new angelica m. rodriguez · 2020. 10. 5. · 2 aralin 1 mitolohiya: kasaysayan, katangian at...
TRANSCRIPT
SUPPORT MATERIAL FOR INDEPENDENT LEARNING ENGAGEMENT (SMILE)
10 Filipino
Unang Markahan – Modyul 1: Linggo 1
Mga Akdang Pampanitikan ng
Mediterranean (Mitolohiya)
Angelica M. Rodriguez
A Joint Project of the
SCHOOLS DIVISION OF DIPOLOG CITY and the
DIPOLOG CITY GOVERNMENT
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Angelica M. Rodriguez
Editor: Sheryl C. Deocadez
Tagasuri: Riela Angela C. Josol, EPS – Filipino
Tagaguhit:
Tagalapat: Vicente S. Araneta Jr.
Tagapamahal: Virgilio P. Batan. Jr. - Schools Division Superintendent
Jay S. Montealto - Asst. Schools Division Superintendent
Amelinda D. Montero - Chief Education Supervisor, CID
Nur N. Hussien - Chief Education Supervisor, SGOD
Ronillo S. Yarag - Education Program Supervisor, LRMS
Leo Martinno O. Alejo - Project Development Officer II, LRMS
Filipino – Ikasampung Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 1: Mga Akdang Pampanitikan ng Mediterranean (Mitolohiya) Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division
Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City
Telefax: (065) 212-6986
E-mail Address: [email protected]
1
Mga Nilalaman (Paksa/Aralin)
Aralin 1: Mitolohiya: Kasaysayan, Katangian at Kahalagahan
Aralin 2: Cupid at Psyche: Mitolohiya ng Rome, Italy
Mga Pamantayan sa Pagkatuto: Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang
mga mag-aaral ay inaasahang:
MELC (Week 1)
Naipapahayag ang mahalagang kaisipan/pananaw sa napakinggan, mitolohiya. (F10PN-Ia-b-62)
Naiuugnay ang mga mahahalagang kaisipang nakapaloob sa binasang akda sa nangyari sa:
sariling karanasan
pamilya
pamayanan
lipunan
daigdig
(F10PB-Ia-b-62)
Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap
Naipamamalas ng mag-aaral ang pagpapahalaga at pag-unawa sa akdang
pampanitikan mula sa Meditterranean
partikular na sa Greece at Rome, Italy.
*Naipapahayag ang mahalagang
kaisipan/pananaw sa napakinggan mitolohiya.
*Naiuugnay ang mga mahahalagang kaisipang nakapaloob sa binasang akda
sa nangyari sa:
sariling karanasan
pamilya
pamayanan
lipunan
daigdig
Alamin
2
Aralin
1
Mitolohiya: Kasaysayan,
Katangian at Kahalagahan
Ang awtor na si Edith Hamilton ang nagsalin sa ingles ng mitolohiyang
griyego at romano na laging nababanggit sa panulat lalo na noong panahon ng Klasiko. Dahil dito ay nagkaroon ng impluwensiya ang panahong ito na masasalamin
sa ating panitikan noong panahon ng katutubo kung saan ang iba pang uri ng
panitikan ng Pilipinas ay pasalin-dila tulad ng alamat, mito, kwentong-bayan, epiko at karunungang-bayan. (mula sa Panitikan ng Pilipinas nina Panganiban,
Panganiban, 1998).
Saklaw sa araling ito ang pagkilala mo sa mga diyos at diyosa sa mitolohiyang
Griyego at Romano na pinaghuhugutan ng inspirasyon ng iba’t ibang manunulat ng
panitikan sa buong mundo. Sinasaklaw rin dito ang pagpapahayag ng mahalagang
kaisipan sa binasa, pagbibigay kahulugan at kahalagahan ng mitolohiya.
Pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
1. Naipahahayag ang mahalagang kaisipan sa napakinggan, mitolohiya.
(F10PN-Ia-b-62)
2. Natutukoy ang kahulugan, katangian at kahalagahan ng mitolohiya.
3. Nakikilala at Nailalarawan ang mga diyos at diyosa.
3
Subukin
PANIMULANG GAWAIN: PAGTATAYA
I. Ipahayag ang mga mahahalagang kaisipin ng Mitolohiya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap pagkatapos piliin ang
titik ng tamang sagot, isulat sa sagutang papel ang iyong sagot. (10 puntos)
1. Ito ay isang uri ng kuwento tungkol sa mga diyos at diyosa. A. alamat C. epiko
B. mitolohiya D. parabula
2. Ang mito/myth ay hango sa salitang Latin na ________________.
A. mithos C. mythus B. muthos D. mythos
3. Kung ang mito ay nanggaling sa salitang Latin na mythos. Ano naman ang
Griyegong salita nito?
A. mithos C. mythus B. muthos D. mythos
4. Ang mga sumusunod ay gamit ng mitolohiya MALIBAN sa
A. Ipaliwanag ang pagkakalikha ng daigdig
B. Maipaliwanag ang kasaysayan C. Magturo ng mabuting aral
D. Walang matinding damdamin sa kuwento
5. Ano ang tawag sa agham o pag-aaral ng mga mito/myth at alamat.
A. alamat C. epiko B. mitolohiya D. parabola
6. Ito ay pinaghuhugutan ng inspirasyon ng iba’t ibang manunulat ng panitikan sa
buong daigdig. A. mitolohiya mula sa Amerika C. mitolohiya mula sa Filipinas
B. mitolohiyang Griyego at Romano D. mitolohiya mula kay Venus
7. Saan ang tahanan ng mga diyos at diyosa?
A. langit C. Olympus B. lupa D. kagubatan
8. Sino ang sikat na awtor na nagsalin ng mitolohiyang griyego sa wikang ingles at
ng mga mahahalagang tauhan sa Olympus na laging nababanggit sa panulat lalo na noong panahon ng Klasiko?
A. Edith Hamilton C. D.H. Lawrence B. Mark Twain D. William Shakespeare
4
9. Alin sa mga sumusunod na pagpipilian ang tumutukoy sa mga katangian ng
mitolohiya?
I. Pinaniniwalaang pinagmulan ito ng mga bagay na nasa daigdig.
II. Mayroong kakaiba at mistikong daigdig.
III. Itinuturo nito ang tamang asal sa mundo.
IV. May mga hindi ordinaryong karakter.
A. I at II C. IV at V B. III at IV D. I, II, III, IV
10. Alin sa mga sumusunod na pagpipilian ang tumutukoy sa mga gamit ng mitolohiya?
I. Ipaliwanag ang pagkakalikha ng daigdig
II. Ipaliwanag ang puwersa ng kalikasan
III. Maikuwento ang mga sinaunang gawaing panrelihiyon
IV. Magturo ng mabuting aral
A. I at II C. IV at V
B. III at IV D. I, II, III, IV
II. Panuto: Kilalanin at ilarawan ang mga diyos at diyosa, kompletuhin ang grap sa ibaba. Punan nang tamang sagot ang mga blangko. (10 puntos)
Greek Roman Katangian at Kapangyarihang Taglay
1. Jupiter - hari ng mga diyos; diyos ng kalawakan at
panahon tagapagparusa sa mga sinungaling at
hindi marunong tumupad sa pangako, asawa
niya si Juno, sandata niya ang kulog at kidlat
2. Hera Juno -
3. Poseidon - kapatid ni Jupiter
- hari ng karagatan, lindol
- kabayo ang kaniyang simbolo
4. Hades Pluto - kapatid ni Jupiter
- panginoon ng impiyerno
5. Ares Mars -
6. Apollo - diyos ng propesiya, liwanag, araw, musika,
panulaan, diyos din siya ng salot at paggaling,
dolphin at uwak ang kaniyang simbolo
7. Athena Minerva -
8. Diana - diyosa ng pangangaso, ligaw na hayop, at ng
buwan
9. Hephaestus Vulcan
10.Hermes -mensahero ng mga diyos, paglalakbay,
pangangalakal, siyensiya, pagnanakaw,
at panlilinlang
11. Aphrodite Venus -
12. Hestia Vesta - diyos ng apoy, bantay ng mga diyos
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
5
III. Essay Panuto: Sumulat ng isang talata na nagpapakita ng kahalagahan ng
mitolohiya. Gamiting gabay ang tanong sa ibaba. (15 puntos)
Tanong: Bakit mahalagang pag-aralan ang mitolohiya? Ano ang magandang
maidudulot nito sa atin?
http://clipartbarn.com/notepad-clipart_11645/
RUBRIKS
Mga Kriyterya 2 3 4 5
Organisasyon
Hindi maayos ang
organisasyon ng
mga ideya
May lohikal na
organisasyon
ngunit hindi masyadong
mabisa
Maayos ang
organisasyon,
pagkabuo ng pangungusap
Mahusay ang
pagkakasunod-
sunod ng mga ideya sa
kabuuan ng
pangungusap
Paggamit ng
wika at
mekaniks
Kailangang baguhin dahil
halos lahat ng
pangungusap ay may mali sa
gramar,baybay at
gamit ng bantas
Mga kahinaan dahil maraming
mali sa
gramar,baybay at gamit ng bantas
Mahusay dahil kakaunti lamang
ang mali sa
gramar, baybay at gamit ng
bantas
Napakahusay dahil walang
mali sa gramar,
baybay at gamit ng bantas may
mayamang
bokabularyo
Pagkakasulat
Mahirap basahin dahil sa hindi
maayos at malinis
na pagkakasulat
May kahirapang unawain ang
pagkakasulat at
ng pangungusap
Malinis ngunit hindi lahat ay
maayos ang
pagkakasulat at ang mga
pangungusap
Malinis at maayos ang
pagkakasulat ng
pangu-ngusap
Puntos: Kahulugan:
13 – 15 – Natatangi
10 – 12 – Natutupad 7 – 9 – Nalilinang
4 – 6 – Nagsisimula
Paalala: Ang rubriks na ito ang siyang gagamitin ninyo sa mga sumusod na gawain:
Aralin 1 Aralin 2:
*Subukin – III. Essay, pahina 5 * Isagawa – Gawain 5, pahina 33 *Isagawa – Gawain 4, pahina 17
*Tayahin – III. Essay, pahina 19
Sanggunian: “Koleksyon ng mga Istratehiya sa
pagtutura at Iba’t ibang uri ng
Rubriks”
6
Balikan
Gawain A: ENTRY PASS
Ngayon ay balikan mo ang nakaraang talakayan sa ika-siyam na baitang.
