mga wikain sa pilipinas - · pdf filebansang pilipinas. ang wikang ... bilang isang pilipino....
TRANSCRIPT
7 February 2017
Publications
MGA WIKAIN SA PILIPINAS Eden R. Leaño
“Wika ang nagbubuklod sa sambayanang Pilipino”
Ano ang ating pambansang wika?
Ano ang kahalagahan ng wika sa atin bilang isang indibidwal o bilang isang mamamayang
Pilipino?
Kapamilya, kapatid, kapuso, kaibigan o ano pa man, wikang Filipino ang umiiral sa ating
bansang Pilipinas. Ang wikang "Filipino" ay ang pangalan ng opisyal na wika ng Pilipinas, ang
opisyal na wikang ito ay ibinatay sa Tagalog. Saan mang sulok ng mundo mayroon at mayroong
sumasambit ng ating wika. Wika ang sumisimbolo sa katauhan natin bilang isang Pilipino. Wika
ang dahilan kung bakit kaya nating makipagtalastasan sa araw-araw. Wika ang mabisang sandata
sa pagpaparating ng mensahe maging ito man ay naganap sa loob o labas ng ating bansa. Wika
ang nagdudulot ng pagkaka-intindihan o pagkaka-unawaan sa pagitan ng dalawang tao o higit pa.
Sa pamamagitan ng wika, naipapahayag natin ang ating saloobin maging positibo man ito o hindi.
Wika ang magtuturo sa atin kung paano tayo makaka-buo ng isang pamayanan o bansang
marunong at kapaki-pakinabang na maipapamana natin sa mga susunod pang henerasyon.
Tagalog, Ilocano, Pangasinense, Bicolano, Sebwano, Hiligaynon at Waray-waray ay ilan
lamang sa mga wikang tanyag at malimit gamitin sa bawat rehiyon ng bansang Pilipinas. Sino-
sino nga ba ang gumagamit ng wikang ito? Saan karatig ng bansang Pilipinas sila matatagpuan?
Ang wikang Tagalog ay ginagamit sa mga Katimugang bahagi ng Luzon. Taal na gamit ang
wikang Tagalog sa lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon o kilala sa tawag na
CALABARZON. Tagalog din ang gamit sa mga lalawigan ng Mindoro, Marinduque, Romblon
at Palawan o mas kilala sa tawag na MIMAROPA. Wikang Tagalog ang pangunahing wika ng
pambansang punong rehiyon na siyang kabisera ng bansa. Samantala, wikang Ilocano ang gamit
ng mga taga- Hilagang Luzon at rehiyong isa (1) at dalawa (2). Sa lalawigan naman ng Pangasinan
at ilang bahagi ng Hilagang Luzon at Gitnang Luzon, ginagamit ang Pangasinense. Sa Timog
Silangan ng Luzon, Bicolano ang pangunahing wika. Sebwano o tinatawag din na Bisaya ang
7 February 2017
Publications
wikang mayroon ang mga lalawigan ng Cebu, Silangang Negros, Bohol at malaking bahagi ng
Mindanao. Sa pulo ng Panay at Kanlurang Negros, Hiligaynon o tinatawag ding Ilonggo ang
wikang kanilang ginagamit sa pakikipagtalastasan. Waray-waray naman ang pangunahing wikang
ginagamit sa lalawigan ng Silangang Visayas, pulo ng Samar at Leyte.
Aling wika ang mas kailangan nating hasain, ang wikang Filipino na siyang ating sariling
wika o ang wikang banyaga na kung saan ginagamit at halos palasak na at bukambibig ng
maraming kabataan ngayon?
Huwag nating kalilimutan ang mga katagang iniwan ng ating pambansang bayani na si Dr.
Jose P. Rizal “Ang di magmahal sa sariling wika ay higit pa sa amoy ng malansang isda”
http://www.translation.com.ph/fil/links/tagalog.html https://tl.wikipedia.org/wiki/Wikang_Tagalog