module on violence against women and children

30
Training Women for Community Empowerment i _____________________________________________ _____________________________________________ VIOLENCE AGAINST WOMEN and CHILDREN Training Women for Community Empowerment Peoples Development Institute February 2014

Upload: peoples-development-institute

Post on 19-Jan-2016

369 views

Category:

Documents


2 download

DESCRIPTION

This is a training module on Violence Against Women and Children. This is the result of the long years of PDI experience in development work.

TRANSCRIPT

Page 1: Module on Violence Against Women and Children

Training Women for Community Empowerment

i

_____________________________________________

_____________________________________________

VIOLENCE

AGAINST

WOMEN and

CHILDREN

Training Women for Community Empowerment

Peoples Development Institute

February 2014

Page 2: Module on Violence Against Women and Children

_____________________________________________

ii

_____________________________________________

VIOLENCE AGAINST WOMEN AND THEIR CHILDREN

Published by the Peoples Development Institute91 Madasalin Street, Brgy. Sikatuna Village, 1101Quezon City, PhilippinesTel. No. (632) 351-7553

Lay-out and Artwork by: Ramon T. Ayco, Sr.of Peoples Development InstituteSet in Times New Roman Txt LT Std, pt. 12

Published in the Philippines

Page 3: Module on Violence Against Women and Children

Training Women for Community Empowerment

iii

_____________________________________________

_____________________________________________

Oryentasyon saKARAHASAN SA KABABAIHAN

AT KABATAAN (Orientation on VAWC)

Page 4: Module on Violence Against Women and Children

_____________________________________________

iv

_____________________________________________

VIOLENCE AGAINST WOMEN AND THEIR CHILDREN

Page 5: Module on Violence Against Women and Children

Training Women for Community Empowerment

v

_____________________________________________

_____________________________________________

Acknowledgement

This training module is the result of the long years of PDI experience in development work.

We would like to extend our deepest gratitude to Bread for the World for their unwavering support to the PDI program and their deep understanding of the imperatives for developing the capacities of the peasants, indigenous people, women and the out-of-school youth.

From the Peoples Development Institute, support was provided by Ramon Ayco and Analyn Larot for technical support and Salvador Mirandilla and Catherine Briola for developing and translating the training modules in Pilipino.

Most importantly, PDI would like to thank all the community organizers and workers of PDI who helped in the conceptualization and design of the training modules.

Aurea Miclat-TevesPresident

Peoples Development Institute

Page 6: Module on Violence Against Women and Children

_____________________________________________

vi

_____________________________________________

VIOLENCE AGAINST WOMEN AND THEIR CHILDREN

Page 7: Module on Violence Against Women and Children

Training Women for Community Empowerment

1

_____________________________________________

_____________________________________________

Pangkalahatang Layunin: Sa pagtatapos ng Seminar, inaasahan na ang mga kalahok ay magiging mulat at handang ipagtanggol ang Karapatan ng Kababaihan at Kabataan sa pagtataguyod at pagsusulong ng karapatang pantao.

Partikular na Layunin: Ang mga kalahok ay:1. Maging mulat sa mga paglabag sa karapatan ng

kababaihan at kabataan.2. Malaman ang mga karapatan ng kababaihan at

kabataan upang maiwasan ang karahasan.3. Mapaunlad ang sarili bilang responsableng

mamamayan na handang magtanggol sa karapatan

4. Maunawaan ang ibat-ibang porma o mukha ng Karahasan at mga halimbawa nito , epektong dulot at kung bakit nagpapatuloy ang karahasan

5. Malaman kung anong gagawin at saan pupunta para humingi ng tulong ang mga apektado ng karahasan.

6. Matukoy ang isang komite na makakakatulong sa mga isyu at usaping pangkababaihan tungo sa epektibong paglahok ng kababaihan sa pag-unlad ng sarili at komunidad

Paraan ng Pagtuturo:a. Pagbabahagi (Sharing of experience)b. Palihan (Workshop)

Page 8: Module on Violence Against Women and Children

_____________________________________________

2

_____________________________________________

VIOLENCE AGAINST WOMEN AND THEIR CHILDREN

c. Lektura (Lecture)d. Palitan ng Kaalaman (Discussion)e. Pagtatanong (Question and Answer)f. Drama o Skit (Role playing)g. Laro (Game)