Magbigay ng mahalagang kaisipan na natutuhan mo sa mga akdang natalakay.
Gawing gabay ang nakasulat sa ibaba na ENTRY PASS, ito ay upang malaman ko
na may natutunan at naalala ka pang leskyon o aralin sa iyong nakaraang baiting.
Isulat ang sagot sa sagutang papel
https://www.kissclipart.com/printable-ticket-clipart-event-tickets-party-templ-zlk4jm/
https://www.kissclipart.com/printable-ticket-clipart-event-tickets-party-templ-zlk4jm/
ENTRY PASS
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
_______________
7
Para sa pagsisimula ng iyong pagkatuto mabuting makilala mo muna ang
labindalawang pinakadakilang diyos at diyosa ng Mitolohiya ng Rome at Greece na
kilala rin sa tawag na The 12 Great Olympian Gods.
Ipinapakita sa ibaba ang labindalawang magigiting na diyos at diyosa sa
Olympus na kanilang tirahan. Pansinin sa bawat bilang ang griyegong pangalan ng
mga diyos at diyosa, romanong katawagan at ang kanilang katangian at
kapangyarihang taglay.
Simulan mo na ang pagsusuri. Pagbutihan mo!
Ang Labindalawang Magigiting na diyos at diyosa sa Olympus
(The 12 Great Olympian Gods)
-
1. Zeus (Greek) Jupiter (Roman)
- hari ng mga diyos; diyos ng kalawakan at panahon tagapagparusa sa mga sinungaling at
hindi marunong tumupad sa pangako, asawa niya si Juno, sandata niya ang kulog at kidlat.
https://www.freepik.com/premium-vector/powerful-zeus-mascot-logo_5343641.htm
2. Hera (Greek) Juno (Roman)
- reyna ng mga diyos tagapangalagang
pagsasama ng mag-asawa, asawa ni Jupiter.
https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/greek-gods-and-goddess-hera-vector-22179661
Tuklasin
8
3. Poseidon (Greek) Neptune (Roman)
- kapatid ni Jupiter
- hari ng karagatan, lindol - kabayo ang kaniyang simbolo
5. Ares (Greek) Mars (Roman)
- diyos ng digmaan ,buwitre ang ibong maiuugnay sa kaniya
https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/poseidon-vector-1329599
4. Hades (Greek) Pluto (Roman)
- kapatid ni Jupiter - panginoon ng impyerno
https://pngtree.com/freepng/hades-mascot-for-streaming-esport_5337105.html
6. Apollo (Greek) Apollo (Roman)
- diyos ng propesiya, liwanag, araw, musika, at panulaan, diyos din siya ng salot at paggaling,
dolphin at uwak ang kaniyang simbolo
https://www.freepik.com/premium-vector/ares-esport-mascot-logo-design_7022710.htm
https://www.istockphoto.com/vector/ancient-greek-mythological-god-apollo-apollo-
the-god-of-sunlight-in-old-painting-gm1224564532-360117778
9
7. Athena (Greek) Minerva (Roman)
- diyosa ng karunungan, digmaan, kuwago ang
ibong maiuugnay sa kaniya.
8. Artemis (Greek) Diana (Roman)
-diyosa ng pangangaso, ligaw na hayop, at ng buwan.
https://www.dreamstime.com/athena-logo-esports-vector-template-athena-logo-
esports-vector-template-suitable-esport-logo-easy-to-edit-can-also-be-used-
image162160515
9. Hephaestus (Greek) Vulcan (Roman)
- diyos ng apoy, bantay ng mga diyos
https://clipartstation.com/artemis-clipart-6/
https://thehungryjpeg.com/product/3742321-hephaestus-esport-
mascot-logo
10
Maaaring panoorin ang link na ito para sa karagdagang kaalaman:
https://www.youtube.com/watch?v=4P0azuAS7S8
12. Hestia (Greek) Vesta (Roman)
- kapatid na babae ni Jupiter - diyosa ng apoy mula sa pugon
10. Hermes (Greek) Mercury (Roman)
-mensahero ng mga diyos, paglalakbay,
pangangalakal, siyensiya, pagnanakaw,
at panlilinlang.
https://www.123rf.com/photo_21195524_illustration-of-roman-god-
mercury-patron-god-of-financial-gain-commerce-communication-and-
travelers-.html
11. Aphrodite (Greek) Venus (Roman)
- diyosa ng kagandahan, pag-ibig, kalapati
ang ibong maiuugnay sa kaniya.
https://stock.adobe.com/ph/images/greek-goddess-aphrodite-illustration/226112904
https://www.vexels.com/png-svg/preview/188536/hestia-greek-god
11
Magaling!
Palakpakan ang sarili sa iyong ginawang masiyasat na pagsusuri. Ano nga ulit
ang iyong natuklasan?
Tama, natuklasan mo ang labindalawang diyos at diyosa at kanilang mga
katangian.
Sa bahaging ito ng modyul, ay iyong lilinangin ang mga
kaisipan/kaalamang tutulong sa iyo upang higit na maintindihan ang paksang-
aralin. Dito ikaw ay maihahanda upang tiyak ang mga pag-unawa sa mga
impormasyong kinakailangan malinang. Sa bahaging ito ay magkakaroon ka ng
mahahalagang ideya tungkol sa mitolohiya. Inaasahang magagabayan ka ng
inihandang babasahin upang masagot mo ang mga sumusunod na gawain. Halika
at umpisahan na ang masayang pagbabasa at pag-unawa sa paksa.
Ang salitang mitolohiya ay nangangahulugang agham o pag-aaral ng
mga mito/myth at alamat. Tumutukoy sa kalipunan ng mga mito mula sa
isang pangkat ng tao sa isang lugar na naglalahad ng kasaysayan ng mga diyos-
diyosa noong unang panahon na sinasamba, dinadakila at pinapintakasi ng
mga sinaunang tao.
Ang mitolohiya ay salitang mito/myth ay galing sa salitang latin na
mythos at mula sa Greek na muthos na ang kahulugan ay kuwento. Ang
muthos ay halaw pa sa mu, na ang ibig sabihin ay paglikha ng tunog sa bibig.
Sa klasikal na mitolohiya ang mito/myth ay representasyon ng marubdob na
pangarap at takot ng mga sinaunang tao. Nakatutulong ito upang maunawaan
ng mga katangian ng iba pang mga nilalang. Ipinaliliwanag din dito ang
nakatatakot na puwersa ng kalikasan sa daigdig. Karaniwang may kaugnayan
ito sa teolohiya at ritwal.
Ang mitolohiya ay isang halos magkakabit-kabit na kumpol ng mga
tradisyonal na kuwentong mito ng mga diyos at nagbibigay ng mga paliwanag
hinggil sa mga likas na kaganapan.
Halimbawa na kung paano nagkaroon ng hangin o mga karagatan. May
kaugnayan ang mitolohiya sa alamat at kuwentong-bayan.
Alam mo ba na…
Suriin
12
Dalawa sa mga sikat na mitolohiya ay ang mitolohiyang Griyego at
mitolohiyang Romano na pinaghuhugutan ng inspirasyon ng iba’t ibang manunulat ng panitikan sa buong daigdig. Ipinapakita sa ibaba ang kanilang
pagkakaiba:
Ang mitolohiyang Griyego ay siyang katawan ng mga mito at
katuruan ng mga sinaunang griyego na nauukol at nagpapaliwanag ng
pinagmulan at kalikasan ng mundo at nagdedetalye ng mga buhay at
pakikipagsapalaran ng kanilang iba’t ibang mga diyos at mga bayani. Ang mitolohiyang griyego ay isang bahagi ng relihiyon sa modernong gresya at
sa buong mundo na kilala bilang Hellenismos.
Ang mitolohiyang Romano naman ng mga taga-Roma ay kadalasang
tungkol sa politika, ritwal, at moralidad na ayon sa batas ng kanilang mga diyos at diyosa mula sa sinaunang taga Rome hanggang ang
katutubong relihiyon ay napalitan na ng Kristiyanismo. https://brainly.ph/question/2176700
Kategorya Mitolohiyang Griyego Mitolohiyang Romano
1. Pinagmulan
Ang pinagmulan ng Mitolohiyang Griyego ay hindi tukoy
Ang Mitolohiyang Romano ay nakabase o binase sa Mitolohiyang Griyego.
2. Panahon ng Pagsisimula
Mas nauna ang Mitolohiyang Griyego ng pitong daang taon kaysa sa Mitolohiyang Romano.
Matapos naman ang isang libong taong pag-usbong ng Mitolohiyang Griyego ay nagsimula ang pag-usbong ng Mitolohiyang Romano.
3. Pisikal na Anyo ng mga Diyos at Diyosa
Ang mga Diyos at Diyosa ng Mitolohiyang Griyego ay magaganda ang hubog ng katawan na mas pinagaganda pa ng kanilang mga maskuladong katawan at mga magagandang mata.
Ang sa Mitolohiyang Romano naman ay walang pisikal na kaanyuan dahil nasa imahinasyon lamang ng mga tao.
4. Paniniwala sa Pangalawang Buhay
Ang Mitolohiyang Griyego ay mas binibigyan ng importansya ang mortal o pisikal na pamumuhay sa mundo kaysa sa pangalawang buhay matapos mamatay.
