misku

10
DIBDIBIN MO ITO: KANSER SA SUSO Isang Pag-aaral tungkol sa mga Karanasan ng Isang Breast Cancer Survivor CABOBOY, Jessica Louise; DALIRE, Julienne Decemae; DIZON, Gillian Emily; MAYPA, Precious Grace; MENDIOLA, Gabrielle Mari; TARLENGCO, Maren Mula sa seksyon I-1 ng Kolehiyo ng Narsing, Unibersidad ng Santo Tomas Taong Aralan 2008-2009 Sa patnubay ni Gng. Zendel Manois-Taruc, M.Ed. ________________________________________________________________ Ang kanser ay itinuturing na isa sa mga pinakaseryosong sakit sa buong mundo at hindi lingid sa ating kaalaman na ang lunas dito ay sumasaklaw sa isang mahabang proseso na higit na nakaaapekto sa buhay ng pasyente gayun din sa kanyang pamilya at mga kaibigan. Ang epektong ito ay maaring sa mga aspektong pisikal, mental, emosyonal at sosyal. Ang kanser ay hindi madaling pagdaanan. Maraming hakbangin ang kinakailangang isagawa upang malaman ang mga nararapat na aksyon. Isang mabuting halimbawa nito ay ang palagiang pagpapatingin sa doktor. Itinatalang Pilipinas ang may pinakamataas na insidente ng kanser sa suso sa Asya. Humigit-kumulang sa isang milyong tao kada taon ang nagkakaroon ng ganitong karamdaman. Sinasabing tumaas ang bilang ng may kanser nitong nakaraang 30 taon. Layunin ng pag-aaral na itong pag-ibayuhin ang kaalaman ng mga mambabasa tungkol sa kanser, partikular na sa kanser sa suso. Alinsunod dito, nais ding maiparating ng mga mananaliksik sa nakararaming Pilipino ang kahalagahan ng pag-aalaga sa sarili tungo sa maunlad na pamumuhay. I. MGA KAUGNAY NA LITERATURA A. Ano ang Kanser sa Suso (Breast Cancer)? Ang kanser sa suso ay ang pagkakaroon ng kumakalat at nagiging talamak na bukol ng mga selula (cells) sa dibdib. [1] Madalas itong mahanap sa mga babae, ngunit maaari rin namang sa

Upload: jared-haber

Post on 22-Nov-2014

115 views

Category:

Documents


3 download

TRANSCRIPT

Page 1: misku

DIBDIBIN MO ITO: KANSER SA SUSO Isang Pag-aaral tungkol sa mga Karanasan

ng Isang Breast Cancer Survivor

CABOBOY, Jessica Louise; DALIRE, Julienne Decemae; DIZON, Gillian Emily; MAYPA, Precious Grace; MENDIOLA, Gabrielle Mari; TARLENGCO, Maren

Mula sa seksyon I-1 ng Kolehiyo ng Narsing, Unibersidad ng Santo TomasTaong Aralan 2008-2009

Sa patnubay ni Gng. Zendel Manois-Taruc, M.Ed.________________________________________________________________

Ang kanser ay itinuturing na isa sa mga pinakaseryosong sakit sa buong mundo at hindi lingid sa ating kaalaman na ang lunas dito ay sumasaklaw sa isang mahabang proseso na higit na nakaaapekto sa buhay ng pasyente gayun din sa kanyang pamilya at mga kaibigan. Ang epektong ito ay maaring sa mga aspektong pisikal, mental, emosyonal at sosyal. Ang kanser ay hindi madaling pagdaanan. Maraming hakbangin ang kinakailangang isagawa upang malaman ang mga nararapat na aksyon. Isang mabuting halimbawa nito ay ang palagiang pagpapatingin sa doktor. Itinatalang Pilipinas ang may pinakamataas na insidente ng kanser sa suso sa Asya. Humigit-kumulang sa isang milyong tao kada taon ang nagkakaroon ng ganitong karamdaman. Sinasabing tumaas ang bilang ng may kanser nitong nakaraang 30 taon.