Takdang Oras: 2-4 oras

PAKSA:

I. Karahasan sa KababaihanII. Ano ang VAWC ?III. Mga Porma/Mukha ng VAWCIV. Mga Epekto ng KarahasanV. Bakit Patuloy ang KarahasanVI. Mga Dapat MalamanVII. Pangkalahatang KalagayanVIII. Ang VAWC sa Pilipinas

A. Ano ang parusaB. Ano ang Punishable actsC. 3 Uri ng Protection OrderD. Sino ang Maaring mag-apply ng POE. Mga Karapatan ng BiktimaF. Responsibilidad ng BO at PulisG. Mga Dapat TandaanH. Mga Tungkulin

1. Korte2. Prosecutors3. LGU’s/Govt. Agencies4. Health Care

I. Mga Tanggapan na Maaring Malapitan

Page 9: Module on Violence Against Women and Children

Training Women for Community Empowerment

3

_____________________________________________

_____________________________________________

ANNEX:

A. Energizer: Laro, Awit para sa pampasiglang gawain

B. WorkshopC. Role PlayingD. Sentence CompletionE. Drawing: “Safe and Unsafe Touch”

NILALAMAN NG PAKSA:

I. Karahasan sa Kababaihan• Ito ay mali• Paglabag sa karapatang pantao• Hindi lang usaping pampamilya ang karahasan.

Problema ito ng lipunan at komunidad• Hindi lamang ito sa Pilipinas• Puwedeng mangyari ito kahit saang tahanan,

kahit anong oras at kahit kanino: mayaman o mahirap, edukado o mas kaunti ang edukasyon, sa lungsod o sa nayon

• Kailanman ay hindi dapat sisihin ang taong nakaranas o naging biktima ng karahasan

Page 10: Module on Violence Against Women and Children

_____________________________________________

4

_____________________________________________

VIOLENCE AGAINST WOMEN AND THEIR CHILDREN

II. Ano ang VAWC ?• Ito ay ang minsanan o sunod-sunod na

karahasan ng isang tao (lalaki o babae) laban sa isang babae na kanyang asawa , dating asawa, karelasyon o kahit naka-date lang

• Ito rin ang karahasan ng lalaki sa babae kung kanino sya nagkaanak, o karahasan sa mismong anak, lehitimo man o hindi

• Ang karahasan ay maaring nangyari sa loob o labas ng tirahan ng pamilya, na nagbubunga ng pisikal, sekswal at sikolohikal na sakit o hirap. Kasama rito ang pagkakait ng kabuhayan at salapi(economic abuse)

III. Mga Porma/Mukha ng VAWC• Domestic Violence • Physical violence

Page 11: Module on Violence Against Women and Children

Training Women for Community Empowerment

5

_____________________________________________

_____________________________________________

• Sexual violence• Psychological violence• Economic abuse

Mga Halimbawa ng Physical Violence• panununtok/pananampal• pag-uumpog ng ulo sa pader• pananadyak • pambabato• paghuhulog sa hagdan• pamamaso• paninipa• pananaksak at iba pa

Mga Halimbawa ng Sexual abuse• rape• sexual harassment• pambabastos(salita)• panghihipo sa pribadong parte ng katawan• pamimilit sa asawa o kapareha na makipagtalik

kahit labag sa kalooban ng babae• pamimilit sa asawa o kapareha na

magperform ng sexual acts na labag sa kalooban ng babae

• pamimilit sa asawa o kapareha na manood ng malaswang panoorin

Page 12: Module on Violence Against Women and Children

_____________________________________________

6

_____________________________________________

VIOLENCE AGAINST WOMEN AND THEIR CHILDREN

Mga Halimbawa ng Psychological Violence• pananakot• panghihiya sa publiko• paninigaw• akto o galaw ng akmang pananakit• pagmumura• di- pagpansin o pagsasantabi• pang-iinsulto• pananahimik• pagbawal sa babae na makipagkaibigan/

makisalamuha• pagdududa/pagparatang• pagkulong/paglimita sa kilos

Mga Halimbawa ng Economic Abuse• pag-aalis ng sustentong pinansiyal• di- pinapayagan na humawak ng pera

