muling pagdidistrito sa nvusd
TRANSCRIPT
Muling Pagdidistrito sa NVUSD:Mga Pamantayan, Datos, at Ang Proseso
Q2 Data & Research, LLC
Oktubre 14, 2021
Adiyenda Ngayong Araw
• Introduksiyon at Background
• Ano ang Muling Pagdidistrito?
• Mga Batas na Namamahala sa Muling Pagdidistrito
• Mga Pamantayan para sa Muling Pagdidistrito
• Timeline ng Proseso
• Paano Makibahagi
2
Introduksiyon at Background
• Noong 2020, lumipat ang Napa Valley Unified School District mula sa mga at-large
(pangkalahatan) na eleksyon patungo sa mga trustee-district based (nakabatay sa
distrito ng trustee) na eleksyon
• Ang kilos na ito ay nahikayat ng aksiyong sinimulan sa ilalim ng California Voting
Rights Act (CVRA, Batas sa Mga Karapatan sa Pagboto sa California)
• Lumipat na ang mga hurisdiksyon sa buong California mula sa mga ‘at-large’ na
eleksyon patungo sa mga eleksyong nakabatay sa ‘trustee-district’ dahil sa CVRA
• Mayroong 7 trustee area para sa Board of Education (Lupon ng Edukasyon)
• Dapat nakatira ang mga trustee sa kanilang trustee area para maging kwalipikadong
kinatawan nito
• Naghahalal ang mga botante sa bawat trustee area ng Trustee para sa kanilang
trustee area
3
Pagdidistrito kumpara sa Muling Pagdidistrito
• Ang pagdidistrito ay ang proseso ng pagbuo ng mga trustee area sa mga lugar na
wala nito dati
• Ang muling pagdidistrito ay ang proseso ng pagsasaayos ng mga hangganan ng mga
umiiral na trustee area
• Karaniwang nangyayari ang muling pagdistrito kada 10 taon pagkatapos ng
paglabas ng Senso na nangyayari kada sampung taon
• Ginagamit ang kada sampung taon na datos ng Senso para pagpantayin ang mga
populasyon ng mga distrito
• Nagbibigay ang muling pagdidistrito ng oportunidad para makasunod ang mga
umiiral na trustee area sa lahat ng pamantayan ng muling pagdidistrito
4
Mga Batas na Namamahala sa Muling Pagdidistrito
•Konstitusyon ng U.S.• Pagkakapantay ng Populasyon
•Pederal na Batas• Batas sa Mga Karapatan sa Pagboto
•Batas ng California
5
Ano ang mga pamantayan sa pagmamapa?
Pederal na Batas:
• Pagsunod sa Konstitusyon ng US (magkakapantay na populasyon) • Pagsunod sa Pederal na Batas sa Mga Karapatan sa Pagboto (mga minoridad
ayon sa lahi at wika)
Kasama sa Mga Tradisyonal at Hindi Pederal na Pamantayan sa Muling Pagdidistrito ang:
• Pagkakarugtong• Paggalang sa Mga Komunidad na Dapat Bigyang-pansin• Pagiging Siksik
Kasama sa ibang mga pamantayan ang: Topograpiya, Heograpiya, Pagiging Magkakaugnay, Integridad, at higit pa
6
Kodigo ng Edukasyon ng California para sa
Mga Distrito ng Paaralan
Seksyon 5019.5 ng Kodigo ng Edukasyon:
(1) Sa pinakamalapit na maaari, ang populasyon ng bawat area ay
ang katulad na proporsiyon ng kabuuang populasyon ng distrito sa
ratio na mayroon ang bilang ng namamahalang miyembro ng
lupon na hinalal mula sa area sa kabuuang bilang ng miyembro ng
namamahalang lupon.
(2) Sa pinakamalapit na maaari, ang populasyon ng bawat area ay
ang katulad na proporsiyon ng kabuuang populasyon ng distrito sa
bawat isang iba pang area.