Layunin ng pag-aaral na itong pag-ibayuhin ang kaalaman ng mga mambabasa tungkol sa kanser, partikular na sa kanser sa suso. Alinsunod dito, nais ding maiparating ng mga mananaliksik sa nakararaming Pilipino ang kahalagahan ng pag-aalaga sa sarili tungo sa maunlad na pamumuhay.

I. MGA KAUGNAY NA LITERATURA

A. Ano ang Kanser sa Suso (Breast Cancer)?

Ang kanser sa suso ay ang pagkakaroon ng kumakalat at nagiging talamak na bukol ng mga selula (cells) sa dibdib.[1]

Madalas itong mahanap sa mga babae, ngunit maaari rin namang sa mga lalaki.[2] Kalimitan, ito ay nagmumula sa mga selula ng mga lobula (lobules), ang glands na gumagawa ng gatas, o sa ducts, ang daanan ng gatas galing sa mga lobula papuntang utong (nipple).[3] Kapag tumagal, itong mga selula ng kanser ay maaaring kumalat sa mga malulusog na selula ng suso gayun din sa mga buko ng limpa (lymph nodes) sa kili-kili. Madalas, ang mga buko ng limpa sa kili-kili ang nagbibigay daan sa pagkalat ng kanser sa iba pang bahagi ng katawan. Ang pagkalat ng mga selula ng kanser sa pamamagitan ng dugo at sistemang limpa ay tinatawag na metatesis.[4]

[1] Pebrero 22, 2008. Breast Cancer(female). Hinango noong Marso 3, 2009 mula sa http://www.nhs.uk/Conditions/Cancer-of-the-breast-female/Pages/Causes.aspx?url=Pages/what-is-it.aspx

[2] White, E. MD, ©1996-2009 MedicineNet, Inc. Breast Cancer Prevention. Hinango noong Pebrero 23, 2009 mula sahttp://www.medicinenet.com/breast_cancer_prevention/article.htm

[3] National Cancer Institute (USA). August 1, 2008. General Information About Breast Cancer. Hinango noong Enero 22, 2009 mula sahttp://www.cancer.gov/cancertopics/pdq/treatment/breast/patient

[4] Enero 7, 2009. What is breast cancer? Hinango noong Marso 3, 2009 mula sa http://www.cancer.ca/canada-wide/about%20cancer/types%20of%20cancer/what%20is%20breast%20cancer.aspx

Page 2: misku

Ang kanser sa suso ay maaaring matuklasan sa pamamagitan ng mammogram o pagsusuri ng isang doktor. Upang matuklasan ang kanser sa suso, mahalagang suriin buwan-buwan ang sariling mga suso. Magpasuri sa doktor taun-taon lalo na sa mga may edad apatnapu pataas.[5]

B. Mga Uri ng Kanser sa Suso Ang nasusuring kanser sa suso ay bukod-tangi sa bawat tao. Habang mayroong

mga pangkaraniwang uri ng kanser sa suso, mahalaga na makipag-usap sa manggagamot upang matiyak ang natatanging kalagayan.

Infiltrating ductal carcinoma : kanser na kumalat sa labas ng tubo ng gatas

Infiltrating lobular carcinoma : kanser na kumalat sa labas ng mga lobula ng suso.

