mga katutubong sayaw

11
Mga Katutubong Sayaw Sinasabing nagmula sa ibong “Tikling" ang katutubong sayaw na “Tinikling" na pinauso ng mga magsasaka sa lalawigan ng Leyte noong panahon ng pananakop ng Kastila. Batay sa mga kuwento, ginaya ng mga magsasaka ang kilos ng “tikling" kapag nahuhuli nila ito sa inilatag na patibong na gawa sa kawayan sa bukid. Ngunit bukod sa ibong “tikling," mayroon din kuwento na ang “tinikling" ay isang paraan ng parusa noon ng mga Kastila sa mga “tinatamad" na manggagawa noon sa bukid. Ang tinikling ay katutubong sayaw sa Pilipinas kung saan ang nagsasayaw ay kailangan umindak sa pinag-uuntog na dalawang mahabang kawayan. Kailangan maging mabilis ang mga paa ng sumasayaw upang hindi maipit sa kawayan.

Upload: renan-bajamunde

Post on 04-Apr-2015

23.188 views

Category:

Documents


16 download

TRANSCRIPT

Page 1: Mga Katutubong Sayaw

Mga Katutubong Sayaw

Sinasabing nagmula sa ibong “Tikling" ang katutubong sayaw na “Tinikling" na pinauso ng mga magsasaka sa lalawigan ng Leyte noong panahon ng pananakop ng Kastila.

Batay sa mga kuwento, ginaya ng mga magsasaka ang kilos ng “tikling" kapag nahuhuli nila ito sa inilatag na patibong na gawa sa kawayan sa bukid.

Ngunit bukod sa ibong “tikling," mayroon din kuwento na ang “tinikling" ay isang paraan ng parusa noon ng mga Kastila sa mga “tinatamad" na manggagawa noon sa bukid.

Ang tinikling ay katutubong sayaw sa Pilipinas kung saan ang nagsasayaw ay kailangan umindak sa pinag-uuntog na dalawang mahabang kawayan. Kailangan maging mabilis ang mga paa ng sumasayaw upang hindi maipit sa kawayan.

Page 2: Mga Katutubong Sayaw

Ang sayaw na Pandanggo sa Ilaw ay katutubo sa Lubang at Mindoro. May tatlong tinggoy ang nagsasayaw na babae. Maninimbang siya ng isang tinggoy sa ibabaw ng ulo at dalawang tinggoy sa mga kamay, pero hindi humahawak ang daliri ng mananayaw. Para sayawin ang pandanggo sa ilaw, kailangan niya ng magandang bikas at mahusay na panimbang.

Page 3: Mga Katutubong Sayaw

Mga Katutubong Laro

Ang Harang-Taga o mas kilala sa tawag na Patintero ay maaring laruin ng tatlo hanggang limang manlalaro sa bawat koponan. Kailangan munang gumuhit ng dalawa o apat na parisukat dipende sa dami ng manlalaro sa bawat kuponan bago mag-umpisa ang laro. Dapat ay pantay ang bilang ng miyembro ng bawat kuponan.

Ang bawat kalahok ng isang kupunan ay tatayo sa likod ng mga linyang ginuhit. Ang taya na nakatayo sa linya sa gitna ay maaring tumawid sa mga iba pang linyang ginuhit kaya't napapadali ang pagkakataon na mahuhuli ang kalahok ng kabilang grupo.

Dapat makatawid at makabalik ang mga kalahok ng kabilang grupo na hindi nahuhuli ng tayang grupo. Kapag mayroong nakatawid at nakabalik sa kupunan na hindi nahuhuli ng mga taya ay madaragdagan ng puntos ang kanyang kupunan. Ang mga tumatakbo naman ang magiging tayakung sakaling mayroon isa sa kanila ang mahuli ng kabilang kupunan.

Ang unang kupunan na makakuha sa pinagusapang dami ng puntos ay siyang magwawagi.

Page 4: Mga Katutubong Sayaw

Ang Luksong Tinik ay isa sa mga popular na larong Filipino, na nilalaro ng dalawang koponan na may parehas na bilang. Ang bawat koponan ay mamimili ng pinuno na malimit na kakayahang pinakamataas tumalon sa grupo, na kung tawagin ay "Nanay".

