pananagutan sa kahihinatnan ng kilos at pasiya

23
CO_Q2_Edukasyon sa Pagpapakatao 10_ Modyul 4 Edukasyon sa Pagpapakatao Ikalawang Markahan - Modyul 4: Pananagutan sa Kahihinatnan ng Kilos at Pasiya

Upload: others

Post on 18-Dec-2021

41 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Pananagutan sa Kahihinatnan ng Kilos at Pasiya

CO_Q2_Edukasyon sa Pagpapakatao 10_ Modyul 4

Edukasyon sa Pagpapakatao

Ikalawang Markahan - Modyul 4: Pananagutan sa Kahihinatnan ng

Kilos at Pasiya

Page 2: Pananagutan sa Kahihinatnan ng Kilos at Pasiya

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 4: Pananagutan sa Kahihinatnan ng Kilos at Pasiya Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.

Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga

maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang

bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o

brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyulna ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang

matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.

Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot

mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa

anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Kalihim: Leonor Magtolis Briones

Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera Office Address: Wangal, La Trinidad, Benguet

Telefax: (074)-422-4074

E-mail Address: [email protected].

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Brenda S. Santos

Editor: Annie Rose B. Cayasen

Tagasuri:

Tagaguhit:

Tagalapat: Pepe M. Tabanao Jr.

Tagapamahala: May B. Eclar, Benilda M. Daytaca, Carmel F. Meris, Rosita C. Agnasi,

Edgar H. Madlaing, Rizalyn A. Guznian, Sonia D. Dupagan,

Erlinda C. Quinuan, Vicenta C. Danigos

Page 3: Pananagutan sa Kahihinatnan ng Kilos at Pasiya

10

Edukasyon sa

Pagpapakatao

Ikalawang Markahan – Modyul 1: Ang Pagkukusa sa Makataong

Kilos

Page 4: Pananagutan sa Kahihinatnan ng Kilos at Pasiya

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-

aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na

gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga

kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman

ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung

sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang

tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-

aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan

niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit

sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi

ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at

pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit

nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang

magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang

anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa

mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung

sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM

na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa

kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Page 5: Pananagutan sa Kahihinatnan ng Kilos at Pasiya

1 CO_Q2_ESP 10_ Modyul 4

Aralin

1 Pananagutan sa Kalalabasan ng Sariling Kilos at Pasiya

Alamin

Sa nakaraang modyul natutunan mo na may limang salik na nakaaapekto

sa makataong kilos at ito ang mga sumusunod: kamangmangan, masidhing

damdamin, takot, karahasan at gawi.

Sa modyul na ito, inaasahang mauunawan mo ang uri ng

kapanagutan, batayan ng mabuti at masamang kilos, ang mga makataong

kilos at obligasiyon.

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang

malilinang sa iyo ang mga sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-

unawa:

1. Napatutunayan na nakaaapekto ang kamangmangan, masidhing damdamin, takot, karahasan at gawi sa pananagutan ng tao sa

kalalabasan ng kaniyang mga pasiya at kilos dahil maaaring mawala ang pakukusa sa kilos. (MELC - 6.3)

Nakapagsusuri ng sarili batay sa mga salik na nakaaapekto sa panaangutan ng tao

sa kahihinatnan ng kilos at pasiya at nakagagawa ng mga hakbang upang

mahubog ang kaniyang kakayahan sa pagpapasiya. (MELC - 6.4)

Page 6: Pananagutan sa Kahihinatnan ng Kilos at Pasiya

2 CO_Q2_ESP 10_ Modyul 4

Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong.

Isulat ang titik ng pinakaangkop na sagot sa iyong sagotang papel.

