opposites do attract (wattpad)kwentong gawa ng mga mag-aaral ng pax high school

30
Prologue: Alam mo yung kanta ni Juris na “Opposites do Attract”? “---I wanna go right, You’d rather go left I wanna go fight, You’d rather be quiet I wanna be right, You’d rather be wrong I wanna be weak, You’d rather be strong---” Sa kantang yan, maihahawig mo ang aking storya. Ano man ang gawing hadlang ng mga tao o bagay na naka paligid sa dalawang taong

Upload: kristinebaylonalta

Post on 24-Dec-2015

40 views

Category:

Documents


8 download

DESCRIPTION

mga makabagong kwento

TRANSCRIPT

Page 1: Opposites Do Attract (Wattpad)Kwentong gawa ng Mga Mag-aaral ng Pax High School

Prologue:

Alam mo yung kanta ni Juris na “Opposites do Attract”?

“---I wanna go right,You’d rather go leftI wanna go fight,You’d rather be quiet

I wanna be right,You’d rather be wrongI wanna be weak, You’d rather be strong---”

Sa kantang yan, maihahawig mo ang aking storya.

Ano man ang gawing hadlang ng mga tao o bagay na naka paligid sa dalawang taong nagmamahalan, ipaglalaban at ipagpapatuloy pa rin nila ang kanilang pag-iibigan kung ito’y totoo. Papatunayan at papatatagin pa rin nila ito hanggang sa bingit ng kamatayan. Kahit na magkasalungat man ang kanilang mga ugali, hindi ito magiging dahilan upang paglayuin sila. Dahil sa puso’t isipan nilang dalawa, sila’y magkapareha.

Page 2: Opposites Do Attract (Wattpad)Kwentong gawa ng Mga Mag-aaral ng Pax High School

Sa kwento ba na ‘to, mapapatunayan ng mga “characters” ang pinaniniwalaan nating “opposites do attract”? O sila pa mismo ang magkukumbinsi sa atin na hindi ito totoo?...

Kabanata 1 : Ang Unang Pagkikita ^__^

Tiffany’s POV

“Ma? Punta na po ako ng school.” -Masigla kong sabi kay mama“Sige. Ingat ah?” -Balik sabi naman sa akin ni mama“Opo.” - Sabay halik ko sa pisngi ni mama at lumabas na ng bahay.

Nakakatamad maglakad papuntang paaralan kaso ayaw ko naman mag-aksaya ng pera. Hays, makapaglakad na nga lang. Kung sabagay hindi naman kalayuan ang bahay namin sa school, mga limang minutong lakad lang. Nilagay ko ang earphones sa aking tenga para makinig ng kanta habang naglalakad.

(Now playing: Di ko Alam by Yassi Pressman and Andre Paras)

“---Di ko alam kung saan kailan

Paano ba nag-umpisa ang lahatLahat lahat---“

“Ayy! Sorry!”

Di ko napansin na may tao pala sa harapan ko. Napapikit kasi ako habang dinaramdam ko yung kanta. Tss. Katangahan nga naman oh! Nabangga tuloy ako dun sa lalaki.

“i-i-ts ok-k, e-ex-c-cuse me”

Pinagpatuloy niya yung paglalakad niya ng hindi man lang lumingon. Nakatalikod kasi eh. Nahihiya ba yun saken?. Pabayaan na nga lang. Napansin ko na iisa lang yung direksyon namin. Hmm? Di ko naman napapansin yung mukha niya sa school eh. Pinagpatuloy ko nalang din yung paglalakad ko. Baka malate pa ako kung iisipin ko yun. Di pa pala ako nakapag pakilala. By the way, I’m Tiffany Villanueva. 15 taong gulang. Nasa ika-apat na taon. Nag-aaral sa isang private school. Hindi kami mayaman, kumbaga, may kaya lang. Well, subaybayan niyo na lang yung storyang ‘to upang makakuha ka pa ng mas maraming impormasyon tungkol sa akin.

***

Page 3: Opposites Do Attract (Wattpad)Kwentong gawa ng Mga Mag-aaral ng Pax High School

Nakarating na ako sa loob ng paaralan. Papunta na ako ng classroom namin ng napansin kong tumahak na pala yung lalaki kanina ng ibang direksiyon. Baka transferee? Kagaya nga ng sinabi ko, pabayaan ko nalang. Pinagpatuloy ko ulit yung paglalakad ko patungo sa classroom namin.----

Kabanata 2 : Siya Kaya ‘Yun? ~__^

Tiffany’s POV

~Sa room~

“Tiffy!!!!!”

Tiffy na naman? Tss. Sabi nang ayaw kong tinatawag ako ng Tiffy eh! Napaka-kikay kasi :3 Paglingon ko, nakita ko na naman ang pagmumukha ng dalawang taong mahilig mang-asar sakin. Walang iba kundi ang mga best friend kong sina Ianne at Calvin. Nag-uunahan pa talaga yung dalawa papunta sa akin. Nang makarating na sila sa tabi ko, nagbangayan na naman sila. Hay nako, wala na talagang pagkakasunduan ang

dalawang ‘to, maliban nalang sa pang-aasar sakin.

“Akin na kasi yan Cally!” –Ianne“’Wag mo nga sabi akong tawagin ng Cally eh! Iannie!” –Calvin“Ayaw ko ng Iannie! Ianne ang pangalan ko Cally! Ianne!” –Ianne“Calvin din yung pangalan ko Iannie!” –Calvin“Caaaaaalllllyyyyyyy!!!!!!” –Ianne“Iaaaannnnniiiiieeeee!!!!!!” –Calvin“Ano ba! Sshh! Tahimik nga! Baka nakakalimutan niyo nasa gitna ako? -____- Palagi nalang kayong nagbabangayan! Di natin alam baka sa huli maging kayo” –ako“NO WAY!” –silang dalawa“Aba? Sabay pa talaga kayo ah? Hmm. Di na ako magtataka. MEANT FOR EACH OTHER nga pala kayo. Bwaahahahh” –ako

Tinignan nila ako ng masama. Tapos nagkatinginan silang dalawa. Uh-oh alam ko na yang mga tingin nila na ‘yan. Ito na nga ba yung sinasabi kong magkakasundo sila eh. Sa pang-aasar sakin. -___-

“Hmm? Ganun? Ca---“ –Ianne

Page 4: Opposites Do Attract (Wattpad)Kwentong gawa ng Mga Mag-aaral ng Pax High School

Naputol ang sasabihin sana ni Ianne nang sumigaw yung kaklase naming.

“GUUUUUUUUUUYS! Papunta na si Ma’am!”