Paget’s disease : nakikilala sa pamamagitan ng pangangati at pangangaliskis ng

suso

Inflammatory : madalas napagkakamalang impeksiyon

Tubular : mga selula ng kanser na mukhang mga maliliit na tubo

Medullary : kanser na kakulay ng himaymay ng utak

Mucinous : infiltrating ductal kanser na gumagawa ng uhog

Papillary : kanser na nakatayo o mukhang mga daliri [6]

C. Mga Salik na nagdudulot ng Kanser sa Suso

Maraming salik ang maaring makaapekto sa pagkakaroon ng kanser sa suso. Ilan dito ay ang pagtanda, dating pagkakaroon nito at kasaysayan sa pamilya. Ang posibilidad ng pagkakaroon ng kanser ay tumataas kasabay ng pagtanda habang ang mga genetic mutations at hormones ay posible ring maging sanhi sapagkat maaari nitong maiba ang normal na paglaki at pagdami ng mga selula sa katawan. Ang ilang mga gawain tulad ng pag-inom ng alak, sobra-sobrang pagkain at paninigarilyo ay maari ring maging dahilan nito. [3][7][8][9][10]

[5] © The Ohio State University Medical Center. Pebrero 2008. Breast Cancer. Hinango noong Pebrero 22,2009 mula sahttp://www.healthinfotranslations.com/pdfDocs/Breast%20Cancer_TAG.pdf

[6]© 2009 Breast Cancer Network of Strength. Mga Uri ng Kanser sa Suso. Hinango noong Enero 26,2009 mula sahttp://www.networkofstrength.org/tagalog/information/diagnosis/index.php

[7]Sarkodee-Adoo, C. Nobyembre 15, 2008. Understanding Breast Cancer – the Basics. Hinango noong Pebrero 20, 2009 mula sahttp://www.webmd.com/breast-cancer/guide/understanding-breast-cancer-basics?page=2

[8]Pebrero 22, 2008. Breast Cancer(female). Hinango noong Marso 3, 2009 mula sa http://www.nhs.uk/Conditions/Cancer-of-the-breast-female/Pages/Causes.aspx?url=Pages/what-is-it.aspx

[9]© Health Information Publications (2002-2005). What Causes Breast Cancer?Hinango noong Enero 22, 2009 mula sahttp://www.ehealthmd.com/library/breastcancer/BRC_causes.html

[10]© Cancerbackup (2003). Enero 14, 2009. Risk Factors and causes of Breast Cancer. Hinango noong Pebrero 26,2009 mula sa http://www.cancerbackup.org.uk/Cancertype/Breast/Causesdiagnosis/Causes

D. Paano ito maiiwasan?

Ang kanser sa suso ay isang malubhang karamdaman subalit may mga paraan naman upang mabawasan ang posibilidad ng pagkakaroon nito. Ilan na lamang dito ay ang pagbabawas ng pag-inom ng alak, pagiging pisikal na aktibo, at ang pag-iwas sa pagkain ng mga taba. Pagdating sa edad na apatnapu, mas mabuti ring sumailalim sa

Page 3: misku

mammogram taun-taon. Kung may mararamdamang kakaiba sa dibdib tulad ng bukol, kumunsulta agad sa doctor. [11][12]

E. Mga Uri ng Lunas

1 .Siruhiya ( Surgery )

Ginagawa ang siruhiya upang tanggalin ang kanser hangga’t maaari. Kapag tinanggal ang buong suso, ang tawag dito ay masectomy. Kapag bahagi lamang ng suso ang tinanggal, ang tawag dito ay lumpectomy. Sa parehong siruhiya, ang mga buko ng limpa sa ilalim ng kili-kili ay sinusuri kung may kanser. Maaari ring makipag-usap sa doktor ukol sa operasyong pagbabagong-tatag, ang siruhiyang bumubuo ng kahawig ng tunay na suso.

Maaari pa ring mangailangan ng iba pang lunas. Ang pagsailalim sa masectomy o lumpectomy ay hindi kasiguraduhan na wala na ang kanser sa suso at sa buong katawan. Ang mga sobrang liit na selula ng kanser na mahirap mahanap ay maaaring manatili sa katawan.

2. Teraping Radyasyon

Matapos ang lumpectomy, kadalasang sinusundan ito ng teraping radyasyon. Ang teraping radyasyon ay ginagawa upang gamutin ang buong suso. Kadalasan, ito ay nagsisimula apat hanggang anim na linggo matapos ang siruhiya.

