mga pangunahing konsepto sa drrm at ccam

14
Mga Pangunahing Konsepto sa DRRM at CCAM Inihanda ng Center for Disaster Preparedness Para sa Baseco DRR Project

Upload: others

Post on 16-Oct-2021

57 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Mga Pangunahing Konsepto sa DRRM at CCAM

Mga Pangunahing Konsepto sa DRRM at CCAM

Inihanda ng Center for Disaster Preparedness Para sa Baseco DRR Project

Page 2: Mga Pangunahing Konsepto sa DRRM at CCAM

IntroduksyonAng sesyon na ito ay tatalakay sa mga batayang konsepto o yung mga mahahalagang terminolohiya na ginagamit sa Disaster Risk Reduction at Climate Change. Pinatutungkulan din ng sesyon ang pagbibigay ng mas malalim na pagtanaw hinggil sa mga nakakapaglagay sa peligro at nakakapagtaas ng kakayahan ng BASECO laban sa mga disaster.

A. Mga Layunin ng Sesyon

Maunawaan at magkaroon ng kaalaman ang mga kalahok sa mga batayang konsepto na

nakabatay sa kanilang kongkretong kalagayan

Mabigyang diin ang mga mahahalagang terminolohiyang dapat tandaan sa usapin ng

DRR at CCA

1

Page 3: Mga Pangunahing Konsepto sa DRRM at CCAM

Panimulang Gawain

Mga Kailangang Paghahanda:

1. Para sa pre-activity na Disaster Dodgeball o tamaang bola, maghanda ng mga maliliit na bolang gawa sa plastic o yung tiyak na hindi nakakasakit. Maglaan ng 20-30 na bola. Gumawa din ng isang parihaba na guhit sa sahig gamit ang masking tape. Tantyahin ang sukat na kakasya ang hindi bababa sa sampung tao. Tiyaking ang lugar na pagdarausan ay may sapat na espasyo at kasya ang lahat ng kalahok.

2. Maghanda ng mga meta-cards na mas malalaki kaysa karaniwan at isulat ang mga batayang konspeto ng Disaster Risk Reduction at Climate Change Adaptation

Halimbawa

3. Maghanda ng isang erya na maaring pagdikitan, halibawa ay blackboard, tabla o pader na natatanaw ng lahat ng kalahok

4. Kung gagamit ng powerpoint, hinihikayat na gumamit pa din ng meta cards at pasting board o anumang pader na maaring pagdikitan ng mga meta cards

2

Page 4: Mga Pangunahing Konsepto sa DRRM at CCAM

3

Kagamitan; Manila Paper, Meta Cards, Permanent Markers, Masking tape, Plastic Balls Blackboard o anumang alternatibo, Whistle o pito

Pre-Activity: Disaster Dodgeball

Panuto:

1. Hatiin ang mga kalahok sa tatlong grupo gamit ang bilang na 1, 2 at 3.

Itanong sa mga kalahok kung sila ba ay may iniindang karamdaman

bago simulan ang laro upang makasiguro na walang masasaktan

2. Ang group 1 ang siyang papasok sa loob ng inihandang parihabang

kahon, habang ang group 2 at 3 ay sa magkabilang bahagi sa labas ng

kahon

3. Bigyan ng bola ang bawat kasapi ng group 2 at 3. Sila ay kailangang t

umalikod bago maghagis ng bola. Hindi maaring puntiryahin ng mga

maghaha gis ng bola ang mga tao sa loob ng kahon upang maiwsang

magkasakitan

4. Ang group 1 ay kailangang umiwas sa mga bolang ihahagis sa kanila. Ang

matamaan ng bola ay kailangang umalis sa loob ng kahon

5. Sa unang round ay tumukoy ng anim na kalahok lamang na maaaring

maghagis ng isang bola habang nakatalikod. Pumito upang isenyas ang

umpisa ng round. Pumito ng pangalawa para tapusin ang round.

6. Sa pangalawang round, tumukoy ng sampung kalahok na

maghahagis ng bola. Pumito upang isenyas ang umpisa ng round.

Pumito ng pangalawa para tapusin ang round. Paalisin muli sa

kahon ang mga tinamaan ng bola.

7. Sa ikatlong round ay hayaan nang maghagis ang lahat ng group 2

at 3 ng mga bola. Sa bahaging ito ng laro ay tiyak na mauubos na

ang mga tao sa loob ng kahon.