Mitolohiyang Romano, ang mga mortal ay gumagawa ng kabutihan sa paniniwalang masusuklian ang kanilang nagawa sa pangalawang buhay. Nagpupursige sila upang magkaroon ng pwesto sa langit.
5. Kalikasan ng mga Diyos at Diyosa
Ang mga Diyos at Diyosa ng Mitolohiyang Griyego ay nakabase sa mga ugali ng mga tao.
Samantala, ang sa Mitolohiyang Romano, ang mga pangalan ng diyos at diyosa ay mula sa mga bagay.
https://brainly.ph/question/321030
13
Kumusta! Madali lang ba?
Ngayon mayroon ka nang ideya tungkol sa kasaysayan, katangian at katuturan ng
mitolohitya. Upang lubos na maunawaan ang kaisipan ng talata sa unahan,
pagyamanin natin ang ating kaalaman!
Simulan na ang pagsagot sa mga sumusunod na gawain at higit sa lahat
huwag kalimutan ang iyong mga natutunan. Maligayang paglalakbay ng iyong isipan!
Bagamat may pagkakaiba-iba ang dalawang mitolohiya mahihinuhang kapwa
sila tumutukoy sa kuwento ng mga diyos at diyosa.
Katangian ng Mitolohiya:
Pinaniniwalaang pinagmulan ito ng mga bagay na nasa daigdig.
May mga hindi ordinaryong karakter.
Mayroong kakaiba at mistikong daigdig.
Ang mga pangyayaring nagaganap ay taliwas o iba sa mga pangyayaring
nagaganap sa tunay na buhay.
Ito ay nag uudyok ng pagbabago sa kaasalan o pagkilos.
Itinuturo nito ang tamang asal sa mundo.
Ito ay balot ng hiwaga.
Mahalaga sa mito ang tapatan ng mga bagay, gaya ng araw at gabi.
Ito ay nagbibigay tuon sa wika.
Ang mga bayani ng mito ay naglalahad ng kwento gamit ang
sopistikadong wika.
Ito ay karaniwang nakabatay sa metapora.
Nagpapakita ito ng paralelismo sa tunay na buhay. https://brainly.ph/question/583018
Ito ang mga gamit ng mitolohiya:
1. Ipaliwanag ang pagkakalikha ng daigdig
2. Ipaliwanag ang puwersa ng kalikasan.
3. Maikuwento ang mga sinaunang gawaing panrelihiyon
4. Magturo ng mabuting aral
5. Maipaliwanag ang kasaysayan
6. Maipahayag ang marubrob na pangarap, matinding takot at pag-asa ng
sangkatauhan.
Mahalagang matutunan ang mitolohiya sapagkat dahil dito ay nakikilala
at natututunan natin ang kultura at sining ng isang lugar o bansa at kung ano
ang pagkakaiba at pagkakatulad nito sa ating kultura. Kapupulutan rin ito ng
mga kagandahang-asal na maaaring pagyamanin at isabuhay.
14
Gawain 1: Pagtapat-tapatin
Panuto: Iugnay sa Kolum B ang bawat pahayag na naglalarawan ng katangian ng
mga diyos at diyosa na nakatala sa Kolum A. Isulat ang letra ng angkop na sagot sa
patlang sa sagutang papel.
Gawain 2: Ipaliwanag Mo
Panuto: Basahing mabuti ang bawat katanungan at magpahayag ng
mahalagang kaisipan sa mga sumusunod:
1. Paano makikilala na ang isang akda ay mitolohiya?
__________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
___________________________________________
2. Ano-ano ang gamit ng mitolohiya?
__________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________
3. Bakit mahalagang pag-aralan ang mitolohiya?
__________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________
Kolum A Kolum B
___ 1. Venus A. Siya ang diyosa ng kagandahan at kalapati ang kaniyang sagisag.
___ 2. Minerva B. diyos ng propesiya, araw, at musika
___ 3. Mercury
B. kapatid ni Jupiter at panginoon ng kaharian sa ilalim ng lupa
___ 4. Pluto D. Hari ng mga diyos at kalawakan
___ 5. Jupiter E. diyosa ng karunungan, digmaan, kuwago ang
ibong maiuugnay sa kaniya
F. Mensahero ng mga diyos at kilala sa tawag na
Hermes ng mga Greek
Pagyamanin
15
Tandaan Mo
Ang salitang mitolohiya ay nangangahulugang agham o pag-aaral ng mga
mito/myth at alamat.
Ang mitolohiya ay salitang mito/myth ay galing sa salitang latin na mythos
at mula sa Greek na muthos na ang kahulugan ay kuwento. Ang muthos ay
halaw pa sa mu, na ang ibig sabihin ay paglikha ng tunog sa bibig.
Sa klasikal na mitolohiya ang mito/myth ay representasyon ng marubdob na
pangarap at takot ng mga sinaunang tao.
Nakatutulong ito upang maunawaan ng mga katangian ng iba pang mga
nilalang. Ipinaliliwanag din dito ang nakatatakot na puwersa ng kalikasan sa
daigdig. Karaniwang may kaugnayan ito sa teolohiya at ritwal.
Ang mitolohiya ay isang halos magkakabit-kabit na kumpol ng mga
tradisyonal na kuwentong mito ng mga diyos at nagbibigay ng mga
paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan.
Dalawa sa mga sikat na mitolohiya ay ang mitolohiyang Griyego at
mitolohiyang Romano na pinaghuhugutan ng inspirasyon ng iba’t ibang
manunulat ng panitikan sa buong daigdig.
Ang mitolohiyang Griyego ay siyang katawan ng mga mito at katuruan ng
mga sinaunang griyegona nauukol at nagpapaliwanag ng pinagmulan at
kalikasan ng mundo.
Ang mitolohiyang Romano ng mga taga-Roma ay kadalasang tungkol sa
politika, ritwal, at moralidad na ayon sa batas ng kanilang mga diyos at
diyosa mula sa sinaunang taga Rome.
Bagamat may pagkakaiba-iba ang dalawang mitolohiya mahihinuhang
kapwa sila tumutukoy sa kuwento ng mga diyos at diyosa.
Katangian ng Mitolohiya:
Pinaniniwalaang pinagmulan ito ng mga bagay na nasa daigdig.
May mga hindi ordinaryong karakter.
Mayroong kakaiba at mistikong daigdig.
Ang mga pangyayaring nagaganap ay taliwas o iba sa mga pangyayaring
nagaganap sa tunay na buhay.
Ito ay nag uudyok ng pagbabago sa kaasalan o pagkilos.
Itinuturo nito ang tamang asal sa mundo.
Ito ay balot ng hiwaga.
Mahalaga sa mito ang tapatan ng mga bagay, gaya ng araw at gabi.
Ito ay nagbibigay tuon sa wika.
Ang mga bayani ng mito ay naglalahad ng kwento gamit ang sopistikadong
wika.
Ito ay karaniwang nakabatay sa metapora.
Nagpapakita ito ng paralelismo sa tunay na buhay.
Ito ang mga gamit ng mitolohiya:
1. Ipaliwanag ang pagkakalikha ng daigdig
Isaisip
16
2. Ipaliwanag ang puwersa ng kalikasan.
3. Maikuwento ang mga sinaunang gawaing panrelihiyon
4. Magturo ng mabuting aral
5. Maipaliwanag ang kasaysayan
6. Maipahayag ang marubrob na pangarap, matinding takot at pag-
asa ng sangkatauhan.
Mahalagang matutunan ang mitolohiya sapagkat dahil dito ay nakikilala at
natututunan natin ang kultura at sining ng isang lugar o bansa at kung ano
ang pagkakaiba at pagkakatulad nito sa ating kultura. Kapupulutan rin ito
ng mga kagandahang-asal na maaaring pagyamanin at isabuhay.
Gawain 3: Alam-Nais-Natutuhan
Panuto: Gayahin ang pormat ng talahanayan sa sagutang papel. Isulat ang sagot
sa iyong kuwaderno. Gawing bagay ang mga tanong sa ibaba.
Alam: Ano ang iyong nalalaman tungkol sa mitolohiya? Nais Malaman: Ano ang gusto mong malaman tungkol sa mitolohiya?
Natutuhan: Ano ang inyong natutuhan sa mitolohiya?
A. Alam B. Nais Malaman C. Natutuhan
Sa pagkakaalam ko ang
mitolohiya ay…
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
Ang gusto kong malaman
sa mitolohiya ay…
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
Natutunan ko na ang
mitolohiya ay…
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
Nakakabilib ka at nasagutan mo ang mga gawain at katanungan. Batid kong
lubusan mo ng naintindahan ang ating paksa. Pero teka lang at mayroon pa akong
inihandang gawain. Handa ka na?
Galingan mo!
17
Gawain 4: Kagaya Ko Siya!
Panuto: Mula sa napag-aralang impormasyon hinggil sa mga diyos at diyosa, pumili
ka ng isang diyos o diyosa na iyong nagustuhan batay sa kaniyang katangian.
Ipaliwanag mo kung bakit siya ang iyong napili. Iugnay ito sa iyong sarili. Isulat ang
sagot sa sagutang papel. Gamiting gabay ang nakasulat sa ibaba.
Mahusay!
Pinagbutihan mo ang mga gawain. Ngayon maaari ng sagutin ang pagtataya sa
ibaba upang subukin kung may nadagdag sa iyong kaalaman mula sa paksang
napag-aralan.
