mga bahagi ng pananalita
TRANSCRIPT
Mga Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pangngalan
Ang pangngalan ay isang bahagi ng pananalitang nagsasaad ng pangalan ng tao, bagay , hayop, lunan, pangyayari at okasyon. Ito ay tinatawag na noun sa wikang Ingles.Ang pangngalan ay may dalawang uri ng pangngalan, ito ang pambalana at pantangi.
Halimbawa:
1. Siya ay isa sa mga estudyante ng Ashford Academy.2. Saang parke ang ba kayo pupunta?
Pangngalang Pambalana
Ang pangngalang pambalana ay isinusulat o nagsisimula sa maliliit na titik. Ito ay isang uri ng pangngalan na tumutukoy sa karaniwang o hindi tiyak na pangngalan ng tao, bagay, hayop, at lugar. Halimbawa, hindi tiyak kung sinong guro, kung sinong bata, kung anong distrito o kung anong bansa. Ito ay tinatawag na improper noun sa wikang Ingles.
Halimbawa:
1. Sino ang kauna-unahang bayani ng Pilipinas?2. Maari mo ba akong hiramanan ng isang aklat.
Pangngalang Pantangi
Ang pangngalang pantangi ay isinusulat o nagsisimula sa malalaking titik. Ito ay ginagamit na ginagamit pantukoy o pantawag sa tiyak at tanging ngalan ng tao, bagay, hayop,at lugar. Iti ay tinatawag na proper noun sa wikang Ingles.
Halimbawa:
1 | P a g e
1. Si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay bise-presidente noon ni dating pangulong Estrada.
2. Sa Japan nakatira ang kanyang pamilya.
Uri ng Pangngalan
Uri ng Pangngalan
Bukod sa katuturan ng pangngalan ay, mayroon din tayong itinututuring na uri ng pangngalan.
Katuturan ng Uri ng Pangngalan
1. Kongkreto o Tahas
Ang kongkreto o tahas ay isa sa katuturan ng uri ng pangngalan na kapag ang pangngalang tinutukoy ay nakikita, nahihipo, nahahawakan, o nailalarawan.
Halimbawa: damit, trak, kamatis, pizza, mata
1) Ang dumi naman ng damit mo.2) Gamitin niyo na lang ang trak para mas mabilis ang
pag-uwi niyo.3) Bata pa lang ay mahilig ng kumain si Claudia ng
pizza.2. Di-kongkreto o Basal
Ang di-kongreto o basal ay halos kabaligtaran ng kongkreto o tahas. Dahil ang di-kongkreto o basal ay katuturan ng uri ng pangngalan na kapag ang pangngalang tinutukoy ay hindi materyal na mga bagay kundi diwa o kaisipan; hindi man ito aktwal na nakikita, nararamdaman naman.
Halimbawa: lambing, poot, galit, pagod, bait
2 | P a g e
1) Tanging lambing lang nakakapawi sa kanya pagkauwi niya mula sa trabaho.
2) Poot ang laging sumisira ng isang pagkakaibigan.3) Ang kanyang galit sa iyo ay walang kapantay kung
ipagkukumpara mo sa ibang mga tao.3. Lansak
Ang lansak ay isa rin sa katuturan ng pangngalan na kung katuturan ay karamihan, kabubuan o katipunan ng maramihang pangngalang. Ito rin ay tinatawag na pangngalang lansakan o palansak.
Sa diksyunaryo, sinasabing ang kahulugan ng lansak ay palansak, maramihan, o pangkat-pangkat. Kaiba sa isahan o paisa-isa. Ang ibig sabihin ay maraming tao, bagay, hayop, o pook ang tinutukoy na salita.
Halimbawa:
1. Langkay-langkay (pangkat-pangkat o marami)2. Pamilya o angkan (binubuo ng ilang kasapi)3. Grupo (singkahulugan ng pangkat)4. Tribo o lipi (binubuo ng mga angkan)
Ang Pangngalan bilang Iba’t Ibang Bahagi ng Pangungusap
Ang Pangngalan bilang Iba’t ibang Bahagi ng Pangungusap
Ang mga pangngalanay maaring gamitin bilang simuno, kaganapang pansimuno, tuwirang layon, o di-tuwirang layon.