8. Sa ikaapat na round, bigyan ng pagkakataon na mag-usap ang

group 1 upang magkaroon ng estratehiya para iwasan ang mga

bola. Maaari silang gumamit ng kahit anong mga kagamitan na

makikita nila sa kanilang paligid.

9. Pumito upang isenyas ang umpisa ng round. Pumito ng

pangalawa para tapusin ang round.

10. Sa bahaging ito ng laro ay inaasahang makakagawa ng

pamamaraan ng group 1 na maproteksyunan ang kanilang mga

sarili laban sa mga bola

11. Tapusin ang laro at palakpakan ang lahat.

Page 5: Mga Pangunahing Konsepto sa DRRM at CCAM

Key Points for Discussion

4

• Ang ginawang laro ay idudugtong sa kabuuang diskusyon ng mga konsepto• Matapos makapagpahinga ng mga kalahok ay bigyan sila ng panahon na makapagmuni-muni ng ilang sandali para pag-isipan ang susunod na aktibidad.

1. Bulnerabilidad at Kapasidad

Pre-Activity: Exhaust ng B at K

Panuto 1. Hatiin ang grupo sa apat o naayon sa mga streets o block 2. Magbigay ng dalawang magkaibang kulay na meta card sa lahat ng kalahok. Ang isang kulay ay para sa Bulnerabilidad at ang isa ay para sa mga Kapasidad 3. Para sa bunerabilidad, ipasulat sa mga kalahok ang mga bagay, kagawian, kalagayan at iba pang mga rason kung bakit sa tingin nila’y nakakapagpahina sa kanilang komunidad o naglalagay sa bingit ng pagkasalanta ng kalamidad

4. Para sa kapasidad, ipasulat sa mga kalahok ang mga bagay, kagawian, kalagayan at iba pang mga rason kung bakit sa tingin nila’y nagiging mas matatag ang kanilang komunidad laban sa mga kalamidad5. Kapag natapos nang makapaglagay ang mga kalahok, isa-isang i-validate o itanong kung kinukumpirma nila ang mga nakasulat sa meta cards. I-grupo ang magkakaparehong sagot.6. Ang mga sagot ng mga kalahok ay magiging tuntungan ng mga halimbawa na maaaring gamitin sa iba pang mga batayang konsepto

Page 6: Mga Pangunahing Konsepto sa DRRM at CCAM

Key Points for Discussion

5

• Ang bulnerabilidad ay ang mga kahinaan, kondisyon, salik at dahilan na hadlang sa pag-angkop o pagbigay proteksyon sa sarili at komunidad mula sa pinsala ng disaster

• Ang kapasidad ay ang mga salik (resources), lakas, kaalaman,at kasanayan na taglay ng mga tao, pamilya, at komunidad sa pagbibigay proteksyon, pagharap at pagbangon mula sa mga epekto ng panganib at disaster

• Ang mga bulnerabilidad at kapasidad ay maaaring nakabatay na mga elementong maaaring maalagay sa panganib gaya ng sumusunod:

Sino at Ano ang mga maaaring mapinsala: Tao (buhay at kalusugan)Kabahayan at mga gusaliPasilidad at serbisyo (bahay, daanan, tulay, paaralan, ospital)Kabuhayan ( trabaho, pananim, alagang hayop, gamit)Kalikasan

• Ang mga ito naman ay maaaring ikategorya sa tatlong bahagi:

1) Pisikal/Materyal 2) Sosyal/Organisasyunal3) Motibasyunal/Aktitudinal

• Balikan ang larong dodgeball at tanuning ang mga kalahok kung saan nila nakikita sa laro ang mga kahinaan at kalakasan

Page 7: Mga Pangunahing Konsepto sa DRRM at CCAM

Key Points for Discussion

6

2. Bantang Panganib at Disaster

Pre-Activity• Gamit ang mga meta cards, tanungin ang mga grupo ng kung anong mga kalamidad na ang kanilang naranasan sa BASECO sa mga nakaraang taon• Isulat ang mga kalamidad sa kada meta card• Mula dito, ang mga grupo ay magsasagawa ng larong “Exhaust” o paramihan ng sagot. Magtuturo ang tagapagpadaloy ng isang grupo at sila’y magsasabi ng isang kalamidad, maaari din nilang itaas ang kanilang meta card. Kapag ito ay naisulat ng ibang grupo, kailangan din nilang itaas ang kanilang meta card• Ipagpatuloy ito hanggang sa maubos ang meta cards ng lahat ng grupo• Gamitin ang mga sagot ng mga kalahok para sa susunod na diskusyon