I. Ipahayag ang mga mahahalagang kaisipin ng Mitolohiya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap pagkatapos piliin ang
titik ng tamang sagot, isulat sa sagutang papel ang iyong sagot. (10 puntos)
1. Ito ay isang uri ng kuwento tungkol sa mga diyos at diyosa. A. alamat C. epiko
B. mitolohiya D. parabula
2. Ang mito/myth ay hango sa salitang Latin na ________________.
A. mithos C. mythus B. muthos D. mythos
Pangalan Mo: ___________________ Pangalan ng diyos o diyosa: _________________
Kagaya Ko Siya!
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________
Isagawa
Tayahin
18
3. Kung ang mito ay nanggaling sa salitang Latin na mythos. Ano naman ang
Griyegong salita nito?
A. mithos C. mythus
B. muthos D. mythos
4. Ang mga sumusunod ay gamit ng mitolohiya MALIBAN sa
A. Ipaliwanag ang pagkakalikha ng daigdig B. Maipaliwanag ang kasaysayan
C. Magturo ng mabuting aral D. Walang matinding damdamin sa kuwento
5. Ano ang tawag sa agham o pag-aaral ng mga mito/myth at alamat.
A. alamat C. epiko
B. mitolohiya D. parabola 6. Ito ay pinaghuhugutan ng inspirasyon ng iba’t ibang manunulat ng panitikan sa buong daigdig.
A. mitolohiya mula sa Amerika C. mitolohiya mula sa Filipinas B. mitolohiyang Griyego at Romano D. mitolohiya mula kay Venus
7. Saan ang tahanan ng mga diyos at diyosa? A. langit C. Olympus
B. lupa D. kagubatan
8. Sino ang sikat na awtor na nagsalin ng mitolohiyang griyego sa wikang ingles at ng mga mahahalagang tauhan sa Olympus na laging nababanggit sa panulat lalo
na noong panahon ng Klasiko?
A. Edith Hamilton C. D.H. Lawrence B. Mark Twain D. William Shakespeare
9. Alin sa mga sumusunod na pagpipilian ang tumutukoy sa mga katangian ng
mitolohiya?
V. Pinaniniwalaang pinagmulan ito ng mga bagay na nasa daigdig.
VI. Mayroong kakaiba at mistikong daigdig.
VII. Itinuturo nito ang tamang asal sa mundo.
VIII. May mga hindi ordinaryong karakter.
A. I at II C. IV at V B. III at IV D. I, II, III, IV
10. Alin sa mga sumusunod na pagpipilian ang tumutukoy sa mga gamit ng mitolohiya?
V. Ipaliwanag ang pagkakalikha ng daigdig
VI. Ipaliwanag ang puwersa ng kalikasan
VII. Maikuwento ang mga sinaunang gawaing panrelihiyon
VIII. Magturo ng mabuting aral
A. I at II C. IV at V
B. III at IV D. I, II, III, IV
19
II. Panuto: Kilalanin at ilarawan ang mga diyos at diyosa, kompletuhin ang grap sa
ibaba. Punan nang tamang sagot ang mga blangko. (10 puntos)
III. Essay Panuto: Sumulat ng isang talata na nagpapakita ng kahalagahan ng
mitolohiya. Gamiting gabay ang tanong sa ibaba. (15 puntos)
Tanong: Bakit mahalagang pag-aralan ang mitolohiya? Ano ang magandang
maidudulot nito sa atin?
http://clipartbarn.com/notepad-clipart_11645/
Greek Roman Katangian at Kapangyarihang Taglay
1. Jupiter - hari ng mga diyos; diyos ng kalawakan at
panahon tagapagparusa sa mga sinungaling at
hindi marunong tumupad sa pangako, asawa
niya si Juno, sandata niya ang kulog at kidlat
2. Hera Juno -
3. Poseidon - kapatid ni Jupiter
- hari ng karagatan, lindol
- kabayo ang kaniyang simbolo
4. Hades Pluto - kapatid ni Jupiter
- panginoon ng impiyerno
5. Ares Mars -
6. Apollo - diyos ng propesiya, liwanag, araw, musika,
panulaan, diyos din siya ng salot at paggaling,
dolphin at uwak ang kaniyang simbolo
7. Athena Minerva -
8. Diana - diyosa ng pangangaso, ligaw na hayop, at ng
buwan
9. Hephaestus Vulcan
10.Hermes -mensahero ng mga diyos, paglalakbay,
pangangalakal, siyensiya, pagnanakaw,
at panlilinlang
11. Aphrodite Venus -
12. Hestia Vesta - diyos ng apoy, bantay ng mga diyos
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
20
Para sa lubusang pag-unawa sa Aralin 1 ng modyul na ito gawin mo ang
karagdagang mga gawain.
Gawain 5: MAGSALIKSIK, MAGBASA AT MAGSULAT
Panuto: Magsaliksik sa internet o sa mga aklat ng mga karagdagang impormasyon
patungkol sa mitolohiya. Basahin mo itong mabuti. Maaari ding isulat kung may
kaugnayan ba ito sa mitolohiya sa ating bansa? Pwede din ang mga paksa na sa
tingin mo ay kawili-wili at kapanapanabik.
Gawain 6: IGUHIT MO!
Panuto: Magaling ka bang gumuhit? Kung gayon ito ang para sa iyo. Pumili ng iyong
mga paboritong diyos at diyosa at iguhit mo ito sa abot ng iyong makakaya. Ilagay
ito sa isang malimis na papel, bond paper, oslo paper at iba pa. Maging malikhan,
kulayan ang iyong iginuhit. Galingan mo
Mga nakalap kong impormasyon:
Karagdagang Gawain
21
Gawain 7: EXIT PASS
Sa puntong ito ay isulat ang lahat ng mga natutunan mo sa araling ito gamit ang
Exit Pass.
Subukin
I.
1. B
2. D 3. B
4. D
5. B 6. B
7. C
8. A 9. D
10. D
II. 1. Zeus
2. - reyna ng mga diyos tagapa-
ngalagang pagsasama ng mag-asawa, asawa ni Jupiter
3. Neptune
4. - diyos ng digmaan, buwitre ang ibong
maiuugnay sa kaniya 5. Apollo
6. - diyosa ng karunungan, digmaan, at
katusuhan, kuwago ang ibong maiuugnay sa kaniya
7. Artemis 8. - diyos ng apoy, bantay ng mga diyos
9. Mercury
10. - diyosa ng kagandahan, pag-ibig, kalapati ang ibong maiuugnay sa
kaniya
III. Essay
Ang guro na ang magwawasto
Tayahin
I. 1. B
2. D
3. B
4. D 5. B
6. B
7. C 8. A
9. D
10. D
II.
1. Zeus
2. - reyna ng mga diyos tagapa-
ngalagang pagsasama ng mag-asawa, asawa ni Jupiter
3. Neptune
4. - diyos ng digmaan, buwitre ang ibong
maiuugnay sa kaniya 5. Apollo
6. - diyosa ng karunungan, digmaan, at
katusuhan, kuwago ang ibong maiuugnay sa kaniya
7. Artemis
8. - diyos ng apoy, bantay ng mga diyos
9. Mercury 10. - diyosa ng kagandahan, pag-ibig,
kalapati ang ibong maiuugnay sa
kaniya
III. Essay
Ang guro na ang magwawasto
EXIT PASS
__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________
Susi sa Pagwawasto
22
Aralin 2
Cupid at Psyche: Mitolohiya
mula sa Rome, Italy
Madalas marinig ang matalinghagang pahayag na “Kung ikaw ay nasa Rome,
gawin mo kung ano ang ginagawa ng mga taga-Rome.” Sumasalamin lamang ito sa
kultura ng mga taga-Rome kung saan pinakikinabangan at pinagyayaman ang mga
kaisipan, kabihasnan, sining at panitikang hinalaw nila mula sa mga lugar na
kanilang sinakop. Sa kasalukuyan, ang mga mitolohiyang ito ang pinagbatayan ng
mga kaisipan sa iba’t ibang larangan tulad ng medisina, pilosopiya, astrolohiya,
sining at panitikan sa buong daigdig.
Mga Nilalaman (Paksa/Aralin)
Aralin 2: Cupid at Psyche: Mitolohiya ng Rome, Italy
MELC (Week 1) Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
Naiuugnay ang mga mahahalagang kaisipang nakapaloob sa binasang akda sa nangyari sa:
sariling karanasan
pamilya
pamayanan
lipunan
daigdig
(F10PB-Ia-b-62)
Alamin
23
Subukin
PANIMULANG GAWAIN: PAGTATAYA
Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel.
Panuto: Bawat bilang ay nagpapakita ng mga kaisipan mula sa binasang akda
Iugnay ang mga mahahalagang kaisipang ito sa nangyayari sa mga sumusunod:
I. Sariling Karanasan
1. Batay sa iyong sariling karanasan ano ang masasabi mo sa pinakamaling ginawa ni Psyche na nagdulot ng mabigat na suliranin sa kaniyang buhay pag-
ibig? A. Ang pag-ibig niya kay Cupid ay mababaw lamang
B. Ang pag-ibig niya kay Cupid ay tunay C. Ang pag-ibig niya kay Cupid ay wagas
D. Ang pag-ibig niya kay Cupid ay walang hanggan
2. Sa kuwento ipinakitang dahil sa taglay na ganda ni Psyche ay maraming mga
kalalakihan ang nagkakagusto sa kaniya. Sa tingin mo sa pisikal na anyo ba binabatay ang tunay na pag-ibig? Bakit?
A. Oo, nararapat lamang ito sapagkat magiging sikat ako kung ubod ng ganda/guwapo ang aking magiging kasintahan.
B. Siguro, dahil kapag mas maganda/guwapo mas bongga! C. Hindi, dahil ang tunay na pagmamahal ay hindi lamang bumabatay sa
panlabas na anyo kundi sa panloob na kagandahan at pag-uugali. D. Dapat lang nang hindi ako mapahiya sa barkada o tropa.
