liham pangkaibigan
TRANSCRIPT
![Page 1: Liham Pangkaibigan](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061200/54780b90b4af9f35568b4572/html5/thumbnails/1.jpg)
Kilala mo ba siya?Ano ang kadalasang ginagawa niya kapag
nakikita mo siya sa telebisyon?Bakit kaya niya binabasa ang mga liham na iyon?
![Page 2: Liham Pangkaibigan](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061200/54780b90b4af9f35568b4572/html5/thumbnails/2.jpg)
Liham Pangkaibigan
Ang pagsulat at pagpapadala ng liham ay isang paraan ng komunikasyon o pakikipag-usap.
Ang liham pangkaibigan ay isinusulat para sa isang kaibigan o kakilala.
![Page 3: Liham Pangkaibigan](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061200/54780b90b4af9f35568b4572/html5/thumbnails/3.jpg)
Uri ng Liham Pangkaibigan
May iba’t ibang uri ng liham pangkaibigan ayon sa gamit nito:
● Pagbabalita at Pangangamusta● Paanyaya● Pagbati● Paghingi ng Paumanhin● Paghingi ng Payo● Pakikiramay● Pasasalamat
![Page 4: Liham Pangkaibigan](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061200/54780b90b4af9f35568b4572/html5/thumbnails/4.jpg)
Mga Bahagi ng
Liham
![Page 5: Liham Pangkaibigan](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061200/54780b90b4af9f35568b4572/html5/thumbnails/5.jpg)
Pamuhatan-nagsasaad ng tirahan ng sumulat at ang petsa kung kailan isinulat ang liham-makikita ito sa itaas at kanang bahagi ng papel
![Page 6: Liham Pangkaibigan](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061200/54780b90b4af9f35568b4572/html5/thumbnails/6.jpg)
Bating Panimula
-maikling pagbati o pambungad na pagbati sa sinusulatan-nilalagyan ng bantas na kuwit sa hulihan at nakalagay sa kaliwang bahagi ng papel pagkatapos na pamuhatan
![Page 7: Liham Pangkaibigan](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061200/54780b90b4af9f35568b4572/html5/thumbnails/7.jpg)
Katawan ng Liham
-ang pinakamahalagang bahagi ng liham ng nagsasabi ng dahilan ng pagliham sa anyong talata
![Page 8: Liham Pangkaibigan](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061200/54780b90b4af9f35568b4572/html5/thumbnails/8.jpg)
Bating Pangwakas
-maikli at magalang na pamamaalam-isinusulat pagkatapos ng katawan ng liham na katapat ng pamuhatan at nilalagyan rin ng kuwit sa huli
![Page 9: Liham Pangkaibigan](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061200/54780b90b4af9f35568b4572/html5/thumbnails/9.jpg)
Lagda-narito ang pangalan o palayaw ng sumulat
![Page 10: Liham Pangkaibigan](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061200/54780b90b4af9f35568b4572/html5/thumbnails/10.jpg)
Ang SobreAng liham ay kadalasang inilalagay sa loob ng
isang sobre. Narito ang wastong paglalagay ng kailangang impormasyon sa sobre:
Mario C. Gomez
52 Mahogany St.
New Village, Quezon City
Lukas P. Romero
62 Malik Rd., Brgy Zamora
Tondo, Manila
pangalan at tirahan ng sumulat
pangalan at tirahan ng sinulatan
selyo
![Page 11: Liham Pangkaibigan](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061200/54780b90b4af9f35568b4572/html5/thumbnails/11.jpg)
Anong uri ng liham pangkaibigan ang dapat
mong isulat kung:
1. Nais mong imbitahan ang iyong mga pinsan sa probinsya sa pagdiriwang ng iyong pagtatapos
2. Gusto mong damayan ang iyong kaibigan sa kanyang kalungkutan sa pagkamatay ng kanyang lolo
3. Hihingi ka ng tulong sa iyong kuya sa pagsasabi sa inyong mga
magulang na hindi ka pumasa sa inyong pagsusulit
![Page 12: Liham Pangkaibigan](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061200/54780b90b4af9f35568b4572/html5/thumbnails/12.jpg)
Anong uri ng liham pangkaibigan ang dapat
mong isulat kung:
4. Nais mong batiin ang iyong dating kamag-aral sa kanyang pagwawagi sa isang patimpalak sa pag-awit
5. Gusto mong malaman ang kalagayan ng iyong mga kamag-anak sa ibang bansa.
![Page 13: Liham Pangkaibigan](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061200/54780b90b4af9f35568b4572/html5/thumbnails/13.jpg)
Basahin ang mga sumusunod na liham
pangkaibigan at tukuyin ang uri ng bawat isa:
![Page 14: Liham Pangkaibigan](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061200/54780b90b4af9f35568b4572/html5/thumbnails/14.jpg)
31 Africa St.Cembo, Makati16 Marso 1987
Mahal kong Lola Isang,
Matagal-tagal na rin po mula noong huli akong nakatanggap ng liham mula sa inyo. Nawa ay nasa mabuti kayong kalagayan. Kumusta na po kayo ng Lolo Pilo? Palagi po ba ninyong iniinom ang inyong mga gamot? Kumusta na rin po si Nana Lita? Inaalagaan niya po ba kayong mabuti? Sana po ay makasulat kayo sa akin.