_______1. Noong unang ginamit ang tabako, ang mga tao ay higit na walang

kamalayan sa mga nakakapinsalang epekto nito. Ito ay tinutukoy

ang tungkol sa?

a. kamangmangan

b. takot

c. masidhing damdamin

d. karahasan

_______2. Si Anna ay tumutulong sa isang organisasyon para sa mga bata

na nangangailangan ng pinansiyal na tulong. Ito ay isang

halimbawa ng?

a. kusang-loob c. walang kusang loob

b. di kusang loob d. boluntaryo

_______3. Ito ay isang damdamin na sapilitan na nagdudulot ng panganib o

banta at dahil dito ay nagdudulot ng mga pagbabago sa

pisyolohikal at mga pagbabago sa pag-uugali.

a. masidhing damdamin c. gawi

b. karahasan d. takot

_______4. Hindi na ginawa ni Brooke ang kaniyang takdang aralin at wala

siyang balak na gawin ito. Ito ay isang halimbawa ng?

a. kusang-loob c. walang kusang loob

b. katamaran d. boluntaryo

_______5. Kahit na may CoViD-19 Pandemic may nagawang pasiya at

kahalili (alternative) si Mang Jose upang maibigay niya ang

pangangailagan ng kaniyang pamilya. Ang sitwasyon na ito ay

nagpapatunay na may kakayahan si Mang Jose na?

a. maging matatag ang kalooban

b. harapin ang pandemiya

c. mapanagutang kilos

d. magpasiya

Page 7: Pananagutan sa Kahihinatnan ng Kilos at Pasiya

3 CO_Q2_ESP 10_ Modyul 4

6 - 10. Kilalanin ang tamang hakbang sa paggawa ng pasiya. Isulat ang

bilang 1 hanggang sa 5 ayon sa tamang pagkakaayos ng iba’t-ibang

hakbang sa pagpapasiya

____ 6. Kapag natukoy na ang gagawing pasiya, oras na upang tipunin ang

impormasyong nauugnay sa pagpipilian.

____ 7. Tukuyin ang mga kahalili (alternative) at timbangin ang mga ito

kung makakatulong ba ito o hindi.

____ 8. Matapos sundin ang mga hakbang sa paggawa ng pasiya ay suriin

nang mabuti ang napiling pasiya. Nasasagot ba ang mga tanong na

ito, nalutas ba ang problema? nasagot ba ang tanong? at natugunan

ba ang iyong mga layunin?

____ 9. Malinaw na dapat tukuyin ang gagawing pasiya.

____10. Sa mga nakuhang impormasyon, kilalanin ang mga posibleng

pagpipilian.

11. 15. Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Tukuyin

kung ang pahayag ay TAMA o ito ay MALI.

_______11. Sa paggawa ng pasiya kailangang matutunang palawakin ang

pagpipilian at humingi nga payo.

_______12. Ang bawat tao ay may kakayahang gumawa ng isang malinaw

na pasiya sa buhay.

_______13. Ang bawat tao ay may kakayahang mapagtagumpayang harapin

ang karahasan.

_______14. Kumikilos sa Jared ng hindi kinakailangang pagsabihan at wala

siya hinihiling na kapalit. Ang kilos ni Jared ay nagpapakita ng

pagkukusa.

_______15. Ang mga kadahilanan na nag-aambag sa pagpapakita ng

karahasan ay ang mababang pagbibigay ng halaga sa sarili,

pang-aabuso at pagpapabaya.

Page 8: Pananagutan sa Kahihinatnan ng Kilos at Pasiya

4 CO_Q2_ESP 10_ Modyul 4

Balikan

Sa nakaraang modyul, natutunan mo na ang bawat salik na

nakaaapekto sa panunugatan ng tao sa kahihinatnan ng kaniyang kilos at

pasiya. Ang bawat kilos ng tao ay may kasamang pananagutan.

Mabibigyang-linaw ang iyong kaalaman na may mga salik na nakaaapekto

sa paggawa ng kilos at pasiya. Dahil sa kilos-loob ay may kapangyarihang

kumilos ang isang tao ayon sa kaniyang nais at ayon sa katuwiran. Ang

kilos ang nagbibigay patunay kung ang isang tao ay may pananagutan sa

sarili o wala.

