oplan kapayapaan - karapatan.org kapayapaan at pasismo ng rehimeng... · sa paggamit ng pwersang...

40

Upload: others

Post on 02-Sep-2019

34 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Oplan Kapayapaan - karapatan.org Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng... · Sa paggamit ng pwersang militar, magkasabay na inilulunsad ang combat, intelligence at civil military operations
Page 2: Oplan Kapayapaan - karapatan.org Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng... · Sa paggamit ng pwersang militar, magkasabay na inilulunsad ang combat, intelligence at civil military operations
Page 3: Oplan Kapayapaan - karapatan.org Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng... · Sa paggamit ng pwersang militar, magkasabay na inilulunsad ang combat, intelligence at civil military operations

Oplan Kapayapaan at pasismO ng Rehimeng Us-DUteRte

nilalaman

Ano ang Oplan Kapayapaan at sino ang nagpapatupad nito?

Kapayapaan ng libinganang dulot ng Oplan Kapayapaan

Daan tungo sa pagsusulong ng pasistang diktadura

Paglaban sa pasismo ng rehimeng US-Duterte

4

9

32

34

Page 4: Oplan Kapayapaan - karapatan.org Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng... · Sa paggamit ng pwersang militar, magkasabay na inilulunsad ang combat, intelligence at civil military operations

Inilathala ng Karapatan Alliance for the Advancement of People’s RightsEnero 2018

Maaaring kopyahin at/o ipamahagi ang kabuuan o bahagi ng publikasyong ito basta may pagbanggit mula sa naglathala.

Mga larawan: US Army photo, philippinerevolution.net, PhilStar, Reuters, Bulatlat.com Pinoy Weekly, Raffy Tima, BAYAN-USA, Kilab Multimedia

Cover art: UGATLahi Artist Collective

KARAPATAN2/F Erythrina Building1 Maaralin St., Brgy. Central, Quezon City 1100 PhilippinesTelefax +63 2 4354146Web: karapatan.orgEmail: [email protected]

Page 5: Oplan Kapayapaan - karapatan.org Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng... · Sa paggamit ng pwersang militar, magkasabay na inilulunsad ang combat, intelligence at civil military operations

Praymer Hinggil sa Oplan Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng US-Duterte

3

Noong Enero 2017, pormal na inanunsyo ng rehimeng US-Duterte ang kampanyang militar nito - ang AFP Development

Support and Security Plan 2017-2022 na tinaguriang “Oplan Kapayapaan” - bilang kapalit ng Oplan Bayanihan ng rehimeng US-Aquino.

Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP), pag-abante ang Oplan Kapayapaan mula sa mga inilunsad nilang AFP Internal Peace and Security Plan (IPSP) “Bayanihan,” na kanilang ipinatupad mula Enero 2011 hanggang Disyembre 2016. Para sa mamamayang nabiktima ng Oplan Bayanihan, ang kahulugan nito ay pamamaslang, pagdukot, tortyur, iligal na aresto, sapilitang paglikas at iba pang malalang atake at paglabag sa karapatang pantao ng mga magsasaka, katutubo, manggagawa, Moro, maralitang lungsod, kababaihan, kabataan, at iba pa, laluna ang mahihirap.

Ang mga kampanyang militar na ito, mula sa Oplan Katatagan ni Ferdinand Marcos, Oplan Lambat Bitag I at II ni Corazon Aquino, Lambat Bitag III at IV (Fidel Ramos), Oplan Makabayan at Balangay (Joseph Estrada), Oplan Bantay Laya I at II (Gloria Macapagal-Arroyo), Oplan Bayanihan (Benigno Aquino III) at ang kasalukuyang Oplan Kapayapaan, ay mga kontra-insurhensyang programa ng estado na gumagamit ng dahas at panlilinlang para supilin at durugin ang kilusan ng mamamayan para sa kalayaan, tunay na demokrasya, kaunlaran at kapayapaan. Pangunahing programa ito ng mga papet pasistang pamahalaan sa Pilipinas para sa ibayong panunupil sa nakikibakang mamamayan.

Layunin ng mga CounterInsurgency Oplan na panatiliin ang mapang-api at mapagsamantalang sistema na nakaugat sa dominasyon ng imperyalismong US sa ekonomiya, pulitika at kultura ng Pilipinas, pag-iral ng pagsasamantalang pyudal at malapyudal sa kanayunan, lansakang paglabag sa mga demokratikong karapatan ng mamamayan at ang paghahari at pangungurakot ng mga burukrata kapitalista.

Page 6: Oplan Kapayapaan - karapatan.org Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng... · Sa paggamit ng pwersang militar, magkasabay na inilulunsad ang combat, intelligence at civil military operations

Praymer Hinggil sa Oplan Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng US-Duterte

4

Ang Oplan Kapayapaan (OpKap) ay isang mabangis na kampanyang militar ng rehimeng US-Duterte na pangunahing nakatuon sa pagsupil ng lehitimong pakikibaka ng mamamayan.

Nakatuntong ang OpKap sa National Security Policy 2017-2022. Katambal ito ng Philippine Development Plan (PDP) 2017-2022 at programang AmBisyon Natin 2040, na naaayon sa neoliberal na balangkas, kung kaya’t ibayong pinipinsala at pinananatiling atrasado ang ekonomiya ng bansa at nilulugmok sa karalitaan ang mayorya ng mamamayan.

Ang Philippine Development Plan 2017-2022 ay may islogang “Build, Build, Build” na magluluwal diumano ng “golden age of infrastructure” ng bansa. Palalakihin nito ang paggastos ng gubyerno sa halos 4,000 proyektong pang-imprastruktura na tinatayang aabot sa PhP8-9 trilyon hanggang matapos ang termino ni Duterte sa 2022. Popondohan ito mula sa karagdagang buwis, public-private partnership (PPP) at pangungutang sa World Bank, China at Japan na tiyak na babagsak sa balikat ng mamamayan.

Pangunahing atas sa AFP, sa ilalim ng OpKap, ay bigyang

Ano ang Oplan Kapayapaan at sino ang nagpapatupad nito?

Page 7: Oplan Kapayapaan - karapatan.org Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng... · Sa paggamit ng pwersang militar, magkasabay na inilulunsad ang combat, intelligence at civil military operations

Praymer Hinggil sa Oplan Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng US-Duterte

5

proteksyon ang mga mahahalagang instalasyon at imprastruktura, mga malalaking negosyo at mga proyektong “pangkaunlaran” laluna sa mga tinatawag ng AFP na Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDAs) at Conflict Affected Areas (ConAA). Ito ang magpapaliwanag sa presensya ng mga sundalo sa malalaking asyenda at sakahan tulad ng Hacienda Luisita (Tarlac), Hacienda Dolores (Pampanga), Hacienda Looc (Batangas), Yulo King Ranch (Palawan), at Eduardo Cojuangco Jr. Estate (Negros). Gayun din sa malalaking minahan at plantasyon (hal. Lapanday Foods Corporation, Sumitomo Fruits Corporation), mga proyektong dam, panturismo at komersyal sa buong bansa. Sa mga lugar na ito, tuluy-tuloy ang pananalanta ng mga armadong tropa ng militar sa buhay at kabuhayan ng mamamayan. Patuloy na hinahasik ng estado ang karahasan tulad ng pambobomba, pamamaslang, pagdukot, at iligal na pag-aresto upang supilin ang pagtutol at paglaban ng mga apektadong komunidad ng magsasaka, manggagawang bukid, katutubo at mamamayang Moro.

Ayon sa OpKap, kailangang isustine ng AFP ang “kapayapaang” nailatag na ng Oplan Bayanihan sa pamamagitan ng whole-of-nation at people-centered approach. Ipinagyayabang ng AFP na sa pamamagitan ng Oplan Bayanihan, 71 probinsya na ang “insurgency-free” at “peaceful and ready for further development.” Nilikha daw ng Oplan Bayanihan ang mabuting kalagayan para sa usapang pangkapayapaan at dahil dito, tumaas ang prestihiyo ng AFP sa pagsusulong ng pangmatagalang kapayapaan.

Subalit kabaliktaran ang totoo. Walang kapayapaang idinulot ang Oplan Bayanihan. Ipinagpatuloy lamang nito ang terorismo ng estado, mula sa madugo at pasistang kampanyang Oplan Bantay Laya I at II noong rehimeng Macapagal-Arroyo, at gumamit ng mga mapanlinlang na paraan para supilin ang paglaban ng mamamayan sa rehimeng US-Aquino III.

Sa huling anim na buwan ng Oplan Bantay Laya II at sa lima’t kalahating taon ng Oplan Bayanihan, umabot sa 333 ang biktima ng extrajudicial killings (EJKs); 625 frustrated EJKs; 29 sapilitang pagkawala; 248 tortyur; 640 iligal na aresto at pagkakakulong; at 108,738 sapilitang pagpapalikas dahil sa matinding militarisasyon sa kanilang mga komunidad.

Page 8: Oplan Kapayapaan - karapatan.org Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng... · Sa paggamit ng pwersang militar, magkasabay na inilulunsad ang combat, intelligence at civil military operations

Praymer Hinggil sa Oplan Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng US-Duterte

6

Hindi nalutas ng Oplan Bayanihan, o alinmang Oplan, ang mga ugat ng armadong tunggalian sa bansa tulad ng kawalan ng tunay na reporma sa lupa para sa magsasaka, kawalan ng nakabubuhay na trabaho at makatao‘t ligtas na kondisyon sa paggawa, pagkabansot ng lokal na industriya at ekonomiya dahil sa dayuhang kalakal at negosyo, korupsyon at pagkagahaman ng mga burukrata-kapitalista, at paglabag sa soberanya at patrimonya ng bansa ng imperyalismong US. Kaya naman kahit sa OpKap, hindi maikaila ng AFP at rehimeng Duterte na nananatili ang mga istruktural na problema sa lipunan.

