRAFENHS SCIENCE AND TECHNOLOGY UNIT AY 2015-2016

    Inihanda ni: G. Jeremias Daniel M. Picaña Page 15 of 26

    Gawain 4: Takdang – Aralin

    Bilang takdang-aralin, ang mga mag-aaral ay kinakailangan na unawain pa ng mas malalim ang mga konseptong ito para sa kanilan pormatibong pagtataya sa Edmodo.com. Ikatlong Linggo: Ikapitong Araw at Ikawalong Araw Gawain 1: Balik-Aral

    Ang guro ay magbabalik-tanaw sa nakaraan na klase. Itatanong sa mga mag-aaral ang sumusunod na katanungan sa ibaba. Tatawag ng ilang mag-aaral na sasagot nito. Mga Katanungan sa Pagbabalik-Aral:

    Ano ang Expenditure Approach?

    Ano ang Income Approach?

    Ano ang Nominal GDP?

    Ano ang Real GDP?

    Pagkatapos ng pagbabalik-aral ay gagawin ang News Flash! Gawain 2: Ikalawang Pormatibong Pagtataya Upang ihanda ang kanilang mga sarili sa darating na ikalawang maikling pagsusulit, sila ay magkakaroon ng ikalawang pormatibong pagtataya ang mga mag-aaral tungkol sa aralin ng GDP at GNP.

    I. TAMA O MALI

    1. Ang GNP ang market value ng lahat na tapos na mga produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng hangganan ng isang bansa sa isang tiyak na panahon.

    2. Kasama sa pagkompyut ng GNP ang kita ng net factor income o net primary income mula sa ibang bansa. 3. Nakabubuti sa ekonomiya ng isang bansa ang black market. 4. Malalaman kung may pagtaas o pagbaba sa presyo ng mga produkto o serbisyo sa pamamagitan ng

    pagkuha ng Real GNP. 5. Nasusukat ang pagunlad ng ekonomiya batay sa kita at gastusin ng isang bansa.

    II. Paghambingin ang GDP at ang GNP. Paano ito nakatutulong sa ekonomiya ng isang bansa. III. Bakit mahalagang masukat ang economic performance ng isang bansa? IV. Ano ang kahihinatnan ng malaking populasyon ngunit maliit na GNI ng bansa sa kontemporaryong

    panahon? V. Bilang isang mag-aaral, paano ka makakatulong sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa? Magbigay ng

    tatlong pamamaraan. Gawain 3: Math-Talino! Sa gawaing ito, tatalakayin ng mas malalim ang mga konsepto ng nominal GDP at real GDP at ang pagkuha ng growth ate ng ekonomiya ng isang bansa. Ipapakita sa mga mag-aaral ang sumusunod na mga formula sa pagkompyut nito. Magkakaroon sila ng gawain na maghahasa sa kanilang kakayahan na i-kompyut ang growth rate ng ekonomiya ng isang bansa.

  • BRAFENHS SCIENCE AND TECHNOLOGY UNIT AY 2015-2016

    Inihanda ni: G. Jeremias Daniel M. Picaña Page 16 of 26

    Taon NOMINAL GNI Growth Rate (Nominal GNI)

    Price Index Real GNI Growth Rate (Real GNI)

    2006 7,883,088 N/A 100 7,883,088 N/A

    2007 8,634,132

    2008 9,776,185

    2009 10,652,466

    2010 11,996,077

    Gawain 4: Takdang- Aralin Sa araw na ito, ang kanilang takdang-aralin ay ang muling pagsasagot sa pagkompyut ng Price Index, Real GNI, at ng growth rate. Ito ay upang mas masaha pa nila ng lubusan ang kanilang kagalingan sa pagkompyut nito.