Page 13: Module on Violence Against Women and Children

Training Women for Community Empowerment

7

_____________________________________________

_____________________________________________

• pagkontrol sa kita ng asawa/kapareha• di-pinapayagan na magtrabaho• di-pagbibigay alam kung saan galing ang kita

ng asawa at iba pa

IV. Mga Epekto ng Karahasan

KABABAIHAN: Ang karahasan ay nakapagdudulot sa mga babae ng:• Kakulangan ng sigla o pagpapahalaga sa sarili• Problema sa kalusugan ng pag-iisip,

tulad ng pagkabalisa at problema sa pagkain at pagtulog. Para umangkop sa karahasan, baka simulan ng babae ang mga mapaminsala o walang-ingat na asal-tulad ng pagdodroga, paglalasing o pakikipagtalik sa marami.

• Matinding sakit at pinsala: baling buto, pasa, black-eye, sugat at pasa, pananakit ng ulo, tiyan o kalamnan na maaring magtuloy-tuloy ng ilang taon pagkatapos ng pang-aabuso

• Problema sa sekswal na kalusugan. Maraming babae ang nakukunan dahil binubugbog habang buntis. Marami rin silang dumanas ng di gustong pagbubuntis, mga impeksyon na naihahawa sa pagtatalik(INP) o HIV AIDS dulot ng sekswal na abuso, Madalas tumutungo ang sekswal na abuso sa takot na makipagtalik, masakit na pakikipagtalik at kawalan ng sekswal na pagnanasa.

• Kamatayan

Page 14: Module on Violence Against Women and Children

_____________________________________________

8

_____________________________________________

VIOLENCE AGAINST WOMEN AND THEIR CHILDREN

MGA BATA: Kapag nakikita ng mga bata na inaabuso ang nanay nila, madalas nakakapagdulot ito ng:• Galit o agresibong

asal na kumokopya sa karahasan. O maaring sobrang tahimik sila at nasa tabi lang palagi para hindi mapansin.

• Masamang panaginip at iba pang takot. Madalas hindi kumakain nang mabuti at mas mabagal ang paglaki at pagkatuto ng mga bata sa pamilyang may karahasan, kumpara sa ibang mga bata. Mas marami rin silang sakit, tulad ng sakit sa tiyan, sakit sa ulo at hika.

• Pinsala at kamatayan kung sa kanila mabaling ang karahasan

Page 15: Module on Violence Against Women and Children

Training Women for Community Empowerment

9

_____________________________________________

_____________________________________________

KOMUNIDAD: Sa komunidad., puwedeng magdulot ang karahasan ng:• Paulit-ulit na karahasan na magtuloy-tuloy sa

susunod na mga henerasyon• Pagpapatuloy ng maling pananaw na likas na

mas magaling ang kalalakihan kaysa kababaihan• Paghina ng kalidad ng buhay ng lahat, dahil

nababawasan ang paglahok ng kababaihan sa buhay ng komunidad kapag pinapatahimik o pinapatay ng karahasan.

V. BAKIT PATULOY ANG KARAHASAN?Ang Diskriminasyon sa kababaihan na sumasalamin sa limang pangunahing isyu na nararanasan ng bawat kababaihan ang naglalagay sa bulnerableng kalagayan ng kababaihan na humahantong sa karahasan.Sa sistemang Patriarkal mas nakaugat ang dominasyon ng kalalakihan sa kababaihan at nagdulot ng di pantay na pagtrato o tinatawag nating gender inequality na umiiral sa ating lipunan. Balikan ang Limang Isyu(multiple burden,Pagkakahon,marginalization , subordination,VAW).• Pangamba at pananakot. Maraming lalaking

nananakot , “Papatayin kita, ang mga bata, ang nanay mo...kung magtatangka kang umalis.” iniisip ng babae na sa pananatili, ginagawa niya ang pinakamahusay na hakbang para protektahan ang sarili at iba .

