manampalataya mula sa p - branhamdownload.branham.org/pdf/tag/tag57-0623 believe from the...amin...

33
MA NAM PALATAYA MULA S A PUSO [Binabasa ni Kapatid na Branham ang Santiago 5:12 sa pagsisimula ng teyp—Pat.] …ni ang anomang ibang sumpa: kundi ang inyong oo ay maging oo; at ang inyong hindi ay maging hindi; upang kayo’y huwag mangahulog sa ilalim ng hatol. Nagbabata baga ang sinoman sa inyo? siya’y manalangin. Natutuwa ang sinoman? awitin niya ang mga pagpupuri. May sakit baga ang sinoman sa inyo? ipatawag niya ang mga matanda sa iglesia; at ipanalangin nila siya, na pahiran nila ng langis sa pangalan ng Panginoon: At ang panalangin ng pananampalataya ay magliligtas sa may sakit, at ibabangon siya ng Panginoon; at kung siya ay nagkasala, ay ipatatawad sa kaniya. Mangagpahayagan nga kayo sa isa’t isa ng inyong mga kasalanan, at ipanalangin ng isa’t isa ang iba, upang kayo’y magsigaling. Sapagka’t malaki ang nagagawa ng maningas na panalangin ng taong matuwid. Si Elias ay isang taong may pagkataong gaya rin ng atin, at siya’y nanalangin ng buong ningas upang huwag umulan: at hindi umulan sa lupa sa loob ng tatlong taon at anim na buwan. At muli siyang nanalangin; at ang kalangitan ay nagbigay ng ulan, at ang lupa ay namunga ng kaniyang bunga. Mga kapatid ko, kung ang sinoman sa inyo ay nalilihis sa katotohanan, at siya’y papagbaliking loob ng sinoman; Ay alamin nito, na ang nagpapabalik-loob ng isang makasalanan mula sa kaniyang kamalian ng lakad niya ay magliligtas ng isang kaluluwa sa kamatayan, at magtatakip ng karamihang kasalanan. 2 Sa huling kabanata ng Aklat ng Marcos. Sa ika-16 na kabanata, at sa huling talata ng ika-16 na kabanata ng San Marcos, ay mababasa natin ang Mga Salitang ito. Pagkatapos, siya’y napakita sa labingisa samantalang sila’y nangakaupong nagsisikain, at pinagwikaan sila sa kawalan nila ng pananampalataya at katigasan ng puso, sapagka’t hindi sila nagsipaniwala…siya na nagbangon mula sa mga patay.

Upload: others

Post on 21-Jan-2020

4 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: MANAMPALATAYA MULA SA P - Branhamdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG57-0623 Believe From The...amin nang naidulog, at ang aming mga kamay rin nama’y naipatong na sa kanila. Dalangin

MANAMPALATAYA MULA SA PUSO

[Binabasa ni Kapatid na Branham ang Santiago 5:12 sapagsisimula ng teyp—Pat.]…ni ang anomang ibang sumpa: kundi ang inyong

oo ay maging oo; at ang inyong hindi ay maging hindi;upang kayo’y huwag mangahulog sa ilalim ng hatol.Nagbabata baga ang sinoman sa inyo? siya’y

manalangin. Natutuwa ang sinoman? awitin niya angmga pagpupuri.May sakit baga ang sinoman sa inyo? ipatawag niya

ang mga matanda sa iglesia; at ipanalangin nila siya,na pahiran nila ng langis sa pangalan ng Panginoon:At ang panalangin ng pananampalataya ay

magliligtas sa may sakit, at ibabangon siya ngPanginoon; at kung siya ay nagkasala, ay ipatatawadsa kaniya.Mangagpahayagan nga kayo sa isa’t isa ng inyongmga

kasalanan, at ipanalangin ng isa’t isa ang iba, upangkayo’ymagsigaling. Sapagka’tmalaki ang nagagawa ngmaningas na panalangin ng taong matuwid.Si Elias ay isang taong may pagkataong gaya rin ng

atin, at siya’y nanalangin ng buong ningas upang huwagumulan: at hindi umulan sa lupa sa loob ng tatlong taonat anim na buwan.At muli siyang nanalangin; at ang kalangitan ay

nagbigay ng ulan, at ang lupa ay namunga ng kaniyangbunga.Mga kapatid ko, kung ang sinoman sa inyo ay

nalilihis sa katotohanan, at siya’y papagbaliking loobng sinoman;Ay alamin nito, na ang nagpapabalik-loob ng isang

makasalanan mula sa kaniyang kamalian ng lakad niyaay magliligtas ng isang kaluluwa sa kamatayan, atmagtatakip ng karamihang kasalanan.

2 Sa huling kabanata ng Aklat ng Marcos. Sa ika-16 nakabanata, at sa huling talata ng ika-16 na kabanata ng SanMarcos, aymababasa natin angMga Salitang ito.

Pagkatapos, siya’y napakita sa labingisa samantalangsila’y nangakaupong nagsisikain, at pinagwikaan silasa kawalan nila ng pananampalataya at katigasanng puso, sapagka’t hindi sila nagsipaniwala…siya nanagbangon mula sa mga patay.

Page 2: MANAMPALATAYA MULA SA P - Branhamdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG57-0623 Believe From The...amin nang naidulog, at ang aming mga kamay rin nama’y naipatong na sa kanila. Dalangin

2 ANG BINIGKAS NA SALITA

At sinabi niya sa kanila, Magsiyaon kayo sa buongsanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahatng kinapal.

Ang sumasampalataya at mabautismuhan aymaliligtas; datapuwa’t ang hindi sumasampalatayaay parurusahan.

At lalakip ang mga tandang ito samagsisisampalataya; Mangagpapalabas sila ng mgademonio sa aking pangalan; mangagsasalita sila ngmga bagong wika;

Sila’y magsisihawak ng mga ahas; at kung magsiinomsila ng bagay na makamamatay, sa anomang paraanay hindi makasasama sa kanila; ipapatong nila angkanilang mga kamay sa mga may-sakit, at sila’ymagsisigaling.

3 “Ang panalangin ng pananampalataya ay magliligtas sa maysakit.” Ngayon, habang iniyuyuko natin ang ating mga ulo sapanalangin, sama-sama, tayong lahat, sa ating kaparaanan, atang bawat isa sa kanyang kaparaanan, tayo’y manalangin ngpanalangin ng pananampalataya para sa mga taong may sakitdito ngayong umaga. Pagkatapos ay nais kong patungan silang mga kamay, kasama ang mga matatanda sa iglesya. Kungmagkagayo’y nagawa natin nang eksakto kung ano ang sinabing Salita ng Diyos. Dahil, doon ako mismo patungo, sa akingMensahe.

Ngayon manalangin tayo.4 Ama naming Makalangit, habang inihahandog namin saIyo ang awiting ito, ang himig ng Only Believe, ipinahahayagpo nito sa Iyo ang aming mga damdaming nakatuon sa IyongSalita. At ngayong napahiran na ang mga maysakit sang-ayonsa Iyong Salita, nananalangin po kami ng panalanging ito ngpananampalataya, sa abot ng aming kaalaman, upang sundinang Iyong mga utos. At napagtatanto namin, maging sa amingkahinaan, higit Ka pong may kakayahang pagtagumpayan angaming kahinaan sa pamamagitan ng Iyong Kapangyarihan atkabutihan. At pagkatapos ay pabababain na po namin angmga matatanda sa iglesya, upang magpatong ng mga kamay samga maysakit, bilang pagtalima sa bawat atas na alam namingibinigay ng aming Panginoon.5 At dalangin po namin, Panginoon, na makasumpong kaming biyaya sa Iyong paningin, makalipas ang lahat ng mgataong ito, na kami’y nagsusumikap pa ring makasunod sa Iyongutos. At ngayon idinadalangin ko po, kasama nitong muntinggrupo ngayong umaga, na tunay ngang Iyong ipinadala saamin, sapagkat sila’y nangangailangan, sila nga po’y nariritongayon upang aming maipanalangin. At idinudulog po namin

Page 3: MANAMPALATAYA MULA SA P - Branhamdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG57-0623 Believe From The...amin nang naidulog, at ang aming mga kamay rin nama’y naipatong na sa kanila. Dalangin

MANAMPALATAYA MULA SA PUSO 3

ang panalanging ito para sa bawat isa sa kanila. AlamMo po angkanilangmga puso at alamMopo ang kanilangmgamithiin.6 At idinadalangin ko po ang panalanging ito ngpananampalataya, kasama ng iglesyang ito, na Iyongpatotohanan sa kanila ang bawat mithiin nila. Maging realidadnawa ito ngayon din. At nawa po, sa paglabas nila ng bahay-sambahang ito, ngayong araw na ito, humayo nawa silang gayani Abraham ng sinaunang panahon, na itinuturing ang mgasintomas ng sakit na iyon na tila baga wala ang mga iyon, atdi pinahihintulutan ang anumang sasalungat sa pagpapalangaming hinihiling. Ipinangako Mo po sa Iyong Salita na ito aymatutupad, at amin po itong sinasampalatayanan.7 Ngayon, kasama ng mga lalaking ito na Iyong piniliat tinawag upang maging mga ministro at matatanda saiglesya, papatungan namin sila ng mga kamay kung papaanonamin tila…na tila baga binabautismuhan namin sila. At silanga’y napahiran na. Ang panalangin ng pananampalataya ayamin nang naidulog, at ang aming mga kamay rin nama’ynaipatong na sa kanila. Dalangin po naming ang kanilangpananampalataya ngayon ay tumingin sa Iyo, Oh Diyos naMakapangyarihan sa lahat, at sila’y mapagaling. Sa Pangalanni Jesus ito ang aming dalangin.8 Ngayon, hinihiling ko sa mga matatanda sa iglesya, napumarito kayo sa may pila, habang pinapatungan natin silang mga kamay. At habang ipinapatong ng bawat isa anginyong kamay sa…[Blangkong bahagi sa teyp. Ipinapanalanginnina Kapatid na Branham at ng mga ministro ang mgamaysakit—Pat.]9 Kung maaari’y ituon n’yo sa akin ang buo n’yong atensyon,kahit ilang saglit lang, kung mamarapatin n’yo. Sinisikap konghuwag gumugol ng labis na oras, habang ipinapatong ko rito angaking relo, para makatiyak sa oras.10 At, Kapatid na Beeler, sa palagay ko’y nariyan ka sarekorder, sa kabilang dulo. At wala sina Leo at Gene dito. Kayagusto kong ikaw na, kung mamarapatin mo, ang mag-rekordng patotoong ito na aking ibibigay maya-maya, para maipadalanatin kay Kapatid na Boze, kukunin niya kasi ito.11 Nais kong bumasa, ngayong umaga, mula sa—sa Aklatni San Marcos, sa ika-12 kabanata. Nais nating kunin angisang bahagi nito at basahin Ito, sapagkat Ito ay ang banal,at purong Salita ng Diyos. At nananampalataya tayong angDiyos ay nasa Kanyang Salita. Nananampalataya ba kayo roon?[Sinasabi ng kongregasyon, “Amen.”—Pat.] At idinadalanginnating nawa’y idadagdag ng Diyos ang Kanyang mga pagpapalarito, habang binabasa natin Ito, at nakatitiyak akong Kanyangang gagawin iyon.

Page 4: MANAMPALATAYA MULA SA P - Branhamdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG57-0623 Believe From The...amin nang naidulog, at ang aming mga kamay rin nama’y naipatong na sa kanila. Dalangin

4 ANG BINIGKAS NA SALITA

12 At pagkatapos ay nais kong kunin ang isa pang bahagi ngKanyang Salita, mula sa Mga Gawa, sa unang kabanata. Atbabasa tayo mula roon. At hinihiling ko sa Panginoon na nawa’yKanyang idaragdag ang Kanyangmga pagpapala sa—sa pagbasang Kanyang Salita.13 Naghahanap lang ako rito. May pananda ako rito sa aking—sa aking Biblia, at doon ko sana gustong magbasa muna,bilang pasimula, pero sa palagay ko’y hindi ko ito makita sapagkakataong ito. Ipagpaumanhin n’yo lang po pansumandali,hanggang sa mahanap ko ito, kung magagawa ko. Sa palagayko’y nakita ko na.

…sinabi ni Jesus sa kanila, Magkaroon kayo ngpananampalataya sa Dios.Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Kung kayo

ay magsabi sa bundok na ito, Malipat ka…; athindi magalinlangan sa inyong puso, kundi…manampalataya na mangyayari ang sinasabi ninyo;ay kakamtin ninyo ang sinabi ninyo.

14 Ngayon, doon saMgaGawa, sa—sa unang kabanata at sa ika-8 talata.

Datapuwa’t tatanggapin ninyo ang kapangyarihan,pagdating sa inyo ng Espiritu Santo: at kayo’y magigingmga saksi ko sa Jerusalem, at sa…Judea, at Samaria,at sa pinakahuling mga hangganan ng lupa.