3. Ang mga sumusunod ay mga pahayag tungkol sa pag-ibig maliban sa? A. “Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang tiwala”
B. “Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang loob” C. “Ang pag-ibig ay makikita sa pisikal na kaanyuan at antas sa buhay”
D. “Ang pag-ibig ay mapagpatawad, mapagtiwala, puno ng pag-asa at mapagtiis hanggang wakas”
4. Alin sa sumusunod ang hindi kaugnay sa pahayag ni Cupid na: “Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang tiwala.”
A. Ang pag-ibig at tiwala ay hindi mapaghihiwalay B. Hindi wagas ang pag-ibig na ipinagkatiwalaan
C. Titibay ang pag-ibig kung may pagtitiwala D. Walang pag-ibig kung walang tiwala
24
II. Pamilya
5. Inilihim ni Cupid kay Venus ang kaniyang mga desisyon at pagkakagusto kay
Psyche sa kabila ng utos ng ina. Bilang ikaw ay isa nang binata at dalaga, tama bang ilihim mo ang ganitong mga pangyayari sa iyong mga magulang?
A. Oo, dahil mahal ko siya at walang makakapigil sa akin. B. Hindi, dahil wala pa ako sa tamang edad para gumawa ng ganitong
mga desisyon sa buhay at walang magulang na gustong mapasama ang anak. C. Gagawin ko ang gusto ko sa larangan ng pag-ibig.
D. Malaki na ako bahala na sina inay at itay.
6. Isa sa mga pag-uugali na binigyang diin sa mito ay ang kahalagahan ng
pagtitiwala. Sa inyong pamilya gaano ba kahalaga ang tiwala? A. Walang importansiya ang tiwala sa isang pamilya
B. Napakahalaga nito dahil nagpapahiwatig ito ng aking pagiging responsibilidad bilang anak, kapatid, at kapamilya.
C. Binabalewala lamang ang tiwala bilang anak, kapatid, at kapamilya.
D. Wala sa nabanggit.
7. Ipinakita sa mitolohiya ang ginawang pagsunod ni Psyche sa mg utos ni Venus bilang pagsasakripisyo at pagmamahal niya kay Cupid.
Sa inyong pamilya makikitang nagsasakrpisyo din ang mga magulang sa pagtatrabaho kahit mahirap, kahit mapalayo sa pamilya at sa mga anak
matustusan lamang ang pangangailangan ng mga anak. Ngayon, bilang isang mabuting anak ano ang pinakamagandang maisusukli mo sa ginawang sakripisyo
ng iyong mga magulang?
A. Pabayaan ang pag-aaral dahil may pandemya. B. Magbabad sa internet at maglaro buong araw ng videogames. C. Magbulakbol, mamasyal araw-araw dahil walang pang pasok. D. Maging mabait at mag-aral nang mabuti para makapagtapos ng pag-
aaral.
III. Pamayanan
8. Sa mitolohiya si Jupiter ang siyang hari, pinuno at pinakamakapangyarihan sa
lahat ng diyos at diyosa nagmumula sa kaniya ang mga desisyon para sa ikabubuti ng lahat. Kung ihahambing natin ito sa kasalukuyang panahon sa sistema ng
pamahalaan ng ating bansa ang nasa katayuan ni Jupiter ay ang _______________ ng ating bansang Pilipinas.
A. Presidente B. Mamamayan
C. Negosyante
D. Mayayaman
9. Kaugnay ng tanong sa ika-7 bilang. Ano ba ang nararapat taglayin ng isang mabuting hari, pinuno, presidente?
A. Kurakot/Kurap B. Mapagkawanggawa, matalino, at mahusay magbigay ng payo at
desisyon para sa ikabubuti sa lahat ng nasasakupan.
C. Mandaraya at di kapani-paniwala D. Magnanakaw sa kaban ng bayan
25
10. Dahil sa kahalagahan ng pagkakaroon ng isang mabuting lider o pinuno.
Paano mo ito magagawa? A. Magsawalang bahala
B. Ipaubaya sa iba C. Magkibit-balikat lamang
D. Gamitin ang pribilehiyong bumuto ng sa tingin mo ay karapatdapat mamahala sa isang napaka importanteng posisyon at ikabubuti ng lahat.
III. Lipunan
11. Mapapansin na may kinalaman ang amang hari sa paghahanap ng mapapangasawa ni Psyche. Sa iyong opinyon, nararapat ba ang ginawa ng ama ni
Psyche na ipakasal siya sa isang taong hindi pa niya nakikita? Ipaliwanag. A. Oo, dahil alam ng magulang ang makabubuti sa akin
B. Bagamat may pagkakataong nagbibigay ng payo ang magulang pagdating sa pag-aasawa hindi parin ito sapat upang magpakasal sa taong hindi
mo pa nakikita at lubusang kilala.
C. A at B D. Wala sa nabanggit
12. Sa lipunan at kulturang Pilipino marami tayong mga pamantayan at
kaugalian (norm) pagdating sa usaping pag-aasawa maliban sa? A. Mag-asawa sa murang edad
B. Dapat mag-asawa sa tamang edad/gulang C. Kilalanin muna nang mabuti ang isa’t isa kung magkakasundo kayo sa
maraming bagay.
D. Wala sa nabanggit
IV. Daigdig
13. Ano ugaling ipinakita nina Venus at nang dalawang nakatatandang babae ni Psyche na karaniwang nagaganap saan mang lupalop ng daigdig?
A. suklam B. galit
C. inggit
D. suliranin
14. Isa sa masamang pag-uugali ay ang nararamdamang “inggit” ni Venus nang makita niya ang labis na paghanga ng mga tao sa kagandahan ni Psyche. Sa
mundo natin ngayon palasak ang kaliwa’t kanan na pag-iinggitan ng mga tao sa mundo. Kung ikaw ang nasa katayuan ni Venus ganoon rin ba ang dapat mong
saloobin?
A. Oo, sapagkat ako lamang ang pwedeng maging maganda sa lahat B. Hindi, dahil tanggap ko nang buong-buo ang aking sariling taglay na
kagandan. C. Hindi, dahil alam kong bawat tao ay may taglay na kagandahan
magiging masaya ako para sa kaniya at sa aking sarili. D. B at C
26
15. Kagaya mo may mga kapatid rin si Psyche ngunit tulad ni Venus ang dalawa
ay may dinadalang inggit rin sa bunsong kapatid. Hindi maipagkakailang isa sa mga dahilan ng pag-aaway ng mga bansa sa ating daigdig ang pagkabuhay ng
inggit sa bawat isa na nagreresulta ng mga kahindik-hindik na gulo at patayan. Sa tingin mo dapat bang palawigin ang “inggit” sa ating mga puso?
A. Dapat iwaksi natin sa ating puso at isip ang inggit kaya maging masaya tayo kung ano man ang ating taglay na kagandahan, yaman at iba pa.
B. Mahalagang maging kontento tayo kung ano ang meron sa atin sapagkat ang inggit ang magtutulak sa tao sa paggawa ng masama sa kaniyang
kapwa.
C. Dapat hindi natin palawigin ang “inggit” sapagkat wala itong mabuting maidudulot sa atin at sa ating kapwa.
D. Lahat ng nabanggit
Balikan
Gawain 1-A: Scrambled Letters
Panuto: Ayusin ang mga letra sa loob ng kahon sa pamamagitan ng pagsusunod-sunod ng mga titik upang mabuo ang nakatagong salita. Isulat sa sagutang papel
ang sagot.
1. Ang paksang tinalakay sa nakaraang aralin ay?
2. Ano ang mitolohiya at katangian at gamit nito? Ipaliwanag
(Essay: 5-10 pangungusap)
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
_________________________________
Noong nasa ikasiyam na baitang ka, napag-aralan mo ang Noli Me Tangere sa Puso ng mga Asyano. Saksi ka sa pag-iibigan nina Crisostomo Ibarra at Maria Clara. Gayon din ang malalimang pagtalakay sa mga kaganapan sa nobela. Ngayon, sikapin mong gawin ang kasunod na gawain sapagkat ito’y may kinalaman sa
nilalaman ng akdang iyong babasahin at susuriin sa mga susunod na pahina. Alam kong magiging masaya ito para sa iyo.
A I Y M O O L I H T
27
Gawain 1-B: Isulat Mo Sa Puso
Panuto: Gumuhit ng malaking hugis-puso sa iyong papel at sa loob nito, gumawa ng isang liham sa taong hinahangaan o itinatangi ng iyong puso. Isulat ang
kaniyang pangalan at katangiang taglay na dahilan ng iyong pagtatangi o paghahanga at kung ano ang kaya mong gawin para sa kaniya.
Mahusay! Matagumpay mong naisagawa ang unang dalawang gawain. Tayo bilang tao ay likas sa atin na umibig sa kung sinoman ang nagpapatibok ng ating puso.
Dumarating sa puntong humihiling ka pa ng mga sensyales sa Panginoong Diyos sa kung sino ang nararapat o kung hindi naman kaya’y iyong itinadhanang taong nararapat at magtatagal para sa iyo. Ngunit lingid sa ating kaalaman, noong sinaunang panahon, humihiling na rin ang mga tao sa iba’t ibang mga diyos at
diyosa ng mga senyales kung sino ang nararapat na mga nilalang na kanilang iibigin. Tunghayan mo ang tungkol sa mitolohiya ng mga sinaunang Roman na siyang pagtutuonan mo nang lubos ngayon.
Tuklasin
Narito ang isa sa mga bahagi ng mito mula sa Rome, Italy. Isinalaysay ni
Apuleuis, isang manunulat na Latino. Bahagi lamang ito ng mitong Metamorphoses na kilala rin sa tawag na The Golden Ass (donkey). Basahin at unawain mo ito
upang matuklasan mo kung paano nakatutulong ang mitolohiya sa pagpapaunlad ng panitikang Filipino.
