mga magsisipagtapos:kaagapay sa pagbabagong-anyo ng lipunan, tugon sa hamon ng sambayanan

1
S a aming Panauhing Pan- dangal, Gng. Maya Lidem, sa aming DepEd District Supervisor, Gng. Leticia S. Fancubit, sa aming Punong Guro, Gng. Leona Conti , sa aming mga guro, mga magulang, mga bisita at sa lahat ng naririto, malugod po namin kayong tinatanggap at ipinagpapasalamat ang inyong pakikibahagi sa napakaha- lagang okasyong ito sa aming buhay. Grade 3 po ako noon pong ilipat ako ng aking mga magu- lang dito sa Central mula sa ibang paaralan. Ang kanila pong dahilan, magkaroon ako ng exposure sa mga extra-curricular activities sa loob at labas ng paaralan, ganundin sa loob at labas ng Victoria dahil sobra po akong mahiyain. Namana ko po ito sa aking Tatay. Nangyari naman po na talagang na-exposed ako at nakapag-ipon ng marami at mayamang karanasan sa pagsali ko sa mga paligsahan. Nagka- roon ako ng maraming mga kakilala at ang ilan ay aking nag- ing mga kaibigan. Napagkati- walaan din po ako sa iba’t ibang mga posisyon ng iba’t ibang samahan. Naging mayor po ako ng Supreme Pupil Government (SPG) sa buong Victoria district. Subalit ang pakiramdam ko po sa aking sarili – mahiyain pa rin, kulang ng tiwala, takot mag- salita at ipakita ang kakayanan sa maraming bagay at pag- kakataon. Ngunit sa isang bahagi ng aking pagkatao… ako’y nanininiwala na ang mga bagay na ito ang nagiging dahilan upang lalo ko pang kilalanin, at pagyamanin ang talento at galing na ibinigay sa akin ng Panginoon. Napapanahon ang ating graduation theme ngayong taong 2011: Ang mga Magsisi- pagtapos, Kaagapay sa Pagba- bagong Anyo ng Lipunan, Tugon sa Hamon ng Sambayanan. Subalit maaaring isipin ninyo, masyadong malaki ang expecta- tions at hinihingi ng ating lipunan sa atin bilang mga bata. At ano ang magagawa ng mura nating isip, ng mahinang bisig, ng sip- uning mga ilong? Ganundin, ang aking pasa- salamat sa aking mga guro, lalo na sa mga higit na nagsabuhay ng kanilang papel bilang pangalawa naming mga magu- lang sa paaralang ito. Sa pang- kalahatan, nais ko lang pong banggitin, na kung maging anu- man po kami pagdating ng araw, kung saan man kami ma- padpad sa aming paglipad, malaki po ang inyong bahagi dito. At sa aking mga magulang, na gumagampan ng iba’t ibang papel upang alalayan ako, hindi lang sa aking pag-aaral, ngunit higit sa lahat, kung paano ako magiging isang mabuti at respon- sableng indibidwal… kayo ang aking mga guro sa lahat ng panahon at kaibigan na kasama ko sa pag-iyak sa panahon ng kalungkutan at katawanan sa panahon ng kaligayahan. Tatay, Nanay, maraming, maraming salamat po. Ipinagmamalaki ko po na eto ako ngayon dahil sa inyo. Bagsak man ang grado ko sa ibang tao paminsan-minsan dahil sa magkakaibang pagtingin sa mga bagay, pasado naman akong lagi sa inyo at may bonus pang payo, yakap at halik sa bawat nating pag-uusap. Sa inyo aking mga kamag- aral at mga kaibigan… samahan ninyo akong tanawin ang bukas na puno ng pag-asa at pagtiti- wala na tayo ay titingalain at ipagmamalaki gaya ng papa- gayong malayang lumilipad na ang lakas ay nasa bisig ng isang paslit. Magandang umaga po sa ating lahat at pagpalain tayo ng Panginoon. Ang susi ng lahat ng pagba- bago ay ang sama – samang pag-sisikap ng lahat at sama- samang pagkilos ng mga tao sa komunidad. Lahat ay may papel lahat ay dapat kumilos. Pinapa- gaan ng pagkakaisa ang mga Gawain, pinababagal ang kaunlaran ng pagkakanya- kanya. Sa paglabas natin sa paara- lang ito, baunin sana natin ang diwa ng pag-aambag at pakikiisa nang sa gayon ay makatugon tayo sa hamon ng sambayanan, sa hamon ng ating panahon. Bilang pagtatapos, nais kong ialay sa ating Panginoon ang ta- gumpay na ito at ibalik ang papuri sa kanya. Sa pamamagi- tan ng mga taong ginamit Niya, narito tayo ngayong lahat, naga- galak at nagbubunyi sa tagum- pay na ating nakamit. ANG MGA MAGSISIPAGTAPOS: KAAGAPAY SA PAGBABAGONG ANYO NG LIPUNAN, TUGON SA HAMON NG SAMBAYANAN Naaawa tayo tiyak sa mga napinsala ng lindol at tsunami sa Japan, subalit anong magagawa ng ating awa? Nababalitaan natin ang mga digmaan sa Libya, Afghanistan at iba pang bansa sa Asya at Aprika, subalit wala tayong pakialam bukod pa sa hindi natin ito naiintindihan. At tiyak na mas pipiliin nating paiyakin tayo ni Mara at Clara at ni Mutya kesa panoorin ang nangyayaring imbestigasyon ng Senado sa mga pabaon at pasalubong sa mga Heneral at ang gagawing impeachment trial kay Ombudsman Merceditas Gutierrez. Talagang sa estado ng ating kaisipan bilang mga bata, ma- hirap intindihin ang dahilan ng mga pangyayari sa ating lipunan, ang epekto nito sa atin at kung paano mag-aambag upang ma- simulan ang isang pagbabago. Ang sagot – hindi talaga natin kaya…kung tayo ay nag-iisa. Ni Kyla Mauricia Sanque-Gahol “...samahan ninyo akong tanawin ang bukas na puno ng pag-asa at pagtitiwala na tayo ay titingalain at ipagmamalaki gaya ng papagayong malayang lumilipad na ang lakas ay nasa bisig ng isang paslit.”