Parang mga kabayo yung mga kaklase ko sa bilis ng pagbalik nila sa kani-kanilang mga upuan. Ano laro tayo Lupa’t Langit Hahaha. Nag-ayos nalang din ako ng sarili ko. Hanggang sa dumating na yung homeroom teacher naming. Tumayo na kami para bumati.

“Good morning students!”“Good morning Ma’am.”“Sit down.”

Wow? So ganun? Aso kami Ma’am? Aso? Tss.

“May bago kayong kaklase sa ngayon. Alam kong nangangalahati na tayo sa school year na’to. Actually, noong June pa sana dapat classmate niyo na siya kaso ngayon lang niya ginusto na mapunta sa seksyon niyo. Galing siya sa second section. Ewan ko kung may kakilala ba siya sa inyo o nakakakilala sa kanya sa inyo… Jared, please come in. Ipagpatuloy mo ang pagpapakilala ko sa’yo” –Ma’am

Pumasok yung bago raw naming kaklase ng nakayuko. Oohh. A shy one. / (^__^)/ oooohhh! I like him! Nang itinaas niya ng kaunti yung ulo niya, napatingin siya sa gawi ko. Nasa bandang likuran kasi ako naka-upo. Katabi ko sa kanan si Calvin tas bakante yung kaliwang upuan. Katabi ni Calvin si Ianne. Gusto sanang makipag palit ni Ianne ng upuan kay Calvin kaso ayaw ni Calvin. Kasi daw gusto niya, siya lang yung katabi ko. Tss. Kaya kapag wala pa yung guro o vacant namin, pumupunta si Ianne sa kaliwang upuan ko para doon umupo. Pero teka, bakit pamilyar yung mukha ng bago naming kaklase? Siya kaya yung…----------Kabanata 3 : Ini-snob Niya Ako >3<

Tiffany’s POV

Page 5: Opposites Do Attract (Wattpad)Kwentong gawa ng Mga Mag-aaral ng Pax High School

Siya ba yun? Yung lalaking nabangga ko kanina? Nako po!

“H-h-hello. Ak-k-k-ko si Jared Clemente.” -Jared“O- kay?- … Maupo ka na sa *hanap ng bakanteng upuan* hmm.. yun! Sa tabi ni Ms. Villanueva *sabay turo sakin*” –Ma’am

Napatingin siya sa tinuturo ni Ma’am. Anla? Tatabi siya sakin? Uh-oh! Pumunta na siya sa tabi ko at umupo. Nagpatuloy yung guro namin sa pagtuturo.

“Hi! Ako nga pala si Tiffany !” -sabi ko kay Jared ng mahina pero rinig niya. Tiningnan niya lang ako at tumango. Ayy? Dinedma ako? -_- tss. Bahala siya! Kainis!

“Hahaha! Pahiya ka?” –natatawang sabi ni Calvin sakin.“Arrgh” Tiningnan ko nalang siya ng masama. Aasarin lang naman niya ako. Kaya sinubsob ko nalang yung ulo ko sa lamesa.

***~Lunch Break~

Hanggang sa matapos ang period na yun at iba pang periods, walang ibang nangyari :3 Di ko

naman makausap si Jared kasi ang sungit. Di siya tumitingin sa harapan kung saan yung guro pero masasabi kong nakikinig pa rin siya. Tss. Suwerte niya na nga lang at nagpakilala ako sa kanya kanina eh. Kasi sa tingin ko, wala siyang magiging kaibigan sa section namin. Nerd kasi eh. Shhh, wag mong sabihin sa kanya. First section kami pero wala namang katulad niya na kung makapanamit at kumilos ay halatang nerd.

“Tiffy! Pahingi ng pulbo :D” -pacute na sabi ni Ianne. Psh. Kahit kailan talaga ‘tong babaeng ‘to, napaka kikay! Inabot ko sa kanya yung pulbo. Aabutin niya na sana pero kinuha naman ni Calvin sa akin. Na naman -_- Bangayan na naman! Tss -_-

“Cally! Akin na!” -parang batang naagawan ng laruan si Ianne habang inaabot niya yung pulbo. Hahaha ang cute niya talaga! Katulad ko ;)“Ayaw ko nga! Abutin mo muna Iannie!” -mapang-asar na sabi ni Calvin“Cally! Na.na.na. na. Isusumbong kita.” -Para talagang bata kung makaasta ‘tong si Ianne oh.“Bleeh! :P” -sinabayan pa ng pagkakulit ni Calvin. Naman!“Cally! Akin naaaaa!” -Kulang nalang maghabulansila ditto -_-“’Wag ka na kasing magpulbo! Di ka pa rin naman gaganda eh!” tumawa pa si Calvin

Page 6: Opposites Do Attract (Wattpad)Kwentong gawa ng Mga Mag-aaral ng Pax High School

“Ehhh *puot*, gwapo ka ba?” “Kadiri ka! ! Mas lalo kang pumanget! *sabay abot ng pulbo kay Ianne*” “Tss.” “Ayieee! L.Q na naman ang dalawa! Haha!” –ako

Sinamaan na naman nila ako ng tingin.

“Hmm.. May naalala ako Tif! ^_____^ ” sarcastic na sabi ni Calvin habang nakangiti ng napaka lapad“Ano naman yun Cally?” pabatang tanong ni Ianne“Ikaw ba kausap ko Iannie? Diba hindi? Pero natanong mo naman, sasabihin ko na din.” “Ano?” –Ianne“Huwag na huwag mong sasabihin Calvin!” Pagpigil ko kay Calvin“Hahaha. Kasi Iannie, din---“ naputol ang sasabihin sana ni Cal dahil sumigaw ako“Calvin!” “Ano Cally? Bilis! Sabihin mo na!” excited na sabi ni Ianne “Hahahahaha. Dinedma kasi siya ni Jared kanina! AHahahaha” lakas ng tawa ni Cal -_-“Talaga?! Hahahaha” Tawang tawang sabi ni Ianne“hahahhahahahahahaha” Sabay na talaga silang tumawa -__-“Nakakatawa! Grabe! Andami kong tawa oh! H-A-H-A-H-A-H-A-H-A” medyo inis kong sabi

Patuloy pa din sila sa pagtawa. Tumayo nalang ako at naunang bumalik sa classroom. Ako pa lang mag-isa. Magsa-sound trip muna ako.

Kabanata 4 : Ang Pagpaparamdam ni Calvin ^___^

Calvin’s POV

“Hahahahhahaha Akalain mo yun? Di niya pinansin si Tiffy?” napahawak na talaga ako sa tiyan habang tumatawa“Ahahahahaha Oo nga! Eh yung iba nga masayang masaya na kahit nginingitian lang ni Tiffy. Pero siya? Kinausap talaga? Tas dinedma lang?” napahawak na din si Iannie sa tiyan na

Tama siya. Ang swerte na talaga nung Jared na yun. Buti na nga lang din malapit ako kay Tiffany ko ;) Simula bata close na talaga kami eh. Kami nina Iannie at Tiffany.

