made me clean

22
Great Commission Ministry International

Upload: acts238-believer

Post on 26-Dec-2014

1.099 views

Category:

Spiritual


4 download

DESCRIPTION

 

TRANSCRIPT

Page 1: Made Me Clean

Great Commission Ministry International

Page 2: Made Me Clean

40 Lumapit sa kanya ang isang

ketongin na nakikiusap at

nakaluhod na nagsasabi,

“Kung gusto mo, maaari mo

akong linisin.”

41 Dahil sa awa, iniunat ni Jesus

ang kanyang mga kamay, hinipo

Ang ketongin at sinabi sa kanya,

“Gusto ko maging malinis ka.”

Page 3: Made Me Clean

42 At kaagad na nawala ang

kanyang ketong at siya’y naging

malinis.

Page 4: Made Me Clean

1 Si Naaman na punong kawal

ng hukbo ng hari ng Siria, ay

dakilang lalaki sa harapan ng

kanyang panginoon at iginagalang

sapagkat sa pamamagitan niya’y

nagbigay ang PANGINOON ng

pagtatagumpay sa Siria. Siya ay

isang makapangyarihang lalaki

na may kagitingan, subalit siya’y

ketongin.

Page 5: Made Me Clean

2 Ang mga taga-Siria, sa isa sa

kanilang pagsalakay ay nagdala

ng bihag na dalagita mula sa

lupain ng Israel, at siya’y nag-

lingkod sa asawa ni Naaman.

3 Sinabi niya sa kanyang babaing

panginoon, “Sana’y naroon ang

aking panginoon na kasama ng

propeta na nasa Samaria!

kanyang pagagalingin siya sa

kanyang ketong.”

Page 6: Made Me Clean

28 At nalalaman natin na sa

lahat ng mga bagay ang Diyos

ay gumagawa sa ikabubuti ng

mga umiibig sa kanya, sa kanila

na mga tinawag alinsunod sa

kanyang layunin.

Page 7: Made Me Clean

4 Kaya’t si Naaman ay pumasok

at sinabi sa kanyang panginoon

kung ano ang sinabi ng dalagitang

mula sa lupain ng Israel.

5 At sinabi ng hari ng Siria,

“Humayo ka, at ako’y

magpapadala ng sulat sa hari ng

Israel.” Kaya’t siya’y humayo at

nagdala ng sampung talentong

pilak, anim na libong pirasong

ginto, at sampung magagarang

bihisan.

Page 8: Made Me Clean

8 Sapagkat sa biyaya kayo’y

naligtas sa pamamagitan ng

pananampalataya, at ito’y hindi

sa pamamagitan ng inyong sarili,

ito’y kaloob ng Diyos.

9 Hindi sa pamamagitan ng mga

gawa, upang ang sinuman ay

huwag magmalaki.

Page 9: Made Me Clean

6 Kanyang dinala ang sulat ng hari ng

Israel, na nagsasaad, “Kapag dumating

sa iyo ang sulat na ito, alam mo na aking

sinugo sa iyo si Naaman na aking lingkod

upang iyong pagalingin siya mula sa

kanyang ketong."

7 Nang mabasa ng hari ng Israel ang

sulat, kanyang pinunit ang kanyang suot

at nagsabi, “Ako ba’y Diyos upang

pumatay at bumuhay, na ang lalaking ito

ay nagsugo sa akin upang pagalingin ang

taong ito sa kanyang ketong? Tingnan mo

lamang at makikita mong siya’y

naghahanap ng pag-aawayan namin.”

Page 10: Made Me Clean

8 Ngunit nang mabalitaan ni

Eliseo na tao ng Diyos na pinunit

ng hari ng Israel ang kanyang

suot, siya’y nagsugo sa hari, na

sinasabi, “Bakit mo hinapak ang

iyong damit? Paparituhin mo siya

sa akin at nang kanyang

malaman na may isang propeta

sa Israel.”

Page 11: Made Me Clean

6 Kanyang gagantihan ang bawat tao

ayon sa kanyang mga gawa;

7 Sa kanila na sa pamamagitan ng

pagtitiyaga sa mabubuting gawa, na

naghahanap ng kaluwalhatian at

karangalan at ng kawalan ng

kasiraan, ay magbibigay siya ng

buhay na walang hanggan.

8 Samantalang sa kanila na makasarili at

hindi sumusunod sa katotohanan,

kundi bagkus ay sumusunod sa

kasamaan ay para sa kanila ang poot

at galit.

Page 12: Made Me Clean

9 Kaya’t dumating si Naaman na

dala ang kanyang mga kabayo at

karwahe at huminto sa tapat ng

pintuan ng bahay ni Eliseo.

