pagwawasto at pag-uulo ng balita

25
 Ms. MEDEN F, FADRIQUELA SPA - NEU High School Department New Era, Quezon City

Upload: medem-f-fadriquela

Post on 05-Oct-2015

4.713 views

Category:

Documents


228 download

DESCRIPTION

Makatutulong sa mga gurong tagapayo ng Pampaaralang Pamahayahagan sa mga pagsasanay sa kanilang mga batang manunulat.

TRANSCRIPT

  • Ms. MEDEN F, FADRIQUELA SPA - NEU High School Department New Era, Quezon City

  • Pagwawasto ng Sipi at Pag-uulo ng Balita

    Ito ay gawain ng isang

    espesyalistang editor upang lalong

    mapabuti at mapaganda ang istorya

    at maging karapat-dapat na

    magkaroon ng ispasyo sa

    pahayagan.

  • MGA GAWAIN NG EDITOR SA

    PAGWAWASTO NG SIPI:

    1. Tiyaking tumpak ang mga datos sa

    artikulo.

    2. May wastong gramatika at

    pagbabaybay ng mga salita ang

    artikulo o akdang ililimbag.

    3. Magwasto ng kaayusan ng mga

    datos batay sa kahalagahan nito.

  • 4. Tinitiyak nito kung mabisa ang

    pamatnubay na ginagamit sa akda.

    5. Pumutol o magkaltas ng di

    mahahalagang datos.

    6. Mag-alis ng mga salitang nagsasaad

    ng opinyon kung ang

    winawasto ay balita.

  • 7. Magpalit ng mga salitang mahirap

    maunawaan ng karamihang

    mambabasa.

    8. Mag-alis ng mga salitang walang

    kabuluhan tulad ng bangkay na at

    di humihinga, hawak ng kamay,

    pasan sa balikat at iba pa.

  • 9. Sinusunod nito ang istilo ng

    pahayagan.

    10. Tinitiyak nitong malaya sa

    anumang libelong pamamahayag

    ang akda.

    11. Tinitingnan nitong ang

    akda ay may mabisang

    istilo at ulo.

  • 12. Sumusulat ng ulo ng balita at

    nagpapasya sa tipograpiya nito.

    13. Magbigay ng tagubilin sa

    tagapaglimbag ukol sa laki at

    tipong gagamitin, kolum at bilang

    ng ems.

  • Malaki ang papel na ginagampanan

    ng isang tagapagwasto ng sipi sa

    produksyon ng pahayagan.

    Ang pagwawasto ng kamalian,

    mapa-gramatika man o mapa datos

    ay sa kaniya iniaatang. Siya ang

    pinakahuling kasapi ng patnugutan

    na kikilatis sa isang akda

    bago ito iimprinta.

  • 1. Lagdaan ang kopya sa dulong

    kaliwa ng papel.

    2. Basahin ang kabuuan ng istorya.

    3. Kunin ang pangkalahatang

    nilalaman nito.

  • 4. Basahing muli ang istorya at

    kunin ang pampamatnubay na

    talata.

    5. Iwasto ang kamalian sa gramar

    6. Tiyakin ang kawastuhan ng datos

    o pangyayari at alamin kung ang

    istorya ay naglalaman ng lahat ng

    mahahalagang impormasyon.

  • 7. Tiyaking malaya ang akda sa

    anumang bayas at libelong

    pamamahayag.

    8. Gumawa ng malinis na kopya.

    9. Basahing muli ang istorya at

    at tiyaking lahat ng

    pagwawasto

    ay nailapat.

  • 10. Tiyaking ang haba ng artikulo ay

    nagkakasya sa nakalaang

    ispasyo.

    11. Sumulat ng ulo ng balita.

    12. Lagyan ng panuto para

    sa tagaimprenta.

  • PANUNTUNAN SA ACRONYM

    Ang acronym ay salitang binuo mula sa

    mga unang titik o pantig ng ibang mga

    salita. Narito ang mga dapat tandaan sa

    acronym:

  • Kapag ang acronym ay binubuo lamang ng dalawa hanggang

    apat na titik, lahat ay isusulat sa

    malaking titik tulad ng WHO

    para sa World Health

    Organization at

    MILF para sa Moro Islamic

    Liberation Front.

  • Sa acronym na mahigit sa apat na titik, unang titik lamang nito ang isusulat sa

    malaking titik tulad ng Asean para

    sa Association of Southeast Asian

    Nations at Unicef para sa United

    Nations International Childrens

    Emergency Fund.

  • Kung pantigan ang ginagawang pagbubuo ng acronym, unang titik

    lamang ng pantig ang nasa malaking

    titik tulad ng DepEd para sa

    Department of Education, at

    GenSan para sa General Santos.

  • PAGBILANG NG YUNIT

    Ang pampaaralang pahayagang tabloid na may sukat na 12 x 8

    ay nagtataglay ng limang kolum

    na ang bawat sukat 12 ems o dalawang pulagda. Bawat laki ng istilo ng tipo ay may tiyak na

    bilang para sa espasyong paglalagyan.

  • Kung ang sistema ng pagsulat ng ulo ng balita ay binubuo ng

    malalaki at maliliit

    na titik, ito ang mga katumbas na

    yunit ng mga sumusunod:

  • Lahat ng maliliit na titik ( maliban sa j, I, l, t, f, at m, w ) ------------------------1 yunit

    maliliit na titik na j, I, l, t, f --------1/2 yunit

    m at w --------------------------------1 yunit

    lahat ng malalaking titik

    ( maliban sa J I L T F M W )--------1 yunit

    J I L T F---------------------------------1 yunit

    M W ------------------------------------ 2 yunit

    lahat ng bantas (maliban sa gatlang, tandang pananong,simbolo ng piso,

    dolyar at bahagdan --------------1/2 yunit

  • gatlang, tandang pananong, simbolo ng piso, dolyar at bahagdan --------1 yunit

    lahat ng tambilang mula 0 hanggang 9 (maliban sa 1) --------------------------1 yunit

    tambilang na 1 ------------------------ yunit

    lahat ng ispasyo -----------------------1 yunit

  • PAMAMARAAN SA PAGSULAT

    NG ULO

    Pagkatapos makabuo ng ideya para

    sa ulo ng balita, ang kasunod na

    hakbang na gagawin ng editor ng

    kopya ay kung paano ito

    pagkakasyahin sa nakalaang ispasyo

    sa pahina.

  • Upang maisagawa ito, kailangan

    niyang magbigay ng tagubilin sa

    tagapag-anyo kung anong tipo ng

    pagkasulat ang ilalapat sa teksto at

    kung paano ito isasaayos sa

    pahina.

    Halimbawa: 3 20 TNRB

    ===========

  • Ang unang bilang na 3 ay para sa ulo ng balita na pagkakasyahain sa tatlong kolumn sa pahina. Ang bilang na 20 Ay laki ng tipo ng titik na gagamitin. Ang TNR naman ay para sa sa Times New Roman, ang tipo ng titik na gagamitin at ang B ay nangangahulugang bold

    o maitim na tipo ng titik.

  • Ang dalawang linya sa ibaba ay tumutukoy sa bilang ng dek o linya ng ulo ng balita. Kung lalagyan ng kiker o panimulang ulo ang balita, lalagyan lamang ng bar pagkatapos ng B at ilagay ang salitang kiker tulad nito:

    Halimbawa 3 20 TNRB/Kiker

    ===============