noelle arroyo - dream man preview

27
DREAM MAN, SUPERMAN Precious Hearts Romances NOELLE ARROYO ANG MANGARAP tungkol sa tunay na pag-ibig ang kinaugalian nang gawin ni Krisia at nakikita iyon sa mga poems na kinahiligan na niyang i-jot down mula pa man noong bata pa siya. Ang mangarap tungkol sa kanyang dream man ang nagbigay sa kanya ng cynical view tungkol sa reyalidad ng buhay. Then, she met a real dream man, si Marco, pinsan ng kaibigan niya, kamukha ni Clark Kent at isang nobelista sa ibang bansa. As he slowly but surely turned into the man of her dreams, iyong kanyang infatuation dito bago pa man niya ito nakilala ay lalong lumalim. But he was older, wiser, mature. Tapos isang sopistikada at successful na model ang ex nito na kabi- break lang dito a few months before he visited. She could not compete with that. Ang kanyang pangarap ay mananatili na lang yatang iyon, pangarap. * * * It was that twitch, that… like he found her discomfort and worries funny that got to her. Namalayan na lang niyang naiinis siya. “Why are you bothering? This is just me, si Krisia na bata pa at inexperienced at walang ibang maio-offer sa „yo kundi kissing bouts that maybe wasn‟t even satisfying to you at all! Why bother?” * * * “Haven‟t I told you already? Na hindi ako makatulog sa kaiisip sa „yo? And your kisses… has

Upload: noellandia

Post on 10-Apr-2015

284 views

Category:

Documents


10 download

TRANSCRIPT

Page 1: Noelle Arroyo - DREAM MAN Preview

DREAM MAN, SUPERMAN Precious Hearts Romances

NOELLE ARROYO

ANG MANGARAP tungkol sa tunay na pag-ibig ang kinaugalian nang gawin ni Krisia at nakikita iyon sa mga poems na kinahiligan na niyang i-jot down mula pa man noong bata pa siya. Ang mangarap tungkol sa kanyang dream man ang nagbigay sa kanya ng cynical view tungkol sa reyalidad ng buhay.

Then, she met a real dream man, si Marco, pinsan ng kaibigan niya, kamukha ni Clark Kent at isang nobelista sa ibang bansa. As he slowly but surely turned into the man of her dreams, iyong kanyang infatuation dito bago pa man niya ito nakilala ay lalong lumalim.

But he was older, wiser, mature. Tapos isang sopistikada at successful na model ang ex nito na kabi-break lang dito a few months before he visited. She could not compete with that.

Ang kanyang pangarap ay mananatili na lang yatang iyon, pangarap.

* * *

It was that twitch, that… like he found her discomfort and worries funny that got to her. Namalayan na lang niyang naiinis siya. “Why are you bothering? This is just me, si Krisia na bata pa at inexperienced at walang ibang maio-offer sa „yo kundi kissing bouts that maybe wasn‟t even satisfying to you at all! Why bother?”

* * *

“Haven‟t I told you already? Na hindi ako makatulog sa kaiisip sa „yo? And your kisses… has

Page 2: Noelle Arroyo - DREAM MAN Preview

never left me dissatisfied. Your kisses make me want for more. I love your kisses more than anything.”

* * *

Nagmulat ito. “You could have told me. Krish,” hinaplos nito ang pisngi niya. “You don‟t have to do anything to seduce me. Ngumiti ka lang at bibigay na ako. Please don‟t wear a bikini again tomorrow. I‟ve never felt so murderous my whole life.”

Page 3: Noelle Arroyo - DREAM MAN Preview

Chapter One

NAKATUTOK ANG MGA MATA ni Krisia sa LCD nang kanyang cellphone, binabasa ang pdf file nang isang e-book, nang marinig niya ang naiinip na tinig nang kanyang kasama sa ibabaw ng general noise sa SM Foodcourt kung saan sila naroroon. She was with Aya. Paminsan-minsan ay okay lang ditong nakakalimutan niya ito at dadaldal nang dadaldal kahit hindi siya sumasagot—isang napakatagal ng pagkakaibigan ang nagdala sa kanila sa ganitong habit. Alam nitong compulsive sa kanya ang pagpe-phase out at wala siyang masamang intensyon maliban sa obsesyon sa daydreaming gaya rin nang batid niyang compulsive din dito ang dumaldal may nakikinig man o wala kung kasama ang mga kaibigan.

Pero may inis na sa tinig nito kaya bigla siyang naging attentive. Tumingin siya rito sabay sara sa cellphone niya. Nagda-drums ang mga daliri nito sa mesa, sure sign na kailangan na nito ng listener… or else.

Baka pati siya madamay sa kaengotan ni Joel.

Ang tanong nito habang nakakunot ang noo: “Ano na naman kayang idadahilan n‟un kung bakit s‟ya late this time?”