    Taon NOMINAL GNI Price Index Real GNI Growth Rate

    2006 10 500 100 N/A

    2007 11 208

    2008 12 223

    2009 13 505

    2010 14 622

    Ikatlong Linggo: Ika-siyam na araw Gawain 1: Balik-Aral

    Ang guro ay magbabalik-tanaw sa nakaraan na klase. Itatanong sa mga mag-aaral ang sumusunod na katanungan sa ibaba. Tatawag ng ilang mag-aaral na sasagot nito. Mga Katanungan sa Pagbabalik-Aral:

    Ano ang formula sa pagkompyut ng price index?

    Ano ang formula sa pagkompyut ng Real GNP?

    Ano ang formula sa pagkompyut ng growth rate ng ekonomiya ng isang bansa?

  • BRAFENHS SCIENCE AND TECHNOLOGY UNIT AY 2015-2016

    Inihanda ni: G. Jeremias Daniel M. Picaña Page 17 of 26

    Gawain 2: Comic Strip

    Ipapakita sa mga mag-aaral ang comic strip sa itaas na tumutukoy sa implasyon at itatanong ang mga sumusunod na pamprosesong katanungan sa mga mag-aaral. Mga Pamprosesong Tanong:

    • Ano ang mga suliraning binabanggit sa comic strip? • Ito ba ay nararanasan sa kasalukuyan? Magbigay ng patunay.

    Sa pamamagitan ng mga gawaing ito, ilulunsad ang bagong aralin tungkol sa Implasyon at Kawalan ng Trabaho. Gawain 3: KWL CHART Gagawa ng isang KWL Chart ang mga mag-aaral tungkol sa bagong aralin upang kanilang matukoy ang kanilang sariling kaalaman at pag-unlad ng kaalaman sa araling ito.

    Paano ka makatutulong sa paglutas ng mga suliraning kaugnay ng implasyon?

    ANO ANG ALAM KO? ANO ANG NAIS KONG MATUTUNAN? ANO ANG NALAMAN KO?

    Gawain 5: THROWBACK TIME! Bilang takdang-aralin , tanungin ng mga mag-aaral ang kanilang mga Magulang at nakatatandang kapatid tungkol sa presyo ng sumusunod na produkto noong sila ay hayskul pa lamang. Ibahagi sa klase ang natipong impormasyon sa susunod na klase.

    Produkto Presyo ng produkto noong hayskul sila

    Panahon ng mga magulang mo

    Panahon ng mga Kuya o Ate

    Kasalukuyang Panahon

    1 kilong bigas

    1 latang sardinas

    25 gramong kape

    1 kilong asukal

    1 kilong galunggong

    Mga Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang napansin mo sa presyo ng mga produkto ayon sa mga panahong ibinigay? 2. Sa iyong palagay, bakit nagkakaroon ng pagbabago sa presyo ng mga produkto? 3. Paano naaapektuhan ang inyong pamilya at ang ibang tao sa pagbabago sa presyo?

  • BRAFENHS SCIENCE AND TECHNOLOGY UNIT AY 2015-2016

    Inihanda ni: G. Jeremias Daniel M. Picaña Page 18 of 26

    Ika-apat na Linggo: Ikasampung Araw Gawain 1: Balik-Aral

    Ang guro ay magbabalik-tanaw sa nakaraan na klase. Itatanong sa mga mag-aaral ang sumusunod na katanungan sa ibaba. Tatawag ng ilang mag-aaral na sasagot nito. Mga Katanungan sa Pagbabalik-aral:

    Ano ang ating mga ginawa noong nakaraang klase?

    Sa iyong palagay, ano ang ating magiging daloy ng talakayan sa linggong ito? Gawain 2: Ang Implasyon Ang mga mag-aaral ay manonood ng mga videos tungkol sa konsepto ng implasyon. Pagkatapos mapanood ang mga ito ay magkakaroon ng talakayan gamit ang mga pamprosesong katanungan.

    http://www.youtube.com/watch?v=UMAELCrJxt0 http://www.youtube.com/watch?v=XwhFAuBSl9g Mga Pamprosesong Tanong:

    1. Ano ang implasyon? 2. Paano ito nakakaapekto sa ekonomiya ng isang bansa? 3. Paano ka naapektuhan ng suliraning ito? 4. Sa iyong palagay, paano mo masosolusyunan ang suliraning ito bilang isang mag-aaral?

