mga ala-alang hindi makakalimutan ng pananakop ng mga hapones sa pilipinas
TRANSCRIPT
MGA ALA-ALANG HINDI MAKAKALIMUTAN NG PANANAKOP NG MGA
HAPONES SA PILIPINAS
INTRODUCTION
Nakaranas na ba kayo ng panahon kung saan ang mga ala-ala na ayaw mo na
balikan ay nananatili pa rin sa isip mo? Para bang isang bata na ayaw umalis ang
kanyang ina kahit papasok na siya sa paaralan?
Yan ang nararamdaman ng mga beteranong Pilipino na namuhay noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Ang nakaraan ay para bang hinahabol at tinatakot pa rin sila
ngayon. Tuwing sila’y pumipikit lumalabas ang mga larawan na nagpapakita ng
pagdurusa , pagpapasakit, at kamatayan. Tila hindi sila papatahimikin ng mga ito
hanggang sa kani-kanilang kabao.
Ang mga sumusunod ay ang mga ginawang pananakit ng mga Hapon sa mga
Pilipino noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
KINULATA
Ang paghampas ng mga Hapones
sa katawan ng mga nahuling gerilya
gamit ang kabilang dulo ng baril.
Marami ang napilayan, nabalian ng
buto, at habangbuhay nakahilata sa kama.
PINAGSASAMPAL
Ang paglapat ng kamay ng Hapones
sa mukha ng mga Pilipino hanggang
sa mamula at magdugo ito kapag
tinatanong tungkol sa mga
Pilipinong hindi sumusunod
sa kanilang mga batas.
COMFORT WOMEN
Ang sapilitang pagkuha sa mga
kababaihan upang dalhin sa mga
bahay-aliwan para gahasain.
Ito rin ang dahilan kung bakit
maraming dalagang Pilipina ang
nag-asawa ng maaga noong panahon ng
mga Hapon para sa kanilang proteksyon.
PINUGUTAN
Ang pinakanakakasindak sa lahat ng nakakasindak..
Ito ang pagputol sa ulo ng mga inakalang mga
gerilya gamit ang matalim na samurai.
TINUBIG
Papilit na pinapasok ang tubig sa ilong at bibig ng
mga gerilya gamit ang tubo hanggang lumobo ang
tiyan at papaluin hanggang sumuka ng tubig at
dugo.
ZONA
Ikinukulong ang mga kalalakihan sa mga
eskwelahan at simbahan at hindi pinapakain, inom,
tulog at magsalita.
CONCLUSION:
Lahat ng mga ginawa ng mga Hapones sa atin ay
brutal at walang awa. Halos lahat ng mga pilipino ay
hindi sila kayang patawarin sa lahat ng kanilang
ginawa. Pero dahil sa ating mga moral, natanggap na
din natin ang lahat ng ginawa nila. Hindi lang natin
sila pinatawad ng Sali-salita lang, ngunit pinatawad
din natin sila ng buong puso. Ngunit hindi pa rin
natin makakalimutan ang mga trahedya na dinulot
ng mga Hapones sa atin.