Si Joel, na boyfriend nito, ay bestfriend din niya gaya nito sa kanya. Childhood best of friends silang

Page 4: Noelle Arroyo - DREAM MAN Preview

tatlo bago nag-iba ang ihip ng hangin at nagkagustuhan ang dalawa noong nasa college na sila. Basically, walang nabago. Sila pa rin ang sanggang-dikit tatlo kahit apat na taon nang going steady ang mga ito. Except the additional yucky things na ginagawa ng mga in love, everything was still as normal as before.

Gaya ngayon. Late si Joel. Laging late si Joel. Iyon ang isa sa mga compulsion nito, among other things.

Sandali niyang binalikan ang nakaraan.

Yes, four years na ring magkasintahan ang dalawa at walang senyales na titigil iyon sa kabila nang layo ng mga personalidad ng mga ito. Pero nakapagtataka ba talaga iyon? Kikay si Aya, computer geek si Joel at siya ay bookworm—may kanya-kanya silang mundo pero gaya nga nang madalas sabihin nang kanilang mga magulang ay lumaki silang parang buto ng mansanas, ubas at kastanyas na umusbong sa iisang shell. They were inseparable since that day she and Aya shooed bullies from smashing Joel‟s laptop in the subdivision‟s playground when they were in grade two.

Actually, hindi lang shooed ang naaalala niya, eh. Kung hindi siya nagkakamali, namaga ang teynga n‟ung isa bully dahil hinila ni Aya paikot sa playground, namilipit naman iyong isa dahil pinalo niya nang kanyang lunch box noong tinangka nitong saktan si Aya para tulungan ang kasama. Tapos, ipinukpok ni Joel ng laptop nito sa huling bully dahil hinila siya nito at nadapa siya. Iyon, nasira pa rin ang laptop nito nang mabagsak at mabasag sa aspalto. Pero dahil mga babae naman ang „iniligtas‟ nito, okay lang iyon sa mga magulang nito.

Page 5: Noelle Arroyo - DREAM MAN Preview

Doon nagsimula ang pagkakaibigan na tumagal hanggang, well, ngayon. Isang pagkakaibigan na walang nakatibag na kahit ano, kahit nang namuong romansa sa pagitan nang dalawa sa tatlong magkakaibigan. When other friendships could have suffered, ni hindi naano ang sa kanila. In fact, kung hindi pa niya sinabing “Enough already! Pwede ba, magligawan na kayo? Geeez! Kapag hindi n‟yo pa tinigilan ang pakiputan, pag-uuntugin ko na kayo!” ay hindi pa bibigay ang mga ito nang bigay na bigay.

Sa tatlo, siya ang no-nonsense. At isa sa nonsense sa kanya ay ang mga pakiputan ng mga nagkakagustuhan when they could have been honest from the start para hindi nasasayang ang oras. Among other things.

Gaya nang… well, hindi siya talaga naniniwala sa reality ng romance. That it could generally end in something good. Exception to the rule lang ang kanyang mga kaibigan dahil walang ibang mas higit na nakaaalam sa katotohanan ng pagmamahalan ng mga ito kaysa sa kanya. Pero bukod sa mga ito… everything else was tinted grayish blue.

Pero hindi siya ang issue, okay?

Ngayon ay nagma-match na ang socks si Joel dahil napapakialaman na ni Aya ang wardrobe nito at lahat nang gusto nitong pakialaman dito, hindi niya napigilang mapangiti habang naiisip. Nakahalata siya kay Joel noong araw na nagsuot ito ng socks at necktie in matching colors sa isang event. Hindi na niya kailangan pang makahalata kay Aya—nuknukan ito ng obyus. Meron na rin ngayong mga stickers sa dati ay walang kaado-adornong laptop ni Joel. Hindi naman ito makapagreklamo dahil kapag nagreklamo ito, mao-

Page 6: Noelle Arroyo - DREAM MAN Preview

off limits dito ang goods ng girlfriend nito… ang Joel really loved Aya‟s goods.

Goods. Eeewy. Eeew.

“Baka nasagasaan ng bus?” kaswal na sagot niya sa huli nitong sinabi.

“O nakasagasa na naman ng askal,” anito habang nakangiwi, agad na nabawasan ang inis dahil meron nang nakakausap.

Sabay pa silang napatuwid ng upo. “Baka nawawala na naman?” sabay din nilang sabi.

“Sigurado ka bang sinabi mong dito tayo magkikita-kita?” nag-aalala nitong tanong.

Tumango siya pero nag-aalala na rin siya. “Sigurado ako. Ewan ko lang kung nakikinig siya noong sinabi ko.” May ugali kasi si Joel na parang siya, kahit present nag-a-astral projection sa universe. Pero mas grabe ito kaysa kanya. Kahit papaano naman, kapag may sunog, nakakamalay pa siya.

Noon niya natanaw si Joel, tarantang humahangos mula escalator. Napangiti siya kaya napalingos rin si Aya.

“At last!” nasambit nito.

“Look, girls. Legitimate ang dahilan ko this time. Totoo!” simulang pasakalye agad ni Joel nang makalapit sa mesa.