• Walang pera at walang ibang mapuntahan. Nangyayari ito kung nakontrol ng lalaki ang lahat ng pera at hindi siya napapayagang makipagkita sa pamilya at kaibigan.

Page 16: Module on Violence Against Women and Children

_____________________________________________

10

_____________________________________________

VIOLENCE AGAINST WOMEN AND THEIR CHILDREN

• Walang proteksyon. Maaring walang makakapigil sa lalaki na sundan siya at patayin.

• Mali / mababang pagtingin sa sarili.. Maaaring sa tingin ng babae ay kasalanan niya ang karahasan, o na ‘tama lang na saktan siya.

• Relihiyon o kultura. Maaaring sa tingin niya ay tungkulin niyang panatilihing buo ang pagsasama, anuman ang mangyari sa kanya.

• Pag-asa sa pagbabago. Maaring mahal pa niya ang lalaki at gusto niyang magpatuloy ang relasyon. Baka sa tingin niya, may paraan pa para mapahinto ang karahasan.

• Takot na iwanang walang ama ang mga anak

VI. Mga Dapat Malaman• Ang VAWC ay isang

krimen• Nakaugat ito sa di-

pantay na relasyon ng kapangyarihan ng babae at lalake sa lipunan na kung saan ay higit na tinitingnan na mas makapangyarihan ang lalake kaysa sa babae.

• Nilalapastangan ng VAWC ang dignidad at pagkatao ng isang tao

• Maraming kaso ng VAWC ang hindi naitala• May magagawa tayo upang sugpuin ang VAWC

Page 17: Module on Violence Against Women and Children

Training Women for Community Empowerment

11

_____________________________________________

_____________________________________________

VII. PANGKALAHATANG KALAGAYAN• 7 sa bawat 10 babae sa buong mundo ay

nakakaranas ng ibat-ibang uri ng karahasan• Maraming kaso ng pagkamatay ng babae dulot

ng homicide ay gawa ng kanilang asawa, kinakasama o kapareha.

• Karaniwang tumitindi ang karahasan sa panahon ng pagbubuntis ng babae

• 1 sa bawat 5 babae at 1 sa bawat 10 lalake ay nakaranas ng pang-aabuso noong kabataan nila

VIII. ANG VAWC SA PILIPINAS at ANG BATAS• Ang VAWC o Republic Act 9262 ay naging

isang ganap na batas noong Marso 2004 matapos lagdaan ng dating Pangulo Gloria Macapagal Arroyo

Page 18: Module on Violence Against Women and Children

_____________________________________________

12

_____________________________________________

VIOLENCE AGAINST WOMEN AND THEIR CHILDREN

• Layunin ng batas na ito na matugunan ang lumalalang problema ng karahasan at pang-aabuso laban sa kababaihan at kanilang mga anak na gawa ng kanilang mga intimate partners.

• 9,485 VAWC cases ang naitala ng PNP noong 2009

• Sa lahat ng kaso ng VAWC mula 1997-2009, nangunguna o pinakamarami ay ang mga kaso ng physical injuries at /o wife battering 45.5 %, 17.8& ay RA 9262, 13.1% ay rape cases at 8.1% naman ay acts of lasciviousnes.

• Ito ang batas na nagpaparusa sa violence o karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak bilang pampublikong krimen o public crime.

• Public crime - ibig sabihin sino mang mamamayan na may personal na kaalaman sa krimen ay puwedeng magsampa ng reklamo.

• Protektado nito ang kababaihan, mga anak nilang 17 pababa ang edad, babae o lalake, at > Mga anak nila na 18 taong gulang pataas

subalit walang kakayanang pangalagahan ang sarili

> Hindi tunay na anak pero nasa ilalim ng pangangalaga ng babae(hal. pamangkin, apo, stepchild, ampon)

> Live-in partner o ex live-in partner> Boy friend o dating boyfriend> Dating partner o ex-dating partner> Lalake kung kanino may mga anak ang

babae> Babaeng partner (tomboy o lesbyana)

Page 19: Module on Violence Against Women and Children

Training Women for Community Empowerment

13

_____________________________________________

_____________________________________________

• Hindi pinoprotektahan ng batas na ito ang mga kalalakihan na inaabuso ng kanilang asawa o partner.