15 Nais kong ibaling ang inyong atensyon sa Salita ngPanginoon, ngayong umaga, nang ilang sandali. At nais kongilagak ninyo ang buo n’yong atensyon Dito. Pakinggan n’yongmabuti. Ang kahalagahan ng Salitang ito!16 Pagkatapos ng dalawampu’t limang taon ng ministeryo parasa Panginoon, sa Kanyang gawain at sa Kanyang Salita; hetona nga’t, nalalapit na ang akin namang ikalabindalawang taonsa internasyonal na pagi-ebangheliyo; at sa pamamagitan ngbiyaya ng Diyos, nakaharap ko sa mga pagtitipon ang laksa-laksang mga—mga katao; at nasaksihan nga rito ang Panginoonsa mga ginanap naming mga kampanya, na nakapanghikayat,gaya ng nasaksihan ko, sa Kanya, o doon mismo sa dalawangmilyong katao, o mga nasa isang milyon at limang daang libo,mga nasa ganoong bilang, doon sa mga pagtitipon. Humantongngayon ako sa ganitong konklusyon, pagkatapos nitong lahatng aming mga pagsisikap, at iba pa. Imposible para sa Diyosna makagawa ng anuman para sa mga tao kung hindi munamagpapasiya ang mga tao kung ito nga’y Katotohanan o hindi.Sadyang hindi momapipilit. Kahit pa…17 Nakasaksi na ako ng mga dakilang obramaestra ng atingPanginoon, sa—sa Salita, na may kakayahang bigyang linawang Salita nang higit kaysa sa sinumang nasaksihan ko na, atgayunma’y hindi nilamaiparating sa tao ang programa.

Page 5: MANAMPALATAYA MULA SA P - Branhamdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG57-0623 Believe From The...amin nang naidulog, at ang aming mga kamay rin nama’y naipatong na sa kanila. Dalangin

MANAMPALATAYA MULA SA PUSO 5

18 At naiisip ko, ngayong umaga, ang isang lalaking sapalagay ko’y may isa sa mga pinakamagandang programa sahimpapawid. Subalit mayroong, kung anong bagay, at hindimaiparating ng lalaking iyon ang kanyang programa. Iyon siDr. Wyatt, isang tunay na guro. Yun nga lang may kung anongproblema; hindi ko alam kung saang banda ang problema. Maypangitain siya, may ideya siya, may kakayahan siya, subalitsadyang hindi niya talaga maiparating sa tao ang programa,kahit ano pang gawin. Ang programa niya’y lubos na nasa Salita,at dapat sana’y mapaluluhod na nito ang sanlibutan sa kanilangmga tuhod.19 At nasaksihan ko naman dito, hindi pa ganoong katagalan,sa Louisville, noong makita ko si Dr. Mordecai Ham at angmarami pang mga sikat na teologong kakilala ko, na di hamakna mas magaling pang mangangaral kaysa sa batang-batangtatlumpu’t walo o apatnapung taong gulang, na ebanghelistangmay pulang buhok na lumakad patungo roon sa entablado,dumaan siya sa harapan ng mga lalaking iyon, at nangakauponga sila noon sa likurang mga upuan. At tumayo ang lalakingiyon doon noong gabing iyon, wala mang kasampu o kasandaangbahagi sa pagkamangangaral ng mga lalaking nangakaupo salikuran niya, gayunma’y taglay ng naturang lalaking ito angprograma ng Diyos at naiparating niya iyon sa mga tao: si BillyGraham.20 Napansin ko ang mga bagay na iyon. At sa pagpansin samga iyon, saka ako humantong sa ganitong konklusyon. Kahitano ka pa, kinakailangang pagkalooban din ng Diyos ang mgatagapakinig. At kahit pa tumayo ako rito ngayong umaga atbuhayin ang patay, at ibalik ang mga pilay sa kanilang normalna kalagayan, at, gayunpaman, wala ang Diyos sa naturangprograma, wala itong kahahantungan. Kinakailangang nasaprograma ang Diyos.21 At ang sinumang tao, ay nakikilala, nakikilala ang kanyangkatangian sa pamamagitan ng kanyang mga gawa. Kahit sinopa man siya, pinatutunayan ng mga gawa niya ang kanyangkatangian. Kung ipagpahalimbawa mo ang isang tao, kahitgaano pa niya pagsumikapang maging mabuti, kung masamaang mga gawa niya, magiging walang kabuluhan ang lahat ngkabutihan niya. At ang salita ng isang tao ay ang kanyangkatangian. Ang isang tao kung walang kabuluhan ang kanyangsalita, tiyak hindi ka kailanmanmagtitiwala sa taong iyon, dahilsa walang kabuluhan ang kanyang salita.22 Kaya, samakatwid, ang Diyos, na ating Ama, ang Kanyangkatangian at ang Kanyang mga gawa ay nagpapatunay kungano nga Siya. Ngayon, alam nating nalalang ang sanlibutang itosa pamamagitan ng isang dakilang Manlilikha. Hindi maaaringbasta na lang nagkaroon.

Page 6: MANAMPALATAYA MULA SA P - Branhamdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG57-0623 Believe From The...amin nang naidulog, at ang aming mga kamay rin nama’y naipatong na sa kanila. Dalangin

6 ANG BINIGKAS NA SALITA

23 Ngayon, gusto kong ang mga ilang sandaling ito’y magingsimple lang hangga’t maaari. Subalit gusto ko rin namangmaunawaan ninyo ito, sa pamamagitan nang pananalangin napakilusin nawa ito ng Espiritu Santo patungo doon mismo saliwanag na kinabibilangan nito.24 Ngayon, kung magmamasid lamang kayo at pagmamasdanang mga punongkahoy na lumalago; at ang mga sanga at angmga dahon, kung paano silang umuusbong at lumilipas, at angmga bulaklak; ang tagsibol, ang taglagas, ang taglamig, at angtag-init. May isang bagay na tiyak na nasa likuran nun. Hindimaaaring magkaroon ng punongkahoy maliban na mayroongkarunungan para gawin itong isang puno. Kahit anong uri pa ngbuhay ang nasa loob nito, tiyak na mayroon ’yan, sa likod nito,na isang karunungan para lalangin ito kung ano nga ito.25 Ngayon isipin n’yo ’yun, nang mabuti ngayon. Huwagninyong palalampasin ito. Isipin n’yo ito, nang malalim. Dahilnga, kung mapapansin n’yo dito sa ating aralin sa Kasulatan,sinabi ni Jesus, “Kung sasabihinmo sa iyong puso!”26 Hindi sa inyong mga intelektuwal na kaisipan; hindi iyongagana roon. Kahit gaano mo pa pagsikapang paganahin iyon,hindi iyon gagana, ’pagkat intelektuwal na kaisipan iyon at mayhangganan.27 Subalit kung ang isang bagay ay Walang Hanggan,wala itong katapusan, at wala itong simula. Anumang maykatapusan, o simula, ay may katapusan. Subalit ito’y sadyangyaong mga bagay na walang pasimula. At ang Diyos angnag-iisang walang pasimula o walang katapusan. At, kayanaman, upang magkaroon ng mga bagay na ito na maypasimula, kinakailangang may bagay na walang pasimula,upang pasimulan ang simula.28 Ang unang punongkahoy na nilalang, gaya nung isinumpani Jesus dito. Sabi, “Mula ngayon ay huwag kang magbungakailanman. Wala nang taong kakain mula sa iyo.” Tiyak namayroon ’yan, saanman naroroon, ang punongkahoy na ’yan aytiyak na may pasimula. At may katapusan din; nang ang mgasalita, na namumutawi sa mga labi Niyaong nagbigay rito ngsimula, ay sinapit ito sa katapusan. Kaya, nakita n’yo na kungpaanongWalang Hanggan angmga Salita Niya.29 Kaso nga’y tinanggap lang natin ang Salita sa intelektuwalna batayan. At nasaksihan nga natin ang napakaramingganap na kabiguan, hanggang sa ihatid na nito ang mga taosa isang puntong sadyang halos hindi na nila alam kungano na ang paniniwalaan. Sadyang napakarami nilang mgakatanungang hindi magawang mapaglakip-lakip ng kanilang—kanilang relihiyon. Walang patumanggang magsisitakbo sila sagawing ito, at walang patumangga sa gawing iyon, na sumasapittuloy sa kawakasan, at heto sila’t unti-unting gumagapang

Page 7: MANAMPALATAYA MULA SA P - Branhamdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG57-0623 Believe From The...amin nang naidulog, at ang aming mga kamay rin nama’y naipatong na sa kanila. Dalangin

MANAMPALATAYA MULA SA PUSO 7

pabalik. Magsisimula sila ng mga malalaking pagkilos atmagsisitakbo silang gaya ng mga Methodist, ng mga Baptist, atng mga Pentecostal, at ng lahat ng mga ito. At, malalaman mona lang, makabubuo na sila nitong mga mumunting saykikongkaisipan, at walang patumangga silang magsisitakbo sa gawiroon at tuwang-tuwa pa kamo. Gayunpaman, malalaman mo nalang, masusumpungan nila ang kanilang mga sarili na sumapitna sa hangganan.30 Subalit ang tanging mga bagay na wala talagang pagkupas,ay ang mga bagay na Walang Hanggan, at ang mga WalangHanggang bagay ay ang Diyos.31 Ngayon, kung mapapansin n’yo, ang isang taong nakikilalasa kanyang—kanyang katangian ay nakikilala sa kanyang mgagawa. Kung iisipin nga natin kung papaanong ipinakikita ngDiyos ang Kanyang katangian ay sa pamamagitan ng Kanyangmga gawa. May Sarili Siyang katangian, at ginagawa Niya angKanyang mga gawa. At kung titingnan n’yo ang Kanyang mgagawa, sadya ngang kamangha-mangha angmga ito!32 Ngayon hayaan n’yong hamunin ko ang bawat siyentipikosa mundo na igawa ako ng isang punongkahoy. Hayaan n’yonghamunin ko ang bawat siyentipiko sa mundo na igawa akong isang maliit, at simpleng suwi ng damo. At ito’y ganap naimposible.33 Buweno, para bang, kung gayon nga, sa pag-iisip sa gayongmga bagay, ay mayroon ngang paglalagay, sa pamamagitan ngpagbabasa ng Salita, nitong isang pananampalatayang hihigitpa sa intelektuwal na pagkaunawa, sa loob ng puso. Sinabi niJesus, “Kung sasabihin mo sa iyong puso!”34 Ngayon, nangalilito’t gulung-gulo tayo sa ating mga isipan,at nagpapasiya tayo at nagsasabing, “Oh, nakita kong nagawaang ganoon. Oo. Ako’y…” At paminsan-minsan, sadyang maypaglukso ito, paglundag, at kung anu-ano pa, pero para bangsadyang hindi ito makakilos nang tama. Ito’y dahil sa pinipilitnating ihalo ang intelektuwal sa sobrenatural. Walang ugnayanang mga iyon sa isa’t isa, wala naman talaga. Magsasabi angintelektuwal ng isang bagay, at iba naman ang sasabihin ngsobrenatural.35 At ang sinumang taong pinangungunahan na ng Espiritung Diyos ay hindi na nag-iisip ng anumang intelektuwal nakaisipan, bagkus siya’y pinangungunahan na mula sa kanyangpuso ng Espiritu ng Diyos. Hindi siya mauunawaan. Sasabihinngmga tao, “Oh, papaanomangyayari iyon?”36 Ngayon nga’y nakatatanggap ako ng mga liham at mgatawag sa telepono, “Ibig mong sabihin, Kapatid na Branham,hindi ka mangingibang-bansa? Pagkatapos ng lahat nitong mgadakilang…”

Page 8: MANAMPALATAYA MULA SA P - Branhamdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG57-0623 Believe From The...amin nang naidulog, at ang aming mga kamay rin nama’y naipatong na sa kanila. Dalangin

8 ANG BINIGKAS NA SALITA

37 Oo nga’t, kung titingnan para bang napakainam nito, peromayBagay roon sa kaloob-looban, ang sabi, “Mag-ingat ka.”38 At, heto nga’t, hindi na tayo tumitingin sa nakikita natin.Tumitingin tayo roon sa mga bagay na hindi natin nakikita,doon lang, sa kung ano ang sinasabi ng Diyos sa puso. At kungmapagtutuunan natin ng pansin ang mga bagay na iyon, gaanopa kaya sa Makalangit na pagpapagaling. Kung nangako angDiyos, at umangkla iyon sa puso, buweno, para saan pa natinkakailanganin ang mga intelektuwal na kaisipan? Hindi ko natinitingnan ang mga paghihirap ko. Hindi ko na tinitingnan angmga sintomas ng sakit ko. Tumitingin na ako sa kung ano angsinabi ng Diyos tungkol dito. Dahil sa, tutal, siya ang Boss, atsiya ang pinakamataas na Boss. Kahit pa sabihin ng doktor naganito-at-ganoon…39 Ngayon, kung susubukan mong pagkunwarian iyon,hindi ’yun uubra. Kung sisikapin mo itong pangatwiranansa isip mo, sasabihing, “Oo, tama nga ang Salita ng Diyos.Sinasampalatayanan ko Iyon. Nananampalataya akongmangyayari nga ito. Sa palagay ko ay ganito.” Ngayon, kungsa intelektuwal na kaisipan lamang iyan, mas mabuti panghuminto ka na sa pag-iisip n’yan.40 Hanggang sa may Isang bagay na bababa riyan sa kaloobanmo, na sadyang magsasabing ganoon nga ito, at iyon lamangito. Walang sapat na mga demonyong tinulot ng pagdurusa angmakauuga nito mula sa iyo. Ito’y Isang bagay riyan sa kaloobanmo, na tinatawag na “puso.” Doon masusumpungan ng tunay napananampalataya ang dakong kapahingahan nito.41 Sisikaping pangatuwiranan ito ng mga taong intelektuwal.“Ngayon maging makatuwiran lang tayo.” Ngunit walang mgapangangatuwiran sa pananampalataya. May iisang bagay langdito, at, ’yun ay, ang Salita ng Diyos ay tama. Oh, doon ngadumapo ang kaluluwa, at doon nga rin mismo nakapahingalaynang Magpawalang-Hanggan, sapagkat sinalita ito ng Diyos.Hindi ganang pagkukunwari, bagkusmay pagkakaalamdito.42 At ang lupa, bilang gawa ng Diyos, ganap nitongpinatutunayan at pinatototohanan ang Kanyang Pagka-Diyos.Kinakailangang may isang Diyos, kung hindi’y walang lupa.Kinakailangang may isang Manlilikha, kung hindi’y walangsangnilikha. At kung ang Salitang ito, na sa pamamagitan nganun ay Kanyang nilikha ang lupa, ay magbitiw ng pangako,kinakailangan nitong likhain nang eksakto kung ano ang likhang lupang ito, sa pamamagitan ngKanyangSalita, sa pasimula.43 Noong sinabi ng Diyos na, “Magkaroon,” at marahil nga’ygumugol iyon nang sampung bilyong taon. Hindi ko alam kunggaanong katagal ang ginugol nun. Subalit gaano mang katagalang ginugol nun, walang anuman iyon, sapagkat ang Diyos ayWalang Hanggan. At sinabi nga Niya, “Magkaroon,” at nag-

