mga pamahiin tungkol sa adhd

2
Mga Pamahiin tungkol sa ADHD 1. Ang ADHD ay hindi totoong sakit. Katotohanan : Ang ADHD ay kinikilalang sakit/kapansanan ng Centers for Disease Control at iba pang organisasyon na pangkalusugan. Sa kadahilanan na walang natatanging pagsuri ang nakalaan para dito, hindi ito itinituring na sakit ng karamihan. 2. Ang ADHD ay sanhi ng hindi magandang pagpapalaki ng mga magulang. Katotohanan : Ito ay hindi totoo at ang mga magulang na pinaniniwalaan ito ay kadalasang sinisisi ang kanilang mga sarili. Ang katotohanan ay ang isang pamilya na maganda ang pagsasama ay makakatulong sa batang may ADHD upang hindi lumala ang mga sintomas na kanyang nararamdaman samantalang ang pamilyang hindi maayos ang pagsasama ay makakapagpalala ng sintomas ng ADHD. 3. Ang mga bata lang pwede magkaroon ng ADHD. Katotohanan: Totoo na ang sintomas ng ADHD ay dapat makita sa pitong gulang na bata, madaming pa din na matatanda ang hindi nasusuri hanggang ngayon. Ito ay sa kadahilanang hindi sapat ang kaalaman tungkol sa ADHD. 30%-70% ng mga batang may ADHD ang nararanasan ang mga sintomas hanggang paglaki. Ang pagiging makulit at hyper ay makikita sa mga bata at ito ay nababawasan habang lumalaki ngunit ang mga sintomas na pagkapagod, kakulangan sa atensiyon at mabilis na pagkawala ng pokus ay nananatili. Kapag ito ay pinabayaan, maaring maapektuhan and trabaho at pagsasama ng mga taong may ADHD. 4. Kailangan ikaw ay makulit upang masabi na ikaw ay may ADHD

Upload: martin-charles

Post on 29-Mar-2015

192 views

Category:

Documents


7 download

TRANSCRIPT

Page 1: Mga Pamahiin tungkol sa ADHD

Mga Pamahiin tungkol sa ADHD

1. Ang ADHD ay hindi totoong sakit.

Katotohanan : Ang ADHD ay kinikilalang sakit/kapansanan ng Centers for Disease Control at iba pang organisasyon na pangkalusugan. Sa kadahilanan na walang natatanging pagsuri ang nakalaan para dito, hindi ito itinituring na sakit ng karamihan.

2. Ang ADHD ay sanhi ng hindi magandang pagpapalaki ng mga magulang.

Katotohanan : Ito ay hindi totoo at ang mga magulang na pinaniniwalaan ito ay kadalasang sinisisi ang kanilang mga sarili. Ang katotohanan ay ang isang pamilya na maganda ang pagsasama ay makakatulong sa batang may ADHD upang hindi lumala ang mga sintomas na kanyang nararamdaman samantalang ang pamilyang hindi maayos ang pagsasama ay makakapagpalala ng sintomas ng ADHD.

3. Ang mga bata lang pwede magkaroon ng ADHD.

Katotohanan: Totoo na ang sintomas ng ADHD ay dapat makita sa pitong gulang na bata, madaming pa din na matatanda ang hindi nasusuri hanggang ngayon. Ito ay sa kadahilanang hindi sapat ang kaalaman tungkol sa ADHD. 30%-70% ng mga batang may ADHD ang nararanasan ang mga sintomas hanggang paglaki. Ang pagiging makulit at hyper ay makikita sa mga bata at ito ay nababawasan habang lumalaki ngunit ang mga sintomas na pagkapagod, kakulangan sa atensiyon at mabilis na pagkawala ng pokus ay nananatili. Kapag ito ay pinabayaan, maaring maapektuhan and trabaho at pagsasama ng mga taong may ADHD.

4. Kailangan ikaw ay makulit upang masabi na ikaw ay may ADHD

Katotohanan: Ang pagiging hyper ay isa lamang sa mga sintomas ng pagiging ADHD. May tatlong uri ng ADHD pagiging hyper at makulit (hyperactive-impulsive type), ang kulang sa atensiyon (predominately inattentive type) at ang pinagsama (combined) type. Maaring ang kakulangan sa atensiyon lang ang nararanasan ng taong may ADHD.

5. Kapag ikaw ay nanatiling pokus sa isang bagay, ikaw ay walang ADHD.

Katotohanan: Ang taong may ADHD ay maaring manatiling pokus kapag ang kanilang ginagawa ay kanilang gusto. Minsan ito ay nabibigyan nila ng sobrang atensiyon. Ang taong may ADHD ay dapat suriin kung kaya niya magpokus at bigyang ng sapat na atensiyong ang mga bagay-bagay.

Page 2: Mga Pamahiin tungkol sa ADHD

6. Ang gamut ay nakakapagpagaling ng ADHD.

Katotohanan: Ang gamut ay para lamang makontrol at mabawasan ang mga sintomas ng ADHD. ANg ADHD ay hindi nawawala ngunit ang taong may ADHD ay natutunang ikontrol ang mga sintomas na kanyang nararamdaman.