• Maaring maparusahan ang asawang lalake o dating asawang lalake

A. ANO ANG PARUSA ?• Imprisonment o pagkakulong ng 1-6 na

buwan hanggang 6-20 na tao(depende sa bigat ng krimen)

• Magbayad ng multa mula Ph100,000-Ph 300,000

• Ang offender o may sala ay sasailalim sa mandatory psychological counselling o psychiatric treatment.

• Maaring magsampa ng kaso o reklamo sa loob ng 10-20 years,reklamong sibil o criminal

• Layunin ng PO na pansamantala o tuluyang pigilin ang karahasan o banta ng karahasan laban sa isang babae at/o sa kanyang (mga) anak at makapagbigay ng mga kaukulang ginhawa o relief sa mga biktima. Maaring humiling ng Protection Order sa Barangay o Korte.

Page 20: Module on Violence Against Women and Children

_____________________________________________

14

_____________________________________________

VIOLENCE AGAINST WOMEN AND THEIR CHILDREN

B. Ano ang mga PUNISHABLE ACTS?• Pisikal na pananakit• Pagpatay• Pananakot at pagbabanta• Pagbabawal na makita ang anak at

pamilya• Pagbabawal na magtrabaho• Pamimilit na ipagawa ang isang bagay na

ayaw o labag sa kalooban• Pangangaliwa• Hindi pagbibigay ng suportang pinansiyal• Pagkontrol sa yaman at ari-arian ng

biktima• Pagsira sa mga personal na gamit• Pagmamanman / ”stalking”• Pananakit sa alagang hayop ng biktima• Pagmumura at pagpapahiya

C. 3 URI ng PROTECTION ORDERS1. Barangay Protection Order (BPO)

• Inapply sa Barangay• Iniisyu ng Punong Barangay o Kagawad

kung wala ang PB

Page 21: Module on Violence Against Women and Children

Training Women for Community Empowerment

15

_____________________________________________

_____________________________________________

• May bisa lamang sa loob ng 15 araw at maaring irenew

• May bisa lamang sa loob ng Barangay kung saan ito inilabas

• Ang sino mang lalabag ay makukulong ng 30 days

• May bayad ito subalit maaring i-waive o hindi pabayaran.

• Ihahain ang BPO sa aplikante at sa maysala sa mismong araw ng aplikasyon

• Maaring igawad ex parte o base lamang sa reklamo ng aplikante

2. Temporary Protection order(TPO)• Ina-apply sa mga korte(Family Court,

Regional Trial Court, Metropolitan Trial Court, Municipal Trial court, Municipal circuit Trial court)

• Iniisyu ng Korte• Hindi na kailangan ng hearing• May bisa sa loob ng 30 days at maaaring

i-renew• May bisa kahit saan sa Pilipinas• Ang sino mang lalabag ay magmumulta

ng Php5,000-Php.50,000 at makukulong ng 6 na buwan

• May bayad ito subalit maaaring i-waive o hindi pabayarin

• Maaring i-apply mayroon man o walang BPO

3. Permanent Protection Order(PPO)• Ina-apply sa mga Korte(Family Court,

Regional Trial Court, Metropolitan Trial

Page 22: Module on Violence Against Women and Children

_____________________________________________

16

_____________________________________________

VIOLENCE AGAINST WOMEN AND THEIR CHILDREN

court, Municipal Trial Court, Municipal Circuit Trial Court)

• Ini-isyu ng Korte• May pagdinig o hearing sa kaso(sa loob

ng 30 days)• May bisa hanggat hindi pinapawalang

bisa ng korte• May bisa kahit saan sa Pilipinas• Ang sino mang lalabag ay magmumulta

ng Php 5,000-Ph50,000 at makukulong ng 6 na buwan

• May bayad ito subalit maaaring i-waive o tanggalin

• Ihahain sa aplikante at sa maysala sa mismong araw ng aplikasyon

D. SINO ANG MAARING MAG-APPLY NG PO?• Ang nakaranas ng karahasan• Mga magulang o tagapag-alaga ng nakaranas

ng karahasan• Mga anak at apo• Kamag-anak (tita,Tito, pinsan, in-laws)• Mga lokal na opisyal; ng LGU o social

worker ng DSWD• Mga pulis, lalo na ang mga nakatalaga sa

mga Women’s and Children’s desk• Punong Barangay o Barangay Kagawad• Abugado, tagapayo, therapist• Health care providers (nurse, doctor,