Page 9: MANAMPALATAYA MULA SA P - Branhamdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG57-0623 Believe From The...amin nang naidulog, at ang aming mga kamay rin nama’y naipatong na sa kanila. Dalangin

MANAMPALATAYA MULA SA PUSO 9

umpisang mabuo iyon, sapagkat pinagtiwalaan ng Diyos angKanyangMismong Salita at sinampalatayanan.44 At kung ang Kanyang Salita ng Kanyang paglikha, itongKanya ngang gawa, ay nagpapatunay na Siya ay isa ngangManlilikha, kung gayon bakit hindi natin mapagtiwalaan angKanyang Salita at ang sinasabi Nito at sampalatayanan Ito?Gayung, Ito ang Salita ng siya ringManlilikha. Ngayon, angmgagawa Niya ang nagpapatibay.45 At, ngayon, bago pa man ang Diyos, Yaong hindi maaaringmagkamali, ay makapagsasalita ng anuman, nararapat lamangna sakdal ito. Sapagkat, maaari lamang itong—maaari lamangitong…kung galing nga ito sa Diyos, magmumula lamang itosa isang sakdal na daluyan.46 Ngayon pansinin n’yo ito. Ang buong sangkatauhan, saanumang bagay, nakikilala angmga tao sa kanilangmga gawa.47 Noong itinayo yaong kahanga-hangang Tulay de Munisipalsa Sydney, Australia, noong nagsugo sila sa buong mundo parakumuha ng mga tagapagtayo ng tulay, mga arkitekto, at mulasa kung ano mang naroon sa kabilang ibayo ng tangway sa—sa Sydney, Australia, na dumurugtong doon sa Timog Sydney.Nagsirating itong mga arkitekto at silang lahat, at hinukayang lupa at sinuri iyon. At humantong silang lahat sa ganitongkonklusyon, “Hinding-hindi ito magagawa.” Sabi pa, “Punung-puno ng mga kumunoy ang buong look. At hindi ganoongkatatag ang lupa. Magbabago-bago ang ayos ng lupa. Kungkaya, kung maitatayo ang tulay, magiging mapanganib na bagayang tangkaing tawiran ito.”48 At sawakas aymay isang lalakingmaymalinaw na pananawsa hinaharap, isang tagapagtayo ng tulay sa Inglatera. Dumatingsiya. At siniyasat niya ’yung buhanginan. Kanyang—kanyangsinukat at minapa iyon. Sinuri niya ang mga lupa. Sinukat niyaang lalim ng tubig. Minabuti niyang pag-aralan ang lahat ngmga iyon, muna.49 Oh, gusto ko iyon. Minabuti niyang pag-aralan ang lahatng mga iyon, muna. Sinabi ni Jesus, “Ang isang taong bumibiling isang lupa, o haharap sa isang hukbo, ay nauupo munaat tinataya ang halaga.” Bawat isa sa inyo rito sa may altarngayong umaga, ay mauupo riyan sa inyong mga upuan bagokayo paririto upang mapahiran, at titimbangin ang kahulugannito. Hindi lang ito pagsabak sa pila sa pananalangin, nangbasta-basta na lang. Ito ay paghanay roon na may matatag napagtitiwala, na, naipangako na iyon ng Diyos at may kakayahanang Diyos na tuparin ang Kanyang Salita.50 Kaya, sinuri ng lalaking ito ang naturang mga lupa. Sinuriniya ang…bawat latag ng lupa sa ilalim ng tubig doon na maykumunoy. At, sa wakas, nagtungo na siya sa mga opisyales. Sabiniya, “Itatayo ko ang tulay, at magiging ligtas iyon.”

Page 10: MANAMPALATAYA MULA SA P - Branhamdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG57-0623 Believe From The...amin nang naidulog, at ang aming mga kamay rin nama’y naipatong na sa kanila. Dalangin

10 ANG BINIGKAS NA SALITA

51 Ang mga tagapagtayo ng tulay ng Amerika at ng iba’t ibangpanig ng daigdig ay tumawa lang at nagsabing, “May sakit sapag-iisip ’yung lalaking ’yan. Walang makapaglalagay ng tulaysa ibabaw nun.” Sabi pa, “Kahit lumakad nga lang ang manoksa tulay na itatayo, lulubog na ang tulay. Hindi makakayananiyon ng tulay. Ang pagyanig na manggagaling maging sa asongtumatakbo patawid ng tulay, ay magpapayanig sa tulay,” sabipa, “gagalaw angmga buhangin, at guguho ang tulay. Hindi iyonmaaaring magawa.”52 Subalit ang lalaking ito ay taong may malinaw na pananawsa hinaharap, at alam niya ang sinasabi niya, sapagkatmay kunganong bagay roon sa kaibuturan niya ang nagsabi sa kanyangmakakaya niyang gawin iyon.

Diyos, pagkalooban Mo po kami ng mga lalaki sa iglesyang,gaya nun!53 Ngayon, batay sa lahat ng mga siyentipikong pananaliksik,na, hindi iyon magagawa, pinatunayan ng siyensya na hinditalaga iyon maaaring magawa. Subalit ang lalaking ito’y mayisang malinaw na pananaw sa hinaharap na magagawa niyaiyon, kaya tinanggap niya ang kontrata.54 Kaagad-agad ay nagtrabaho na siya. Sinimulan na niyangsuriin ang mga lupa. Pinag-aralan niya, at sinukat angkailaliman ng kumunoy. Sinubok niya ang bawat turnilyo.Sinubok niya ang bawat piraso ng—ng kahoy, bawat piraso ngbakal, bawat semento. Kinakailangang masuri nang lubos anglahat. Sapagkat, ang kanyang—kanyang bantog na pangalan,ang kanyang reputasyon at ang kanyang kakayahan, aynakasalalay sa kung tatayo ba ang tulay na iyon o hindi.55 At kung ang isang tao ng mundong ito, sa pamamagitan ngisang malinaw na pananaw sa hinaharap, ay naniniguradongnasuring lubos ang lahat bago niya ito ilagay sa isang tulay,dahil sa kanyang reputasyon at dahil sa kanyang pangalan,gaano pa kayang sinubok ng banal nating Makalangit na Amaang bawat Salita na binigkas kailanman o naisulat sa Biblia.Sinubok Niya ang bawat Salita, ang bawat propeta. “At angbawat anak na lumalapit sa Diyos ay kinakailangang masubok.”Ang materyales na mailalagay sa dakilang Daang-bayang ito,bawat bato, bawat materyales, bago ito ilagay sa—sa Katawanni Cristo, ay kinakailangang masubok, masupil. “Bawat anakna lumalapit sa Diyos ay kinakailangan munang masubok.”Walang hindi kasali; talagang bawat isa! Bawat propeta, bagosiya makapagsulat sa Bibliang iyon, sinusubok muna siya ngEspiritu Santo. Kung papaanong siya…56 Ang naturang tagapagtayo ng tulay, ipagpaumanhin n’yopo, nakalimutan ko na ang pangalan niya. Pero alam ko ’yun.Ilang araw na ang nakalipas, nung binabasa ko ’yung artikulo,kung papaanong sinubok niyang lahat. Kinuha niya ang mga

Page 11: MANAMPALATAYA MULA SA P - Branhamdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG57-0623 Believe From The...amin nang naidulog, at ang aming mga kamay rin nama’y naipatong na sa kanila. Dalangin

MANAMPALATAYA MULA SA PUSO 11

pinakamahuhusay na mekaniko na mahahanap niya. Kinuhaniya ang pinakamahusay na tagasimento. Kinuha niya angpinakamahuhusay na mahahanap niya, para pagsama-samahinang pinakamagagaling na mahahanap niya.57 Oh, sumisigaw ang kaluluwa ko ng “hallelujah” sa Diyos,kapag naiisip kong inilalagay ng Diyos sa Kanyang Iglesya angpinakamaiinam na mahahanap Niya. Kinukuha ng Diyos angKanyang mga anak at sila’y isinasalang sa isang matindingpagsubok ng pagiging karapat-dapat, saka Niya sila inilalagaysa Katawan ni Cristo dahil nasubok na sila. Nananampalatayasila. Dumaan sila sa mga pagsubok. Nagkaroon sila ngkaranasan.Mga saksi Niya sila. Alamnila ang kanilang sinasabi.Hindi lang intelektuwal na pagkaalam, kundi naipanganak nasilang muli, ng mahal na Espiritu Santo, at sinubok na ngpanahon at nasiyasat, hanggang sa ang mga kaluluwa nila’ynailagak gaya ng matatag na batong nakatuon sa Kalbaryo.Oo, mga subok na sila ng panahon. Mga saksi sila ng KanyangKapangyarihan. At sa pamamagitan nun, nagtatayo ang Diyosng tulay mula sa lupa patungo sa Kaluwalhatian, upang angsinumang naglalakbay ay makaparoon sa daang-bayan, mauposa lilim ng punongkahoy, sa kulimlim ng araw, sa pamamagitanng subok na ng panahong mga materyales, sila ngang mganagtitiwala sa Diyos sa Kanyang Salita. Kahit ano pa manang mga sintomas ng sakit, anumang mga katayuan, hindiiyon makahahadlang sa daan. May mga materyales ang Diyosna sinubok na ng panahon upang maging saksi, at inilalagayNiya ito.58 At itong tanyag na tagapagtayo ng tulay na ito, noong sawakas…Tumayo ang mga arkitekto roon sa gilid at sabi satagapagtayo,marami rito’ymga kritiko, “Hindi ’yan tatagal.”59 Gayundin naman nung sinabi nilang, “Hindi na kailanmanbabangon ang Iglesya.” Gayundin naman nung sinabi nilang,“Lumipas na ang mga araw ng mga himala.” Gayundin namannung sinabi nila, na, “Hindi na kailanman matatamasa pa angmakalumang relihiyon.”60 Ngunit, oh, noong pinaglakip-lakip ng lalaking ito anglahat ng mga materyales na iyon, sa kanyang paghuhukay. Maymga kagamitan siyang bumubomba ng hangin, at nilinis niyaang mga kalaliman ng kumunoy na naroon. Patuloy siyangbumaba, pababa, nang pababa, nang daan-daang talampakansa ilalim ng tubig, hanggang sa matanggal na niya ’yung mgagumuguhong buhangin, hanggang sa mailatag na niya itongsementong nakaangkla sa bato sa ilalim ng dagat. Oh, di bironghalaga iyon, oo.61 At anumang bagay na napakahalagang makamtan, ay maykaakibat na halaga. Sadyang napakadakila ng kaligtasang ito!Anong laking halaga!

Page 12: MANAMPALATAYA MULA SA P - Branhamdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG57-0623 Believe From The...amin nang naidulog, at ang aming mga kamay rin nama’y naipatong na sa kanila. Dalangin

12 ANG BINIGKAS NA SALITA

Pero, narating na rin niya sa wakas ang kalaliman ng mgagumuguhong buhangin.62 At kumuha ang Diyos ng mga Cristiano at sinubok sila,at sinubok pa, kinailangan silang kuskusin, at kuskusin pa,at patuloy na kuskusin pa, hanggang sa wakas, isa sa mgaaraw na ito, marating Niya ang matibay na Bato. Ang ilangmga tao’y kuntento na sa kung anong mababaw na karanasanng pakikipagkamay at pakikianib sa iglesya, at pagwiwisik ngilang beses, o bautismo kuno o kung ano man ’yun, at nililinisNiyang lahat ang mga naturang gumuguhong buhangin na ’yunhanggang sa maiangkla ang tao sa Bato, si Cristo Jesus. Lahat ngmga diyablo sa pagdurusa ay hindi siyamatitinag.63 Alam ng tagapagtayo ng tulay ang ginagawa niya. Atnoong, sa wakas, makumpleto na ito, sabi ng ilan sa kanila,“Hindi ’yan tatagal. Mapanganib para sa anumang bagay natumawid diyan.”64 Kumuha siya, sa palibot, ng isang grupo ng mga inhinyero,at ng mga tren. At noong araw na tumawid sila mula sa TimogSydney, patungong Hilagang Sydney, patawid ng kahabaan ngtulay, naglagay siya ng walong pangkargong bagon na punung-puno. At pinaupo niya ang alkalde ng siyudad sa isang kotse,at pumunta siya sa harapan nun, naglalakad, bitbit ang isangbandila. At habang ang naturang malaking sandatahan at angmalalaking, walong naglalakihang bagon na punung-puno, aynagmartsa patawid ng tulay na iyon, na ang tagapagtayo nitoang nangunguna, lumalakad sa unahan, ni hindi man lamangnatinag ang tulay.65 At si Jesus Cristo, ang Anak ng Diyos, na Siyang Arkitektong Iglesya, ay pumarito sa lupang ito at inilatag ang pundasyon.Noong makatagpo Niya ang Diyablo, sinubok Siya sa Salita ngDiyos, at sinabi Niya, “Nasusulat, ‘Hindi lamang sa tinapaynabubuhay ang tao.’” Noong dinala Siya nito sa pinakatuktokng templo, sabi Niya, “Nasusulat.” Nakikita n’yo ba angmateryales na inilalagay Niya sa Kanyang Iglesya? DinalaSiya nito sa bundok, at ipinakita sa Kanya ang lahat ngmga naglalakihang programa na maaaring mapasa Kanya; sabiNiya, “Nasusulat.”66 Ang buong Salita ng Diyos ay subok na ng panahon. AtSiya ang dakilang Kapitan na nangunguna sa atin, habangwumawagayway ang Kanya Mismong duguang balabal, na, sapamamagitan ng tumutubos na pag-ibig ng Dugo ni Jesus Cristoay binili ang isang Iglesya, sa pamamagitan ng Espiritu Santongsumubok sa bawat turnilyo at sa bawat taong nakaangkla sadakilang Iglesyang ito ng buhay na Diyos. Isang subok na ngpanahongmateryales ang siyangmakagagawa nga nito.67 At habang patuloy Siyang nagmamartsa, ang dakilangpamunuan ay sumusunod sa Kanyang likuran, na isang Iglesya