3. Hormone Terapi at Kemoterapi

Maaaring mangailangan ng lunas upang maasinta ang mga selula ng kanser na naiwan sa katawan. Ito ay maaaring gawin bago ang siruhiya upang paliitin ang tumor, o pagkatapos ng siruhiya upang patayin ang mga selula ng kanser na maaaring kumalat na o nananatili pa sa katawan.

Ang hormone terapi ay ang paggamit ng gamot upang manlaban sa estrogen na nasa katawan. Ang pangkaraniwang masasamang epekto nito ay mga tanda ng pagmemenopawsiya (menopause).

Ang kemoterapi ay ang pag-gamit ng gamot na binibigay sa pamamagitan ng intravenous catheter (suwero sa ugat) o bilang isang tableta. Pinapatay nito ang mga selula ng kanser. Ang mga pangkaraniwang masasamang epekto nito ay ang panghihina, pagkalagas ng buhok at pagkahilo ngunit ang mga ito rin ay madalas na panandalian lamang. [5]

[11] Mayo Clinic Staff. December 12, 2008. Breast cancer prevention: Lifestyle factors that can reduce risk. Hinango noong Pebrero 10,2009 mula sa http://www.mayoclinic.com/health/breast-cancer-prevention/WO00091

[12]Stephan, P. Agosto 1, 2008. All About Breast Cancer Prevention and Lowering Your Risk of Breast Cancer. Hinango noong Pebrero 24,2009 mula sa http://www.breastcancer.about.com/od/risk/a/bc_prevention.htm

II. PAGLALAHAD NG SARILING PAG-AARAL

A. Metodolohiya

Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng pag-aaral mula sa iba’t ibang sanggunian sa internet tungkol sa kanser sa suso upang magkaroon ng paunang

Page 4: misku

kaalaman dito bilang paghahanda sa panayam. Sinuri ang kahulugan, mga uri, pinagmumulan at mga posibleng lunas para dito. Matapos nito ay tuluyan nang nakipagkasundo at nakipagkita sa kakapanayamin.

Si Gng. Celia V. Guzman at ang kanyang mga karansan bilang cancer surviror ang naging paksa ng naganap na panayam. Siya ay nagmula sa lungsod ng San Jose, Nueva Ecija at ngayon ay naninirahan sa Pasig. Nagtapos sa Unibersidad ng Pilipinas, siya ngayon ay isang nang matagumpay na propesyunal ng Yearnings Outsourcing Cooperative. Inilarawan niya ang kanyang sarili bilang isang taong may malakas na pundasyon ng pananampalataya at aktibong miyembro ng komyunidad.

Ang naging panayam ay suportado ng sapat na dokumentasyon mula sa mga tala ng bawat

miyembro ng grupo habang panayam gayun din naman ng ilang mga larawan. Sumunod ay ang paghahambing ng mga datos na naitala at ang masusing pagtalakay nito. Nahinuha ang mga kaalamang nais mabatid at isinaayos ang mga ito sa paraang tumutugon sa naitatag na layunin ng pamanahong papel.

B. Presentasyon, Interpretasyon at Pagsusuri ng mga Datos Ang Simula ng Laban sa Kanser

Nagsimula ang lahat nang mayroong makapang pisat at parisukat na bukol si Gng. De Guzman sa kanyang kanang suso. Matapos nito ay agad siyang nagpatingin sa doktor upang malaman ang kanyang tunay na kalagayan. Ilan sa mga ginawang pagsusuri sa kanya ay ang mammogram at pagsusuri ng dugo. Noong Hulyo 1998, napag-alaman na mayroon siyang kanser sa suso na nasa ikalawang antas. Dahil malaki na ang tumor, kinailangang siya ay sumailalim sa masectomy upang mapigilan ang tuluyang pagkalat nito sa iba pang bahagi ng kanyang katawan. Matapos ang operasyon, sumailalim din siya sa kemoterapi mula Agosto hanggang Disyembre.