Bilang simuno1. Natutuwa si Dwaine.2. Naliligo sa ilog ang kabayo.3. Nagtaka si Nina.
Bilang kaganapang pansimuno o panaguri1. Si Arianne ang amo ng kabayo.2. Ang kalabaw ay mabait.3. Ang handa sa kasal ay litson.
3 | P a g e
Bilang tuwirang-layon1. Nagbibigay ng gatas ang kalabaw.2. Pinakakain ng pagkaing pampataba ang mga baboy.3. Pinadalhan ng sulat si Frances.
Bilang di-tuwirang layon1. Nagpadala ng sulat kay Dwaine ang kanyang Tito Jerry at Tita Lisa.2. Laging may sorpresa para kay Dwaine ang magpinsan.3. Ikinwento ng bata sa ina ang tungkol sa baboy na lilitsunin.
Ang Panghalip
Panghalip
Ang panghalip ay bahagi rin ng pananalita. Ito ay ginagamit panghalili o pampalit sa mga pangngalan sa isang pangungsap o talata.
Halimbawa:
1. Itinatag ni Andres Bonifacio ang Katipunan. Sa gayon, kinilala si Andres Bonifacio bilang Ama ng Katipunan.
Itinatag ni Andres Bonifacio ang Katipunan. Sa gayon, kinilala siya bilang Ama ng Katipunan.
2. Tinawag na Dakilang Dukha si Andres Bonifacio dahil sa paglilingkod ni Andres Bonifacio sa kabila ng kahirapan ng pamilya ni Andres Bonifacio.
Tinawag siyang Dakilang Dukha dahil sa paglilingkod niya sa kabila ng kahirapan ng kanyang pamilya.
Mga Uri ng Panghalip
Panghalip Panao
Ang panghalip panao ay panghalip na ginagamit na kapalit o panghalili ng pangngalan ng tao.
Halimbawa:
4 | P a g e
1. Si Gloria ay nahihiya dahil sa hindi nakapagtapos ng pag-aaral ang kanyang.
2. Siya ay nahihiya dahil sa hindi nakapagtapos ng pag-aaral ang kanyang.
Ang panghalip panao ay maaring mapangkat sa tatlo: panghalip panao sa anyong ang, panghalip panao sa anyong ng, at panghalipsa anyong sa. Ang unang pangkat ay tinatawag ding palagyo,samantalangang ikalawa ay tinatawag namang kakulang paari, at ang ikatlong pangkat ay palayon.
TSART NG MGA PANGHALIP PANAO
Kailanan o Panauhan
Anyong ang
(palagyo)
Anyong ng
(paukol)
Anyong sa
(paari)Isahan
Una
Ikalawa
Ikatlo
ako
ikaw,ka
siya
ko
mo
niya
akin
iyo
kanyaDalawahan
Una
Ikalawa
Ikatlo
kita, tayo
kayo
sila
natin
ninyo
nila
Atin
Inyo
kanilaMaramiha
n
Una
Ikalawa
kami
kayo
sila
namin
ninyo
nila
amin
inyo
kanila
5 | P a g e
Ikatlo
Panghalip Panananong
Ang panghalip panananong ay isang uri ng panghalip na nagtatanong.
Halimbawa:
1. Ilan ba ang naiwan na chalk doon sa kahon?2. Alin ba ang ating unang paaralan?3. Gaano ba kahalaga ang magtiwala sa ating sarili?4. Bakit mahalaga ang bahagi ng aklat?5. Sino ba ang bago mong kaibigan?
Dalawa ang bilang ng panghalip panananong: isahan at maramihan.
Panghalip Pamatlig
Ang panghalip pamatlig ay isang uri ng panghalip nanagtuturo ng kinaroroonan ng tao, bagay, hayop, at lugar.
Malapit sa nagsasalita ang tinutukoy ng mga panghalip na pamatlig na dito, rito, at dine. Malayo naman sa nagsasalita ang tinutukoy ng doon, roon, diyan at riyan.
