paga-asawa ng maaga.docx

22
Pag-aasawa nang maaga Ayon sa kasabihan ng mga matatanda “ang pag-aasawa ay hindi katulad ng mainit na kanin na kapag isinubo mo at napaso ka ay puwede mong iluwa.” Ito ay isa sa mga napakahalagang yugto sa buhay ng isang lalake at babae na dapat ay pinag- iisipang mabuti at pinaghahandaan bago pasukin. Maraming tao ang nagtatagumpay sa buhay may asawa at marami din naman ang nabibigo at may wasak na tahanan. Kapag pumasok ka sa buhay may asawa maraming bagay ang mababago sa’yo, maraming bagay ang dapat mo ng talikuran, kalimutan, at iwanan. Sa kabila ng katotohanang ito, marami pa rin ang nag- aasawa ng wala sa panahon, ang akala ng ilan, pag- aasawa ang sagot sa kanilang mga problema, akala nila ganoon lamang kadali ang buhay na ito. Marahil, masasabi lamang natin na nagging matagumpay ang buhay may asawa kapag ikaw ay nakatagpo ng taong makakasama mo sa hirap at ginhawa, sa lungkot at saya, taong magiging tapat sa’yo sa lahat ng bagay, magmamahal sa’yo habang buhay. Kapag pumasok ang isang tao sa pag-aasawa dapat ay handa na s’yang talikuran ang nakaraan, ang buhay ng pagiging binata’t dalaga, handang tanggapin at harapin ang mga bagay na posibleng mangyari, at handa sa mga pagsubok na darating sa pagpasok sa panibagong yugto ng buhay. Taglay niya ang kahandaang tumayo upang maging mabuting magulang at gabay sa paghubog sa pagiging buo at ganap na tao ng magiging mga anak nila. Kung ihahambing sa libro, kapag pumasok ka sa buhay may asawa, tapos na ang unang yugto at pumapasok na ka na sa ikalawang

Upload: jaylordparacueles

Post on 18-Jan-2016

232 views

Category:

Documents


4 download

TRANSCRIPT

Page 1: Paga-asawa ng maaga.docx

Pag-aasawa nang maaga

Ayon sa kasabihan ng mga matatanda “ang pag-aasawa ay hindi katulad

ng mainit na kanin na kapag isinubo mo at napaso ka ay puwede mong

iluwa.” Ito ay isa sa mga napakahalagang yugto sa buhay ng isang lalake

at babae na dapat ay pinag-iisipang mabuti at pinaghahandaan bago

pasukin. Maraming tao ang nagtatagumpay sa buhay may asawa at

marami din naman ang nabibigo at may wasak na tahanan. Kapag

pumasok ka sa buhay may asawa maraming bagay ang mababago sa’yo,

maraming bagay ang dapat mo ng talikuran, kalimutan, at iwanan.

Sa kabila ng katotohanang ito, marami pa rin ang nag-aasawa ng wala sa

panahon, ang akala ng ilan, pag-aasawa ang sagot sa kanilang mga

problema, akala nila ganoon lamang kadali ang buhay na ito. Marahil,

masasabi lamang natin na nagging matagumpay ang buhay may asawa

kapag ikaw ay nakatagpo ng taong makakasama mo sa hirap at ginhawa,

sa lungkot at saya, taong magiging tapat sa’yo sa lahat ng bagay,

magmamahal sa’yo habang buhay. Kapag pumasok ang isang tao sa pag-

aasawa dapat ay handa na s’yang talikuran ang nakaraan, ang buhay ng

pagiging binata’t dalaga, handang tanggapin at harapin ang mga bagay na

posibleng mangyari, at handa sa mga pagsubok na darating sa pagpasok

sa panibagong yugto ng buhay.

Taglay niya ang kahandaang tumayo upang maging mabuting magulang at

gabay sa paghubog sa pagiging buo at ganap na tao ng magiging mga

anak nila. Kung ihahambing sa libro, kapag pumasok ka sa buhay may

asawa, tapos na ang unang yugto at pumapasok na ka na sa ikalawang

yugto ng iyong buhay. Nararapat lamang na handa ka ng ibigay ang iyong

buong panahon at buhay sa iyong pinili na makasama habang buhay.

Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga kinakailangan upang

magkaroon ng matagumpay na buhay may asawa, kaugnay nito ay

naglatag naman ng batas ang ating gobyerno tungkol sa tamang edad o

Page 2: Paga-asawa ng maaga.docx

tamang panahon sa pag-aasawa. May mga batas tayong umiral at umiiral

upang saklawan ang yugtong ito ng buhay, bagaman may ilan na

nagpasiyang huwag itong pasukin. Ayon sa Republic Act No. 386, ay

ganito ang isinasaad:

Any male of the age of sixteen years or upwards, and any female of the

age of fourteen years or upwards, not under any of the impediments

mentioned in articles 80 to 84, may contract marriage.[1]

Malinaw na itinatadhana ng batas na ito ang tamang panahon kung saan

ang isang lalake at babae ay maaari ng mag-asawa o magpakasal, ito ay

sa edad na labing-apat ng isang babae at sa edad na labing-anim ng isang

lalake.

Subalit natapos ang pag-iral ng batas na ito sapagkat ayon sa Executive

Order No. 209, ito naman ang nakasaad:

Any male or female of the age of eighteen years or upwards, not under any

of the impediments mentioned in articles 37 to 38, may contract marriage.