MGA PAGLABAG BiLAnG nG BiktiMA

Extrajudicial killing 333

Enforced disappearance 29

Torture 248

Rape 12

Frustrated extrajudicial killing 625

Illegal arrest without detention 1,177

Illegal arrest and detention 640

Illegal search and seizure 296

Physical assault and injury 581

Forced eviction and demolition 11,768

Violation of domicile 1,172

Divestment of property 849

Destruction of property 4,253

Forced evacuation 108,738

Threat/harassment/intimidation 209,768

Endangerment of, Threat against Civilians due to Indiscriminate Firing, Bombing,

Artillery Fire, Landmines, etc92,786

Forced/fake surrender 330

Forced labor/involuntary servitude 126

Use of civilians in police and/or military operations as guides and/or shield

1,840

Use of schools, medical, religious and other public places for military purpose

82,123

Restriction or violent dispersal of mass actions, public assemblies and gatherings

24,699

Mga Paglabag sa karapatang Sibil at Pulitikal

sa ilalim ng Rehimeng BS AquinoHulyo 2010 - Hulyo 2016

Page 9: Oplan Kapayapaan - karapatan.org Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng... · Sa paggamit ng pwersang militar, magkasabay na inilulunsad ang combat, intelligence at civil military operations

Praymer Hinggil sa Oplan Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng US-Duterte

7

Tulad ng iba pang Oplan, ipinapatupad ang OpKap ng mersenaryong AFP katulong ang mga grupong paramilitary na kanilang itinayo at pinapangasiwaan. Mahigpit na katuwang ang Philippine National Police (PNP), mga sibilyang ahensya ng gubyerno at mga kinatawan mismo ng US sa bansa. Hinihimok ding tumulong ang mga taong-simbahan at mga walang malay o kaya’y sakim-sa-perang civil society organizations (CSOs).

Pinangungunahan ng mga tinaguriang peace saboteurs sa gabinete ni Duterte -- Defense Sec. Gen. Delfin Lorenzana (ret.), National Security Adviser Gen. Hermogenes Esperon (ret.), dating AFP Chief of Staff na ngayo’y nasa DILG na, Gen. Eduardo Año (ret.) at kasalukuyang AFP Chief Rey Leonardo Guerrero -- ang pagdidirehe at pagpapatupad ng Oplan Kapayapaan. Saklaw nila ang DND, AFP, National Security Council (NSC), National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at Department of Interior and Local Government (DILG).

Si Año, na itinalagang officer-in-charge ng DILG, ay may brutal na rekord sa paglabag sa karapatang-pantao at itinuturong utak sa pagdukot kay Jonas Burgos noong Abril 28, 2007. Bilang hepe ng 10th Infantry Division ng AFP, nagpakawala rin si Año ng madugong kampanya ng pamamaslang sa mga Lumad sa Mindanao sa ilalim ng rehimeng US-Aquino III.

Sina Lorenzana, Esperon, Año at Guerrero ay mga pasistang utusan ng US na nagtitiyak sa pagpapatupad ng doktrina ng kontrainsurhensya.

Page 10: Oplan Kapayapaan - karapatan.org Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng... · Sa paggamit ng pwersang militar, magkasabay na inilulunsad ang combat, intelligence at civil military operations

Praymer Hinggil sa Oplan Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng US-Duterte

8

Ang PNP, sa kasalukuyang pamumuno ni Director General Ronald “Bato” dela Rosa, ang nasa unahan ng madugong “gyera kontra droga” na pumatay na ng libo-libo. Kasabwat ng AFP ang PNP sa mga operasyong militar nito. Paparami ang pagkakataon na ginagamit na tabing ang “gyera kontra droga” para sa kontrainsurhensya. Naging bahagi si Dela Rosa ng Alsa Masa, grupong vigilante na responsable sa mga karumal-dumal na paglabag sa karapatang pantao sa Mindanao at suportado nila dating Pang. Ferdinand E. Marcos at Corazon Aquino.

Sa balangkas ng konseptong whole-of-nation ng Oplan Kapayapaan, patuloy na ginagamit ng gubyernong Duterte at AFP ang mga ahensyang sibilyan para palabasin na nilulutas ng gubyerno ang mga problemang sosyo-ekonomiko. Kabilang dito ang DILG, Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Commission on Higher Education (CHED), Commission on Human Rights (CHR), National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), Department of Transportation and Communication (DOTC), at Department of Justice (DOJ). Pinakikilos din ng AFP ang local government units (LGUs), non-government organizations (NGOs), civil society organizations (CSOs), akademya, taong simbahan at mga relihiyosong grupo para sa Oplan Kapayapaan.

Page 11: Oplan Kapayapaan - karapatan.org Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng... · Sa paggamit ng pwersang militar, magkasabay na inilulunsad ang combat, intelligence at civil military operations

Praymer Hinggil sa Oplan Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng US-Duterte

9

Kapayapaan ng libingan ang dulot ng Oplan Kapayapaan

Ibinebenta ng rehimeng US-Duterte ang kasinungalingan na ang layunin nito ay “kapayapaan, kaayusan at seguridad” para sa mamamayan. Ngunit sa Oplan Kapayapaan, peace and order para sa imperyalismong US at naghaharing uri ang nilalayon para patuloy silang makapagsamantala at magpahirap sa masang Pilipino, habang kapayapaan naman ng libingan ang tunay na hatid sa mamamayan.

Nagpapatuloy na operasyong militar

Ayon sa AFP pangunahing target ng OpKap ang Abu Sayyaf Group, Maute group at Ansar al-Khilafar Philippines (AKP), na tinagurian nilang mga “teroristang” grupo. Samantala, nilalayon daw magkaroon ng negotiated political settlement sa mga tinagurian nitong “peace-inclined armed groups” tulad ng Communist Party of the Philippines/New People’s Army/National Democratic Front (CPP/NPA/NDF), Moro Islamic Liberation Front (MILF), Moro National Liberation Front (MNLF), Cordillera People’s Liberation Army (CPLA), RPM-P/RPA-ABB, RPMM-RPA, at MLPP-RHB. Lahat ay itinuturing ng rehimeng US-Duterte bilang “internal security challenges”.

Sa Oplan Kapayapaan, nananatiling pangunahing konsepto at pamamaraan ng pagpapatupad nito ang sustenidong operasyong militar, alinsunod sa triad operations ng Oplan Bantay Laya at Oplan Bayanihan. Sa paggamit ng pwersang militar, magkasabay na inilulunsad ang combat, intelligence at civil military operations laban sa mga itinuturing na “internal security challenges” o tinaguriang “enemies of the State”.

Pinakikilos ng AFP sa mga operasyong militar ang lahat ng mayor na frontline units nito sa Philippine Army, Philippine Navy at Philippine Air Force; mga unified command at yunit pansuporta.

Nasa ilalim din ng frontline units at commands ang mga grupong paramilitar sa ilalim ng Civilian Armed Forces Geographical Units (CAFGUs), na nilikha sa bisa ng Executive Order 264 ni Corazon

Page 12: Oplan Kapayapaan - karapatan.org Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng... · Sa paggamit ng pwersang militar, magkasabay na inilulunsad ang combat, intelligence at civil military operations

Praymer Hinggil sa Oplan Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng US-Duterte

10

Aquino. Ang mga CAFGU ay tulad ng pwersang paramilitar na ginamit ng diktadurang US-Marcos, ang Integrated Civilian Home Defense Forces.

Ipinagpapatuloy sa OpKap ang paggamit sa mga tinatawag na “force multipliers” ng PNP at lokal na pamahalaan at mga grupong paramilitar laban sa rebolusyonaryong kilusan at mamamayan. Sa bisa ng Executive Order 546 na nilagdaan ni Arroyo noong Hulyo 14, 2006, inatasan ang PNP at LGUs na lumikha ng “force multipliers”, tulad ng Barangay Peacekeeping Action Teams at civilian volunteer organizations, na kinalauna’y tumayong private army ng mga warlord at samu’t saring pulitiko.

Noong Pebrero 1, 2008, itinayo ang Task Force Gantangan, na naglikha ng mga grupong paramilitar sa hanay ng mga katutubo, laluna sa mga lumad, laban sa CPP-NPA-NDF. Pinakilos ang mga ito para hatiin ang komunidad ng mga katutubong lumalaban para sa karapatan sa sariling pagpapasya at laban sa mga malalaking dayuhang negosyo ng mina. Bukod sa sweldo mula sa gubyerno, pinopondohan ito ng mga malalaking kumpanya para proteksyunan ang kanilang mga interes. Ginagawang insentibo ng AFP ang pagbibigay ng titulo sa lupa sa mga katutubo pag sumali sila rito.

Saklaw ng OpKap ang pagpapakilos sa Special Civilian Active Auxiliaries (SCAAs), na itinayo sa bisa ng utos ni Benigno Aquino III noong 2011, bilang mga “special militias” para bigyan ng proteksyon ang malalaking minahan at mga proyekto ng gubyerno. Malinaw sa layunin ng OpKap na bukod sa pagdurog sa mga itinuturing na kaaway ng estado, may malaking papel din ang mga ito sa pagtataguyod at pagbigay-proteksyon mga dayuhan at lokal na malalaking negosyo sa bansa.

Sa isang taon na pagpapatupad ng OpKap, malinaw na hindi ang mga “terorista” ang target nito, kundi ang rebolusyonaryong kilusan at mamamayan.