Sa pagpapatuloy ng aralin sa modyul na ito, isaisip na ang

antas ng pananagutan ay nakadepende sa antas ng kilos at pasiya.

Nangangahulugang may pananagutan ang isang tao sa mga kilos o pasiya

na nagawa, ito man ay simple o mabigat. Malinaw na ang bawat ginagawa

ng isang tao ay may dahilan ngunit napakahalaga na may pagkukusa sa

sarili na managot sa kahihinatnan ng kilos at pasiya.

Tuklasin

GAWAIN 1: BAYANIHAN

PANUTO: Basahin ang sanaysay na nasa kahon. Sagutin ang mga tanong

sa ibaba at gawin ito sa sagutang papel.

Ang papel na ginagampanan ng bayanihan ng Pilipino sa

panahon ng isang pandemya. Ang COVID-19 pandemya ay nagdala ng

maraming mga problema, lalo na para sa mga mahihirap at marginalized

na sektor ng ating lipunan.

Page 9: Pananagutan sa Kahihinatnan ng Kilos at Pasiya

5 CO_Q2_ESP 10_ Modyul 4

1. Sa iyong palagay ano kaya ang mensahe ng sanaysay?

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

______________________________________________________________________

2. Anong mga aral ang maaari mong makuha mula sa sanaysay? Magbigay

ng tatlo.

___________________________________________________________________________

_____________________________

Rubriks para sa pagbibigay ng puntos.

Puntos

Pamantayan

Katangian ng paliwanag

5

Napakahusay

Malinaw at maayos ang pagkakasulat ng

ideya at daloy ng paliwanag. Nagpapakita ng

maliwanag na kamalayan sa gawain.

4

Mahusay

Maayos ang pagkakasulat at daloy ng

paliwanag. May sapat na kamalayan sa

gawain.

3

Katamtamang

husay

Katamtamang husay ang daloy ng

paliwanag.

Ang ibang kompanya ay iilan nalang ang pinapapasok na mga

tauhan, ang iba naman ay tuluyang nawalan na ng hanap buhay,

pagkawala ng kita, limitadong kadaliang kumilos at iba pang mga

pakikibaka.

Sa pagpapatupad ng lockdown, maraming mga tao ang gumawa

ng paraan at tumulong upang mag-ipon ng mga gamot at pagkain na

ibibigay sa mga nangangailangan. May mga sektor na kumilos upang

magkaroon ng donasyon drive at maibigay sa iba. Kahit may COVID-19

pandemya makikita pa rin ang pagkakaisa at bayanihan upang maiangat

ang kapwa gaya nga ilang mga chef at iba pang mga nag-aalala na

mamamayan ay bumuo ng iba't ibang mga kusina sa komunidad at mga

programa sa pagkain upang mapagaan ang kaunting pasanin ng

mamamayan. Ang mga manggagawa sa kalusugan na patuloy na

nagtatrabaho, ngunit walang paraan upang makapunta sa mga ospital

at pauwi sa kanilang mga tahanan, ay tinutulungan. Ito ay iilan lamang

sa bayanihan na pinapakita ng mga Pilipino kahit mahirap ang

sitwasyon.