7
Pamantayan 1: Magkakapantay na populasyon
• Iniaatas ng Konstitusyon ng US sa Mga Trustee Area na magkaroon ng
makatuwirang magkakapantay na populasyon, hal., “isang tao, isang boto”
• Ika-14 na Pagbabago (Pantay na Proteksyon)
• Ipinagbabawal ang intensiyonal na diskriminasyon dahil isa itong
paglabag sa pantay na proteksyon (magkakaiba ang pakikitungo ng
hurisdiksyon sa mga residente dahil sa lahi, at kaya hindi sila
napagkakalooban ng pantay na proteksyon sa ilalim ng batas).
• Ika-15 Pagbabago
• Ipinagbabawal ang diskriminasyon sa pagboto ayon sa lahi
8
Ideyal na Populasyon sa Bawat Trustee Area
Para kalkulahin ang ideyal na populasyon:
Kabuuang populasyon ÷ # ng Mga Trustee Area = Ideyal na Populasyon
Kabuuang populasyon ng NVUSD mula sa Senso ng 2020: 118,347
Ideyal na populasyon para sa Mga Trustee Area ng NVUSD?
118,347 ÷ 7 = ~16,907 tao kada Trustee Area
9
Gaano Kapantay ang Magkakapantay?
• Iba’t ibang pamantayan para sa iba’t ibang hurisdiksyon:
• Napapailalim ang Mga Distrito ng Kongreso sa ‘mahigpit na pagsisiyasat’
• Mas may pleksibilidad ang mga distritong may mas mababang antas
• Dapat makatuwiran ang pagkakapantay ng Mga Trustee Area
• Pinapahintulutan ang ilang paglihis nang mas mataas at/o mas mababa
sa ideyal na populasyon
• Sa pangkalahatan, hanggang sa ±5% ang ginagamit sa pagsunod sa FVRA
• Ideyal na populasyon 16,907 +/- 845 tao
10
Kasalukuyang Paglihis Ayon sa Trustee Area:
Area 1: +0.34%
Area 2: +0.24%
Area 3: -4.81%
Area 4: -2.4%
Area 5: +5.82%
Area 6: +0.89%
Area 7: -0.09%
11
12Kasalukuyang Paglihis
ayon sa Trustee Area
Pamantayan 2: Federal Voting Rights Act (FVRA, Pederal na
Batas sa Mga Karapatan sa Pagboto), Seksyon 2
• Ipinagbabawal ang pagtanggi o pagbawas sa mga karapatan sa pagboto batay sa katayuan bilang minoridad ayon sa lahi o wika. (42 USC § 1973)• Tinutukoy ng FVRA ang “minoridad ayon sa wika” bilang
Asyano, Katutubong Amerikano, Katutubo ng Alaska, o may ninunong Espanyol. Hindi ito nalalapat sa ibang grupo ng wika.
• Ipinagbabawal ang mga kasanayang may layunin o epekto na mandiskrimina batay sa katayuan ng pagiging minoridad ayon sa lahi o wika.
• Nalalapat sa buong bansa, sa LAHAT ng hurisdiksyong nagsasagawa ng mga eleksyon.
13
FVRA at Muling Pagdidistrito:
Pag-dilute (Pagpapahina) ng Boto
• Maaaring malimitahan ng mga sistemang pang-eleksyon ang “kakayahang
maghalal ng gustong kandidato” ng protektadong uri ng mga botante sa
iba’t ibang paraan:
• Halimbawa: sa mga at-large na sistemang pang-eleksyon, maaaring maging
imposible ang paghahalal ng gustong kandidato kahit na mula sa malaking
minoridad na grupo ang mga boto, kapag bumoboto ang mayorya laban sa kanila.
• Halimbawa: maaaring mabunot ang mga trustee area na may iisang miyembro sa
mga paraang mababawasan ang kakayahang maghalal ng mga botante ng
kandidatong gusto nila.
• Ang mga sistemang naglilimita sa kakayahang maghalal sa paraang ito ay
sinasabing “dina-dilute” o pinapahina ang lakas ng pagboto ng minoridad.
14
Ano ang Seksyon 2 o Mayorya/Minoridad na Trustee Area?