“Nasira na naman ang wall clock mo?” painosenteng tanong niya.

Page 7: Noelle Arroyo - DREAM MAN Preview

“Na-low batt na naman ang battery?” tanong ni Aya sa parehong tono. “Eh akala ko ba, pinalitan mo na n‟ung isang linggo?”

Naiiling siya. Nangyari na dati na isang taon nang drained ang battery ng wall clock ni Joel sa kwarto nito bago nito iyon napansin. Nagkataon kasing namatay ang clock at five o‟clock, parehong oras na ginigising si Joel ng body clock nito sa umaga at nag-iisang beses na tinitingnan nito iyon sa araw-araw.

“Visitors arrived at the house,” sabi nito habang nauupo sa tabi ng nobya nito. “Swear! Hindi ko mahanap ang letseng cellphone kasi natabunan ng mga books at nag-low batt kaya walang kwenta kung tinatawagan n‟yo man ako.”

“Honest to God, Joel, kapag may nakaimbento ng solar-energy-ran cellphone, makahahanap ka pa rin ng ibang dahilan para ma-late!” sambit niya.

“May nakaibento na pero wala pa rito sa Pilipinas. But, there‟s that, too,” matamis ang ngiting sagot nito bago ngumuso para halikan ang labi ng nobya.

And as usual, natunaw na parang iceberg na nabagsakan ng gigantic meteor ang inis ni Aya pagkakita sa ngusong iyon.

Fact Two—Aya loved Joel‟s goods, too.

Sandali siyang nag-iwas ng tingin. One, two, three seconds—pumalakpak siya sa harapan ng dalawa habang nandidilat.

“Ano ba, guys? Getta room, okay?” anas niya sa mga ito habang nag-iinit ang kanyang mga pisngi. Dios mio…

Page 8: Noelle Arroyo - DREAM MAN Preview

Natatawang naghiwalay ang glued na mga labi at umakyat na sila sa escalator para magtungo sa cinemas.

“So… sinong mga bisita ang dumating?” interesado niyang tanong habang nakapila sila sa ticket booth. Typically, nakalimutan na naman nitong magbigay ng detalye dahil naka-focus na ito kay Aya. He‟s autistic that way.

“Mga pinsan ko from Ohio. „Di ba sabi ko sa inyo, bumisita sila sa mga kamag-anak namin sa Davao? Bago sila umuwi, dumaan muna sila dito sa Manila. They‟ll be staying for a week before they fly off.”

“Lahat sila, sweetheart?” tanong ni Aya bago niya nasabi na wala itong nabanggit kahit kailan tungkol sa kahit sinong kamag-anak na bumisita sa kahit saang lugar.

“No. Aalis sina Tita Pat, Tito Osmond at Tasha next week. Magtatagal si Marco dito.”

Marco.

Lumukso ang kanyang dugo, natigil ang kanyang paghinga at naunat ang kanyang buhok pagkarinig niya sa pangalan.

Si Marco ang pinsan nitong writer. As in nakasama sa bestseller list ng New York Times ang unang supernatural novel na sinulat nito. He was twenty-nine years old, mukhang seryosong taong may suot na frames sa mga pictures na laging nagpapaalala sa kanya kay Clark Kent, with the brains to boot. Sanlaksa ang nerds sa pamilya nina Joel.

Page 9: Noelle Arroyo - DREAM MAN Preview

Si Marco lang ang nag-iisang tao sa mga lalaking nakilala na niya ang nakakuha nang kanyang atensyon. Oh, except her Lit professor, but that was an entirely different thing. Her Lit professor was fifty-nine years old and was like a grandfather more than a crush. Ni hindi pa niya nami-meet si Marco. But he could already make her heart beat in a way that was embarrassing to the supposedly young but already cynical Krisia. Ang cynical na Krisia na sa pangangarap lang nabubuhay.

By the way, walang kaalam-alam ang kanyang childhood BFFs sa kanyang kabaliwan.

“Bakit manonood pa tayo ng sine? ‟Di ba dapat inaasikaso mo sila?” kunwa‟y kaswal na tanong niya, hindi lang niya masabing magtungo na lang sila sa bahay nito.

Umiling ito. “Right now, parang lata ng sardines ang bahay dahil bumuhos ang mga kamag-anak namin from all over Metro Manila. Ni hindi nila mapapansin na wala ako. Isa pa, mas close si Kuya Marco sa mga Kuya ko kaysa sa „kin. Mas malapit kasi ang mga edad nila,” paliwanag nito habang hinahaplos ng nobya nito ang buhok nito na parang sa isang alagang aso. “Sa bahay na kayo mag-dinner mamayang gabi, ha?” anyaya pa nito. “Para mapakilala ko kayo sa kanila.”

Nagkatinginan sila ni Aya, nagkibit ng mga balikat, at sabay tumango.

Pero tanungin siya sa title nang kanilang pinanood na movie pagkatapos, hindi niya maaalala.