Cupid at Psyche (Muling isinalaysay ni Alvin D. Mangaoang)
https://www.deviantart.com/artbyamandalauren/art/Cupid-and-Psyche-197540755
Noong unang panahon, mayroong isang hari na may tatlong anak na
babae. Isa si Psyche sa tatlong magkakapatid at siya ang pinakamaganda sa
kanila. Sa sobrang ganda ni Psyche ay talaga namang maraming humanga sa
kaniya. Sinasabi ring kahit ang diyosa ng kagandahang si Venus ay hindi kayang
tumapat sa gandang taglay ni Psyche.
28
Ikinagalit ito ni Venus at mas lalo pang nakapagpagalit sa kaniya ay ang
pagkalimot ng mga kalalakihang magbigay ng alay, maging ang kaniyang templo ay napabayaan na rin. Ang dapat sanang atensyon at mga papuring
para sa kaniya ay napunta sa isang mortal.
Dahil dito, nagalit si Venus at inutusan niya ang kaniyang anak na si
Cupid upang paibigin si Psyche sa isang nakatatakot na nilalang, ngunit ang
nangyari ay ang kabaligtaran. Si Cupid ang umibig kay Psyche na tila siya ang
nabiktima ng sarili niyang pana. Inilihim ito ni Cupid sa kaniyang ina, at dahil
sa kampante naman si Venus sa kaniyang anak, hindi na rin ito nag-usisa.
Hindi umibig si Psyche sa isang nakatatakot na nilalang, ngunit wala ring
nagtangkang umibig sa kaniya. Kahit na sobra ang pagmamahal ng mga ginoo
kay Psyche ay sapat na sa kanila ang nakikita lang nila ang dalaga. Samantalang
ang kaniyang dalawang kapatid ay nakapag-asawa na ng hari. Naging
mapanglaw si Psyche sa mga nangyayari. Kaya naglakbay ang amang hari ni
Psyche upang humingi ng payo kay Apollo upang makahanap ng mabuting
lalaking iibig sa kaniyang anak. Hindi alam ng amang hari na naunahan na siya
ni Cupid upang hingin ang tulong ni Apollo kaya sinabi ni Apollo sa hari na
makapapangasawa ng isang nakatatakot na halimaw ang kaniyang anak at
kailangan tumalima sa kaniyang ipinayo. Nang nagawa na ng amang hari ang
lahat ng ipinayo ni Apollo, ipinagutos niyang bihisan si Psyche ng
pinakamaganda niyang gayak-pangkasal. Pagkatapos mabihisan si Psyche,
ipinabuhat ng hari ang anak na parang ihahatid sa kaniyang libingan papunta
sa tuktok ng bundok. Nang makarating sa bundok na paroroonan, naghintay
ang magandang dalaga sa kaniyang mapapangasawa. Walang kamalay-malay
ang magandang dalaga na ang kaniyang mapapangasawa ay ang diyos ng pag-
ibig na si Cupid.
Naging masaya naman ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Mahal
na mahal nila ang bawat isa ngunit may isang bagay ang hindi masilayan ni
Psyche, ang mukha ng kaniyang kabiyak. Nangako si Psyche sa kaniyang
kabiyak na kahit kailan ay hindi niya sasabihin sa mga kapatid niyang hindi pa
niya nasisilayan ang mukha ng kaniyang asawa. Nangulila si Psyche sa kaniyang
mga kapatid kung kaya’t humiling siya sa kaniyang asawa na sana’y makita niya
ang mga ito. Pinagbigyan niya naman ito kasabay ng pagbibigay muli ng paalala.
Nang magkita ang magkakapatid, naging mausisa sila sa kaniya. Labis kasi ang
yaman ng asawa ni Pscyhe na hindi mapapantayan ng kanilang mga
napangasawa. Dahilan ito upang mabuo ang pangimbulo o selos sa kanilang
mga puso. Sa pangalawang pagbisita nila ay isinalaysay ng kaniyang mga
kapatid ang nabuo nilang masamang balak, sinulsulan nila itong suwayin ang
kondisyon ng kaniyang asawa. Sinabi nilang siya ay tunay na halimaw at siya
rin ang papatay kay Psyche. Kaya upang hindi siya mapatay nito kailangang
unahan na ni Psyche ang asawa. Agad namang nabuyo si Psyche sa sinabi ng
kaniyang mga kapatid.
Sa wakas, nang mahimbing nang natutulog ang lalaki, patiyad na
naglakad si Psyche patungo sa pinaglagyan niya ng punyal at lampara. Kinuha
niya ang mga ito. Sinindihan niya ang lampara. Dahan-dahan siyang lumapit sa
kaniyang asawa. Laking ginhawa at kaligayahan ang nag-uumapaw sa kaniyang
puso nang masilayan niya sa unang pagkakataon ang hitsura ng kaniyang
asawa.
29
Maaaring panoorin ang link na ito para sa karagdagang kaalaman:
https://www.youtube.com/watch?v=hteaGOOA_3A https://www.youtube.com/watch?v=fTtK3TTWbjc Magaling!
Palakpakan ang sarili at natapos mo ang pagbabasa kumusta nagustuhan mo ba ang
mitolohiyang Cupid and Psyche
asawa. Laking ginhawa at kaligayahan ang nag-uumapaw sa kaniyang puso
nang masilayan niya sa unang pagkakataon ang hitsura ng kaniyang asawa.
Hindi halimaw ang kaniyang nakita kundi pinakaguwapong nilalang sa mundo.
Nang madapuan ng liwanag ang kagandahan ng lalaki ay tila ba mas lalong
tumingkad ang liwanag ng lampara. Sa labis na kahihiyan at kawalan ng
pagtitiwala, lumuhod siya at binalak na saksakin ang sarili. Nang akma na
niyang itatarak ang punyal sa kaniyang dibdib, nanginig ang kaniyang kamay
at nahulog ang punyal. Ang panginginig ng kaniyang kamay ay kapwa nagligtas
at nagtaksil sa kaniya. Sa pagnanais niyang pagmasdan pa ang kaguwapuhan
ng kaniyang asawa, inilapit niya ang lampara at natuluan ng mainit na langis
ang balikat nito. Nagising ang lalaki at natuklasan niya ang pagtataksil ng
asawa.
Suriin
Ang Cupid at Psyche ay isang tanyag na klasikong mitolohiya; mga
kuwneto na binubuo ng isang partikular na relihiyon o paniniwala. Karaniwang
tinatalakay ng mga kuwentong mito ang mga diyos at diyosa na nagbibigay ng
mga paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan. Nagmula sa panitikan ng
Roma sa Italya ang akdang ito na isinulat ni Lucius Apuleius Madaurensis
noong ika-2 siglo upang ipahiwatig sa mambabasa ang kaniyang nais o
reaksiyon sa isang pangyayari. Ang layunin ng akda ay upang imulat ang mga
mata ng mga mambabasa kung ano ba ang tunay at tapat na pag-ibig. Kaakibat
ng pagmamahal ang tiwala at katapatan.
Ang akda ay umiikot sa ideya ng “pag-ibig” at “kaluluwa” na kinakatawan
ng mga pangunahing tauhan na sina Cupid at Psyche. Sinisimbolo nito ang
pagmamahalan sa kabila ng mga pagdadaanan at pinagdadaanan. Maaari mang
hindi makatotohanan ang ibang pangyayari sa akda ay ito pari’y nagsasalamin
sa ideya ng pag-ibig na tumutugon sa sensibilidad ng mambabasa.
Mga karakter sa likod ng akda;
Cupid – anak ni Venus, inakalang halimaw ni Psyche
Psyche – pinakamagandang mortal, asawa ni Cupid
Venus – pinakamagandang diyosa, galit sa mortal na si Venus
Hari – ama ni Psyche
Alam mo ba na…
30
Apollo – ang diyos na nagbigay ng orakulo patungkol sa mapapa-
ngasawa ni Psyche.
Dalawang kapatid na babae ni Psyche – nakatatandang kapatid ni
Psyche; inutos nila na tingnan ni Psyche ang anyo ng kanyang asawa.
Zephyr – ang hangin na nagsilbing tagahatid
Mercury – ang nagdala kay Psyche sa kaharian ng mga diyos at
diyosa
Jupiter – ang pinakamakapangyarihang diyos
Ang tagpuan at panahon ng akda ay nakaayon sa paniniwala nila sa
pagsamba sa kanilang mga diyos at diyosa na nagbigay sa panunuring
pampanitikan ng mga taga Roma. Ang mga pangyayari ay nagpapahayag ng
pananaw ng may akda, tulad ng nabanggit, kahit ang aksiyon sa akda ay di-
kapanipaniwala dulot ng mga supernatural na kapangyarihan ng mga tauhan
ito pari’y nagsisilbing simbolo sa isang makatotohanang ideya ng pagmamahal
at pagsasakripisyo, kung kaya’t ang mga pagkapit ng mga pangyayari ay may
kaisahan mula sa umpisa hanggang sa wakas.
Nakapaloob din ang mensaheng pagkakaroon ng tiwala at katapatan sa iyong kabiyak kung kaya’t maraming matutuhang aral sa kwentong mito na ito.
Kakabit ng pagsulat ng akdang ito ang iba’t ibang uri ng pamumuhay, paniniwala, kaugalian at maging ang kulturang nangingibabaw at
nakakaimpluwensiyang pananaw sa ibang tao at maging sa bansa. Ang akda ay nagtataglay at nagpapahiwatig ng mga tiyak na sitwasyon o
karanasan. Lubos na nakatulong din ang estilo ng pagkasulat ng akda dahil ito
ay nagbibigay-diin sa angkop na pagpili ng mga gagamiting salita na nakapagdagdag kagandahan sa daloy ng kwentong mito. Angkop din sa antas
ng pag-unawa ng mga mambabasa ang pagkabuo ng akda dahil ang temang nilalaman nito ay pang-unibersal na kaisipan; pag-ibig, na kung saan lalo pang
pinaganda ng sining na taglay ng akda na umayon sa panlasa ng mambabasa. https://www.wattpad.com/421891776-filipino-10-suring-basa-cupid-at-psyche(FILIPINO 10 by asakicker1231)
Ang Mitolohiya ng Taga-Rome Ang mitolohiya ng mga taga-Rome ay kadalasang tungkol sa politika,
ritwal, moralidad na ayon sa batas ng kanilang mga diyos at diyosa mula sa sinaunang taga-Rome hanggang ang katutubong relihiyon ay napalitan na ng
Kristiyanismo. Kabayanihan ang isang mahalagang tema sa mga kuwentong ito.