Mula Enero hanggang Disyembre 2017, naitala ng Karapatan ang 107 biktima ng EJKs; 205 frustrated EJKs; 81 tortyur; at 412,856 biktima ng sapilitang paglikas. Karamihan muli sa mga biktima ay mga magsasaka, katutubo at Moro.

Page 13: Oplan Kapayapaan - karapatan.org Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng... · Sa paggamit ng pwersang militar, magkasabay na inilulunsad ang combat, intelligence at civil military operations

Praymer Hinggil sa Oplan Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng US-Duterte

11

1. Civilian Auxiliary Force Geographical Unit (CAFGU) - Present in all parts of the country

2. Barangay Peacekeeping and Security Officer (BPSO) - 4th Infantry Division-Philippine Army (IDPA); (created to protect transnational/multinational corporations especially mining)

3. Special Civilian Armed Auxiliary (SCAA) - 4th, 401st , 26th Infantry Battalion-Philippine Army (IBPA)

4. Inter-Territorial Defense Force /Investment Defense Force - 10th IDPA

5. Task Force KITACOM (Kiblawan, Tampakan, Columbio, and Malungon)- 3rd, 27th, 1001st IBPA

6. Civilian Armed Auxiliary - 8th IBPA

7. Nationwide Development Corporation (NADECOR) forces - 10th IDPA, 7th IDPA, 1001st IBPA

8. TF Sagip-Kalikasan - 9th IDPA

9. TADECO forces - 4th IDPA

10. Blue guards - 53rd IB, 1st IDPA

11. K9 - 53rd IB, 1st IDPA (Former members of the New People’s Army who surrendered to the military)

12. Revolutionary Proletarian Army-Alex Bungcayao Brigade - 3rd IDPA

13. Armadong Operatiba ng Partido Marxista (May or may not be members of indigenous groups, but who were appointed by the AFP with NCIP to become leaders or “datu”)

14. Sanmatrida - 4th IDPA

15. New Indigenous People’s Army Reform (NIPAR) - 4th IDPA

16. Tribal Reform Indigenous Organising in Mindanao (TRIOM) Force - 8th IBPA

17. Bagani - 27th IB, 10th IDPA

18. Salawakan - 4th, 401st, 26th IBPA

19. Bagani Otaza-Lubog Force - 26th IB, 4th IDPA

20. Calpit Egua-Waway Belandres - 36th IBPA, 3rd SF, 401st IBPA

21. Alamara - 10th IDPA

22. De la Mance - 8th IB, 4th IDPA

23. Hasmin Acebedo - 36th IB, 4th IDPA

24. Manlokobi Bocales - 8th IBPA

25. Bagani-Magahat - 36th IB, 4th IDPA

25 DOcUmenteD paRamilitaRy gROUpsOpeRating in the cOUntRy

Page 14: Oplan Kapayapaan - karapatan.org Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng... · Sa paggamit ng pwersang militar, magkasabay na inilulunsad ang combat, intelligence at civil military operations

Praymer Hinggil sa Oplan Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng US-Duterte

12

Kabilang sa mga pinaslang ang 22 magsasaka at katutubo sa Compostela Valley, kung saan nakabase ang 10th Infantry Division ng Philippine Army. Sa nasabing probinsya, pinatindi ng AFP ang mga operasyong militar nito para magupo ang NPA at upang proteksyunan ang mga malalaking kumpanya sa pagmimina sa Mt. Diwalwal.

Kahit noong panahong may magkasabay na unilateral ceasefire ang GRP at NDFP, nagpatuloy ang mga opensibang militar laban sa NPA at militarisasyon sa mga komunidad na pinaghihinalaang nasa impluwensya ng CPP. Tumindi ang mga operasyong militar nang ikansela ng GRP ang unilateral ceasefire nito at nagdeklara ng todo-giyera o “all-out-war” noong unang linggo ng Pebrero 2017. Sa buwan ng Pebrero 2017, may 14 EJK, o isang biktima kada dalawang araw.

Kabilang sa mga biktima sila Lorendo at Ian Borres ng Sitio Maknoy, Brgy. Jebaca, Maayon, Capiz, na pinatay ng mga sundalo ng 61st Infantry Battalion - Philippine Army (IBPA). Nakatamo ng 32 tama ng bala ng baril si Ian. Inakusahan ang magtiyuhin na mga miyembro ng NPA, ngunit pinasinungalingan ito ng mga kaanak at mga opisyal ng barangay sa Jebaca.

Noong Marso 2017, nang iutos ni Duterte na “patagin ang mga bundok” para durugin ang NPA, sunud-sunod na nagsagawa ang AFP ng aerial bombing at combat operation sa Compostela Valley,

mga Biktima ng extrajudicial Killing sa compostela Valley (Hulyo 2016 - Oktubre 2017)

Jimmy Saypan 10/10/16

Joselito Pasaporte 10/13/16

Emelito Rotimas 02/06/17

Edweno ‘Edwin’ Catog 02/16/17

Leonila Pesadilla 03/02/17

Ramon Pesadilla 03/02/17

Pedro Pandagay 03/23/17

Arman Almonicar 03/27/17

Arlene Almonicar 03/27/17

Cora Lina 03/27/17

Danilo Nadal 04/02/17

Bernardo Ripdos 04/08/17

Federico Plaza 05/03/17

Jessie Cabeza 05/31/17

Remond Lino 07/12/17

Carolina Arado 07/13/17

Eddie Alyawan 08/12/17

Roger "Titing" Timboco 08/23/17

Lomer Gerodias 08/27/17

Reneboy Magayano 09/28/17

Rodrigo Timoteo 11/28/17

Jennirose Porras 12/14/17

Maguindanao, Agusan del Sur at Abra, na naging dahilan para sa sapilitang paglikas nang mahigit 3,000 katao. Gamit ang mga jetfighter, helicopter at iba pang kagamitang pandigma, isinagawa ang aerial bombardment at panganganyon sa mga komunidad sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Idineklara ni Duterte noong Mayo 23, 2017 ang batas militar sa buong Mindanao, batay sa diumano’y ginawang pananalakay ng grupong Maute na may koneksyon daw sa ISIS sa Marawi City. Pawang kathang-isip lamang ng rehimeng Duterte ang “teroristang atake” na ito ng grupong Maute, na walang indikasyon na kontrolado o pinopondohan ng ISIS. Mismong AFP ang nagdeklara nang ganito na pinasubalian na lamang nang ito na ang upisyal na linya na dineklara ni Duterte.

Ayon naman sa Suara Bangsa Moro, nagsimula ang gulo sa Marawi sa isang rido, o labanan ng Moro clans ng lokal na naghaharing uri, na inilunsad ng magkapatid na Omarkhayam at Abdullah Maute sa Marawi para mapatalsik sa poder ang angkan ng mga Gandamra, sa pangunguna ni Marawi City Mayor Majul Usman Gandamra.

Ginamit na dahilan ng gubyernong Duterte, kakuntsaba ang US at mga alipores nito sa gabinete, ang ginawa ng grupong Maute para sa layunin nito na mahuli si Isnilon Hapilon ng Abu Sayyaf at para bigyang-katwiran ang pagdedeklara ng batas militar sa Mindanao. Sa utos ni Duterte, walang tigil na aerial strikes at pambobomba ang ginawa ng AFP sa Marawi at mga karatig-munisipyo. Unang dineploy sa Marawi ang 2nd at 4th Light Reaction Company ng AFP, mga yunit na sinanay, kontrolado, at pinopondohan ng US. Ayon sa AFP, nasa 6,500 na sundalo ang idineploy sa Marawi. Inilagay si Lorenzana bilang administrador ng martial law sa Mindanao, habang itinalagang implementor naman si Año. Sa pamamagitan ng Korte Suprema at Kongreso, na dinodominahan ni Duterte at mga kaalyado niya, ginawang lehitimo at pinalawig pa ang martial law sa Mindanao hanggang Disyembre 2018.

Kasinungalingan ang propaganda ng AFP at ng Malacañang na walang nangyaring paglabag sa karapatang pantao mula nang ipataw ang martial law sa Mindanao. Durog at nawasak ang mga imprastruktura sa Marawi, at halos kalahating milyong indibidwal

Mga Biktima ng Ex-trajudicial Killing sa Compostela ValleyEnero 2017 - Oktubre 2017

Page 15: Oplan Kapayapaan - karapatan.org Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng... · Sa paggamit ng pwersang militar, magkasabay na inilulunsad ang combat, intelligence at civil military operations

Praymer Hinggil sa Oplan Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng US-Duterte

13

Maguindanao, Agusan del Sur at Abra, na naging dahilan para sa sapilitang paglikas nang mahigit 3,000 katao. Gamit ang mga jetfighter, helicopter at iba pang kagamitang pandigma, isinagawa ang aerial bombardment at panganganyon sa mga komunidad sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Idineklara ni Duterte noong Mayo 23, 2017 ang batas militar sa buong Mindanao, batay sa diumano’y ginawang pananalakay ng grupong Maute na may koneksyon daw sa ISIS sa Marawi City. Pawang kathang-isip lamang ng rehimeng Duterte ang “teroristang atake” na ito ng grupong Maute, na walang indikasyon na kontrolado o pinopondohan ng ISIS. Mismong AFP ang nagdeklara nang ganito na pinasubalian na lamang nang ito na ang upisyal na linya na dineklara ni Duterte.

Ayon naman sa Suara Bangsa Moro, nagsimula ang gulo sa Marawi sa isang rido, o labanan ng Moro clans ng lokal na naghaharing uri, na inilunsad ng magkapatid na Omarkhayam at Abdullah Maute sa Marawi para mapatalsik sa poder ang angkan ng mga Gandamra, sa pangunguna ni Marawi City Mayor Majul Usman Gandamra.

