local cf orientation february 17-18, 2012 bakit may ... · pagtotroso sa kagubatan na nagiging...

6
Local CF ORIENTATION February 17-18, 2012 BAKIT MAY PROGRAMA TUNGKOL SA PAGPAPA UNLAD NG KASANAYAN? May Programa para magkaroon ng bago, angkop, at napapanahon na paraan ng pagpapaunlad. Para matukoy ano ang magagandang paraan sa paghahanap-buhay sa dagat at kung may mali ay mailagay ito sa tamang paraan. Mamulat sa totoong kalagayan ng pangisdaan. Lumawak ang kaalaman at kasanayan ng mga lider. Para matugunan ang mga pangangailangan sa pagsasakatuparan ng PALAD ng komunidad.

Upload: others

Post on 30-Aug-2019

8 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Local CF ORIENTATION February 17-18, 2012 BAKIT MAY ... · pagtotroso sa kagubatan na nagiging sanhi ng siltasyon. Gayon din ng pag-gamit ng pulosyon (lason), pagdidinamita, saka

Local CF ORIENTATION February 17-18, 2012

BAKIT MAY PROGRAMA TUNGKOL SA PAGPAPA UNLAD NG KASANAYAN?

May Programa para magkaroon ng bago, angkop, at napapanahon na paraan ng pagpapaunlad.

Para matukoy ano ang magagandang paraan sa paghahanap-buhay sa dagat at kung may mali ay

mailagay ito sa tamang paraan.

Mamulat sa totoong kalagayan ng pangisdaan.

Lumawak ang kaalaman at kasanayan ng mga lider.

Para matugunan ang mga pangangailangan sa pagsasakatuparan ng PALAD ng komunidad.

Page 2: Local CF ORIENTATION February 17-18, 2012 BAKIT MAY ... · pagtotroso sa kagubatan na nagiging sanhi ng siltasyon. Gayon din ng pag-gamit ng pulosyon (lason), pagdidinamita, saka

BALANGKAS (FRAME WORK)

Tatlong magkakaugnay na aralin sa makalipunang at makakulturang pagbabago na nakaugat sa

pananampalataya.

LCF/LCO *MOOG GRUPO

Apat na batayang relasyon ng tao

Values Training - Four (4) basic relationship of man: - Organizational Management: - Leadership thru Values: - Community organizing: - Maka kristiyanong doktrinang panlipunan: - Biblikong Antropologo o Kasaysayan sa Banal na Aklat

Skills Training - Documentations - Marine Protected Area Mgt - Management and Monitoring - Fish Catch Monitoring - Manta Tow - Reef Assessment - PCRA - VA Assessment - Facilitating - Marketing - Livelihood Project and Management - Coordination and Negotiation - Financial Management

- Marine Environment: - Forest Destruction and Humanism

Pagtatatag o pagtatayo ng mga samahan ng mamamayang nananampalataya sa Diyos at

nagmamahal sa kalikasan

- Kalagayan ng pangisdaan; - Lamit bay - Pambansa - Global - Ecology 1-2-3 - Climate Change/ Global Warming

Maglulunsad ng makalipunan at maka kulturang pagbabago na magpapa-unlad ng kakaibang uri ng

pamumuno na pang haliling institusyon.

AWARENESS

TRAINING AWARENESS

TRAINING

Page 3: Local CF ORIENTATION February 17-18, 2012 BAKIT MAY ... · pagtotroso sa kagubatan na nagiging sanhi ng siltasyon. Gayon din ng pag-gamit ng pulosyon (lason), pagdidinamita, saka

ANG ATING LAYUNIN SA PAG-AARAL NG KALAGAYAN NG PANGISDAAN AY:

1. Upang itaas ang kamulatan ng mga mag-aaral sa pagdama at pagtingin sa

mga suliranin sa pangisdaan.

2. Upang maunawaan natin ang dahilan kung bakit sa kabila ng ating

pagsisikap ay hindi umaangat an gating kabuhayan.

3. Upang magsilbing “ningas” sa puso at isipan ng mga kalahok ang

kasalukuyang kalagayan ng kanilang “kabuhayan”, upang kumilos tungo sa

pagbabago ng pangisdaan at kabuhayan.

4. Lumawaak ang pananaw (vision) ang mga mag-aaral sa pagsasagawa ng

mga planong pangkaunlaran sa kuminidad at pangisdaan.

5. Upang maging handa sa PAMBANSANG UGNAYAN na may kinalaman sa

ating pangisdaan.