"Hindi naging madali tanggapin ang naging condition ko. Natanong ko kay God,

why me? Paano na yung family ko?" Ito ang mga katagang nasabi ng ginang noong panayam. Sa simula, siya ay natakot sa mga maaring mangyari sa kanyang buhay. Natanong pa niya ang Panginoon kung bakit siya nagkaroon ng sakit na tulad nito (breast cancer). Nakaranas din siya ng matinding kalungkutan sa buhay. Nagkaroon pa ng panahong siya ay nagpunta sa kanyang spiritual rector upang humingi ng payo. "Just keep faith in God and in your doctor." Ito naman ang sinabi sa kanya ng naturang rector. Noon lamang niya napagtanto ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pasensya. Aniya, "The patient has to be patient." at dito nagsimula ang mahusay na laban ni Gng. Celia De Guzman sa kanser.

Ang mga Karanasan at Pagsubok

Marami rin siyang problemang nakaharap. Ilan sa mga ito ay ang hirap ng paglalagay sa kanya ng intravenous catheter (suwero sa ugat) dahil na rin sa kaliitan ng kanyang mga ugat. Dumagdag pa rito ang pag-iisip sa kanilang magiging gastusin at

Page 5: misku

ang pag-aalala sa maaari niyang iwanang pamilya. Sa laki ng kanyang pangambang maiwanan ang mga ito, inipon niya ang lahat ng kanilang mga dokumento at papeles na kanyang ibinilin sa panganay na anak.

Isa sa mga naging epekto ng kanser kay Gng. De Guzman at sa kanyang pamilya ay ang pagiging balisa dulot ng kawalan ng kasiguraduhan sa hinaharap. Nang kalauanan ay natutunan din nilang tanggapin ang sitwasyon. Nabuo sa kanilang mga katauhan ang mahabang pisi ng pasensya dulot ng tila habang-buhay na pagsailalim sa mga pagsusuri upang masigurado ang kalusugan ng ginang sakaling bumalik ang kanyang sakit.

"My husband was devasted by the situation." Ayon sa ginang, higit ding naapektuhan ang kanyang asawa sa kanyang naging kalagayan noon ngunit dahil sa lakas ng kanyang loob, nahikayat niya itong magkaroon ng mas mabuting pananaw sa suliraning kinaharap. Hindi nagtagal, isang buo at matatag na pamilya na silang humarap dito.

Sa pamamagitan ng kanyang doktor, isa si Gng. De Guzman sa mga pasyente ng kanser na nagtatag ng support group na Keep a Breast. Layon nitong tumulong sa mga kapwa pasyenteng may kanser. Mula naman dito, higit na napatatag ng ginang ang sarili. Natulungan nila, si Gng. De Guzman at ang iba pang miyembro ng grupo, ang isa’t isa sa pamamagitan ng mga pagbabahagi ng kani-kanilang mga karanasan upang malampasan ang mga pagsubok ng kanser. Higit sa lahat, mas nailapit siya ng grupong ito sa Panginoon. Aniya," Strong faith has healing power."

Isa rin sa naging haligi ng lakas ni Gng. De Guzman sa panahon ng krisis sa kanyang buhay ay ang mga tunay na kaibigan. Patuloy ang kanilang naging suporta dito. Ang ilan ay sa pamamagitan ng pangangamusta at pagtawag sa telepono, samantalang ang iba naman ay sa pagsama sa mga gamutan sa ospital. Mula sa mga suportang natanggap, higit na naibsan ang sakit ng kanyang kalooban gayun din ng katawan.

Ang Mabuting Hinaharap

Isa sa mga plano ni Gng. De Guzman ay bumalik sa normal na buhay. Balak niyang kausapin ang Panginoon nang mas madalas. Maglalaan din siya ng mas maraming panahon para sa kanyang pamilya at nais niyang panatilihing abala ang sarili.