Pamantayang Gingles:
• Dapat sapat ang laki ng minoridad na grupo para makabuo ng mayorya sa distrito o Trustee Area (50%+ CVAP*)
• Dapat na geographically compact (siksik ang lugar) ng minoridad na grupo
• Dapat magkakaugnay na bumoboto ang minoridad na grupo• Dapat may katibayan ng polarisadong pagboto laban sa mga
minoridad na grupo
*CVAP = Citizen Voting Age Population (Populasyon ng Mamamayang nasa Edad na Maaaring Bumoto)
15
Lahi at Muling Pagdidistrito
• Nilimitahan ng mga opinyon ng Korte Suprema ang papel na
ginagampanan ng lahi sa muling pagdidistrito
• Ang lahi ay hindi maaaring maging nangingibabaw na pamantayan sa
pagpapataw ng hangganan
• Hindi dapat manaig ang lahi sa “mga tradisyonal na prinsipyo ng
(muling) pagdidistrito” (Pagiging siksik, Pagkakadugtong, Mga
Komunidad na Dapat Bigyang-pansin)
• Naging mahalaga ang hitsura ng Distrito o Trustee Area sa ilang kaso.
16
Pamantayan 3: Pagkakadugtong
• Pagkakadugtong: Isang rustee area kung saan dapat katabi ng
ibang bahagi ang lahat ng bahagi
sa madaling salita...
• Isang trustee area kung saan maaaring pumunta ang isang tao
mula sa isang lokasyon patungo sa anumang iba pang lokasyon
nang hindi dumadaan sa hangganan ng isa pang trustee area
17
Pamantayan 4: Communities of Interest (COI, Mga Komunidad na Dapat Bigyang-pansin)
Ang konsepto ng “Komunidad na Dapat Bigyang-pansin” ay karaniwang inilalarawan bilang heograpikong lugar na binubuo ng mga residenteng may magkakatulad na interes.
Tinutukoy ang mga COI ng mga taong pamilyar sa komunidad...
• Hindi nililimitahan ng batas ang mga uri ng interes na maaaring magbuklod sa isang komunidad.
• Desisyon ng mga taong nakatira o nagtatrabaho sa isang komunidad na tukuyin at itakda ang mga interes na pinag-iisa ito.
• Hindi kailangang limitahan ang mga interes sa kasalukuyang sitwasyon, ngunit maaaring may magkakatulad na layunin ang mga ito.
18
Halimbawa ng Mga Magkakatulad na Interes:
• Mga pang-ekonomiyang interes: • Kasalukuyang sitwasyon: magkakatulad na trabaho o oportunidad sa
ekonomiya (o kawalan ng mga ito).
• Mga layunin: pagpapalawak ng mga oportunidad at access, atbp.
• Mga panlipunang interes: • Kasalukuyan: mga paaralan, kultura, wika, transportasyon
• Mga layunin: pagpapahusay ng mga oportunidad sa libangan o pampublikong
kaligtasan, pagpapanatili ng mga yamang pangkasaysayan, atbp.
• adalasang itinuturing ang mga kapitbahayan bilang Mga Komunidad
ng Interes
19
Paano idodokumento ang iyong COI
Mangyaring sagutin ang mga sumusunod na tanong:
• Ano ang nagbubuklod sa iyong komunidad?• Isaad kung ano ang nagbibigay-kahulugan sa COI:• Ano ang inyong misyon o pagkakatulad?• Ipaliwanag kung ano ang naiiba sa labas ng mga hangganan ng iyong Komunidad na Dapat
Bigyang-pansin
• Saan matatagpuan ang iyong komunidad?• Gumawa ng mapa ng mga hangganan (gamitin ang drawmycacommunity.org,
GIS/programa sa pagmamapa, papel, atbp.)• Isulat ang mga hangganan• May mga tagubilin ang website tungkol sa kung paano gamitin ang tool ng Estado para sa
Komunidad na Dapat Bigyang-pansin para imapa ang kanilang mga COI at isumite ang mga ito sa NVUSD.
Mangyaring isumite ang Testimonya ng COI bago lumipas ang Disyembre 10, 2021 para maisaalang-alang sa (Mga) Draft na Mapa.