Halimbawa:
1. Dito ko kayo hihintayin.2. Anak, huwag kayo riyan maglaro.3. Hinde ako aalis dine.4. Doon kayo sa loob ng bakuran.5. Uupo lang ako rito.6. Maraming sasakyan diyan.
Panghalip Patulad
Ang panghalip patulad ay isang uri ng panghalip na ginagamit sa paghahambing o pagtutuladng mga tao, bagay, hayop at lugar.
6 | P a g e
Halimbawa:
1. “Ganito ang buhay namin noon”,ang sabi ng lolo sa kanyang apong sa Nicole.
2. “Marahil presko sa ganyang bahay, ano lolo?”3. “Ganyan ang mga sasakyan, mga kalesa, at karetela,” dugtong pa ni lolo.4. “ Ganire ang aming mga bahay, lalo nansa mga baryo,”sabay turo sa bahay
yari sa nipa at sawali.5. “Pero lolo, palagay ko’y mabagal ang ganyang kalesa at karetela,” wika ni
Ramon, “kaysa sa mga kotse, bus at traysikel.”6. Ganoon ang mga gamit sa bukirin. 7. Ganoon ang pangbayo ng palay.
Panghalip Panaklaw
Ang panghalip panaklaw ay isang uri ng panghalip na sumasaklaw sa bilang, dami, o kaisahan ng tao, bagay, o lugar.
Halimbawa:
1. Natuwa ang marami nanag pirmahan ng dating pangulong Ramos ang batas na lumikha sa Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care noong 1997.
2. Natuwa ang balana.3. Gagamitan ang kapangyarihan ng batas kaninuman.4. Panay ang papuri at pasasalamat.5. Lahat ay nagdiwang para sa natanggap na parangal ng institutusyon.
Mga Gamit ng Panghalip
Bilang simuno- Ang panghalip ay maaring gamitin bilang simuno ng pangungusap.
Halimbawa:1. Darating sila upang humingi ng tulong para sa mga nabiktima ng
bagyong Ondoy.
7 | P a g e
2. Kumusta ka? Bilang Panaguri- Ang panghalip ay maaring gamitin bilang kaganapang
pansimuno o panaguri.
Halimbawa:
1. Siya ang aking pinsan.2. Kayo ang nanalo sa paligsahan.
Bilang layon- Ang panghalip ay maaring gamitin bilang layon ng pang-ukol at tuwirang layon.
Halimbawa:
1. Sa inyo sila magtatanghalian.2. Tinawag siya ng kanyang magulang.
Bilang pinaglalaanan- Ang panghalip ay maaring gamitin bilang di-tuwirang layon o pinag-uukulan.
Halimbawa:1. Para sa kanya ang regalong ito.2. Gagawin ko ang lahat para sa iyo.
Ang Pandiwa
PandiwaAng pandiwa ay isang bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw.
Ang pandiwa ay ang nagbibigay-buhay sa pangungusap. Nagagamit din ang pandiwa sa pagsasalaysay at pagsusulat. Ginagamitan ito ng mga panlapi at salitang-ugat upang mabuo at maipakita ang iba’t ibang ng askpeto.
Halimbawa:
1. Maraming nangangarap na umunlad sa pamumuhay.2. Inani ng mga magsasaka ang kanilang panananim na palay.3. Mapipilitan silang lumusong sa tubig.4. Pinamumunuan ni Magellan sa Cebu ang ekspedisyon.5. Hindi ako papayag.
8 | P a g e
Ang Tatlong Askpeto ng Pandiwa
Aspetong Pangnakaraan o Perpektibo
Nagpapahayag ang aspetong pangnakaraan o perpektibo ng kilos o galaw na nasimulan na at natapos na.
Ginagamit ang mga panlaping na-, nag-, nakapag-,um-, at in- sa pagbuo ng pandiwang nagawa na.
