mga impraestruktura para sa transportasyon
TRANSCRIPT
Mga
Impraestruktura
para sa
Transportasyon
isang mahaba, patag, aspaltado o
sementado na ruta o daan na
ginagamit sa paglalakbay ng mga
sasakyang panlupa.
Pinagdurugtong ng mga kalsada
ang mga bayan at lungsod ng
lalawigan at pinapadadali ang
paglalakbay patungo at pabalik sa
naturang mga lugar.
Kalsada
Ang pinakamahabang kalsada sa bansa ay ang Pan-Philippine Highway na kilala rin bilang Maharlika Highway. Ito ay may habang 3 517 km at nag-uugnay sa mga lalawigan ng Luzon, Samar, at Leyte sa Visayas, at mga lalawigan sa Mindanao. Ang pinakahilagang bahagi ng kalsadang ito ay nasa lalawigan ng Ilocos Norte sa Luzon habang ang pinakatimog na bahagi naman ay nasa lungsod ng Zamboanga sa Mindanao.
Pan-Philippine
Highway
(Maharlika
Highway)
Tulay ay impraestrukturang itinayo upang
idugtong ang dalawang lugar nang
hindi isinasara ang anyong tubig,
lambak, riles, o kalsada na nasa ilalim
nito. Mahalaga ang tulay upang
mabawasan ang haba ng pagbiyahe
at ang panganib sa pagtawid ng
mga sasakyan.
Ang Tulay ng San Juanico ang pinakamahabang tulay sa Pilipinas. Ito ay may sukat na 2.16 km.
Pinagdurugtong nito ang mga pulo ng Samar at Leyte sa Visayas.
Riles at Estasyon ng Tren
ay pares o mga pares ng mahahabang daang-bakal na tinatakbuhan ng mga treng naghahatid ngmga pasahero, kagamitan, at produkto patungo sa mga lugar na may estasyon hanggang dulo ng destinasyon. Mahalaga ang transportasyon sa riles dahil nakapaghahatid ito ng mas maraming pasahero at produkto sa iba’t ibang lugar nang walang problema sa daloy ng trapiko.
Ang Philippine National Railways o PNR ang pinakamatandang
kompanya ng transportasyon sa
riles sa Pilipinas.
Paliparan
ay impraestruktura na binubuo ng mga
landas (runways) at mga gusali para sa pag-alis, paglapag, at pananatili ng
mga eroplano at iba pang sasakyang
panghimpapawid. Isa ang Iloilo
International Airport sa mga pinakamagandang paliparan sa
Pilipinas. Napabilang ito sa mahuhusay
na paliparan sa Asya ayon sa tala ng
isang travel website.
Iloilo International Airport
Pantalan daungan ng mga barko upang
magbaba at magsakay ng mga
pasahero, produkto, kagamitan, at
iba pang kargamento. Mahalaga
ang mga pantalan para sa mga
barko na kayang madgala ng higit
na mas maraming tao o produkto sa
isang paglalayag lamang.
Ang Pantalan ng Maynila ang pangunahing pantalan sa Pilipinas.
Ito rin ang pinakamtanda at
pinakamalaki sa lahat ng mga
pantalan ng bansa.