[2]

Sa pagbabago ng batas, nagbago rin ang edad ng isang lalake at babae

upang mag-asawa at magpakasal. Idagdag pa dito ay nangangailangan

sila ng pahintulot ng kanilang mga magulang upang magkaroon ng ligal na

kapasidad upang magpakasal bagaman sila ay nasa wastong edad na

ayon sa batas. Sa kabila ng itinatadhana ng ating batas sa kasalukuyan at

ito ay nalalaman ng nakararami sa atin, Bakit pa rin marami ang nag-

aasawa ng wala sa tamang panahon o nag-aasawa ng maaga? Ano ang

mga kadahilanan at hindi maiwasan ang maagang pag-aasawa ng mga

kabataan? Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang mga kabataang

nabubuntis o nag-aasawa sa murang edad pa lamang. Ayon nga ginawang

nasa ating bansa ang “highest teenage pregnancy in Asia.”[3] Sa

katotohanan kung pagbabatayan natin ang kasalukuyang batas na umiiral,

ito ay mahigit na dalawang dekada ng kinakaharap ng ating bansa.

Page 3: Paga-asawa ng maaga.docx

Ang artikulong ito ay ginawa upang alamin ang mga salik at paliwanag

kung bakit may mga kabataan na sumusuong sa maagang pag-aasawa sa

kabila na hindi maganda ang maaaring ang idulot nito sa kanilangbuhay.

Pinuntahan namin ang isang lugar sa Masantol, Pampanga, kung saan

diumano ay may isang komunidad na mayroong mataas na porsiyento ng

maagang pag-aasawa. Upang kapanayamin ang mga kabataan, magulang,

katandaan, opisyales ng barangay, at guro. Kaugnay nito ay alamin din ang

oryentasyon na humuhubog sa mga kabataan ng Sapang Kawayan sa

kanilang pag-aasawa ng maaga.

.

Kultura at Oryentasyon

Ang pag-aasawa sa komunidad na ito ay maitutulad natin sa piso. Sa

harapan ay makikita natin ang mukha ni Dr. Jose Rizal na nakatagilid at sa

likuran naman nito ay ang logo ng Bangko Sentral ng Pilipinas, ito ang

bumubuo sa piso. Gaya ng komunidad na ito mayroong dalawang mukha

ang pag-aasawa ngunit nagmumula ito sa iisang oryentasyon. Sa

dokumentaryong ginawa ni Kara David para sa programa ng iWitness na

sumahimpapawid noong Marso 21, 2011, tampok ang komunidad na ito,

ayon sa kaniya “isa (1) sa bawat apat (4) na dalagita sa edad na labing

tatlo (13) hanggang labing pito (17) ay buntis o may anak na.”[9]

Sa pahayag niyang ito ay masasabi nating dalawampu’t limang porsiyento

(25%) ay nabubuntis o nag-aasawa ng maaga. Bagaman di binanggit ni

Kara David sa kaniyang dokumentaryo kung saang bahagi ng pamayanang

ito malaki ang bilang ng nag-aasawa ng maaga ay nakakuha naman kami

ng sagot sa ilang mga guro sa lugar na ito. Ayon kina Ma’am Jen[10],

Melissa[11], at Marcia[12], ang malaking bilang ng nag-aasawa ng

maaga ay nasa lugar na dating sakop ng Hagonoy.* Ang malaking bilang

naman na nag-aasawa sa wastong edad ayon sa batasay nasa lugar na

sakop ng Masantol.* Muli ayon kay Kara David, sa kaniyang dokumentaryo

Page 4: Paga-asawa ng maaga.docx

ay mayroong“isandaan at limampung (150) dalagita, talumpu’t walo (38) ay

buntis o may anak na bago mag labingwalo (18).[13] Ipinapakita ng mga

datos na dalawampu’t limang (25%) porsiyente ay nag-aasawa ng maaga

at pitumpu’t limang (75%) porsiyento ay nag-aasawa sa tamang edad.

Malinaw nating makikita na sa pamayanang ito na may dalawang kultura o

kaugalian ang bawat pamilya sa pagdating sa usapin ng pag-aasawa, ito

ang pag-aasawa ng maaga at pag-aasawa na nasa wastong edad. Ano ba

ang kultura o culture sa Ingles? Ayon sa Diksiyunaryo ito ang kahulugan:

Culture is a particular society or civilization, especially considered in

relation to its beliefs, way of life, or arts.[14]

Ang pakahulugang ito ng diksiyunaryo ay maliwanag na nagbibigay sa atin

ng kaunawaan sa salitang kultura. Ito ay isang isang particular na

sibilisasyong umiiral na may kaugnayan sa paniniwala at paraan ng

pamumuhay. At isa sa bahagi ng buhay ang pag-aasawa, sa yugtong ito

mayroong magkaibang kaugalian ang mga lugar na dating sakop ng

Hagonoy at ang sakop ng Masantol, ang pag-aasawa ng menor de edad o

pag-aasawa ng maga at pag-aasawa na nasa wastong edad ayon sa

batas. Dalawang kultura sa iisang pamayanan. Ano naman ang

oryentasyon o orientation sa Ingles? Muli, ayon sa Diksiyunaryo ito ang

kahulugan:

Orientation is someones basic beliefs or preferences.[15]

