n } e pagmamahalan di sapat kung banyagang kultura ang...

2
跨國婚姻 22 Mag-asawa LAKBAY 0172014/01 Tel: (02)8667-6655#233 E-mail: [email protected] I tago niyo po ako sa pangalang Erin Gong. Ako'y magwawalong taon na pong nakatira sa Taiwan bilang bagong imigrante. Sa simula po akala ko'y paraiso ang aking patutunguhan dahil mahal ko ang aking asawa at mahal din niya ako kahit pa sa aming magkaibang nasyonalidad. Ngunit hindi inakala na sa ilang taon lang ng aming pagsasama nawala ang aking pag-asa sa isang idlap. Ako po'y dating OFW. Hindi ko inakalang magkaroon ng boypren na Taiwanese dahil hate ko po sila. Sa factory po kasi halos lahat sa kanila walang proper grooming at may amoy. Siempre sa Pilipino importante sa atin ang malinis at mabango. Pauwi na ako nang may nanligaw sa akin. Wala naman po akong boypren kaya pinatulan ko na. Sabi ko mukhang mabait naman. Matagal po siyang nanligaw. Isang buwan mahigit din saka ko sinagot. Sa mga araw at taon po naming magkasintahan, masaya po kami. Napakaromantiko po niya, maaalahanin, maginoo, malambing basta po perpekto. Kaya kahit nang nasa Pilipinas ako, kahit na may magandang karera sa aking napiling propesyon, alam naman po natin na halos lahat ng Pinoy OFW ay tapos sa unibersidad o kolehiyo, nang idestino po sana ako sa ibang bansa, hindi po niya ako pinayagan. Kaya nanatili ako sa Pinas at pumunta siya para magpakasal. Opo, walang plano, agad-agad ang desisyon namin. Alam ko po naman noon pa na marami siyang utang sa bangko. At ilang taon pa babayaran. Dahil nga sa mahal ko siya, tinanggap ko kahit wala akong utang at sabi ko pa tutulungan ko siya ang importante mahal namin ang isa't isa. Akala ko po kasi, pareha ang aming layunin at pamamaraan. Sa Pilipinas kasi ang mag-asawa sa hirap o ginhawa. Ngunit malaking pagkakamali ang aking desisyon. Siguro kung magkasing lahi sapat na ang pag-ibig. Ngunit sa mga Taiwanese, pasensya na ngunit wala talagang magamit na tamang salita para ilarawan ang baluktot na oryentasyon sa marami ngunit di lahat na lalaki dito para sa pagpapamilya. Ilang buwan palang kaming nagsama, nagsimula na ang aking masalimuot na buhay. Magkasama kami sa isang bubong ng kanyang mga magulang. Sa Pilipinas, dapat bumukod, ngunit dito dapat daw nakatira sa magulang. Sa isip ko, bakit pa kami nag-asawa kung hindi naman pala kami magsasarili. Ang dami ko nang nakitang hindi maganda. At sa totoo lang po, ang aking problema ay katulad din ng mas maraming Pilipina na andito. Naglakas loob po akong ibahagi ito para mabasa at mapagpulutan ng aral. Lagi po kami nag-aaway sa pera. Kasi naman, ang sahod ko nauubos sa utang, sa aming pangangailangan at sa pamilya niya. Buti nga nakapagpadala pa ako sa amin sa Pinas na hindi nanghihingi sa akin kahit 1NT. Nalaman ko tuloy na pati pala pamilya niya lubog sa utang. Ang ayaw ko lang sa lahat, kasi ako pinipilit niyang magbigay samantalang ang mga kapatid niya na kasama namin sa bahay, yung isa walang work at yung isa naman wala daw sahod lagi. Sabi tuloy ng pamilya ko "Gold Digger" ang pamilya niya. Kasi medyo ok po ang work ko sa factory at malaki naman ang sahod. Naisip ko nga, pamilya ko nga ayaw pakialaman pera ko bakit itong asawa ko pinipressure ako sa kultura niya. Kasi daw, sa Taiwan, pag naging "ShiFu" dapat ikaw parang alila. Samantalang sa Pilipinas, inaalagaan naman ang mga babaeng manugang o kung hindi gusto, di naman