Page 10: Pananagutan sa Kahihinatnan ng Kilos at Pasiya

6 CO_Q2_ESP 10_ Modyul 4

Suriin

I. ANG SALIK AT PANANAGUTAN

Ang kamangmangan, masidhing damdamin, takot, karahasan at gawi

ay nakaaapekto sa pagkukusa ng isang tao upang maging mapanagutan sa

mga ginawang pasiya o kilos. Kaya laging sinasabi ng ilan na huwag

gumawa ng isang pasiya o kilos kapag nakakaramdam ang isang tao ng

masidhing damdamin dahil maaaring hindi niya magugustahan ang

kahihinatnan ng kaniyang pasiya o kilos. Upang makagawa ng maayos na

pagpapasiya ay kailangan na matutunang balansehin ang emosyon at

pagkamakatuwiran. Ang masidhing damdamin ay nagdudulot negatibong

emosyon at ito ay nagpapababa ng kakayahang mangatuwiran. Nangyayari

ito dahil ang utak ay mas nakatuon sa emosyonal na estado ng

kalungkutan o galit na nararamdaman sa halip na tumutok sa paggawa ng

mga pasiya o paghahanap ng mga malikhaing solusyon. Ang pag-iisip ng

positibo ay naman ay nagpapabuti ng pagkamalikhain at kalinawan sa mga

ideya. Hindi ito nangangahulugang kailangang maging masaya sa lahat ng

oras, ngunit kailangang hanapin ang balanseng estado ng panloob na

kapayapaan. Kapag ang ating kilos o pasiya ay hindi napailalim sa pag-

igting ng anumang salik ay nakakagawa ng makatong kilos at mas malinaw

ang mga bagay.

Ang pananagutan ay isang pangunahing sangkap sa anumang

tagumpay. Ngunit nakakalimutan ng mga ilang tao na harapin ang kanilang

pananaugutan at pagkukusang loob dahil sa kamangmangan, masidhing

damdamin, takot, karahasan at pag-uugali. Kapag tinatanggap ang isang

tao ang pananagutan ay inilalagay niya ang kaniyang sarili sa isang

posisyon kung saan maaari niyang gawin ang mga kinakailangang

pagbabago upang maging matagumpay at magbago, samantalang kung ang

isang tao ay laging naghahanap ng sisisihin sa mga kinalabasan ng

kaniyang askiyon o pasiya ay mananatiling bilanggo sa mga salik na

nakaaapekto sa paggagawa ng kilos at pasiya. Ang pananagutan ay

tumutukoy sa isang obligasyon o pagpayag na tanggapin ang

responsibilidad sa nagawang kilos at pasiya. Kapag ang mga tungkulin ay

hindi malinaw at ang mga tao ay hindi tinatanggap ang pananagutan, ang

tungkulin ay hindi magagampanan nang maayos.

Page 11: Pananagutan sa Kahihinatnan ng Kilos at Pasiya

7 CO_Q2_ESP 10_ Modyul 4

II. KUSANG-LOOB (VOLUNTARILY)

Ang kusang loob ay ang paggawa ng mabuti para sa iba at sa

pamayanan, na nagbibigay ng isang likas na pakiramdam ng tagumpay. Sa

pamamagitan ng pagboboluntaryo, nabubuo ang isang tao ang mga

kasanayan sa buhay at naging maayos na indibidwal. Ang pagsisimula ng

mga bata sa pagkukusang-loob ay nagbibigay ng isang pagkakataon para

matuto at lumaki na may pagpapahalaga sa miyembro ng lipunan.

Ayon kay Aristotle may tatlong uri ng kilos ayon sa kapanagutan ito

ay ang kusang-loob, di kusang-loob, at walang kusang-loob. Ang Kusang-

loob (voluntarily) ay ang pagbigay o pag-ambag ng isang tulong sa

nangangailangan ng hindi sapilitan o hindi na kailangang sabihan. Ito din

ay ang pagbibigay ng mga bagay na walang hinihinging kabayaran o kapalit.

Ang Di Kusang loob (not willing) ay ang paggawa ng isang bagay na hindi

gusto at napilitan lamang. Ang panghuli ay ang Walang kusang loob (there

is no will) ito ay nagpapakita ito ng di kusang loob, kawalan ng pagkukusa

na gawin o tapusin ang isang bagay.