Karaniwang paniniwala at pangunahing pinipili, ito ang oryentasyon. Ayon

sa impormasyon na nakalap ng aming pangkat mula sa aming

pakikipanayam sa mga opisyales ng barangay, mga guro at mga

magulang, ayon sa kanila “kapag nabuntis ng lalake ang kaniyang

karelasyon o syota ay dapat na niya itong pakisamahan bilang asawa.” Sa

kanilang komunidad walang kabataang lalake na tinatakbuhan o

tinatakasan ang kanilang responsibilidad at pananaguatan kapag nabuntis

niya ang kaniyang karelasyon, at kung mayroon man napakaliit lamang ng

porsiyento. Kapag nagkaroon na ng anak ang dalawang menor de edad,

Page 5: Paga-asawa ng maaga.docx

napipilitan na silang magmatyur dahil ginusto at pinili nila iyon. Karagdagan

pa, ayon kay mang Narciso Figueroa[16],“halimbawa magkilala tayong

dalawa nabuntis na anak mo ang anak ko, mahihiya ka sa akin na hindi

panagutan ng anak mo ang anak ko, dahil dito nga ay walang

tinatakbuhan.” Ang pahayag na ito ni mang Narciso ay kinatigan naman ni

Kagawad Temi, na kapag nga nabuntis ang babae nagkakasundo na ang

mga magulang ng lalake at babae na sila ay pagsamahin na. Ito ang

oryentasyon sa kanilang komunidad, kapag nabuntis ang babae kahit pa

nga sila ay menor de edad pagsasamahin na sila bilang mag-asawa ng

kanilang mga magulang. Mga pamilyang may dalawang kultura, isang

komunidad na may isang oryentasyon pagdating sa pag-aaasawa. Kung ito

ang kanilang kultura at oryentasyon, apektado ba nito ang edukasyon at

libangan ng mga kabataan ng Sapang Kawayan?

Edukasyon at Libangan

Maraming mga suliranin o kasalatang pampamayanan ang itinuturo ng

dokumentaryo ni Kara David, sa lumalaking bilang ng mga kabataan sa

Sapang Kawayan ang nasasadlak sa maagang pag-aasawa. Una ang

kawalan ng mataas na paaralan. Kinakailangan pang dumayo ng mga nais

magpatuloy ng pag-aaral sa ibang barangay bago naitayo ang mataas na

paaralan noong 2008. Ikalawa, ang kawalan ng isang kura paroko sa

simbahan. Hindi rin palagian na nakapagdadaos ng misa maliban kung

may ikakasal at bibinyagan. Ikatlo, at higit sa lahat, ang pangungunsinti ng

mga magulang dahil ito rin ang kanilang nakagisnan mula sa kanilang mga

magulang. Bagaman hindi malinaw sa dokumentaryo kung ilan salinlahi na

mula nang makagawian ang ganitong tagpo, marahil mula’t sapol sa

pamayanan ay ganito na ang nakagawian.[17]

Sa mga suliraning nabanggit, isa sa sinabi ng sumulat ng blog ay ang

eduksayon, bago naitayo ang gusali para sa mataas na paaralan. Ano ba

ang edukasyon, ito ba ay ang pagtatapos lamang ng akademikong

asignatura sa isang paaralan? Ang edukasyon sa pinakamalaking

Page 6: Paga-asawa ng maaga.docx

kahulugan ay ang anumang pagkilos o karanasan na may isang

mapaghugis na epekto sa mga karakter isip, o pisikal na kakayahan ng

isang indibiduwal.[18] Ang edukasyon ay sadyang mahalaga sa lahat,

noon hangggang ngayon. Ang edukasyon ang pinakamatibay na

pundasyon ng isang tao. Ito rin ang tanging bagay na maaari nating dalhin

saan man tayo pumunta. At walang sinumang maaaring makaagaw nito sa

atin hanggang sa ating kamatayan.[19]

Sa Sapang Kawayan ang karamihan ng mga residente ay elementarya

lang ang tinapos o kaya naman ay di pa nakapagtapos ng elementarya,

mangilan-ngilan lamang ang nakapagtapos sa mataas na paaralan at

mabibilang sa daliri ang nakatapos ng kolehiyo. Kaya ang malaking

porsiyento ng mga kabataan dito pagkatapos ng elementarya ay pag-

aasawa na ang hinaharap. Subalit ng maitayo ang mataas na paaralan

noon ngang 2008, marami sa mga kabataan ang nagkaroon ng pag-asa na

makapagpapatuloy sila ng pag-aaral sa mataas na paaralan.

Nakapagbibigay sigla ang pahayag ni Ma’am Ana, na may mga

nagsipagtapos sa mataas na paaralan noong 2012 na ang edad ay

dalawampung (20) taon hanggang dalawampu’t anim (26) na taon.