Halimbawa:
1. Naunawaan ng mga estudyante ang leksyon dahil maayos itong naipaliwanag ng titser.
2. Umunlad ang bansang Japan dahil sa makabagong teknolohiya. Aspetong Pangkasalukuyan o Imperpektibo
Ang aspetong pangkasalukuyan o imperpektibo ay nagsasaad ng kilos na nasimulan na ngunit hindi pa natatapos at kasalkuyang pang ipinagpapatuloy. Nabubuo ito sa pamamagitan ng pag-uulit ng unangpantig ng salitang-ugat.
Ginagamit ang mga panlaping na-, nag-, nakapag-, um-, at in-, din ngunit inuulit ang unang pantig ng salitang-ugat sa pagbuo ng pandiwang may aspektong ginagawa.
Halimbawa:
1. Maraming nangangarap na umunlad sa pamumuhay.2. Ang kanilang mga pana, palaso at kampilan ay kumikinang sa bawat tama
ng liwanag. Aspetong Panghinaharap o Kontemplatibo
Ang aspetong panghinaharap o kontemplatibo ay naglalarawan ng likos na hindi pa nasisimulan. Nabubuo ito sa pamamagitan ng pag-uulit ng unang pantig ng salitang-ugat.
Ginagamit ang mga panlaping ma-, mag-, makapag-, um-, at in-, at inuulit ang unang pantig ng salitang-ugat sa pagbuo ng pandiwang may aspektong gagawin pa.
9 | P a g e
Halimbawa:
1. Hindi ako papayag.2. Mapipilitan silang lumusong sa tubig.
Ang Pang-uri
Pang-uri
Ang pang-uri Ay isang bahagi ng pananalita nanagsasaad ng katangian o uri ng tao, hayop, bagay, lunan o pangyayari ng tinutukoy ng pangngalan o panghalip na kasama nito sa loob ng pangungusap. Sinasabi ang uri, bilang, hugis, laki, ayos, o kulay ng pangngalan o panghalip.
Halimbawa:
1. Malubhang suliranin ng makabagong daigdig ang labis na populasyon.2. Kulang ang pagkain sa mahihirap na bansa.3. Dumarami ang nakakalat na basura.4. Ang dating malinaw at asul na dagat ay mababaw at maitim na ngayon.5. Ang dating luntiang paligid ay madilim na.
Mga Iba’t Ibang Gamit ng Pang-uri
Panuring ng pangngalan o panghalip
Halimbawa:
1. Marangal na tao ang pinagpapala.2. Masaya siya sa kanyang kalagayan ngayon.
Pang-uring ginagamit bilang pangngalan
Halimbawa:1. Ang mapagtimpi ay malayo sa gulo.2. Ang matulungin ay binibiyayaan ng Panginoon.
Pang-uring kaganapang pansimuno
Halimbawa:1. Ang mga Pilipino ay madalasin.
10 | P a g e
2. Masayahin ang batang iyan.
Ang Pagpapangkat o Pag-uuri ng Pang-uri
PanlarawanIto nag pang-uring naglalarawan ng hugia , kulay, laki, anyo, bilang, sukat,
lasa, o lagay ng salitang pangngalan o panghalip. Pamilang
Ito ang pang-uring nasasabi ng bilang, halaga, o dami ng inilalarawang pangngalang o panghalip.
PantangiIto ang mga pang-uring hango sa mga pangngalang pantangi.
Tatlong antas ng Pang-uri
Tatlong antas ng Pang-uri
Lantay
Ito ang antas ng pang-uri kapag inilalarawan ang isang pangngalan.Walang paghahambing na ginagawa.
Halimbawa :
1. Si Beth ay isang masunurin na bata sa kanyang mga magulang.2. Isang magandang bata si Eliza dahil isa siyang mabait na bata.
Pahambing
Ito ang antas ng pang-uri na kapag dalawang pangngalan amg pinaghahambing. Sinasabi amg kahigitan o kakulangan ng isa sa isa.
Halimbawa:
1. Si Gerald ay mas matangkad kay Ivan ng kaunti.2. Sa tingin ko, mas makulit si Karl kaysa kay Jhonwel.
Pasukdol
11 | P a g e
Ito ang antas ng pang-uri na kapag inihahambing ang isa sa marami. Sinasabi ang kahigitan o kakulangan ng isa sa marami.