20
Pamantayan 5: Pagiging Siksik
• Pagiging siksik: Huwag laktawan ang malalapit na lugar na may
populasyon para sa mga mas malayong populasyon
• Ipinagpapalagay ang “pagpoprotekta laban sa lahat ng uri ng
gerrymandering o paghahati ng distrito ayon sa politikal na
interes”: “ang mga lubos na pagkakalayo sa pagiging siksik ay
palatandaan na maaaring may mali” • Karcher v. Daggett, 462 U.S. 725 (1983)
• Nagmumula ang mga pinakakaraniwang reklamo sa mga hitsura:
• Mukha bang “nakakatawa” ang isang trustee area?
• “eyeball approach” “mahalaga ang mga hitsura”• Shaw v. Reno, 509 U.S. 630 (1993)
21
Iba pang tradisyonal na Pamantayan
• Topograpiya, Heograpiya, Integridad, atbp.
• Mga heograpikong pamantayan ang mga ito
• Kailangang makatuwiran ang mga hangganan ng trustee area ayon sa heograpiya at topograpiya
• Sundin ang mga likas at artipisyal na hangganan
• Hal: Galangin ang mga kalsada, likas na anyo
22
Pangkalahatang-ideya ng Timeline
• Oktubre 14, 2021, 7:00pm - Pagpupulong 1: Simula ng Muling Pagdidistrito
• Nobyembre 4, 2021, 5:30 pm - Pagpupulong 2: Pagdinig para sa Komento ng Publiko bago ang
Draft na Mapa
• Disyembre 9, 2021, 7:00pm - Pagpupulong 3: Pagdinig para sa Komento ng Publiko bago ang
Draft na Mapa
• Disyembre 10, 2021 - Huling araw para magsumite ng testimonya ng COI para maisaalang-alang
sa mga draft na mapa
• Disyembre 13, 2021 - Unang draft ng mga panukalang mapa ng trustee area na inilathala sa
website
• Enero 20, 2022, 7:00pm - Pagpupulong 4: Pagdinig para sa Komento ng Publiko
• Enero 26, 2022 - Binagong (pinal) draft ng mga mapa ng trustee area na inilathala sa website
• Pebrero 3, 2022, 5:30pm - Pagpupulong 5: Pinal na pagdinig at pagboto ng Lupon
• Marso 1, 2022 - Pagsumite ng mga mapa ng hangganan ng trustee area sa Napa County
Committe on School District Organization (Komite ng Napa County sa Pagsasaayos ng Distrito
ng Paaralan) para sa pag-apruba
23
Bakit ako dapat makilahok?
• Para tiyaking alam namin ang tungkol sa iyong Komunidad na
Dapat Bigyang-pansin.
• Para mabigyan ng boses ang iyong komunidad at tiyaking may
pantay na access ito sa politikal na proseso.
• Para hikayatin ang mga mamamayan na magparehistro, bumoto,
at manatiling nakikibahagi sa politika.
• Para tumulong na humubog ng plano sa muling pagdidistrito na
nagbibigay sa mga komunidad ng makabuluhang oportunidad
para maghalal ng mga kandidatong kakatawan sa kanilang mga
interes sa mga isyu na mahalaga sa kanilang mga buhay.
24
Paano Makibahagi
Para makibahagi sa proseso: magpatunay, magsumite ng nakasulat na testimonya, magpadala ng sumusuportang impormasyon sa NVUSD
Mangyaring magbigay ng impormasyon tungkol sa iyong Komunidad na Dapat Bigyang-pansin, o ibang paksang kailangang malaman ng Lupon sa lalong madaling panahon.
• Isumite ang impormasyon sa isang pagdinig, sa pamamagitan ng pagpapadala ng sulat, o i-drop off sa: Napa Valley Unified School District, 2425 Jefferson Street, Room 124 Napa, CA 94558
• Sa pamamagitan ng email: [email protected]
• Kumuha ng impormasyon online: https://www.nvusd.org/redistricting
SALAMAT SA IYONG PAKIKILAHOK!!!
25
Maraming salamat!
May mga tanong?
26