BHW) o Dalawa o higit pang responsable at nagmamalasakit na mamamayan sa lungsod o munisipyo kung saan nangyari

Page 23: Module on Violence Against Women and Children

Training Women for Community Empowerment

17

_____________________________________________

_____________________________________________

ang karahasan na mayroong personal na kaalaman ukol sa nangyaring krimen.

• Kailangan ng Affidavit ng biktima upangmai-apply ang PO

E. MGA KARAPATAN NG BIKTIMA:1. Tratuhin ng may dignidad at respeto2. Bigyan ng Ligal na tulong ng PAO3. Mabigyan ng Protection Order4. Ipaalam ang mga karapatan niya at mga

tulong na maaring tanggapin5. Bigyan ng DSWD at lokal na pamahalaan

ng suportang serbisyo-temporary shelter, counselling/rehabilitation program at livelihood assistance

6. Bigyan ng medical assistance ng DOH7. Mabigyan ng kustodiya at suporta para sa

mga anak8. Humingi ng kabayaran sa mga damages9. Mag-apply ng hold-departure order10. Makakuha ng libre o walang bayad na

protection order(kung walang kapasidad magbayad)

11. Mabigyan ng 10 araw na paid leave of absence(may trabaho)

12.I-tratoangkanyangkasowithconfidentiality

F. RESPONSIBILIDAD NG BO at PULIS1. Pasukin ang bahay ng biktima kung

kinakailangan, may PO man o wala2. Kumpiskahin sa suspek ang anumang

nakamamatay na sandata

Page 24: Module on Violence Against Women and Children

_____________________________________________

18

_____________________________________________

VIOLENCE AGAINST WOMEN AND THEIR CHILDREN

3. Tulungan ang biktima na kumuha ng mga personal na kagamitan sa bahay

4. Dalhin ang biktima sa isang ligtas na lugar o pagamutan

5. Tulungan ang biktima/aplikante na bumuo ng aplikasyon para sa BPO

6. Mag-aral at maglunsad ng mga pag-aaral hinggil sa VAWC

7. Tumulong sa biktima ng anumang uri ng karahasan, pisikal man o hindi.

G. MGA DAPAT TANDAAN:1. Hindi pinahihintulutan ng batas na ito ang

pag-aareglo o pamamagitan sa kaso ng VAWC

2. Maaring arestuhin ang suspek kahit walang warrant (warrantless arrest)

3. Sinumang mamamayan o alagad ng batas ay maaring umaresto sa maysala

Page 25: Module on Violence Against Women and Children

Training Women for Community Empowerment

19

_____________________________________________

_____________________________________________

4. Hindi maaring kasuhan ng trespassing ang mga taong pumasok sa bahay ng biktima upang siya ay tulungan

H. MGA TUNGKULIN:1. Korte

• Ilapit sa PAO ang biktima para mabigyan ng libreng abugado

• I-prioritize ang mga hearing hingil sa PO applications

2. Prosecutors/Court Personnel• Tulungan ang mga aplikante na gumawa

ng aplikasyon• Makipag-ugnayan sa biktima sa wikang

alam niya• Ipaalam sa biktima ang kanyang mga

karapatan3. LGUs/Government Agencies:

• Magbigay ng permanenteng shelter, counselling, and rehabilitation sa mga biktima

• TulunganangaplikantesapagfilengPO• Maglunsad ng mga pag-aaral hinggil sa

VAWC• Magbigay ng rehabilitative counselling

para sa maysala4. Health-Care Providers

• TulunganangaplikantesapagfilengPO• I-rekord o idokumento ang injuries ng

biktima;angresultaaykailangangi-filengmaayos at maging available sa mga biktima

• Awtomatikong magbigay ng libreng medicalcertificatesabiktima.

