mga bagong halal sa lungsod, naiproklama na! · ang mga batang mag-aaral mula sa upland barangays...

8
Vol. 3 No. 006 June 10, 2019 Bilang 27 HON. JULIAN EUGENE CHIPECO HON. CHARISSE ANNE HERNANDEZ HON. MARIA VIRGINIA ALCASID HON. PURSINO ORUGA HON. SOLIMAN LAJARA HON. ANGELITO LAZARO, JR. HON. SATURNINO LAJARA HON. DYAN ESPIRIDION HON. LEEANNE CORTEZ HON. JUAN LAZARO HON. JOSELITO CATINDIG HON. DOREEN MAY CABRERA CITY COUNCILORS CITY COUNCILORS HON. ROSELLER RIZAL VICE-MAYOR HON. JOAQUIN CHIPECO, JR. CONGRESSMAN HON. JUSTIN MARC CHIPECO MAYOR MGA BAGONG HALAL SA LUNGSOD, NAIPROKLAMA NA! Naiproklama na ang mga bagong halal na ginanap sa Session Hall noong May 14, 2019. Nagpasalamat si Mayor Jusn Marc “Timmy” Chipeco sa lahat ng bumoto sa kanya upang mapagsilbihan ang Calambeño sa ikatlo at pang huling termino nito bilang alkalde ng lungsod. Anya, mas lalo niyang pagbubuhin ang kanyang panunungkulan at gagawin ang lahat ng abot ng kanyang makakaya para sa kaunlaran ng lungsod. Nagbigay din ng mensahe ng pasasalamat si Congressman elect Joaquin M. Chipeco dahil sa tagal ng kanyang panunungkulan bilang isang public servant ay nakikita na ang bunga ng pagsisikap. Naging pang sampu (10) ang lungsod sa buong bansa sa pinaka mayayaman na syudad, at gumanda ang ekonomiya at dumami ang mga namumuhunan. Ang mga naiproklama ay sila Congressman Joaquin M. Chipeco Jr, Mayor Jusn Marc SB. Chipeco, Vice Mayor Roseller H. Rizal, Kasapi ng Sangguniang Panlungsod na sila Kon. Julian Eugene “Kuya Joey” Chipeco, Charisse Anne “Cha” Hernandez, Maria Virginia “Gigi” Alcasid, Pursino “Pursing” Oruga, Soliman “Rajay” Lajara, Angelito “Toe” Lazaro Jr., Saturnino “Turne” Lajara, Dyan Espiridion, Leeanne Aldabe, Juan “Johnny” Lazaro, Joselito “Jojo” Candig at Doreen May Cabrera. Ito ang unang halalan mula nang maging Lone District ang Lungsod ng Calamba. (Joel A. Cabactulan) NUMBER OF VOTES OBTAINED BY WINNING CANDIDATE source: COMELEC CONGRESSMAN: JOAQUIN CHIPECO JR. - 149,428 MAYOR: JUSTIN MARC CHIPECO - 153,549 VICE-MAYOR: ROSELLER RIZAL - 145,971 COUNCILORS: JULIAN EUGENE CHIPECO - 110,588 CHARISSE ANNE HERNANDEZ - 110,038 MARIA VIRGINIA ALCASID - 103, 956 COUNCILORS: PURSINO ORUGA - 103,573 SOLIMAN LAJARA - 103,089 ANGELITO LAZARO JR. - 96,215 SATURNINO LAJARA - 95,121 DYAN ESPIRIDION - 94,052 LEEANNE CORTEZ - 93,207 JUAN LAZARO - 88,061 JOSELITO CATINDIG - 85,675 DOREEN MAY CABRERA - 81,398 picture ctto:facebook

Upload: others

Post on 24-Jul-2020

12 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: MGA BAGONG HALAL SA LUNGSOD, NAIPROKLAMA NA! · ang mga batang mag-aaral mula sa upland barangays na mabisita ang Museo ni Jose Rizal. Aniya, nakakalungkot na malaman na marami sa

Vol. 3 No. 006 June 10, 2019 Bilang 27

HON. JULIAN EUGENE CHIPECO

HON. CHARISSE ANNE HERNANDEZ

HON. MARIA VIRGINIA ALCASID

HON. PURSINOORUGA

HON. SOLIMANLAJARA

HON. ANGELITOLAZARO, JR.

HON. SATURNINOLAJARA

HON. DYANESPIRIDION

HON. LEEANNECORTEZ

HON. JUANLAZARO

HON. JOSELITOCATINDIG

HON. DOREEN MAYCABRERA

CITY COUNCILORSCITY COUNCILORS

HON. ROSELLERRIZAL

VICE-MAYOR

HON. JOAQUIN CHIPECO, JR.