Ginamit na dahilan ng gubyernong Duterte, kakuntsaba ang US at mga alipores nito sa gabinete, ang ginawa ng grupong Maute para sa layunin nito na mahuli si Isnilon Hapilon ng Abu Sayyaf at para bigyang-katwiran ang pagdedeklara ng batas militar sa Mindanao. Sa utos ni Duterte, walang tigil na aerial strikes at pambobomba ang ginawa ng AFP sa Marawi at mga karatig-munisipyo. Unang dineploy sa Marawi ang 2nd at 4th Light Reaction Company ng AFP, mga yunit na sinanay, kontrolado, at pinopondohan ng US. Ayon sa AFP, nasa 6,500 na sundalo ang idineploy sa Marawi. Inilagay si Lorenzana bilang administrador ng martial law sa Mindanao, habang itinalagang implementor naman si Año. Sa pamamagitan ng Korte Suprema at Kongreso, na dinodominahan ni Duterte at mga kaalyado niya, ginawang lehitimo at pinalawig pa ang martial law sa Mindanao hanggang Disyembre 2018.

Kasinungalingan ang propaganda ng AFP at ng Malacañang na walang nangyaring paglabag sa karapatang pantao mula nang ipataw ang martial law sa Mindanao. Durog at nawasak ang mga imprastruktura sa Marawi, at halos kalahating milyong indibidwal

Mga Biktima ng Ex-trajudicial Killing sa Compostela ValleyEnero 2017 - Oktubre 2017

Page 16: Oplan Kapayapaan - karapatan.org Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng... · Sa paggamit ng pwersang militar, magkasabay na inilulunsad ang combat, intelligence at civil military operations

Praymer Hinggil sa Oplan Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng US-Duterte

14

na nag-bakwit ang nawalan ng mababalikang mga tirahan at kabuhayan, dulot ng walang patumanggang aerial strikes at bombardment ng AFP. Mula Mayo 23 hanggang Disyembre 2017, may naitalang 41 biktima ng pamamaslang ng AFP sa Mindanao. Kabilang dito ang mag-amang Idris at Jalal Rascal, na namatay dahil sa pagbomba sa kanilang bahay sa Marawi, at mga magsasakang Moro tulad ni Abdullah Mamansag sa North Cotabato at Jaynudin Amiludin sa Maguindanao.

Ayon sa AFP, may 87 na sibilyan ang namatay, kabilang ang 40 katao dahil sa sakit. Ngunit batay sa bilang ng mga nawawala at mga bangkay na dinala sa mga punerarya, may halos 1,000 sibilyan, na karamihan ay pinaghinalaang taga-suporta ng mga Maute, ang tinatayang namatay sa unang buwan pa lamang ng pambobomba at indiscriminate firing ng mga sundalo.

Inilunsad din sa publiko ang opensibang sikolohikal para gawing panakot ang diumano’y presensya ng ISIS at banta ng teroristang atake hindi lamang sa Mindanao kundi maging sa Metro Manila, habang kontrolado ng AFP at ng US ang daloy ng impormasyon sa dominanteng media.

Usok mula sa pambobomba ng mga sundalo sa Marawi. (Reuters)

Page 17: Oplan Kapayapaan - karapatan.org Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng... · Sa paggamit ng pwersang militar, magkasabay na inilulunsad ang combat, intelligence at civil military operations

Praymer Hinggil sa Oplan Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng US-Duterte

15

Hindi pa man natatapos ang giyera sa Marawi, itinayo na ni Duterte ang “Task Force Bangon Marawi”, isang grupo sa pamumuno ni Lorenzana at 22 ahensya ng gubyerno, na magbibigay ng malaking papel sa pribadong sektor at negosyo sa rehabilitasyon ng Marawi. Maraming dayuhang investors din ang may interes sa Lake Lanao, para sa eco-tourism development at sa malaking oil reserves dito.

Isang sangkap ng Oplan Kapayapaan ang harassment at mga banta sa mga itinuturing na “enemies of the State”. Sa pamamagitan ng AFP at mga pumuposisyong grupong vigilante tulad ng Citizens National Guard, gayundin ayon sa deklarasyon ng martial law at sa mga pahayag mismo ni Duterte, lahat ng mga kritiko ng gubyerno, kabilang na ang human rights defenders, ay target ng pananakot at red-tagging.

Pinatutunayan lamang nito na ang tunay na layunin ng mga operasyong militar ay kampanya para supilin ang mga pakikibakang masa at armadong paglaban ng sambayanang Pilipino.

Pananatili at pagsusulong ng interes ng imperyalismong US sa Pilipinas

Lumabas na pulos porma at salita lamang ang posturang anti-US ni Duterte. Sa simula ng kanyang pagkapangulo, tinuligsa ni Duterte ang pakikialam sa Pilipinas at pagiging ipokrito ng US sa mga isyu ng karapatang pantao. Noong Oktubre 2016, inanunsyo niya ang pagkalas sa alyansa sa US at pagbaling sa Russia at China para sa mga kasunduang pang-ekonomiya at militar. Nagbanta rin siya na ipapatigil ang military exercises sa pagitan ng US at Pilipinas at patatalsikin ang mga tropang Amerikano sa Mindanao. Ani Duterte, ang US ang may sala sa napakaraming krimen at inhustisya laban sa mamamayang Moro sa Mindanao.

Ngunit mula sa pagkapanalo ni Donald Trump bilang pangulo ng US na hindi tumuligsa sa Duterte EJKs, nagsimulang magbago ang tono ni Duterte sa US, sa tulak at udyok na rin ng mga maka-US na miyembro ng kanyang gabinete. Noong Enero 2017, inanunsyo ni DND Sec. Lorenzana na tuloy ang konstruksyon at upgrading ng

Page 18: Oplan Kapayapaan - karapatan.org Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng... · Sa paggamit ng pwersang militar, magkasabay na inilulunsad ang combat, intelligence at civil military operations

Praymer Hinggil sa Oplan Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng US-Duterte

16

mga pasilidad sa limang agreed locations sa Pilipinas sa ilalim ng US-PH Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA). Ayon pa kay Lorenzana, ipagpapatuloy ang EDCA, kahit pa may mga anun-syo si Duterte na hindi niya igagalang ang kasunduan na ito.

Sa inilabas na National Security Policy 2017-2022 ng rehimeng Duterte noong ika-4 ng Abril 2017, itinuturing nito na nananatiling “sole defense treaty ally” ang US. Ang nagpapatuloy na presensya nito sa Asya Pasipiko ay itinuturing ni Duterte at AFP na “stabilizing force” sa rehiyon.

Kabaligtaran din ng sinabi ni Duterte na palalayasin nito ang mga tropang Amerikano sa bansa, nagpapatuloy ang rotational presence ng mga ito sa pamamagitan ng joint military exercises. Natuloy ang 33rd Balikatan exercises, alinsunod sa US-RP Visiting Forces Agreement, sa pagitan ng US at AFP noong Mayo 8-19, 2017, tungkol sa kontra-terorismo at iba pang kumbinadong operasyong militar, kabilang na ang humanitarian assistance at disaster relief. Naganap ito sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija, Clark Air Base sa Pampanga, Ormoc City, Eastern Samar, Aurora, Nueva Vizcaya, Cagayan, at Panay.

Higit na naging tampok ang direktang presensya at interbensyon ng US sa bansa, sa pamamagitan ng pakikialam at pagdidirehe nito ng operasyong militar sa Marawi. Pagkatapos ng palpak na operasyon ng US sa Mamasapano, Maguindanao noong 2015, inanunsyo ng US na tinatapos na nito ang mga operasyon ng

Page 19: Oplan Kapayapaan - karapatan.org Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng... · Sa paggamit ng pwersang militar, magkasabay na inilulunsad ang combat, intelligence at civil military operations

Praymer Hinggil sa Oplan Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng US-Duterte

17

kanilang Joint Special Operations Task Force – JSOTF Philippines, isang operasyon ng US sa Pilipinas mula pa noong 2002 sa ilalim ng Operation Enduring Freedom: Philippines, na nasa ilalim ng US Special Operations Command (USSOCOM). Nanatili ang isang maliit na pwersa ng US para sa pagtulong at pagbibigay ng payo sa AFP para sa anti-terror operations.

Noong Mayo 4, 2017, dalawang linggo bago sumiklab ang giyera sa Marawi, inanunsyo ni US Army General Raymond A. Thomas III, Commander ng USSOCOM, sa US Senate Armed Services Committee na isa sa prayoridad ng US ang Pilipinas para sa patuloy nitong interbensyon at operasyon. Ayon kay Thomas, makikita sa Pilipinas ang ISIS, isang “Violent Extremist Organization,” kaya tulad ng pokus ng operasyon ng USSOCOM sa Afghanistan, Syria, Iraq, Libya, Central/South America at iba pa, maglalaan ang US ng rekurso at tropa sa Pilipinas para dito.

Sumiklab ang labanan sa Marawi sa panahong nasa Russia si Duterte at kanyang mga opisyal para iselyo ang mga kasunduang pang-ekonomiya at militar. Nabigyan ng pagkakataon ang US na magwagayway ng banta ng ISIS para makapagpanatili ng impluwensya sa Pilipinas at upang kontrahin ang pakikipag-

ugnayan at pagbaling ni Duterte sa Russia at China.

Ayon kay Duterte, ang AFP ang humiling ng tulong sa US para sa labanan sa Marawi. Habang itinatanggi ng US Embassy na

Mga drone ng na namataang lumilipad sa nasirang Marawi (kuha ni Raffy Tima). Noong 2017, Dinala ng US ang mga sasakyang pandigma para sa Balikatan excercises.

