pamanahong papel kaiser.docx

11
Kabanata 1 “ANG SULIRANIN O SALIGAN NITO” A. INTODUKSYON Sa panahon ngayon, hindi maitatangging tunay na laganap na ang paninigirilyo sa Pilipinas. Kung inyong mapapansin, tila bawat sulok n gating banas ay pimupugaran ng mga nagbebenta at gumagamit ng sigarilyo. Mapaartista man o propesyunal, drayber o kahit ang mismong mga doctor at nars sa mga ospital ay kabilang sa populasyong ito. Kahit na ang mga mahihirap o tambay na ginagapang na lamang ang kanilang pang-arw-araw na kakainin ay maaring malakas ding manigarilyo.Dahil ditto, hindi na nakapagtataka pa kung tutularan ng kabataan ang ganitong Gawain. Ang paninigarilyo ng kabataan ay maituturing na isa sa mga nangungunang isyung patuloy na pinagtatalunan at sinusubukang maibsan. Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga kabataang nalululong sa bisyong ito. Dagdag pa rito ang kaalamang dumarami at tila pabata pa nang pabata ang mga sumusubok manigarilyo. Patuloy ang ganitong paglaganap kahit na marami ng mga solusyon at batas ang isinasagawa at isinasakatuparan upang labanan o di kaya naman ay mabwasan ang paglaganap ng gawaing ito. Ang pamanahong papel ito ay magbibigay atensyon sa mga karanasan ng mga batang Pilipinong naninigarilyo. Kabilang na rito ang kanilang mga dahilan at pananaw ukol sa paninigirilyo pati na rin ang pagbabagong naidulot nito sa kanilang pamumuhay. Nakapaloob din ditto ang ilang mga suhestyon sa pagtigil o pagbabawas ng paninigarilyo. B. LAYUNIN NG PAG-AARAL Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang pag- aralan at alamin ang mga sanhi ng paninigarilyo ng mga kabataan. Makakatulong din 1

Upload: kaiser

Post on 02-Oct-2015

248 views

Category:

Documents


11 download

TRANSCRIPT

Kabanata 1ANG SULIRANIN O SALIGAN NITO

A. INTODUKSYONSa panahon ngayon, hindi maitatangging tunay na laganap na ang paninigirilyo sa Pilipinas. Kung inyong mapapansin, tila bawat sulok n gating banas ay pimupugaran ng mga nagbebenta at gumagamit ng sigarilyo. Mapaartista man o propesyunal, drayber o kahit ang mismong mga doctor at nars sa mga ospital ay kabilang sa populasyong ito. Kahit na ang mga mahihirap o tambay na ginagapang na lamang ang kanilang pang-arw-araw na kakainin ay maaring malakas ding manigarilyo.Dahil ditto, hindi na nakapagtataka pa kung tutularan ng kabataan ang ganitong Gawain.Ang paninigarilyo ng kabataan ay maituturing na isa sa mga nangungunang isyung patuloy na pinagtatalunan at sinusubukang maibsan. Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga kabataang nalululong sa bisyong ito. Dagdag pa rito ang kaalamang dumarami at tila pabata pa nang pabata ang mga sumusubok manigarilyo. Patuloy ang ganitong paglaganap kahit na marami ng mga solusyon at batas ang isinasagawa at isinasakatuparan upang labanan o di kaya naman ay mabwasan ang paglaganap ng gawaing ito.Ang pamanahong papel ito ay magbibigay atensyon sa mga karanasan ng mga batang Pilipinong naninigarilyo. Kabilang na rito ang kanilang mga dahilan at pananaw ukol sa paninigirilyo pati na rin ang pagbabagong naidulot nito sa kanilang pamumuhay. Nakapaloob din ditto ang ilang mga suhestyon sa pagtigil o pagbabawas ng paninigarilyo.

B. LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang pag- aralan at alamin ang mga sanhi ng paninigarilyo ng mga kabataan. Makakatulong din ito sa mga hindi nanninigarilyo upang huwag na nila subukan ang masamang bisyo naito.

1. Tukuyin kung ano ang karaniwang dahilan kung bakit naninigarilyoang kabataan.

2. Matuklasan ang karaniwang edad ng mga kabataang naninigarilyo.

3. Tukuyinang ibat ibang pamamaraan ngpagkontrol samga naninigarilyo.

C. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang halaga ng pananaliksik na ito ay upang pamulatin ang pagiisip ng mga kabataang sa murang edad pa lamang ay nalululong na sa bisyo ng paninigarilyo. Hindi lamang sa kabataan makakatulong ito kung hindi na rin sa mga taong hindi na mapigilan ang paninigarilyo. Makakatulong din ito sa mga hindi naninigarilyo upang huwag na nila subukan ang masamang bisyo na ito.

D. SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARALAng pag-aaral na ito ay nakapokus sa pagkakatuklas ng mga epekto ng paninigarilyo sa mga kabataang nalulong sa bisyong ito. Sakop din nito angpagtukoy sa mga dahilan ng mga minorde edad kabataan kung bakit sila ay naninigarilyo. Paano nila maiiwasan ang paninigarilyo

E. DEPINISYON NG MGATERMINOLOHIYAAng mga sumusunod na salita ay ang mga terminolohiyang ginamit at makikita sakabuuan ng papel. Upang magkaroon nang madaling pagkaunawa at maging pamilyarang mga mambabasa sa mga katagang ito, minabuti ng mga mananaliksik na ibigay angkahulugan ng mga ito ukol sa paraan ng paggamit sa pamanahong-papel na ito.Paninigarilyo ay isang masamang bisyo. Ito ay nakadudulot ng maramingsakit sa taong naninigarilyo pati na rin sa mga taong nakalalanghap ng usok galing sasigarilyo nito.

Sigarilyo/Yosi ay naglalaman ng mga pinong dahon ng tabako na nirolyo saisang papel. Ito ay sinisindihan sa kabilang dulo at ang usoknito ay hinihithit at inilalabasmuli sa ilong o bibig.

Second-hand smoker ay ang bansag sa mga taong nakalalanghap ng usokmula sa sigarilyo na kabilang sa mga taong hindi naninigarilyo.

Kabanata 2MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL OLITERATURA

Ayon sa World Health Organization, mahigit kalahati sa kabuuang bilang ng kabataang Pilipino, partikular na iyong nasa edad 7 hanggang 15, ang gumon na sa bisyo ng paninigarilyo. Bahagi sila ng tinatayang 40,000 hanggang 50,000 Asian teenagers na maaga sa bansang Pilipinas. Sa katunayan, isa sa bawat tatlong lalaki na nasa middle age ang namamatay dahil ditto. Inaasahang tataas pa ang bilang naito sa mga darating na buwan dahil sa mabilis na paglaganap ng bisyo sa mga kabataan, lalo na sa Pilipinas.Nalagadaan na ni Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo ang TobaccoRegulation Act of 2003 (RA 9211) na naglalayong protektahan ang mga mamamayan laban sa masamang epekto ng paninigarilyo. Sa ilalim ng batas na ito, bawal na ang paninigarilyo sa lahat ng pampublikong lugar gaya ng mga paaralan, ospital, mga terminal, restawran, at iba. Bawal na rin ang pagbebenta ng yosi sa mga tindahan na malapit sa mga paaralan, at di na pagbebentahan nito ang mga menor de edad.

Kabanata 3DISENYO AT PARAAN NGPANANALIKSIK

A. DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang naisagawang pag-aaral ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya ng pananaliksik. Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik,ngunit napili ko na gamitin ang Descriptive Survey Research Design, na gumagamit ng talatanugan (survey questionnaire) para makalikom ng mgadatos. Naniniwala ako na angkop ang disenyong ito para sa paksang ito sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa maraming respondente.

B. MGA RESPONDENTS

Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga taong naninigarilyo o mga Smokers sa labas ng aming paaralan. Pinili namin ang mga respondente sapagkat sila ang pinakamadaling lapitan at sila ang pinaka-epektibong mapagkukunan ng impormasyon.

C. MGA INSTRUMENTO NG PAMPANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng Descriptive Survey Research Design, na gumagamit ng talatanugan (surveyquestionnaire) para makalikom ng mga datos upang malaman ang mga opinyon ng mga respondent. Kumuha rin kami ng impormasyon sa mga artikulo sa dyaryo at sainternet.

D. TRITMENT NG MGA DATOS

Ang pamanahong-papel na ito ay isang panimulang pag-aaral kaya t wala kaming ginawang pagtatangka upang masuri ang mga datos sa pag-aaral na ito sa pamamagitan ng matataas at kompleks na istatikal napamamaraan. Opinyon o damdamin lamang ng mga respondenteng tumugon sa bawat katanungan sa survey questionnaire.

Kabanata 4PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NGMGA DATOS

Taon/edad nagsimulang manigarilyo25% ng mga respondents ang nagsabi na nagsimula silang manigarilyo sa edad na 8-10, samantalang 35% naman ang nagsabi na nagsimula silang manigarilyo sa edad 10-13. 40% naman ang nagsabi na nag umpisa silang manigarilyo sa edad na 13-18.