III. ANG PAGPAPASIYA

Ang kakayahang gumawa ng pagpapasiya ay ang kakayahang mamili ng

isang desisyon kapag iniharap sa dalawa o higit pang mga pagpipilian. Kung

nahihirapan ang isang tao na gumawa ng pasiya ay karaniwang nakakaramdam ng

pagkabalisa, nalilito, naiinis, may mga unang hakbang na nagagawa na hindi

gaano pinag-isipan at may mga aksiyon at salita na nabibitawan na nakakasakit

na sa iba na hindi namamalayan.

Habang nadadagdagan and edad ng isang tao, ang mga pagpapasiya ay

naging mas kumplikado at ang mga nagagawang ng mga desisyon o pasiya ay mas

makabuluhan. Bilang anak, nakikita mo ba ang iyong magulang na gumagawa ng

mga desisyon araw-araw? Ang ilan ay maliit at walang epekto sa iyo dahil maaaring

hindi mo pa ito nakikita. Ang lahat ay maaaring gumawa ng mga hakbang upang

maging mas mahusay sa paggawa ng pasiya. Sa paggawa ng pasiya kailangang

maging maingat upang maiwasan ang pagkakamali, narito ang ilang hakbang:

1. Subukang malinaw na tukuyin ang likas na katangian ng pasiya na dapat

gawin. Ang unang hakbang na ito ay napakahalaga.

2. Ipunin ang may-katuturang impormasyon.

3. Palawakin ang mga pagpipilian

4. Alamin ang limitasiyon at halili (alternative)

5. Pagsasagawa ng piniling pasiya

Page 12: Pananagutan sa Kahihinatnan ng Kilos at Pasiya

8 CO_Q2_ESP 10_ Modyul 4

6. Matapos sundin ang mga hakbang sa paggawa ng pasiya ay suriin nang

mabuti ang pasiya. Nasasagot ba ang mga tanong na ito, nalutas ba ang

problema? nasagot ba ang tanong? at natugunan ba ang iyong mga

layunin?

Higit sa lahat, kinikilala ng ibang tagapayo na kung saan ang

maaaring maging isang problema o hadlang sa paggawa ng pasiya ay ang

labis na kumpiyansa sa sarili. Ngunit mahalagang bagohin ang pag-uugali,

mga gawi, paraan ng pag-iisip at pagkontrol ng damdamin upang kahit

anong salik man ang makaharap ay hindi maaapektohan ang paggawa ng

pasiya.

Pagyamanin

GAWAIN 2: PAG – ISIPAN MO

PANUTO: Minsan ay hindi natin namamalayan na tinatakasan natin ang

mga pananagutan at nawawalan ng pagkukusang-loob upang

tumulong sa iba. Punan ang hanay B, C at D ayon sa hiniling

nito magbigay ng isa lamang sa bawat hanay. Gawin ito sa

sagotang papel.

Mga salik na

nakaaapekto sa pagkukusang-

loob at pananagutan

Hanay A

Mga nagawang kilos

o pasiya na nagpapakita ng

kawalan ng pagkukusang-loob at pananagutan

Hanay B

Naidulot sa

kawalan ng pagkukusang-

loob at pananagutan

Hanay C

Mga

hakbang upang itama

ang kilos o pasiya

Hanay D

Kamangmangan

Hindi pagtulong sa

nakababatang kapatid sa kaniyang

takdang aralin dahil sa paglalaro ng mobile legend.

Hindi natapos

ang gawin at mababa ang

kaniyang puntos dahil

hindi niya

naunawaan ang aralin at

gawain.

Paglaan ng

oras upang makausap at

maturuan ang kapatid. Itigil muna

ang paglalaro.

1.Kamangmangan

Page 13: Pananagutan sa Kahihinatnan ng Kilos at Pasiya

9 CO_Q2_ESP 10_ Modyul 4

2. Masidhing

damdamin

3. Takot

4.Karahasan

5. Gawi

GAWAIN 3: PANANAGUTAN KO

PANUTO: Magbigay ng tatlong tiyak na mga hakbang upang mahubog ang

iyong kakayahan sa paggawa ng “mapanagutang kilos”. Gawin

ito sa iyong sagutang papel.

