pagtanggap at pagbibigay ng kasuotan at pagpapanibago ng mga pangako ng mga tagapaglingkod

6

Click here to load reader

Upload: raymond-carlo-mendoza

Post on 07-Sep-2015

344 views

Category:

Documents


47 download

DESCRIPTION

from Fr. Joselin San Jose's Paglilingkod sa Dambana, Books 1 and 2

TRANSCRIPT

  • RITUWAL NG PAGTANGGAP AT PAGKAKALOOB NG KASUOTAN

    SA PAGLILINGKOD NG MGA TAGAPAGLINGKOD SA DAMBANA

    SA LOOB NG PAGDIRIWANG NG BANAL NA MISA

    Ito ay maaaring gawin matapos ang homilya. Sisimulan ito sa pamamagitan ng pagtawag ng Diyakono o ng Pangulo (o

    sinumang naatasan) sa mga itatalaga. Pupunta ang mga tinawag sa may santuwaryo.

    I. Pagtawag sa mga tatanggaping Tagapaglingkod sa Dambana

    Diyakono/Pangulo:

    Lumapit ang mga tatanggapin at aatasang Tagapaglingkod sa Dambana.

    Lalapit ang mga tatanggaping Tagapaglingkod sa Dambana sa may gawi ng santuwaryo.

    Pangulo:

    Minamahal naming Padre N.,

    narito po ang mga nagnanais magtalaga ng kanilang sarili

    sa paglilingkod sa dambana ng Panginoon.

    Sumailalim na po sila sa paghubog,

    at nakapasa sa mga pagsusulit na nararapat

    sa mga nais maging Tagapaglingkod sa Dambana.

    II. Pagpapahayag ng Pananampalataya

    Pari:

    Mga kapatid,

    ikinagagalak ng Panginoon at maging ng Kanyang sambayanan

    ang inyong pagkakaloob ng sarili

    sa paglilingkod sa Kanyang Dambana.

    Bilang patunay ng inyong kagustuhan at kahandaan sa paglilingkod,

    ipahahayag ninyo ang inyong maging dapat na panuntunan bilang mga Kristiyano,

    lalo na bilang mga lingkod ng Kanyang Dambana.

    Sumasampalataya ba kayo

    sa Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat,

    na may gawa ng langit at lupa?

    Mga itinatalaga:

    Opo, sumasampalataya kami.

  • Pari:

    Sumasampalataya ba kayo kay Jesukristo,

    iisang anak ng Diyos na ating Panginoon,

    nagkatawang-tao sa kapangyarihan ng Espiritu Santo,

    ipinanganak ni Birheng Maria,

    ipinako sa krus, namatay at inilibing,

    nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao,

    nabuhay muli sa ikatlong araw,

    umakyat sa langit,

    naluklok sa kanan ng Diyos na makapangyarihan sa lahat,

    at mula roon ay paririto

    upang hukuman ang mga nabubuhay at namatay?

    Mga itinatalaga:

    Opo, sumasampalataya kami.

    Pari:

    Sumasampalataya ba kayo sa Diyos Espiritu Santo,

    sa Banal na Simbahang Katolika,

    sa kasamahan ng mga banal,

    sa kapatawaran ng mga kasalanan,

    sa muling pagkabuhay ng mga namatay

    at sa buhay na walang hanggan?

    Mga itinatalaga:

    Opo, sumasampalataya kami.

    Pari:

    Ito ang ating sinasampalatayanan,

    ang misteryo ng ating pananampalataya

    na ipinagdarasal ng Inang Simbahan sa lahat ng tao,

    sa lahat ng panahon at dako,

    sa ngalan ni Jesukristong ating Panginoon.

    Lahat:

    Amen.

  • III. Pagbabasbas at Pagtatalaga

    Pari:

    Manalangin tayo.

    Iuunat ng pari ang kanyang mga kamay sa mga itinatalaga. Samantala, tatayo ang lahat at luluhod naman ang mga itinatalaga

    (kung kakayaning lumuhod. Kung hindi, mananatili silang nakatayo.)