Page 4: Local CF ORIENTATION February 17-18, 2012 BAKIT MAY ... · pagtotroso sa kagubatan na nagiging sanhi ng siltasyon. Gayon din ng pag-gamit ng pulosyon (lason), pagdidinamita, saka
Page 5: Local CF ORIENTATION February 17-18, 2012 BAKIT MAY ... · pagtotroso sa kagubatan na nagiging sanhi ng siltasyon. Gayon din ng pag-gamit ng pulosyon (lason), pagdidinamita, saka

KUNG MAGPAPATULOY ANG ATING PAGWAWALANG BAHALA, KABUHAYAN NATIN MAWAWALA:

Kagubatan/ Kabundukan

Kailuga’t Kapatagan

Bakawan/Pakatan Bahura’t(corales) Karagatan

Ang bansang Pilipinas ay may 30,000,000 ektaryang kagubatan. Naging 12 milyon ito noong 1988 at bumaba pa sa 9 milyon noong 1992. Taon-taon 220 ektarya ang nawawala. Kung hindi ito malulutas, mawawala ang ating kagubatan sa taong 2000. Maraming lugar sa ating bansa ay guguho. Ang kagubatan, matatabunan ang mga pamayanan at maraming buhay ang mawawala:

An gating 31,000 ektaryang kailugan at 1,500,000 ektaryang kapatagan o palayan ay napipinsala ng pag-guho ng lupa galing sa kabundukan. Ayon sa “survey” 8.25 milyong ektaryang bagong lupa ay mula sa pag-guho. Ito ang nagiging dahilan ng pagkawasak ng mga pangunahing lupang sakahan at pagkawala ng tubig sa ating kailugan:

Mula sa 400,000 ektaryang bakawan at pakatan. Ngayon ay mayroon na lamang 100,000 ektaryang. Ito ay malaking tulong sa pagpaparami ng mga isda at iba pang lamang dagat. Humahadlang din ito sa malakas na kalamidad gaya ng tsunami at mga bagyo: Ang malaking pagkapinsala nito ay dahil sa pagbibigay daan, sa pagtatayo ng mga fish pond na humigit kumulang sa 250,000 ektarya: bukod pa rito “pag-uuling at ginagawang materyales sa bahay”:

Mayroon pang 33,000 kilometro, kuadradong bahura o corales, na pinaggagalingan ng mga isada. Mula sa dating kabuuang 1,893, 287 KM.KD pangisdaan. Ang 5.8% ng 33,000 KM. KD. ay mahusay pa. (1973) Kung hindi mapipigilan ang pagtotroso sa kagubatan na nagiging sanhi ng siltasyon. Gayon din ng pag-gamit ng pulosyon (lason), pagdidinamita, saka papasukin pa ng mga dambuhalang palakaya. Kahabag-habag ang ating sasapitin. Sapagkat, kung lubusan itong masisira; Ang 1. 159,390,000 kilos isada na nagkakahalaga ng Php 79.6 milyon ay wala na: 2. 127,512 mga gawain sana sa pangisdaang munisipal na pakikinabangan ng 537,560 pamilya ay wala na rin na siyang dahulan ng paghahanap ng trabaho at paninirahan sa makasalanang kalungsuran. 3. Mahigit 5,000,000 sa atin ang kukulangin sa pagkaing dagat. 4. Mula 27% tataas naman ang kaso ng malnutrisyon hanggang 59%. 5. Nangangahulugan ito ng paglaganap ng kriminalidad at masamang gawi ng pamumuhay.

Page 6: Local CF ORIENTATION February 17-18, 2012 BAKIT MAY ... · pagtotroso sa kagubatan na nagiging sanhi ng siltasyon. Gayon din ng pag-gamit ng pulosyon (lason), pagdidinamita, saka

MATITINGKAD NA SULIRANIN NG MGA TAWID BUHAY NG MANGINGISDA

1. Patuloy na pagliit ng kita ng maliliit na mangingisda, samantalang napakalaki ng produksyon ng isda sa ating bansa: 2. Paglala ng polusyon at pagkalason sa ating pangisdaan. 3. Laganap ang iligal na pangisdaan kasama ang “commercial” fishing: 4. Pagkawasak ng mga LIKAS YAMANG KARAGATAN. 5. Pagpasok ng dayuhang bansa para mangisda sa karagatan ng Pilipinas. 6. Paglaganap ng operasyon ng FISH POND, FISH PEN at iba pang malalaking negosyo sa ating pangisdaan. 7. TURISMO ng mga kapitalista sa ating baybayin. Pinaghanguan: (I) The Blue Marine (II) IBON, Primer on Fishing Industry

NEXT SESSION: PAG-AARAL NG KALAGAYAN NG PANGISDAAN SA LAMIT BAY