makipagkilala sa iyong mga kapitbahay
TRANSCRIPT
Ang paglipat sa isang bagong kapitbahayan ay nakakasabik ngunit pwede rin itong nakakatakot kung wala kang kakilala. Ang malugod na pagsalubong sa mga bagong kapitbahay o pagpapakilala ng sarili sa mga hindi mo pa na nakikilala ay isang mahusay na paraan upang makatagpo ng mga bagong kaibigan at makatatag ng magandang relasyon sa mga kapitbahay at pagkakaroon ng mga bagong kaibigan. May mga maraming pakinabang sa pakikipagkilala sa mga kapitbahay mo. Ang mga taong magkakakilala ay kadalasang inaantabayanan ang bawat isa at nagtutulungang makabuo at mapanatili ang isang ligtas na komunidad.
Makipagkilala sa Iyong
mga Kapitbahay
Ang Pederasyon ng mga Komunidad ng Calgary
(The Federation of Calgary Communities
Ph: (403) 244 4111 ext. 225
Fax: (403) 244 4129
Web: calgarycommunities.com
Federation of Calgary Communities
@FedYYC
Ang basket para sa malugod na pagsalubong ay isang maliit na basket na puno ng mga goodies at impormasyon. Ito ay isang ma-husay na paraan upang ipakilala ang mga bagong kapitbahay sa inyong komunidad at lahat ng mga magagandang serbisyo na pwe-deng maialok nito. Ang mga bas-ket para sa malugod na pagsalu-bong ay pwedeng ihatid ng sama-han ng komunidad para sa Ma-lugod na Pagsalubong o ng isang indibidwal.
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga ideya sa pagpuno ng inyong kit para sa malugod na pagtanggap sa inyong komunidad:
Isang maikling sulat o kard na nakasulat-kamay
Pangkalahatang impormasyon tungkol sa Samahan ng Komuni-
dad
Impormasyon sa pagiging kasapi ng komunidad
Mga business cards ng mga lokal na tindahan at restawran
“My Neighbor Cards” na maaring makita sa “Federation of
Calgary Communities Virtual Resource Centre”
Pang emerhensyang serbisyo at impormasyon
Mga larawan o impormasyon ng paborito mong parke o mga
berdeng espasyo
Impormasyon sa pagpulot ng basura at recycling
Mga ilang maliliit na regalo katulad ng mga kard na pangkape, mga tasa, mga tsokolate, mga kendi o mga bagay o pagkain na gawang bahay.
Magtanong sa mga lokal na ahente ng bahay at lupa (realtor), mga nagpaparentang kompanya, tagapamahala ng apartment at mga nagpapaupa upang malaman ng samahan ng komunidad kung kelan lilipat ang bagong kapitbahay upang malugod silang salubungin sa anumang paraan na gusto mo.
Gumawa ng Kit para sa Malugod na
Pagsalubong sa mga Bagong Residente
sa inyong Komunidad!
Flickr Photo Attributions Gift Baskets: mothernaturebeauty
Para sa karagdagang impormasyon sa
pakikipagkilala sa mga bagong kapitbahay,
siyasatin ang mga sumusunod na kaalaman sa
Federation of Calgary Communities’ Virtual
Resource Cenre:
Mahalin Kung Saan Ka Nakatira: Maging Punong-
Abala sa isang Block Party! (Love Where You Live:
Host a Block Party!)
Sa Palibot ng Bloke: Tayo ay Maglakad! (Around
the Block: Let’s Walk!)
My Neighbor Card
Maliliit na Aklatan (Little Libraries)
At marami pang iba!
Marami ding ibang mga kaalaman na naisalin
sa mga karaniwang wika na binibigkas sa
Calgary.
Subukan ang mga sumusunod na pabatid sa
pakikipagkilala sa mga kapitbahay mo: Gawin ang inyong bahagi upang makalikha ng nakaka -engganyong
kapaligiran sa inyong komunidad. Kahit ang iyong mga kapitbahay ay nakatira na doon ng sandali pa lamang o bago pa lang sila, ito ay mga maliliit na bagay na pwede mong gawin na malayo ang mararating sa pagdala ng bawat isa ng sama -sama.
3. Pagkatapos ipakilala ang sarili, sikapin ang palaging
pagkaway, pagbati at pakipagkwentuhan sa mga
kapitbahay mo. Ito ay nakakahikayat ng magiliw na
talakayan at upang maramdaman ng mga
kapitbahay ang malugod na pagtanggap sa kanila.
Magumpisa ng Komite ng Malugod na Pagsalubong sa inyong Samahan ng
Komunidad
Ang mga Komite ng
Malugod na
Pagsalubong ay binubuo
ng mga grupo ng mga
tao na malugod na
sumasalubong sa mga
bagong dating na mga
kapit-bahay. Siyasatin
ang iyong lokal na
samahan ng komunidad upang malaman kung meron
silang Komite ng Malugod na Pagtanggap o bukas sila sa
ideya. Kung hindi, ialok ang iyong tulong sa pagbuo
nito.
Upang makapagsimula, isaalang-alang ang paggawa ng
mga Kit ng Malugod na Pagsalubong para sa iyong mga
kapitbahay o ipakilala lamang ang sarili mo at ang
samahan ng komunidad sa pamamagitan ng pag-imbita
sa kanila sa mga anumang darating na kaganapan.
Maglaan ng oras upang makilala ang mga kapitbahay,
ipagdiwang ang
kanilang mga kultura
at ibahagi ang sarili
mong mga
tradisyon. Ang
pagkakaroon ng
bukas na isip at
natututo mula sa
mga bagong
kapitbahay ay
magagawang
maging sentro ng
iba’t ibang kultura ang iyong komunidad!
2. Ipakilala ang sarili mo sa iyong mga kapitbahay-kilalanin sila at magsabi ng ilan
tungkol sa iyong sarili. Ang mga kaitbahay, bago man o hindi, ay maaring pwedeng gumamit ng
impormasyon tungkol sa kalipunan ng komunidad, mga nalalapit na kaganapan, mga
lokal na hot spot, at marami pang iba.
1. Malugod na salubungin ang kapitbahay mo sa pamamagitan ng pag-alok ng maliit ngunit mapag-alagang gawain o regalo. Ito ay pwedeng tradisyonal na “pie”, isang tasa ng kape, ilang mga bulaklak o gulay mula sa iyong hardin, o pwede rin silang imbitahin
sila sa isang salu-salo. Ang paglipat ay isang mahirap na gawain at ang isang mainit na
pagkain ay pahahalagahan!