Ayon sa mga guro ay bumaba ang bilang ng mga nagsisipag-asawa ng

maaga sa kanilang komunidad. Taliwas naman ito sa naging pahayag nina

Janine Puno at Maan Unlayao na mga kabataang nagsipag-asawa (si

Janine ay hiwalay na) mga kabataang kinapanayam ni Kara David sa

kaniyang dokumentaryo. Ayon sa kanila “tumaas pa nga ang bilang ng mga

nagsisipag-asawa ng maaga, dahil nga nandoon lang din naman sila sa

kanilang lugar. Hindi kagaya dati na ang mga nais makapagpatuloy ng pag-

aaral sa mataas na paaralan ay lumilipat pa ng ibang barangay o karatig

bayan at lingguhan na lang kung umuwi.” Ayon naman kina Ma’am

Melissa, Marcela, at Ana, kaya parang tumaas pa ang bilang ng mga

nagsisipag-asawa ng maaga dahil hindi katulad ng dati na hindi mo agad

malalaman dahil nga pagkatapos ng elementarya tumitigil na ang

Page 7: Paga-asawa ng maaga.docx

karamihan. Hindi katulad ngayon na malalaman mo agad, kasi kapag hindi

na pumasok sa klase magtatanong ka na kung bakit hindi na pumapasok,

malalaman mo na lang nag-asawa na pala.

Nabawasan nga ba o nadagdagan ang bilang ng mga nagsisipag-asawa

ng maaga ng magkaroon ng mataas na paaralan sa kanilang komunidad?

Ayon kay G. Eduardo Yabut, punong guro ng mataas na paaralan, di man

nalunasan ng pagkakaroon ng mataas na paaralan ang isyu ng maagang

pag-aasawa, sa isang banda pinatagal nito, di gaya ng dati ay nag-aasawa

na ang kabataan pagkatapos ng elementarya. Bagaman may ilang kaso pa

rin na habang kasalukuyang nag-aaral ay nabubuntis o nag-aasawa na, na

nagiging dahilan ng kanilang pagtigil sa pag-aaral. Ang halimbawa nga nito

ay sina Janine at Maan, mga kabataang maagang hinarap ang

responsibilidad ng pagiging ina, bagaman si Janine ay nagpatuloy sa pag-

aaral at magtatapos ngayong Marso 2013.

Isa pa sa maaring sanhi nito ay pagsasama sa isang lugar ng mababa at

mataas na paaralan. Maaring sa kasalukuyan ay naging malaking bagay

para sa mga residente dito at sa mga gurong dito na nakatira ang

pagkakaroon ng mataas na paaralan. Subalit hindi nila nakikita ang

malakiat pangmatagalang epekto nito sa buhay ng mga mag-aaral sa

mababang paaralan. Dahil sa kanilang bulnerabiliti ay maaari silang

direktang mapinsala lalo na sa bahagi ng moralidad. Dahil nga tanggap at

normal na bahgi na ng kanilang pamayanan ang pag-aasawa ng maaga at

ito ay nagsisimula sa mga mag-aaral na nasa mataas na paaralan. May

mga gawi at kaugalian ang mga kabataan na maaring maging banta para

sa mga batang mag-aaral. Gaya ng naging kuwento ni Ma’am Jen, isang

guro sa ika-apat na baitang, ayon sa kaniya, mayroon siyang isang mag-

aaral na babae na edad siyam (9) na taon na mayroon ng karelasyon at

ang nakakagulat dito ay “nakikipaghalikan na sa kaniyang karelasyon sa

publiko.” Ayon pa sa kaniya “ngayong nasa ika-apat na baitang pa lang

ganun na yung ginagawa, ano pa kaya paglipas ng panahon, ano pa ang

Page 8: Paga-asawa ng maaga.docx

gagawin niyon.” Ipinagbigay-alam niya sa magulang ng bata ang bagay na

ito, balewala lang din, ni hindi binigyang pansin. Nakakaapekto sa mga

mag-aaral sa mababang paaralan ang kanilang nakikita sa mga mag-aaral

sa mataas na paaralan. Idagdag pa dito ang nakagawian sa buhay ng mga

kabataan pagkatapos ng maghapong klase balik sa komunidad, sa

kanilang libangan. Ano kanilang ang libangan?

Ang libangan ay kung ano ang gustong-gustong gawin ng tao.

[20] Limitado ang libangan ng mga kabataan sa Sapang Kawayan, dahil

nga ito ay isang lugar na napaliligiran ng tubig. Nakausap ng aming

pangkat sina Welcon Cervantes at Maila Figueroa, mga mag-aaral na nasa

ikatlong taon sa mataas na paaralan. Nagtanong ang aming pangkat sa

kanila, ano ang karaniwan nilang libangan at ng mga kabataan dito sa

Sapang Kawayan? Basketball ang sagot ni Welcon, badminton,

pagbibisikleta, paglalaro ng kompyuter, at pagdyuti sagot naman ni Maila.

Napukaw ang aming pansin ng isang sagot ni Maila, ang salitang pagdyuti.

Kaya’t tinanong namin siya, Ano yung pagdyuti, o dyuti, tanong namin?

Ayon kay Maila, “ito ang karaniwang ginagawa ng mga kabataan pagsapit

ng gabi. Nagkikita at nag-uusap ang mga magkakabarkada,

nagpapakilalahan, nagliligawan o nag-uusap ang mga magsyota sa dilim”.

Pagliligawan, bahagi ng libangan ng mga kabataan sa komunidad na ito.

Sa pahayag na ito ni Maila, mapapansin na hindi na pupuwede dito ang

makalumang paraan ng panliligaw ng mga kalalakihan upang magkakilala

silang lubos ng babaeng kanilang napupusuan.