importante kasi bukod naman sa pamilya. Kaya ito ang rason lagi ng pagtatalo. Feeling ko tinatraydor ako ng sarili kong asawa. Bakit naging ganito na ang buhay ko sa Taiwan? Sa Pinas pwede akong magyaya o kakain ng kung anu-ano, o bili ng branded na damit, pero dito kahit panty paalam ko pa na bibili ako. Ang sakit talaga sa loob. Dahil nga mahal namin ang isa't isa kaya magkasama pa rin kami. May isang beses nag-away kami, umalis sa bahay ang asawa ko at ako ang tinakot at sinisi ng tatay niya. Maliban pa sa problema sa pera, kultura, lingwahe at mga in laws, mas malala pa ang personal na asal ng aking asawa. Una sa lahat naninigarilyo, naglalaro ng computer games at halos hindi na natutulog, babad sa internet at ang hilig magmura. Kahit sinong Pilipina, dahil na rin sa kultura, masasaktan at mahihirapan talaga. Pasalamat lang dahil turo ng aming mga magulang at guro na dapat magpasensya at magtiis para sa pamilya. Kaya, kahit sa dami ng Pinay na tulad ko, nabubuhay sa isang madilim at nakakawala ng bait na sitwasyon, nagtitiis pa rin lalo na para sa anak. Ok na po sana kahit isang kahig isang tuka basta may pagmamahalan kaya na. Pero sa kultura ng mga maraming lalaking Taiwanese, base sa parehang isyu sa akin, dapat sana mas malambing dahil mag- asawa na, pero nawawala na. Dapat sana mas romantiko ngunit parang tinatrato kang kasambahay. Sa isip ko tuloy, ano ba ang ginawa ng magulang niya at hindi man lang naturuan ng responsibilidad ng isang asawa o padre de pamilya. Tapos, walang away na hindi ako minumura at yinuyurakan ang aking pagkatao. Ang nakakasakit lang dahil kung sa tingin niya sa sarili niya ok na, nakamove on na siya sa aming pinag-aawayan, umaasta na parang wala lang nangyari. (hanapin sa pahina 23) Ulat: PhilTai Member Erin Gong Isinalin sa Chinese ni: Angie Tan 文/菲台組織成員 Erin Gong 中文翻譯/陳慈治 Pagmamahalan Di Sapat kung Banyagang Kultura ang Katapat 跨國婚姻不能只有愛 的名字叫Erin Gong(化名),已經嫁 來台灣當新住民8年了,當初我以為 我會來到天堂,因為雖然我跟老公的國籍 不同,但我們彼此相愛。沒想到我們在一 起才過幾年,我的美夢就全都破碎了。 我原本來台灣是當外籍勞工,那時完 全沒想到我會交一位台灣男友,因為我對 他們(台灣男生)沒什麼好感,在我工作 的工廠裡,他們大部分沒什麼在洗澡,身 上會有體味,不像菲律賓人很注重身體清 潔,還會噴香水。當我快回國時他就開始 追我,那時我沒有男朋友,加上我自己覺 得他人還不錯,因此我沒拒絕他。 他追了我一段時間,大概追一個多月後 我才答應,接下來我們就變成情侶,那段 時間很開心很快樂,他是個浪漫的人,會 關心我、很有禮貌、會撒嬌,反正那時的 他是個完美的對象。 之後我回菲律賓找到一個好工作(許多 菲勞都是有高學歷的),公司要派我到別 的國家去工作,他這時就不答應讓我去, 所以呢,我就打消出國的念頭並等他來娶 我 ── 是的,我們幾乎是在沒什麼計劃的 情況下就倉促決定要結婚。 雖然我知道他那時在銀行貸款很多錢, 還要好幾年才能還完,但因為我愛他,加 上我本人沒負債,因此我接受了這件事, 還說我可以幫他,只要我們恩愛就好,因 為我覺得彼此有共同的目標與生活方式, 而且對菲律賓人來說,一對夫妻無論是貧 窮還是富裕,都要永遠在一起生活。然而 現今我回憶那時的想法,根本是天大的錯 誤,如果我們是同樣國家的人,那的確只 要有愛情就夠了,但如果跟台灣男人…… 不好意思我這裡話說的有點重,但很難形 容他們那種扭曲的觀念,我必須批評:不 是每一位男人都配擁有一個家庭。 我們才結婚幾個月就開啟了我複雜的 生活,我們和他的父母親住在同一個屋簷 下,在菲律賓新婚夫妻會跟爸媽分開住, 但在這裡新婚夫妻要跟父母一起住,我心 想那我們幹麻結婚?還不是不能自己住。 這幾個月我遇到太多不愉快的事,事實上 許多從菲律賓嫁來台灣的女生都和我有相 同的問題,我鼓起勇氣在這跟大家分享我 的故事,就是希望能警惕所有看到這篇文 章的讀者。 我們時常為錢吵架,因為我領到的薪 水幾乎都拿去還他的負債,還要支出我們 家和夫家的生活費,最後我才能省下一點 點錢寄回去我菲律賓娘家,但我從沒跟他 要過一毛錢。而我那時才知道,不止他負 債,連他的家人都揹了一屁股債,他的親 兄弟也和我們住一起,一位沒工作、另外 一位常說他沒拿到薪水。菲律賓親人說他 們根本把我當搖錢樹,因為我在工廠的工 作還算穩定,薪資也不少。我常想在菲律 賓時家人從不會管我的錢,但我老公要求 我要遵從他們的文化,他說在台灣當媳婦 就是要像個奴才,可是在菲律賓我們都會 很疼娶進門的媳婦,萬一不喜歡媳婦也沒 關係,反正不會住在一起。這就是我們常 吵架的原因,我覺得老公背叛我,我來台 灣的生活怎會變成這樣呢?如果在菲律 賓,我可以邀請家人或朋友一起吃飯、逛 街、買新衣,但在這裡我連買內衣都要先 跟老公報備,實在覺得很心酸。 但因為我們真心相愛,所以才會結婚 在一起,然而有次我們又起口角,結果老 公憤而離家出走,公公就把過錯推到我身 上,還罵我一頓。 除了錢、文化、語言與公婆的問題外, 我老公的品性問題還更嚴重。 首先他菸抽很大,而且他沉迷電腦遊 戲,根本沒在睡覺。他幾乎整天泡在網路 上,還很愛用三字經罵人,我想不管哪一 位菲律賓女性都很難忍受這些事,我只能 感謝我的父母與老師,他們教導我為了家 庭要有耐心並逆來順受,因此很多菲律賓 女性都遇到跟我類似的情況,結婚後活在 一個黑暗且令人瘋狂的世界,只是為了小 孩才繼續隱忍。 (文轉23版)