Lagi ko pong ipinagdarasal ang inyong kabutihan at kalusugan.
Nagmamahal,Julita
![Page 15: Liham Pangkaibigan](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061200/54780b90b4af9f35568b4572/html5/thumbnails/15.jpg)
#48 Gumamela St.Casa Villas, Cavite07 Setyembre 1982
Sa aking Tiya Sita,
Nababatid kong nagdadalamhati pa rin po kayo sa pagkamatay ng inyong anak. Hindi madaling tanggapin ang pagkawala ng isang mahal sa buhay. Gayunpaman, nais ko pong malaman ninyo na ako, sampu ng aking pamilya ay nakikiramay sa inyo. Lagi po naming isasama ang yumao n’yong anak na si Ramil sa aming mga panalangin.
Nagmamahal,Linda
![Page 16: Liham Pangkaibigan](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061200/54780b90b4af9f35568b4572/html5/thumbnails/16.jpg)
Apt. C, Java Rd.Sta. Rosa, Laguna01 Mayo 1993
Minamahal kong Julian,
Magandang araw sa iyo! Natanggap ko ang mga ipinadala mong bulaklak at kard para sa sa akin noong isang linggo. Talaga namang nagustuhan ko ang mga bulaklak at napakaganda ng mensaheng isinulat mo sa kard. Kaya naman nais kong ipahatid sa iyo ang taos-puso kong pasasalamat sapagkat talagang pinaganda ng iyong mga regalo ang aking kaarawan. Maraming salamat.
Sumasaiyo,Laura
![Page 17: Liham Pangkaibigan](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061200/54780b90b4af9f35568b4572/html5/thumbnails/17.jpg)
913 Arlington St.San Jose, Iloilo City21 Agosto 2002
Mahal kong Myrna,
Kumusta na aking kaibigan? Ako naman ay talagang nagagalak na imbitahan ka sa gaganaping Dinagyang Festival dito sa aming bayan. Ito ay gaganapin sa Enero. Tinitiyak kong masisiyahan ka sa makukulay na mga palamuti sa paligid at mga kahanga-hangang pagtatanghal. Talaga namang ipinagmamalaki naming mga taga-Iloilo ang pagdiriwang na ito.
Aasahan ko ang iyong pagdating!
Ang iyong kaibigan,Helen
![Page 18: Liham Pangkaibigan](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061200/54780b90b4af9f35568b4572/html5/thumbnails/18.jpg)
Room 816, SF CondominiumSan Vicente, Cebu City19 Pebrero 1995
Mahal kong Pablo,
Sana ay nasa maganda kang kundisyon sa pagtanggap mo ng aking liham. Sumulat ako sa iyo dahil nais ko sanang hingin ang iyong opinyon hinggil sa aking problema.
Nag-aaklas ngayon ang mga manggagawa sa aking pabrika. Humihingi sila ng umento sa sahod na hindi ko naman kayang ibigay sapagkat panahon ngayon ng recession. Bilang dating meyor ng iyong bayan, nais ko sanang humingi ng payo sa iyo kung ano ang maaari kong gawin upang masolusyunan ang suliranin kong ito.
Anumang payo mo aking pinasasalamatan
Lubos na gumagalang,Danilo
![Page 19: Liham Pangkaibigan](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061200/54780b90b4af9f35568b4572/html5/thumbnails/19.jpg)
Tukuyin ang bahagi ng liham pangkaibigan na kakikitaan ng
mga sumusunod:
1. Selena
2. Sa aking mahal na kaibigan,
3. Nais kitang batiin sa iyong pagtatagumpay sa ginanap na Palarong Pambansa!
![Page 20: Liham Pangkaibigan](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061200/54780b90b4af9f35568b4572/html5/thumbnails/20.jpg)
Tukuyin ang bahagi ng liham pangkaibigan na kakikitaan ng
mga sumusunod:
4. Ang iyong kamag-aral,
5. Blk 25 L 5 Sunshine HomesBrgy. Bato-bato, Antipolo,
Rizal20 Mayo 1987
![Page 21: Liham Pangkaibigan](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061200/54780b90b4af9f35568b4572/html5/thumbnails/21.jpg)
Tukuyin ang bahagi ng liham pangkaibigan na itinuturo ng bawat
bilang:Mga Sagot:1. Bating Panimula2. Katawan ng
Liham3. Bating
Pangwakas4. Pamuhatan5. Lagda
1
4
2
5
3