Page 13: MANAMPALATAYA MULA SA P - Branhamdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG57-0623 Believe From The...amin nang naidulog, at ang aming mga kamay rin nama’y naipatong na sa kanila. Dalangin

MANAMPALATAYA MULA SA PUSO 13

ng buhay na Diyos na naipanganak na muli, ang naturangIglesya ay hindi natinag, sapagkat tumanggap tayo ng isangKahariang hindi matitinag. Ito’y hinukay diretso roon samatibay na Bato, ni Cristo Jesus, na siyang Pangulong BatongPanulok. At habang nangunguna Siya sa atin, taglay-taglay angKanyang Sariling duguang balabal, na humahawi sa daan, yaonnga’y ang tanda ng pagtubos.

68 Mga saksi! “Kayo ay magiging mga saksi Ko, sa Jerusalem atsa Judea, at sa Samaria.” Ang Kanyang Iglesya ay tumatayongsaksi Niya. Ngayon, sa umagang ito, nais kong sabihin ito atiwan ito sa inyo. Tayo ay Kanyang mga saksi matapos ninyongmatanggap ang Espiritu Santo. Sapagkat may iisang bagaylamang na maaari ninyong patotohanan, ’yun ay, kung ano angalam ninyong Katotohanan.

69 Ang lalaking iyon aymakapagpapatotoo, pagkatapos niyangalisin ang lahat ng mga buhangin at masumpungan ang matibayna bato sa dibdib ng lupa. Saksi siya na iyon ay magigingmatatag. Inilagay niya ’yung aparato ni Geiger at ang mgamakinarya roon sa mga malalaking piraso ng materyales atsinubok ang bawat isa sa mga iyon. Saksi siya na magigingmatatag ang mga iyon, sapagkat nakita na niyang sinubok iyonsa lakas nito at nanatiling nakatayo ang tulay.

70 At tayong mga ipinanganak muli ng Espiritu Santo, nanapuspos na ng Kapangyarihan ng Diyos, na nakalasap na saBuhay naWalangHanggan ngWalangHanggangDiyos, at Yaongnananahan sa atin, ay mga saksi ng Kanyang kabutihan, at ngKanyang Salita, at ng Kanyang Kapangyarihan. Hindi na itohaka-haka lamang. Ito’y isang pagkaalam, sa pamamagitan ngkaranasan.

71 Si Noe, noong ginawa niya ’yung daong, nagpatotoo siyasa masamang sanlibutan na may matuwid na Diyos. Bagama’tpara bang kabaliwan noong tinatayo iyon, subalit napatunayanna iyon lang ang tanging bangkang makalulutang sa unos. Athabang itinatayo ito, ito ay…Hinatulan Niya ang masamangsanlibutan, at inaring-ganap yaongmga nanampalataya rito.

72 Sadyang pambihira, kung minsan, ang paggawa ng Diyosng mga bagay-bagay, sa mga mata ng tao. Huminto na ba kayoupang isipin kung anong uri ng kahoy ang ginamit ni Noe paragawin ang daong? Yari iyon sa kahoy ng shittim. At iyon angpinakamalambot na kahoy na makukuha mo. Para lang itongkahoy ng balsamo. Ito’y isang…Aba, maihahagis mo ito roonsa lawa, at lulubog ito sa loob ng limang minuto. Ito’y kahoyng balsamo, o kahoy ng shittim, may mga butas ito. At hindiba’t kataka-takang bagay na ang isang daong na sasabak sapagsubok ng pangmalawakang pagkagunaw sa baha, ay gawa samalambot na kahoy? Buweno, madali kasi itong gamitin.

Page 14: MANAMPALATAYA MULA SA P - Branhamdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG57-0623 Believe From The...amin nang naidulog, at ang aming mga kamay rin nama’y naipatong na sa kanila. Dalangin

14 ANG BINIGKAS NA SALITA

73 At kung minsan kapag nagiging napakatigas na natin atnananangan na sa ating mga kaparaanan, hindi tayo magamitng Diyos sa kahit ano.

Subalit heto ang dahilan kung bakit Niya ginawa iyon.74 Napansin n’yo ba? Pagkatapos Niya itong gawin, nagpakulosiya ng kaunting alkitran, o kaunting dagta, iyon nga, mulanaman sa iba pang mga punongkahoy. Ngayon ano ba angpakahulugan nito? Noong binubuo niya ang daong, yari iyon ditosa talagang magaan, at malambot na kahoy. Puwede mo itongbuhat-buhatin, nang napakadali, napakagaan nito at madalingikorte. At saka siya pumutol ng isa pang puno yaong puno ngpino. At nilamog nila iyon sa bugbog, ’yung pamamaraan nilang pagkuha ng dagta noong unang panahon, nilamog ito nangnilamog sa bugbog, hanggang sa makatas nila ’yung dagta rito.At saka niya kinuha ang dagtang ito at ibinuhos dito sa magaangkahoy, at pinunan ng dagta ang mga butas na nasa magaangkahoy, nabalutan ’yun, nagawa iyong mas matigas pa kaysasa bakal.75 At kinuha ng Diyos ang Kanyang Iglesya, na ibinuhosang kanilang sarili nang walang itinitira, walang iba kundisilang mga masusunurin sa mga kamay ng Diyos. Pinutol ngDiyos ang Kanyang Sariling Anak, at kinuha ang buhay mulasa Kanyang Anak, sa pamamagitan ng mga hampas at mgabugbog, at isinalin ito sa mananampalataya; at ang naturangmananampalataya ay nababalutan na, nakahanda na para samga paghatol. Iyon lamang ang tanging bagay na makatatagalsa paghatol.76 Dumaan itomismo samga paghatol. Heto nga’t, dumaan siyamismo. Ang—ang tubig ay ang kahatulan. At dumaan ang daongsa paghatol. Iyon ang katibayan na alam ng Diyos ang Kanyangginagawa. Sinunod ni Noe ang Salita ng Diyos. Maraming mgabagay pa ang maihahalimbawa.77 Si Daniel ay isang saksi na may isang Anghel sa Langit,o isang Diyos sa Langit, na nakaaalam ng mga lihim ng puso,sapagkat isinugoNiya angKanyangAnghel at iniligtas si Daniel.Maraming iba pang saksi.78 Noongmamatay si Jesus sa krus, nagpatotoo ang kalangitan.“Hayan ang materyales. Iyan na nga ’yun.” Kung mapapansinn’yo, nagpatotoo ang buong kalikasan dito.79 “Sa mismong kalagitnaan ng araw.” Noong magpropesiyaang Diyos, bago pa man maganap, kung kailan nga titigil angsabbath, sabi, “Iyon ay panahon kung kailan lulubog ang arawsa kalagitnaan ng araw.” “At mula sa ikaanim hanggang saikasiyam na oras, ay kadiliman.” Ano ito? Yaong araw nga salangit…Ngayon, ang kadiliman ay hindi nangangahulugangmay kaunti itong liwanag. Ang kadiliman ay lubos at ganap

Page 15: MANAMPALATAYA MULA SA P - Branhamdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG57-0623 Believe From The...amin nang naidulog, at ang aming mga kamay rin nama’y naipatong na sa kanila. Dalangin

MANAMPALATAYA MULA SA PUSO 15

na kadiliman, napakadilim, kagaya noon sa Egipto, na talagangnahihipo ito. Ni walang sinag ng liwanag!80 At naging saksi ang araw sa langit, “Hayun Siya. Iyon angmateryales na gagamitin ng Diyos sa pagtatayo ng Iglesya.”Naging saksi ang buwan at mga bituwin. Noong mamatay Siya,naging saksi ang kalangitan. Bumulwak ang lupa, nangawasakang mga bato. Naging saksi ang lupa. At ang mga banal nanangakatulog sa lupa, mga alabok ng lupa, ay nagsibangon,nagpatotoo.81 Ang mga tao nung Pentecostes, noong pinagkakatuwaansila, tumayo si Pedro at nagpatotoo sa pamamagitan ng ilangbahagi ng Buhay ring iyon na lumabas sa paghagupit sa Kanyaroon sa Kalbaryo, na naibuhos kay Pedro, sa anyo ng Banal naEspiritu. At tumayo siya roon bilang isang saksi, ang Salita ngDiyos, at nagpatotoo siya sa pamamagitan ng isang tekstongmula sa Kasulatan, na nagsabing, “Kayong mga lalaking taga-Judea, at kayong nangananahan sa Jerusalem, malaman nawaninyong lahat ito, at inyong pakinggan ang aking mga salita.Sapagkat angmga ito’y hindi lasing, na gaya ng inyong inaakala,datapuwat ito’y yaong sinalita sa pamamagitan ni propeta Joel,‘Mangyayari sa huling mga araw, na ibubuhos Ko ang AkingEspiritu sa lahat ng laman.’” Siya ay isang saksi.82 Ngayon papunta na tayo rito sa mga huli at masasamangaraw, kung kailan magkakaroon Siya ng mga saksi. Tiyak namay mga saksi Siya. Buhay ang Diyos. Walang Hanggan angSalita ng Diyos.83 Ngayon ay bumalik tayo sa binasa nating Kasulatan. SiJesus, pagbaba ng bundok, Siya ay gutom. At tumingin Siya saisang punongkahoy, at walang bunga roon. Siya, marahil, ay nihindi nagtaas ng Kanyang tinig.84 Hindi Siya tumayo, at nagsabing, “Ngayon, mga ginoo,tumabi kayo riyan. Gusto Kong ipamalas sa inyo angAking kapangyarihan.” Ni Kanyang sinabing…“At maykapangyarihan nga Akong gawin ang punongkahoy na iyan nagumawa ng ganito-at-ganoon.” Hindi Siya kailanman nagsabing ganoon.85 Lumapit lamang Siya rito. Hindi Siya nakasumpong nganuman—anuman rito, kaya sinabi Niyang, “Sinumang tao’yhindi na kakain mula sa iyo,” at lumakad na.86 Narinig iyon ni Pedro. At noong sumunod na araw, noongnapadaan siya, oh, naroon pa rin ’yung puno, subalit patay naiyon. At may sinabi siya patungkol dito, kung papaanong ganunna lamang kabilis na natuyo ’yung puno, mula sa mga ugat nito.Sinabi ni Jesus, “Walang…”87 At, tingnan n’yo, hindi kasalanan iyon nung punongkahoy.Hindi pa panahon noon ng mga igos. Subalit ginawa Niyaiyon para luwalhatiin ang Kanyang Sarili, upang patunayan

Page 16: MANAMPALATAYA MULA SA P - Branhamdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG57-0623 Believe From The...amin nang naidulog, at ang aming mga kamay rin nama’y naipatong na sa kanila. Dalangin