• Ang Bantang Panganib o Hazard ay penomena o pangyayari na maaaring magdulot ng pinsala sa buhay, kabuhayan, at ari-arian ng mga tao, komunidad at kalikasan

• Ang mga uri ng bantang panganib ay ang sumusunod:

1) Natural o Gawa ng Kalikasan2) Human-Induced o Gawa ng Tao3) Kombinasyon (Kalikasan at Tao)

• Mula sa mga isinagot ng mga kalahok, ilagay sa tamang kategorya ng Bantang Panganib ang kanilang output• Ang Disaster ay ang panganib ay tumama o nakaapekto sa mga bulnerableng tao at komunidad (na hindi sapat ang kakayahang harapin ang mapanirang epekto nito)

• Balikan muli ang larong dodgeball at tanungin ang mga kalahok kung saan nila nakita ang hazard at disaster at ano ang pagkakaiba nito

Page 8: Mga Pangunahing Konsepto sa DRRM at CCAM

Key Points for Discussion

7

3. Exposure

• Ang maaaring sakop at hangganan ng mga mararanasang bantang panganib ng pamayanan (the degree to which a community is likely to experience hazard events of different magnitude)

• Mas pumapatungkol ito sa pisikal na lokasyon at katangian ng isang pamayanan na naglalantad dito sa mga bantang panganib

• Makikita mula sa larawan na ito na ang Pilipinas ay matatagpuan sa Typhoon Belt at laging dinaraanan ng bagyo. Dahil dito ay mas mataas ang exposure ng Pilipinas kaysa ibang

4. Disaster Risk

• Ang Disaster Risk ay ang probabilidad na ang isang bantang panganib ay tatama sa isang bulnerableng komunidad at magreresulta ng malawakang pinsala

Page 9: Mga Pangunahing Konsepto sa DRRM at CCAM

Key Points for Discussion

8

5. Disaster Risk Reduction and Management (DRRM)

• Sistematikong proseso ng pamamahalala sa pagbuo at pagpapatupad ng mga stratehiya, polisiya, at pag-aangkop para mabawasan ang negatibong epekto ng bantang panganib at posibilidad ng disaster.

Key Points for Discussion

6. Community Based DRRM (CBDRRM)

• Ang CBDRRM ay pamamaraan kung saan ang mga gawain, proyekto, at programa na naglalayong pababain ang probabilidad ng disaster at kung saan ang mga tao mismo na ninirahan sa mga bulnerableng lugar ang nagdisenyo at nagpapatupad Base sa kanilang kagyat na pangangailangan at kakayahan. Siguraduhing kasama ang lahat ng bulnerableng sektor lalo na ang mga bata, matanda, kababaihan at may kapansanan

• Ang mga tao sa komunidad ang mga “first responders”. Rumeresponde sila batay sa kanilang sariling kakayahan (system, capacities, resources).

Page 10: Mga Pangunahing Konsepto sa DRRM at CCAM

Key Points for Discussion

9

5. Disaster Risk Reduction and Management (DRRM)

• Sistematikong proseso ng pamamahalala sa pagbuo at pagpapatupad ng mga stratehiya, polisiya, at pag-aangkop para mabawasan ang negatibong epekto ng bantang panganib at posibilidad ng disaster.

Key Points for Discussion

6. Community Based DRRM (CBDRRM)

• Ang CBDRRM ay pamamaraan kung saan ang mga gawain, proyekto, at programa na naglalayong pababain ang probabilidad ng disaster at kung saan ang mga tao mismo na ninirahan sa mga bulnerableng lugar ang nagdisenyo at nagpapatupad Base sa kanilang kagyat na pangangailangan at kakayahan. Siguraduhing kasama ang lahat ng bulnerableng sektor lalo na ang mga bata, matanda, kababaihan at may kapansanan

• Ang mga tao sa komunidad ang mga “first responders”. Rumeresponde sila batay sa kanilang sariling kakayahan (system, capacities, resources).