Upload: others

Post on 08-Sep-2019

2 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

跨國婚姻22 Mag-asawa LAKBAY 017|2014/01Tel: (02)8667-6655#233 E-mail: [email protected]

Itago niyo po ako sa pangalang Erin Gong. Ako'y magwawalong taon na

pong nakatira sa Taiwan bilang bagong imigrante. Sa simula po akala ko'y paraiso ang aking patutunguhan dahil mahal ko ang aking asawa at mahal din niya ako kahit pa sa aming magkaibang nasyonalidad. Ngunit hindi inakala na sa ilang taon lang ng aming pagsasama nawala ang aking pag-asa sa isang idlap.

Ako po'y dating OFW. Hindi ko inakalang magkaroon ng boypren na Taiwanese dahil hate ko po sila. Sa factory po kasi halos lahat sa kanila walang proper grooming at may amoy. Siempre sa Pilipino importante sa atin ang malinis at mabango. Pauwi na ako nang may nanligaw sa akin. Wala naman po akong boypren kaya pinatulan ko na. Sabi ko mukhang mabait naman.

Matagal po siyang nanligaw. Isang buwan mahigit din saka ko sinagot. Sa mga araw at taon po naming magkasintahan, masaya po kami. Napakaromantiko po niya, maaalahanin, maginoo, malambing basta po perpekto.