Makatapos mamili ng "Nanay", at mamili kung sino sa dalawang koponan ang mag-uumpisa ng laro. Dalawang manlalarong magkaharap ang pagdirikitin ang kanilang mga talampakang magsisilbing "tinik". Magsisimulang magsipagtalon ang bawat miyembro ng kabilang koponan sa "tinik", hanggang makatalon ang huling kasapi. Kung sakali't walang tumama sa "tinik" ay daragdagan ang pagpapataong ng mga kamay hanggang tumaas ang tinik

Mga Katutubong Awit

Page 5: Mga Katutubong Sayaw

Sarong Banggi

Sarung banggi sa higdaanNakadangog ako hinuni nin sarung gamgam

Sa luba ko katoroganBako kundi simong boses iyo palan

Dagos ako bangon si sakuyang mata binuklat,Kadtong kadikloman ako nangalagkalag

Si sakong pagheling pasiring sa itaasNaheling ko simong lawog maliwanag.

Bahay Kubo

Bahay kubo, kahit muntiAng halaman doon ay sari-sari.

Singkamas at talong, sigadilyas at maniSitaw, bataw, patani.

Kundol, patola, upo’t kalabasaAt saka mayroon pang labanos, mustasa,

sibuyas, kamatis, bawang at luyasa paligid-ligid ay puro linga.

Paruparong Bukid

Paruparong bukid na lilipad-lipadSa gitna ng daan papagapagaspas

Isang bara ang tapisIsang dangkal ang manggas

Ang sayang de kolaIsang piyesa ang sayad

May payneta pa siya — uy!May suklay pa mandin — uy!

Nagwas de-ohetes ang palalabasinHaharap sa altar at mananalamin

At saka lalakad na pakendeng-kendeng.

Lawiswis Kawayan

Page 6: Mga Katutubong Sayaw

Sabi ng binata,Halina oh! Hirang

Magpasyal tayo as Lawiswis kawayanPugad ng pag-ibig at kaligayahan

Ang mga puso ay pilit nang magmamahalansabi ng binata

Ang dalaga naman ay ibig pang umayaw, sasabihinpa kay inang ng malaman

Binata’y nagtampo at ang wikaIkaw pala’y ganyan

Akala ko’y tapat at ako’y minamahalAng dahal

ang dalaga naman ay biglang umiyakLuha ay tumulo sa dibdib pumatol

binata’y naawa, [...]

Manang Biday

Manang Biday, ilukat mo manTa bentanan ikalumbaban

Ta kitaec ta kinayawanay matayakan no din accaasyan

A sino ka nga aglabas-laabsToy jardin ko pagay-ayamakAmmon ngarud a balasangak

Sabang ti liryo di pay pagukrad

Mga Katutubong Tula

Page 7: Mga Katutubong Sayaw

Mga Halimbawa ng Tanaga

Mataas man ang bundok,

mantay man sa bacood,

yamang mapagtaluktok,

sa pantay rin aanod

Ang tubig ma’y malalim,

malilirip kung libdin.

Itong budhing magaling,

maliwag paghanapin.

Mga Halimbawa ng Dalit

Ang sugat ay kung tinanggap,

‘di daramdamin ang antak.

Ang aayaw at di mayag,

galos lamang magnanaknak

Ang palad kong nasakuna,

Ipinagtatanong ko nga,

kung sino’ng kahalimbawa,

nasa kati nagigiwa.

Mga Bugtong

Page 8: Mga Katutubong Sayaw

1. Isang bayabas,

pito ang butas

Sagot : Ulo

2. Bumbong kung liwanag

kung gabi ay dagat.

Sagot : Banig

3. Kinain na’t naubos

nabubuo pang lubos

Sagot : Buwan

4. Di-matingalang bundok,

darak ang nakakamot.

Sagot : Balakubak

5. Hindi hari, hindi pari,

nagsusuot ng sari-sari.

Sagot: Sampayan

Mga Salawikain

Page 9: Mga Katutubong Sayaw

Mga Salawikain patungkol sa pakikisama, pakikipag-kaibigan at pakikipag-kapwa tao.

