lesley koyi, ursula nafula brian wambi arlene avila tagalog ......ang mga kuneho? maaalala kaya ng...

18
Paluwas sa malaking lungsod Lesley Koyi, Ursula Nafula Brian Wambi Arlene Avila Tagalog Level 3

Upload: others

Post on 31-Jan-2021

2 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

  • Paluwas sa malaking lungsod

    Lesley Koyi, Ursula Nafula Brian Wambi Arlene Avila Tagalog Level 3

  • Siksikan ang tao at punung-puno ang mga bus saterminal. Sa labas ng bus, mas madami pang hindinaikakargang mga gamit. Sinisigaw ng mgakonduktor kung saan sila papunta.

    2

  • “Lungsod! Lungsod kayo riyan! Mga pa-kanluran,dito na!” sigaw ng isa. Doon ako dapat sumakay.

    3

  • Halos puno na ang bus pero marami pa rin gustongsumakay. Nilagay ng iba ang bagahe sa ilalim ngbus. Ipinatong naman nung iba ang mga gamit nilasa mga lalagyan sa loob.

    4

  • Hawak ng mga bagong pasahero ang tiket nilahabang naghahanap ng upuan. Hinahanda ng mgananay ang kanilang mga anak para sa mahabangbiyahe.

    5

  • Sumiksik ako malapit sa isang bintana. Mukhangkinakabahan ang katabi ko. Hawak niyang mahigpitang berdeng plastic bag. Luma na ang kanyangdamit at tsinelas.

    6

  • Tumingin ako sa labas. Iiwan ko na ang akingnayon, kung saano ako lumaki. Luluwas akopapunta sa malaking lungsod.

    7

  • Nakaupo na ang mga pasahero at naikarga na angmga bagahe. Pero marami pa ring mga manlalakosa loob ng bus. Sinisigaw nila ang kanilangbinibenta. Nakakaaliw ang mga ginagamit nilangsalita.

    8

  • May bumili ng inumin. May bumili ng kakanin atnagsimulang kumain. Tulad ko, may iba na nanoodlang dahil walang pambili.

    9

  • Napatigil ang lahat ng bumusina ang drayber.Pinalabas ng konduktor ang mga naglalako dahilaalis na ang bus.

    10

  • Nagtulakan sila palabas. Nagsukli ang iba peromeron pa rin nagpupumilit makabenta.

    11

  • Pagtulak ng bus, dumungaw ako sa bintana.Babalik pa kaya ako dito?

    12

  • Habang kami ay bumibiyahe, naging maalinsangansa loob ng bus. Pinilit kong makatulog.

    13

  • Pero laging lumilipad ang utak ko pauwi. Magigingmabuti kaya ang kalagayan ni nanay? Mabibili kayaang mga kuneho? Maaalala kaya ng kapatid kongdiligan ang mga punla?

    14

  • Isinaulo ko na lang ang address ng tiyo ko sasiyudad. Nakatulog akong bumubulong bulong.

    15

  • Pagkatapos ng siyam na oras, nagising ako sa mgakalabog at sigaw ng konduktor. Nagtatawag na siyang mga pasahero pabalik sa nayon. Tumalon akopalabas ng bus dala ang bag.

    16

  • Mabilis na napupuno ang bus na pabalik sa nayon.Maya-maya lang tutulak na ito pa-silangan. Peroang mas mahalaga ngayon, mahanap ko ang bahayni tiyo.

    17

  • Storybooks UKglobal-asp.github.io/storybooks-uk

    Paluwas sa malaking lungsodWritten by: Lesley Koyi, Ursula Nafula

    Illustrated by: Brian WambiTranslated by: Arlene Avila

    This story originates from the African Storybook (africanstorybook.org) and is broughtto you by Storybooks UK in an effort to provide children’s stories in UK’s manylanguages.

    This work is licensed under a Creative Commons Attribution 4.0 International License.

    https://global-asp.github.io/storybooks-uk/https://africanstorybook.orghttps://global-asp.github.io/storybooks-uk/https://creativecommons.org/licenses/by/4.0/https://creativecommons.org/licenses/by/4.0/