pagdiriwang sa pilipinas

7
Mga Festivals ng Pilipinas Ati-Atihan Festival Ipinagdiriwang tuwing ikalawa hanggang ikatlong linggo ng Enero kada taon ang pista ng Ati-atihan sa Kalibo, Aklan, bilang pagdakila sa Santo Niño. Nagpapahid ng uling sa mukha at katawan ang mga mananayaw, samantalang patuloy ang ritmo ng tambol na waring nagsasagutan sa himig ng “Hala, Bira!” Makikilahok ang buong bayan sa pista, magbabahaginan ng pagkain at inumin, at isang linggong malalango ang mga lansangan. Hinango ang pista sa maalamat na pagtatagpo ng mga katutubo at ng mga Kristiyanong mananakop, at ang pagsamba sa Santo Niño na malimit hinihingan ng milagro.

Upload: jhen-mambil

Post on 15-Apr-2017

536 views

Category:

Education


3 download

TRANSCRIPT

Page 1: Pagdiriwang sa pilipinas

Mga Festivals ng Pilipinas

Ati-Atihan FestivalIpinagdiriwang tuwing ikalawa hanggang ikatlong linggo ng Enero kada taon ang

pista ng Ati-atihan sa Kalibo, Aklan, bilang pagdakila sa Santo Niño. Nagpapahid ng uling sa mukha at katawan ang mga mananayaw, samantalang patuloy ang ritmo

ng tambol na waring nagsasagutan sa himig ng “Hala, Bira!” Makikilahok ang buong bayan sa pista, magbabahaginan ng pagkain at inumin, at isang linggong malalango

ang mga lansangan. Hinango ang pista sa maalamat na pagtatagpo ng mga katutubo at ng mga Kristiyanong mananakop, at ang pagsamba sa Santo Niño na

malimit hinihingan ng milagro.

      

Sinulog FestivalAlay ito sa Sto. Nino at sa tuwing Sinulog Festival ay libo-libong mga deboto ang

tradisyonal na nagtutungo sa Cebu upang magbigay ng pasasalamat at magdasal. At sa mga turista ay kasiyahan naman ang naghihintay sa kanilang pagdating at

tipong Rio Carnival at mardigras ang tema ng Sinulog Festival.

Page 2: Pagdiriwang sa pilipinas

Pahiyas Festival         

   Ang pahiyas festival ay isang makulay at magarbong selebrasyon bilang pagdakila kay San Isidro Labrador, ang patron saint ng nga mgasasaka, bilang pasasalamat sa masaganang anihan. Bawat bahay sa tabi ng mga kalsada sa Lucban ay nilalagyan

ng mga palamuti gamit ang mga ibang naani ng mga magsasaka. At ang pinakahighlight ng pistang ito ay ang tinatawag na “"kiping". Ito ay wafer na gawa

sa bigas na may iba’t-ibang kulay. Ang mga Lucbanos ay may mga sari-sariling disenyo kada taon at dito nila naipapakita ang kanilang talento sa  pagiging

artistiko sa pagpapalamuti ng kanilang mga bahay.

  

Moriones FestivalAng Pista ng Moriones ay isa sa makukulay na pagdiriwang sa pulo ng Marinduque.

Ang Morion ay nangangahulugan “maskara”, na parte ng armor ng Romano na ipinapantakip sa mukha noong panahong Medyibal. Ang Moriones ay ang mga taong

nakasuot ng maskara at nakagayak, na nagmamartsa paikot sa bayan, sa loob ng pitong araw sa paghahanap kay Longhino. Ang isang linggong pagdiriwang na ito ay

nagsisimula sa Araw ng Lunes Santo at nagtatapos sa Pasko ng Pagkabuhay.

Page 3: Pagdiriwang sa pilipinas

Panagbenga FestivalAng Pista ng Panagbenga o ang Pista ng mga Bulaklak ng

Baguio (Ingles: Panagbenga Festival, Baguio Flower Festival) ay ang taunang kapistahan sa Lungsod Baguio na idinaraos sa buong buwan ng Pebrero.