Upload: vincent-gahol

Post on 14-Mar-2016

291 views

Category:

Documents


14 download

DESCRIPTION

salutatory speech

TRANSCRIPT

Page 1: Mga magsisipagtapos:Kaagapay sa pagbabagong-anyo ng lipunan, tugon sa hamon ng sambayanan

S a aming Panauhing Pan-dangal, Gng. Maya Lidem, sa aming DepEd District Supervisor, Gng. Leticia S.

Fancubit, sa aming Punong Guro, Gng. Leona Conti , sa aming mga guro, mga magulang, mga bisita at sa lahat ng naririto, malugod po namin kayong tinatanggap at ipinagpapasalamat ang inyong pakikibahagi sa napakaha-lagang okasyong ito sa aming buhay.

Grade 3 po ako noon pong ilipat ako ng aking mga magu-lang dito sa Central mula sa ibang paaralan. Ang kanila pong dahilan, magkaroon ako ng exposure sa mga extra-curricular activities sa loob at labas ng paaralan, ganundin sa loob at labas ng Victoria dahil sobra po akong mahiyain. Namana ko po ito sa aking Tatay.

Nangyari naman po na talagang na-exposed ako at nakapag-ipon ng marami at mayamang karanasan sa pagsali ko sa mga paligsahan. Nagka-roon ako ng maraming mga kakilala at ang ilan ay aking nag-ing mga kaibigan. Napagkati-walaan din po ako sa iba’t ibang mga posisyon ng iba’t ibang samahan. Naging mayor po ako ng Supreme Pupil Government (SPG) sa buong Victoria district.

Subalit ang pakiramdam ko po sa aking sarili – mahiyain pa rin, kulang ng tiwala, takot mag-salita at ipakita ang kakayanan sa maraming bagay at pag-kakataon. Ngunit sa isang bahagi ng aking pagkatao… ako’y nanininiwala na ang mga bagay na ito ang nagiging dahilan upang lalo ko pang kilalanin, at pagyamanin ang talento at galing na ibinigay sa akin ng Panginoon.

Napapanahon ang ating graduation theme ngayong taong 2011: Ang mga Magsisi-pagtapos, Kaagapay sa Pagba-bagong Anyo ng Lipunan, Tugon sa Hamon ng Sambayanan.