“Hahaha. Oo nga Iannie!”

Page 7: Opposites Do Attract (Wattpad)Kwentong gawa ng Mga Mag-aaral ng Pax High School

“Yah! ‘wag mo sabi akong tawagin ng Iannie, CALLY! -___-“ biglang nagpoker face si Iannie.

Anlaaa? Hahaha Biglang nagbago ng mood? Mainis nga! Haha.

“Bakit IANNIE? Ang sweet nga diba? Ako lang tumatawag sa’yo ng IANNIE? *wink*” pangaasar ko sa kanya“Mandiri ka nga CALLY!” asar niya naming sabi“Yiee! Kinikilig na siya *wink*” Sabay tinutusok ko yung tagiliran niya.“Ano ba! ‘Wag mo nga tinutusok tagiliran ko. Tsaka tigilan mo nga yung kakakindat mo.” Inis na talaga siya hahaha“’Wag kang pikon Iannie. :P”“Ianne ang pangalan ko! HINDI IANNIE! I-A-N-N-E!” paglilinaw niya sakin“Gusto ko ng Iannie eh. Hahaha” sarap talagang asarin!“Tss. Bahala ka na nga…” umayos na siya sa pagkakaupo

Hahaha Pikon talaga! Kaya natatawa talaga ako kapag iniinis ko siya eh.

“Cally? Asan pala si Tiffy?” nagtatakang tanong ni Iannie sakin“Luh? Nawala? Asan na?” “Tss. Kaya nga tinatanong kita eh. Diyan ka na nga lang.” Sabay alis niya.

Ang moody talaga ng babaeng ‘to. Hayy. Mahanap na nga din si Tiffany. Papunta na ako ng classroom kasi sa tingin ko mukhang nandoon siya pero habang naglalakad may nakitaakong nagkumpulan na mga studyante. Sigurado akong may binubully na naman sa gitna ng kumpulan na yun. Makahanap nga ng lugar kung saan makikita ko kung sino ang napapagitnan ng mga studyante.Nakahanap ako ng pwesto na medyo makikita ko yung nasa gitna. At nakita ko si ? Si Jared ba ‘yan? Lalapit na sana ako sa kanila para sana tulungan si Jared kaso dumating si…-------

Kabanata 5 : Iniligtas Ko Siya ;)

Tiffany’s POV

Page 8: Opposites Do Attract (Wattpad)Kwentong gawa ng Mga Mag-aaral ng Pax High School

Hayy. Ang tagal naman ng time. Nabobored na ako dito eh. Psh -___- Makalabas nga muna at nang makagala. Naglalakad ako papunta ng cafeteria para sana balikan sina Ianne at Calvin kaso nakakatamad. Kaya tumungo nalang ako sa garden. Pero habang tinatahak ko yung daan papunta doon, may nakita akong nagkumpulan sa di kalayuan. Mukhang may masamang nangyayari dun ah?. Tss. Di na ako nasanay. May binubully na naman ata. Pft -_- mga bully nga naman. Nang medyo nakalapit ako sa nagkumpulan, mukhang pamilyar yung studyanteng binubully nila.

“Amin na kasi yung pera mo!” –Bully 1 ~Sabay sapak ng ulo nung binubully nila.“Ayaw mo talaga ah?” –Bully 2 ~akmang susuntukin na sana niya kaso pinigilan siya nung isang lalaki“Gusto mo ba mabugbog paglabas mo ng school na ‘to? –Bully 3 ~pananakot nung pumigil

Bale tatlo silang nangbubully. Hmmm.. Talagang pamilyar yung mukha niya eh. Si Jared ata? SUPERPOWERS ACTIVATE! WATA! WATA! Mapuntahan nga.

“Ano ba naman kayo! Wala ba kayong mga pera? Pati yung pera ng iba kinukuha niyo pa!” Matapang kong sabi

Lumapit ako kay Jared at tinulak yung mga lalaking bumubully sa kanya. Nakayuko lang siya.

Kanina pa siya nakayuko. Wala talaga siyang balak lumaban ah?

“Di porket mga FEELING siga kayo, pwede niyo nang gawin sa kanya at sa iba pang studyante yang ginagawa niyo!”

“Ano bang pakialam mo?” –Bully 2“Oo nga. Girl friend ka ba?” –Bully 1

“Hindi niya ako girl friend pero may pakialam ako kasi hindi na tama ang ginagawa niyo.” –ako

“Tss. Mukha kang nanay niya. Tara na nga” –Bully 3

“Hmmm. Mga sisiw naman kayo eh!” -ako

Umalis na sila. Pati yung mga chismoso’t chismosa umalis na rin.

“Ok ka lang?” –ako Tumango lang siya. Di ba siya marunong magsalita? Tss.

“Salamat” –Jared ~pabulong niya pang sabi yan pero rinig ko naman.“Ok lang yun.” Ang laki talaga ng smile ko.

Pagtingin ko sa relo ko, 10 minutes nalang bago mag-time.

Page 9: Opposites Do Attract (Wattpad)Kwentong gawa ng Mga Mag-aaral ng Pax High School

“Tara na? Malapit nang mag-time. Baka malate tayo.” Aya ko sa kanya

Naglakad na siya ng hindi man lang lumilingon. Hayy nako, ang sungit talaga.Naglakad nalang din ako papunta sa room pero di kami sabay. Nauuna siya sakin eh. Tas kapag sasabay ako sa kanya, binibilisan niya ang kanyang paglalakad. Di ko rin siya makausap dahil nagbabasa siya ng libro. Psh -_- Nerd talaga.

***

Yung totoo? Nakakapagod ang araw na ‘to. Natapos ang klase namin ng katulad ng normal na pasukan. Pauwi na ako ngayon. As usual, naglalakad na naman. Nag titipid kasi ako eh.

-Pagkatapos ng paglalakad pauwi, nakarating na ako ng bahay namin. Pumunta agad ako ng kwarto ko para sana mag-aral pero tinawag ako ni mama. “Nak!?” Pasigaw na sabi ni mama “Po?” tanong ko“Halika dito sa kusina, tulungan mo kong magluto.” –mama“Sige po.” Pumunta na ako sa kusina at tinulungan si mama...

***

Natapos na ang lahat ng dapat kong gawin. Nandito na naman ako sa kwarto para matulog na talaga. Gaya ng sinabi ko, matutulog na ako.