Kaya kahit nang nasa Pilipinas ako, kahit na may magandang karera sa aking napiling propesyon, alam naman po natin na halos lahat ng Pinoy OFW ay tapos sa unibersidad o kolehiyo, nang idestino po sana ako sa ibang bansa, hindi po niya ako pinayagan. Kaya nanatili ako sa Pinas at pumunta siya para magpakasal. Opo, walang plano, agad-agad ang desisyon namin.

Alam ko po naman noon pa na marami siyang utang sa bangko. At ilang taon

pa babayaran. Dahil nga sa mahal ko siya, tinanggap ko kahit wala akong utang at sabi ko pa tutulungan ko siya ang importante mahal namin ang isa't isa. Akala ko po kasi, pareha ang aming layunin at pamamaraan. Sa Pilipinas kasi ang mag-asawa sa hirap o ginhawa. Ngunit malaking pagkakamali ang aking desisyon. Siguro kung magkasing lahi sapat na ang pag-ibig. Ngunit sa mga Taiwanese, pasensya na ngunit wala talagang magamit na tamang salita para ilarawan ang baluktot na oryentasyon sa marami ngunit di lahat na lalaki dito para sa pagpapamilya.

Ilang buwan palang kaming nagsama, nagsimula na ang aking masalimuot na buhay. Magkasama kami sa isang bubong ng kanyang mga magulang. Sa Pilipinas, dapat bumukod, ngunit dito dapat daw nakatira sa magulang. Sa isip ko, bakit pa kami nag-asawa kung hindi naman pala kami magsasarili. Ang dami ko nang nakitang hindi maganda. At sa totoo lang po, ang aking problema ay katulad din ng mas maraming Pilipina na andito. Naglakas loob po akong ibahagi ito para mabasa at mapagpulutan ng aral.

Lagi po kami nag-aaway sa pera. Kasi naman, ang sahod ko nauubos sa utang, sa aming pangangailangan at sa pamilya niya. Buti nga nakapagpadala pa ako sa amin sa Pinas na hindi nanghihingi sa akin kahit 1NT. Nalaman ko tuloy na pati pala pamilya niya lubog sa utang. Ang ayaw ko lang sa lahat, kasi ako pinipilit niyang magbigay samantalang ang mga kapatid niya na kasama namin sa bahay,

yung isa walang work at yung isa naman wala daw sahod lagi. Sabi tuloy ng pamilya ko "Gold Digger" ang pamilya niya. Kasi medyo ok po ang work ko sa factory at malaki naman ang sahod. Naisip ko nga, pamilya ko nga ayaw pakialaman pera ko bakit itong asawa ko pinipressure ako sa kultura niya. Kasi daw, sa Taiwan, pag naging "ShiFu" dapat ikaw parang alila. Samantalang sa Pilipinas, inaalagaan naman ang mga babaeng manugang o kung hindi gusto, di naman importante kasi bukod naman sa pamilya. Kaya ito ang rason lagi ng pagtatalo. Feeling ko tinatraydor ako ng sarili kong asawa. Bakit naging ganito na ang buhay ko sa Taiwan? Sa Pinas pwede akong magyaya o kakain ng kung anu-ano, o bili ng branded na damit, pero dito kahit panty paalam ko pa na bibili ako. Ang sakit talaga sa loob.

Dahil nga mahal namin ang isa't isa kaya magkasama pa rin kami. May isang beses nag-away kami, umalis sa bahay ang asawa ko at ako ang tinakot at sinisi ng tatay niya.

Maliban pa sa problema sa pera, kultura, lingwahe at mga in laws, mas malala pa ang personal na asal ng aking asawa.

Una sa lahat naninigarilyo, naglalaro ng computer games at halos hindi na natutulog, babad sa internet at ang hilig

magmura. Kahit sinong

Pilipina, dahil na rin sa kultura, masasaktan at

mahihirapan talaga. Pasalamat lang dahil turo ng aming mga magulang at guro na dapat magpasensya at magtiis para sa pamilya. Kaya, kahit sa dami ng Pinay na tulad ko, nabubuhay sa isang madilim at nakakawala ng bait na sitwasyon, nagtitiis pa rin lalo na para sa anak.