Page 20: Oplan Kapayapaan - karapatan.org Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng... · Sa paggamit ng pwersang militar, magkasabay na inilulunsad ang combat, intelligence at civil military operations

Praymer Hinggil sa Oplan Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng US-Duterte

18

walang direktang kinalaman ang kanilang mga tropa sa combat, inamin nila na sila ang responsable sa surveillance, intelligence gathering at pagbibigay ng situational awareness sa AFP sa Marawi - mga operasyong militar na nagbibigay-puwang sa US para direksyunan ang kondukta ng labanan sa Marawi. Namataan din sa Marawi ang mga P3 Orion planes ng US na hindi lamang mga aircraft na pangmanman, kundi may kapasidad din na magkarga ng guided missiles.

Inaasahan ang tuluy-tuloy na interbensyon ng US sa Pilipinas gamit ang banta ng ISIS sa mga susunod na taon sa ilalim ni Duterte. Ayon pa kay Gen. Paul J. Selva, vice chairman ng Joint Chiefs of Staff ng United States Department of Defense, noong Hulyo 17, 2017, kinakailangang maglunsad ang US ng operasyong militar sa Pilipinas tulad ng Operation Enduring Freedom para kontrahin ang ISIS.

Kaya naman, noong Setyembre 2017, inilunsad ng US at Pilipinas ang “Operation Pacific Eagle,” ang kapalit ng Operation Enduring Freedom Philippines” bilang pagmarka sa bagong yugto ng kampanyang kontra-terorismo sa Pilipinas at sa Asya-Pasipiko. Bilang isang overseas contingency operation ng US, walang hangganan ang pagpopondo dito ng gubyerno ng US. Noong Setyembre 2017 din, may naiulat na 101 US Marines ang permanenteng nakadeploy sa Pilipinas

Hindi natigil ang panlilimos ng gubyernong Duterte ng mga armas at kagamitang pandigma sa mga dayuhang gubyerno, laluna sa US. Noong Oktubre 2016, nagbigay ng mga military equipment ang Joint US Military Assistance Group (JUSMAG), na nasa Pilipinas mula pa noong 1947, sa Philippine Marine Special Operations Group, Philippine National Police-Special Action Force, at Philippine Coast Guard. Noong Enero 2017, nagdeliber muli ang JUSMAG ng mahigit 400 na M203 grenade launcher, 85 M40A5 na sniper rifles, at unmanned aerial vehicle system (kabilang ang tatlong drones) sa Philippine Army at Marine Corps. Noong Mayo 2017, nagbigay uli ang US ng 300 M4 carbines, 200 Glock 21 pistols, apat na M134D machine guns, 100 M203 grenade launchers at 25 combat rubber raiding craft sa AFP.

Page 21: Oplan Kapayapaan - karapatan.org Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng... · Sa paggamit ng pwersang militar, magkasabay na inilulunsad ang combat, intelligence at civil military operations

Praymer Hinggil sa Oplan Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng US-Duterte

19

Sa 2017, tumanggap ng $56.5 milyon hanggang $180 milyon1 na ayudang pondo ang rehimeng Duterte mula sa US, kabilang ang mga programa ng US sa foreign military financing, international military education and training, at international narcotics control and law enforcement. Sa 2018, nakatakdang tumanggap ng $119 milyong ayuda ang rehimeng Duterte mula sa gubyernong US.

Sinelyuhan ng pagbisita ni Trump sa Pilipinas para sa ASEAN Summit nitong Nobyembre 2017 ang pakikipagmabutihan ni Duterte sa US. Bukod sa pangakong tulong ni Trump para sa kontrainsurhensya at kampanya laban sa droga ni Duterte, nagkasundo rin sila na magbuo ng panibagong bilateral free trade agreement sa pagitan ng US at Pilipinas. Pinagtibay din ni Duterte ang suporta nito sa pagbabanta ni Trump ng giyera laban sa North Korea.

Kaya’t isang malaking pagpapanggap ang ginagawa ng US na pagtuligsa kay Duterte sa madugong rekord nito sa giyera laban sa droga, dahil sa aktwal, pinopondohan nito ang PNP sa kampanya nito laban sa droga at nagpapatuloy ang pagpondo nito sa AFP para sa mga kontra-insurhensyang programa nito tulad ng OBL, OpBay at OpKap. Malinaw na ginagamit din ng US ang isyu ng 1 http://www.philstar.com/headlines/2016/10/08/1631489/us-provide-180-m-aid-philippines-next-year

sUpORtang pang-militaR ng U.s. sa pilipinas (U.s. Dollars)

2017*

International Narcotics Control and Law Enforcement

9,000,000

International military education and training

2,450,000

Foreign Military Financing program 45,000,000

2018**

Development assistance (USAID) 70,000,000

International Narcotics Control and Law Enforcement

7,000,000

International military education and training

2,000,000

Foreign Military Financing program 40,000,000

* https://www.congress.gov/congressional-report/114th-congress/senate-report/290 ** https://www.congress.gov/115/crpt/srpt152/CRPT-115srpt152.pdf

Page 22: Oplan Kapayapaan - karapatan.org Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng... · Sa paggamit ng pwersang militar, magkasabay na inilulunsad ang combat, intelligence at civil military operations

Praymer Hinggil sa Oplan Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng US-Duterte

20

karapatang pantao, para sa dagdag na pagpilipit nito sa kamay ng naging masunurin naman palang Duterte para ipagpatuloy ang kontrol at dominasyon ng US sa Pilipinas.

Panlilinlang bilang tabing ng operasyong militar

Patuloy na ginagamit ng AFP at rehimeng Duterte ang “non-military capabilities” nito, na mga mapanlinlang na pamamaraan para ipangtabing sa mga operasyong militar sa komunidad. Kabilang dito ang mga “civil military operations, information operations, inter-agency coordination, stakeholders’ engagement, at community support programs” na pawang pagpapatuloy lamang ng whole of nation/government initiatives at security sector reform ng Oplan Bayanihan.

Ipinatutupad ang community support programs ng OpKap sa pamamagitan ng programang Payapa at Masaganang Pamayanan o PAMANA, na pinangangasiwaan ng OPAPP mula pa noong panahon ng Oplan Bayanihan ni BS Aquino. Sa ilang taong ipinatupad ang PAMANA, hindi ito nakapagdulot ng pang-ekonomiyang kaunlaran at reporma sa mga komunidad. Naging paraan pa ito para magmukhang lehitimo ang mga operasyong militar ng AFP, magdulot ng matinding pinsala at paglabag sa karapatan ng mga mamamayan, at mapondohan ang mga nagpapanggap na rebolusyonaryong grupo tulad ng CPLA, RPM-P/RPA-ABB, RPMM-RPA, at MLPP-RHB na pawang mga naging grupong paramilitar ng AFP at private armies ng mga panginoong maylupa, warlords at pulitiko.

Sa national budget para sa 2018, nakalaan ang PhP8.5 bilyon para sa mga proyekto sa ilalim ng PAMANA na ipatutupad ng OPAPP, katuwang ang CHED, DSWD, NCIP at PhilHealth, sa 30 probinsya sa buong bansa. Kapansin-pansin na naitala ang maraming paglabag sa karapatang pantao sa 30 probinsyang ito.

Nagpapatuloy din ang security sector reform initiatives (SSRI), na isinasagawa ng AFP kasama ang mga NGOs (hal. Bantay Bayanihan), mga grupong relihiyoso at akademya, at ng Commission on Human Rights gamit ang pondo galing sa mga gubyerno ng US, Germany at Australia pati na mula sa European Union. Karamihan

Page 23: Oplan Kapayapaan - karapatan.org Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng... · Sa paggamit ng pwersang militar, magkasabay na inilulunsad ang combat, intelligence at civil military operations

Praymer Hinggil sa Oplan Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng US-Duterte

21

AhensyaPanukalang Badyet 2018

(PHP)

Dept. of national Defense* 144.9 BillionDept. of interior and Local Government (DiLG) - Philippine national Police **

131.5 Billion

DiLG - Office of the Secretary *** 6.9 BillionDiLG - Bureau of Jail Management and Penology 14.3 BillionDiLG - Local Government Academy 251 MillionDiLG - national Police Commission 1.7 BillionDiLG - Philippine Public Safety College 1.8 Billionnational intelligence Coordinating Agency (niCA) 788.4 MillionOffice of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) (including budget for PAMAnA) 7.6 Billion

national Security Council (nSC) 186 MillionPhilippine Drug Enforcement Agency PDEA 1.4 BillionBadyet para sa PAMAnA - ibang Ahensya 1.5 BillionBadyet para sa paniniktik (intelligence) (maliban sa alokasyon para sa PnP-DiLG, DnD at niCA kung saan nakapaloob na sa kani-kaniyang badyet)

3.1 Million

Confidential Funds 1.9 Billion

TOTAL PhP 313 Billion

pondo na inilaan sa 2018 pambansang Badyetpara sa pagpapatupad ng Oplan Kapayapaan at Oplan tokhang/Double Barrel

Mula sa: Proposed 2018 National Expenditure Program

Miriam Wurster/Philstar.com

Page 24: Oplan Kapayapaan - karapatan.org Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng... · Sa paggamit ng pwersang militar, magkasabay na inilulunsad ang combat, intelligence at civil military operations

Praymer Hinggil sa Oplan Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng US-Duterte

22

sa mga proyektong ito ay mga workshop at training hinggil daw sa human rights, international humanitarian law at peace-building sa hanay ng mga militar at pulis. Habang milyun-milyong piso ang nalulustay sa mga training na ito, wala namang makabuluhang pagbabago sa oryentasyon, pananaw at rekord sa HR at IHL ng militar at pulis, at nananatiling pasista at mersenaryo ang kanilang karakter. Security reform din ang tawag ng gubyerno sa patuloy na pagpapatakbo ng human rights offices ng AFP at PNP, na tulad ng mga trainings at workshops hinggil sa HR at IHL, ay pawang mga palamuti lamang para masabi ng gubyerno na sumusunod ito sa mga UN standards hinggil sa karapatang pantao. Ginagamit din ng AFP sa OpKap ang mga programang pampapabango, tulad ng mga programa sa environmental protection, disaster risk reduction, disaster response and relief, at promotion and protection ng karapatan ng mga katutubo at minorya.