Hindi na siya nakapag-concentrate. Ang gusto na lang niya ay makilala na ang pinsan nito, sa wakas.

Page 10: Noelle Arroyo - DREAM MAN Preview

ALAS-CUATRO NG hapon nang makauwi sila sa bahay nina Joel. Tumawag na lang siya sa Mommy niya para magpaalam na baka gabihin siya at kung bakit—nasa kabilang subdivision lang naman ang bahay nila. Nasa province ito kung saan ito may ibinebentang property sa isang balikbayang mag-asawa. Baka hanapin siya nito kapag umuwing wala pa siya. Isang single parent, it relieved her mother to know where all her kids were at all times.

Kung tutuusin, hindi na nito kailangang magtrabaho bilang ahente ng real estate pero nag-e-enjoy doon ang Mommy niya at pangalawa lamang ang pagkita. Sustentado pa rin sila ng daddy nila kahit meron na itong ibang pamilya. Maganda rin naman ang kita ng party needs and gift shop nila sa isang two-storey building sa isang commercial area malapit sa subdivision na pag-aari nila. Prutas iyon ng kita ng Mommy nila sa real estate. Siya na ang nag-manage niyon mula nang mag-graduate siya three years ago. Ang panganay nila, si Ate Rina, ay kasama ng Mommy nila sa mga byahe at tumutulong dito pero isa lang iyon sa mga aktibidades nito. Binigyan ito nang kanilang mga magulang ng capital para sa isang micro-lending company kung saan kasosyo nito ang ilang mga kaibigan and it was doing well. Ang bunso nilang si Sally ay nag-aaral pa sa college.

Limang magkakapatid sina Joel, pangatlo ito, at pareho nang may asawa ang mas nakatatanda nitong mga kuya kaya hindi na unusual ang ingay sa malaking bahay ng mga Alfonso. Isa iyong modernong three-story townhouse na may maluwang na bakuran. May rooftop iyon gaya nang bahay nila sa kabilang subdivision.

Page 11: Noelle Arroyo - DREAM MAN Preview

Pero ngayong gabi, ang daming tao—mga kamag-anakan, mga kapitbahay at mga kaibigan ng pamilya. Sa balkonahe sa unang palapag nag-iinuman ang mga lalaki, sa terasa sa second floor nagkakasiyahan ang iba pang mga bisita. Ang rooftop ay naiilawan din at malamang na meron ding mga tao roon.

“Huwag kang aalis sa tabi ko, ha?” bulong sa kanya ni Aya noong nakapasok na sila sa loob.

Lihim siyang napangiti. Si Aya ay nag-iisang anak. Sanay na ito sa pamilya ni Joel pero overwhelmed sa mga family reunions nang sanlaksang mga kamag-anakan ng lalaki dahil madalas itong makilatis, kwentuhin, at tudyuhin ng mga tiya at tiyo, mga lola at lolo, at mga pinsan ni Joel lalo na iyong mga nakatira sa probinsya mula nang maging mag-on ang dalawa. Kalkal sa usapan maging pangalan ng kulay ng blush on na ginagamit nito. Na okay lang sana. Kung hindi na mauungkat pati brand name ng deodorant at foot powder.

Kinawayan nila ang Mommy ni Joel na nasa kabilang dulo ng sala kausap ang ilang may edad na mga ginang habang patungo sila sa buffet table. Sumenyas ito, tinatanong ang Mommy niya. Sumenyas din siya na may hawak siyang manibela, meaning nasa road ito. Tumango ito at ngumiti. Bumabay siya noong hinatak siya ng anak nito patungong buffet table.

Pinakilala sila ni Joel kay Tasha at sa tito at tita nitong galing States.

Nanghaba ang leeg ni Joel. “Wala si Kuya Marco,” sabi nito. “Nasa taas siguro. Sige na, kumuha na kayo ng food tapos sa taas tayo. Grabeng init dito.”

Page 12: Noelle Arroyo - DREAM MAN Preview

Kumuha na nga sila ng pagkain pagkatapos ay umakyat na sila sa ikalawang palapag kung saan nakagulat sa kanila ni Aya na makitang nagkalat ang mga kaibigan nina Adelle at Alyson, mga nakababatang sisters ni Joel. Ang mga ito pala ang natanaw nilang mga tao roon noong nasa labas pa sila.

“What are they doing here?” nagtatakang tanong ni Aya habang nauupo sila sa family room.

Naiiling si Joel. “Naibulong sa „kin ni Mommy na kaya nagtago si Kuya Marco, dahil sa mga „yan. Mukhang nagka-crush ang mga kaibigan ng mga kapatid ko sa kanya.”

“He‟s that good-looking?” nakakunot-noong tanong ni Aya.

“Siguro. How would I know, lalaki ako?” matter-of-fact nitong sagot.

Nagkatinginan sila ni Aya. Saka sabay na nagbuntunghininga. Hinalikan nito si Joel sa pisngi. “Love na love talaga kita,” sabi nito sa hopeless na tinig. Natatawa naman siyang nagsimula na lang kumain.