Ok na po sana kahit isang kahig isang tuka basta may pagmamahalan kaya na. Pero sa kultura ng mga maraming lalaking Taiwanese, base sa parehang isyu sa akin, dapat sana mas malambing dahil mag-asawa na, pero nawawala na. Dapat sana mas romantiko ngunit parang tinatrato kang kasambahay. Sa isip ko tuloy, ano ba ang ginawa ng magulang niya at hindi man lang naturuan ng responsibilidad ng isang asawa o padre de pamilya. Tapos, walang away na hindi ako minumura at yinuyurakan ang aking pagkatao. Ang nakakasakit lang dahil kung sa tingin niya sa sarili niya ok na, nakamove on na siya sa aming pinag-aawayan, umaasta na parang wala lang nangyari.

(hanapin sa pahina 23)

Ulat: PhilTai Member Erin Gong Isinalin sa Chinese ni: Angie Tan 文/菲台組織成員 Erin Gong 中文翻譯/陳慈治

Pagmamahalan Di Sapat kung Banyagang Kultura ang Katapat 跨國婚姻不能只有愛

我的名字叫Erin Gong(化名),已經嫁

來台灣當新住民8年了,當初我以為

我會來到天堂,因為雖然我跟老公的國籍

不同,但我們彼此相愛。沒想到我們在一

起才過幾年,我的美夢就全都破碎了。

我原本來台灣是當外籍勞工,那時完

全沒想到我會交一位台灣男友,因為我對

他們(台灣男生)沒什麼好感,在我工作

的工廠裡,他們大部分沒什麼在洗澡,身

上會有體味,不像菲律賓人很注重身體清

潔,還會噴香水。當我快回國時他就開始

追我,那時我沒有男朋友,加上我自己覺

得他人還不錯,因此我沒拒絕他。

他追了我一段時間,大概追一個多月後

我才答應,接下來我們就變成情侶,那段

時間很開心很快樂,他是個浪漫的人,會

關心我、很有禮貌、會撒嬌,反正那時的

他是個完美的對象。

之後我回菲律賓找到一個好工作(許多

菲勞都是有高學歷的),公司要派我到別

的國家去工作,他這時就不答應讓我去,

所以呢,我就打消出國的念頭並等他來娶

我 ── 是的,我們幾乎是在沒什麼計劃的

情況下就倉促決定要結婚。

雖然我知道他那時在銀行貸款很多錢,

還要好幾年才能還完,但因為我愛他,加

上我本人沒負債,因此我接受了這件事,

還說我可以幫他,只要我們恩愛就好,因

為我覺得彼此有共同的目標與生活方式,

而且對菲律賓人來說,一對夫妻無論是貧

窮還是富裕,都要永遠在一起生活。然而

現今我回憶那時的想法,根本是天大的錯

誤,如果我們是同樣國家的人,那的確只