CONGRESSMANHON. JUSTIN MARC

CHIPECOMAYOR

MGA BAGONG HALAL SA LUNGSOD, NAIPROKLAMA NA!

Naiproklama na ang mga bagong halal na ginanap sa Session Hall noong May 14, 2019. Nagpasalamat si Mayor Justin Marc “Timmy” Chipeco sa lahat ng bumoto sa kanya upang mapagsilbihan ang Calambeño sa ikatlo at pang huling termino nito bilang alkalde ng lungsod. Anya, mas lalo niyang pagbubutihin ang kanyang panunungkulan at gagawin ang lahat ng abot ng kanyang makakaya para sa kaunlaran ng lungsod.

Nagbigay din ng mensahe ng pasasalamat si Congressman elect Joaquin M. Chipeco dahil sa tagal ng kanyang panunungkulan bilang isang public servant ay nakikita na ang bunga ng pagsisikap. Naging pang sampu (10) ang lungsod sa buong bansa sa pinaka mayayaman na syudad, at gumanda ang ekonomiya at dumami ang mga namumuhunan.

Ang mga naiproklama ay sila Congressman Joaquin M. Chipeco Jr, Mayor Justin Marc SB. Chipeco, Vice Mayor Roseller H. Rizal, Kasapi ng Sangguniang Panlungsod na sila Kon. Julian Eugene “Kuya Joey” Chipeco, Charisse Anne “Cha” Hernandez, Maria Virginia “Gigi” Alcasid, Pursino “Pursing” Oruga, Soliman “Rajay” Lajara, Angelito “Totie” Lazaro Jr., Saturnino “Turne” Lajara, Dyan Espiridion, Leeanne Aldabe, Juan “Johnny” Lazaro, Joselito “Jojo” Catindig at Doreen May Cabrera.

Ito ang unang halalan mula nang maging Lone District ang Lungsod ng Calamba. (Joel A. Cabactulan)

NUMBER OF VOTES OBTAINED BY WINNING CANDIDATE source: COMELECCONGRESSMAN: JOAQUIN CHIPECO JR. - 149,428MAYOR: JUSTIN MARC CHIPECO - 153,549VICE-MAYOR: ROSELLER RIZAL - 145,971COUNCILORS: JULIAN EUGENE CHIPECO - 110,588 CHARISSE ANNE HERNANDEZ - 110,038 MARIA VIRGINIA ALCASID - 103, 956

COUNCILORS: PURSINO ORUGA - 103,573 SOLIMAN LAJARA - 103,089 ANGELITO LAZARO JR. - 96,215 SATURNINO LAJARA - 95,121 DYAN ESPIRIDION - 94,052 LEEANNE CORTEZ - 93,207 JUAN LAZARO - 88,061 JOSELITO CATINDIG - 85,675 DOREEN MAY CABRERA - 81,398

picture ctto:facebook

Page 2: MGA BAGONG HALAL SA LUNGSOD, NAIPROKLAMA NA! · ang mga batang mag-aaral mula sa upland barangays na mabisita ang Museo ni Jose Rizal. Aniya, nakakalungkot na malaman na marami sa

2source: INQUIRER.NET

Page 3: MGA BAGONG HALAL SA LUNGSOD, NAIPROKLAMA NA! · ang mga batang mag-aaral mula sa upland barangays na mabisita ang Museo ni Jose Rizal. Aniya, nakakalungkot na malaman na marami sa

3

Page 4: MGA BAGONG HALAL SA LUNGSOD, NAIPROKLAMA NA! · ang mga batang mag-aaral mula sa upland barangays na mabisita ang Museo ni Jose Rizal. Aniya, nakakalungkot na malaman na marami sa

4picture ctto:facebook

picture ctto:facebook

Page 5: MGA BAGONG HALAL SA LUNGSOD, NAIPROKLAMA NA! · ang mga batang mag-aaral mula sa upland barangays na mabisita ang Museo ni Jose Rizal. Aniya, nakakalungkot na malaman na marami sa

5

MARAMING SALAMAT PO SA INYONG PAGTITIWALA.MGA MINAMAHAL NAMING CALAMBEÑO!

picture ctto:facebook

Page 6: MGA BAGONG HALAL SA LUNGSOD, NAIPROKLAMA NA! · ang mga batang mag-aaral mula sa upland barangays na mabisita ang Museo ni Jose Rizal. Aniya, nakakalungkot na malaman na marami sa

6

MGA KAGANAPAN SA IKA-ANIM NA BUHAYANI FESTIVAL AT IKA-158TH BIRTH ANNIVERSARY NI DR. JOSE RIZAL, TINALAKAY

Tinalakay ang mga kaganapan sa ika-anim na Buhayani Festival ng lungsod sa pamamagitan ng Press Conference na ginanap sa Session hall na dinaluhan ng ibat-ibang media affiliation ng Calabarzon noong May 21, 2019. Ang Buhayani Festival ay sinimulan ni Mayor Justin Marc “Timmy” Chipeco at naging matagumpay at ngayon ay umabot na sa anim na taon.

