pagsamba sa mga diosdiosan
DESCRIPTION
TRANSCRIPT
![Page 1: Pagsamba sa mga diosdiosan](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061120/546d04a6af795962298b51f7/html5/thumbnails/1.jpg)
Pagsamba sa mga
diosdiosan
Pagsamba sa mga
diosdiosan
Exodus 20:04Exodus 20:04
![Page 2: Pagsamba sa mga diosdiosan](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061120/546d04a6af795962298b51f7/html5/thumbnails/2.jpg)
John 8:31,32John 8:31,3231 Sinabi nga ni Jesus sa mga
Judiong yaon na nagsisisampalataya sa kaniya, Kung kayo'y magsisipanatili sa aking salita, kung magkagayo'y tunay nga kayong mga alagad ko;
32 At inyong makikilala ang katotohanan, at ang katotohana'y magpapalaya sa inyo.
![Page 3: Pagsamba sa mga diosdiosan](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061120/546d04a6af795962298b51f7/html5/thumbnails/3.jpg)
Exodus 20:03-06Exodus 20:03-06
3 "Huwag kayong magkakaroon ng ibang diyos, maliban sa akin.
4 "Huwag kayong magkakaroon ng diyus-diyusan o kaya'y larawan o rebulto ng anumang nilalang na nasa himpapawid, nasa lupa o nasa tubig.
![Page 4: Pagsamba sa mga diosdiosan](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061120/546d04a6af795962298b51f7/html5/thumbnails/4.jpg)
5 Huwag kayong yuyukod o maglilingkod sa alinman sa mga diyus-diyusang iyan sapagkat akong si Yahweh ay mapanibughuin. Parurusahan ko ang lahat ng aayaw sa akin pati ang kanilang mga anak hanggang sa ikaapat na salinlahi.
![Page 5: Pagsamba sa mga diosdiosan](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061120/546d04a6af795962298b51f7/html5/thumbnails/5.jpg)
6 Ngunit ang lahat ng umiibig sa akin ay pagpapalain ko hanggang sa kanilang kaapu-apuhan.
![Page 6: Pagsamba sa mga diosdiosan](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061120/546d04a6af795962298b51f7/html5/thumbnails/6.jpg)
Mark 12:29Mark 12:29
Mar 12:29 Sumagot si Jesus, Ang pangulo ay, Pakinggan mo, Oh Israel; Ang Panginoon nating Dios, ang Panginoon ay iisa:
![Page 7: Pagsamba sa mga diosdiosan](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061120/546d04a6af795962298b51f7/html5/thumbnails/7.jpg)
Mark 12:30Mark 12:30
Mar 12:30 At iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo, at ng buong lakas mo.
![Page 8: Pagsamba sa mga diosdiosan](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061120/546d04a6af795962298b51f7/html5/thumbnails/8.jpg)
Isaiah 44:08-20Isaiah 44:08-20
8 Huwag matakot, bayan ko, alam mong sa mula't mula pa'y hinuhulaan ko na ang mga mangyayari; kayo'y mga saksi ng lahat ng ito. Mayroon pa bang Diyos maliban sa akin?"
![Page 9: Pagsamba sa mga diosdiosan](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061120/546d04a6af795962298b51f7/html5/thumbnails/9.jpg)
9 Walang kuwentang tao ang mga gumagawa ng rebulto; at walang kabuluhan ang mga diyus-diyusang kanilang pinahahalagahan. Mga bulag at hangal ang sumasamba sa mga ito, kaya sila'y mapapahiya.
10 Walang idudulot na mabuti ang paggawa ng mga rebulto para sambahin.
![Page 10: Pagsamba sa mga diosdiosan](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061120/546d04a6af795962298b51f7/html5/thumbnails/10.jpg)
11 Tandaan ninyo, ang sumasamba sa mga ito ay mapapahiya lamang. Ang gumagawa nito'y tao lamang, kaya, magsama-sama man sila at ako'y harapin ay matatakot din at mapapahiya.
![Page 11: Pagsamba sa mga diosdiosan](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061120/546d04a6af795962298b51f7/html5/thumbnails/11.jpg)
12 Ang panday ay kumukuha ng isang pirasong bakal at inilalagay ito sa apoy. Pagkatapos ay pinupukpok ito ng malakas niyang bisig hanggang sa magkahugis. Sa paggawa nito, siya ay nauuhaw, nagugutom at napapagod.
![Page 12: Pagsamba sa mga diosdiosan](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061120/546d04a6af795962298b51f7/html5/thumbnails/12.jpg)
13 Ang karpintero naman ay kumukuha ng isang pirasong kahoy. Ginuguhitan niya ito ng anyong tao, saka inuukit hanggang sa mayari ang isang magandang rebulto. Pagkatapos, ilalagay niya ito sa kanyang bahay.
