maikling kwento
DESCRIPTION
MAIKLING KWENTO ugat ng maikling kwento bahagi ng maikling kwento sangkap ng maikling kwento salik ng maikling kwento uri ng maikling kwentoTRANSCRIPT
![Page 1: Maikling Kwento](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061316/558910e2d8b42ac9788b4704/html5/thumbnails/1.jpg)
ni: John Emil Estera
BSED – III (Filipino)
SLMCS
MAIKLING KWENTO
![Page 2: Maikling Kwento](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061316/558910e2d8b42ac9788b4704/html5/thumbnails/2.jpg)
KAHULUGAN:Ayon kay Edgar Allan Poe, ang tinaguriang Ama ng Maikling Kuwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at bungang –isip na hango sa isang tunay na pangyayari sa buhay.
Ito ay nababasa sa isang tagpuan, nakapupukaw ng damdamin, at mabisang nakapagkikintal ng diwa o damdaming may kaisahan.
![Page 3: Maikling Kwento](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061316/558910e2d8b42ac9788b4704/html5/thumbnails/3.jpg)
Ugat ng Maikling Kwento
![Page 4: Maikling Kwento](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061316/558910e2d8b42ac9788b4704/html5/thumbnails/4.jpg)
Mitolohiya
Ito’y salaysay tungkol sa iba’t ibang diyos na pinaniniwalaang mga
sinaunang katutubo.Ang salaysay na ito ay tungkol sa
mga kababalaghan at tungkol sa kanilang mga pananalig at paniniwala sa mga anito.
![Page 5: Maikling Kwento](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061316/558910e2d8b42ac9788b4704/html5/thumbnails/5.jpg)
Alamat
Isinasalaysay ng kuwentong ito ang pinagmulan ng isang bagay, pook, pangyayari at iba pa. Pinalulutang din dito ang mahahalagang mensahe at mga aral sa buhay.
![Page 6: Maikling Kwento](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061316/558910e2d8b42ac9788b4704/html5/thumbnails/6.jpg)
Pabula
Ito’y isang uri ng kuwentong gumagamit ng mga hayop bilang mga tauhan. Bagama’t kathang-isip lamang ang kuwentong ito walang tiyak na batayan. Ang pabula ay naghahatid pa rin ng mahahalagang mensahe at aral ng buhay.
![Page 7: Maikling Kwento](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061316/558910e2d8b42ac9788b4704/html5/thumbnails/7.jpg)
Parabula
Ito’y salaysay na hango sa Bibliya. Lumulutang dito ang moral at ispiritwal na pamumuhay ng mga tao at ang paglalahad ay patalinghaga.
![Page 8: Maikling Kwento](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061316/558910e2d8b42ac9788b4704/html5/thumbnails/8.jpg)
Kuwentong Bayan
Ipinapakita sa salaysay na ito ang pag-uugali, tradisyon, paniniwala, pamahiin at kultura ng isang lipi. Inilalahad din dito ang mga suliraning hinarap ng tribu na siyang mag-iiwan ng aral at tiyak na mensahe sa mga mambabasa.
![Page 9: Maikling Kwento](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061316/558910e2d8b42ac9788b4704/html5/thumbnails/9.jpg)
Anekdota
Ito’y nagsasalaysay ng mga pangyayaring katawa-tawa at ang mga pangyayari’y kapupulutan ng mga aral sa buhay.
![Page 10: Maikling Kwento](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061316/558910e2d8b42ac9788b4704/html5/thumbnails/10.jpg)
Bahagi ng Maikling Kwento
![Page 11: Maikling Kwento](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061316/558910e2d8b42ac9788b4704/html5/thumbnails/11.jpg)
Lubhang mahalaga ang bahaging ito sapagkat dito
nakasalalay ang kawilihan ng mambabasa. Kinapapalooban
ito ng mga sumusunod:
Simula
![Page 12: Maikling Kwento](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061316/558910e2d8b42ac9788b4704/html5/thumbnails/12.jpg)
a. pagpapakilala sa tauhan
b. pagpapahiwatig ng suliraning kakaharapin ng mga tauhan.
c. pagkakintal sa isipan ng mga mambabasa ng damdaming palilitawin sa kuwento.
d. paglalarawan ng tagpuan
![Page 13: Maikling Kwento](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061316/558910e2d8b42ac9788b4704/html5/thumbnails/13.jpg)
Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa
suliranin.
