mga teoryang pampanitikan

Upload: shayneangelmariematubang

Post on 10-Jan-2016

1.144 views

Category:

Documents


8 download

DESCRIPTION

Mga Teoryang pampanitikan

TRANSCRIPT

MORALISTIKO - sinusuri o tumatalakay sa pagpapahalagang aral na ginamit, pinahahalagahan ang moralidad, disiplina at kaayusang nakapaloob sa akda.

SOSYOLOHIKAL- mahihinuha ang kalagayang panlipunan nang panahong kinatha ang panitikan.

SIKOLOHIKAL- makikita ang takbo ng isip ng may katha. antas ng buhay, paninindigan, pinaniniwalaan, pinahahalagahan ang tumatakbo sa isipan at kamalayan ng may-akda.

FORMALISMO- Pinagtutuunan ng pansin ang mga istruktura o pagkabuo ng kwento. kabisaan ng pagkakagamit ng matatalinghagang pahayag (sukat, tugma, kaisahan ng mga bahagi, teknik ng pagkakabuo ng akda

IMAHISMO- Umusbong noong 1900. Nagpapatalas sa pandama ng mga mambabasa ,larawang-diwa o imahe sa ikagaganda ng akda ,mga salitang kapag binanggit sa akda ay nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa

HUMANISMO- Ang tao ang sentro ng daigdig.Binibigyang-pansin ang kakayahan o katangian ng tao sa maraming bagay

MARXISMO-Pinakikita ang pagtutunggalian o paglalaban ng dalawang magkasalungat na puwersa.malakas at mahina ,mayaman at mahirap ,Kapangyarihan at naaapi

ARKETIPO/ARKETAYPAL- gumagamit ng MODELO o huwaran upang masuri ang elemento ng akda. nangangailangan ng masusing pag-aaral sa kabuuan ng akda sapagkat ang binibigyang-diin dito ay mga SIMBOLISMONG ginamit upang maipabatid ang pinakamensahe ng akda

FEMINISMO-maaring tingnan ang imahen, pagpapakalarawan, posisyon at gawain ng mga BABAE sa loob ng akda at maaring ilantad din ang mga de kahong mga imahen ng mga babae sa akda. layon nitong labanan ang anumang diskriminasyon, exploitation, at operasyon sa kababaihan. Lualhati Bautista, Genoveva Edroza Matute, Elynia Ruth S. Mabanglo

EKSISTENSIYALISMO- Binibigyan-diin ang bahagi ng akda na nagpapakita ng mga paniniwala, kilos at gawi ng TAUHAN. Ang tao ay may malayang pagpapasya para sa kaniyang sarili upang mapalutang ang pagiging indibidwal nito at sa gayon ay hindi maikahon sa lipunan

KLASISISMO-Pinahahalagahan ang katwiran at pagsusuri. Layon ay katotohanan, kabutihan at kagandahan. Malinaw, marangal, payak, matimpi, obhetibo, magkakasunud-sunod at may hangganan

ROMANTISISMO-Pagtakas mula sa realidad o katotohanan. nagpapakita ng pagmamahal ng tao sa kanyang kapwa, bayan at iba pa. mga sanaysay na nagpapahayag ng mga kaisipan sa pamamaraang di tuwiran, maaring di kapani-paniwala o sa paraang nakakatawa ngunit kung ito'y titignan ng mabuti ay makikita nating may iba itong kahulugan at kaisipan

REALISMO- Ang katotohanan ang binibigyang-diin at may layuning ilahad ang tunay na buhay. pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng kurapsyon, katiwalian, kahirapan at diskriminasyon. Madalas din itong naka pokus sa lipunan at gobyerno

Ekstrukturalismo- Naniniwala ang teoryang ito na ang mga tiyak na estruktura ang makikita sa panitikan ay hindi lamang maaaring masuri sa sarili niya lamang bagkus ay kailangang alamin ang iba pang mga usaping nakaiimpluwensiya rito. Langue o parole = Wikang ginagamit sa panahon ng pagkakasulat

Post-structuralism o Deconstructionism-Inilalatag ng teoryang ito na ang pangunahing paniniwala ng pagbaklas sa mga estruktura at nauna nang paniniwala. Tugon ito sa estrukturalismo at kadalasang nababansagan bilang magulo o walang direksyong panitikan. Susing termino nito ang logocentrism, difference at trancendental signifier. = Mga bagong paniniwala o gawain sa isang bansa, tao, bayan at grupo.

Post-Colonialism-Nabuo ang teoryang ito sa paghina ng direktang kolonyalismo sa paggitan ng mga kanluranin at silanganing bansa. Ito ay koleksyon ng mga kritikal na estratehiya at pagdulog upang suriin ang kultura ng mga bansang dating kinolonya. Susing termino ang: Altery, eurocentrism, orientalism, imperialism at hybridityMga Gawain:1. Ang pelikulang Magnifico, bagaman nagpapakita ng kahirapan ay hindi malinaw na tumutukoy sa tunggalian ng mga uri ng lipunan.