Isang sangkap din ng OpKap ang pagpapalakas ng legal action and counter-action capabilities ng AFP, alinsunod sa Philippine Defense Transformation Plan ng DND. Itinuturing ng AFP na epektibong paraan para malabanan ang insurhensya, kasabay ng paggamit ng pwersang militar, ang pagkakasa ng “legal offensives” o pagsasampa ng mga gawa-gawang kaso sa mga tinaguriang “enemies of the state”.

Matatandaang ang pagsasampa ng mga gawa-gawang kaso laban sa mga rebolusyonaryo, aktibista at kritiko ng pamahalaan ay ininstitusyonalisa sa pamamagitan ng Inter Agency Legal Action Group (IALAG) ng rehimeng Arroyo. Ito ang nagpakana ng mga kaso laban sa mga progresibong mambabatas na tinawag na “Batasan 6” kasama ang mga iba pang lider ng demokratikong kilusan. Ito rin ang nasa likuran ng pagkakaso sa “ST-72” o ang 72 na mga lider ng organisasyong masa at progresibong grupo sa Timog Katagalugan. Dahil sa malakas na kampanya laban sa EJK at IALAG, inirekomenda ni Philip Alston, UN Special Rapporteur on Extrajudicial Killings, na bukod sa pagpapatigil ng EJK ay ibasura ang IALAG. Napilitan itong gawin ni Arroyo noong 2009.

Noong panahon ni BS Aquino, naglabas ng Joint Memo ang DND at DILG noong Nobyembre 2012 na naglalaman ng listahan ng mga tinagurian nilang lider ng CPP at NPA at mga kalahok sa usapang pangkapayapaan GRP-NDFP. Naglaan pa ng pabuya na

Page 25: Oplan Kapayapaan - karapatan.org Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng... · Sa paggamit ng pwersang militar, magkasabay na inilulunsad ang combat, intelligence at civil military operations

Praymer Hinggil sa Oplan Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng US-Duterte

23

mahigit PhP400 milyon para sa paghuli ng mga nasa listahan. Ito ang ginamit ng AFP at PNP para sa iligal na pag-aresto sa halos 20 peace consultants ng NDFP. May mga sibilyang inaresto rin tulad ni security guard Rolly Panesa at Olegario Sebas, na isang magsasaka, at pinaratangang sila ang nakalagay sa listahang iyon. Dahil may pabuya sa mga makakapagbigay ng impormasyon para mahuli ang nasa listahan, hanggang sa naabswelto ang dalawang sibilyan na ito, pinanindigan ng AFP na sila ang nasa listahan.

Bago pa man umupo sa pagkapangulo, inalok ni Duterte sa NDFP ang pagpapalaya sa lahat ng bilanggong pulitikal sa pamamagitan ng general amnesty subalit mabilis niyang tinalikuran ang alok na ito. Sa paggigiit ng NDFP at mga peace at human rights advocates na obligasyon ng gubyerno na palayain ang mga bilanggong pulitikal alinsunod sa Comprehensive Agreement on the Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL), binigyan ng conditional release ang 21 na bilanggong pulitikal, na karamihan ay mga NDFP consultants, habang 14 naman ang ginawaran ng pardon. Umatras si Duterte sa pangako nitong general amnesty dahil aniya, tutol ang militar at kung palalayain niya ang mga ito, mawawalan na siya ng bargaining chip sa usapang pangkapayapaan.

Page 26: Oplan Kapayapaan - karapatan.org Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng... · Sa paggamit ng pwersang militar, magkasabay na inilulunsad ang combat, intelligence at civil military operations

Praymer Hinggil sa Oplan Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng US-Duterte

24

Hindi natigil ang pagsasampa ng mga gawa-gawang kaso at iligal na aresto sa ilalim ng rehimeng US-Duterte, kaya naman imbes na mabawasan ang bilang ng bilanggong pulitikal, nadagdagan pa ito. Mula Hulyo 2016 hanggang Disyembre 2017, may 272 na biktima ng iligal na aresto at pagkakulong. Noong buwan ng Pebrero 2017, matapos ikansela ng GRP ang unilateral ceasefire nito sa CPP-NPA, may 34 indibidwal na iligal na inaresto, kabilang ang tatlong peace consultants ng NDFP, sina Ariel Arbitrario, Ferdinand Castillo at Promencio Cortez. Ilang beses ding nag-utos si Duterte na arestuhing muli ang 21 peace consultants ng NDFP. Sa panahon ng martial law sa Mindanao, may 63 na mga magsasaka, Lumad at Moro ang iligal na inaresto at ikinulong.

Nitong Oktubre 9, 2017, inanunsyo ng AFP at PNP ang pagtatayo ng Inter-Agency Committee on Legal Action (IACLA) para raw pabilisin ang pagsasampa ng mga kaso laban sa mga NPA at iba pang itinuturing ng gubyerno na “enemies of the state.” Ang IACLA ang bersyon ng rehimeng US-Duterte ng IALAG, para tugisin ang mga kritiko ng mga kontra-mamamayan at pasistang patakaran at programa nito.

Pananabotahe sa usapang pangkapayapaan

Tulad ng linya ng AFP sa OpBay, pumupostura ang rehimeng Duterte na sumusuporta sa usapang pangkapayapaan ng GRP sa iba’t ibang tinukoy nito sa OpKap na “threat groups.” Ngunit nalalantad ang kawalan nito ng kaseryosohan at sinseridad sa pagkamit ng kapayapaan sa iba’t ibang pakana nito na isabotahe ang mga usapang pangkapayapaan.

Mula Agosto 2016 hanggang Enero 2017, matagumpay na naituloy ang formal peace talks sa pagitan ng GRP at National Democratic Front of the Philippines (NDFP). Muling pinagkasunduan ng dalawang panig ang pagtataguyod ng mga naunang kasunduan tulad ng Hague Joint Declaration; Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG); ang Joint Agreement on the formation, sequence and operationalization ng mga Reciprocal Working Committees para sa mga substantibong agenda ng peace talks; at ang Comprehensive Agreement on the Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL).

Page 27: Oplan Kapayapaan - karapatan.org Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng... · Sa paggamit ng pwersang militar, magkasabay na inilulunsad ang combat, intelligence at civil military operations

Praymer Hinggil sa Oplan Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng US-Duterte

25

Napagkaisahan din ng GRP at NDFP na tatrabahuhin ng GRP ang pagpapalaya sa mga bilanggong pulitikal sa pamamagitan ng general amnesty.

Mabilis na gumalaw ang mga militarista at pro-US sa loob ng gabinete ni Duterte at ang AFP para isabotahe ang usapang pangkapayapaan. Una, ipinipilit ang isang bilateral ceasefire agreement, na ang epekto ay ipauuna ang pinakahuling paksa sa substantibong agenda, ang End of Hostilities and Disposition of Forces, sa unahan ng Socio-economic and Political and Constitutional Reforms. Ikalawa, patuloy ang mga operasyong militar laban sa NPA sa tabing ng “peace and development” program.

Sa loob ng anim na buwan ng magkasabay na unilateral cesefire, ipinagpatuloy ng AFP ang pananakot, panggigipit at pag-okupa sa umabot sa 500 na mga barangay sa buong bansa. Ang AFP ay walang ipinakitang intensyon ng pagtalima sa CARHRIHL. Habang umusad bahagya ang negosasyon sa Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms (CASER), pilit na kinakahon ni Duterte ang NDFP sa isang bilateral ceasefire agreement. Wala nang naging pagpapalaya sa mga bilanggong pulitikal, kahit na iyong mga tinukoy na alang-alang sa humanitarian reasons na dapat palayain na.

Mula Hulyo 2016 hanggang Pebrero 3, 2017, may 24 magsasaka at katutubo ang pinaslang ng mga militar at grupong paramilitar nito. Kabilang sa mga biktima si Jimmy Saypan, Secretary General ng Compostela Farmers’ Association (CFA), noong Oktubre 10, 2016.

Page 28: Oplan Kapayapaan - karapatan.org Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng... · Sa paggamit ng pwersang militar, magkasabay na inilulunsad ang combat, intelligence at civil military operations

Praymer Hinggil sa Oplan Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng US-Duterte

26

Kilalang lider ng CFA si Saypan, at masugid itong lumalaban sa militarisasyon ng kanilang komunidad at pagpasok ng minahan ng Agusan Petroleum and Minerals Corporation (AGPET). Isa itong subsidiary ng San Miguel Corporation ni Eduardo “Danding” Cojuangco Jr., na may mining exploration sa mahigit 12,000 ektarya sa Compostela Valley.

Walang pagbabago sa kondukta ng AFP kahit na ilang beses pang inihapag ng NDFP sa GRP Panel ang mga reklamo ng masa hinggil sa mga paglabag ng AFP sa CARHRIHL. Kaya inanunsyo ng CPP noong ika-1 ng Pebrero 2017 ang pag-withdraw ng unilateral ceasefire declaration nito. All-out-war ang naging tugon ni Duterte at ni DND Sec. Delfin Lorenzana. Binansagan ang NPA bilang mga “teroristang walang pinag-iba sa Abu Sayyaf.”