16 ANG BINIGKAS NA SALITA

ang Kanyang Sarili. Upang…Siya ang Mesiyas, at isa iyonsa mga patotoo na Siya nga ang Mesiyas. Iyon ang tatak ngKanyang pagiging Mesiyas. Ang huling tatak ay ang Kanyangpagkabuhay na mag-uli, ang Kanyang pag-akyat sa langit. Iyonang huling tatak ng Kanyang pagiging Mesiyas. Ang ginawaNiya ay isang patunay na Siya nga. Ngayon, hindi Siya lumibot,at nagsabing, “Mamatay kayong lahat na mga punongkahoy.”Ginawa lang Niya iyon doon upang ang mga alagad, na susulatng Kasulatang ito pagkaraan ng ilang panahon, ay makilalangSiya ang Mesiyas. Kita n’yo?88 Ngayon, kung gayon, noong tinanong ni Pedro angkatanungang ito, “Masdan n’yo, napakabilis namang natuyong punongkahoy!”89 Pagkatapos ay sinabi Niya sa kanila, “Kung sasabihinninyo sa bundok na ito, ‘Malipat ka, at masugba sa dagat,’at hindi mag-alinlangan, kundi manampalataya na mangyayariang sinabi ninyo, ay kakamtin ninyo ang sinabi ninyo.”90 Ngayon pakinggan n’yo. Bahagi ’yun ng materyales sadakilang pamamalakad ng Diyos, ito ngang malaking barkongkinalalagyan natin, ang matandang barko ng Sion, sa Katawanni Cristo.91 Ngayon sa patotoo! Sa haba ng panahon, nasaksihan ko ito.At ngayon pakinggangmabuti para sa kaunting pagtuturo.92 May mga pagkakataon sa buhay kung kailan lahat…Kungkailan pinagmamasdan ko ang paghihirap, at nakita ’yungmga pinahihirapan at nililigalig ng mga kapangyarihan ngdemonyo, ang puso ko ay talagang nagdurugo para sa kanila.At, gayunman, natiis ko pa ring tawagan nila ako sa telepono,at sa mga pagtitipon, na mayroong pagkaka-ingay, at pagkilos,at paghatak, at paghila, at napakahirap talagang sumagot ng“hindi” sa mga taong iyon. Sa totoo, hindi ko magawa iyon; maytagasabi nun para sa akin. Hindi ko sila mapuntahan. Sadyangnagdurugo nang husto ang puso ko para sa kanila. Araw-araway dinaranas ko ang labis na pagpapahirap ng bagay na ito, atpinagbubulay-bulayan ko ito minsan.93 At, aking, kaya’t aking inaaliw na lamang ang sarili, sapamamagitan ng pagtuon muli sa Kasulatan, at dito nga’y kitakong Siya’y nagdaraan sa lugar na iyon ng Betesda, at natanawang lahat ng mga lumpo at mga nagdurusa; at lumapit sa isangtao, pinagaling siya, na nakahimlay sa isang papag, at lumakadna palayo at iniwan na ang iba pa. Ngunit, gayunpaman, doonsa puso ko, para bang ako’y…Hindi pa rin nawawala ’yungpag-aalab. Oh, lubos kong hinahangad na sana nga’y mayroongmaganap!94 Pagkatapos ay napansin ko, doon sa Portland, Oregon, noong’yung baliw nung gabing iyon ay sumugod sa entablado, upangpatayin ako. Naaalala ko roon, may nangyari, at hindi iyon dahil

Page 17: MANAMPALATAYA MULA SA P - Branhamdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG57-0623 Believe From The...amin nang naidulog, at ang aming mga kamay rin nama’y naipatong na sa kanila. Dalangin

MANAMPALATAYA MULA SA PUSO 17

sa mga intelektuwal na kaparaanan lamang. Kung intelektuwalna kaisipan lang ang paiiralin, tinakbuhan ko na sana iyongaya ng ginawa ng iba pang mga mangangaral. Ngunit, hindiko tinakbuhan. May isang bagay; naghahanda ang Diyos paramaipamalas ang Kanyangmga kapangyarihan.95 Minsan, sinabi Niya, “Kayo ay magsitigil at kilalaninninyong Ako ang Diyos.” Kung titigil lang sana nang matagal-tagal ang Iglesya! Gagawa kasi ang Diyos ng isang muntingbagay, at kung bakit naman kasi lahat sila’y magiging tuwang-tuwa at magtatatakbo, gagawin nga iyon, kita n’yo, lalayo sakalooban ng Diyos. Kayo ay magsitigil.96 Minsa’y ipinamalas Niya ang Kanyang Kapangyarihan saDagat na Pula. Sabi Niya, “Dagat na Pula, huminto ka lang.”At pinalakad Niya ang Kanyang mga anak doon mismo. Anokaya kung bumuwelta sila, sabihing, “Gawin nating muli iyon,Panginoon”? Hindi iyonmangyayari. Talagang hindi.97 Minsa’y kinailanganNiya ng kaunting panahon para tapusinang laban. Sadyang pinahinto ng Diyos ang araw, doon,upang matunghayan ang gagawin Niya. Oo. “Ngayon, araw,huminto ka lang, diyan, nang ilang minuto. May ipakikita akosa inyo.” Ngayon ano kaya kung, noong sumunod na araw,sabihin ni Josue, “Araw, huminto ka”? Hindi na ito gagawinng araw. May gagawin kasi ang Diyos. Patototohanan Niyaang Kanyang Kapangyarihan. Ito ngang Kanyang Salita, Siya’yMakapangyarihan sa lahat, at pinatotohananNiya Iyon.98 Minsan, may isang bulag na lalaking galing ng Jericho. Athabang padaan si Jesus, sumigaw ang lalaking bulag, “MahabagKa sa akin!” At sabi ng Biblia, “At huminto roon si Jesus,sabi, ‘Dalhin ninyo siya rito.’” Oh, grabe! Huminto si Cristo,sapagkat gagamitin Siya ng Diyos upang ipamalas ang KanyangKapangyarihan.99 Maaaring may sandaan pang mga lalaking bulag doonsa daan; hindi ko alam. Siguro’y sasabihin ng saserdote,“Pumarito Ka saglit! Sino Ka Na bumubuhay ng mga patay?Ibangon…May libingan kaming punung-puno nila. Narinignaming binuhay Mo si Lazaro.” Subalit kinukumpirma lamangng Diyos ang Kanyang pagiging Mesiyas. Iyon ang ginagawaNiya. Iyon nga.100 Madalas kong pinagbubulay-bulay kung anu-ano ang mganagaganap. Subalit may isang dako ngang maaaring mamuhayang tao, nang napakalapit, sa Presensya ng Diyos. Hindi ito sainyong pagpili. Sa pamamagitan ito ng paghirang ng Diyos namamumuhay kayo sa kalagayang iyon, hanggang sa humantongsa puntong ang sarili ninyong intelektuwal na kaisipan ay walanang anumang kinalaman pa rito.101 Doon sa Timog Aprika, hinamon ako ng isang grupo ngmga mangkukulam. At nakatayo ako roon, isa sa sandosena o

Page 18: MANAMPALATAYA MULA SA P - Branhamdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG57-0623 Believe From The...amin nang naidulog, at ang aming mga kamay rin nama’y naipatong na sa kanila. Dalangin

18 ANG BINIGKAS NA SALITA

higit pa, at sinisikap nilang magbitiw ng mga orasyon sa akin.Subalit pinatigil lamang sila ng Diyos at kanilang nasaksihanang Kaluwalhatian ng Diyos na nagpapanauli ng paningin, atpagkabulag, at mga bagay samga nagdurusang tao.102 Doon sa Karlsruhe, Germany, isang hapon noong pumaroonang mga espiritista, upang…gusto nila kasi akong gambalain,sa hotel. Ayaw silang papasukin nung bantay. Sabi nila,“Oorasyonan namin ang pagtitipon na iyon mamayang haponat walang dadalo…” Hindi pala, sabi, “Pababagsakin naminiyon, sa pamamagitan ng isang bagyo.” At ang langit noonay maganda at maaliwalas. Ngunit pagdating namin doon atnagsimula nang mag-awitan, ay siyang pagdating ng isangnapakalakas na bagyo. Mayroong mga nasa dalawampu saisang gilid ko, at dalawampu sa isa pang gilid. At inuusal nilaang kanilang mga pangkukulam at ginugunting nila ang mgabaon nilang balahibo ng ibon, at nagsasagawa ng ganoong mgabagay, upang talagang mangkulam. At, pagdaka, ang malakingpantatlumpung libong tolda ay nagsimulang umuga at umalog,at umiihip ang mga hangin. At nangangaral ako noon. At mayIsang nagsabi, “Huminto ka.”103 Hallelujah! Hindi ko ibig sabihing pagpaumanhinan ako.Ibig sabihin nun, “Purihin ang ating Diyos!”104 At pinatigil ng Diyos ang bagyong iyon, pinaurong, upangmakita ang kapurihan ng Diyos, kung saan nasa apatnapunglibong kaluluwa, noong araw na iyon at gabi, ang natangay saKaharian ng Diyos, sa pamamagitan nun. “Huminto ka.” Iyonnga. Nagpapatotoo Siya.105 Doon sa Sweden o sa Switzerland…Buweno, dito, doonpala, doon sa Finland, isang araw, isang patay na batang lalakiang nakahandusay sa gilid ng kalsada, nasagasaan siya ngsasakyan, niligis ang maliit niyang katawan nang pira-piraso.Nagkandabali-bali siya nang husto hanggang sa ang paa niyaay lumusot na sa kanyang mahabang medyas. Nasagasaan siyang kotse at pinatilapon siya, gaya ng isang basahan, at initsasiya pataas doon sa ere at binalibag siya doon sa kabilang gawing kalsada. Nakaluwa ang kanyang mga mata. Nakabuka angkanyang bibig. Nakalaylay ang kanyang dila at umaagos angdugo sa kanyangmga tainga. Subalit, dalawang taon bago niyan,ipinakita na ng Diyos ang pangitain patungkol dito. At lumapitako roon na tulala, at pinagmasdan ang bata; lumakad palayo,na umiiyak.106 At ang Panginoon, o isang, sobrenatural, ang umakbay saakin. Sabi, “Hindi ba’t ’yan yaong batang ipinakita Ko sa iyo?”Oh, ibang klaseng pakiramdam!107 Nakatayo roon ang alkalde ng bayan, ang Pinunong Lalaki,’yan ang taguri sa kanya roon, at marami pang nakatayo roon satabi. At pinatigil sila ng Diyos, upangmaipakita Niya ang dakila

Page 19: MANAMPALATAYA MULA SA P - Branhamdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG57-0623 Believe From The...amin nang naidulog, at ang aming mga kamay rin nama’y naipatong na sa kanila. Dalangin

MANAMPALATAYA MULA SA PUSO 19

Niyang Kapangyarihang magbangon ng patay, buhayin siyangmag-uli. “Huminto ka.” Sampalatayanan ninyo ang Diyos, atmaging isang saksi.WalangHanggan angKanyang Salita.108 Ilang araw na rin ang nakararaan, noong kami ay…Nangmasaksihan kung paanong gawin ng Diyos ang mga bagay-bagay nang may kasimplehan! At labis tayong nangalilito’tgulung-gulo, hanggang sa mga malalaking bagay na ang hanapnatin. Masiyahan kayo sa maliliit na bagay. Pagmasdan ninyoSiya habang isinasagawa Niya ang mga dakilang gawa Niya,kung papaano Niya kayo pinangangalagaan. Huwag kayongtumingin nang lampas sa isang bagay, tumingin kayo rito sagawing baba.109 Pansinin n’yo. Sinimulan kong pagbulay-bulayan ito, naposibleng kapag ang isang tao, katulad ng mga apostol, kungmakapamumuhay ka ngang malapit sa Diyos; at ang Diyos, saKanyang biyaya, ay gumawa sa pamamagitan mo; heto nga’t sasandaling mas nakakamtan mo nang lubos ang Diyos, mas lalokang nagiging maka-Diyos. Sa sandaling mas pumapasok nanglubos ang Walang Hanggang Buhay, mas lalong itinutulak Nitopalabas ang pagka-intelektuwal.110 Ngayon, hindi ko ibig maging panatiko. Ibig kong magingtunay, matino, at totoong mananampalataya. Kita n’yo? Hindiisang grupo ng ismo, kundi isang tunay na matatag, totoo,matino, at matalinong mananampalataya.111 At ngayon masdan n’yo. Nakita ko na itong gumana. At angisiping kung marating ninyo ang ganoong pakikipag-ugnayan saDiyos, sa huli’y nagiging hindi n’yo na ito tinig. Hindi n’yo na itokaisipan. Ito’y nagiging kaisipan na ng Diyos at tinig ng Diyos.Kayo ay isang puno ng ubas lamang o…isang sanga lamang.Siya ang puno ng ubas, at ang Kanyang Espiritu ang pumapasokat nagbibigay sigla. Hangga’t maiaalis ninyo ang inyong sarilisa daraanan, Siya ang magpupuno, at kung gayon ay maaari nakayong maging saksi.

Katulad na ang daong ni Noe ay isang saksi.112 Kung papaanong si Jesus ay isang saksi ng Diyos. LubosSiyang napuspos ng Diyos hanggang sa Siya at ang Diyos ayiisa. “Ang Diyos ay tumahan kay Cristo, na pinakipagkasundoang sanlibutan sa Kanya rin.” Ang mismong kapahayagang,ipinakikilala ng gawa ng isang tao ang kanyang katangian! SiCristo ay gawa ng Diyos. At ipinakilala ni Cristo ang katangianng Diyos; ang Kanyang damdamin para sa mga may sakit, angKanyang mithiin sa pagliligtas sa mga kaluluwa, hanggang saibinigay Niya maging ang Kanyang Sariling buhay. Ang gawangDiyos, ang katangian ngDiyos, ay ipinakilala kay Cristo.113 At kung magagawa n’yo lang na alisin ang inyong sarilingkaisipang intelektuwal, at bigyan ang Diyos ng karapatangmakadaan, maipakikilala Niya ang Kanyang katangian sa gawa

Page 20: MANAMPALATAYA MULA SA P - Branhamdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG57-0623 Believe From The...amin nang naidulog, at ang aming mga kamay rin nama’y naipatong na sa kanila. Dalangin