Page 26: Module on Violence Against Women and Children

_____________________________________________

20

_____________________________________________

VIOLENCE AGAINST WOMEN AND THEIR CHILDREN

I. MGA TANGGAPAN NA MAARING MALAPITAN:• PCW (dating NCRFW)• DSWD-Temporary Care and Shelter• PNP-Women’s and Children’s Desk• DOH-Women and Children Protection

Unit• Women’s Crisis Center (1997)• Women’s Legal Bureau (legal assistance)• SALIGAN (legal assistance)• KALAKASAN (Shelter and counselling)• ECPAT (children) at iba pa

ANNEX:

A. ENERGIZER: Laro at Awit para sa pampasiglang gawain.1. Awit: Mga Babae2. KOMUNIDAD, TAO, KARAHASAN

Mechanics: Pag sinabi ng Lider na Komunidad maghahanap ng TAO, Pag sinabing TAO papasok ang tao sa Komunidad, Pag sinabing karahasan magtatakbuhan o magkakagulo.

3. MAGAGAWA NATIN (Action Song)Magagawa natin ang lahat ng bagayAng lahat ng bagay sa mundoMay isang bagay hindi magagawaHindi magagawang nag-iisaMalulutas natin ang mga problemaKung tayoý magkakaisaAng suliranin, dagling mapaparamAt may bagong buhay

Page 27: Module on Violence Against Women and Children

Training Women for Community Empowerment

21

_____________________________________________

_____________________________________________

4. AKO, IKAW, ISANG PAMAYANAN(Action Song)Ako ..2xAko’y isang pamayanan(Ulitin ng 3x)Korus: Lumundag lundag ka’t sumayaw-sayawSumayaw-sayaw ka tulad ng dagat(Ulitin 2x)Ikaw...2xIkaw isang pamayanan(Ulitin 3x)(Ulitin ang Korus)

5. Rabbit, pader at barilMechanics:1. Magkaroon ng dalawang grupo2. Bawat grupo ay may lider na magsasabi

kung anong action ang kanilang ipapakita (Pader, baril o rabbit).isa lang sa tatlong ito ang kanilang gagawin na sabay-sabay. Kailangan ang isang grupo ay pare-pareho ang action.Tandaan: Talo ng baril ang Rabbit, Pero talo ng rabbit ang pader, pero talo ng pader ang baril.

3. Magkatalikod ang dalawang grupo, at kapag sinabi ng Game master na magharap saka pa lang gagawin ng dalawang grupo ang kanilang napiling iaction.

4. Ang may pinakamaraming tama ay panalo.

Page 28: Module on Violence Against Women and Children

_____________________________________________

22

_____________________________________________

VIOLENCE AGAINST WOMEN AND THEIR CHILDREN

B. WORKSHOP 1:1. Mag-usap ang grupo at sagutin ang mga tanong.2. Magkaroon ang bawat grupo ng facilitator, tagasulat

sa manila paper at taga-ulat sa pangkalahatan.

Ano ang karahasan ?

Sinu-sino ang maaring gumawa ng karahasan?

Anu-ano ang mga Epekto ng Karahasan ?

Sino at saan maaring lumapit pag may karahasan?

C. Role Playing:Group 1: Ipapakita kung ano ang kadalasang

karahasan sa loob ng pamilya.Group 2: Ipapakita kung anong kadalasang

karahasan sa komunidad.Group 3:Ipakita kung anong kadalasang karahasan

sa paaralan.

D. Sentence Completion:1. Malungkot ako noong.....2. Hindi ako komportable.....3. Di ko gustong kasama si.....4. Nagagalit ako kapag....5. Masaya ako dahil/kapag....6. Ayaw ko na hinahawakan ako sa.....7. Pag may problema ako ........

E. Draw your Safe and Unsafe Touch

Last Part:Planning: Formation of Women’s Committee

Page 29: Module on Violence Against Women and Children

Training Women for Community Empowerment

23

_____________________________________________

_____________________________________________

Page 30: Module on Violence Against Women and Children

_____________________________________________

24

_____________________________________________

VIOLENCE AGAINST WOMEN AND THEIR CHILDREN