“But what I really want is for you to meet him,” sabi nito—sa kanya. “Pareho kayo ng hilig, „di ba? Makaka-relate kayo sa isa‟t isa.”

Nasamid siya sa kinakain niya at napainom siya sa juice niya. Saka siya hindi makapaniwalang napatitig dito.

“Hello?! Lit Major ang cousin mo sa Kenyon College, apprentice sa kanyang former professor habang nag-e-M.A. tapos ngayon ay may Ph. D. na.

Page 13: Noelle Arroyo - DREAM MAN Preview

Hindi lamang iyon, may na-publish na siyang mga short stories, isang Science Fiction at isang Supernatural novel na nalagay sa Bestseller List…” Kunwa ay nalilito siyang napakunot-noo. “Excuse me, s‟an ang pareho d‟on?” She felt like she was drowning.

“Ano ka ba? Oo nga, meron s‟yang mga gan‟ong achievements pero he‟s really just a regular guy. Napaka-humble niya. Kahit kailan hindi siya nagbago. Siya ang eksaktong taong dapat mong nakikilala para ma-encourage ka. Kapag nabasa n‟ya ang mga poems mo—“

“Off limits ang poems ko, okay?” gulantang niyang sambit. Mamamatay siya kapag nabasa ng pinsan nito ang mga poems niya. See? Sa possibility pa lang inaatake na siya ng apoplexy.

“But they‟re good,” protesta nito.

Pinandilatan niya ito. “Joel, hindi computer software ang poetry.” Tunog condescending pero kay Joel lang siya nakakalusot nang ganoon.

“Poetry sa kanila ang computer software,” natatawang pagtatanggol ni Aya sa nobyo.

Binalingan niya ito. “Yeah. Like… kapag pinag-aralan ko ang kahit pinakasimpleng program na nagawa niya, magkaka-brain hemorrhage ako.”

Natawa ito. “You know what I meant!”

“Hey, romantic ako,” pagtatanggol ni Joel sa sarili na parang nainsulto. Minsan, nasasaktan ang feelings nito kapag kahit isang oras na nitong pinaliliwanag sa kanila ni Aya ang kasalukuyang program na kinalolokohan nito ay hindi pa rin nila iyon makuha.

Page 14: Noelle Arroyo - DREAM MAN Preview

Minsan, naiirita itong maging alien. “Nakaka-appreciate naman ako ng romantic poems mo.”

Napatitig siya sa magkasintahan habang bumabagsak ang kanyang mga panga.

Siniko ni Aya ang lalaki, na tumingin dito, saka ibinalik ang tingin sa kanya, dismayado.

“Pinabasa mo sa kanya pati mga private poems ko?!” sita niya kay Aya.

“Ah… eh…”

“Aya! Taksil kang babae ka!” sikmat niya sa kaibigan.

Page 15: Noelle Arroyo - DREAM MAN Preview

Chapter TWO

“HINDI MO NAMAN SINABING bawal kay Joel ang mga „yon,” reklamo nito. “I was feeling romantic… binasahan ko siya.”

“And with good results, too,” nakangisi namang segundo ni Joel.

“Oh, not your results!” nasambit niya. Pero huli na. Napatakip ang kanyang mga kamay sa kanyang mukha dahil nai-imagine na niya. “Yekh!”

There were her normal poems—hate poems, really—pero meron siyang secret poems. Iyong mga pro-romance, pro-love. Tungkol ang mga iyon sa pinakatatago niyang mga feelings at pangarap tungkol sa kung paano tunay na umibig—hindi iyong klase ng walang kwentang mga feelings na nakikita niya sa kanyang paligid. Wala siyang ibang taong pinagkatiwalaang ipabasa iyon kundi si Aya. Granted that she did not bother letting Joel read them because she was not sure he would even understand them. Pero ang mabasa nito iyon nang hindi niya alam ay nakakaloka.

Hindi pa siya nai-in love, iyon ang unang unang maoobserbahan nang sobrang analytical nitong utak.

At emote na emote siya sa mga poems na iyon in a way na nakakahiya kahit sa kanyang geeky bestfriend!

Page 16: Noelle Arroyo - DREAM MAN Preview

“Okay, okay…” sambit ni Joel, nakasimangot. “Don‟t you think you‟re over-reacting?”

“You‟ve read my poems!” sambit niya.

“It wasn‟t the first time.”

“Pero hindi ka nagpaalam!”

“Is it the poems, o ayaw mo lang mabisto kong may natitira pang romantic sa cells ng katawan mo?” nangingisi nitong tanong.

Natakpan niya ang dibdib niya kahit fully clothed siya. “Don‟t talk about my cells!”

“Oo nga,” segunda ni Aya habang mahinang pinapalo ang nobyo.