Halimbawa: Napansin ko sa aking sarili na ako ay madaling nagagalit. Kaya kinausap ko ang aming Guidance Counselor dahil

nais kung malaman at maunawaan ang aking sarili at matutunan kung paano kontrolin ang aking galit

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

______________________________________________________________________

GAWAIN 4: ANG AKING PAGPAPASIYA

PANUTO: Magbigay ng tatlong tiyak na mga hakbang upang mahubog ang

iyong kakayahan sa paggawa ng isang “pagpapasiya”. Maaaring

pagpapasiya para sa pagbabago, para sa kinabukasan at iba pa.

Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Page 14: Pananagutan sa Kahihinatnan ng Kilos at Pasiya

10 CO_Q2_ESP 10_ Modyul 4

Halimbawa: Kailangan kung matutunan ang magpasiya para sa

track na kukunin ko sa Senior High. Dapat una kung tukuyin ang

aking kakayahan. Kapag natukoy ko, oras na upang tipunin ang

impormasyon na may kaugnayan sa pagpipilian ko.

Gumawa ng isang panloob na pagtatasa at suriin kung ang pipiliin

ko ba na track ko ay nais ba ng mga magulang ko at maayos ba ang

kalagayang pangpinansiyal ng aming pamilya. At panghuli ay

humingi din ng payo sa mga guro.

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

Rubriks sa pagbibigay ng puntos sa Gawain 2,3 at 4.

Puntos

Pamantayan

Katangian ng paliwanag

5

Napakahusay

Malinaw at maayos ang pagkakasulat ng

ideya at daloy ng paliwanag. Nagpapakita ng

maliwanag na kamalayan sa paksa.

Nakapagbibigay ng tiyak na mga hakbang.

4

Mahusay

Maayos ang pagkakasulat at daloy ng

paliwanag. May sapat na kamalayan sa

paksa. Nakapagbibigay ng sapat na mga

hakbang.

3 Katamtamang

husay

Katamtaman ang husay ng daloy ng

paliwanag. Hindi kompleto ang naibigay na

mga hakbang sa paggawa.

Page 15: Pananagutan sa Kahihinatnan ng Kilos at Pasiya

11 CO_Q2_ESP 10_ Modyul 4

Isaisip

GAWAIN 5: CLOZE TEST

PANUTO: Basahin at kompletohin ang SANAYSAY tungkol sa aralin. May

naibigay na clue sa loob ng kahon. Gawin ito sa iyong sagutang

papel.

Sa modyul na ito napatunayan na nakakaapekto ang

(1.)_______________, (2.)__________________, (3.)_________, (4.)___________ at

(5.) _________________sa paggawa ng pasiya at kilos.

Ang (6.) ________________ ay sinadya at niloob ng tao, kaya’t nararapat

lamang na ang magkaroon ng (7.)_____________nito. Ang (8.) _____________ng

kaniyang isip at puso sa pagsagawa ng makataong kilos ay nararapat na

kargo niya. Hindi maaaring ang ibang tao ang (9.)______________ sa kaniyang

kilos. Dahil sila rin ay may ibang (10.) ________________na gaya mo.

Laging isipin na ang bawat kilos at pasiya ay (11.) ___________

at dapat ay pananagutan mo ito. Minsan ay wala tayong (12.) ___________

na gawin ang isang bagay. Hinihintay pa natin ang utos ng iba para tayo ay

kumilos ngunit dapat ito ay (13.) _______________ na. Ang (14.) _____________

ng makataong kilos ay dapat huwag ikahiya at (15.)_________________.

KAHIHINATNAN, KUSANG LOOB, MABAGO , PAGGAWA, KALIMUTAN,

KAMANGMANGAN, MASIDHING DAMDAMIN, TAKOT, KARAHASAN,

GAWI, MAKATAONG KILOS, PANANAGUTAN, PAGPAPASIYA, MANAGOT,

OBLIGASIYON.