2. Sa maikling kwentong Pina, Pina, Saan ka Pupunta? ni Fanny Garcia, ginamit ang katawan ng babae bilang representasyon sa pagsakop ng mga Amerikano sa Pilipinas.

3. Malinaw na ipinapakita ang tunggalian sa pagitan ng uring magsasaka at panginoong may-lupa sa maikling kuwentong Tata Selo ni Rogelio Sicat.

4. Si Impen sa maikling kwentong Impeng Negro ni Rogelio Sicat ay labi ng mahabang kasaysayan ng kolonyalismo sa Pilipinas

5. Ipinakita sa tulang Ang Maging Babae ni Ruth Elynia Mabanglo ang pagsasamantalang posisyon ng babae sa loob ng tahanan at sa kabuuan ng lipunang Pilipino

6. Ang mga tula ni Amado Hernandez hinggil sa kalagayan ng manggagawa sa Pilipinas ay mahusay na sumasalamin sa paghihirap ng mga manggagawa sa isang kapitalistang lipunan.

7. Sa antalohiya ng mga panitikang bakla na Cubao: Ang unang sigaw ni Tony Perez, binabaklas ang konstruksyon ng lipunan sa negatibong persepsyon sa mga bakla at iginigiit ang paggalang sa kanilang karapatan.

8. Masasalamin sa maikling kuwentong Lugmok na ang Nayon ni Edgardo Reyes ang tunay na mapagsamantalang kalagayan ng mga magsasaka sa kanayunan, malayo sa ipinakikilala ng mga larawang guhit ni Fernando Amorsolo.

9. Kahit pa ipinapakita sa maikling kwentong Utos ng Hari ni Jun Cruz Reyes ang kritika sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas ay hindi pa rin maaaring iugnay ito sa konteksto sapagkat awtonomus ang nasabing kuwento at hindi dapat ituring na bahagi ng reyalidad.

10. Hindi nasusulat ang papel ng kababaihan sa paglaya ng bayan kung kaya sa panibagong pagtingin sa kasaysayan lalo na ng mga lipunang lumaya mula sa pananakop ay sinisikap na isama ang kontribusyon ng kilusang kababaihan.

11. . Ang mga nauusong panitikan ngayon na tumatalakay sa karanasang indibidbwal ng tao at walang kinalaman sa realismong indibidwal ng tao at walang kinalaman sa reyalismong panlipunan ay hindi maituturing na lehitimong panitikan.

12. Ang awiting Tatsulok na orihinal na isinulat at itinanghal ng isang organisasyon ng pambansang-demokratikong kilusan ay naglalayong ipakita ang hindi pagkakapantay-pantay ng mga uri sa lipunan at ang pangangailangang baguhin ito.

13. . Marami ng taon ang nakalipas ng masakot ng ibang bansa ang bansang Indonesia, kung kaya naman, makikita sa sanaysay na Ang Prinsesang Javanese na ang bidang karakter rito ay nagnanais na makalaya sa mga paniniwala ng kaniyang kalahi, naghahanap siya ng bagong kalayaan na nakita niya sa bansang Pransiya nang ito ay nanakop sa kanila.

14. Ang maikling kwentong Ama ay ukol sa isang ama na kakaiba ang pag-uugali sa kalimitang mga ama, para sa tagapagsalaysay ng kwento, ang kaniyang ama ay nag-iisa at walang kaparis, noong una ay hindi niya maunawa kung bakit ganoon ang pagpapalaki sa kanila nito ngunit ng ito ay yumao ay saka lamang nila naunawaan ang mga kagustuhan ng ama.

15. Ang nobelang Sampaguita ay nagpapakita na ang tao ang nagpapaikot ng mundo niya at ng mga taong nakaligid sa kaniya. Ang anumang mangyayari sa kaniya ay hindi dahil sa kapalaran o ano pa man, bagkus ito ay nasa kaniyang palad.

16. Sa panahon matapos ang ikalawaang digmaan, palasak ang mga sanaysay na tumatalakay sa tunay na sitwasyon, larawan ng kahirapan ng mga bansang nadapuan at iniwanang lugmok ng ikalawang digmaan

17. Ang sanaysay na Pilipinasaging ay isang katatatwang sanaysay na tumatalakay sa ibat ibang uri at dami ng saging sa Pilipinas na naging imahe ng mga Pilipino noon at ngayon.

18. Ang akdang Paano maitataguyod ang wika ay nagkamit ng 3 parangal dahil sa husay ng pagkakagamit ng mga salita na narito, pagkakabuo ng ideya at pagbabanghay ng buong istorya.

19. Sadyang ang mga parabula na mababasa sa anumang panig ng bansa ay nagpapakita ng aral at dapat na kagandahang pag-uugali ng mga tao na dapat niyang isinasakilos.

20. Ang pelikulang sa tabing-ilog ay isa sa mga sumikat at inantabayan ng mga kabataan noong 1990s dahil sa naging halaga ng lugar na tabing-ilog sa mga tauhan na sina Aya at Johan