mga hudyat ng bagong kabihasnan

3
Mga Hudyat ng Bagong Kabihasnan Ni Simon A. Marcelo “Walang mangyayari sa balat ng lupa, Di ma’y kagalingang iyong ninanasa.” all: Kumislap ang isip ng pantas na malay At ang sandaigdig ay naliwanagan Nagsipamulaklak ng dunong na yaman Ang nangagpunyaging paham na isipan; At tayo’y nagising sa bagong kandungan Ng pagkakasulong ng sandaigdigan! jomar: Natuklas ng dunog na kahanga-hanga Ang Atom na siyang panggunaw sa lupa; Tila niloob ng Poong Bathala Na tayo’y matapos sa sariling nasa; Nakapabingit na sa pagkariwara Ang ating daigdig na lutang sa luha! ira: Sa bagong liwanag ng pagkakasulong Ay nangatuklasan ang lihim kahapon; Ang mundo’y kumitid sa lipad ng dunong, Nalakbay ang langit ng bakal na ibon, Nasisid ang mga dagat na maalon Ng taong palakang nagwagi sa layon! Jackie: Sa bilis ng bagong nilikhang panuklas Narating ang buwan ng bakal na limbas; Noon naman unang sa buwa’y lumunsad Ang dalawang bunying astronauts na tanyag; Subalit hindi pa lubos na matiyak Kung ang buhay rito doo’y magluluwat. all: Sa niyanig – yanig ng mundong mabilog Kapag may malaking bombang sinusubok, Ang ehe ng mundo, ay baka mahutok At saka malihis sa kanyang pag-ikot, Pag ito’y nangyari, mundo’y matatapos Dahils sa paghinto ng kanyang pag-inog! axl Hindi lamang iyan, may panganib pa ring Ang mundo’y matapos hindi man mithiin, Sa dalawa kayang malakas ay alin Ang hindi magnasang ang isa’y linlangin? Mundo’y matatapos, dapat na tantuin, Sa sandaling biglang ang isa’y magtaksil! bjork: May panganib pa rin sa bawat pagsubok Ng bombang may lasong buga sa fallout; Ito kung pumuksa sa tao’y kilabot Higit na mabangis sa alinmang salot; Pag ito’y kumalat ay katakut-takot, Walang mabubuhay sa buong sinukob! xtian Sa ngayon, sa hanging ating nilalanghap Ay may kahalo nang maruruming sangkap; Kapag ito’y hindi nalunasan agad Ay sa lason tayo mapupuksang lahat; Kung bakit ang tao’y habang umuunlad Saka nalalapit na lalo sa wakas! clarence Nang ang Hiroshima’t Nagasaki’y minsang Bagsakan ng bombang karaniwan lamang, Sa dalawang pook na pinaghulugan Ay napakaraming nakitlan ng buhay; Kung ang ibabagsak ay bombang panggunaw Dagat na ang Hapon sa kasalukuyan! magdua: Pag bombang agawton ang siyang ginamit Sa Luson, Bisaya, Mindanaw, karatig,

Upload: jomar-calauod

Post on 30-Oct-2014

702 views

Category:

Documents


1 download

DESCRIPTION

Mga Hudyat ng Bagong Kabihasnan ni SIMON A MARCELO

TRANSCRIPT

Page 1: Mga Hudyat ng Bagong Kabihasnan

Mga Hudyat ng Bagong Kabihasnan Ni Simon A. Marcelo

“Walang mangyayari sa balat ng lupa,Di ma’y kagalingang iyong ninanasa.”

all:Kumislap ang isip ng pantas na malayAt ang sandaigdig ay naliwanaganNagsipamulaklak ng dunong na yamanAng nangagpunyaging paham na isipan;At tayo’y nagising sa bagong kandunganNg pagkakasulong ng sandaigdigan!

jomar:Natuklas ng dunog na kahanga-hangaAng Atom na siyang panggunaw sa lupa;Tila niloob ng Poong BathalaNa tayo’y matapos sa sariling nasa;Nakapabingit na sa pagkariwaraAng ating daigdig na lutang sa luha!

ira:Sa bagong liwanag ng pagkakasulongAy nangatuklasan ang lihim kahapon;Ang mundo’y kumitid sa lipad ng dunong,Nalakbay ang langit ng bakal na ibon,Nasisid ang mga dagat na maalonNg taong palakang nagwagi sa layon!