Ayon kay Ms. Larissa P. Malinao, hepe ng Cultural Affairs, Tourism and Sports Development Department layunin ng press conference ang maabot ang lahat ng tao sa magaganap mula Hunyo 8 – 24 kung saan magtatapos sa Basaan Festival.

Ayon pa kay Ms. Malinao, magiging maganda at maraming naidagdag na mga kaganapan tulad ng CalamBangka sa mga mangingisda kung saan ay magpapaligsahan ang mga mangingisda na naninirahan sa lawa ng Laguna; Spoken Words Poetry sa mga millenials kasama ng kanilang mga hugot lines at Kundiman Singing Contest ang traditional love songs na i-revive sa bagong henerasyon. May mga ihahanda ang Local Government Unit tulad ng taun-taon na ginaganap na Baile sa Bayan ni Pepe kung saan ay inaabangan ng maraming Calambeño na ang iba ay dinadaluhan pa ng mga balikbayan. Isa pa sa aabangan ay ang Buhayani Bike Festival kung saan dalawang venue ngayon na gaganapin sa Brgy. Bunggo at sa Brgy. Canlubang sa programa ng Pepedal kung saan ay magpapakita ito sa pagiging sportsman ni Dr. Jose Rizal noong siya ay

nabubuhay. Ayon naman kay City

Councilor Gigi Alcasid, mabibigyan ng pagkakataon ang mga batang mag-aaral mula sa upland barangays na mabisita ang Museo ni Jose Rizal. Aniya, nakakalungkot na malaman na marami sa mga mag-aaral ay hindi pa nakarating sa bahay ni Dr. Jose Rizal. Magiging highlight sa kanilang pagbisita ay ang magkaroon ng story telling session sa buhay ni Dr. Jose Rizal.

Ayon naman kay Ms. Noemi Talatala, hepe ng Information, Investment Promotions and Employment Services Office ang Buhayani Festival ay lalong nakikilala ang Calamba sa buong mundo dahil sa dami ng mga kababayan natin na nasa ibang bansa ang nakaabang sa pamamagitan ng social media updates kung kaya hinikayat nito ang mga dumalo sa Press conference sa paggamit ng hashtag sa araw ng may kaganapan.

Magiging kaabang-abang din sa mga Calambeño ang salu-salo ng Aning Calambeño na kung saan ay maipapakita ng bawat barangay ang kanilang mga produkto at sabay-sabay na kakain ang lahat ng dadalo sa araw ng salu-salo. Isa pa sa kaabang-abang ay ang nagbabalik na Saranggolahan ni Pepe kung saan ay may mga kalahok mula pa sa ibat-ibang lugar.

Magbabalik din ang Marching Band competition na ang mga kalahok ay

mula pa sa ibang bayan. Magkakaroon din ng Eye Care Mission, Hip Hop Dance Contest, Kuhang Buhayani, AwiTula “Alaala sa Madla at Fiesta Rizalista.

Ang pinaka highlight ng taunang Buhayani Festival ay ang pag-alala ng kapanganakan ni Dr. Jose Rizal na gaganapin sa 19, June 2019. Ito ay sisimulan ng nakasanayang pag-aalay ng mga bulaklak sa mga bantayog ni Dr. Jose Rizal. Ito ay susundan ng programa sa Museo ni Rizal sa Calamba kung saan ay itataas ang bandila ng Pilipinas kasama ng mga delegado ng NHCP, Local Government Unit ng Calamba, Provincial Government representatives, Civic Groups, Knights of Rizal at marami pang iba.

Sa hapon ay magkakaroon ng parada kung saan ay dadaluhan ng ibat-ibang delegado mula sa Academe, Private Sectors, Local Government Units, Non Government Organizations at magkakaroon ng pagandahan ng Float at ang Street Dancing mula Crossing hanggang sa Banga sa bayan.