Kabanata 6 : Sinong Kapares Ko? ~__^

Tiffany’s POV

*School*

Naglalakad kami ni Ianne papuntang room ngayon. Sabay kasi kaming nagtungo dito sa school kasi pinuntahan niya ako sa bahay namin. Napaaga tuloy ako, ang aga kasing pumunta ng bahay eh. Pagdating namin ng classroom, bumulabog agad sa harapan ko si Calvin.

“Tiffany!!! ^___^ *sabay yakap*” parang bata na naman si Calvin“Yah! Anong nakain mo? Psh -_- Baka magselos sa akin si Ianne oh. *turo kay Ianne*” pang-aasar ko sa kanilang dalawa

Page 10: Opposites Do Attract (Wattpad)Kwentong gawa ng Mga Mag-aaral ng Pax High School

“Never! Over my dead hot gorgeous sexy body! Di ako magseselos sa lalaking ‘yan Tiffy no!” defensive na sabi ni Ianne“hahahaha Chill lang Ianne *wink* ‘Wag masyadong defensive. Napaghahalataan eh” natatawa kong sabi“Kadiri yang mga sinasabi mo Tiffy.” –Ianne“*ehem*ehem*ehem*” –Calvin“Anyare sa’yo? May TB ka? Lumayo ka na nga! Baka mahawa pa kami.” Pagtataboy ni Ianne kay Calvin“Arte mo Iannie ah! Muntik lang naman akong, masuka dahil sa sinabi mo kanina. *umarte ulit na nasusuka*” –Calvin“Sapak gusto mo Cally?” “Sadista mo! Kiss nalang Iannie, pwede *wink*?” pang-iinis ni Cal sa kanya“Ayieee! Kiss mo na yan Ianne para matigil. Hahaha” “Ayy! Huwag na pala! Baka masusuka na talaga ako.” Bawing sabi ni Cal hahaha.“Ito oh… *sabay batok kay Calvin*.” –Ianne“Aray ko naman Iannie!” reklamo ni Cal“Hahahaha. Tama na nga yan. Maupo na tayo. Mukhang padating na yung guro natin eh.” –ako

Pumunta na kaming tatlo sa bandang likuran at umupo na sa kanya-kanyang upuan. Uupo sana si Ianne sa kaliwang upuan na katabi ko kaso naalala niya na may naka upo na pala doon. Kaya ayon, nagdadabog siyang umupo sa tabi ni Calvin. Mga ilang minuto ang lumipas, dumating na yung guro namin. As usual, binati namin siya.

“Ok class, para sa requirement niyo sa parating na exam, kailangan niyong magpares upang mas madali niyong magawa ang requirement.”

Naman! Malapit na pala yung exam! Sana naman matalinong matalino yung makakapares ko para wala masyadong stress. Tas yung makakasundo ko talaga.

“So, para mas madali kayong mapares, yung katabi niyo nalang yung kapares niyo. Dapat babae at lalaki. Babae, lalaki, babae, lalaki naman yung arrangement niyo eh. Madali lang naman yung gagawin niyo, kailangan niyo lang gumawa ng maikling storya na talagang parehas niyong naranasan at naramdaman. Kahit anong storya basta may kinalaman sa buhay ng bawa’t isa. Pwedeng tungkol sa pamilya, pangarap, kaibigan at paniniwala sa Panginoon. Basta kayo na ang bahala. At saka pwede ring tungkol sa LOVE.”

“Wooooooooooh!”“Yun oh!”“laaaaaab!”

Naghiyawan naman yung klase namin pagkasabi ni Ma’am ng love. Hahaha! Talaga naman oh!

“SShhh! Ok! Quiet! Any questions?”

Nagraise ng kamay si Mika, kaklase ko.

Page 11: Opposites Do Attract (Wattpad)Kwentong gawa ng Mga Mag-aaral ng Pax High School

“Yes, Mika?”“Isang story lang po ba dapat ang gagawin Ma’am? I mean, pano po kapag wala kaming pagkaparehas?” –Mika“Yeah, dapat isa lang. It’s up to you na kung ano ang gagawin mong strategy para magkaisa yung story ninyo. Wala na bang tanong?”

“Ma’am!”“Yes, Ianne?”“Di po ba talaga pwedeng magpalit ng partner?” “Hindi.”

Hahaha. Napaupo nalang si Ianne. Halata mong naiirita siya. At dahil yun sa partner niya. Si Calvin. Hahaha Nakangiti naman ng malapad si Calvin sa kanya.

“Ok lang yan Iannie ^___^ Ako naman partner mo eh *wink*” Pangaasar ni Cal hahaha“AYIEEEEE!” –sigaw ng mga kaklase namin hahaha“Tss.” -Ianne“And by the way, you’ll submit it next week. Two days before the exam. And you’ll also read it in front of the class and explain it. Hmm, that’s all for today. Tatapusin ko na agad para makapag usap kayo ng mga kapares niyo.”Nagpaalam na kami. Hmm? Sino nga pala yung kapares ko?Kabanata 7 : Magkapares Kami ni Mr. Tipid =__=

Tiffany’s POV

Si Jared? Nako po! Oo nga, matalinong matalino siya. Kaso magkakasundo ba kami? Eh bukod sa napaka tahimik niya na nga, nakakailang din siyang kausapin kasi baka mapahiya lang ako ulit. Pero para sa grades ko, kakayanin ko yung kahihiyan. Aja! “Ja-a-a-red?” nauutal ong sabi

Tiningnan niya lang ako ng anong-kailangan-mo-look. Tss. Sabi ko nga. Kaya ko ‘to!

“Paano natin uumpisahan yung kwento? ^___^” para na akong tanga

Nakangiti pa talaga ako ng malapad niyan eh. Kaso nagkibit balikat lang siya. Ano ba siya? Pipi? -___-

“Saan natin gagawin? Di naman tayo makakasulat kasi wala akong masyadong nalalaman tungkol sa’yo.” –ako

Sana naman magsalita ka na. ^___^

“Sa amin.” Tipid niyang sagot

“Hindi ko alam kung saan ka nakatira.”

Page 12: Opposites Do Attract (Wattpad)Kwentong gawa ng Mga Mag-aaral ng Pax High School

Kumuha siya ng maliit na papel sa bag niya at may isinulat. Pagkatapos niyang magsulat, inabot niya sa akin yung papel. Pagtingin ko, may address na nakalagay. Ito na siguro yung bahay nila.

“Sige pupunta nalang ako sa inyo bukas. Mga 1 pm.”

Tumango lang si Jared. Napaka ganda talagang kausap ng lalaking ‘to :3

***

Kabanata 8 :

Tiffany’s POV

Sabado na. ^___^ Ang sarap ng tulog ko! Anong oras na kaya? Inabot ko ang cellphone ko para tingnan kung anong oras na. Pagtingin ko…

“What the?! Yung totoo? Ilang oras ba ako natulog? 12:00 PM na talaga?” Napabangon agad ako sa pagkakahiga. Nako naman po! Bakit walang gumising sakin? May pupuntahan pa ako mamayang 1:00 eh. Tss. Makapag handa na nga. Bumangon na ako at agad na tumungo sa banyo upang maligo.