    Tagapagpaliwanag:

    Magsitayo ang lahat.

    Darasalin ng pari ang mga sumusunod na panalangin:

    Amang mapagmahal,

    Ikaw ang tumatawag sa mga anak Mong ito

    upang magtalaga ng sarili sa paglilingkod sa Iyo.

    Ikaw ang humihirang at nagpapagindapat sa kanila

    upang maging mga Tagapaglingkod sa iyong dambana.

    Basbasan mo + ang mga lingkod Mong ito

    upang sila ay maging mabubuting tagapakinig ng Iyong salita

    nang sa gayon, maging mahusay din sila

    sa pagsasabuhay ng Iyong mga aral.

    Liwanagan Mo ang kanilang isip

    at pag-alabin sa pag-ibig ang kanilang puso sa pagsunod sa Iyo,

    at nawa'y maganap nilaang kanilang gampanin ng buong katapatan.

    Maging magalang nawa sila sa Iyong harapan,

    at magsumikap na tumulad sa Iyong kabanalan.

    Patuloy nawa silang maging halimbawa

    ng tunay na buhay panalangin,

    masikap na pagkilala sa Iyo,

    at puspusang paglilingkod sa kapwa.

    Pagsikapan nawa nilang mamuhay lagi

    nang ayon sa Iyong kalooban.

    Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Jesukristo

    kasama ng Espiritu Santo

    magpasawalang hanggan.

    Lahat:

    Amen.

    Kung lumuhod ang mga bagong Tagapaglingkod sa Dambana, tatayo sila. Wiwisikan ng pari ng banal na tubig ang mga

    itinalaga. Samantala, dito rin maaaring ganapin ang pagbabasbas at pagbibigay ng kasuotan sa paglilingkod, o anumang

    itinalaga bilang tanda ng pagtatalaga.

  • Sa mga pagkakataong may nakalaan at nakahandang kasuotan, dadalhin ito sa harapan ng iba pang tagapaglingkod (o ng mga

    magulang o sponsor), at sasambitin ng pari ang sumusunod na panalangin:

    Ama naming makapangyarihan,

    sa pamamagitan ng Sakramento ng Binyag,

    nilinis mo kami mula sa aming karumihan

    at sinuotan kami ng damit ng kadalisayan.

    Bilang pag-aalaala sa biyaya ng Binyag,

    sa pananampalatayang aming pinananaligan at ipinamumuhay,

    hinihiling naming basbasan mo +

    ang mga kasuotang ito ng mga Tagapaglingkod Mo

    sa dambana ng Iyong Kabanalan.

    Nawa, sa pagsusuot ng mga ito,

    mabatid nila ang dakilang karangalang dapat nilang pangalagaan,

    at matanto nila ang dakilang pagtawag

    na dapat nilang tugunan nang buong katapatan.

    Hinihiling namin ito

    sa pamamagitan ni Jesukristong

    aming Dakilang Pari.

    Lahat:

    Amen.

    Wiwisikan ng banal na tubig ang mga kasuotan. Pagkatapos, isusuot ng mga bagong tagapaglingkod ang mga kasuotan sa

    paglilingkod. Maaaring tumulong ang mga magulang o sponsor ng mga bagong Tagapaglingkod sa Dambana.

    IV. Pagkilala sa mga Itinalaga

    Pari:

    Bilang pagtanggap at pagbati sa kanila,

    pasalubungan natin sila ng masigabong palakpakan.

    Matapos ito ay gaganapin ang Panalangin ng Bayan. Dito, makabubuting magdagdag ng kahilingang patungkol sa mga

    tinanggap na Tagapaglingkod sa Dambana. Sa pag-aalay, maaari rin namang sila na rin ang magdala ng mga handog na

    nakatalagang ialay sa Banal na Misa.