    Tatalakayin din ang iba pang konsepto ng implasyon gaya ng recession, expansion, at hyperinflation. Gawain 3: Takdang-Aralin Bilang takdang-aralin sa araw na ito, ippapasaliksik sa mga mag-aaral ang paraan ng pagkuha ng antas ng implasyon sa isang bansa. Ika-apat na Linggo: Ika-labing-isang Araw Gawain 1: Balik-Aral

    Ang guro ay magbabalik-tanaw sa nakaraan na klase. Itatanong sa mga mag-aaral ang sumusunod na katanungan sa ibaba. Tatawag ng ilang mag-aaral na sasagot nito. Mga Katanungan sa Pagbabalik-aral:

    Ito ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa isang takdang panahon.

    Ito ay tumutukoy sa pagurong ng ekonomiya at ito ay nagtatapos sa trough o pinakamababang antas ng GDP.

    Ito ang panahon ng peak o pinakamataas na antas ng GDP

    Ito ay ang patuloy na pagtaas ng presyo bawat oras, araw at linggo.

    http://www.youtube.com/watch?v=UMAELCrJxt0http://www.youtube.com/watch?v=XwhFAuBSl9g

  • BRAFENHS SCIENCE AND TECHNOLOGY UNIT AY 2015-2016

    Inihanda ni: G. Jeremias Daniel M. Picaña Page 19 of 26

    Gawain 2: ANTAS ANG TAAS! Sa araw na ito, matututuhan ng mga mag-aaral ang pagkompyut para sa pagkuha ng antas ng implasyon sa ekonomiya. Tatalakayin muna ang kahalagahan na ginagampanan ng Consumer Price Index sa pagkuha ng antas ng implasyon.

    Gawain 3: Takdang-Aralin Bilang takdang-aralin, sasagutan ng mga mag-aaral ang isang pagsasanay sa ibaba para masanay sila sa pagkompyut ng CPI at ng Antas ng Implasyon.

  • BRAFENHS SCIENCE AND TECHNOLOGY UNIT AY 2015-2016

    Inihanda ni: G. Jeremias Daniel M. Picaña Page 20 of 26

    Ika-apat na Linggo: Ika-labindalawang Araw Gawain 1: Balik-Aral

    Ang guro ay magbabalik-tanaw sa nakaraan na klase. Itatanong sa mga mag-aaral ang sumusunod na katanungan sa ibaba. Tatawag ng ilang mag-aaral na sasagot nito. Mga Katanungan sa Pagbabalik-aral:

    Ano ang tatlong uri ng Price Index?

    Ano ang Consumer Price Index?

    Ibigay ang formula sa pagkompyut ng Consumer Price Index.

    Bakit mahalaga na makuha ang antas ng implasyon? Gawain 2: Dahilan At Bunga Ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng isang hanay ng mga dahilan ng implasyon. Susubukin nilang sagutin ang katabing hanay na BUNGA ng sanhing iyon sa loob ng labinlimang minuto lamang.

    DAHILAN BUNGA

  • BRAFENHS SCIENCE AND TECHNOLOGY UNIT AY 2015-2016

    Inihanda ni: G. Jeremias Daniel M. Picaña Page 21 of 26

    Sa pagtatapos ng gawain, ipapakita ng guro ang wastong mga kasagutan dito. Itatama ang mga naging miskonsespyon ng mga mag-aaral tungkol dito at lalo pang palalalimin ang tungkol dito. Tatalakayin din ang epekto ng implasyon sa mga mamamayan.