Makalipas ang ilang minute, pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako. Kumain muna ako tsaka pumunta sa bahay ni Jared. Di rin naman kalayuan yung bahay nila samin eh kaya naglakad nalang ako. Malapit lang din kasi sa school yung bahay nila. Noong malapit na ako sa kanila, may napansin akong pusa sa gilid ng kalsada. Nilapitan ko ito at mukhang hindi naman pusang kalye.

Page 13: Opposites Do Attract (Wattpad)Kwentong gawa ng Mga Mag-aaral ng Pax High School

Malinis at halatang alaga kasi eh. Kaya dinala ko nalang siya kina Jared.Pagdating ko sa tapat ng bahay nila, magdodoor bell na sana ako kaso sakto naman na may nagbukas nung gate. Lumabas ang isang magandang babae.

“Uhm… Hello po. Nandiyan po ba si Jared?” Tanong ko sa kanya. Magkamukha sila ni Jared ah.“Hi ^____^ Oo Nandoon siya sa sala. Pumasok ka nalang. BTW. I’m Jaycee, ate ni Red.” Pakilala niya sakin. *u* Ang bait niya :D“Ako po si Tiffany Kaklase ni Jared” Pakilala ko rin sa kanya.“Nice meeting you Tiffany Sige una nako ah? Pasok ka nalang” Pagpapaalam niya sakin“Sige po.” Nagwave siya sakin kaya nagwave din ako sa kanya.

Pumasok na ako sa loob dala-dala yung pusa. Di ata napansin ni ate Jaycee kanina yung pusa na hawak-hawak ko. Pagpasok ko sa loob, nakita ko sa sala si Jared. Para siyang batang nagmumukmok. Anyare sa kanya? Di siya yung Jared na nakilala ko. Seryosong Jared ang kilala ko, di katulad ngayon na parang bata.

“Jared?” Pagtawag ko sa kanya upang mapansin niya ako.

Lumingon siya sakin. Pero imbis na batiin ia ako, nanlaki ang mata niya ng makita ang pusa na

dala-dala ko. Lumapit agad siya sa akin at kinuha ang pusa. Binigay ko nalang din ng nagtataka.

“Saan mo siya nakita?” Tanong niya sakin habang hinahaplos ang pusa.“ahh, diyan sa tabi-tabi lang. Nakita ko kasi ‘yan habang papunta ako dito. Mahilig ako sa pusa eh, kaya kinuha ko.” Sagot ko sa kanya“Salamat at nakita mo siya.” Sabi naman niya“Welcome. Sa iyo ba ‘yan?” Nagtatakang tanong ko sa kanya.“Oo” Tipid na naman niyang sagot. Tss

Bumalik siya sa kianuupuan niya kanina habang karga yung pusa. Umupo nalang din ako sa kabilang sofa. Mahilig din pala siya sa pusa. Ano kaya kung tungkol nalang sa pusa yung kwento namin?

“uhmm. Jared?” Tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya.“Pwede bang tungkol nalang sa pusa ang kwento natin?” “Ok”

***

So, ayun. Nagumpisa na kaming gawin yung kwento. Hindi naman kahabaan pero nandoon na ang ideya naming dalawa. Medyo naging close na rin kami, I think? Mga 4 na oras din akong nanatili sa kanila. Natagalan kasi ako dahil palagi kaming binibigyan ng pagkain ng mama niya. Nakakatuwa

Page 14: Opposites Do Attract (Wattpad)Kwentong gawa ng Mga Mag-aaral ng Pax High School

nga eh kasi kapag nauubs na yung pagkain, binibigyan na naman kami. Kaya ako, taga kain lang habang si Jared yung nagsusulat. Pero tinatanong niya pa rin yung opinyon ko. Naging magaan na nga yung loob ko sa kanya eh. Napaka weird kasi di naman basta-basta nalang gumagaan ang loob ko sa kahit na sino. Yun bang felng ko sa kanya eh matagal ko na siyang kilala? Parang ganoon. Psh. Basta. Pauwi na ako ngayon. At naglalakad na naman. Hinatid kasi ako ni Jared eh. May pagka gentleman din pala siya Malapit na kami sa bahay pero din a naman kami nag-uusap. Pabayaan na nga lang, kumbaga nakakapagod din naman kasi yung ginawa niya kanina. Eh ako? Kain lang ng kain :d hahhaha… Nasa tapat na kami ng bahay.

“Salamat sa paghatid Red ah? ” Sabi ko sa kanya.“Welcome.”“Gusto mong pumasok muna sa loob?” Pag-aaya ko sa kanya.“Hindi na. Maggagabi na rin kasi. Sige una na ako.” Paalam niya sa akin.“Sige. Ingat ka ah? ” Paalam ko rin sa kanya.

Hindi muna ako pumasok agad ng gate, tiningnan ko muna siya habang naglalakad ng papalayo. Pero may naramdaman akong kakaiba. Hindi ako makahinga ng maayos. Sumisikip yung dibdib ko. Inaatake na naman ako. Hayss. Papasok na ako sa loob para uminom ng gamot… Aray

---------

Kabanata 9 : Pusa Couple <3

Tiffany’s POV

Page 15: Opposites Do Attract (Wattpad)Kwentong gawa ng Mga Mag-aaral ng Pax High School

Lumipas ang ilang araw, walang kakaibang nangyari. Maliban nalang sa akin. Naging magkaibigan na talaga kami ni Jared though di pa rin nagbabago yung pagiging nerd niya :3 At mas napalapit yung loob ko sa kanya. Kasama na rin namin siya palagi nina Cal at Ianne tuwing lunch at vacant namin. Katulad ngayon.

“Red… Kain muna, maya na yang libro :d haha” Sabi ko sa kanya. Hay nako! Palagi nalang nagbabasa ng libro eh.

Nagkamot nalang siya ng batok niya. Haha ang cute niya kapag ginagawa niya yun Nagpapa-shy type. Di ko na talaga napigilan ang sarili ko, pinsil ko yung magkabilaang pisngi niya. Hahaha. Sanaynaman siya sakin eh. Palagi ko kasing pinipisil cheeks niya kapag kaming dalawa lang ang magkasama, aminsan-minsan lang kung naririyan sina Cal at Ianne. Baka kasi asarin nila kami eh.

“Ang cuuuuuuuuteeeee mo Red ^______^!” Pisil ko pa rin yng cheeks niya. Hahaha

“Araaaaay! Pusa! Ang sakit na!” Hahahaha. Hininto ko na yung pagkakapisil ko.