20 ANG BINIGKAS NA SALITA

ng inyong pagpapasakop. Ibuhos n’yong lahat nang walangitinitira. Iwaksi ang sanlibutan, iwaksi ang inyong mga pag-aalinlangan, sa daan. Kung lumapit kayo sa altar upangmaipanalangin, sasabihing, “Lalapit ako at titingnan ko kunggagaling kaya ako,” hindi kailanman maipamamalas ng Diyosang Kanyangmga gawa. Kinakailangan ninyong alisin ang sarilininyong kaisipan sa daan, at hayaan Siyang punuin kayo.114 Ngayon, kung papaanong napansin ko ang mga bagay na ito;gaya nitongmatandang toro rito na papatayin na ako noong orasna iyon; gaya nungmga putakti noon doon samay bakod; gaya ngmaraming pang ibang bagay na naganap; ang oso sa kakahuyan.Ito’y isang aralin sa kalikasan. Ito’y bagay na nangyayari.115 Sinasabi ko ito ngayon, ipagpaumanhin n’yo, bilang sarilikong karanasan, subalit gusto kong sabihin sa inyo dahil saito’y modernong panahon. May nagsabi, “Oh, buweno, ang mgabagay na iyon ay naganap noon pang araw ng mga propeta.Sa mga panahong…” Buweno, nagpapakita ang Diyos ng mgahalimbawa. Subalit alam ba ninyo, ngayon, na nagtatayo angDiyos ng isang Iglesya? Sinasabi n’yo, “Buweno, nagkaroon Siyanoon ng mga propeta. Kinailangan nilang salitain ang Salitang Diyos.” Subalit, mayroon Siyang isang Iglesya ng Diyos, saaraw na ito.116 Pansinin n’yo may bagay na nagaganap. Sana nga’y sa lahatng pagkakataon ito. Hiling ko sa Diyos na maganap ito sa lahatng panahon, subalit hindi. Dumarating lang ito sa Kanyangkalooban.117 Ngayon, ilang araw na ang nakararaan, o mga dalawa otatlong linggo na ang nakararaan, nananalangin ako para samga taong may leukemia. Sinasamahan kong manalangin angmga tao, naghihintay ng pangitain, yaong mga may sakit atnagdurusa. Marami ang hanggang ngayon ay hinintay ko, nangmaraming taon.118 Halimbawa, ang munting si Edith Wright, na lumpo.Naaalala ko pa noong ang kanyang tatay ay nakahimlay,naghihingalo na noon, at nagpakita ng isang pangitain angDiyospara sa kagalingan ng kanyang tatay, at hinayaan lang si Edithna mahimlay pa rin doon.119 May isang munting babae, sa aking—aking palagay aynaririto pa rin siya. Si Gng. Geiger, mula sa Fort Wayne,kaawa-awang pagmasdan na munting ina, batang-bata pa.Nagsilang siya ng isang sanggol. At napakalaki nung sanggol;napakaliit naman niya, at nagdulot iyon sa kanya ng kanser. Atpinagaling siya ng Diyos sa kanser. Ngayon nama’y siya’y halosmanlupaypay, sa sakit na nerbiyos. Nagmemenopos na siya. Atang kaawa-awang munting babae…At itong tunay na tapat naasawang lalaki. At itong munting lalaki ay nagpunta na sa kung

Page 21: MANAMPALATAYA MULA SA P - Branhamdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG57-0623 Believe From The...amin nang naidulog, at ang aming mga kamay rin nama’y naipatong na sa kanila. Dalangin

MANAMPALATAYA MULA SA PUSO 21

saan-saan, nananalangin, at naghahanap, at umiiyak. At ako’ynananalangin para sa gayon.

120 At alam n’yo ang nangyari? Si Kapatid na Woods na nariyansa likuran, dumating ang kanyang tatay, isang Saksi ni Jehovah.Isang Saksi ni Jehovah noon si Kapatid na Woods. Nagpatotooat inihayag ng Diyos ang Kanyang Sarili sa kapatid na iyan,sa pagpapagaling sa kanyang anak na lalaki, si David, nalumpo noon.

121 Pagkatapos ay dumating ang kapatid niyang lalaki.Namumuhay ang kapatid niya nang pamumuhay na imoral.At doo’y bumaling ang Espiritu Santo at sinaway siya. Nakitaang babaing katanan niya, at isinuko ng kapatid na iyon angkanyang buhay at hinayaan ang bawat diyablo na lumayas sakanya noong araw na iyon. At naglalakad siya sa mga kalyengayon at ginagawa ang lahat ng makakaya niyang gawinupang paglingkuran ang Diyos, nagpapatotoo sa kanyang mgakababayan.

122 Pagkatapos, ang kanyang abang matandang tatay, matapatsa abot nang kanyang makakaya, sa lahat ng kanyang mgatransaksyon sa hanapbuhay bilang isang magsasaka, at magingsa iba pang mga bagay. At noong dumating ang kanyang tatay,gusto niyangmakasama akongmangisda, at nagpunta kami roonsa lawa.

123 Habang binabagtas namin ang daan, isang pangitain angdumating, noong umagang iyon. At sinabi Niya, “Bawat lawana daraanan ninyo at bawat dinadaluyan ng tubig, ay magigingmaputik; walang pangingisda. Subalit pagsapit n’yo doon saWolf Creek, sa Dale Hallow,” sabi, “magiging maganda iyonat asul. At hindi pa kayo nakahuhuli ng hito sa tubig naiyon, subalit makahuhuli kayo ng isang tali ng mga hito. At,”sabi, “makahuhuli sila ng isa o dalawang maliliit. At saka kamakahuhuli ng isang malaking isda, gamit ang isang isdangpamain na makaliskis. Magiging malaki ’yun, kumpara sakaramihan nun.”

124 Bumaling ako at inulit ko ang narinig ko sa kanila.Pinagmasdan ko ang mga mata ng matandang lalaki, habangbumaling siya sa kanyang mga anak. Noong nakarating na kamiroon at sumulong na sa tubig…Maputik ang bawat lawa, namadaanan. Pagdating namin doon, iyon ay talagang asul na asul,namananakit angmgamatamo, halos. At namingwit na kami, atni hindi kami makahuli ng apahap, crappie, o anuman. At, biglana lang, nagsimula na akong makahuli ng hito, at nakahuli ngisang tali ng mga iyon. Ang ilan sa mga iyon, ay limang libra,bawat piraso. At kung minsan ay dalawa pa sa isang pamansing,gamit ang bawig at pamansing. Namingwit kami, at nakahuli ngisang tali ng isda.

Page 22: MANAMPALATAYA MULA SA P - Branhamdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG57-0623 Believe From The...amin nang naidulog, at ang aming mga kamay rin nama’y naipatong na sa kanila. Dalangin

22 ANG BINIGKAS NA SALITA

125 At noong sumunod na umaga, bumalik ako, sa pangingisda.Nakahuli ako ng isang napakalaking bluegill, ’yun ay…o’yung tinatawag nating sunfish na mapula ang tiyan, angpinakamalaking nakita ko kailanman.126 Pagkatapos, noong lumapit sa akin ’yung kasamang lalaki,sabi ko, “Ngayon, ginoo, sinabi ng Biblia, ‘Kung may isa sa inyona espirituwal, at isang propeta, at ang sinabi niya ay mangyari,kung gayo’y pakinggan ninyo siya. Kung hindi ito…’” Atkinuha ko ang apat na kilalang propesiya ng Saksi ni Jehovahat ipinakita sa kanyang wala sa mga iyon ang natupad; bawatisa sa mga iyon ay hindi natupad. Sabi ko, “Ngayon papaanonaman ’yung isda?”127 At ipinakita ng Diyos ang pangitaing iyon, upang baguhinang taong iyon at ipanumbalik siya, para sa isang taong iyon,kahit pamay libo-libong nakahimlay, nagdurusa. Iyon ang sakopng Diyos na Pinakamakapangyarihan, upang ipaalam sa inyo naipinahahayag Niya ang Kanyang mga gawain sa pamamagitanng Kanyang mga gawa, at ipinahahayag ang katangian Niya nggayundin naman.128 Masdan n’yo ang patubigan ng Betesda. Sinasabi n’yo,“Parang hindi gagawa ang Diyos ng ganoon.” Tingnan n’yo’yung mga lumpo, pilay, pingkaw, bulag, nanghihinay, nanagsisihintay. At hetong nagdaraan si Jesus doon mismo,ang kasuotan ay puspos ng kagalingan; at lumapit sa isanglalaki, at nagpunta sa isang lalaking may kakayahan namangmaglakad, makagawa ng anumang naisin niya, subalit mayisang uri ng sakit na nagpapabalam. At pinagaling siya, atiniwan ang iba pa sa kanila na nangakatayo roon. Kita n’yo?Ang Kanyang katangian. Nais Niyang ipakita ang Kanyangmga Kapangyarihan. Nais Niyang gumawa ng isang bagay. Oo,tumigil ang mundo, upang pansinin iyon.129 Ngayon pansinin, noong isang araw bago kahapon, noongbumalik kami. Bumalik ako, sa pagtitipon sa Indianapolis, atnaisip kong mamamalagi lang ako nang kaunting panahong,malayo sa mga tao, hanggang sa medyo nakapagpahinga na,’pagkat nagkakaroon ako ng dalawampu o tatlumpu, sa isangaraw, nitong mga pribadong panayam, at nagsisidating ang mgapangitaing iyon. Halos mamatay na ako pag-uwi ko. Walangnakaaalam ng pinagdadaanan ko roon; walang sinuman talaga.Walang paraan para maipaliwanag ito. Subalit gayunpamansina Kapatid na Wood, at ang kanyang kapatid na lalaki at ako,ay pumaroon sa lugar, at para makapamingwit nga muli, nangisa pang araw at gabi.130 At nung hapong iyon, habang nakaupo roon, nagsimulangmagkuwento si Kapatid na Wood tungkol sa isang matandangbabae na dati-rati’y kasapi sa Anderson church of God, dito,noong sila’y mga binatilyo pa. “Napakabuti talaga!” Ikinuwento

Page 23: MANAMPALATAYA MULA SA P - Branhamdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG57-0623 Believe From The...amin nang naidulog, at ang aming mga kamay rin nama’y naipatong na sa kanila. Dalangin

MANAMPALATAYA MULA SA PUSO 23

niya kung paanong ang naturang matandang babae’y dati-rati’y isinasama sila na noo’y mga maliliit pang batang Saksini Jehovah at kung paanong kinagigiliwan sila. At sabi niKapatid na Wood sa kanyang kapatid, si Lyle; sabi niya, “Lyle,hindi ba’t napakainam ngayon, kung hahayo tayo para hanapin’yung matandang kapatid na babae at ipaalam sa kanyang maykaligtasan na tayo?”131 Ngayon, nakasumpong ng biyaya ang salitang iyon sa Diyos.Pagkatapos ng pag-uusap tungkol saDiyos nangmahabang oras,tunay ngang nakasumpong ang salitang iyon ng biyaya. Angdalawang lalaking Saksi ni Jehovah na iyon, kapuwa silangmatanda na, nagnanais na hanapin ang isang matandang babaeat sabihin sa kanyang may kaligtasan na sila, silang dalawangmagkapatid na lalaki.132 Noong sinabi nila iyon, ang Espiritu ng Diyos at angKanyang kapangyarihan ay bumaba sa akin, habang nakaupo sabangkang iyon. Oh, sana’y may tinig ako, sa anumang paraan,at magawa kong patimuin iyon sa puso ng mga tao. Hindi kona mapigilan ang sarili ko na para bang makalilipad ka sabuwan; sa pamamagitan lamang ng salitang iyon. At sabi ko,“Mga kasama, may napipintong mangyari. Isa itong hayop ngkung anong uri. Bubuhayin ito. May buhay na nakaugnay rito.At makikita n’yo ito kaagad-agad.”133 At naisip ko, “Ngayon ano bang sinabi ko?” At nagsimulaakong mag-isip ng ilang mga bagay. “Ano ang nagbunsodsa aking sabihin iyon?” Walang pangitain. May Bagay langna nagsalita. Ano iyon? Hindi iyon intelektuwal na kaisipanko; ni hindi ako makaiisip ng ganoong bagay. Iyon ay doonsa kaibuturan nun. Sa puso pumasok ang Diyos. Siya angnangungusap. Hindi ako, ni hindi ko iniisip ang gayong bagay,at nangusap Ito.134 Sa palagay ko’y sa ganoong pagkakataon sinabi ni Jesus,“Kung mananampalataya ka sa iyong puso, at sasabihin sapunongkahoy na ito, o sa bundok na ito. At kung gayon ay hindimag-alinlangan, kundi manampalataya na ang iyong sasabihinaymangyayari, makakamtammo ang iyong sinasabi.”135 Iyan ang punto ko. Humantong kayo sa ganoong kalagayan,kung saan ito’y Bagay na hindi na sarili mo. Ito’y Bagay nahigit pa sa iyong katuwiran, na nangungusap nito. Nagpatuloyna kami.136 Sa pagtatapos, sasabihin ko ito. Si Kapatid na Wood at silaay nangakaupo rito bilang saksi. Noong kinaumagahan…137 Noong gabing iyon, nagpunta kami, at pinagkalooban kaming Panginoon ng mainam na gabi ng pamimingwit. Walangnakahuli ng anumang isda…At bigla na lang nakahuli kami ngtatlo roon, sa ilang minuto pa lang, at tumitimbang ang tatlong

Page 24: MANAMPALATAYA MULA SA P - Branhamdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG57-0623 Believe From The...amin nang naidulog, at ang aming mga kamay rin nama’y naipatong na sa kanila. Dalangin

24 ANG BINIGKAS NA SALITA

iyon nang halos dalawampung libra. At talagang napakaraminaming mga tali ng isda.138 Noong sumunod na umaga, bumalik kami at inilalagay nanoon ang mga pain, mga bago na, sa pamansing, at wala niisang isda. Tapos na. Sabi ko, “Magpunta tayo rito sa maliitna look at magpahinga nang ilang minuto, mga kapatid. Atmamimingwit naman tayo ngmga bluegill, gamit ang pamansingna may malalaking kalawit.”139 Bumalik kami roon at namimingwit noon ng mga bluegill,doon sa maliit na look, sakay sa aming bangka. At sa tuwing,hihinto kami nang matagal-tagal, humihinto ’yung makina.Hindiman kami nangingisda; nag-uusap kami tungkol saDiyos.140 At si G. Lyle, na ngayon ay…Nagpunta siya sa kapatidniyang babae, upang hikayatin siyang lumabas sa Saksi niJehovah. At sinabi nito sa kanya—sinabi nito sa kanyangnakikinig daw siya sa mga diyablo; na kami nga raw ang mgadiyablo.141 Sabi pa, “Lyle, matalino ka para pag-aksayahan angganyangmga bagay. At kung anu-ano pangmga bagay talaga.”142 Pagkatapos, nakabingwit si Lyle ng isang maliit nabluegill, mga ganoon kalaki. At nagsasalita pa kasi siya, kayanapabayaan niyang malunok ng munting isda ’yung malakingkalawit. Dumire-diretso ’yun sa tiyan ng maliit na isda. Atnoong makapa niya iyon, hindi na niya ito mahila palabas.Kaya pinisil na lamang niya iyon sa kanyang kamay, inikot-ikot iyon at hinatak kasama ang mga lamang-loob palabas.Kinailangang matanggal ang kalawit na iyon doon sa bibig,dahil kung pinigtas niya ’yung kalawit, iyon ay…patay nangisda, mamamatay rin lang naman. At ganito ang mga salitangnasabi niya, “Talagang ibinigay mo na ang lahat ng magagawamo, munting nilalang,” at initsa ito sa tubig.143 At bumaligtad-baligtad ito nang tatlo o apat na beses, atnagpaikot-ikot pailalim sa asul na katubigan, hanggang samarating nito ang kailaliman. Nanatili roon nang ilang minutolang. At bumalik na ito, sa ibabaw ng tubig, at sumikdo nangtatlo o apat na beses. At dumiretso na ang kanyang palikpik,nang paganoon, tumagilid, namaluktot. At sa loob ng mgadalawampung minuto, na namimingwit kami, lumutang na siyapabalik doon sa kasukalan, nanatili roong hindi na pansinin.At ako…144 At may nagsabi, “Yang mga maliliit na isda ay talagang nag-aagahan, o nagsisikain?”