Jackie:Sa bilis ng bagong nilikhang panuklasNarating ang buwan ng bakal na limbas;Noon naman unang sa buwa’y lumunsadAng dalawang bunying astronauts na tanyag;Subalit hindi pa lubos na matiyakKung ang buhay rito doo’y magluluwat.

all:Sa niyanig – yanig ng mundong mabilogKapag may malaking bombang sinusubok,Ang ehe ng mundo, ay baka mahutokAt saka malihis sa kanyang pag-ikot,Pag ito’y nangyari, mundo’y matataposDahils sa paghinto ng kanyang pag-inog!

axlHindi lamang iyan, may panganib pa ring

Ang mundo’y matapos hindi man mithiin,Sa dalawa kayang malakas ay alinAng hindi magnasang ang isa’y linlangin?Mundo’y matatapos, dapat na tantuin,Sa sandaling biglang ang isa’y magtaksil!

bjork:May panganib pa rin sa bawat pagsubokNg bombang may lasong buga sa fallout;Ito kung pumuksa sa tao’y kilabotHigit na mabangis sa alinmang salot;Pag ito’y kumalat ay katakut-takot,Walang mabubuhay sa buong sinukob!

xtianSa ngayon, sa hanging ating nilalanghapAy may kahalo nang maruruming sangkap;Kapag ito’y hindi nalunasan agadAy sa lason tayo mapupuksang lahat;Kung bakit ang tao’y habang umuunladSaka nalalapit na lalo sa wakas!

clarenceNang ang Hiroshima’t Nagasaki’y minsangBagsakan ng bombang karaniwan lamang,Sa dalawang pook na pinaghuluganAy napakaraming nakitlan ng buhay;Kung ang ibabagsak ay bombang panggunawDagat na ang Hapon sa kasalukuyan!

magdua:Pag bombang agawton ang siyang ginamitSa Luson, Bisaya, Mindanaw, karatig,Dahilan sa lakas na napakalabisAng sangkapulua’y lulubog sa tubig;Huwag nawa sanang loobing ng langitNa ang Santinakpa’y maglaho sa titig!

allAng pag-uunahan ng dalawang lakasNa sa kalawakan ay magharing ganap,Ay nagbababalang di na magluluwatAt tayo sa digma’y muling magsisiklab;Maanong loobin ng nasa ItaasNa huwag na sanang dumating ang

wakas!

Jackie,tracy ren jomar xtian frolan:Ang Arabya, Jordan, Israel, Ehipto,Cambodia’t Vietnam, nag-iipu-ipo;Ang hihip ng hangin kapag di nagbagoSa apoy ng digma’y masusunog tayo;Lalo pag ang Tsina’y nagtaas ng uloAt saka ang Rusya’y gumamit ng Maso!

clar ira axl bjork:Nais na lamugin ng Maso at KaritKung magagawa lang, ang lupa at langit;Ang Agila naman sa pagpupumilitNa siyang mauna’y hindi matahimik;Bakit ba kung sino ang sa yama’y labisSiyang mapangamkam, siyang mapanlupig?

all:Wala pang sanggol sa kasalukuyanSa pagbombang higit ang bilis sa ingay,Kaya kapag tayo’y biglang sinalakayDi makahanda nais mang lumaban;Dahil dito kaya dapat pagsikapanNa mapagkasundo ang sangkatauhan!

allHindi nga masamang ang Tao’yLalo kung may mithing dakila at tapat,Pagkat likas lamang sa taong maghangadKung nasa ibaba, na siya’y mataas,Nguni’t ang masama’y ang magpakapantasUpang ang mabuting binuo’y iwasak!

allDi dapat gumamit ng mga sandatangBukod sa pangwakas, may lasong kasama;Idalangin nating magkaisa sanaAng sangkatauhan sa mithi at pita;Pag tayo’y nabubuklod na gintong panataAng sandaigdiga’y wala nang balisa!

renKapag nagkaroon ng lason sa tubigGayon din ang hangin na dating malinis,Lahat ng may buhay sa Silong ng langitAy matatapos nang parang panaginip;Saka lamang naman magiging tahimikKung dito’y wala nang mga manlulupig

Page 2: Mga Hudyat ng Bagong Kabihasnan

axlDahil dito kaya kinakailangangIwasabn ang imbot at mga hidwaan;Pagsikapan nating tuparing lubusanAng aral na tayo ay mangan-ibigan;Sapagka’t ang Eden ay naglaho lamangNang si Ada’t Eva’y lumabag sa aral!

tracyAgawin sa kamay ng imbot at inggitAng kapayapaan nitong sandaigdig;Sugpuin ang dahas at lakas ng lupitSa pamamagitan ng Santong Matuwid;Ang Diyos ay gising, di ipagkakaitAng Kanyang saklolo sa api at amis!

allKapag ang Ama nang MakapangyarihazAng siyang nagtanggol sa aping kat’wiran,Hindi maglalao’t ang sangkatauhan aymakakandon sa ang kalwalhatian;Saka ang ligalig na sandaigdiganAy mahihimbing na sa katahimikan.

Ps: PAKI MEMORIZE ANG MGA PART NYO.. PRAKTIS TAYU SA MONDAY 10 :00 SA SKUL NA AGAD.

TAS ICP NA KAYU NG COSTUME NA PEDENG SUOTIN NYO NA BABAGAY SA KUNG ANUNG SASABIHIN NYO. PLEASE COOPERATE! THANKYOU..

PRESSURE IS ON.. THIS WEEK NA ATA TO!!