Halimbawa:1. Ang kabayo ni Lisa ay ang pinakamabilis na kabayo sa lahat.2. Ang pinakamatangkad na lalaki sa ika-anim na baitang ay si Jayron.
Uri ng Pang-uri
PayakIto ay binubuo ng salitang-ugat lamang.
Halimbawa:1. Pwede bang paki palitan ang basa mong damit.2. Ang sapatos at damit ni Analisa ay bago.
MaylapiIto ay isang uri ng pang-uri kung saan ang pang-uri ay binubuo ng salitang-
gat at panlapi.Halimbawa:
1. Isang ulirang na ina si alvina sa kanyang mga anak.2. Ang mabuting bata ay laging sumusunod sa mga magulang.
InuulitDito ang pang-uri ay binubuo ng pag-uulit sa salitang-ugat o sa pang-uring
maylapi.Halimbawa:
1. Magandang-maganda ang suot na korona ng nahirang na bagong nahirang na Bb. Pilipinas.
2. Laging mabiling-mabili ang ang mga produktong galing Baguio. Tambalan
Ito ay binubuo ng dalawang magkaibang salita.Halimbawa:
1. Walang natatapos na gawain ang isang isip-dukha na tao.2. Ang anak ni Aling Luisa ay nagdilang-anghel yata dahil sa nagkatotoo ang
kanyang sinabi.
12 | P a g e
Ang Pang-abay
Pang-abay
Ang pang-abay ay isang bahagi ng pananalitang naglalarawan sa pang-uri, pandiwa, at kapwa pang-abay.
Halimbawa:
1. Patakbo siyang sumugod sa ospital para sa inang may sakit. 2. Marahang binuksan ni Shirley ang pinto saka dahan-dahang lumapit kay
Milly.
Ang Mga Uri ng Pang-abay
Pang-abay na pamanahonIto ay sumasagot sa tanong na kailan.
Halimbawa: 1. Maya-maya n lang tayo maglaro doon sa parke.2. Noon lagi kaming pumupunta dito para kumain at magkwentuhan.
Pang-abay na PanlunanIto ay sumasagot sa tanong na saan.
Halimbawa:1. Baka nagpunta lang po sila sa gubat para hanapin ang kwintas ni Cornelia.2. Sanay nang gumamit ng kompyuter ang mga mag-aaral sa Colegio de San
Pedro Pang-abay na pamamaraan
Ito ay sumasagot sa tanong na paano.Halimbawa:
1. Madali siyang tumakbo para mahabol ang pusa ni Suzaku.2. Kaylakas ng binatuhan ni Winry si Edward ng isang aklat .
Sanhi at Bunga
SanhiAng sanhi ang sinasabing dahilan o ang sanhi ng isang pangyayari.
13 | P a g e
BungaAng bunga ang epekto ng kung ano ang nangyari.
Halimbawa:
Sanhi BungaNatulog sa klase si Kallen
habang nagbibigay ng pagsusulit ang kanyang guro.
Napagalitan siya ng kanyang guro at ibinagsak sa pagsusulit.
Laging abala at walang oras ang mga magulang ni Mia.
Kaya naging pasaway at rebeldeng bata si Mia.
Nanonood palagi si Cecille ng mga gabing-gabing mga palabas sa telebisyon.
Kaya lagi siyang nahuhuli sa trabaho niya at laging napapagalitan ng kanyang amo.
14 | P a g e
Talasalitaan
Pikit-mata – bulagImbitasyon – paanyayaNakatakda – nakatadhanaKinalakhang – kinagisnanSet-ap–nakatakdang kaayusanPangunahing- kilalaTrend maker- pagapausoSarbey- nagtanong-tanongPulso-pintigNaglunsa-nagsimulaPumukaw-gumisingPinarangalan-pinurihanHumalina-umakitPinag-ukulan – pinaglaananUmuukilkil- gumuguloGabay-gaydProseso- paraanPasulong- paabanteTigib- pusposImbensyon-likha
15 | P a g e