Sabi ko, “Oo. Ganoon nga.”145 At sabi namin, “Oh, hindi ba’t kamangha-mangha angDiyos!” At sabi ni Kapatid na Wood, “Oh, napakainam

Page 25: MANAMPALATAYA MULA SA P - Branhamdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG57-0623 Believe From The...amin nang naidulog, at ang aming mga kamay rin nama’y naipatong na sa kanila. Dalangin

MANAMPALATAYA MULA SA PUSO 25

nito, Kapatid na Branham! Nagkaroon kami ng pribilehiyongmakaparitong kasama ka.” [Blangkong bahagi sa teyp—Pat.]146 “Oh,” sabi ko, “huwag mong isiping ganoon, Kapatid naWood. Ito,” sabi ko, “hindi ito isang—hindi ito ang banal nabundok. Hindi ito ang banal na dako. Ito’y ang banal naDiyos. Hindi isang banal na tao, kundi isang banal na Diyos.”[Blangkong bahagi sa teyp—Pat.]147 At habang nag-uusap kami, may Isang kumilos saakin. [Kinakatok ni Kapatid na Branham ang pulpito nangdalawang beses—Pat.] Sabi, “Ipakikita Ko ngayon ang AkingKapangyarihan.” Bago ko pa mamalayan ang sinasabi ko,naisip ko ang Kasulatang iyon, “Anuman ang sabihin ninyo,manampalataya na mangyayari ito, sa inyong puso. Sabihinninyo ito, at inyong makakamtan ang sinasabi ninyo.” Ako’y—ako’y halos…nag-uumapaw Ito sa akin.

Naisip ko, “Ano ba itong nangyayari?”148 Sina Lyle at Banks ay nakaupo roon. Namimingwit kami.Ang munting, patay na isda ay nakalutang na, nang mgadalawampung minuto, namaluktot na roon, inagos pabalikdoon sa lugar; ang maliliit nitong lamang-loob ay nakalaylaysa kanyang bibig. At tiningnan ko ang munting isdang iyon,at sumagi ang ideya sa akin, “Sabi Niya sa mangingisda,‘Ihulog ninyo sa kabilang dako ng bangka.’ Nagtiwala silasa Kanyang Salita. Sabi ni Pedro, ‘Panginoon, nangisda kamibuong magdamag, at wala kaming nahuli. Datapuwat, sa IyongSalita, ihahagis namin ang lambat.’”Hayun na nga, “Sa Salita!”149 May Isang nagsabi sa akin, “Nalalaman ng Diyos ’yung isda.Bigkasin mo lang ang Salita at masdan mo ang mangyayari saisdang iyon.”150 Sabi ko, “Munting isda, sa Pangalan ni Jesus Cristo,mabuhay kang mag-uli.”151 At ang Diyos, ang dakila kong hukom, kasama silangdalawang lalaking nakatayo roon, bumaling angmunting isdangiyon sa kanyang tagiliran at lumangoy palayo roon na sintulinnang makakaya nito, at buhay na naman. “Bigkasin mo angSalita!” Ang Diyos na Pinakamakapangyarihan, sa pagtayo korito sa harapan Niya sa presensiya ng samahang ito at nitongBiblia, ay alam na ’yun ang katotohanan.152 Gayong nangamamatay angmga tao, at gayunma’y ipinakitang Diyos ang Kanyang Kapangyarihan doon sa mga Sak-…saSaksi ni Jehovah, na Siya ang pagkabuhay na mag-uli at Buhay,at wala Siyang hindi nalalaman tungkol sa iyo. “Sasabihin mo,at sampalatayanan na ang sinasabi mo aymangyayari, kakamtinmo ang sinabi mo.”153 Ano iyon? Ipinakikita ng Diyos ang Kapangyarihan Niya;hindi ako, isa lang akong puno ng ubas…o isang sanga pala.

Page 26: MANAMPALATAYA MULA SA P - Branhamdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG57-0623 Believe From The...amin nang naidulog, at ang aming mga kamay rin nama’y naipatong na sa kanila. Dalangin

26 ANG BINIGKAS NA SALITA

Kanyang binigyang-sigla ang sanga kaya hindi ko mapigilangsambitin angmga tinig na iyon. Ano ba angmaiisip ko tungkol saisang munting, patay na isdang nakalutang doon, gayong hiniwapa nga namin sila at ipinain sa pamansing? Ang munting isdangiyon doon, palutang-lutang doon, patay.154 Si G. Wood at silang mga nakaupo rito mismo, nakatuonang paningin sa akin ngayon, sila’y saksi roon. At kumilosang Espiritu ng Diyos sa lambak na iyon, na maiisip mongdarating na ang Pag-agaw. Maging nung, hanggang sa, humiyawsi G. Wood at napabulalas, “Oh, mabuting nakaparito!” Sabipa, “Kapatid na Branham, lubos kaming natutuwa na kami’ynakaparito!” Ang tanging bulalas na nasasambit nga nila’yako’y tinuturing na nilang kapatid. At bumaling ako agad…Dahil, nakita nilang ginamit ako ng Diyos para magsalita ngbuhay sa isang isda.155 At, ngayon, tila ba kahibangan ’yung pakinggan, subalit iyondin ang Diyos na nagsalita ng buhay roon sa patay na opossumna nakaratay roon sa bakuran. [Kinatok ni Kapatid na Branhamang pulpito nang anim na beses—Pat.] Siya ang Alpha at Omega,ang Simula at ang Wakas. Siya ang Buhay, ang pagkabuhay namag-uli. Siya ang Kapangyarihan, at Yaong walang-hanggan.Ang siya pa ring kahapon, ngayon, atmagpakailanman!156 Ipinababatid nun sa akin ito, na balang araw, kapag umalisna ang buhay mula sa katawang mortal na ito, at nakahimlayna ako roon, na payapa, kung nagmamalasakit Siya sa isangisda, tunay na magmamalasakit Siya sa akin at sa inyo, nanagsusumikap na paglingkuran Siya. At sa isang maluwalhatingaraw ay darating Siya. Hindi ang sanga, kundi ang Puno ngUbas Mismo ang magsasalita mula sa punong himpilan Nitosa Kaluwalhatian, at yaong mga nangatutulog kay Cristo aymagsisibangon at paroroon sawalang hanggang Buhay.157 Napakainam na pakiramdam! Walang makapagpapahayagnito. Kapag nakita mo ang isang patay na isdang nakalutangsa tubig, na hinila nang palabas ang mga lamang-loob nitosa kanyang bibig, ng isang taong may malaking kamay napiniga pa ang isda, nang paganito, at kinuha iyon at pinilipitiyon. At maririnig mo itong nalalapnis, noong lapnisin niya angmga lamang-loob sa isda. Initsa ang munting nilalang sa tubig.Kumislot ito nang apat o limang beses, at sumikad, at ’yun na’yun. Ang makita ang munting isdang iyon, sa isang sandalilamang na nabigkas ang salitang iyon, [Pinitik ni Kapatid naBranham ang kanyang daliri nang minsan—Pat.] na bumalik namuli sa kondisyon, sadyang buhay na buhay na gaya ng dati,at sumisid sa tubig na iyon, na sintulin nang makakaya niya,bumalik upang sumali sa kanyangmga kasamahang isda.158 Siya ay Diyos. Alam Niyang naroroon ’yung isda. Katuladlamang na alam Niya na ang isa ay may barya sa bibig nito.

Page 27: MANAMPALATAYA MULA SA P - Branhamdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG57-0623 Believe From The...amin nang naidulog, at ang aming mga kamay rin nama’y naipatong na sa kanila. Dalangin

MANAMPALATAYA MULA SA PUSO 27

Kung papaanong alam Niyang kung ihahagis nito…Kung angmga taong iyon, sabi nila…Sa San Marcos sa ika-5 kabanata,sinabi Nito na hiniram ni Jesus ang bangka ni Pedro roon atpumaroo’t nangisda. Ngayon, sinabi Niya, “Ihulog n’yo upangmakahuli ngmarami.” Gayong nangisda na sila, gayong…Alampa nga nilang nangisda na sila magdamag at walang nahuli.Kung papaanong ginawa rin namin ang gayong bagay, at walangnahuli. Subalit, nais na makita ng Diyos kung magtitiwala silasa Kanyang Salita, kaya sinabi Niya, “Ihulog ninyo ang mgalambat upangmakahuli ng marami.” Kung wala mang isda roon,sa pagtitiwala sa Diyos sa Kanyang Salita ay magkakaroon ngilan doon. Ganoon nga iyon.159 Kung gayon, ang siya ring Diyos, sa Kanyang parehongkatangian noong pasimula, ay ang siya ring Diyos sa gayundingkatangian ngayon. Siya ang Una, ang Huli. Siya ay nananatilikahapon, ngayon, atmagpakailanman. Diyos pa rin Siya.160 Kaya, kayong naririto ngayong umaga, at naipanalanginna, hayaang sabihin ko sa inyo ang isang bagay. Nakikitaang mga patotoong ito; at ang Diyos ang saksi kung totooang mga ito o hindi. Tama ’yun. Naghahanap kayo ng mgadakilang bagay. Sinisikap ninyong tumingin sa kung anongkamangha-manghang bagay sa dako rito, gayong naririyan namismo sa tabi ninyo. Ganoon na nga. Ang mismong Diyos nanaglagay ng pagkagutom sa inyong kaluluwa, upang lumapit atmaipanalangin, ay ang siya ring Diyos na nagbigay ng buhay saisdang iyon; ang siya ring Diyos na nagpahinto sa toro sa bukid;ang siya ring Diyos na nagpabagsak sa baliw na iyon doon saaking harapan; ang siya ringDiyos na nag-ingat kayDanielmulasa yungib ng mga leon; ang siya ring Diyos na nagsabi, “Ihulogninyo ang inyong mga lambat sa kabilang dako rito, at upangmakahuli nga ng marami.” Siya ay nanatili kahapon, ngayon, atmagpakailanman.161 Hindi maaaring mabigo ang Kanyang mga gawa. Hindimaaaring mabigo ang Kanyang katangian. At ipinahahayagng Kanyang mga gawa ang Kanyang katangian, kaya Siya’ybumangon na ngayon at naririto Siya sa ating kalagitnaan, siyapa rin kahapon, ngayon, at magpakailanman. At tayo’y mgasaksi ng Kanyang katangian.162 Binago ako ng Kanyang katangian. Noong dumating ito saakin, isa pa ako noong makasalanan; at ngayon ay ligtas na ako.Naliligaw ako noon; ngayon ay nasumpungan na. Iniibig ko noonang mga bagay ng sanlibutan; kinamumuhian ko na ito ngayon.Wala akong pakialam noon sa Diyos; mahal ko na Siya ngayon.May nangyari sa akin. May nangyari sa inyo. Ano iyon? Iyon anggawa ngDiyos na ipinahahayag angKanyang katangian.163 Mahal Niya tayo. Nagmamalasakit Siya sa inyongkapakanan. Nagmamalasakit Siya sa inyong kagalingan.