Page 16: Pananagutan sa Kahihinatnan ng Kilos at Pasiya

12 CO_Q2_ESP 10_ Modyul 4

Isagawa

GAWAIN 6: ANG AKING SALOOBIN

PANUTO: Basahin ang tula na sinulat na Max Ehrmann. Sagutin ang mga

tanong sa ibaba at gawin ito sa sagutang papel.

DESIDERATA

ni Max Ehrmann

Humayo nang panatag

Sa gitna ng ingay at pagmamadali, at tandaang

May kapayapaang matatagpuan sa katahimikan.

Makipagkapwa-tao.

Bigkasin ang iyong katotohanan nang mahinahon at

Malinaw, at makinig sa iba, kahit sa mapurol o mangmang:

Sila ma’y may kanilang salaysayin. Iwasan ang mga taong maingay at magaspang;

sila’y Nakakarindi sa diwa.

Kung ihahambing mo ang sarili sa iba, maaaring

Maging hambog at masamain ang loob pagka’t Laging may hihigit sa iyo at may hihigtan ka.

Masiyahan ka sa iyong mga natamo, gayundin sa iyong mga balak.

Manatiling buhos ang iyong kalooban sa mga gawain, gaano man Kababa; tunay itong kayamanan sa nagbabagong panahon

Maging maingat sa pakikipagkalakalan pagka’t ang mundo’y

Batbat ng panlilinlang. Subalit huwag hayaang Makabulag ito sa iyon sa anumang kabutihang mayroon; maraming

Nagpupunyagi para sa mga adhikaing dakila; at sa lahat ng dako,

Ang buhay ay lipos ng kabayahinan. Huwag magkunwari laluna ng pagmamahal.

Huwag ding tatalikuran ang pag-ibig, pagka’t sa gitna ng

Katigangan at kalungkutan, kailanma’y uusbong At nabubuhay itong tulad ng damo.

Page 17: Pananagutan sa Kahihinatnan ng Kilos at Pasiya

13 CO_Q2_ESP 10_ Modyul 4

1. Ano ang natutunan mo sa tula?

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

______________________________________________________________________

2. Ayon sa tula ano ang mga dahilan kung bakit nawawala ang

pakukusang loob at pananagutan sa nagawang kilos? Magbigay ng dalawa.

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

______________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

______________________________________________________________________

3. Ayon sa tula paano mahuhubog ang pagkukusang loob? Magbigay ng

dalawa.

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

______________________________________________________________________

Rubriks para sa pagbibigay ng puntos.

Puntos

Pamantayan

Katangian ng paliwanag

5

Napakahusay

Malinaw at maayos ang pagkakasulat ng

ideya at daloy ng paliwanag. Nagpapakita ng

maliwanag na kamalayan sa gawain.

4

Mahusay

Maayos ang pagkakasulat at daloy ng

paliwanag. May sapat na kamalayan sa

gawain.

3 Katamtamang

husay Katamtamang husay ang daloy ng paliwanag

Page 18: Pananagutan sa Kahihinatnan ng Kilos at Pasiya

14 CO_Q2_ESP 10_ Modyul 4

Tayahin

GAWAIN 7: TAYAHIN ANG AKING PAG-UNAWA (POST-TEST)

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong.

Isulat ang titik ng pinakaangkop na sagot sa iyong sagotang papel.