Saglit na Kasiglahan
Problemang haharapin ng tauhan.
Suliranin
![Page 14: Maikling Kwento](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061316/558910e2d8b42ac9788b4704/html5/thumbnails/14.jpg)
ang pinagbabatayan ng buhay ng maikling katha dahil ito
ang nagbibigay daan sa madudulang tagpo upang
lalong maging kawili-wili at kapana-panabik ang mga
pangyayari
Tunggalian
![Page 15: Maikling Kwento](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061316/558910e2d8b42ac9788b4704/html5/thumbnails/15.jpg)
sa bahaging ito unti-unting naaalis ang
sagabal, nalulutas ang suliranin, dito natutukoy
ang katayuan ng pangunahing tauhan kung
siya ay mabibigo o magtatagumpay
Kasukdulan
![Page 16: Maikling Kwento](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061316/558910e2d8b42ac9788b4704/html5/thumbnails/16.jpg)
Tulay sa wakas.
Kakalasan
Wakas
Naihahatid ng may-akda ang mensahe sa bahaging ito.
sa wakas ng kuwento.
![Page 17: Maikling Kwento](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061316/558910e2d8b42ac9788b4704/html5/thumbnails/17.jpg)
Pinaka kaluluwa ng maikling kwento.
Paksang Diwa
Kaisipan Mensahe ng kwento.
![Page 18: Maikling Kwento](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061316/558910e2d8b42ac9788b4704/html5/thumbnails/18.jpg)
Sangkap ng Maikling Kwento
![Page 19: Maikling Kwento](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061316/558910e2d8b42ac9788b4704/html5/thumbnails/19.jpg)
Tumutukoy ito sa pook o lugar na pinangyarihan ng kuwento.
Naglalarawan ito ng ginagalawan o kapaligiran ng
mga tauhan.
Tagpuan
![Page 20: Maikling Kwento](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061316/558910e2d8b42ac9788b4704/html5/thumbnails/20.jpg)
Ang nagbibigay buhay sa kuwento, makikilala sila sa
kanilang panlabas na kaanyuan- pisikal at pananamit, kilos na
magpapahiwatig ng kanilang ugali at diyalogo.
Tauhan
![Page 21: Maikling Kwento](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061316/558910e2d8b42ac9788b4704/html5/thumbnails/21.jpg)
Ito ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa kuwento.
Bahagi ng Banghay simula suliraninsaglit na kasiglahan kasukdulan kakalasan wakas
Banghay
![Page 22: Maikling Kwento](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061316/558910e2d8b42ac9788b4704/html5/thumbnails/22.jpg)
ito ang sentral na ideya sa loob ng kuwento o ang mahalagang pangkaisipan
ng akda.
Tema o Paksa
![Page 23: Maikling Kwento](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061316/558910e2d8b42ac9788b4704/html5/thumbnails/23.jpg)
Paksang DiwaIto ang pinakadiwa ng katha.
Ito ang pang- isipang iniikiran ng maliliit na himaymay ng katha at nabubuo ng manunulat ang kasiyahang pandamdamin at pangkaasalan sa mambabasa.
HimigIto ang maglalantad sa kulay ng kalikasang pandamdamin ng kuwento. Maaring masaya ang kuwento o kaya’y malungkot, mapanudyo, mapagpatawa at maromansa.
IBA PANG SANGKAP NG MAIKLING KUWENTO
![Page 24: Maikling Kwento](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061316/558910e2d8b42ac9788b4704/html5/thumbnails/24.jpg)
PaninginIto ang pananaw na pinagdaraanan ng mga pangyayari. Matutukoy ng isang mambabasa ang iba’t ibang sangkap ng akda sa pamamagitan ng paningin.Sa pamamagitan ng paningin, makikilala ng mambabasa ang inilalahad na lugar, panahon at ang relasyon ngn mga tauhan.
![Page 25: Maikling Kwento](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061316/558910e2d8b42ac9788b4704/html5/thumbnails/25.jpg)
Salik ng Maikling Kwento
![Page 26: Maikling Kwento](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061316/558910e2d8b42ac9788b4704/html5/thumbnails/26.jpg)
Kapaunahan – ang mga panagunahing tauhan ay ang siyang pinakaugat ng maselang pangyayaring inilahad.