Ibinahagi rin ng ginang sa amin ang kahalagahan ng edukasyon. Ayon sa kanya, "Always be informed. Mahalaga ang edukasyon dahil ito lamang ang maipamamana ng isang magulang sa kanyang anak na kahit kailan, hindi makukuha ninuman." Mahalaga ring laging sundin ang mga payo ng doktor upang maging mas mabilis ang paggaling.

"You don't blame God. It's your lifestyle." Ayon din kay Gng. De Guzman, hindi natin dapat sisihin ang Diyos sa anumang suliraning ating makaharap. Nararapat lamang na tayo ay maging responsable sa lahat ng mga pangyayari sa ating buhay sapagkat tayo ang gumagawa ng sarili nating desisyon. Ang Diyos ay lagi lamang nandiyan upang tayo ay tulungan. Matuto rin tayong magplano at maghanda para sa hinaharap. Pagsikapan nating maging inspirasyon sa iba at mas maging matatag sa tulong ng Panginoon.

Page 6: misku

Ayon kay Gng. De Guzman, "Life goes on". Aniya, huwag nating hayaang ang mga problema sa buhay ang maging hadlang sa pagusad natin tungo sa mabuting kinabukasan. "Theres still life." Ang bawat suliranin sa buhay ay pawang mga pagsubok lamang. Marahil, ito ay mga instrumentong naglalayong paunlarin ang ating pagkatao. Nararapat lamang ang mabuting pagtanggap upang tayo ay makausad sa buhay. Higit sa lahat, dapat nating isa-puso na "God will help you if you help yourself first.

III. Konklusyon

Ang pagiging malusog ay isa sa mga pinakaimportanteng bagay na kailangan nating panatilihin ngunit kung ang tao ay haharap sa isang sakit na alam niyang delikado at makapagpapabago ng kanyang buhay, ano nga ba ang dapat gawin?

Ang pagtanggap ay lubos na mahalaga sapagkat malaki ang maitutulong nito sa emosyonal, pisikal, ispiritwal, at sosyal na aspekto ng ating buhay. Ang pagkakaroon ng matatag na tiwala sa Diyos ay isa ring paraan upang malampasan ang mga pagsubok ng kanser. Inaasahang ang pasyente ay sasangguni sa doktor at sasailalim sa iba't ibang paraan ng gamutan upang malunasan ang sakit hangga't maari. Ang pagiging positibo sa lahat ng bagay ay mahalaga rin. Lubhang nakatutulong ang suporta ng pamilya at mga kaibigan sa pasyente sapagkat ito ang nakapagbibigay ng lakas upang harapin ang naturang sakit.

Kahit papaano, ang pagkakaroon ng malubhang sakit ay may ilan ding mabubuting naidudulot, depende sa kaso. Ang mga halimbawa nito ay ang mga pagbabagong dulot sa mga pananaw sa buhay, pagbibigay halaga sa mga maliliit na bagay, pagkakaroon ng mabuting disiplina sa sarili at ang mabuting paghahanda sa hinaharap. Ang karanasan ding ito ay nagdudulot ng pagunlad sa pag-iisip at katatagan ng loob.

Dalawa sa pangunahing aral na aming nahinuha mula sa panayam ay ang kahalagahan ng Diyos at pamilya sa bawat tao. Higit sa lahat, nararapat lamang na panatilihin natin ang matibay na relasyon sa Panginoon. Ibigay natin ang ating buong tiwala at sarili sa kanya at ang lahat ay susunod na. Samantala, mahalaga ring patuloy na makapagbigay oras sa ating pamilya upang mabuo ang matibay na samahan at tunay na pagmamahalan na maari namang pagmulan ng ating lakas at tatag sa gitna ng maraming hamon ng buhay.