Page 11: Mga Pangunahing Konsepto sa DRRM at CCAM

10

• Ang katangian ng CBDRRM ay ang sumusunod: 1) Kasangkot ang lahat sa proseso at nilalaman 2) Tumutugon sa pangangailangan ng komunidad 3) Magkakaugnay ang mga bahagi 4) Pagkilos bago pa man mangyari ang panganib (Proactive) 5) Komprehensibo 6) Isinasaalang ang lahat ng sekto at disiplina 7) Nagpapalakas 8) Nagpapaunlad

Synthesis

• Sa bahaging ito ng diskusyon, i-rebyu ang lahat ng konsepto ng DRR at idugtong ito sa larong dodgeball.

7. Climate Change

Pre-Activity- Ang Global Warming

Panuto1. Humingi ng mga 6-8 volunteers mula sa mga kalahok2. Pabuuin sila ng isang bilog sa pamamagitan ng paghahawak-kamay, maglaan din ng isang volunteer na siyang kakatawan sa araw. Ipaliwanag na ang bilog ay ang kumakatawan sa mundo na tumatanggap ng init mula sa araw3. Mula sa mga natirang mga kalahok, isa isa silang papasukin sa loob ng bilog. Ihalintulad ito ang kanilang pagpasok sa bilog bilang init ng araw na tumatama sa mundo

4. Sa unang bahagi ay malaya pang makalalabas ang mga pumasok na kalahok5. Ihalintulad naman ang paghigpit ng bilog sa pagdami ng mga Greenhouse Gas sa atmospera ng mundo6. Papasukin muli ang mga natirang kalahok at hayaan silang magsikip sa loob ng bilog. Ihalintulad ang prosesong ito sa hindi paglabas ng init sa mundo. Ito ang Global Warming.7. Matapos ang aktibidad ay palakpakan ang lahat8. Ang gawain na ito ay ang maaaring maging point of discussion para sa Climate Change.

Page 12: Mga Pangunahing Konsepto sa DRRM at CCAM

Key Points for Discussion

11

• Ang Climate Change ay ang pagbabago sa klima na maaaring matukoy sa pagbabago sa karaniwang asal ng mga elemento nito. Ang pagbabago ay tipikal na tumatagal ng mga dekada o higit pa at maaaring bunga ng kalikasan o gawa ng tao

• Sa pagbabago ng klima, tumataas din ang Disaster Risk• Ang Global Warming ay ang pagtaas ng temperatura ng mundo dulot ng Greenhouse Effect• Ang iba’t ibang pinagmumulan ng Greenhouse Gas ay ang sumusunod:

1) Carbon Dioxide- mula sa paggamit ng mga fossil fuels gaya ng oil, gas, coal atbp.2)Methane- mula sa mga tapunan ng basura at dumi ng hayop3) Nitrous Oxie- mula sa mga kemikal na pataba, pestisidyo atbp4) Halobarbob mula sa CFC (CholroFlouroCarbon)- mula sa freon ng ref at aircon5) Pagputo at pagsunog ng mga puno

Ang pagtaas ng kabuuang temperatura ng mundo ang pangunahing dahilan ng climate change.

• Ano ang Epekto ng Climate Change?

Pagtaas ng tubig sa dagat o Sea Level RiseMatinding pag-ulan at pagbagyoMatinding pagbaha at daluyongMatinding tagtuyotKakulangan sa irigasyon o epekto sa ani na nagdudulot ng kakulangan sa pagkain

Pagtaas ng mga kaso ng sakit bunga ng kagat ng lamok/insekto at sakit sa pulmonPagtaas ng kalupaan sa baybayKawalan ng tirahan at pagkaubos ng ilang klase ng hayop at halamanPagkawala o pagkatuyo ng anyong tubig

Page 13: Mga Pangunahing Konsepto sa DRRM at CCAM

12

8. Climate Change Adaptation at Mitigation

• Ang Climate Change Adaptation o CCA ay ang pagbabago sa mga sistema ng kalikasan at tao upang makaakma sa aktwal o inaasahang pagbabago sa klima at mga epekto nito, para mabawasan ang masamang kahihinatnan at makalap ang maaaring benepisyo at oportunidad nito• Ang Climate Change Mitigation o CCM ay ang mga pagbabago sa teknolohiya at mga gawain, gayun din ang pagpapatupad ng mga polisiya, upang mabawasan ang pagbuga ng greenhouse gasses

Synthesis points

• Dapat na sabay at magkasamang ipatupad ang mga gawaing DRRM at mga inisyatiba para sa CCA. Ito ay hindi magkabangga at bagkus ay nagsusuportahan sa isa’t isa.

Page 14: Mga Pangunahing Konsepto sa DRRM at CCAM