Page 28: MANAMPALATAYA MULA SA P - Branhamdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG57-0623 Believe From The...amin nang naidulog, at ang aming mga kamay rin nama’y naipatong na sa kanila. Dalangin

28 ANG BINIGKAS NA SALITA

Nagmamalasakit Siya sa inyong kaluluwa. Maaari bang Siyana ang masunod sa inyong buhay? Huwag na huwag ninyoSiyang pag-aalinlanganan sa anupaman. Humayo kayo, nasumasampalataya sa Kanya, at ipagkakaloob sa inyo ng Diyosang ninanasa ng inyong puso, sapagkat mabuting kalooban Niyaang gawin ito. InaasamNiyang gawin ito. Subalit, ang kaso lang,nangalilito’t gulung-gulo tayo. Magsitigil kayo!164 Tingnan n’yo ito, sabihin n’yo, “Diyos, ako po ang tinutukoynun. Kahit sino man ang manalangin para sa akin, anuman angmanalangin para sa akin.” Hindi na kinakailangan pa ng isangOral Roberts, isang Billy Graham, o isang William Branham,o isang A. A. Allen. Kinakailangan ang Diyos. Tama ’yun.Kinakailangan ang inyong pananampalataya, na nakaangklaroon sa Diyos.165 Sabihin n’yo, “Diyos, Ito ang Katotohanan, at diyanlamang ako tatayo.” At hayaan—hayaan itong mamalagi rito,hanggang sa bumaba ito rito, mula sa inyong ulo patungo sainyong puso, magiging…hanggang sa maging isang realidad,kung magkagayo’y gagana na ito. Gagana lamang ito kapagnakarating na ito sa puso.166 Pagpalain kayo ngayon ng Panginoon, habang iniyuyukonatin ang ating mga ulo. Ilagay ninyo ang inyong inaasam sainyong puso. Ilagay ninyo ito sa harapan ng Diyos, ngayon din,(Maaari ba ninyong gawin ito?) habang tayo’y nananalangin.Kung ito’y para sa kaligtasan, kung ito’y para sa…Parasaanman ito, ilagay ninyo ito sa harapan ng Diyos ngayon dinhabang nananalangin tayo.

My faith looks up to Thee,Thou Lamb of Calvary,Saviour Divine;Now hear me while I pray,Take all my guilt away,O let me from this dayBe wholly Thine!While life’s dark maze I tread, (Tumaimtim napo tayo ngayon.)

And griefs around me spread,Be Thou my Guide;Bid darkness turn to day,Wipe all my fears away,Nor let me ever strayFrom Thee aside.

167 [Sinimulang ihiging ni Kapatid na Branham ang My FaithLooks Up To Thee—Pat.]168 Banal na Diyos, masasabi po naming gaya niyaong mgatumayo sa bundok noong araw na iyon, na nagsabing, “Mabutisa atin ang tayo’y naparito. At magtatayo kami ng tatlong

Page 29: MANAMPALATAYA MULA SA P - Branhamdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG57-0623 Believe From The...amin nang naidulog, at ang aming mga kamay rin nama’y naipatong na sa kanila. Dalangin

MANAMPALATAYA MULA SA PUSO 29

tabernakulo, maglalagay ng pastor sa bawat isa.” Subalitkaagad na bumaling ang Tinig at nagsabing, “Siya ang inyongpakinggan. Siya ang Aking Anak.” Ngayon hayaang bumalingkami mula sa mga pastor, mula sa mga Moises at mga Elias, atmula sa mga dakilang tao ng mundo, bagama’t nagpapasalamatpo kami para sa kanilang lahat. Subalit, sinabi Mo po sa aminna Siya ang aming pakinggan.169 At sinabi ito ng Kanyang Salita, (hindi ng salita ng pastor, ning ebanghelista man), “Ang lahat ng bagay na inyong ninanasa,kapag kayo ay nananalangin, ay magsisampalataya kayo nainyong tinanggap na, inyong kakamtin ang mga ito. Kungsasabihin ninyo sa bundok na ito, ‘Malipat ka, at mapasugbasa dagat,’ at hindi mag-alinlangan sa inyong puso, kundimanampalataya na mangyayari ang sinabi ninyo, ay kakamtinninyo ang sinabi ninyo.” Hindi naman nangangahulugangmagaganap sa isang iglap lang ito, ni hindi rin naman noondagli-dagli kina Abraham at Sarah.170 Subalit sinabi Mo po, “Kung mananampalataya kayona mangyayari ang sinabi ninyo, ay kakamtin ninyo angsinabi ninyo.” Ngayon, Ama, narito po ang aming panalangin.Tanggapin Mo kami ngayon. Kunin Mo ang aming mga pusosa Iyong kamay at pigain ang mga ito nang talagang mahigpitna may pag-ibig, itinutulak palabas ang lahat ng pagkatakot atkawalang-pananampalataya sa mga ito, upang ang mga puso’ymaging hungkag at walang laman. At saka Mo po agad punuinang mga ito ng Iyong Espiritu, kung papaanong pumasok angalkitran at sahing sa daong, upang pigilan ang pagkatakotat pag-aalinlangan na muling pumasok sa aming mga puso.At gawin Mo kami ayon sa Iyong pagkakayari, upang Iyongmaihayag ang Iyong katangian, sa sanlibutan, sa pamamagitannamin, bilangmga kasulatang nababasa ng lahat ngmga tao.171 Ang bawat isa nawang…napahiran. Iyon ang sinabi Monggawin. Gumaling nawa sila, ngayon. Mula sa bawat tao, mulasa pangkaraniwang sakit ng ngipin, hanggang sa mga bulag,mga nagdurusa, o anupaman iyon, umangkla po nawa angpananampalatayang iyon ngayon sa pusong iyon na natatakot atnag-aalinlangan sa pagpasok nitongmga karamdaman.172 At, Oh Diyos, lagi ko pong naaalala…Ako mismo, kamingtatlong kalalakihan; katulad nina Pedro, Santiago at Juanna tumayo sa Bundok ng Pagbabagong-Anyo at nakita angginawa Mo roon. Hinding-hindi namin makalilimutan angmaliit na look doon sa Fanny Creek, hangga’t mayroon kamingmga alaala’t gunita. Maaaring hindi ito gaanong mahalaga sasanlibutan, subalit noong nakita namin ang walang hanggangkapangyarihan ng Diyos, ang pagiging nasa lahat ng dakong buhay na Diyos na kumilos at nahabag, nang sapat sasangkatauhan, upang ipakita ang Iyong Kapangyarihan, sapagpapanumbalik sa munting isda na namatay sa katubigan, na

Page 30: MANAMPALATAYA MULA SA P - Branhamdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG57-0623 Believe From The...amin nang naidulog, at ang aming mga kamay rin nama’y naipatong na sa kanila. Dalangin

30 ANG BINIGKAS NA SALITA

mabuhay mag-uli, na ang bagay na iyon ay lumalampas lang sauluhan ng isang mapagduda o ng isang di-mananampalataya.Subalit, sadya nga itong naitatala sa puso ng Cristiano!173 Alam po naming Ikaw ang Diyos. Ikaw ang siya pa ringDiyos dito sa silid na ito ngayong umaga. Higit Mong kayangpagmamalasakitan ang mga tao sa silid na ito, silang mgakalalakihan at kababaihan dito, kaysa sa pagmamalasakit Mosa kapakanan ng munting isda! Ano ang halaga ng muntingisdang iyon sa Iyo? Wala; ipinakikita lamang ang Iyong gawa. Atdalangin ko, Diyos, na Iyong ipahahayag ang Iyong mga gawa sabawat lalaki at babae, batang lalaki at batang babae, na nariritongayong araw.174 Kung may ilang naririto, Panginoon, na hindi Ka pa ponakikilala, bilang kanilang Tagapagligtas, hindi pa naranasan,at magnanais na maalis lahat nang walang itinitira sa kanilangpuso, sa araw na ito, mula sa lahat ng mga patapon atwalang-kabuluhang bagay ng sanlibutan, upang mapuno Moang kanilang puso ng pag-ibig, kung paanong ginamitan ni Noeng sahing ang daong, dalangin ko po na kakasamahin Mo sila,sa mga lumilipas na minuto ngayon na natitira sa programa.IpagkaloobMo po ito, Ama, sa Pangalan ni Jesus.

At habang nakayuko ang ating mga ulo:May Thy rich grace impartStrength to my fainting heart,My zeal inspire!

175 Ngayon kung nais ninyo si Cristo, habang sila’y umaawit,nais na ibuhos ang inyong puso na walang itinitira, ngayongumaga, at tanggapin kayo ng Diyos sa kung ano kayo riyan,maaari ba ninyong itaas ang inyong kamay sa Kanya. Sabihin,“Alalahanin Mo po ako.” Pagpalain ka ng Diyos, ginoo. At ikaw,ginoo. Ikaw, kapatid na babae. Ikaw, kapatid na lalaki. Ikaw.May iba pa po ba, sa aking kanan? Itaas ang inyong kamay.Pagpalain ka ng Diyos, kapatid na babae. May iba pa bangmagsasabi, “Nais kong ibuhos ang aking puso nang walangitinitira.” Pagpalain ka ngDiyos, kapatid na babae, riyan.

Hayaang mula sa araw na itoAko’y maging ganap na Iyo!

176 May iba pa po bang nais na magtaas ng kanilang kamayngayon, bago lamang makapanalangin?177 Ama, Diyos, nakita Mo po ang bawat kamay. Pito owalo, sampung mga kamay ang tumaas. Kanila ngayongibinubuhos nang walang itinitira ang lahat ng kanilang mgapagkatakot at kawalang-pananampalataya. Kanila na ngayonginaangkin Ka bilang Siyang kanilang Kasapatan, bilangkanilang Mangingibig, bilang kanilang Tagapagligtas, bilangkanilang Tagapagpagaling. Lahat ng mga pag-aalinlangan atmga pagkatakot, na hinahangad nilang maalis na sa kanila.

Page 31: MANAMPALATAYA MULA SA P - Branhamdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG57-0623 Believe From The...amin nang naidulog, at ang aming mga kamay rin nama’y naipatong na sa kanila. Dalangin

MANAMPALATAYA MULA SA PUSO 31

Dalangin ko po na ipagkakaloob Mo ito, Panginoon, sa Iyongdakilang biyaya. ItulotMo pong sadyangmangyari ito ngayon.178 Kaya Mong salitain ang Buhay sa isang isda; salitain angBuhay sa isang munting patay na batang lalaki; salitain angbuhay kay Elij’ Perry na nakahimlay roon, patay na, at nakakrusna ang kanyang mga kamay; makapagsalita ng buhay sa isangmunting, patay na sanggol doon sa Mexico; salitain ang buhaydoon kay Lazarus, matapos na patay na nang apat na araw.Gaano pa kaya kaming makapaninindigan, sa araw na ito, saBato ng Kanyang Walang Hanggang Salita, at tumingin lampassa aninong ito ng pag-aalinlangan, tungo sa Kanya na nagsabi,“Ako ang pagkabuhay na mag-uli at Buhay.” Manahan po nawaang pananampalataya ngayon sa Kanya, doon sa matibay naBato, si Cristo. Atmatanggap po nawa nila ang lahat ng kanilanghiniling. Dinggin Mo po ang aming mga dalangin sapagkat kamiay dumadalangin sa Pangalan ni Cristo. Amen.

I love Him, I love HimBecause He first loved meAnd purchased my salvationOn Calvary’s tree.

179 Ngayon habang tayo’y muling umaawit, makipagkamay potayo sa mga katabi natin. Manatili lamang na nakaupo ngayon,tayo’y…Hindi pa po tapos ang gawain, kita n’yo.

I love Him,…180 [Iniwan ni Kapatid na Branham ang mikropono at maykinakausap—Pat.]

Purchase my salvationOn Calvary’s tree.

181 Pakiramdam n’yo ba’y nilinis na kayong lubos? Mas mabutina ba ang pakiramdam n’yo ngayon? Pakiramdam ninyo’ypara bang ang Salita…Ito’y—Ito’y—Ito’y—Ito’y ang Dugo ngPanginoong Jesus na lumilinis, na pumaroon mismo sa inyongpuso, nilinis tayomula sa lahat ng kasalanan at pagsalangsang.

And purchased my salvationOn Calvary’s tree.

Ngayon, Kapatid na Neville.

Page 32: MANAMPALATAYA MULA SA P - Branhamdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG57-0623 Believe From The...amin nang naidulog, at ang aming mga kamay rin nama’y naipatong na sa kanila. Dalangin

MANAMPALATAYA MULA SA PUSO TAG57-0623(Believe From The Heart)

Ang Mensaheng ito ni Kapatid na William Marrion Branham, na orihinal naipinangaral sa Ingles noong Linggo ng umaga, Hunyo 23, 1957, sa BranhamTabernacle sa Jeffersonville, Indiana, U.S.A., ay hinango mula sa magnetikongteyp rekording at inilimbag na walang pagbabago sa Ingles. Itong Tagalog nasalin ay inilathala at ipinamamahagi ng Voice of God Recordings.

TAGALOG

©2017 VGR, ALL RIGHTS RESERVED

VOICE OF GOD RECORDINGS

P.O. BOX 950, JEFFERSONVILLE, INDIANA 47131 U.S.A.www.branham.org

Page 33: MANAMPALATAYA MULA SA P - Branhamdownload.branham.org/pdf/TAG/TAG57-0623 Believe From The...amin nang naidulog, at ang aming mga kamay rin nama’y naipatong na sa kanila. Dalangin

Abiso Ukol Sa Karapatang Maglathala

Ang lahat ng karapatang maglathala ay saklaw ng may-ari lamang. Ang aklat na ito ay maaaring i-print sa home printer para sa personal na gamit o maipamahagi sa iba, nang walang bayad, upang magamit sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo ni Jesus Cristo. Ang aklat na ito ay hindi maaaring ibenta, kopyahin nang maramihan, i-post sa website, i-store sa retrieval system, isalin sa ibang wika, o gamitin upang manghingi ng pondo nang walang inilalabas na kasulatang nagpapahintulot galing sa Voice Of God Recordings®.

Para sa karagdagang impormasyon o para sa iba pang ipinamamahaging materyales, kontakin lamang ang:

Voice of God RecoRdinGsP.o. Box 950, JeffeRsonVille, indiana 47131 U.s.a.

www.branham.org