要有愛情就夠了,但如果跟台灣男人……

不好意思我這裡話說的有點重,但很難形

容他們那種扭曲的觀念,我必須批評:不

是每一位男人都配擁有一個家庭。

我們才結婚幾個月就開啟了我複雜的

生活,我們和他的父母親住在同一個屋簷

下,在菲律賓新婚夫妻會跟爸媽分開住,

但在這裡新婚夫妻要跟父母一起住,我心

想那我們幹麻結婚?還不是不能自己住。

這幾個月我遇到太多不愉快的事,事實上

許多從菲律賓嫁來台灣的女生都和我有相

同的問題,我鼓起勇氣在這跟大家分享我

的故事,就是希望能警惕所有看到這篇文

章的讀者。

我們時常為錢吵架,因為我領到的薪

水幾乎都拿去還他的負債,還要支出我們

家和夫家的生活費,最後我才能省下一點

點錢寄回去我菲律賓娘家,但我從沒跟他

要過一毛錢。而我那時才知道,不止他負

債,連他的家人都揹了一屁股債,他的親

兄弟也和我們住一起,一位沒工作、另外

一位常說他沒拿到薪水。菲律賓親人說他

們根本把我當搖錢樹,因為我在工廠的工

作還算穩定,薪資也不少。我常想在菲律

賓時家人從不會管我的錢,但我老公要求

我要遵從他們的文化,他說在台灣當媳婦

就是要像個奴才,可是在菲律賓我們都會

很疼娶進門的媳婦,萬一不喜歡媳婦也沒

關係,反正不會住在一起。這就是我們常

吵架的原因,我覺得老公背叛我,我來台

灣的生活怎會變成這樣呢?如果在菲律

賓,我可以邀請家人或朋友一起吃飯、逛

街、買新衣,但在這裡我連買內衣都要先

跟老公報備,實在覺得很心酸。

但因為我們真心相愛,所以才會結婚

在一起,然而有次我們又起口角,結果老

公憤而離家出走,公公就把過錯推到我身

上,還罵我一頓。

除了錢、文化、語言與公婆的問題外,

我老公的品性問題還更嚴重。

首先他菸抽很大,而且他沉迷電腦遊

戲,根本沒在睡覺。他幾乎整天泡在網路

上,還很愛用三字經罵人,我想不管哪一

位菲律賓女性都很難忍受這些事,我只能

感謝我的父母與老師,他們教導我為了家

庭要有耐心並逆來順受,因此很多菲律賓

女性都遇到跟我類似的情況,結婚後活在

一個黑暗且令人瘋狂的世界,只是為了小

孩才繼續隱忍。

(文轉23版)

LAKBAY 017|2014/01跨國婚姻23Mag-asawa

Tel: (02)8667-6655#233 E-mail: [email protected]

(文接22版)不管生活多困難,如果有愛情支撐也就

罷了,尤其像我這種情況,先生應該對我

更好一點,但沒想到婚前的浪漫在當夫妻

後也沒了,他現在簡直把我當犯人,我心

想他父母怎麼沒教他做一個老公或家長應

有的責任?還有每次吵架時,他就用不堪

入耳的字眼罵我、蹧蹋我的人格,更可惡

的是他如果覺得他已經吵贏我了,就轉身

離去裝作沒事一樣,也不打算安慰我。

我不想跟他互相怪來怪去,但至少吵完

後該跟我道歉吧,因為他傷了我的心。

我好幾次想自殺一走了之,但我也會害

怕死亡,我更不想因為老公就失去我對神

的信念。其實我也不想丟下他不管,也因

為這樣所以我才想幫助他、改變他,但這

反而讓我們更常爭吵,也更破壞我們的關

係。

我也希望他好歹說到做到吧,因為他常

常恐嚇我說要離婚,我不喜歡自己做這種

決定,但如果是他提的話,至少我知道自

己有努力過。

所以雖然過的很痛苦,我還是留在我們

家繼續忍耐,我常想我們的孩子一天到晚

看父母這樣爭吵、關係很差,會不會影響

他們的人格發展?