Namula naman si Joel. “I didn‟t mean… I mean...” Nagbuntunghininga ito. “Pwede ba, mga luka-luka kayo, kahit hindi ko mabasa „yung mga private poems mo I‟ve always known you‟re secretly, really… romantic. Isa ka sa iilang truly romantic sa mundong ito. It‟s very apparent in your hate poems that it‟s painful.”

“Huh?” sambit niya, hindi makapaniwalang napapatitig dito. Joel had just uttered two, genuinely human emotions in one sentence. Nananaginip ba siya?

Umangat ang isang dulo ng kilay nito. “You can only hate that much if you love that much also. You have the other side, pero mas nakaka-relate ka sa hate dahil sa nangyari sa parents mo.”

Page 17: Noelle Arroyo - DREAM MAN Preview

“Uh?” sabi niya ulit.

“I know that, it‟s Freudian!” natutuwang sabi ni Aya.

“Actually, Newton‟s Laws are more specific to what I meant,” seryosong sabi ni Joel.

Napakunot-noo siya. She was really interested. “Alin sa kanyang Laws?” She at least knew about Newton‟s three laws of motion. Hindi siya ganoon ka-dumb.

“All three. First, if no force acts on an object, it remains stable. Secondly, if force is applied to an object, it acts proportionate to that force. Thirdly…” misteryoso itong ngumiti, “an object experiences force when it is interacting with another object. Opposing forces. Both contradiction but actually the same thing.” Nagsayaw ang mga kilay nito sa noo nito.

“Y-You mean…”

“You‟re hate poems are actually a mirror of your love poems.”

Star-struck na nakatitig si Aya sa boyfriend habang natutulala siya. Pero bago pa siya makabawi sa bagong revelation na nagmula sa alien na si Joel, nakarinig siya ng tikhim, pagkatapos ay tinig, sa kanyang likod.

“Hello, „cous.”

Napatingin si Joel at lalong umaliwalas ang mukha nito. “Kuya Marco!”

Napalingos siya.

Page 18: Noelle Arroyo - DREAM MAN Preview

Natulala na naman.

The tearing of my heart, ripped apart,

I‟ll never love ever again!

Sinungaling.

Clark Kent. He wasn‟t wearing any frames.

Si Superman.

At base sa ngiti sa mga labi nito, kanina pa ito nakatayo roon.

HINDI ALAM ni Krisia kung paano siya nakabawi sa sandali. Survival instinct, maybe. Habang enthusiastic silang pinakikilala ni Joel sa pinsan nito, nagawa talaga niyang ngumiti, makipagkamay, mag-nice-to-meecha-too na parang walang nangyayaring nuclear war sa kanyang loob. It was like playing dumb when her father was visiting with her half-brothers. Except that this time, she could feel an actual blush on her face. Kunwari rin lang wala iyon doon.

At kunwari rin lang, hindi ito uber-perfect. Matangkad, matipuno, gwapo. No wonder, nang makita na ito ng mga teens na kaibigan nina Adelle, parang nagkahawaan ng mild epilepsy sa floor. Parang sinapian ng kiliti ang mga ito, sabay-sabay.

And then it was her turn.

“So you‟re the poet?” nakangiting tanong ng lalaki sa kanya.

Page 19: Noelle Arroyo - DREAM MAN Preview

Awtomatiko siyang nanliit. “W-What?”

“Marami nang naikwento ang pinsan ko tungkol sa „yo.”

Pinilit niyang magpakahinahon. Joel, gaanong force ang gagamitin ko sa „yo para mag-accelerate ka diretso sa labi ng Vulcan Mayon? “Ahh… mga… mga attempts lang „yon ng self-expression… hilig ko lang. Hindi ako po-po-poet.”

“D‟on nagsisimula ang lahat, sa expression ng sarili. Then, as you grow older and more mature, self-expression evolves into communication, which is the essence of Art, really.”

Pinilit niyang ngumiti. “P-Pansarili ko rin lang ang mga poems ko,” sambit niya.

“Teka, kumain ka na ba?” tanong ni Joel sa pinsan.

“Hindi pa pero busog pa ako,” sagot ni Marco.

“You must eat,” protesta ni Aya. “Hindi kami makakakain habang nanonood ka lang.” Siniko nito ang boyfriend.

Mukhang asiwa si Marco. “Kapag nakita ako nina Tito sa baba, they will want me to join them. Hindi ako mahilig uminom.”

Tumayo si Joel. “Ahh, akong bahala, Kuya Marco. Ikukuha kita.”

“Tutulungan ko siya,” sabi naman ni Aya na tumayo bago niya ito mahawakan. “Kailangan namin ng refill. Oy, Krish, ikaw munang bahala kay Marco,

Page 20: Noelle Arroyo - DREAM MAN Preview

ha?” sabi pa habang pasimpleng sinusulyapan ang mga nakabantay na teeners sa balkonahe.

Bigyan ba siya ng obligasyon gayong siya ang nangangailangan ng tulong?

“They seem so in love with each other,” obserba ni Marco habang nakasunod ang tingin sa magkasintahang magka-holding hands na bumababa ng hagdan.