Itinuring ng mga sinaunang taga-Rome na nangyari sa kanilang kasaysayan ang nilalaman ng mga mito kahit ang mga ito ay mahimala at may elementong
supernatural. Ang kanilang mitolohiya ay hinalaw mula sa Greece na kanilang sinakop.
Labis nilang nagustuhan ang mitolohiya ng bansang ito, kaya inaangkin nilang parang kanila at pinagyaman nang husto. Binigyan nila ng bagong pangalan
ang karamihan sa mga diyos at diyosa. Ang iba ay binihisan nila ng ibang katangian. Lumikha sila ng bagong mga diyos at diyosa ayon sa kanilang
paniniwala at kultura.
Sinikap nilang ipasok ang kanilang pagkakakilanlan sa mga
mitolohiyang kanilang nilikha. Isinulat ni Virgil ang “Aenid”, ang pambansang
epiko ng Rome at nag-iisang pinakadakilang likha ng Panitikang Latin.
Isinalysay ni Virgil ang pinagmulan ng lahi ng mga taga-Rome at kasaysayan
nila bilang isang imperyo.
31
Mula sa Literature – World Masterpieces, (Prentice Hall, 1991) at Panitikan sa Pilipino 2 (Pandalubhasaan), (Gonzales, 1982)
Kumusta! Madali lang ba? Ngayon pagyamanin pa natin ang iyong natutuhan sa nabasang akda na
mito ng taga-Rome, Susuriin natin ang iyong kakayahan! Galingan mo!
Gawain 2: Panuto: Gamit ang concept map, iugnay ang kaisipang nasa ibaba sa iyong
sarili at pamilya. Kopyahin sa kuwaderno.
Gawain 3: Opinyon Ko, Mahalaga!
Panuto: Sagutin mo ang mga sumusunod na tanong at pahayag batay sa iyong
sariling karanasan sa iyong pamilya mga pangyayari sa pamayanan, lipunan
maging sa daigdig. Isulat ito sa iyong sagutang papel.
1. Sa iyong paniniwala, bakit kaya sa kabila ng kagandahan ni Psyche ay walang nangahas na manligaw sa kaniya?
______________________________________________________________________________________________________________________________________________________
2. Sa iyong opinyon, nararapat ba ang ginawa ng ama ni Psyche na ipakasal
siya sa isang taong hindi pa niya nakita? Ipaliwanag.
Pagyamanin
Sarili
_____________
_____________
_____________
___
“Hindi mabubuhay
ang pag-ibig kung
walang tiwala”
Pamilya
_____________
_____________
_____________
Ito ang naging katapat ng “Illiad at Odyssey” ng Greece na tinaguriang
“Dalawang Pinakadakilang Epiko sa Mundo” na isinalaysay ni Homer. Si Ovid na isang makatang taga-Rome ay sumulat rin ayon sa taludturang ginamit ni
Homer at Virgil sa kaniyang “Metamorphoses”. Subalit hindi ito tungkol sa kasaysayan ng Roman Empire o ng mga bayani, kundi sa mga diyos at diyosa,
at mga mortal na may katangian ng mga diyos at karaniwang mga mortal.
Lumikha siya ng magkakarugtong na kuwento na may temang mahiwagang pagpapalit-anyo. Sa mga akdang ito ng mga taga- Rome humuhugot ng
inspirasyon ang mga manunulat at mga alagad ng sining sa buong daigdig mula noon hanggang ngayon.
32
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________ 3. Kung ikaw si Psyche, tatanggapin mo rin bang hamon ni Venus para sa
pag-ibig? Bakit? ___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
4. Bilang isang diyosa, ano ang hindi magandang katangian ni Venus? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
5. Sa iyong paniniwala kailangan bang paghirapan ng tao sa mundo ang pagpunta sa langit? Ipaliwanag
______________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Binabati kita sa mahusay mong pagsagot sa mga tanong. Ang tunay at wagas na pag-ibig ay hindi kailanman mahahadlangan ng kahit anomang pagsubok. Ngunit ang napakahalaga ring isaisip ay ang pagtitiwala sa isa’t isa upang ang nabuong pag-iibigan ay kailanman hindi masisira.
Tandaan Mo
Ang Cupid at Psyche ay isang tanyag na klasikong mitolohiya; mga kuwneto
na binubuo ng isang particular na relihiyon o paniniwala. Karaniwang
tinatalakay ng mga kuwentong mito ang mga diyos at diyosa na nagbibigay
ng mga paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan. Nagmula sa panitikan
ng Roma sa Italya ang akdang ito na isinulat ni Lucius Apuleius Madaurensis
noong ika-2 siglo.
Ang akda ay umiikot sa ideya ng “pag-ibig” at “kaluluwa” na kinakatawan ng
mga pangunahing tauhan na sina Cupid at Psyche. Sinisimbolo nito ang
pagmamahalan sa kabila ng mga pagdadaanan at pinagdadaanan.
Nakapaloob din ang mensaheng pagkakaroon ng tiwala at katapatan sa iyong
kabiyak kung kaya’t maraming matutuhang aral sa kwentong mito na ito.
Ang mitolohiya ng mga taga-Rome ay kadalasang tungkol sa politika, ritwal,
moralidad na ayon sa batas ng kanilang mga diyos at diyosa mula sa
sinaunang taga-Rome hanggang ang katutubong relihiyon ay napalitan na ng
Kristiyanismo.
Ang kanilang mitolohiya ay hinalaw mula sa Greece na kanilang sinakop.
Labis nilang nagustuhan ang mitolohiya ng bansang ito, kaya inaangkin
nilang parang kanila at pinagyaman nang husto. Binigyan nila ng bagong pangalan ang karamihan sa mga diyos at diyosa. Ang iba ay binihisan nila ng
Isaisip
33
ibang katangian. Lumikha sila ng bagong mga diyos at diyosa ayon sa
kanilang paniniwala at kultura.
Gawain 4: Tularan/Wag Tularan
Panuto: Anong katangian ng mga tauhan sa mitong Cupid at Psyche ang nais
mong tularan/ayaw mong tularan at bakit? Isulat ang sagot sa talaan na inilaan.
Tauhan Katangian Bakit tularan/Bakit di tularan
1.
2.
3.
Nakakabilib ka at nasagutan mo ang mga gawain at katanungan. Batid kong
lubusan mo ng naintindahan ang ating paksa. Pero teka lang at mayroon pa akong
inihandang gawain. Handa ka na?
Husayan mo!
Gawain 5: Iugnay Mo!
Panuto: Batay sa naunawaan mong kaisipan o mensahe na nakapaloob sa
mitolohiyang “Cupid at Pysche”, iugnay mo ito sa iyong sarili, pamilya, pamayanan at lipunan. Gayahin ang grapikong presentasyon sa pagpapahayag ng iyong kaisipan
sa sagutang papel.
Isagawa
Kaisipan mula sa
Cupid at Psyche
34
Mahusay!
Pinagbutihan mo ang mga gawain. Ngayon maaaring sagutin ang pagtataya sa
ibaba upang subukin kung may nadagdag sa iyong kaalaman mula sa paksang
napag-aralan.
Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel.
Panuto: Bawat bilang ay nagpapakita ng mga kaisipan mula sa binasang akda
Iugnay ang mga mahahalagang kaisipang ito sa nangyayari sa mga sumusunod:
I. Sariling Karanasan
1. Batay sa iyong sariling karanasan ano ang masasabi mo sa pinakamaling
ginawa ni Psyche na nagdulot ng mabigat na suliranin sa kaniyang buhay pag-ibig?
A. Ang pag-ibig niya kay Cupid ay mababaw lamang B. Ang pag-ibig niya kay Cupid ay tunay
C. Ang pag-ibig niya kay Cupid ay wagas
D. Ang pag-ibig niya kay Cupid ay walang hanggan
2. Sa kuwento ipinakitang dahil sa taglay na ganda ni Psyche ay maraming mga kalalakihan ang nagkakagusto sa kaniya. Sa tingin mo sa pisikal na anyo ba
binabatay ang tunay na pag-ibig? Bakit? A. Oo, nararapat lamang ito sapagkat magiging sikat ako kung ubod ng
ganda/guwapo ang aking magiging kasintahan.
B. Siguro, dahil kapag mas maganda/guwapo mas bongga! C. Hindi, dahil ang tunay na pagmamahal ay hindi lamang bumabatay
sa panlabas na anyo kundi sa panloob na kagandahan at pag-uugali. D. Dapat lang nang hindi ako mapahiya sa barkada o tropa.
3. Ang mga sumusunod ay mga pahayag tungkol sa pag-ibig maliban sa?
A. “Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang tiwala” B. “Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang loob”
C. “Ang pag-ibig ay makikita sa pisikal na kaanyuan at antas sa buhay”
D. “Ang pag-ibig ay mapagpatawad, mapagtiwala, puno ng pag-asa at mapagtiis hanggang wakas”
4. Alin sa sumusunod ang hindi kaugnay sa pahayag ni Cupid na: “Hindi
mabubuhay ang pag-ibig kung walang tiwala.” A. Ang pag-ibig at tiwala ay hindi mapaghihiwalay
B. Hindi wagas ang pag-ibig na ipinagkatiwalaan C. Titibay ang pag-ibig kung may pagtitiwala
D. Walang pag-ibig kung walang tiwala
Tayahin
35
II. Pamilya
5. Inilihim ni Cupid kay Venus ang kaniyang mga desisyon at pagkakagusto kay
Psyche sa kabila ng utos ng ina. Bilang ikaw ay isa nang binata at dalaga, tama bang ilihim mo ang ganitong mga pangyayari sa iyong mga magulang?
