mga hayop sa pilipinas

2
Jelyn B. Areño BSIT-NW1C MGA HAYOP SA PILIPINAS ni: Avon Adarna Labing-apat na hayop, nagtumaas, nagtumayog, Nagharing uri sa pedestal at bantayog, Niyukuran, tiningala, sinamba't sinunod, Yaman, kapangyarihan ang sa kanila’y bumusog. Masang alipin ‘di na alam kung saan susuling, Pumurol na ang tabak, natunaw sa libing. Ang ganti sa hagupit ng hayop na kapiling Mga piping hiyaw, mga luhang haling! Tangả ang sisira sa kalawang na bakal, Yuyurakan ka kahit na luhuran,

Upload: caitlin-walters

Post on 03-Nov-2014

230 views

Category:

Documents


1 download

TRANSCRIPT

Page 1: Mga Hayop Sa Pilipinas

Jelyn B. Areño BSIT-NW1C

MGA HAYOP SA PILIPINASni: Avon Adarna

Labing-apat na hayop, nagtumaas, nagtumayog,

Nagharing uri sa pedestal at bantayog,Niyukuran, tiningala, sinamba't sinunod,Yaman, kapangyarihan ang sa kanila’y

bumusog.

Masang alipin ‘di na alam kung saan susuling,Pumurol na ang tabak, natunaw sa libing.Ang ganti sa hagupit ng hayop na kapiling

Mga piping hiyaw, mga luhang haling!

Tangả ang sisira sa kalawang na bakal,Yuyurakan ka kahit na luhuran,

Timawang hayop sa gutom ay basal,Walang pagkilala kay Bathala at dasal!

Sa hukom ng Hari doon ang higanti,Pagsibol ng araw sa dilim ng gabi,

Mga hayop na busog at mga nakangisi,Sa apoy ng impiyerno, hahantong sa huli!

Page 2: Mga Hayop Sa Pilipinas