1. Puri sa harap, sa likod paglibak 2. Kaibigan kung meron, Kung wala'y sitsaron 3. Ang tunay mong kaibigan, nasusubok sa gipitan 4. Matabang man ang paninda, matamis naman ang anyaya 5. Kapag tunay ang anyaya, sinasamahan ng hila 6. Walang paku-pakundangan, sa tunay na kaibigan 7. Hindi sasama ang pare, kundi sa kapwa pare 8. Matapang sa kapwa Pilipino, susukot-sukot sa harap ng dayo 9. Ang taong tamad, kadalasa'y salat 10. Mag-aral kang mamaluktot habang maigsi ang kumot 11. May pakpak ang balita, may tainga ang lupa 12. Sagana sa puri, dukha sa sarili

Mga Salawikain patungkol sa kabutihan, kabaitan, kagandahang asal, pagpapakumbaba at pag-ingat.

1. Ang ibinabait ng bata, sa matanda nagmula 2. Ang magandang asal ay kaban ng yaman 3. Pagsasama ng tapat, pagsasama ng maluwat 4. Ang may malinis na kalooban ay walang kinatatakutan 5. Ang mabuting halimbawa, ay higit na mabisa kaysa pahayag na dakila 6. Ang katotohana'y kahit na ibaon, lilitaw pagdating ng takdang panahon 7. Ang ibinabait ng bata, sa matanda nagmula 8. Magbiro ka sa lasing, huwag sa bagong gising 9. Bago mo sikaping gumawa ng mabuti, kailangan mo munang igayak ang sarili 10. Ang lumalakad ng marahan, matinin man ay mababaw. Ang lumalakad ng

matulin, kung matinik ay malalim

Mga salawikain patungkol sa mga pangako at sa kawalan ng kaya.

1. Buhay-alamang, paglukso ay patay 2. Kasama sa gayak, di kasama sa lakad 3. Ang tao na walang pilak, parang ibong walang pakpak 4. Ang hindi tumupad sa sinabi, walang pagpapahalaga sa sarili 5. Gaano man ang iyon lakas, daig ka ng munting lagnat 6. Ang maniwala sa sabi-sabi'y walang bait sa sarili

Mga salawikain patungkol sa pagkakaisa at pagtutulungan.

1. Anuman ang tibay ng piling abaka, ay wala ring lakas kapag nag-iisa 2. Kaya matibay ang walis, palibhasa'y nabibigkis 3. Ang mabigat gumagaan pag napagtutuwangan 4. Ang lakas ay daig ng paraan 5. Minsan man at kong golpe, daig ang pitong biyahe 6. Ako, ikaw o kahit sinumang nilalang, tayong lahat ay arkitekto ng sariling

kapalaran

Page 10: Mga Katutubong Sayaw

Mga salawikain patungkol sa kagitingan at katapangan.

1. Ang lihim na katapangan ay siyang pakikinabangan 2. Sa larangan ng digmaan, nakikilala ang tapang 3. Marami ang matapang sa bilang, ngunit ang buong-loob ay iilan 4. Ang bayaning masugatan, nag-iibayo ang tapang 5. Nawala ang ari, ngunit hindi ang lahi 6. Ang lalaking tunay na matapang, hindi natatakot sa pana-panaan 7. Kapag pinangatawanan, sapilitang makakamtan

Mga salawikain patungkol sa pagtitiis.

1. Hanggang maiksi ang kumot, magtiis na mamaluktot 2. Pag may hirap, may ginhawa 3. Walang ligaya sa lupa na di dinilig ng luha 4. Pag may kalungkutan, may kasiyahan 5. Kung aakyat ka nga't mahuhulog naman, mabuting sa lupa'y mamulot na

lamang 6. Pagkapawi ng ulap, lumilitaw ang liwanag

Iba pang salawikain...

1. Nasa Diyos ang awa,nasa tao ang gawa. 2. Kapag ang tao'y matipid,maraming maililigpit. 3. Ano man ang gagawin, makapitong iisipin. 4. Ang hindi napagod magtipon, walang hinayang magtapon. 5. Madali ang maging tao, mahirap magpakatao. 6. Ang tunay na anyaya, sinasamahan ng hila. 7. Ang magalang na sagot ay nakakapawi ng poot. 8. Ang gawa sa pagkabata,dala hanggang pagtanda. 9. Pag di ukol, ay di bubukol. 10. Kung sino ang masalita ay siyang kulang sa gawa. 11. Daig ng maagap ang taong masipag. 12. Ako ang nagbayo ako ang nagsaing saka ng maluto'y iba ang kumain. 13. Ubus-ubos biyaya, pagkatapos nakatunganga.