Mga nakaipluwenssiya sa paninigarilyo

Sa tatlong pangunahing dahilan ng paninigarilyo ng kabataan, 40% ang nagsasabing pamilya ang nakakapagdulot ng masamang impluwensiya sa kanilang mga kaanak, samantalang 50% naman ang nagsasabing ang mga barakda nila ang naguudyok ng paninigarilyo at iba pang mga bisyo. 10% naman ang nagsasabing sa personal na buhay lamang ang dahilan. Batay dito,masasabi nating ang mga barkada nila ang may pinakamalaking impluwensiya sa kanila.

Dahilan kung bakit naninigarilyo35% ang nagsabi na ang dahilan nang paninigarilyo ay libangan lamang o pampalipas oras, 20% naman ang nagsabi na kahinaan ng loob sa pagharap sa mga problema ang dahilan kung bakit sila ay naninigarilyo. 45% naman ang nasabi na ito ay nagpaparelaks sa kanila o pantangal ng stress. Nagagawa nila ito dahil karamihan sa kanila malayo sa pamilya at walang mga magulang na magbabawal sa kanila.

Stick ng yosi/sigarilyo na nauubus sa isang araw 25% ng mga respondents ang nag sabi na 3-5 piraso ng yosi ang nauubos nila sa isang araw, samantalang 50% naman ang nagsabing nakakaubos sila ng 5-10 piraso ng yosi sa isang araw. 25% naman ang nagsabing 10 pataas ang nauubos nila sa isang araw.

Paraan kung paano maiiwasan ang paninigarilyo50% ng mga respondente ang nagsabing disiplina sa sarili lamang ang kanilang solusyon upang maiwasan ang paninigarilyo. Ang pinagkakaabalahan naman ang sumunod na sagot ng 40% ng mga respondente na siya nilang ginagawa upang maiwasan ang pagyoyosi o paninigarilyo. Samantalang 10% lamang ang nagsabing umiwas sa mga barkadang naninigarilyo ang kanilang ginagawa.Ang taong may disiplina sa sarili ay pinipigilan ang mga hindi dapat gawin dahil alam nilang hindi ito maganda.

30% lamang ang nagsagot na may nararamdaman na silang sakit dahil sa paninigarilyo, at 70% naman ang nagsabi na wala silang nararamdaman sakit.

55% sa mga respondents ang nagsabi na may balak pa silang tumigil manigarilyo, habang 45% naman ang wala ng balak tumigil sa paninigarilyo, ito ay dahil nahihirapan na silang umiwas dito

Kabanata 5LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

A. LAGOM

Ang karaniwang dahilan kung bakit maraming kabataan angnaninigarilyo ay pamilya (40%), barkada (50%), at personal na buhay (10%).

Ilan sa mga gawaing ginagawa ng mag-aaral upang maiwasan angpaninigarilyo ay pagdisiplina sa sarili (50%), pinagkakaabalahan (40%),iwasan ang mga barkadang naninigarilyo (10%).

B. KONKLUSYON

Ang paninigarilyo ay isang masamang bisyo. Ito ay masama para saating kalusugan. Bukod sa magastos ang paninigarilyo, ay nakakapag dulot pa ito ng maraming uri ng sakit tulad ng sakit sa puso, bronchitis at kanser.Nakakapagpahina din ito ng resistensya n gating katawan. Ito rin ay nakamamatay. Ang usok ng sigarilyo ay nakakasama rin maging sa ating mga kaibigan at kasambahay. Ang paninigarilyo rin ay masama para saating kapaligiran dahil nakadaragdag lang ito sa polusyon.

C. REKOMENDASYON

Ito ang maaaring gawin sa pagtigil sa paninigarilyo: Una ay lumayo sa ibang mga naninigarilyo. Alisin ang lahat ng sigarilyo at ang bawat bakas ng tabako na taglay ninyo. Humingi ng tulong at suporta sa pamilya sa desisyon nang paghinto. Ito ang mag- iiwas sa inyo sa tukso at magpapalakas sainyong kapasiyahan na tumigil na. Kapag nakadarama ng pagkagustong manigarilyo ay maghanap ng ibang pag-kakaabalahan. Mag-ehersisyo araw-araw. Makalilinis ito sa baga at makapagbubuti sa kalusugan at kaligayahan.Huwag mag papalipas ng gutom. Kumain ng regular at huwag tatangkain mag pababa ng timbang habang sinisikap alisin ang ugali ng paninigarilyo.Kumain ng masusustansiyang pagkain. Ang mga ito ay siyang magaling nalunas laban sa lason ng tabako.

7