![Page 13: Pagsamba sa mga diosdiosan](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061120/546d04a6af795962298b51f7/html5/thumbnails/13.jpg)
14 Maaaring mamili at pumutol ng matitigas na kahoy sa gubat tulad ng sedro, encina at sipres. O maaaring siya ay magtanim ng laurel at ito ang hintaying lumaki sa kadidilig ng ulan.
![Page 14: Pagsamba sa mga diosdiosan](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061120/546d04a6af795962298b51f7/html5/thumbnails/14.jpg)
15 Ang kaputol na kahoy na ito ay ginagawang panggatong at ang kaputol ay diyus-diyusan. Ang isang piraso ay iginagatong para magbigay-init sa kanya at para paglutuan. Ang isang piraso ay ginagawang rebulto para sambahin.
![Page 15: Pagsamba sa mga diosdiosan](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061120/546d04a6af795962298b51f7/html5/thumbnails/15.jpg)
16 Ang ibang piraso ng kahoy ay ginagawang panggatong. Dito siya nag-iihaw ng karne at nasisiyahan siyang kumakain nito. Kung nadarama niya ang init ng apoy ay nasasabi niya ang ganito: "Ang sarap ng init!"
![Page 16: Pagsamba sa mga diosdiosan](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061120/546d04a6af795962298b51f7/html5/thumbnails/16.jpg)
17 Ang natirang kahoy ay ginagawa nga niyang diyos na kanyang niluluhuran at sinasamba. Dumadalangin siya sa rebulto, "Iligtas mo ako sapagkat ikaw ang aking diyos."
![Page 17: Pagsamba sa mga diosdiosan](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061120/546d04a6af795962298b51f7/html5/thumbnails/17.jpg)
18 Ang mga taong iyon ay mga mangmang at di inuunawa ang ginagawa. Tinakpan nila ang kanilang mata at sinarhan ang isipan sa katotohanan.
![Page 18: Pagsamba sa mga diosdiosan](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061120/546d04a6af795962298b51f7/html5/thumbnails/18.jpg)
19 Hindi na nila naisip na ang kaputol ng ginawa nilang rebulto ay ginamit na pangluto sa tinapay at karneng kanilang kinain. Hindi man lamang nila itinanong sa kanilang sarili kung hindi kaya karumal-dumal ang sumamba sa isang pirasong kahoy.
![Page 19: Pagsamba sa mga diosdiosan](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061120/546d04a6af795962298b51f7/html5/thumbnails/19.jpg)
• 20 Ang mga gumagawa nito'y parang kumakain ng abo. Lubusan na siyang nailigaw ng kanyang maling paniniwala at mahirap nang ituwid. At hindi siya papayag na ang rebultong hawak niya ay hindi diyos.
![Page 20: Pagsamba sa mga diosdiosan](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061120/546d04a6af795962298b51f7/html5/thumbnails/20.jpg)
Psalms 115:03-09Psalms 115:03-09
3 Ang Diyos nami'y nasa langit, naroroon ang Diyos namin, at ang kanyang ginagawa ay kung ano ang ibigin.
![Page 21: Pagsamba sa mga diosdiosan](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061120/546d04a6af795962298b51f7/html5/thumbnails/21.jpg)
4 Ginawa sa ginto't pilak ang kanilang mga diyos, sa kanila'y mga kamay nitong tao ang nag-ayos.
5 Totoo nga at may bibig, ngunit hindi makapagsalita, at hindi rin makakita, mga matang sadyang-sadya;
![Page 22: Pagsamba sa mga diosdiosan](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061120/546d04a6af795962298b51f7/html5/thumbnails/22.jpg)
6 At hindi rin makarinig ang kanilang mga tainga, ni hindi rin makaamoy ang ginawang ilong nila.
7 Totoo nga na mayroong kamay ngunit walang pakiramdam, mga paa'y mayroon din ngunit hindi maihakbang. Ni wala kang naririnig kahit gamunting tinig man.
![Page 23: Pagsamba sa mga diosdiosan](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061120/546d04a6af795962298b51f7/html5/thumbnails/23.jpg)
8 Ang gumawa sa kanila at pati ang nagtiwala, sana ay makatulad din ng gayong diyos na ginawa.
9 Ikaw, bayan ng Israel, magtiwala sa Panginoon, siya ang iyong sanggalang, laging handa na tumulong.
![Page 24: Pagsamba sa mga diosdiosan](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061120/546d04a6af795962298b51f7/html5/thumbnails/24.jpg)
Rev 21:8 Nguni't sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan.
![Page 25: Pagsamba sa mga diosdiosan](https://reader033.vdocuments.net/reader033/viewer/2022061120/546d04a6af795962298b51f7/html5/thumbnails/25.jpg)
Malachi 3:7Malachi 3:7
Mal 3:7 Mula nang mga kaarawan ng inyong mga magulang kayo'y nangagpakaligaw sa aking mga tuntunin, at hindi ninyo tinalima. Manumbalik kayo sa akin, at ako'y manunumbalik sa inyo, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.