“Ahm… uhuh,” pagsang-ayon niya habang tarantang nag-iisip kung anong mga isasagot niya sa mga sasabihin nito na hindi na siya magtutunog-moron. Biglang nagparang jell-o ang utak niya.

Nakangiti itong tumingin sa kanya. “You don‟t sound sure,” anito.

Napatingin siya rito. Namalayan na lang niya, nalulunod siya sa titig ng mga mata nito.

Eyes… deep as the abyss of the darkest fire,

Ablazed, as the desires of the soul of the heart…

“No… they love each other since… forever,” aniyang namamalikamata.

Hindi niya alam na nasabi niya iyon pwera noong nakita niyang bahagyang kumukunot ang noo nito. Napakurap siya. The spell was broken. And of course, namula siyang parang kamatis na hinog.

“W-We‟re a really close bunch. I should know what I‟m saying,” taranta niyang sabi. God, she sounded like a moron.

Page 21: Noelle Arroyo - DREAM MAN Preview

Ngumiti itong muli. “Maliliit pa kayo magkaibigan na kayong tatlo, hindi ba? Wasn‟t it hard for you when things started to change between them?”

“It was disgusting,” sabi niya, ginagaya ang matter-of-fact na tono ng pinsan nito.

“Really?” sympathetic nitong sabi habang tumitikwas ang isang korner ng mga labi. Muntik na namang malaglag ang kanyang panty. It was so sexy.

“No torrid kissing when I‟m around is the first rule,” sabi niya, poker-faced. “Kapag sinira nila ang rule one, hindi ako a-attend sa kanilang kasal at hindi ako magni-ninang sa kanilang unang baby.”

Natawa ito. “Pretty serious punishment.”

Ngumiwi siya. “They break it all the time.”

Malakas ang tawa nito.

At kahit papaano, habang naririnig ang tawa, habang pinanonood ang pag-aliwalas ng mukha nito, nag-relax siya.

“Napansin ko lang, matatas kang mag-Tagalog?” May accent nang isang American, pero mas malinaw nang di-hamak kaysa sa mga Amerkanong trying hard mag-Tagalog sa mga tourist spots.

Tumango ito. “Tagalog ang conversation at home mula pa noong bata pa kami ng kapatid ko. I also call her Ate. Gan‟on din sa households ng mga relatives naming Filipinos d‟on. I love talking in Tagalog to my Filipino friends and relatives in the net. Nagugulat sila

Page 22: Noelle Arroyo - DREAM MAN Preview

at natutuwa. I learn from them, too.” Pagkatapos ay kumunot ang noo nito. “What is jejemons?”

Napatanga siya rito. “Jejemon talk is an alien art that I will never want you to try with me. And that‟s asking kindly.”

Mukhang nalilito ito. “How alien?”

“Ibang solar system.”

Mukhang natatawa na naman ito. “Really.”

“You‟ll understand when you get a text message from a jejemon,” advice na lang niya.

“O-kaaay…”

Sabay silang napalingos nang makarinig sila nang malakas na tawanan sa balkonahe. Nang tumingin naman ito, lalong lumakas ang tawa ng mga teeners. Noong ibalik nila ang tingin nila sa isa‟t isa, pareho silang asiwa.

“Sila, jejemons,” bulong niya.

“Well, that‟s not good, isn‟t it?” bulong din nito.

Nagkilusan ang mga teenagers, palapit. Muntik na siyang matawa nang mapalitan ng panic ang simpleng pagkaasiwa sa mukha nito.

Anas ni Marco: “Help?!”

Siya. “Would you like to go somewhere else?”

Sabay silang tumayo.

Page 23: Noelle Arroyo - DREAM MAN Preview

“Try your cousin‟s drums sa Music Room,” sabi niya, malakas, habang makahulugang tumitingin kina Adelle. “Sound-proof d‟on, wala tayong maiistorbo—help me with these.”

“Sure,” sabi naman nito, relieved. Tinulungan siya nito sa pagdadala ng plates nilang tatlo nina Aya at Joel na hindi niya maipapaliwanag kung paano nila nagawa, by the way. Must be one of those adrenaline-fueled thingies.

Nakaakyat sila sa third floor kung saan located ang Music Room. Istriktong pang-family lang ang room na iyon, bawal sa non-musical friends nina Joel. Actually, walang hilig sa musical instruments sina Joel, Adelle at Alyson pero welcome sila roon ni Aya dahil marunong siyang tumugtog ng piano—well, dati tumutugtog siya—habang magaling naman sa gitara si Aya. Nakaka-jamming nila ang mga kuya ni Joel paminsan-minsan.

“Thanks,” medyo namumulang sabi ni Marco matapos niyang matawagan sina Aya para sabihing doon na sila sundan ng mga ito, at kung bakit, noong maisara na nila ang pinto sa ingay sa labas.