    EPEKTO NG IMPLASYON SA MGA MAMAMAYAN

    Mga Nakikinabang sa implasyon Halimbawa

    Mga umuutang Ang mga umutang ay may 10% interes sa kanilang hiniram na pera. Ang ibinayad ng nangutang kasama ang interes ay Php1,000. Ngunit dahil sa 15% ng implasyon, ang halaga ng buong ibinayad ay Php935 lamang kaya siya ay nakinabang.

    Mga negosyante/ may-ari ng kompanya

    Retailer ng gasolina ang isang tao at marami siyang imbak nito. Kapag tumaas ang presyo ng gasolina, tataas ang kaniyang kita nang hindi inaasahan.

    Mga speculator at mga negosyanteng may malakas ang loob na mamuhunan.

    Mga real estate broker, nagtitinda ng mga alahas ,at iba pa na nag-speculate na tataas ang presyo sa hinaharap

    Mga Taong Nalulugi Halimbawa

    Mga taong may tiyak na kita Ang mga empleyado tulad ng guro, pulis, klerk, nars, at iba pang tumatanggap ng tiyak na kita bawat buwan ay matinding naaapektuhan sa pagtataas ng presyo. Ang dating dami na kanilang nabibili ay nababawasan dahil bumababa ang tunay na halaga ng salapi.

    Ang mga taong nagpapautang Ang taong nagpautang ay umaasa na kikita ng 10% interes sa kaniyang pinahiram na pera. Ang ibinayad ng nangutang kasama ang interes ay Php1,000. Ngunit dahil sa 15% ng implasyon, ang halaga ng kaniyang tinanggap ay Php935 lamang kaya siya ay nalugi.

    Mga taong nag-iimpok Sila ay malulugi kapag ang interes ng kanilang inimpok sa bangko ay mas maliit kompara sa antas ng implasyon. Ang real value o tunay na halaga ng salaping nasa bangko ay bumababa bunsod ng mas mababang kinikita nito mula sa interes.

    Kung may Php10,000 na nakadeposito ang isang tao at may 15% interes sa loob ng isang taon, ang kaniyang pera ay magiging Php11,500. Ngunit kapag nasabay ito sa panahon na may 20% ang antas ng implasyon, ang tunay na halaga na lamang ng kaniyang pera ay Php9,500, mas mababa sa dating halaga nito na Php10,000.

    Gawain 3: Takdang-Aralin Magsasaliksik ang mga mag-aaral tungkol sa konsepto ng Demand Pull at Cost Push, Unemployment at Underemployment. Sila rin ay magdadala ng classified ads ng mga dyaryo para sa susunod na araw. Ikalimang Linggo: Ika-labintatlong Araw Gawain 1: Balik-Aral

    Ang guro ay magbabalik-tanaw sa nakaraan na klase. Itatanong sa mga mag-aaral ang sumusunod na katanungan sa ibaba. Tatawag ng ilang mag-aaral na sasagot nito. Mga Katanungan sa Pagbabalik-aral:

    Magbigay ng mga dahilan ng implasyon.

    Ano ang epekto ng implasyon sa ating lipunan?

  • BRAFENHS SCIENCE AND TECHNOLOGY UNIT AY 2015-2016

    Inihanda ni: G. Jeremias Daniel M. Picaña Page 22 of 26

    Gawain 2: PUSH AND PULL! Ipapakita sa mga mag-aaral ang dalawang larawan sa ibaba. Kasabay nito, susubukin ng mga mag-aaral na iinterpret ang graph at bumuo ng kanilang kahulugan at pagkakaunawa sa nakitang grap.

    Mga Pamprosesong Katanungan:

    1. Ano ang iyong pagpapaliwanag sa unang grap? Ipaliwanag. 2. Batay sa naunang grap, paano mo maipapaliwanag ang demand-pull inflation? 3. Ano ang iyong pagpapaliwanag sa ikalawang grap? Ipaliwanag. 4. Batay sa naunang grap, paano mo maipapaliwanag ang cost push inflation?