Ayon sa mga guro, mga opisyales ng barangay, at mga magulang ay hindi

lingid sa kanilang kaalaman ang ginagawang ito ng mga kabataan. Ayon

din sa kanila karaniwan na itong gawi at libangan ng mga kabataan sa

kanilang lugar. Sa panig ng mga opisyales ng barangay, wala daw silang

magawa kahit maglagay pa ng karpyu ay tinatakbuhan lang naman sila. Sa

mga magulang naman kapag binawalan nila ay tatakas lang at

magrerebelde pa kaya hinahayaan na lang nila. Dahil dito, nagtanong ang

Page 9: Paga-asawa ng maaga.docx

kami sa mga guro na sina Ma’am Ana, Jen, at Marcela, kung irereyt po

ninyo mula isa (1) hanggang sampu (10), sampu (10) ang pinakamataas,

ilan po ang mga magulang na hinahayaan ang ganitong gawi o libangan ng

kanilang mga anak? Walo ang sagot nina Ma’am Analen at Jen, pito

naman ang sagot ni Ma’am Marcia. Napakataas na porsiyento, pagka’t

lumalabas na pitumpung porsiyento (70%) hanggang walumpung

porsiyente (80%) ng mga magulang ay hinahayaan ang kanilang mga anak

sa ganitong kaugalian.

Muli ay tinanong ng namin si Maila, bilang kabataan, yun bang pag

dyudyuti o pagliligawan ay bahagi ng inyong libangan. Ang sagot niya

ay“Oo! kasi nga wala namang gaanong mapaglibangan at magawa dito sa

amin.” Ang tanong na ito ay hindi rin naiwasan ng aming pangkat na

maitanong sa mga guro at isinama na rin namin si Ma’am Melissa, isang

guro sa kinder, pamilyar po kayo sa salitang “dyuti?” Oo! Ang kanilang

naging sagot. Kasunod nito ay, sa inyong pananaw bilang mga guro,

masasabi nyo ba na ito (dyuti) ay bahagi ng kanilang libangan? Iisa halos

ang kanilang naging sagot, “Oo! Dahil nga sa walang gaano o ibang

mapaglilibangan ang mga kabataan dito kaya doon nababaling ang

kanilang atensyon, di gaya sa ibang lugar sumakay ka lang ng traysikel o

dyip ay may mapupuntahan ka na. Dito saan ka pupunta? Eh!

Napapaligiran kami ng tubig.”

Sa pagliligawan ng mga kabataan, dalawa ang kanilang pamamaraan, una

ay personal yung magpapaalam sa magulang ng babae, at ikalawa ay sa

pamamagitan ng teks, kapag hindi pumayag ang magulang. Kung papayag

ang magulang, gaano naman ang edad na ito ay papayagan ng magulang

na maligawan, ayon kay Maila, ay labing-apat (14). Tinanong siya ng isa sa

aming pangkat, halimbawa nagustuhan kita, sa edad mong labing-apat (14)

maaari na ba kitang ligawan? “Oo naman!” Sagot niya. Sa palagay mo

gaano ang porsiyento ng mga magulang na papayag ligawan ang kanilang

anak na babae sa edad na labing-apat (14)? Irereyt mo siya mula isa (1)

Page 10: Paga-asawa ng maaga.docx

hanggang sampu (10), “tatlo (3)” sagot niya, Ang kaniyang sagot ay halos

tumutugma sa dalawampu’t limang porsiyento (25%) na nag-aasawa ng

maaga. Sa ganitong kagawian at kalakaran sa buhay ng mga kabatan, may

papel ba ang gobyerno at lokal na pamahalaan sa isang komunidad na tila

kay layo sa sibilisasyon?

Geograpikal na Lokasyon at  Programa ng Gobyerno

Matapos na sumahimpapawid ang dokumentaryo[21] ni Kara David para

sa iWitness nabigayan ng pansin ang komunidad na tila nawala sa pansin

ng marami sa mga liderato natin sa pamahalaan at maging ng lokal na

pamahalaan. Dahil sa pagkakatampok ng kanilang komunidad sa

programang nabanggit. Napansin hindi lamang ang kanilang komunidad

kundi ang buong bayan ng Masantol. Nakarating sa buong bayan ng

Masantol partikular sa kanilang komunidad ang programa ng isang

ahensiya ng ating gobyerno, ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4

P’s ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Kumusta na ang programang ito ng ating gobyerno? Tanong ng namin kay

Ma’am Marcia, partikular yung Family Development Session (FDS) na

bahagi ng programang 4 P’s? Nag-isip siya, “isang beses palang yata na

nagkakaroon nito,” sagot na waring walang katiyakan. Ayon pa nga sa

kaniya ay “napakahirap makuha ang pakikiisa ng mga magulang kapag

ganito ang paksang pag-uusapan, pero kapag may biyaya o rasyon kahit

hindi ka na magpatawag siguradong magsisidating sila,” hindi lang sa po

sa inyong nangyayari iyan, sagot naman ng aming pangkat.

Ito marahil ang epekto ng maagang pag-aasawa, may mga bagay pa sana

na nais silang gawin sa buhay subalit dahil sa pagharap sa responsibilidad

ng pagpapamilya o ng pagiging magulang ay hindi na nila nagawa. Mga

indibiduwal na naging magulang dahil nagka-anak lamang. Ngunit kulang

Page 11: Paga-asawa ng maaga.docx

ang kaalaman sa tunay na kahulugan ng pagiging magulang. Ayon pa nga

kay Ma’am Jen, “may mga ina na tila walang pakialam sa kanilang mga

anak, may mga ilan pa nga na ang katuwiran ay naipanganak na kita at

nabigyan ng buhay, bahala ka na sa buhay mo!” Tila ba buhay sa

kagubatan “survival of the fittest” wika nga sa Ingles, sa gitna ng isang isla.