Bunsod ng malawak na kampanya para ituloy ang formal peace talks, napilitan ang GRP na muling umupo kasama ang NDFP sa pormal na usapan noong Abril 2017. Ngunit naunsyami ang dapat sanang ika-limang round ng formal peace talks noong Mayo 2017, nang muling ipagpilitan ni Duterte at ng mga militarista sa kanyang gabinete ang bilateral ceasefire agreement, at hininging pautos sa NDFP na iatras ang atas ng CPP sa NPA na palakasin ang mga taktikal na opensiba sa Mindanao bilang paglaban sa deklarasyon ng martial law at pagsuspinde ng writ of habeas corpus noong Mayo 23.

Sinabotahe muli ni Duterte ang dapat sana ay magtutuloy sa 5th round noong Nobyembre 25-27, 2017. Matapos ang puspusang paghahanda ng magkabilang panig -- kabilang ang mga binubuong kasunduan sa Agrarian Reform/Rural Development, National Industrialization/Economic Development ng CASER, pagpapalaya ng mga bilanggong pulitikal sa pamamagitan ng general amnesty at coordinated unilateral ceasefire -- ikinasa na ang pormal na pag-uusap sa Norway para sa pirmahan ng mga kasunduan.

Jimmy Saypan

Page 29: Oplan Kapayapaan - karapatan.org Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng... · Sa paggamit ng pwersang militar, magkasabay na inilulunsad ang combat, intelligence at civil military operations

Praymer Hinggil sa Oplan Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng US-Duterte

27

Ngunit, noong Nobyembre 18, 2017, nagpahiwatig si Duterte na ayaw na niyang ituloy ang pakikipag-usap sa NDFP. Sumahol pa ang mga pahayag ni Duterte sa mga sumunod na araw, na humantong sa banta ng “terrorist listing” ng NPA at banta ng crackdown sa mga ligal na demokratikong organisasyon. Nobyembre 22 nang pormal na inanunsyo ng GRP Panel na kanselado na ang mga pagpupulong sa NDFP.

Nobyembre 23 nang pirmahan ni Duterte ang Proclamation 360 na nag-aanunsyo ng “terminasyon” ng usapang pangkapayapaan sa NDFP. Inanunsyo rin ni Duterte ang kanyang shoot-to-kill order sa mga pinaghihinalaang miyembro ng NPA at ang pag-aresto sa 21 NDFP consultants, na malinaw na mga paglabag sa CARHRIHL at JASIG.

Mula noong Pebrero 2017 hanggang sa kasalukuyan, ipinagpapatuloy ng rehimeng US-Duterte at AFP ang all-out-war nito laban sa NPA, habang tuloy ang pasistang atake laban sa mamamayan.

Samantala, ang usapang pangkapayapaan sa MILF at MNLF ay nananatiling nasa di-tiyak na kalagayan sa pagtutulak ni Duterte at GRP ng isang Bangsa Moro Basic Law (BBL). Sa pagtingin ng dumaraming grupong Moro, instrumento lamang ang BBL para pasukuin at ipaloob ang mga mandirigmang Moro sa ilalim ng AFP at PNP at para ipailalim sa GRP ang teritoryo, rekurso at pondo ng mga Moro, imbes na irespeto ang kanilang karapatan sa sariling pagpapasya.

Kinukumpleto naman ng GRP ang proseso ng pagtatapos ng mga usapan nito sa CPLA at RPMP-RPA-ABB, na nangangahulugan lamang ng pormal na pagsanib ng mga grupong ito sa AFP.

Page 30: Oplan Kapayapaan - karapatan.org Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng... · Sa paggamit ng pwersang militar, magkasabay na inilulunsad ang combat, intelligence at civil military operations

Praymer Hinggil sa Oplan Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng US-Duterte

28

Malinaw na ang tanging layunin ng rehimeng US-Duterte sa usapang pangkapayapaan ay pagpapasuko sa mga rebo-lusyonaryong grupo at panlilinlang sa mamamayan. Hindi ito interesado sa mga negosasyon at hakbang para lutasin ang mga ugat ng armadong labanan, tulad ng tunay na reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon, pagkilala at pagrespeto sa mga karapatang pang-ekonomiya ng mamamayan, at mga makabuluhang pampulitikang reporma para mabaka ang korupsyon at political dynasties. Ayon kay DND Sec. Lorenzana, hindi sumasang-ayon ang AFP sa mga repormang ito, dahil gagawin nitong “sosyalistang bansa” ang Pilipinas.

Kontra-mamamayang giyera laban sa droga

Integral na bahagi ng OpKap ang pagpwesto sa AFP bilang isang pwersang suporta sa madugo at kontra-mamamayang giyera laban sa droga ng rehimeng Duterte, para makatulong daw sa “peace and security” sa bansa.

Itinalaga ang AFP na magbigay ng intelligence, seguridad at lohistikal na suporta sa Oplan Tokhang, Oplan Double Barrel at Oplan Double Barrel Reloaded ng Philippine National Police (PNP), Anti-Illegal Drug Campaign ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), sa MASA-MASID Program ng Department of Interior and Local Government (DILG), mga programa ng lokal na gubyerno laban sa iligal na droga, at sa mga programang rehabilitasyon ng mga biktima nito.

Pormal na pinagtibay ang paglahok ng AFP sa giyerang kontra-droga matapos pirmahan ang Memorandum of Agreement nina dating PDEA Director General Isidro Lapeña at AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año noong Pebrero 28, 2017. Nangyari ito matapos buwagin ang PNP Anti-Illegal Drugs Group (PNP-AIDG), pagkaraang masangkot ang ilang upisyal at myembro nito at ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pagdukot at pagkamatay ni Jee Ick Joo, isang negosyanteng Koreano. Pinalawak ng AFP ang Joint Counterintelligence Task Force (JCTF) NOAH, isang yunit ng AFP na inatasang maglunsad ng mga operasyong kontra-paniktik na may kinalaman sa droga. Ipinakat din ng AFP ang halos 500 pwersa ng JCTF NOAH sa kampanyang ito ng gubyernong Duterte.

Page 31: Oplan Kapayapaan - karapatan.org Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng... · Sa paggamit ng pwersang militar, magkasabay na inilulunsad ang combat, intelligence at civil military operations

Praymer Hinggil sa Oplan Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng US-Duterte

29

Sa pagpapatupad ng giyera ni Duterte kontra droga, karamihan sa mga naging biktima ng pamamaslang ay mula sa mga maralitang lungsod na kapit sa patalim at karaniwang gumagamit lamang ng droga at mga inosenteng biktima, habang libreng nakapamamayagpag ang malalaking druglord at utak ng mga sindikatong kriminal na nasa AFP, PNP at burukrasya.

Ayon sa tala ng iba’t ibang grupo, umaabot na sa 7,000 hanggang 12,000 ang pinaslang sa giyerang kontra-droga ni Duterte. Ayon naman sa gubyerno, may 3,811 drug personalities ang pinatay sa mga operasyon ng pulisya mula Hulyo 2016 hanggang Agosto 29, 2017. Kabilang sa mga kasong ito ang pagpaslang kay Kian delos Santos, 17 taong gulang, at iba pang mga menor de edad na walang kinalaman sa pagbebenta o paggamit ng iligal na droga.

Protektado ni Duterte ang kanyang mga pulis na nasasangkot sa paglabag sa karapatang pantao sa kampanyang ito. Pinakamatingkad na halimbawa nito ang kaso ni Supt. Marvin Marcos at 18 pang pulis na sangkot sa pagpatay sa noo’y nakapiit na si Rolando Espinosa, alkalde ng Albuera, Leyte at ama ng sinasabing pinakamalaking drug lord sa Visayas. Tiniyak ni Duterte na bibigyan niya ng pardon at ng promosyon sina Marcos. Sa tulong ng DOJ, nagawa ng rehimen na ibaba sa kasong homicide ang dapat sanang kasong murder na unang isinampa laban sa kanila.

Page 32: Oplan Kapayapaan - karapatan.org Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng... · Sa paggamit ng pwersang militar, magkasabay na inilulunsad ang combat, intelligence at civil military operations

Praymer Hinggil sa Oplan Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng US-Duterte

30

Ilang beses nang pabalatkayong pinasuspinde ang Oplan Tokhang at Oplan Double Barrel, at pansamantalang inilipat sa PDEA ang pangunguna sa kampanya laban sa droga (at ibinalik muli sa PNP), ngunit hindi pa rin natitigil ang mga pamamaslang, ni ang paglaganap ng iligal na droga. Pinapatunayan nito na mali at pa-short cut ang paraan ng PNP at ni Duterte sa pagsugpo ng iligal na droga sa bansa. Habang hindi nailalatag ang mga kinakailangang pang-ekonomiya at panlipunang reporma para magbigay ng kabuhayan sa mga maralitang nabibitag sa paggamit at pagbebenta ng iligal na droga, at hangga’t hindi napapanagot ang mga tao sa gubyerno na nagpapatakbo at/o nagbibigay ng proteksyon sa mga malalaking sindikato ng droga sa bansa, hindi malulutas ang problemang ito. Pinalalala lamang ito ng walang patumanggang karahasan at pagpatay dulot ng kampanya laban sa droga ng rehimeng Duterte.