    Mula sa gawaing ito, inaasahan na ang mga mag-aaral ay makakabuo at makapagbibigay ng kanilang kahulugan tungkol sa konsepto ng demand pull and cost push inflation. Kung sakaling, may mga maling konsepto, ito ay agarang itatama ng guro. Gawain 3: Now Hiring!

    Ang mga mag-aaral ay hahanap ng mga clippings ng mga trabaho sa clalssified ads. Hahanapin nila ang trabahong nais nila na pasukin at hindi kung ano lang ang nandoon sa ads ay papasukin na nila. Mga Pamprosesong Tanong:

    1. Gaano kahirap ang maghanap ng trabaho na tumutugma sa nais mong pasukan na trabaho? 2. Paano nakakaapekto ang kawalan ng trabaho sa ekonomiya kung kaya’t ito ay ay suliranin sa

    makroekonomiks?

    Sa pagtatalakay nito, ipapaatid sa mga mag-aaral ang konsepto ng labor force, unemployment at underemployment. Gawain 4: Takdang Aralin Ang mga mag-aaral ay dapat maghanda at magbalik-aral para sa kanilang ikalawang maikling pagsusulit tungkol sa pambansang kita at implasyon at kawalan ng trabaho.

  • BRAFENHS SCIENCE AND TECHNOLOGY UNIT AY 2015-2016

    Inihanda ni: G. Jeremias Daniel M. Picaña Page 23 of 26

    Ikalimang Linggo: Ika-labingapat na Araw Gawain 1: Balik-Aral

    Ang guro ay magbabalik-tanaw sa nakaraan na klase. Itatanong sa mga mag-aaral ang sumusunod na katanungan sa ibaba. Tatawag ng ilang mag-aaral na sasagot nito. Mga Katanungan sa Pagbabalik-aral:

    Ibigay ang dalawang sanhi ng implasyon.

    Ano ang ipinagkaiba ng underemployment sa unemployment?

    Sino sino ang mga kasapi ng labor force? Gawain 2: Ikalawang Maikling Pagsusuli

    Sa pagtatapos ng talakayan sa pambansang kita at implasyon at kawalang ng trabaho, magkakaroon ng

    ikalawang maikling pagsusulit tungkol dito. Ito ay magtataya ng kanilang pang-unawa sa nasabing aralin. Gawain 3: Make A Title!

    Ang klase ay hahatiin sa walong pangkat. Batay sa larawan sa itaas, sila ay bubuo ng pamagat na naaayon dito. Mayroon silang limang minuto upang pag-usapan ito. Kapag tapos na, ang mga pinuno ng bawat pangkat ay isusulat sa pisara ang kanilang mga naisip na pamagat. Ikukwento rin nila ang kanilang naging paguusap sa pangkat kung bakit iyon ang kanilang napag-isipang isagot. BIlag gabay, gagamitin ang mga sumusunod na katanungan:

    Pamprosesong Tanong: 1. Alin sa mga pamagat ang pumukaw sa iyong pansin? Bakit? 2. Tumutugma ba ito sa inilalahad ng larawan? 3. Ano ang iyong batayan sa pagbuo ng pamagat? Ipaliwanag.

  • BRAFENHS SCIENCE AND TECHNOLOGY UNIT AY 2015-2016

    Inihanda ni: G. Jeremias Daniel M. Picaña Page 24 of 26

    Gawain 4: SALAPI: ANG GAMIT ANG MGA URI NITO Sa araw na ito, tatalakayin ang konsepto ng salapi. Tatalakayin kung paano ba ito naimbento, paano ito ginagamit, at kung anu-ano ang mga uri ng salapi na mayroon sa pamilihan.

    Gawain 5: Takdang-Aralin (FLIPPED CLASS) Ang takdang-aralin na ito ay magtatalaga ng isang flipped class. Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng isang babasahin na arikulo. Ito ay ilalagay sa Edmodo.com. Sa pagbabalik nila ay masasgaot na lamang sila ng gawain ukol sa binasang teksto.