Iyan ang isa sa mukha ng pamilya ng makabagong henerasyon sa Sapang

Kawayan. Kung ganito, anong gawi o kaugalian ang mahuhubog sa mga

kabataang sumibol sa henerasyong ito? May ginagawa ba ang

pamahalaang lokal?

Tinanong ng namin ang mga opisyales ng barangay. Anu-ano ang mga

programa ng gobyerno at lokal na pamahalaan ang palagiang nakakarating

sa inyong komunidad ng palagian? “Wala!” Sagot nila, “kung hindi pa nga

kami siguro naipalabas sa telebisyon baka hindi pa nakarating dito sa amin

yung 4 P’s. Katulad niyan kung hindi pa maghahalalan hindi pa siguro

magagawa ang aming daan. Kadalasan, naalala lang kami ng mga pulitiko

kapag maghahalalan o kaya kapag may kalamidad.” Sa kabuuan ay

napakaliit lamang ng porsiyento ng mga programa ng ating gobyerno

maging ng lokal na pamahalaan ang nakakarating sa kanila. Sa kanilang

komunidad na pana-panahon lamang ang pagdating ng mga programa ng

ating pamahalaan, tila kayhirap nilang maramdaman ang pag-unlad ng

ating ekonomiya na ipinagmamalaki ng mga lider natin sa pamamagitan ng

midya. Ang midya at kultural na merkado sa komunidad na waring napag-

iwanan ng sibilisasyon, ang implikasyon nito sa mga kabataan.

Analisis 

Bilang pag-aanalisa, ang oryentasyon na humuhubog sa mga kabataan ng

Sapang Kawayan, Masantol, Pampanga sa maagang pag-aasawa ng mga

kabataan ay ang nakaugaliang pananaw ng mga mamamayan dito, Kapag

nabuntis ang babae, dapat na itong pakisamahan ng nakabuntis sa kaniya.

Malaking sanhi din ang kanilang lokasyon kung bakit sila nakulong sa

pananaw na ang kasunod na hakbangin pagkatapos mag-aral sa mababa

Page 12: Paga-asawa ng maaga.docx

at mataas na paaralan ay pag-aasawa. Bihira na silang lumabas sa

kanilang komunidad at wala silang masyadong kaalaman sa ibang uri pa

ng pamamaraan sa buhay.

Gayundin ang pagiging tanggap sa kanilang komunidad sa sitwasyong

kinasadlakan ng dalawampu’t limang (25%) porsiyento ng mga kabataan

dito, ang pag-aasawa ng maaga.  Ito ang nagbibigay lakas ng loob sa mga

kabataan upang hindi magdalawang isip sa panibagong yugto ng buhay na

kanilang susuungin. Wala silang matanggap na pagpula sa mga kapamilya,

kaibigan at sa buong komunidad dahil nga sa ito ay isang karaniwan ng

pangyayari sa kanila.

Magkagayunman ang isa sa napansin namin sa kanilang komunidad ay

napakaliit ng porsiyento ang nagkakahiwalay at nawawasak na pamilya sa

pisikal. Kahit pa nga sabihing mga menor de edad pa sila nagsipag-asawa.

Maaring hindi maiuugnay ang kanilang maagang pag-aasawa upang

magkaroon ng kahandaan dahil sa kanilang simpleng pamumuhay. Ang isa

pa sa kanilang pag-aasawa ay maiuugnay, una, sa salik na hindi

nagugutom ang kanilang pamilya, pangalawa, ay halos magkakamag-anak

o magkakaibigan ang mga nasa komunidad. Sabalit ang sitwasyong ito ay

maaaring magbago.

Sa kalaunan kung hindi mabibigyan ng kaukulang pansin ng mga

kinauukulan ang dalawampu’t limang (25%) porsiyento ng kabataan na

nag-aasawa ng maaga. Ang datos na ito ay maaaring lumaki pa dahil sa

isang oryentasyon ng komunidad. Magpapalaki ito ng kanilang populasyon

at magpapaliit naman ng kanilang pinagkukunan para sa pang-araw-araw

na ikabubuhay.

Sa ngayon ay kapansin pansin na ang epekto sa kanilang komunidad ang

epekto ng maagang pag-aasawa. May mga magulang na dapat sana’y

Page 13: Paga-asawa ng maaga.docx

maging gabay at bukal ng pagmamahal na nagiging maramot sa

pagkakaloob nito sa kanilang mga anak. Dahil na rin marahil sa

paghahanap nila at pagnanais na mapunan ang kakulangan sa kanilang

sariling pagkatao na inagaw ng maagang pag-aasawa at pagharap sa

responsibilidad na kaakibat nito. Bunga nito, ay hinahanap ng kanilang

mga anak ang kalinga, pagtanggap, at importansiya sa mga kaibigan at

kakilala na inisip nilang bubuo sa kanilang pagkatao. Subalit, sa huli ay

nasadlak rin sila sa sitwasyon na pilit sana nilang tinatakasan. Sa

paghahanap nila ng lunas ay nakakatagpo nila ang isang indibiduwal na

nagnanais ding mapunan ang kakulangan sa kanilang pagkatao. Ito ay

nauuwi sa pagsasama ng dalawang indibiduwal na parehong may puwang

sa kanilang pagkatao. Mula sa mga ito ay sisibol ang panibagong buhay na

sa katagalan ay maghahanap din ng pupuno sa kaniyang pagkatao…

hanggang kalian?