我們有小孩後,我本來以為他會稍稍改

一些,但他反而變本加厲了。他在電腦裝

了很多他自己的秘密檔案,我也不懂要怎

麼開啟,他現在離我越來越遠了,可能他

說想娶別的老婆是真的。

他一直認為自己是對的,根本就是從

小被他父母和兄弟姊妹寵壞了,那我怎麼

辦?其它和我有相同處境的菲律賓外配怎

麼辦?沒人關心我們的心理感受和情緒。

其實在我們嫁來台灣之前,台灣老公們應

該去了解未來「牽手」的母國文化,像我

們在台灣遇到任何困難,除了夫家外我們

沒有任何求助管道。因此我很感謝菲台組

織(Phil-tai Org.)設了臉書社團,讓我有

聊天的對象,這裡不會只講些沒營養的八

卦,菲台組織真的會協助我,不像別的團

體或政府單位,只會辦聚餐或一些看起來

和樂融融的活動,當妳真的去他們辦公室

求助時,他們也不會理妳。

希望我的故事能給大家警惕,我到目前

都還在考慮要不要主動去提離婚,但我真

的非常不想這樣做,因為對我來說婚姻是

個神聖的禮物。

謝謝你們給我機會分享我的故事和我

的處境,我呼籲所有的菲律賓女性外籍勞

工、特別那些有交台灣男友的,妳們彼此

一定要認識的更仔細更深入,最好在婚前

就讓他們了解我們的文化,才能避免婚後

的文化衝擊。雖然我知道我們是為了愛

情,不是為了錢才結婚,但如果妳要在一

個陌生且文化差異很大的國家生活,有個

穩定的工作和收入是必要的,才不會導致

之後接二連三的麻煩。

Nationwide全國通用

●Police警察局報案專線:110

●Emergency & Fire消防局報案專線:119

●National women and children protection hotline (24H) 全國

婦幼保護專線 (24小時):113

●Foreign Laborer Protection Hotline(24H)外籍勞工24小時諮

詢保護專線:1955

●Society Welfare Counseling Hotline社會福利諮詢專線:1957

●Foreign Spouse Information Hotline外籍配偶諮詢專線:

0800-088-885

Northern Taiwan北台灣

●MECO(Taipei) 馬尼拉經濟文化辦事處(台北):02-25081719

●Goodshepherd Social welfare services天主教善牧基金會:

02-23815402

●Taiwan International Workers Association(TIWA)台灣國際勞

工協會:02-25956858

●Rerum Novarum Center新事社會服務中心:02-23971933

●The Garden of Hope Foundation勵馨基金會:02-23679595

●Eden Social Welfare Foundation(Taipei)伊甸基金會(台北):

02-25777663

●Taipei City Government Foreign Workers Counseling

Center台北市政府勞工局外勞諮詢中心:Thailand(泰) 02-

25361615, Philippines(菲) 02-25361546, Vietnam(越) 02-

25361603, Indonesia(印) 02-25361546

●Migrant Workers’ Standing Committee of the Pastoral

Cousil St. Christopher Church聖多福天主堂外勞委員會:

02-25947914

●The Labor Rights Association勞動人權協會:02-25596233

●New Immigrants Labor Rights Association(Taipei)新移民勞

動權益促進會:02-25596233

●New Taipei Government Foreign Workers’

Counseling Center新北市政府勞工局外勞諮詢中心:

Thailand(泰)02-89682605, Philippines(菲)02-89659091,

Vietnam(越)02-89651044, Indonesia(印)02-89651014

●Taiwan New Immigrants Growth and Care Association台灣

新移民成長關懷協會:02-23586346

●TransAsia Sisters Association, Taiwan (Taipei) 南洋台灣姊妹

會(台北):02-29210565

●Goodshepherd New Taipei City New Immigrants

Center(Xizhi)善牧新北市東區跨國婚姻服務中心(汐止):02-

86423954

●Goodshepherd New Taipei City New Immigrants

Center(Banqiao)善牧新北市西區跨國婚姻服務中心(板橋):

02-89646003

●Consultation Center for Philippine Workers in Taiwan:02-

29031111 ext.2213

●Taoyuan Government Foreign Workers’ Counseling Center

桃園縣政府外籍勞工諮詢中心:03-3344087

●New Immigrants Labor Rights Association(Taoyuan)新移民

勞動權益促進會(桃園):03-2713059

●Immaculate Heart of Mary Church桃園聖母聖心堂:

(03)332-2067

●Catholic Hope Workers Center天主教希望職工中心:03-

4255416

●Hsin Chu Migrants' Concern Desk天主教會新竹教區外勞關

懷中心:03-5725122, 03-5246961

Central Taiwan中台灣

●MECO(Taichung) 馬尼拉經濟文化辦事處(台中):04-

23089080

●Taichung Pastoral Center for Filipino Migrant:04-

22803817

●St. Paul's Catholic Church聖保祿天主堂04-22012595

●Goodshepherd Taichung New Immigrants Center善牧台中

市新移民中心04-24365740

●Taichung City Government Foreign Workers’ Counseling

Center台中市政府外籍勞工諮詢中心:04-22580561, 04-

22580765

Southern Taiwan南台灣

●Eden Social Welfare Foundation(Tainan)伊甸基金會(台南):