IV. Rekomendasyon

Ayon sa nakapanayam ng mga mananaliksik na si Gng. De Guzman, ang kanyang pagsusuri sa sarili o self-examination ay lubos na nakatulong upang maagapan ang kanyang sakit. Dahil dito, maaga niyang natugunan ang mga pangangailangang dulot ng kanser. Alinsunod dito, pinapayo ng mga mananaliksik na siguraduhin ang regular na pagsusuri sa sarili at pagkunsulta sa doktor sapagkat sa pamamagitan nito, higit na mapangangalagaan ang sarili.

Isa pa sa mga naibahagi ni Gng. De Guzman ay ang mabuting naidudulot ng pakikisalamuha sa mas nakararaming pasyente ng kanser. Ang pagiging miyembro ng mga support group ay higit na nakatutulong sa pananagumpay sa laban ng kanser. Sa pamamagitan nito, nabibigyan ng lakas ng loob ang bawat pasyente upang maipagpatuloy pa rin ang buhay.

Page 7: misku

V. Mga Sanggunian

Pebrero 22, 2008. Breast Cancer(female). Hinango noong Marso 3, 2009 mula sa

http://www.nhs.uk/Conditions/Cancer-of-the-breast-female/Pages/Causes.aspx?url=Pages/what-is-it.aspx

White, E. MD, ©1996-2009 MedicineNet, Inc. Breast Cancer Prevention. Hinango noong Pebrero 23, 2009 mula sa

http://www.medicinenet.com/breast_cancer_prevention/article.htmNational Cancer Institute (USA). August 1, 2008. General Information About Breast Cancer. Hinango noong Enero 22, 2009 mula sa

http://www.cancer.gov/cancertopics/pdq/treatment/breast/patient Enero 7, 2009. What is breast cancer? Hinango noong Marso 3, 2009 mula sa

http://www.cancer.ca/canada-wide/about%20cancer/types%20of%20cancer/what%20is%20breast%20cancer.aspx

© The Ohio State University Medical Center. Pebrero 2008. Breast Cancer. Hinango noong Pebrero 22,2009 mula sa

http://www.healthinfotranslations.com/pdfDocs/Breast%20Cancer_TAG.pdf© 2009 Breast Cancer Network of Strength. Mga Uri ng Kanser sa Suso. Hinango noong Enero 26,2009 mula sa

http://www.networkofstrength.org/tagalog/information/diagnosis/index.php Sarkodee-Adoo, C. Nobyembre 15, 2008. Understanding Breast Cancer – the Basics. Hinango noong Pebrero 20, 2009 mula sa

http://www.webmd.com/breast-cancer/guide/understanding-breast-cancer-basics?page=2

Pebrero 22, 2008. Breast Cancer(female). Hinango noong Marso 3, 2009 mula sa

http://www.nhs.uk/Conditions/Cancer-of-the-breast-female/Pages/Causes.aspx?url=Pages/what-is-it.aspx

© Health Information Publications (2002-2005). What Causes Breast Cancer?Hinango noong Enero 22, 2009 mula sa

http://www.ehealthmd.com/library/breastcancer/BRC_causes.html© Cancerbackup (2003). Enero 14, 2009. Risk Factors and causes of Breast Cancer. Hinango noong Pebrero 26,2009 mula sa

http://www.cancerbackup.org.uk/Cancertype/Breast/Causesdiagnosis/CausesMayo Clinic Staff. December 12, 2008. Breast cancer prevention: Lifestyle factors that can reduce risk. Hinango noong Pebrero 10, 2009 mula sa

http://www.mayoclinic.com/health/breast-cancer-prevention/WO00091 Stephan, P. Agosto 1, 2008. All About Breast Cancer Prevention and Lowering Your Risk of Breast Cancer. Hinango noong Pebrero 24, 2009 mula sa

http://www.breastcancer.about.com/od/risk/a/bc_prevention.htm