Sa situwasyong ito malaki ang maiaambag ng istruktura ng edukasyon sa

komunidad na ito kung mauunawaan nilang lubos ang tunay na kahulugan

ng edukasyon. Ito ay pagkatuto hindi lamang sa mga asignaturang pang-

akademiko kundi maging sa anumang pagkilos o karanasan na may isang

mapaghugis na epekto sa mga karakter isip, at pisikal na kakayahan ng

isang indibiduwal. Sa teknikal na kahulugan, ang edukasyon ay ang

proseso kung saan ang lipunan o komunidad ay kusang nagpapadala ng

kaniyang naipon na kaalaman, kasanayan at ang mga halaga nito mula sa

isang henerasyon patungo sa iba.

Ang kasalukuyang istruktura ng edukasyon na magkasama sa isang lugar

ang mababang paaralan at mataas na paaralan ay maaring magdulot ng

pakinabang at pinsala sa susunod na henerasyon. Kung hindi mabibigyan

ng kaukulang pansin, ang isang kaso na nabanggit sa artikulong ito ay

maaring madagdagan pa. Paglabas nila sa apat na sulok ng silid-aralan ay

lantad ang mga menor de edad at mga kabataan sa malawak na

Page 14: Paga-asawa ng maaga.docx

pangyayari sa kanilang komunidad. Isang dako na mapanganib para sa

isang murang isipan sapagkat ang anumang nagiging kalakaran ng buhay

dito ay matutularan ng mga nila. Mga kaugaliang hindi lamang nila nakikita

sa komunidad kundi maging sa bakuran ng paaralan.

Ang mataas na paaralan ay nagbukas ng pintuan ng pag-asa sa mga

kabataan tungo sa katuparan ng kanilang mga pangarap. Pintuan para sa

mga kabataang tumatanaw sa hinaharap na ang mahabang panahon ng

paghihintay at pagkakalayo sa sariling pamilya upang ito ay tuparin ay

maikli na lang. Kung dati ay walong (8) taon o higit pa na sila ay

mawawalay sa kanilang pamilya, ngayon ay apat (4) na taon lang. Ang

apat (4) na taong ito ay kanilang ilalaan na lamang para sa ganap na

katuparan ng karera sa buhay na nais nilang makamatan. Subalit may

banta…

Banta ng lokasyon na kanilang kinalalagyan hindi lamang ng komunidad

kundi maging ng tahanan na kanilang kinabibilangan. Mga tahanang may

haligi nga ay walang tatag, may ilaw ngunit walang liwanag! Sila na naging

malapit lang ang pagtanaw, pagtanaw na patungo lang din naman sila sa

pag-aasawa, bakit pa sila magpupursige sa pag-aaral. Mga gabay na

walang tibay, pagka’t ang nakikita lamang ay ang katotohanang ang anak

na pinala ay aalis at haharapin ang panibagong yugto ng buhay, ang buhay

may asawa. Ngunit kapos sila sa hangaring ihanda ang susunod na tatayo

sa kanilang kinalalagyan ngayon, upang di na  danasin pa ng susunod sa

kanila ang kanilang kinasdalakan sanhi ng kapusukan at pagiging mausisa.

Sa komunidad na may malaking isyung kinakaharap, may mga lider na

pinili’t pinagtiwaan. Sa pag-asang sila ang magbibigay at tutugon sa

kanilang pangangailangan na makapaghanda ng isang matatag at may

kahusayang mamamayan. Humubog sa makabagong henerasyon tungo sa

pag-aangat ng kanilang komunidad, na wari bang nawala na sa

Page 15: Paga-asawa ng maaga.docx

kasaysayan. Masakit mang sabihin! Ngunit sa aming paghahanap ng mga

tala para sa kanilang komunidad ay wala kaming nakuha. Maliban sa

aming nakuha sa pamamagitan ng pakikipanayam sa ilang mga residente

dito.

Tila kay hirap isipin ang kahihinatnan ng mga kabataan at ng mga

papasibol na henerasyon. Wala ng natatamong lingap sa tahanang pisikal

nilang kubluhan, wala pa ring lingap na natatanggap sa kinauukulan, upang

linangin ang kanilang kahusayan. Maliban sa panaka-nakang tulong sa

panahon ng kalamidad at sa limos na natamo mula sa gobyerno, dahil sa

pagkakatampok ng kanilang komunidad sa isang programa sa telebisyon.

Isang komunidad na naaalaala at nakikilala lamang pagkatapos ng tatlong

(3) taon. Nanghahawakan sa “pag-asa laban sa kapwa pag-asa” na isang

araw ay darating at maluluklok ang tunay na lider na mag-aangat sa

minamahal nilang komunidad. Magniningning din ang Sapang Kawayan!