Kaya naman mapanganib na kalahok pa ang AFP, isang kilalang lungga ng mga berdugo, sa kampanyang ito. Hindi magiging kataka-taka na gamitin ng AFP at PNP ang kampanya laban sa droga para bigyang-katwiran ang pag-aresto at pagkulong sa mga aktibista at progresibong grupo ng mamamayan. Sa naisadokumento ng Karapatan at Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) noong Oktubre 2016, limang miyembro ng grupo ng mga magsasaka sa San Jose del Monte ang inaresto, tinortyur at ikinulong batay sa gawa-gawang kaso ng paggamit at pagbebenta ng iligal na droga. Sa mga komunidad sa Bikol at sa Mindanao, nagsasagawa ng census ang mga sundalo alinsunod sa Oplan Tokhang, ngunit nauuwi sa pagtarget sa mga inaakusahan nilang miyembro o taga-suporta ng NPA.

Nitong Agosto 29, 2017, inilabas ng DILG ang Memorandum Circular 2017-112 o ang inirebisang guidelines para sa implementasyon ng MASA-MASID. Idinagdag ang “violent extremism and other threats to peace and security” sa sasaklawin ng nasabing programa, bukod sa korupsyon, kriminalidad at iligal na droga. Sa MASA-MASID, minomobilisa ng mga lokal na pamahalaan, pulis at barangay councils ang mga sibilyang boluntir para sa pagmamanman, pag-uulat at adbokasiya laban sa mga natukoy nitong target o saklaw ng programa. Kabilang sa mga pamamaraan ng “pag-uulat” ng

Page 33: Oplan Kapayapaan - karapatan.org Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng... · Sa paggamit ng pwersang militar, magkasabay na inilulunsad ang combat, intelligence at civil military operations

Praymer Hinggil sa Oplan Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng US-Duterte

31

mga pinaghihinalaang indibidwal na sangkot sa droga, terorismo o krimen ang sistemang drop box, email at hotline.

Walang pinag-iba ang MASA-MASID sa barangay intelligence network ng AFP na ginagamit laban sa mga lokal na organisasyon ng mga magsasaka sa kanayunan at sa mga komunidad ng mga maralitang taga-lunsod upang markahan ang mga target ng militar para sa surveillance at iba pang porma ng paglabag sa karapatang pantao. Higit na mapanganib pa nga ang MASA-MASID dahil nagdaragdag ito ng pondo para sa isang institusyunalisadong programa ng gubyerno para sa arbitraryong pag-akusa sa kahit sino sa komunidad bilang adik, terorista o kriminal, na hindi malayong humantong sa malalalang paglabag sa karapatang pantao tulad ng tortyur, iligal na aresto at detensyon o pagpatay.

Ang paglahok ng AFP sa naturang giyera kontra-droga ay nagdudulot ng ibayong pangamba sa mamamayan. Ang madugong rekord nito sa kasalukuyang Oplan Kapayapaan at mga naunang mga kampanyang militar na ipinatupad ng mga nakaraang rehimen ang batayan ng pagkabalisa at pagtutol ng mamamayan. Ang giyerang ito ay gagamiting lisensya para patayin ang sinumang nais nilang patahimikin, sa simpleng pag-akusang sangkot o gumon ito sa droga. Asahang gagamitin ito ng AFP sa lalo pang pagpapatindi ng karahasan at paghahasik ng takot sa mamamayan sa kanayunan man o kalunsuran.

Isang “drop box” para sa mga pangalan ng pinaghihinalaang sangkot sa droga ang nakalagay sa isang barangay sa Quezon City. (Philstar.com)

Page 34: Oplan Kapayapaan - karapatan.org Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng... · Sa paggamit ng pwersang militar, magkasabay na inilulunsad ang combat, intelligence at civil military operations

Praymer Hinggil sa Oplan Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng US-Duterte

32

Praymer Hinggil sa Oplan Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng US-Duterte

Daan tungo sa pagsusulong ng pasistang diktadura

Sa pagsusulong ng Oplan Kapayapaan, ang deklarasyon ng martial law sa Mindanao at ang pagbabanta ng pambansang saklaw ng martial law, kasabay ng iba pang hakbangin nito, tulad ng Charter Change, crackdown sa mga legal na progresibong organisasyon, pagsasagawa ng mga karumal-dumal na paglabag sa karapatang-pantao, at shoot-to-kill order sa NPA at lansakang pagbabalewala sa international humanitarian law, ipinapakita ng rehimeng US-Duterte na nasa daan na ito tungo sa pagsusulong ng pasistang diktadura.

Makikita rin ito sa pagdodomina ni Duterte sa Kongreso at Korte Suprema, sa pagsasampa ng mga impeachment complaint sa mga itinuturing nitong hadlang tulad ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno at Ombudsman Conchita Carpio Morales. Nandyan din ang papalaking intelligence at iba pang discretionary funds sa Office of the President, paggamit sa AFP at PNP bilang mga private armies ni Duterte, paggamit ng pampublikong pondo para itayo ang Kilusang Pagbabago - Masa Masid bilang makinarya para sa propaganda at surveillance, balak na arbitraryong pag-appoint sa barangay officials, mga pakana para sa charter change, at pagtataguyod ng pederalismo at “revolutionary government” para sa pagpapalakas ng kapangyarihan ng mayor na naging presidente.

Spot the Difference ni Renan Ortiz, Bulatlat.com

Page 35: Oplan Kapayapaan - karapatan.org Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng... · Sa paggamit ng pwersang militar, magkasabay na inilulunsad ang combat, intelligence at civil military operations

Praymer Hinggil sa Oplan Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng US-Duterte

33

Ang patuloy na pampulitikang rehabilitasyon na iginagawad ni Duterte sa dating diktador na si Ferdinand Marcos Sr. at kanyang pamilya at ang pagkanlong kay GMA at iba pang pulitiko na may mabibigat na krimen laban sa mamamayan ay malinaw na halim-bawa rin na pinalalakas ni Duterte ang sistema ng kawalang-pa-nanagutan sa bansa. Higit pa rito, ginagamit ni Duterte ang mga pasistang pamamaraan ni Marcos at GMA laban sa mamamayan tulad ng Palparan-style na pamamaslang sa mga aktibista at pro-gresibo, terrorist-listing ng mga rebolusyonaryong grupo tulad ng CPP-NPA, pagtatayo muli ng IALAG (ngayon ay IACLA), at iba pa.

Page 36: Oplan Kapayapaan - karapatan.org Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng... · Sa paggamit ng pwersang militar, magkasabay na inilulunsad ang combat, intelligence at civil military operations

Paglaban sa pasismo ng rehimeng US-Duterte

Tulad ng maningning at matapang na paglaban ng mamamayan sa mga pasistang atake ng mga nakaraang rehimen, kinakailangang puspusang labanan ang tiraniya at pasismo ng rehimeng US-Duterte. Kinakailangang puspusang ilantad ang reaksyunaryo, pasista at mapanlinlang na katangian ng Oplan Kapayapaan sa pamamagitan ng pagpapaigting ng mga anti-pasistang protesta sa buong kapuluan, na mahigpit na nakakawing sa anti-imperyalista at anti-pyudal na paglaban ng mamamayang Pilipino.

Kinakailangan ding ilantad ang papel ng US sa paglabag sa karapatang pantao sa bansa na masasalamin sa panghihimasok ng militar ng US sa Pilipinas at pagsuporta nito sa mga pasistang kampanya ni Duterte. Kailangang igiit ang pagbabasura sa Visiting Forces Agreement, Enhanced Defense Cooperation Agreement at iba pang di-pantay na kasunduang militar na pabor sa US.

Marapat nating kundenahin ang lansakang paglabag sa mga karapatang-pantao at kalayaang sibil, ang pananabotahe ng US at ng GRP sa usapang pangkapayapaan sa NDFP, MILF, MNLF at iba pang rebolusyonaryong grupo. Ating labanan ang madugong giyera kontra-droga at mga paglabag ng militar sa karapatang pantao at karapatan ng mamamayan. Igiit natin ang pagpapanagot sa mga lumalabag, ang pagtutuloy ng usapang pangkapayapaan, at ang paglaban sa batas militar sa Mindanao at sa nagbabadyang paghaharing militar sa buong Pilipinas.

Page 37: Oplan Kapayapaan - karapatan.org Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng... · Sa paggamit ng pwersang militar, magkasabay na inilulunsad ang combat, intelligence at civil military operations

Praymer Hinggil sa Oplan Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng US-Duterte

35

mga sanggunian:

Oplan Bayanihan

Oplan Kapayapaan

“The Dishonourable Human Rights Record of Benigno S. Aquino III,” Karapatan, 2017

http://www.officialgazette.gov.ph/programs/whole-of-nation-initiative/

https://dwdd.com.ph/2017/01/09/kapayapaan-afp-new-campaign-intends-to-destroy-terror-groups/

http://www.sunstar.com.ph/manila/local-news/2017/02/06/duterte-ends-unilater-al-ceasefire-reds-523700

http://newsinfo.inquirer.net/879212/duterte-to-afp-drop-bombs-on-npa-rebels-flat-ten-hills

http://www.washingtontimes.com/news/2017/jan/26/edca-deal-philippines-says-us-base-upgrades-will-p/

https://natoreyes.wordpress.com/2017/08/06/us-intervention-in-marawi-and-the-great-reversal-of-duterte/

http://www.pnp.gov.ph/images/2017News/realnumbers/rn_82917.pdf

http://www.pnp.gov.ph/

Page 38: Oplan Kapayapaan - karapatan.org Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng... · Sa paggamit ng pwersang militar, magkasabay na inilulunsad ang combat, intelligence at civil military operations
Page 39: Oplan Kapayapaan - karapatan.org Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng... · Sa paggamit ng pwersang militar, magkasabay na inilulunsad ang combat, intelligence at civil military operations
Page 40: Oplan Kapayapaan - karapatan.org Kapayapaan at Pasismo ng Rehimeng... · Sa paggamit ng pwersang militar, magkasabay na inilulunsad ang combat, intelligence at civil military operations