Kaganyakan- Tinatawag ding isang saglit na kasiglahan
sapagkat ito ang nagpasidhi sa damdamin at pagnanasa ng
manbabasa upang ipagpatuloy ang pagtunghay.
![Page 27: Maikling Kwento](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061316/558910e2d8b42ac9788b4704/html5/thumbnails/27.jpg)
Kabanghayan- Ang pagkakasunod-sunod ng mga naaayong pangyayari na mabilis ang kaganapan at pagkaklahad ay ayon sa istilo ng manunulat.
Tunggalian- Ito ay tinatawag na gusot o
buhol.
![Page 28: Maikling Kwento](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061316/558910e2d8b42ac9788b4704/html5/thumbnails/28.jpg)
Kasukdulan- Isang bahagi ngunit salik ding matatawag. Ito ang
pinakamasidhing bahagi dahil dito nakasalaylay
ang kaalaman ng mambabasa sa sasapitin
ng mga tauhan sa bandang huli.
![Page 29: Maikling Kwento](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061316/558910e2d8b42ac9788b4704/html5/thumbnails/29.jpg)
Kakanyahan- Ito ang istilo ng awtor.
Kahimigan- Ang damdaming ginagamit
upang mapukaw at makintal sa isipan ng
mambabasa.
![Page 30: Maikling Kwento](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061316/558910e2d8b42ac9788b4704/html5/thumbnails/30.jpg)
Uri ng Maikling Kwento
![Page 31: Maikling Kwento](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061316/558910e2d8b42ac9788b4704/html5/thumbnails/31.jpg)
Kuwento ng Katutubong Kulay- binibigyang diin ang kapaligiran, pananamit ng mga tauhan, uri ng pamumuhay at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.
Kuwento ng Pakikipagsapalaran- nasa balangkas ng pangyayari ang kawilihan o interes sa
kuwentong ito.
![Page 32: Maikling Kwento](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061316/558910e2d8b42ac9788b4704/html5/thumbnails/32.jpg)
Kuwento ng Kababalaghan- mga di- kapani-paniwalang bukod pa sa mga katatakutan ang siyang daan ng kuwentong ito.
Kuwento ng Tauhan- ang interes ng diin ay nasa
pangunahing tauhan.
![Page 33: Maikling Kwento](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061316/558910e2d8b42ac9788b4704/html5/thumbnails/33.jpg)
Kuwento ng Katatawanan- ang diin ng kuwentong ito ay magpatawa at bigyang aliw ang mga mambabasa.
Kuwento ng Pag-ibig- tungkol sa pag-iibigan ng pangunahing tauhan at ang katambal niyang
tauhan
![Page 34: Maikling Kwento](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061316/558910e2d8b42ac9788b4704/html5/thumbnails/34.jpg)
Kuwento ng Kapaligiran- ang paksa ay mga pangyayaring mahalaga sa lipunan, kadalasan patungkol sa kalikasan.
Kwento ng Madulang Pangyayari- binibigyang diin
ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na
nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.
![Page 35: Maikling Kwento](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061316/558910e2d8b42ac9788b4704/html5/thumbnails/35.jpg)
Kwento ng sikolohiko - ipinadarama sa mga
mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling kwentong bihirang isulat
sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan.
![Page 36: Maikling Kwento](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061316/558910e2d8b42ac9788b4704/html5/thumbnails/36.jpg)
Kuwento ng Talino - Mahusay ang pagkakabuo ng balangkas nito, kailangang lumikha ang may-akda ng makauliraning kalagayan upang mamahay sa pag-
aalinlangan hanggang sa ang takdang oras ay sumapit ang paglalahad ng kalutasan.
![Page 37: Maikling Kwento](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061316/558910e2d8b42ac9788b4704/html5/thumbnails/37.jpg)
Kuwentong Pakikipagsapalarang
Maromansa -Nasa balangkas ang
kawilihan sa halip na sa mga tauhan ang kawilihan,
sa mga kawil ng mga pangyayari ang siyang
bumabalot sa pangunahing tauhan.
![Page 38: Maikling Kwento](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061316/558910e2d8b42ac9788b4704/html5/thumbnails/38.jpg)
WAKAS !!!