Hindi dahil sa isyu ng mataas na porsiyento ng mga kabataang maagang

binitiwan ang kamusmusan at piniling bitbitin ang pagka magulang. Kundi

dahil sa mga kabataang isinulong ang kanilang kahusayan pagka’t sila ang

bagong henerasyon na magpapala’t kakalinga sa henerasyong

susmusunod sa kanila. Kay gandang pangarapin! Ngunit bagong

henerasyong ito ay lantad sa maling paggamit ng midya at kultural na

merkado.

Ang midya at kultural na merkado ay malaking banta dahil sa pinsalang

dala nito kapag ito ay hindi ginamit ng tama. Mayaman ito sa maraming uri

ng impormasyon ngunit ang karamihan ay basura. Ikaw, gusto ma ban g

basura sa loob ng iyong tahanan? Tiyak ang sagot mo ay hindi. Lahat tayo

ay ayaw ng basura sa loob ng ating tahanan, kaya ito ay itinatapon natin sa

labas. Ang dala ng midya kultural na merkado ay hindi literal na basura, ito

ay basura ng kaisipan! Ang midya at kultural na merkado ay hindi masama

Page 16: Paga-asawa ng maaga.docx

per se. Sapagkat malaki ang pakinabang na kaloob nito sa atin, kung ito ay

gagamitin natin ng tama.

Marami ang ginagamit ito sa maling pamamaraan, tulad ng paggawa ng

malalaswang panoorin at babasahin. Ito ay tinatangkilik naman ng

karamihan kaya lumalaganap. Ito ay nakararating kahit pa nga sa mga

lugar na napaliligiran ng tubig, gaya ng Sapang Kawayan. Isa ito sa mga

nagiging sanhi ng maagang pag-aasawa ng mga kabataan at

nakakaapekto maging sa kanilang gawi at kaugalian. Dahil kadalasan,

kung alin ang basurang programa yung ang tinatangkilik, kung alin naman

ang pakikinabangan ay di binibigyang-pansin. Ang katuwiran pa nga ng

iba, gastos lang yan!

Tunay na ang midya at kultural na merkado ay may malaking implikasyon

at kontribusyon sa buhay ng isang tao. Alalahanin natin, ito ang ginamit na

instrumento ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal, upang

pukawin at gisingin ang damdamin ng lahing kayumanggi na may maalab

na pagmamahal sa sariling bayan. Sinulat niya Noli Me Tangere at El

Filibusterismo na siya namang nagkaroon ng malaking epekto sa mga

Pilipino. Dahil dito nagkaroon tayo ng adhikain na bawiin an gating

tinubuang lupa mula sa mga mapang-api at mapang-abusong prayle.

Ito ay ilan lamang sa mga epekto ng midya at kultural na merkado.

Maaaring magamit ito sa mabuti at maaari rin naman na sa masama.

Anuman ang piliin nating paraan ng paggamit nito sa ating buhay. Tiyakin

nating wasto ang paraan upang matamasa ang kaayusan at katumpakan

sa ating minamahal na inang bayan.

Konklusyon

Page 17: Paga-asawa ng maaga.docx

Ang maagang pag-aasawa ng mga kabataan sa Sapang Kawayan ay nag-

ugat sa mapanganib na oryentasyon(kapag nabuntis, panagutan) na siya

nilang pinanghahawakan. Ito’y dinilig ng mga gawi at kaugaliang taliwas sa

pamantayan ng wastong asal at moralidad. Kinalinga ng maling paggamit

ng midya at kultural na merkado, sa isang komunidad na tigang sa tunay

na kahulugan ng edukasyon.

Rekomendasyon

Matapos mailahad ang mga salik at paliwanag tungkol sa oryentasyon na

humuhubog sa mga kabataan ng Sapang Kawayan. Hangad namin na

maipaabot sa kinauukulan ang aming rekomendasyon. Maaring hindi nito

matuldukan o mahanggahan ang maagang pag-aasawa (pagka’t ito’y sarili

nilang desisyon) sa Sapang Kawayan. Sa pamamagitan naman nito,

marahil ay mapapaliit o mapapababa ang dalawampu’t limang (25%)

porsiyento ng maagang pag-aasawa. Sa isang banda, kung hindi

mabibigyan ng kaukulang pansin ay maaari pang lumaki o tumaas.

Ang mga sumusunod ay ang rekomendasyon ng aming pangkat. Una, ang

pagsusulong ng kahusayan ng mga kabataan o youth empowerment.

Upang  mailayo sila sa kanilang gawi at kaugalian, lalo na sa pagdyudyuti.

Kadalasan ito ang pinagsisimulan ng kanilang pag-aasawa ng wala pa sa

panahon. Ikalawa, ang seryoso ngunit maingat na pagpapatupad ng mga

batas at ordinansa na umiiral. Maipabatid at maipaunawa sa ito sa mga

kabataan na ito ay hindi paghihigpit sa kanila, kundi ito’y para na rin sa

kanilang seguridad at kaligtasan. Sapagakt isang araw ay lalabas sila sa

kanilang komunidad, sa malaking bahagi ng lipunang kanilang ginagalawan

at kinabibilangan. Ikatlo, pagdadala at paglikha ng mga programang

pangkabuhayan, lalo na sa mga kababaihan na naiiwanan sa kanilang

tahanan kasama na rin dito ang mga kabataan. Ika-apat at panghuli,ay ang

pagpapanatili at pagpapayaman ng magandang kultura at isulong ang

kahusayan ng mga mamamayan ng Sapang Kawayan.

Page 18: Paga-asawa ng maaga.docx