Ipinagmamalaki dito ang kasaganahan ng mga bulaklak sa Baguio gayun din ang mayamang kultura nila kung kaya't ito ay dinarayo taon-taon ng mga turista. Ang salitang panagbenga ay may kahulugang, "panahon ng pagyabong, panahon ng pamumulaklak". Tatak nito ang magarbong kaayusan ng bulaklak, sayawan sa kalye, flower exhibit, paglilibot sa hardin, paligsahan ng pagayos ng bulaklak,

maningning na pagsabog ng mga paputok, at iba pa.

Kadayawan FestivalAng Pista ng Kadayawan sa Dabaw ay isang linggong selebrasyon ng

pasasalamat para sa masaganang ani. Ito ay ipinagdiriwang tuwing ikatlong linggo ng Agosto sa Lungsod ng Davao. Ang salitang “Kadayawan” ay nagmula sa

katutubong salitang “dayao” na ang ibig sabihin ay “madayaw” – isang ekspresyon na ginagamit din upang paliwanag ang mga bagay na mahalaga, maganda, mabuti

Page 4: Pagdiriwang sa pilipinas

at kapaki-pakinabang. Sa Mandaya, ito ay tumutukoy sa isang magandang bagay na nagdadala ng suwerte.

Peñafrancia FestivalNagsisimula ang pagdiriwang ng Peñafrancia Festival tuwing ikatlong Sabado ng

Setyembre sa lalawigan ng Naga, Bikol. Ang festival ay ang pinakamalaking pista ng Marian sa buong bansa. Tinagurian din itong isa sa mga nangungunang festival ng

pinagsamang relihiyon, kultura at tradisyon sa siyam na araw na pagdiriwang. Kasama sa selebrasyong ito ang mga parada, iba't ibang isports, trade fairs at

pagtatanghal, karera ng mga bangka, tanghalang pangkultura, timpalak pangkagandahan, at iba pang mga nakakasiglang kumpetisyon.

Masskara Festival

MassKara FestivalAng MassKara Festival ay ipinagdiriwang sa Bacolod tuwing Oktubre. Kilala ito

bilang isa sa pinakamakulay na pagdiriwang sa buong Pilipinas. Ang mga kalahok sa pagdiriwang na ito ay nagsusuot ng makukulay na maskara. Nakangiti ang mga nasabing maskara na sumisimbulo ng ugali at pagkakakilanlan sa mga residente ng

Page 5: Pagdiriwang sa pilipinas

Bacolod bilang lungsod ng mga ngiti. Ang MassKara ay mayroong dalawang kahulugan. Una, ito ay resulta ng pinagsamang Ingles na salitang “mass” na ang ibig sabihin ay “marami” at Español na salitang “kara,” na nangangahulugan ng

“mukha.”

Lechon FestivalAng Parada ng mga Lechon ay itinatanghal tuwing ika-24 ng Hunyo, taon-taon, sa Balayan, Batangas. Ang parada ay upang ipagdiwang ang pista ni San Juan Bautista,

ang patron ng mga taga-Balayan, sa pamamagitan ng pagbibihis sa mga lechong baboy at pagpaparada nito sa buong bayan.

Kaamulan FestivalAng Kaamulan Festival ay isang pagdiriwang na ginaganap sa lalawigan

ng Bukidnon tuwing ika-3 hanggang ika-7 ng Marso.

Page 6: Pagdiriwang sa pilipinas

Ang salitang “kaamulan” ay nagmula sa salitang Binukid na “amul”, na nangangahulugan “tipunin”. Isa itong makabuluhang pagtitipon ng mga kasapi ng

tribo sa Bukidnon. Maaari itong maging isang ritwal sa pagiging datu, isang seremonya sa kasal, isang pagdiriwang ng pasasalamat tuwing panahon ng ani,

isang kasunduan sa kapayapaan o lahat ng mga ito.

Proyekto sa

Filipino

Mga Festival sa Pilipinas