Kawawa naman! Namumula na yung mga pisngi niya! Haha.

“Yah! Pusa, Sorry ^___^V!” Naka-peace sign pa talaga ako.

Hahaha! Cute ni pusa! Oo, naging tawagan na naming yung pusa simula nung maging close kami :D Nagpuot lang siya. Sarap pisilin ulit eh!. Kaso… “Ooops! Tama na ‘yan LOVE BIRDS! Hahaha.” Pag-epal ni Ianne “hahahahaha” tinawanan lang naming siya ni Red pusa.Sanay na kami kay Ianne eh.

“Ge guys, una na ako sa room” Tumayo si Cal at pumunta na sa room.

“Eh? Anong nangyari dun?” Tanong ko “Baka selos? Hahaha” Sagot ni Ianne“Hahaha. Baka wala lang sa mood.” “Baka nga. Sess. Kumain na nga ulit tayo. Maghahanda pa tayo para sa reporting natin mamaya eh”

Kaya kumain nalang ulit kami… Hayy. Di pa nga naubos ni Cal yung pagkain niya. Ano ba ‘yan! Napano na naman kaya yung lalaking yun?

Page 16: Opposites Do Attract (Wattpad)Kwentong gawa ng Mga Mag-aaral ng Pax High School

Kabanata 10 : Ang Nararamdaman Nila *u*

Calvin’s POV

Umalis na ako dun. Nakakinis! Bad trip! Harap-harapan talaga? Kunsabagay, wala din naman silang kamalay-malay kung may nasasaktan ba sa mga pinaggagawa nila. Oo, aaminin kong may gusto ako kay Tiffany. Matgal na matagal na. Kahit best friend lang turing niya sakin. Takot akong mawala ang pagkakaibigan naming kaya hindi ako gumawa ng move. Hindi ako nanligaw sa kanya kahit gustong-gusto ko siya. Uggh! Torpe na kung torpe! Tss. Naglakad nalang ako patungo sa classroom namin para matulog. Maaga pa naman eh.-----

Ianne’s POV

Obvious naman kung bakit siya umalis kanina eh. Tss. Ano naman kung may gusto siya kay Tiffy? WALA KONG PAKIALAM! Yan napapala niya! Kainis! Magkakagusto na nga lang sa tao pang best friend lang ang turing sa kanya. Di ako bitter ah? Best friend ko si Tiffy at si Cally kaya obvious naman na best friend lang ang turing ni Tiffy kay Cal.

“Tiffy, Red… Mauna na ako sa classroom ah?” Sabi ko sa kanila“Sige Ianne, susunod nalang kam mamaya” Balik sabi sakin ni Tiffy. Tumango lang si Red.

Naglakad na nga ako papunta sa classroom. *** ~Classroom~

Nakita ko si Cally sa upuan niya na nakasandal sa lamesa. Mag-isa lang siya dun. Halata mong natutulog siya kasi ang tahimik niya. Pumunta na ako sa upuan ko na katabi lang niya. Hinanda ko na yung sasabihin ko mamaya sa reporting namin. Nagulat nalang ako ng tinawag ako ni Cally.

“Iannie?”

Tinaasan ko siya ng kilay. Alam naman niyang ayaw ko ng Iannie eh! Kabanas!

“Hahaha. Pero seryoso, may sasabihin ako.” Tumawa sya nung una pero bigla naming naging seryoso agad yung mukha niya.

Page 17: Opposites Do Attract (Wattpad)Kwentong gawa ng Mga Mag-aaral ng Pax High School

“Ano?” Tanong ko sa kanya“Tulungan mo naman ako?” Patanong niyang sabi“Saan?” Nagtatakang tanong ko sa kanya.“Sa…” Paputol niyang sabi“Saan nga?” Naiinip na ko eh“Sa… ano” Di niya talaga matuloy yung gusto niyang sabihin. Tss“Sasabihin mo ba o hindi?” Medyo inis kong tanong sa kanya“Basta tulungan mo ko.” “Kung kayak o. Pero ano ba ‘yan?”“Para sa---“ Naputol yung sasabihin niya dahil dumating sina Tiffy at Red

“Ayieee! Kayo ah!” Kinikilig pang sigaw ni Tiffy habang si Red patuloy lang sa paglalakad patungo sa kanyang upuan.“Ano?” Patay malisya kong tanong sa kanyang“Eh? Wala naman! Hahaha.” Umaandar na naman pagkabaliw niya -___-

Hindi nagtagal nagsidatingan na din yung mga classmates namin. At sumunod yung guro. ~Aigooo! Magrereport na!

“Cally? Saan ka nga pala magpapatulong?” Natanong k okay Cally. Naalala ko kasi yung sinabi niya kanina.

“Wala…Mamaya na lang. Ready ka na ba?” Pag-iiba niya ng topic.

“Oo! Ako pa! ^___^” Masigla kong sabi“Mabuti. Hahaha making muna tayo.” Sabi niya naman“haha sige” Balik sabi ko sa kanya.

Pagkatapos ng reporting ng iba naming kaklase, turn na rin namin. Second to the las kasi kami at sina Tiffy yung last.

Nagreport na nga kami. Di ko na sasabihin kung tungkol saan. Basta nakakuha kami ng mataas na score. Pinalakpakan din kaming dalawa ni Cally.

“Ayieee! Ang ganda ng kwento niyo! Bagay na bagay talaga kayo!” Panunukso na naman ni Tiffy. Kahit kelan talaga ‘tong babaeng ‘to oh.

Turn na nilang magreport…Pero…----Kabanata 11 : Masakit raw ang ulo? :3

Tiffany’s POV

Maguumpisa n asana kami kaso biglang tumayo si Cal.

“Ma’am!”

Page 18: Opposites Do Attract (Wattpad)Kwentong gawa ng Mga Mag-aaral ng Pax High School

“Yes?” Medyo pataray na sabi ng guro namin“Pwede po ba akong pumunta ng clinic?” Tanong ni Cal“Bakit?” Nakataas pa talaga yung kilay ni ma’am.“Masakit po kasi yung ulo ko eh” Pagrarason ni Cal“Sige. Ms. Suarez, samahan mo si Mr. Mariano.” Utos ni ma’am“Sige po.” Sabi ni Ianne

Naglakad na sila papuntang clinic. Hay nako! ‘Yung dalawang ‘yun ah?

“Mr. Clemente and Ms. Villanueva, ipagpatuloy niyo na ‘yung report niyo.”