06-2828105

●MECO(Kaohsiung) 馬尼拉經濟文化辦事處(高雄):07-

3985935、07-3985936

●TransAsia Sisters Association, Taiwan (Kaohsiung) 南洋台灣

姊妹會(高雄):07-6830738

●The Presbyterian Church In Taiwan Labour Concern Center

台灣基督教長老教會勞工關懷中心07-3662373

●Stella Marris International Service Center天主教海星國際服

務中心:07-5331840, 07-5330239

Eastern Taiwan東台灣

●St. Paul Pastoral Center花蓮聖保祿牧靈中心:038-328254●Fuli Catholic Church花蓮富里天主堂:038-830622, 038-

832311●Eden Social Welfare Foundation(Taitung)伊甸基金會(台東):

089-237846

菲律賓移工移民需知電話

Hotline pang emerhensya at pampayo para sa mga Pilipino Immigrants at OFW

(Pagmamahalan Di Sapat kung)Siempre hindi kailangang magsisihan

ngunit kailangan naman din niyang humingi ng tawad dahil nasaktan ang aking damdamin sa mga mura at iba pa.

Ilang beses ko nang tinangkang magpakamatay kaya lang po natatakot ako sa Diyos. Ayaw kong sayangin ang aking Faith kay God dahil sa kanya. Ngunit ayaw ko din na hayaan siya. Kaya sa kagustuhan kong mabago at matulungan siya, away kami lagi at lalong nasira ang aming pagsasama.

Sa totoo lang gusto ko nang totohanin niya ang kanyang pananakot na ideborsyo niya ako. Ayaw ko na ako ang magdesisyon kase kahit may failed marriage, at least ako alam ko na nagfight po ako.

Samakatwid, kahit pa sa lahat ng sakit ako pa rin ay nasa aming pamamahay at nagtitiis. Iniisip ko tuloy kung tama ba na makita ng anak ko na wala kami sa mabuting relasyon ng tatay niya at maapektuhan din ang emosyunal na aspeto niya.

Akala ko nga po dati magbabago na siya nong nagkaanak kami ngunit mas lumala pa pala. Mas maraming sekretong bagay sa computer namin na kahit ako hindi alam paano buksan. Mas marami na siyang tinatago at nilalayo niya sa akin ang sarili niya. Iniisip ko baka totoo sabi niya na gusto niya nang ibang asawa.

Sa isip niya, perpekto siya. Mga magulang at kapatid niya kinokonsente siya. Paano na ako? Paano na ang libu-

libong pinay na asawa dito na may sitwasyong tulad ko? Paano naman ang aming mental at emosyunal na kalusugan? Sa totoo lang po sana kung inoorient po kami bago pumunta dito, yung mga asawa namin dapat alam din ang kultura ng pag-aasawa sa Pilipinas dahil ang hirap nang walang matakbuhan tulad ko. Malaking pasasalamat ko sa PhilTai group sa FB dahil nagkaroon ako ng kausap. Yong hindi po ako pinagtsitsismisan at talagang tumutulong hindi gaya ng ibang organisasyon at ahensiya ng gobyerno natin na puro party, pangsosyalan lang at isnabin ka pa pagdating sa opisina.

Sana po magsilbing aral ang aking kwento. Hanggang ngayon iniisip ko pa kung ako na ba mismo ang kukuha

ng divorce papers pero ayaw ko talaga kasi sagradong sakramento po ang pag-aasawa.

Salamat po sa oportunidad na binigay ninyo sa akin na maishare ang aking suliranin. Panawagan ko lang sa lahat ng Pinay na OFW lalo na ang may bf na Taiwanese, kilalanin niyo ng mabuti at mas mainam na ipaalam ang ating kultura bago pa magpakasal para maiwasan ang ganitong culture shock. At, alam ko hindi pera ang habol natin kung hindi pag-ibig, ngunit sa isang banyagang kultura at bansa, isang pondasyon ang mayroong stable na income para hindi ito dahilan ng inyong kasiraan.