10 Si Eliseo ay nagpadala ng sugo

sa kanya, na sinasabi, “Humayo

ka at maligo sa Jordan ng pitong

ulit. Ang iyong laman ay

manunumbalik at ikaw ay

magiging malinis.”

Page 13: Made Me Clean

31 At kanilang sinabi,

“Manampalataya ka sa

Panginoong Jesus at maliligtas

ka, ikaw at ang iyong

sambahayan.”

Page 14: Made Me Clean

11 Ngunit si Naaman ay nagalit, at

umalis, na sinasabi, “Akala ko’y tiyak

na lalabasin niya ako, at tatayo, at

tatawag sapangalan ng Panginoon

diyan Diyos, at iwawasiwas ang

kanyang kamay sa lugar at

pagagalingin ang ketongin.

12 Hindi ba ang Abana at ang Farpar,

na mga ilog ng Damasco, ay higit na

mabuti kaysa lahat ng tubig sa Israel?

Hidi ba ako maaring maligo sa mga

iyon, at maging malinis? Kaya’t siya’y

pumihit at umalis na galit na galit.

Page 15: Made Me Clean

2 Kapag dumarating ang

pagmamataas ay dumarating din

ang kahihiyan. Ngunit kasama ng

mapagpakumbaba ay ang

karunugan.

Page 16: Made Me Clean

13 Ngunit ang kanyang mga

lingkod ay nagsilapit at sinabi sa

kanya, “Ama ko, kung iniutos sa

iyo ng propeta na gumawa ng

mahirap na bagay, hindi mo ba

gagawin? Lalo na nga kung

sabihin niya sa iyo, Maligo ka at

maging malinis ka?”

Page 17: Made Me Clean

14 Kaya’t lumusong siya at pitong

ulit na lumubog sa Jordan, ayon

sa sinabi ng tao ng Diyos. Ang

kanyang laman ay nanumbalik na

gaya ng laman ng isang munting

bata, at siya’y naging malinis.

Page 18: Made Me Clean

25 At ngayon sa Diyos na may

kapangyarihang magpatibay sa inyo

ayon sa aking ebanghelyo at sa

pangangaral ni Jesus Cristo, ayon sa

pahayag ng hiwaga na inilihim sa

napakahabang panahon,

26 Subalit nahayag na ngayon, at sa

pamamagitan ng mga kasulatan ng

mga propeta, ay ipinakilala sa lahat ng

mga bansa tungo sa pagsunod sa

pananampalataya, ayon sa utos ng

Diyos na walang hanggan.

Page 19: Made Me Clean

15 Pagkatapos, siya at ang buong

pulutong niya ay bumalik sa tao ng

Diyos. Siya’y dumating, tumayo sa

harapan niya, at kanyang sinabi,

“Ngayo’y nalalaman ko na walang

Diyos sa buong daigdig maliban sa

Israel; kayat tanggapin mo ang kaloob

ng iyong lingkod.

16 Ngunit kanyang sinabi, “Habang

buhay ang Panginoon, na aking

pinaglilingkuran, hindi ako tatanggap

ng anuman.” At ipinilit niya na ito’y

kanyang kunin, ngunit siya’y

tumanggi.

Page 20: Made Me Clean

17 At sinabi ni Naaman, “kung hindi,

hayaan mong bigyan ang iyong

lingkod ng lupang kasindami ng

mapapasan ng dalawang mola;

sapagkat buhat ngayon ang iyong

lingkod ay hindi na maghahandog ng

handog na susunugin o alay man sa

ibang mga diyos, kundi sa Panginoon.

Page 21: Made Me Clean

18 Sa bagay na ito’y patawarin nawa

ng Panginoon ang iyong lingkod:

kapag ang aking panginoon ay

pumasok sa bahay ni Rimon upang

sumamba roon, at siya’y humilig sa

aking kamay, at ako’y yumukod sa

bahay ni Rimon. Pagyukod ko sa

bahay ni Rimon, patawarin nawa ng

Panginoon ang iyong lingkod sa isang

bagay na ito.”

19 Sinabi niya sa kanya, “Humayo

kang payapa.” Kaya’t siya ay lumayo

sa kanya sa di-kalayuan.

Page 22: Made Me Clean

15 Hindi ko hinihiling na alisin mo sila

sa sanlibutan, kundi ingatan mo sila

mula sa masama.

16 Hindi sila taga-sanlibutan, na gaya

ko na hindi taga-sanlibutan.

17Pabanalin mo sila sa katotohanan;

ang salita mo ay katotohanan.