Nagpasalamat naman sila Ms. Tessa Mar Espino na siyang nagpaliwanag tungkol sa Salu-Salo ng Aning Calamba. (Joel Cabactulan)

Page 7: MGA BAGONG HALAL SA LUNGSOD, NAIPROKLAMA NA! · ang mga batang mag-aaral mula sa upland barangays na mabisita ang Museo ni Jose Rizal. Aniya, nakakalungkot na malaman na marami sa

7

HALALAN SA CALAMBA, GENERALLY PEACEFUL -– CPS CHIEF MALINAO

Generally peaceful, ito ang naging kalagayan ng Calamba noong Mayo 13, araw ng halalan ayon kay Calamba Police Station Chief, Lt. Col Jack Malinao. Ito umano ang bunga ng ugnayan ng mamamayan at kapulisan upang isulong ang kapayapaan at pagkakaisa sa araw ng botohan.

Ayon pa kay Lt. Col. Malinao, naging madali sa kanila ang pag momonitor sa kanilang mga tauhan na naka duty

sa bawat presinto sa bawat barangay sa pamamagitan ng live feed video na ipinapadala sa kanilang opisina. May national monitoring din ang Pambansang Pulisya sa Camp Crame na mayroong National Election Monitoring Action Center (NEMAC) upang malalaman ang mga kaganapan mula mismo sa mga barangay sa buong bansa.

Nagtatag din ang PNP ng task force kontra o vote buying at binantayan din ang mga naglabag sa Omnibus Election Code tulad ng pagbabawal ang pagdadala ng mga matutulis na bagay o ang posibleng pang gugulo sa mga presinto.

Nagpasalamat si Lt. Col. Malinao sa lahat ng mga Calambeño sa pagiging mahinahon at pakikipagtulungan sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan ng araw ng halalan. (Joel Cabactulan)

BRIGADA ESKWELA SA CALAMBA, UMARANGKADA NA

Calamba City, - Isinagawa ang District Brigada Eskwela kick off ngayong araw, 22 May 2019 kung saan sinimulan ng Motor-cade at programa sa Real Ele-mentary School. Layunin nito ang mapalakas ang ugnayan ng mga estudyante, guro at mga magulang na sama-samang maglilinis ng mga silid aralan bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan ngayong buwan ng Hunyo.

Ayon kay Mr. Rey Perillo, Punong Guro ng Real Ele-mentary School, taun-taon ay

tulong tulong ang lahat ng mga magulang at mga mag aaral ng kanilang paaralan sa paglilinis. Nagpapasalamat din siya na sa kanilang paaralan napili ang kick off ngayong taon. Nag-pasalamat din si Mr. Perillo sa suporta ng Sangguniang Baran-gay ng Real sa pangunguna ni Kapitan Florencio Morales Jr, sa Parent Teacher Association, mga mag-aaral at ibang school na kabilang sa Calamba East 5 District.

Ayon naman kay Dr. Mariliza T. Espada, East 5 District Su-

HYBRID ELECTRIC TRAIN BIYAHENG CALAMBA – ALABANG VICE VERSA, LAKING GINHAWA SA MGA MANANAKAY, AYON SA DOST

Laking ginhawa umano ng mga mananakay ang pagkakaroon ng byahe ng tren mula Calamba – Alabang at vice versa ayon kay Engr. Roland Ibueg ng DOST 4-A. Ayon kay Engr. Ibueg, nagsimulang bumiyahe ang tren noong May 6 at ito ay libre pa sa mga mananakay hanggang

May 23, 2019 bilang test drive. Ito ay pinapatakbo sa pamamagitan ng electronics at diesel. Ang mga salamin nito ay gawa ng fiber glass upang di mabasag kung sakali mang batuhin ito. Pinag-aaralan din ng kanilang tanggapan ang karagdagang tren kung kinakailangan.

(Joel A. Cabactulan)

pervisor, ang District Brigada Eskwela ay para sa kaayusan at kahandaan ng mga paaralan para sa pagbubukas ng pasu-kan. “Importante ang pagpa-plano ng sama-sama upang maging matagumpay ang mga gawain. Kung tayo ay sama-sa-ma na magtatrabaho ay mas magiging matagumpay ang

lahat ng ito”, dagdag pa ni Dr. Espada. Hinikayat nito ang la-hat na stakeholders na makiisa para sa kaayusan at kalinisan ng bawat paaralan.

Ang Brigada Eskwela ay mula May 22 hanggang May 27, 2019. (Joel A. Cabactulan)

Page 8: MGA BAGONG HALAL SA LUNGSOD, NAIPROKLAMA NA! · ang mga batang mag-aaral mula sa upland barangays na mabisita ang Museo ni Jose Rizal. Aniya, nakakalungkot na malaman na marami sa

https://www.facebook.com/attyjustinmarcsbchipeco/

https://www.facebook.com/calambalita

https://www.facebook.com/iipeso.calamba

https://www.facebook.com/CcioIipeso/

https://www.facebook.com/kalanbangaDEN/