Original Filipino Declamation Piece

Download Original Filipino Declamation Piece

Post on 27-Dec-2015

20.122 views

Category:

Documents

267 download

Embed Size (px)

DESCRIPTION

(2005)

TRANSCRIPT

Waaaah

BONGGANG-BONGGA

Waaaah! Takbo! Bilis! Bilis! Waaaah! Tiyang naman oh! Bat mo pinatay ang tv? Binitin mo tuloy ang panunuod ko ng horror film.

Aba! Hmm Eh ano? Manunuod ka na lang ba ng tv habang ako naghihirap para may pang bayad ka sa matrikula mo at para may lamunin ka? Aba, wala na tayong pera! At noong namatay ang mga magulang mo, namatay na rin ang mga karapatan mong mamuhay prinsesa! Pasalamat ka at pinayagan pa kitang mag-aral. Kaya Marielle, mag-sumikap ka! Hala! Lumarga ka na at ilako mo na iyang mga anik-anik mo at maka-rami ka ng benta! Hmm

Ah, sabi ko na nga po, opo! Hay naku! Grabe talaga itong si Tiyang, mala-tambutso ang bunganga. Balot, penoy, kwek-kwek, butotay! Ah ilang balot ho?

Excuse me, Day! Dili ako mahilig sa itlog noh, asan ba dito ang bahay ni Winona? Yung manghuhula ba? Eh kasi, itong pepet bingi kong amo magpapahula. Ilang linggo na kasi dili umuuwi ang asawa. Siguro may kabit, Day! Aysus! Bongga yan mag bayad, Day!

Ha? Hmm Aha! Bakit hindi? Ah, ale, wag niyo na po siyang hanapin. Ako si Marielle, ang batang pambansang manghuhula at mangkukulam ng Pilipinas!

Aysus ginoo! Balot at penoy na ba ang mga bagong bolang kristal Day?

Ha? Eh, sideline ko lang po ang pagbebenta. Eh kasi po, may tax na ata ang panghuhula ngayon kaya pahinga muna.

Ok na daw Day sabi ng amo ko.

Itik-itik-itik Espirikitum Wakado Estopado!

Ok na ba Day?

Ha! Masama, masama! May babae nga! Maganda! Ang sekretarya nila ang kabit ng asawa ng amo mo.

Hahaha! Jackpot! Simpleng esprikitik lang, bonggang-bongga ang dating! Oh diba? Eh anong magagawa ko? Nagkataon na nagkatotoo ang mga hula ko sa asawa ng pipi at bingi. Hahaha! Kaya naman, biglang dumami ang mga kliyente ko. Syempre, tuwang-tuwa ang tiyahin kong mukhang pera. Araw-araw, ibat-ibang tao ang dumarating sa bahay para sa pekeng serbisyo ko.

Ako takon si Madonna. Gusto ko takon maman-an kung naka pasar man takon sa nursing board.

Ni hao! Ako intsik tisoy. Ako gusto malaman kung aking negosyo successful o hindi.

Ako bigay sayo pirated dvd at maraming pera basta ikaw kulam mga tao di nagbabayad ng utang sa aking 5-6.

Por fabor, senyora. Mi capricho malaman ang plano ng te amo esposo ko sa anibersaryo namin. Que horror! Yo no qiero ng mga sorpresa!

O diba? Bonggang-bongga! Isang klik lang sa pag papanggap, sangkatutak na salapi agad! Paano kaya na ayon lahat ng mga kasinungalingan ko?

Oh, Marielle, hmm Heto na ang huling kustomer mo ngayong araw.

Desperadong-desperado na ko. Alam kong ikaw lang ang makakatulong sakin. Pabalikin mo ang yumao kong atsay at may sasabihin ako sa kanyang importante. Maawa ka.

Ah, ale. Hindi po ako espiritista, manghuhula po ako.

Maawa ka. Marami akong pera, magbabayad ako kahit magkano.

Magbabayad naman pala ng malaki eh. Hmm? Sige na Marielle. Hmm

Ahoo ahoo Charing Charot Charito Oh kaluluwa mo, Inday, tinatawag kita!

Oh ano? May nararamdaman ka na ba?

Wala pa eh. Pero Ha! Ikaw na ba iyan Inday? Ang yumaong atsay ng, ng ginang na ito? Tiyang, tiyang!

Diyos ko po! HmmTotoo ba ito? Hmm

Kumusta maam? Na miss mo ba ko?

Inday, salamat at nagpakita ka. Patawarin mo ko sa mga nagawa kong pagkakamali sayo. Nagsisisi na ko.

Nek-nek mo! Noong pinagbintangan mo kong nagnakaw ng arinolat pustiso mo, naawa ka ba? Binugbog mo ko hanggang sa nawalan ako ng malay at inilibing mo ko ng buhay! Ngayon, ginulo niyo ko. Magbabayad kayong lahat!

Ah, eh, sandali lng po ha. Time out po muna sa drama! Inday, sorry po. Hindi ko po sinasadyang guluhin ka. Inaamin ko na po, peke po ako, peke! Maawa po kayo, ayoko pang mamatay. Wala pa kong boyfriend!

Tumahimik ka!

Diyos ko po! Hmm Marielle, ale, hawak kamay. Manalangin tayo!At biglang lumiwanag ang kapaligiran na para bang may mga anghel na dumating sa lupa at tinulungan ako. Malaki ang pasasalamat ko dahil walang masyadong masamang nangyari sakin. Ang natutunan ko ay wala talagang mali na mananaig sa buhay. Sa ngayon

Tiyang! Bilis! Lumarga na tayo at maka-rami pa tayo ng benta! Balot, penoy, kwek-kwek, butotay!

Recommended

View more >