“Magandang hapon sa po inyong lahat! Nandito po kami ng kapares kong si Jared sa harapan niyo upang ibahagi an gaming naisulat na kwento. Napagkasunduan naming dalawa na sumulat ng kwento tungkol sa interes namin sa pusa. Dahil pareho kaming ahilig sa pusa… *kwento*kwento*lwento*kwento*”

Nagpalitan lang kami ng sasabihin habang nagkukwento. Naging maganda naman yung kalabaan ng storya namin at nakakuha din kami ng malaking score. Dahil sa kami ang huling pares, magsasalita na sana yung guro namin kaso, sakto naman na nagbell*kring*kring*kring*Nagpaalam na kami sa guro at naghintay sa susunod na guro. Napaka weird na talaga ng

kinikilos ni Cal. Yun bang parang may tinatago siya? Halata kasi eh. Matagal ko nang kilala si Cal kaya obvious naman na wala siya sa kanyang sarili. Yung kaninang pag-excuse niya? Halata mong nagsisinungaling lang siya. Tss. Ano ba kasing problema niya? Nag-aalala na ako sa best friend kong yun eh. Puntahan ko nalang kaya siya? Tatayo n asana ako kaso pinigilan ako ni pusa at tinanong kung saan ako pupunta.

“Saan ka?” Tanong niya“Halata naman ata na nandito lang ako diba?” Sarcastic kong sabi sa kanya. Hahahaha ‘yan! Binigyan na naman niya ao ng deathly glare niya. Hahaha lakas pag-tripan!“Hahahaha. Joke lang. Pupuntahan ko sana si Cal eh.”

“ahh” Yun lang sinabi niya tapos bumalik na naman siya sa pagbabasa. Ganda talagang kausap ng pusang panget na ‘to! =___=

Lalabas na sana ako pero sakto naman na tatayo na ako, dumating yung guro namin. Naman oh! Makikinig na nga lang!----

Ianne’s POV

Page 19: Opposites Do Attract (Wattpad)Kwentong gawa ng Mga Mag-aaral ng Pax High School

Naglalakad na kami ni Cally papuntang clinic. Masakit daw ang ulo? Tss. Sabihin niya lang na ayaw niyang making sa report nina Tiffy at Red. Tss. Straight lang siyang naglalakad habang ang kamay niya nasa bulsa. Ako naman, nasa gilid niya, sinasabayan siya sa paglalakad.“Cally? Masakit ba talaga ulo mo?” Tanong ko sa kanya.“Tss. Maya mo na ako kausapin pagdating sa clinic.” Pagsusungit niya sa ain. Bad trip talaga siya eh ‘no?“K.” Tipid kong sagot at naglakad na“May sasabihin ako sa’yo.” Bigla niyang sabi“Ano?” “Mamaya na sabi sa clinic.” Sabi niya naman“Tss.”

~Clinic~

“Anong masakit? Tanong ng nurse kay Calvin

Nakaupo lang ako dun sa sofa. Bahala siyang sumagot diyan. Halata naman talagang hindi masakit ulo niya eh.

“Ulo ko po” Sagot niya“Ge. Bago ka matulog diyan sa kama, uminom ka muna ng gamot.” –nurse

Napatingin si Cally sa’kin. Hahahaha :D aya niya nga pala sa mga gamot. Tss. Matulungan na nga. Sess! Kung hindi lang kita ma--- Aish! Wala ‘yun! Kung hindi lang kita BEST FRIEND eh!

“Uhmm. Nurse? Ako na pong magpapainom sa kanya ng gamot” Singit ko sa kanila.“Sige. Pagpahingahin mo nalang siyapagkatapos niyang uinom.” Sabi nung nurse at umalis na siya.

Humiga si Cally sa kama at ipinikit an mata niya.

“Hoy! Cally! Inumin mo raw ‘tong gamot oh! hahahahha” Pang-aasar ko sa kanya.“Whatever IANNIE :p” Ganti niya sa’kin“Ge. Alis na ako.” Nagkunwari akong nagtatampo hahaha ^___^

“Yah! ‘Wag muna!” Pagpigil niya sa’kin“Bakit?” Painis kong sabi sa kanya“May sasabihin ako…”“Ano? ^__~?” Pataray ko na naming sabi“Galit ka pa ata eh. ‘Wag nalang” -Sabi niya“k.” Umakmang aalis na sana ako kaso“Sasabihin ko na!” PAgpigil niya ulit sa’kin“Ano nga kasi?” Naiirita kong sagot sa kanya“Pwede bang…----------

Page 20: Opposites Do Attract (Wattpad)Kwentong gawa ng Mga Mag-aaral ng Pax High School

-

Kabanata 12 : Di Ko Inakala…

Calvin’s POV

Sa totoo lang hindi naman talaga masakit ulo ko eh. Tss. Ano bang gagawin ko? Di ko na talaga mapigilan na hindi magselos eh. Ewan ko ba -___- Sasabihin ko na talaga kay Iannie

“Pwede bang…” Panimula ko“Ano?” Naiinip niyang sagot“PwedembaakongtulungannamanligawkayTiffy?”“Ano ba! Ang bilis mong magsalita. Wala akong naintindihan.” Pagrereklamo niya“Pwe-de-mo-ba-a-kong-tu-lu-ngan-na-man-li-gaw-kay-TI-FFA-NY-?” by syllable kong pagsabi sa kanya“A-ano?”-

--Ianne’s POV

“Pwe-de-mo-ba-a-kong-tu-lu-ngan-na-man-li-gaw-kay-TI-FFA-NY-?” by syllable niya pa talagang sinabi sa”kin ‘yan

“A-ano?”

Aray </3 ansaket eh!

“Matagal ko na siyang gusto. Simula grade 6 pa lang tayo. Please tulungan mo ko Iannie.”

Hindi ako makaimik. Di ko alam kung anong sasabihin ko.

“PLEASE…” pagmamakaawa niya sa’kin“Pe-pero…”“Iannie.. Sige naaaaa”“Si-si-sigurado ka ba?“Siguradong-sigurado talaga ako!” Pursigidong-pursigidong pagkakasabi niya.

Natahamik ako sandali. </3 Pinipigilan ang mga luha

“Sigurado ka bang walang masasaktan sa gagawin mo?” tanong ko sa kanya“Ha? Wala.” Sabi niya“Talaga lang ah?”“Diretsuhin mo nga ako Iannie”

Page 21: Opposites Do Attract (Wattpad)Kwentong gawa ng Mga Mag-aaral ng Pax High School

Nagiging seryoso na talaga yung usapan namin. Hindi ako umimik nakayuko lang ako. Di ko na mapigilan yung luha ko. Kainis!