Subalit maaaring isipin ninyo, masyadong malaki ang expecta-tions at hinihingi ng ating lipunan sa atin bilang mga bata. At ano ang magagawa ng mura nating isip, ng mahinang bisig, ng sip-uning mga ilong?

Ganundin, ang aking pasa-salamat sa aking mga guro, lalo na sa mga higit na nagsabuhay ng kanilang papel bilang pangalawa naming mga magu-lang sa paaralang ito. Sa pang-kalahatan, nais ko lang pong banggitin, na kung maging anu-man po kami pagdating ng araw, kung saan man kami ma-padpad sa aming paglipad, malaki po ang inyong bahagi dito.

At sa aking mga magulang, na gumagampan ng iba’t ibang papel upang alalayan ako, hindi lang sa aking pag-aaral, ngunit higit sa lahat, kung paano ako magiging isang mabuti at respon-sableng indibidwal… kayo ang aking mga guro sa lahat ng panahon at kaibigan na kasama ko sa pag-iyak sa panahon ng kalungkutan at katawanan sa panahon ng kaligayahan. Tatay, Nanay, maraming, maraming salamat po. Ipinagmamalaki ko po na eto ako ngayon dahil sa inyo. Bagsak man ang grado ko sa ibang tao paminsan-minsan dahil sa magkakaibang pagtingin sa mga bagay, pasado naman akong lagi sa inyo at may bonus pang payo, yakap at halik sa bawat nating pag-uusap.

Sa inyo aking mga kamag-aral at mga kaibigan… samahan ninyo akong tanawin ang bukas na puno ng pag-asa at pagtiti-wala na tayo ay titingalain at ipagmamalaki gaya ng papa-gayong malayang lumilipad na ang lakas ay nasa bisig ng isang paslit.

Magandang umaga po sa ating lahat at pagpalain tayo ng Panginoon.

Ang susi ng lahat ng pagba-bago ay ang sama – samang pag-sisikap ng lahat at sama-samang pagkilos ng mga tao sa komunidad. Lahat ay may papel lahat ay dapat kumilos. Pinapa-gaan ng pagkakaisa ang mga Gawain, pinababagal ang kaunlaran ng pagkakanya-kanya.

Sa paglabas natin sa paara-lang ito, baunin sana natin ang diwa ng pag-aambag at pakikiisa nang sa gayon ay makatugon tayo sa hamon ng sambayanan, sa hamon ng ating panahon.

Bilang pagtatapos, nais kong ialay sa ating Panginoon ang ta-gumpay na ito at ibalik ang papuri sa kanya. Sa pamamagi-tan ng mga taong ginamit Niya, narito tayo ngayong lahat, naga-galak at nagbubunyi sa tagum-pay na ating nakamit.

ANG MGA MAGSISIPAGTAPOS: KAAGAPAY SA PAGBABAGONG ANYO NG LIPUNAN, TUGON SA HAMON NG SAMBAYANAN

Naaawa tayo tiyak sa mga napinsala ng lindol at tsunami sa Japan, subalit anong magagawa ng ating awa? Nababalitaan natin ang mga digmaan sa Libya, Afghanistan at iba pang bansa sa Asya at Aprika, subalit wala tayong pakialam bukod pa sa hindi natin ito naiintindihan. At tiyak na mas pipiliin nating paiyakin tayo ni Mara at Clara at ni Mutya kesa panoorin ang nangyayaring imbestigasyon ng Senado sa mga pabaon at pasalubong sa mga Heneral at ang gagawing impeachment trial kay Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Talagang sa estado ng ating kaisipan bilang mga bata, ma-hirap intindihin ang dahilan ng mga pangyayari sa ating lipunan, ang epekto nito sa atin at kung paano mag-aambag upang ma-simulan ang isang pagbabago. Ang sagot – hindi talaga natin kaya…kung tayo ay nag-iisa.

Ni Kyla Mauricia Sanque-Gahol

“...samahan ninyo akong tanawin ang bukas na puno ng pag-asa at pagtitiwala na tayo ay titingalain

at ipagmamalaki gaya ng papagayong malayang lumilipad na ang lakas ay nasa bisig ng isang paslit.”