A. Oo, dahil mahal ko siya at walang makakapigil sa akin. B. Hindi, dahil wala pa ako sa tamang edad para gumawa ng ganitong
mga desisyon sa buhay at walang magulang na gustong mapasama ang anak. C. Gagawin ko ang gusto ko sa larangan ng pag-ibig.
D. Malaki na ako bahala na sina inay at itay.
6. Isa sa mga pag-uugali na binigyang diin sa mito ay ang kahalagahan ng
pagtitiwala. Sa inyong pamilya gaano ba kahalaga ang tiwala? A. Walang importansiya ang tiwala sa isang pamilya
B. Napakahalaga nito dahil nagpapahiwatig ito ng aking pagiging responsibilidad bilang anak, kapatid, at kapamilya.
C. Binabalewala lamang ang tiwala bilang anak, kapatid, at kapamilya.
D. Wala sa nabanggit.
7. Ipinakita sa mitolohiya ang ginawang pagsunod ni Psyche sa mg utos ni Venus bilang pagsasakripisyo at pagmamahal niya kay Cupid.
Sa inyong pamilya makikitang nagsasakrpisyo din ang mga magulang sa pagtatrabaho kahit mahirap, kahit mapalayo sa pamilya at sa mga anak
matustusan lamang ang pangangailangan ng mga anak. Ngayon, bilang isang mabuting anak ano ang pinakamagandang maisusukli mo sa ginawang
sakripisyo ng iyong mga magulang?
A. Pabayaan ang pag-aaral dahil may pandemya. B. Magbabad sa internet at maglaro buong araw ng videogames. C. Magbulakbol, mamasyal araw-araw dahil walang pang pasok. D. Maging mabait at mag-aral nang mabuti para makapagtapos ng pag-
aaral.
III. Pamayanan
8. Sa mitolohiya si Jupiter ang siyang hari, pinuno at pinakamakapangyarihan
sa lahat ng diyos at diyosa nagmumula sa kaniya ang mga desisyon para sa ikabubuti ng lahat. Kung ihahambing natin ito sa kasalukuyang panahon sa
sistema ng pamahalaan ng ating bansa ang nasa katayuan ni Jupiter ay ang _______________ ng ating bansang Pilipinas.
A. Presidente B. Mamamayan
C. Negosyante
D. Mayayaman
9. Kaugnay ng tanong sa ika-7 bilang. Ano ba ang nararapat taglayin ng isang mabuting hari, pinuno, presidente?
A. Kurakot/Kurap B. Mapagkawanggawa, matalino, at mahusay magbigay ng payo at
desisyon para sa ikabubuti sa lahat ng nasasakupan.
C. Mandaraya at di kapani-paniwala D. Magnanakaw sa kaban ng bayan
36
10. Dahil sa kahalagahan ng pagkakaroon ng isang mabuting lider o pinuno.
Paano mo ito magagawa? A. Magsawalang bahala
B. Ipaubaya sa iba C. Magkibit-balikat lamang
D. Gamitin ang pribilehiyong bumuto ng sa tingin mo ay karapatdapat mamahala sa isang napaka importanteng posisyon at ikabubuti ng lahat.
III. Lipunan
11. Mapapansin na may kinalaman ang amang hari sa paghahanap ng mapapangasawa ni Psyche. Sa iyong opinyon, nararapat ba ang ginawa ng ama
ni Psyche na ipakasal siya sa isang taong hindi pa niya nakikita? Ipaliwanag. A. Oo, dahil alam ng magulang ang makabubuti sa akin
B. Bagamat may pagkakataong nagbibigay ng payo ang magulang pagdating sa pag-aasawa hindi parin ito sapat upang magpakasal sa taong
hindi mo pa nakikita at lubusang kilala.
C. A at B D. Wala sa nabanggit
12. Sa lipunan at kulturang Pilipino marami tayong mga pamantayan at
kaugalian (norm) pagdating sa usaping pag-aasawa maliban sa? A. Mag-asawa sa murang edad
B. Dapat mag-asawa sa tamang edad/gulang C. Kilalanin muna nang mabuti ang isa’t isa kung magkakasundo kayo
sa maraming bagay.
D. Wala sa nabanggit
IV. Daigdig
13. Ano ugaling ipinakita nina Venus at nang dalawang nakatatandang babae ni Psyche na karaniwang nagaganap saan mang lupalop ng daigdig?
A. suklam B. galit
C. inggit
D. suliranin
14. Isa sa masamang pag-uugali ay ang nararamdamang “inggit” ni Venus nang makita niya ang labis na paghanga ng mga tao sa kagandahan ni Psyche. Sa
mundo natin ngayon palasak ang kaliwa’t kanan na pag-iinggitan ng mga tao sa mundo. Kung ikaw ang nasa katayuan ni Venus ganoon rin ba ang dapat mong
saloobin?
A. Oo, sapagkat ako lamang ang pwedeng maging maganda sa lahat B. Hindi, dahil tanggap ko nang buong-buo ang aking sariling taglay na
kagandan. C. Hindi, dahil alam kong bawat tao ay may taglay na kagandahan
magiging masaya ako para sa kaniya at sa aking sarili. D. B at C
37
15. Kagaya mo may mga kapatid rin si Psyche ngunit tulad ni Venus ang dalawa
ay may dinadalang inggit rin sa bunsong kapatid. Hindi maipagkakailang isa sa mga dahilan ng pag-aaway ng mga bansa sa ating daigdig ang pagkabuhay ng
inggit sa bawat isa na nagreresulta ng mga kahindik-hindik na gulo at patayan. Sa tingin mo dapat bang palawigin ang “inggit” sa ating mga puso?
A. Dapat iwaksi natin sa ating puso at isip ang inggit kaya maging masaya tayo kung ano man ang ating taglay na kagandahan, yaman at iba pa.
B. Mahalagang maging kontento tayo kung ano ang meron sa atin sapagkat ang inggit ang magtutulak sa tao sa paggawa ng masama sa
kaniyang kapwa.
C. Dapat hindi natin palawigin ang “inggit” sapagkat wala itong mabuting maidudulot sa atin at sa ating kapwa.
D. Lahat ng nabanggit
Para sa lubusang pag-unawa sa Aralin 2 ng modyul na ito gawin mo ang
karagdagang mga gawain.
Gawain 6: React Na!
Panuto: Ibigay ang iyong sariling reaksiyon sa pahayag ni Cupid.
Karagdagang Gawain
________________________
________________________
________________________
________________________
________________________
________________________
________________________
________________________
________________________
“Hindi mabubuhay ang pag-ibig
kung walang pagtitiwala”
38
Gawain 7: Dugtungan Mo
Panuto: Dugtungan ang sugnay batay sa iyong natutunan sa modyul na ito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Natutunan kong ang mitolohiya
ng mga taga-Rome ay tungkol
sa … _______________________________
_______________________________
_________________________________
Natutunan kong ang mito-
lohiyang Cupid at Psyche ay
tungkol sa …
______________________________________________________________
_______________________________
Ang aral na napulot ko mula sa mitolohiyang Cupid at Psyche
ay …
______________________________________________________________
_______________________________
__
39
Subukin
1. A
2. C
3. C
4. C
5. B
6. B
7. D
8. A
9. B
10. D
11. B
12. A
13. C
14. D
15. B
Susi sa Pagwawasto
Tayahin
1. A
2. C
3. C
4. C
5. B
6. B
7. D
8. A
9. B
10. D
11. B
12. A
13. C
14. D
15. B
40
Sanggunian
Aralin 1
Aklat: Ambat, Vilma C., et al. 2015 Panitikang Pandaigdig Filipino Modyul para sa Mag-aaral. Quezon City, Metro Manila: Vibal Publishing House Inc. (pahina: 9-26)
Internet: Slideshare.com
*Krystel Rivera
Published on: October 13, 2011 Published in: Sports, Technology Link: https://www.slideshare.net/KrystelRivera/mitolohiyang-romano
Slideshare.com
* Krystel Rivera
Published on: Published in: Education, Technology Link: https://www.slideshare.net/KrystelRivera/mitolohiyang-griyego
* unknownymousDGS Published on: June 21, 2016 Published in: Brainly.com Link: https://brainly.ph/question/321030
* RMS
Published on: June 3, 2019
Published in: Brainly.com Link: https://brainly.ph/question/2176700
Youtube.com
* Mhelah Jane Mangao
Published on: March 23, 2016 Published in: youtube.com Link: https://www.youtube.com/watch?v=4P0azuAS7S8
41
Aralin 2
Aklat: Ambat, Vilma C., et al. 2015 Panitikang Pandaigdig Filipino Modyul para sa Mag-aaral. Quezon City, Metro Manila: Vibal Publishing House Inc. (pahina: 9-26)
Internet:
*(FILIPINO 10) Asskicker1231
Published on: January 3, 2016 Published in: Wattpad.com Link: https://www.wattpad.com/421891776-filipino-10-suring-basa-cupid-at-psyche
Youtube.com
* Maria’s Story
Published on: September 30, 2019 Published in: youtube.com Link: https://www.youtube.com/watch?v=hteaGOOA_3A
* El-Bomba SUBStories
Published on: October 9, 2019 Published in: youtube.com Link: https://www.youtube.com/watch?v=fTtK3TTWbjc
42