paglinang ng filipino

7
Tolentino, Stephanie A. EFR2-1 1.3.3 MGA KAILANGANIN SA PAGLINANG NG FILIPINO.

Upload: steff-tolentino

Post on 25-May-2015

2.531 views

Category:

Education


12 download

DESCRIPTION

Fil1 Report

TRANSCRIPT

Page 1: Paglinang ng Filipino

Tolentino, Stephanie A. EFR2-1

1.3.3 MGA KAILANGANIN SA PAGLINANG NG

FILIPINO.

Page 2: Paglinang ng Filipino

Unang –una, kailangan nating gamitin ang wikang Filipino para malinang ito. Para mas maging pino, mapagyaman, madagdagan, at manatiling buhay.

Katulad ng ebolusyon ng mga hayop. Mula sa mga dinosaur na naging modernong reptiles.

Maihahalintulad natin doon ang wika, partikular na ang Filipino. Kapag ang wika ay ginagamit, patuloy itong

magbabago o magiging dinamiko. Ito ang daan upang ito ay malinang.

ANO ANG KAILANGAN PARA MALINANG ANG WIKANG FILIPINO?

Page 3: Paglinang ng Filipino

Ngunit ang problema natin ngayon ay yung limitadong gamit para sa pananaliksik ng wikang

Filipino tulad ng mga talasalitaan at tesauro. Isa itong balakid upang malinang natin ang sarili nating wika.

Totoo ang bagay na ito dahil kasabay ng pagtuturo nito at pagbabasa, madali tayong masasanay sa

paggamit ng wikang Filipino.

Halimbawa na lang sa mga babala sa daan. Kung isasalin natin ito sa wikang pambansa, madali tayong

masasanay na gamitin ang nasabing wika

Kung magagawa natin ang bagay na iyon, makasisid ang wikang Filipino maging sa mga malalalim na

bayan man.

Page 4: Paglinang ng Filipino

Ang sagot sa tanong na ito ay hindi. Sabi nga sa Bagong Konstitusyon ng Pilipinas Sek. 7 “na ang Ingles at Kastila ay

opisyal na rin nating wika”. Ibig sabihin, parte rin ito ng ating wika.

Isipin nyo na lang kung hindi kasama sa wika natin ang Ingles. Paano natin sasabihin ang “Tara pre, pa-xerox tayo.”

Kung wala namang kastila, paano ang mga ganitong kataga?

“Pre, kuha ka naman ng kubyertos natin.”

DAPAT BA NATING ITAKWIL ANG MGA HIRAM NA WIKA?

Page 5: Paglinang ng Filipino

Hindi natin dapat itakwil ang iba pang mga wikang hiniraman natin. Mas maganda ang

ganoon para mapalawak natin ang ating intelektwalidad.

Halimabawa sa Filipino. Alam lang natin na ang karne sa loob ng ulo natin na may kakayahang mag-isip ay tinatawag na utak. Ngunit kung mapag-aaralan at malalaman natin ang mga

terminolohiya magpapalawak sa ating kaalaman tulad ng mga cerebrum, cerebellum, at

medulla oblongata.

Hindi rin mabubuo ang mga salitang tsuper na galing sa pranses na chauffeur at kudeta na

galing sa pranses na coup d’etat.

Page 6: Paglinang ng Filipino

Ang wikang Filipino ay tinatawag na ng pagbabago at paglinang nito gamit ang

teknolohiya at hindi basta basta mga libro at papel lang. Bakit kapag mga blog sa internet, nasa wikang ingles lang? Tinatawag na ang

wikang Filipino na gamitin sa lahat ng larangan ng teknolohiya lalung-lalo na sa Internet.

Iniisip nyo bang hindi karapat-dapat ang wikang Filipino para sa globalisasyon? Hindi ba’t marami tayong OFW na kalat sa buong

mundo? Hindi malayong mai-palaganap na rin ang wikang pambansa natin.

Page 7: Paglinang ng Filipino

Sa isang positibong aspeto, hindi rin imposibleng malinang at maging parte ng

globalisasyon at intelektwalisasyon ang wika nating Filipino. Iyon ay mangyayari nga lang kung gagawin natin ang mga paraan kung paano natin mapa-uunlad ang ating wika.