“Sure.” Nangingiti siya. There. Hindi naman pala ito sobrang perfect. May weakness din ito. Takot ito sa little girls. At dahil natulungan niya ito, hindi na siya masyadong overwhelmed.

“You think this is funny?” tanong nito sa magaang tinig.

“I wish you could see your face right now. Para kang nakakita ng oasis sa gitna ng disyerto.”

Page 24: Noelle Arroyo - DREAM MAN Preview

“Ahh. Feels like that, too,” sabi nito, nangingiti sa kanya.

At agad siyang naghanap ng mapagbabalingan nang kanyang mga mata bago na naman siya malunod. Nakita niya ang piano. Awtomatiko siyang lumapit at inangat ang cover ng keys.

Lumapit din ito. “You play?”

“No,” pagsisinungaling niya habang nakatitig sa keys. Daddy niya ang nagturo sa kanyang tumugtog. One day, she just stopped. Siguro dahil nalaman niyang buntis na ang kinakasama nito sa unang half-brother nila at nahuli niyang umiiyak ang Mommy niya sa kwarto nito. Mula noon, display na lang ang piano nila sa salas.

Noon din nagsimula ang kanyang mga I-Hate-Love poems.

“Are you sure?” untag nang marahan nitong tinig sa kanya. “You look at the keys like you can.”

Gulat siyang napatingin dito. “Nakikita „yon sa tingin lang?”

Ngumiti ito. “Alam mo kung ano pang napansin ko sa mga mata mo?”

Kinabahan siya. Halata ba siya?! Nakikipag-flirt ba ito? My God! “A-A-Ano?”

“You look like someone who could play emotions well on anything,” pagpapatuloy nito.

Page 25: Noelle Arroyo - DREAM MAN Preview

Nabutas siyang parang lobong tinusok ng aspile. “Really?” dismaya niyang tanong.

Tumango ito, nangingiti. “Yes. Very soulful eyes…”

Nakatitig ito sa mga mata niya noong sinabi nito iyon, at kung anong pwersa ang parang humila sa kanya. Nagsimula na naman siyang malunod. Pero napakatahimik ng kanyang utak… hindi nakabuo nang kahit anong salita para sa kahit na anong tula.

Nawawala ang kanyang utak.

“Hindi ka dapat nahihiya tungkol sa abilities mo. Lalo na „yung creative abilities. Trust me, hindi lahat nabigyan ng gift na ma-move ang ibang tao sa pamamagitan ng tunog, ng mga kulay, ng mga salita. To be able to express and communicate—across miles, across races, across time—that‟s what we do. We unite the universe this way.”

Uh.

Naalala niya noong unang beses siyang napaharap sa painting ng Spolarium. She felt like an insignificant, tiny being. Isang maliit na piraso ng buhangin kumpara sa buong kalawakan.

Iyon din ang pinaramdam niya ngayon dahil sa mga sinabi nito.

“Go on. Play,” himok nito sa marahang tinig.

Parang cobra na sumusunod sa tugtog ng flute, naupo siya sa silya sa harap ng piano at bumagsak sa mga keys ang kanyang daliri. Nakawala sila sa nakakamagneto nitong titig pero balewala iyon sa

Page 26: Noelle Arroyo - DREAM MAN Preview

kanya ng mga sandaling iyon dahil biglang ang pagtugtog ay kinasasabikan niyang gawin. What has he done to her? Pakiramdam niya, under siya ng isang spell. Nakatingin siya sa mga keys, inaayos ang kanyang mga daliri sa tamang pwesto.

At nang marinig niya ang unang mga notes, napangiti siya. Sandali siyang nag-eksperimento sa mga nota, sinasanay ang kanyang mga daliring naninigas sa tagal na walang practice, hanggang natagpuan niya ang sarili niyang tinutugtog ang una sa tatlong Gymnopédies ng nineteenth century French Composer na si Eric Satie. Her playing was a little rusty but she has never listened to a sound so good. Ni hindi niya namalayan na nabuksan at nasarhan ang pinto ng Music Room. Sandali rin at hindi inaasahan, nakalimutan niya si Marco, kahit pa ang presensya nito ang isa sa mga dahilan kung bakit tumitipa ang kanyang mga daliri sa piano. Pumikit siya, ninamnam ang tunog kahit hindi iyon maikukumpara sa pagtugtog niya dati. But something brought her back to her sorroundings. Kung anong tunog.

At napamulat siya. Napatigil din ang mga daliri niya sa pagtugtog. Paglingos niya, alam niya kung anong nakaistorbo sa kanya.

Ang pagsinghot ni Aya.

Umiiyak ito sa tabi nang nakangiting parang engot nitong boyfriend.

“You made her play!” sabi nito kay Marco bago lumapit, inilipat sa mga kamay ng lalaki ang mga dala nito, naupo sa tabi niya, at niyakap siya.

Napaikot na lang ang kanyang mga mata sa kadramahan nang kanyang bestfriend.

Page 27: Noelle Arroyo - DREAM MAN Preview