“MAY GUSTO AKO *sniff SA’YO CALVIN! MATAGAL NA RIN. *sniff MAS MATAGAL PA NGA KESA DIYAN SA *sniffNARARAMDAMAN MO PARA KAY TIFFANY EH! GRADE 5 PA LANG TAYO *sniff MAY GUSTO NA AKO SA’YO! PERO ANG MANHID-MANHID MO!*sniff TAPOS SASABIHIN *sniff MONG WALANG MASASAKTAN? *sniff WOW LANG AH? MAY PAKIRAMDAM KA BA? *sniff”

Napasigaw nalang ako. Buti nalang wala yung nurse dito sa clinic kasi pinatawag ng principal at wala ring ibang tao. Hindi ko na talaga kaya. Ang sakit lang na malaman na yung taong gusto mo, may gusto sa best friend mo na best friend rin niya. At ang masaklap? Nagpapatulong pa talaga siya sayong ligawan ang best friend mo. Ansaklap lang!

“So-sorry Ianne” “ha-ha-ha. O-ok lang. Wa-wala naman a-akong ka-karapatan eh. *sniff Ge mauna na ako” Paalam ko sa kanya

Naglakad na ako papuntang pinto. Pero bago ako umalis…

“So-sorry pero di ki-kita matutulungan.”

----Calvin’s POV

Di ko inakala… May gusto pala si Iannie sa’kin. Tama ba talaga na ligawan ko si Tiffany? Kaya ko bang mawala ang pagkakaibigan naming tatlo? Aish -___- Nasaktan ko pa talaga yung best friend kong si Iannie. Itutuloy ko ba? Noon, walang bumabagabag sa’kn pero ngayon MAYROON na.Di ko kayangmakita si Iannie na umiiyak.Parang…..….Parang…..

Kabanata 13 : Sigurado na ako

Tiffany’s POV

Page 22: Opposites Do Attract (Wattpad)Kwentong gawa ng Mga Mag-aaral ng Pax High School

Natapos na rin ang last period namin. Puntahan ko na kaya sina Ianne dunsa clinic?

“Panget? Sama ka?” Tanong ko kay pusa na nagbabasa na naman ng libro :3“Saan?” “Clinic.”

Tumayo na siya pero di pa rin niya inaais yung mata niya sa libro. Habang naglalakad kami patungo sa clinic, hindi kami nag-uusap kasi nagbabasa siya at ako namn, nagbabasa rin pero wattpad binabasa ko ah! Hahhaha

“Aray!” Napasigaw ako kasi naawa ako dun sa babae na character sa binabasa ko. Heart break </3“Anong nangyare?” Napatingin si Red sakin.“Wala”

Nagpatuloy na naman kami sa pag-babasa. Napatingin ako sa kanya na naging dahilan para masubsob yung mukha ko sa lupa.Napapikit nalang ako at hinihintay na masubsobPero… Wala eh...Minulat ko ang mata ko at nakita ng malapitan ang magagandang mata ni Red na sobrang lapit na sa ‘kin. Nakhawak siya sa likod ko.

“aa-ahh” Tumayo na ako at inayos ang sarili.“Sa-salamat” Nauutal kong sabi.

Ang AWKWARD >//////////////////////<

“O-ok.” –siya

Napaiwas nalang kami ng tingin sa isa’t isa. Nagpatuloy na kaming maglakad papunta ng clinic ng makasalubong namin si Ianne. Tumatakbo siya at halatang di niya kami pansin kasi nakayuko siya at umiiyak. Hahabulin ko na sana siya pero pinigilan ako ni Panget.

“Wag. Puntahan muna natin si Calvin.”“si-sige” Nag-aalangan kong sabi.

Mukhang sa clinic naman siya galling eh. Matanong na nga lang si Cal kung anng nangyari dun. Kaya nagpatuloy na kami ni Panget na maglakad papuntang clinic. Haaaay :/ ano ba kasi ang nangyari kay Ianne? Tss.

***~Clinic~

“Yah! Cal! Musta na?” Batik o agad kay Calvin“Ok lang” Sagot niya naman.

Lalim ata ng iniisip niya ngayon ah?

Page 23: Opposites Do Attract (Wattpad)Kwentong gawa ng Mga Mag-aaral ng Pax High School

“Panget, maiwan ko muna kayo. Doon lang ako sa sofa maghihintay.” Sabi ni Red at naglakad na nga siya papuntang sofa para magbasa.

“Hoy! Cal! Anong drama ‘yan? Lalim ng iniisip mo ah?” “Wala.” Tipid niyang sagot“Dito ba galling si Ianne?” “O-oo” Nauutal niyang sagot.“Anong nangyari dun? Ba’t umiiyak?” Alalang tanong ko “a-ahh..e-ehh”

Tinaasan ko lang siya ng kilay. May problema na naman ‘tong dalawang ‘to. Parang magboy friend at girl friend lang ah? Tss. Indenial pa kasi eh. Halata naming may nararamdaman na sila sa isa’t isa.

“Bakit?”“Kasi… may nasabi ako sa kanya eh.” Nakayuko niyang sabi“Ano?”“Nagpatulong kasi ako.”“Saan naman?”“Sa’yo” “Ha?”“Gusto sana kitang ligawan. Matagal na kitang gusto Tif. Simula grade 6 pa lang…”

Napahinto siya sa sinasabi niya. Nilingon niya ako at tiningnan ang naging reaksiyon ko...

“Kaso, parang nagbago lahat kanina eh. Nung nalaman kong may gusto sa’kin si Ianne. Parang biglang naglaho yung nararamdaman ko para sa’yo. Lalo na nung nakita ko siyang umiyak at naglakad papalayo sa’kin. Di ko matatangging nasaktan ako. Parang siya na yung gusto ko. Ewan. Matagal ko na siguro ‘tong nararamdaman pero pilit ko lang binabale wala. Pilit kong itinatanggi… Pero ngayon ko lang narealize at tinanggap na siya yung gusto ko.”

Napatigil ako sa sinasabi ni Calvin. Seryosong seryoso talaga siya eh. Sabi ko na nga ba at may gusto siya kay Ianne.

“Anon a ang gagawin ko?” Tanong niya“Kung ako sa’yo, ipapakita kong siya talaga ang gusto ko.”“Paano?”“Mag-effort ka.”“Salamat.”“No prob! ;) Basta kapag kailangan mo ng tulong, nandito lang ako. Don’t worry, kakausapin ko din si Ianne bukas. Tara na nga!”

Tumayo na ako, gayundin naman siya. Uuwi na kami eh. Pero pagtingin ko sa sofa, wala na si Panget dun. Tss. Saan na kaya yun? Di man lang nagpaalam. Baka umuwi na? Tch. -_-

Page 24: Opposites Do Attract (Wattpad)Kwentong gawa ng Mga Mag-aaral ng Pax High School

Kabanata 14:

Jared’s POV