    Uri ng Salapi

    Commodity Money

    Fiat Money

    Unit of Account

    Store of Value

    Medium of

    Exchange

    Mga Gamit ng

    Salapi

    Ang Konsepto ng Patakarang Pananalapi Ang pamahalaan, sa pamamagitan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ay nagtatakda ng mga pamamaraan upang

    masigurong matatag ang ekonomiya, higit ang pangkalahatang presyo. Ito ay bilang katiyakan na ang mamamayan

    ay patuloy na magkaroon ng kakayahan na makabili at matugunan ang mga pangangailangan gamit ang kanilang

    kinita mula sa pagtatrabaho. Ito ay isang pagkakataon na maisulong ang kalagayang pang-ekonomiya at

    makapagbukas ng mas maraming oportunidad sa mamamayan bunsod ng matatag na pamamahala sa pananalapi

    ng bansa.

    Ang patakaran sa pananalapi ay isang sistemang pinaiiral ng BSP upang makontrol ang supply ng salapi sa sirkulasyon. Kaugnay nito, ang BSP ay maaaring magpatupad ng expansionary money policy at contractionary money policy.

  • BRAFENHS SCIENCE AND TECHNOLOGY UNIT AY 2015-2016

    Inihanda ni: G. Jeremias Daniel M. Picaña Page 25 of 26

    Ikalimang Linggo: Ika-labinlimang Araw Gawain 1: Balik-Aral

    Ang guro ay magbabalik-tanaw sa nakaraan na klase. Itatanong sa mga mag-aaral ang sumusunod na katanungan sa ibaba. Tatawag ng ilang mag-aaral na sasagot nito. Mga Katanungan sa Pagbabalik-aral:

    Ipaliwanag ang konsepto ng salapi.

    Ano ang tatlong gamit ng salapi?

    Ano ang ipinagkaiba ng commodity money at fiat money? Gawain 2: WHAT’S IN A BOX? Sa gawaing ito, gagawing batayan ng mga mag-aaral ang kanilang binasang artikulo bilang takdang-aralin. Kukumpletuhin ng mga mag-aaral ang isang dayagram at sasagutan ang mga pamprosesong katanungan sa isang buong papel.

    Mga Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang patakarang pananalapi? 2. Ano ang pagkakaiba ng expansionary money policy at contractionary money policy? 3. Kailan isinasagawa ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang sumusunod na patakaran?

    Kapag ang layunin ng pamahalaan ay mahikayat ang mga negosyante na palakihin pa o magbukas ng bagong negosyo, ipinatutupad nito ang expansionary money policy. Ibababa ng pamahalaan ang interes sa pagpapautang kaya mas maraming mamumuhunan ang mahihikayat na humiram ng pera upang idagdag sa kanilang mga negosyo. Makalilikha ito ng maraming trabaho kaya mas marami ang magkakaroon ng kakayahang bumili ng mga produkto at serbisyo na magpapataas ng kabuuang demand para sa sambahayan at bahay-kalakal. Ang kalagayang ito ay isang indikasyon na masigla ang ekonomiya.

    Subalit, kapag ang demand ay mas mabilis tumaas kaysa sa produksiyon, tataas ang presyo. Kapag tumaas

    na ang presyo, ang mga manggagawa at mga empleyado ay hihingi ng karagdagang sahod. Magbubunga ito ng

    pagtaas ng presyo ng mga salik ng produksiyon. Kapag ang pagtataas sa presyo ng mga bilihin at ng mga salik sa

    produksiyon ay nagpatuloy, mas lalong tataas ang presyo at magpapatuloy ang mga pangyayaring unang nabanggit.

    Upang maiwasan ang kondisyong ito, karaniwang nagpapatupad ng contractionary money policy ang BSP upang

    mabawasan ang paggasta ng sambahayan at ng mga mamumuhunan. Sa pagbabawas ng puhunan, nababawasan

    din ang produksiyon. Kasabay rin nito ang pagbabawas sa sahod ng mga manggagawa kaya naman ang paggasta o

    demand ay bumababa. Sa pamamaraang ito, bumababa ang presyo at nagiging dahilan sa pagbagal ng ekonomiya.