  • RITUWAL NG PAGPAPANIBAGO NG PAGTATALAGA NG SARILI

    SA MULING PAGHIRANG AT PAGKAKALOOB NG ATAS NA GAWAIN

    SA MGA DATIHANG TAGAPAGLINGKOD SA DAMBANA

    SA LOOB NG PAGDIRIWANG NG BANAL NA MISA

    Ito ay maaaring gawin matapos ang homilya. Sisimulan ito sa pamamagitan ng pagtawag ng Diyakono o ng Pangulo (o

    sinumang naatasan) sa mga muling itatalaga. Pupunta ang mga tinawag sa may santuwaryo.

    I. Pagtawag sa mga Tagapaglingkod sa Dambana

    Diyakono/Pangulo:

    Ngayon po ay ating gaganapin

    ang Pagpapanibago ng mga Datihang Tagapaglingkod sa Dambana.

    Hinihiling sa mga magpapanibagong tagapaglingkod

    na lumapit sa may harapan ng dambana.

    Lalapit ang mga magpapanibagong Tagapaglingkod sa Dambana sa may gawi ng santuwaryo.

    II. Pagpapanibago ng Pagtatalaga bilang mga Tagapaglingkod sa Dambana

    Pari:

    Mga minamahal na Tagapaglingkod sa Dambana ng Diyos,

    hinihiling ko ngayong sama-sama kayong muling magtalaga ng sarili

    sa paglilingkod sa Panginoon.

    Mga Tagapaglingkod:

    Panginoon naming Diyos,

    muli ay itinatalaga ko ang aking sarili

    upang maging natatanging lingkod ni Kristo,

    bilang Tagapaglingkod sa Kanyang Dambana.

    Ipinangangako ko pong sa aking salita at gawa

    ay maisabuhay ang panananalig kay Kristo,

    at maging huwaran sa kapwa kabataan,

    na may pag-ibig at paggalang sa Diyos,

    sa magulang at sa kapwa.

    Kasihan nawa ako ng Iyong Banal na Espiritu,

    at kalugdan Mo nawa ang aking paglilingkod.

  • III. Pagbabasbas at Pagtatalaga

    Pari:

    Manalangin tayo.

    Iuunat ng pari ang kanyang mga kamay sa mga muling itinatalaga. Samantala, tatayo ang lahat at luluhod naman ang mga

    itinatalaga (kung kakayaning lumuhod. Kung hindi, mananatili silang nakatayo.)

    Tagapagpaliwanag:

    Magsitayo ang lahat.

    Darasalin ng pari ang mga sumusunod na panalangin:

    Amang mapagmahal,

    sinugo mo ang Iyong anak na si Jesukristo

    upang maturuan kami ng pagsambang

    lubos na nakalulugod sa iyong harapan.

    Hinihiling naming basbasan mo +

    ang mga lingkod mong ito.

    Patuloy mo silang samahan at gabayan

    upang higit pa nilang pagsikapang

    mapabuti ang tapat na paglilingkod sa iyo.

    Hinihiling namin ito sa iyo sa pamamagitan ni Jesukristo

    kasama ng Espiritu Santo

    magpasawalang hanggan.

    Lahat:

    Amen.

    Kung lumuhod ang mga muling itinalagang Tagapaglingkod sa Dambana, tatayo sila. Wiwisikan ng pari ng banal na tubig ang

    mga muling itinalaga. Samantala, dito rin maaaring ganapin ang pagbabasbas at pagbibigay ng anumang itinalaga bilang tanda

    ng muling pagtatalaga (kung mayroon).

    IV. Pagkilala sa mga Itinalaga

    Pari:

    Bilang pagtanggap at pagbati sa kanila,

    pasalubungan natin sila ng masigabong palakpakan.

    Matapos ito ay gaganapin ang Panalangin ng Bayan. Dito, makabubuting magdagdag ng kahilingang patungkol sa mga muling

    itinalagang Tagapaglingkod sa Dambana. Sa pag-aalay, maaari rin namang sila na rin ang magdala ng mga handog na

    nakatalagang ialay sa Banal na Misa.