may patay sa looban

Upload: rosellnica-balasoto

Post on 01-Mar-2016

46 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

writer's background, evaluation of the story

TRANSCRIPT

PHILIPPINE LITERATURE

PHILIPPINE LITERATUREBALASOTO, ROSELLNICA L.MAIGUE, CZARINA NOREAN M.III 9 BS PSYCHOLOGYMAY PATAY SA LOOBANDANILO NINO CALALANGTUNGKOL SA MANUNULATDisyembre 22, 1983Juan Luna Tundo, MaynilaSingleBS Psychology, MA in Anglo-American LiteraturePLM, UPManaging Editormanood, matulog, mangarap, managinip, magbasa, magbilyar, uminom ng alak, kape, gatas, umibig

POETICSBAKIT KA SUMUSULAT?Sumusulat ako dahil may mga karanasan akong gusto kong ibahagi sa iba. Dati gusto ko lang magkwento pero iba ang kapangyarihan kapag nasusulat mo na, mas nagiging intimate ka sa kinakausap mo. Sa pagsusulat, alam kong malaki ang magiging impluwensiya ko sa ibang tao lalo sa pagbabago ng kanyang sikolohiya at sa huli, sa komunidad.ANO ANG PAGSUSULAT PARA SA IYO?Isang pangangailangan para sa akin ang pagsusulat. Kung hindi ko ito magagawa sa matagal na panahon, pakiramdam ko wala akong buhay, wala akong silbi sa mundo. Isa itong pagkatutorepleksyon sa sarili, buhay, at daigdig na ginagalawan ko. Ito ang pansarili.ANO ANG PAGSUSULAT PARA SA IYO?Sa kabilang banda, ang pagsusulat ay isang pulitika, subali't pulitika na magmumula sa mambabasa kung paano babasahin ang isang akda.KAILAN KA NAGSIMULANG SUMULAT?Nagsimula akong sumulat noong first year high school ako noon. Naaalala kong kahit sa elementarya, nagsusulat ako ng tula pero pagkatapos nun, nang magkaroon ako ng isang bukod na kwaderno, nagsulat ako ng nobela.

KAILAN KA NAGSIMULANG SUMULAT?Naisip ko lang na isulat ang ideya ng isang nobela tungkol sa kasaysayan ng isang bansa na pinamunuan ng diktador, duktor, dayuhan, pari, at alien.

KAILAN KA NAGSIMULANG SUMULAT?Mula noon, ginawa ko nang libangan ang pagsusulat. Scriptwriter ang una kong trabaho. Iyon ang naging propesyon ko pero masasabi kong naging mas seryoso ako sa pagsusulat noong 2009.TUWING KAILAN KA SUMUSULAT?Walang takdang oras o panahon kung kailan ako sumusulat. Kapag may naiisip akong ideya, isinusulat ko ito sa isang papel o notepad sa cellphone. Mahigpit sa oras ang trabaho ko kaya sa ngayon, bihira akong makapagsulat. Pero kapag nangangati na ang mga daliri ko, tuluy-tuloy na iyon. Siguro tuwing bakasyon ako nakapagsusulat o kapag hinihingi ng panahon.

ANO ANG GENRE NG IYONG MGA SINUSULAT?Wala naman akong partikular na genre. Nandyang nakapagsulat ako ng horror, love story, alternate history, comedy, political satire. Pero karaniwan nagmumula sa kung ano ba ang gusto kong ibahaging ideya, mga pwedeng nangyayari na hindi alam ng nakararami.ANO ANG GENRE NG IYONG MGA SINUSULAT?Higit sa lahat, kapag nanggigigil ako sa pamahalaan o sa isang sektor ng lipunan, ginagawan ko ito ng kwento, dula, tula, o isinasama ko sa nobela.

PARA KANINO KA SUMUSULAT?Sumusulat ako para sa karaniwang tao. Isa lang din akong karaniwang tao at isinasatitik ko ang mga gusto kong mabasa bilang tao. Sumusulat ako para sa karaniwang tao. Isa lang din akong karaniwang tao at isinasatitik ko ang mga gusto kong mabasa bilang tao.MGA INIIDOLONG AWTOR:Philip RothThomas PynchonJonathan LethemPaul AusterMilan KunderaJean Paul SartreAlbert CamusMGA INIIDOLONG AWTOR:Haruki MurakamiJack KerouacPedro S. DandanNick JoaquinReuel AguilaFerdinand JarinCharlson OngButch Dalisay

MGA PABORITONG AKDAMga akda ni Philip Roth, Jonathan Lethem, Thomas Pynchon, Paul Auster, Milan Kundera, at William Shakespeare;

On the Road, Love in the Time of Cholera, The Age of Reason, The Stranger, Great Expectations, History of Love, Call it Sleep, at marami pang iba.

ANG AKDA:MAY PATAY SA LOOBANTUNGKOL SA AKDAKailan at bakit ito naisulat?

Isinulat ko ito noong 2012. Isinulat ko lang ito dahil may gusto rin akong ibahaging mga kwento sa aming lugar matapos kong mabasa ang May Buhay sa Looban ni Pedro S. Dandan.TUNGKOL SA AKDANapaka-detalyado ng pagkakalarawan sa Tondo. Minsan ka bang tumira rito?

Dito ako lumaki at nakatira. Bawa't lugar ay parang Tundo, makulay, minsan nagiging itim sa dumiliteral at piguratibo.TUNGKOL SA AKDAAnong sektor ng lipunan ang kinakatawan ng karakter ni Ricky?

Wala akong naisip noong una kung anong sektor ang kinakatawan ni Ricky pero siguro siya yung gustong magsulat ng tungkol sa isang lugar o sektor na hindi niya danas. Lalo iyong mayayaman na gustong magsulat tungkol sa kahirapan.May Patay sa Looban- patay na kamalayan sa nangyayari sa paligidLiteralMaruming tubig, hangin, at tubigTatlong persona drug lord, smuggling lord, at gambling lordPabrika ng bataPiguratiboMang RomyRickyAhasPagbabago sa SariliAng paligid natin ay repleksyon ng ginagawa natin sa ating mga sarili.Hindi ikaw, Ricky. Hindi ikaw.

- Tupe