    Ang kalagayang ito ang ninanais ng pamahalaan upang mapababa ang implasyon.

    Source: DepEd Modul AP9 Yunit 3 p. 89

  • BRAFENHS SCIENCE AND TECHNOLOGY UNIT AY 2015-2016

    Inihanda ni: G. Jeremias Daniel M. Picaña Page 26 of 26

    Gawain 2: Pamilihang Pinansyal Ang konsepto ng pamumuhunan at kanyang kahalagahan ay ituturo sa mga mag-aaral. Sa puntong ito. Inihahanda ang mga konseptong ito para sa kanilang magiging talakayan tungkol sa mga institusyon sa pananalapi gaya ng financial markets at financial intermediaries. Dito ay pinagtutugma an gang pag-iimpok at pamumuhunan ng isang indibidwal. Gawain 3: Takdang-Aralin Hahatiin ang klase sa sampung pangat para sa kanilang reporting tungkol sa mga sektor ng pananalapi. Ika-anim na Linggo: Ika-labing-anim hanggang ikalabingwalong Araw Gawain 1: Mga Sektor Ng Pananalapi Ang klase ay hinati sa sampung pangkat upang mag-ulat tungkol sa mga sektor ng pananalapi: Ang mga institusyong bangko, mga institusyong di bangko, at mga regulator. Kanilang tatalakayin an gampanin ng bawat institusyong mga ito. tatlong araw ang ilalaan dito para mas maunawaan ng mga mag-aaral ang mga konseptong ito.

    Pangkat Paksa ng Iuulat Sektor Ng Pananalapi

    1 Commercial Banks, Rural Banks, Mga Institusyong Bangko 2 Thrift Banks, Specialized Governmetnt

    Banks

    3 Kooepratiba, Pawnshop, Pension Funds ( GSIS, SSS, PAG-IBIG)

    Mga Institusyong Di Bangko 4 Registered Companies, Pre-Need, Insurance Companies

    5 BSP Mga Regulators 6 PDIC

    7 SEC at Insurance Commission

    8 Mga Institusyon sa Pandaigdigang Pananalapi

    Ika-pitong Linggo: Ika-labingsiyam na Araw Gawain 1: Mahabang Pagsusulit Ang mga mag-aaral ay magsasagot ng kanilang Mahabang Pagsusulit para sa unang kapatan. Ang pagsusulit ay naglalayon na sukatin ang kanilang kaalaman at pang-unawa sa mga nakaraang aralin.

    III. INTEGRASYON

    Ika-pitong Linggo: Ika-dalwampu hanggang Ika-dalampu’t isang Araw

    Balik-aral: Magbabalik aral ang klase para sa nalalapit na Culminating Unit Assessment.

    Post-Test: Magsasagot ang buong klase ng kanilang post-test para sa Ikatlong Kapatan

    Ika-walong Linggo: Ika-dalampu’t dalawa hanggang Ika-dalawampu’t apat na Araw

    Sa linggong ito, nakatakda ang mga mag-aaral na magsagot ng kanilang Culminating Unit Assessment para sa Ikatlong Kapatan.

    Ika-siyam na Linggo: PERFORMANCE TASK WEEK

    Sa linggong ito, inaasahan na ang mga mag-aaral ay makakagawa ng isang livelihood program/product para sa mga magulang ng BRafeNHS sa tulong ng PEGTHA. Gamit ang scaffolding for transfer, inaaasahan na matapos ito sa takdang panahon.

    References: DEPED Araling Panlipunan 9 Modyul Yunit III Dancel. (2014) Pambansang Ekonomiya at Pag-unlad. Vibal Publishing House. Quezon City

    Approved by: Mary Grace C. Nueva (Unit Coordinator) – December 11, 2015