______1. Kahit na may CoViD-19 Pandemic may nagawang pasiya at kahalili

(alternative) si Mang Jose upang maibigay niya ang pangangailagan ng

kaniyang pamilya. Ang sitwasyon na ito ay nagpapatunay na may

kakayahan si Mang Jose na?

a. maging matatag ang kalooban

b. harapin ang pandemiya

c. mapanagutang kilos

d. magpasiya

______2. Noong unang ginamit ang tabako, ang mga tao ay higit na walang

kamalayan sa mga nakakapinsalang epekto nito. Ito ay tinutukoy

ang tungkol sa?

a. kamangmangan c. masidhing damdamin

b. takot d. karahasan

______3. Hindi na ginawa ni Brooke ang kaniyang takdang aralin at wala

siyang balak na gawin ito. Ito ay isang halimbawa ng?

a. kusang-loob c. walang kusang loob

b. katamaran d. boluntaryo

______4. Ito ay isang damdamin na sapilitan na nagdudulot ng panganib o

banta at dahil dito ay nagdudulot ng mga pagbabago sa

pisyolohikal at mga pagbabago sa pag-uugali.

a. masidhing damdamin b. karahasan c. gawi d.

takot

______5. Si Anna ay tumutulong sa isang organisasyon para sa mga bata na

nangangailangan ng pinansiyal na tulong. Ito ay isang halimbawa

ng?

a. kusang-loob c. walang kusang loob

b. di kusang loob d. boluntaryo

Page 19: Pananagutan sa Kahihinatnan ng Kilos at Pasiya

15 CO_Q2_ESP 10_ Modyul 4

6 - 10. Kilalanin ang tamang hakbang sa paggawa ng pasiya. Isulat ang

bilang 1 hanggang sa 5 ayon sa tamang pagkakaayos ng iba’t-

ibang hakbang sa pagpapasiya

____ 6. Sa mga nakuhang impormasyon, kilalanin ang mga posibleng

pagpipilian.

____ 7. Kapag natukoy na ang gagawing pasiya, oras na upang tipunin ang

impormasyong nauugnay sa pagpipilian.

____ 8. Malinaw na dapat tukuyin ang gagawing pasiya.

____ 9. Tukuyin ang mga kahalili (alternative) at timbangin ang mga ito

kung makakatulong ba ito o hindi.

____10. Matapos sundin ang mga hakbang sa paggawa ng pasiya ay suriin

nang mabuti ang napiling pasiya. Nasasagot ba ang mga tanong na

ito, nalutas ba ang problema? nasagot ba ang tanong? at natugunan

ba ang iyong mga layunin?

11. 15. Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Tukuyin

kung ang pahayag ay TAMA o ito ay MALI.

______11. Ang mga kadahilanan na nag-aambag sa pagpapakita ng

karahasan ay ang mababang pagbibigay ng halaga sa sarili,

pang-aabuso at pagpapabaya.

______12. Kumikilos sa Jared ng hindi kinakailangang pagsabihan at wala

siya hinihiling na kapalit. Ang kilos ni Jared ay nagpapakita ng

pagkukusa.

______13. Ang bawat tao ay may kakayahang gumawa ng isang malinaw na

pasiya sa buhay.

______14. Sa paggawa ng pasiya kailangang matutunang palawakin ang

pagpipilian at humingi nga payo.

______15. Ang bawat tao ay may kakayahang mapagtagumpayang harapin

ang karahasan.

Page 20: Pananagutan sa Kahihinatnan ng Kilos at Pasiya

16 CO_Q2_ESP 10_ Modyul 4

Karagdagang Gawain

GAWAIN 8: MGA HAKBANG

PANUTO: Mula sa ranggo 1 hanggang 6, piliin mo kung ano ang una mong

hakbang hanggang sa huli sa paggawa mo ng pasiya.

Mga Hakbang Ranggo

1. Maunawaan kung paano ginawa ang mga pagpipilian.

2. Siyasatin kung ano ang maaaring matutunan mula sa mga

karanasan.

3. Siyasatin kung ano ang maaaring makagambala sa

pagkakaroon ng mga layunin.

4. Siyasatin ang mga paraan sa paglutas ng problema.

5. Unawain kung paano naiimpluwensyahan ang personal na

paniniwala at saloobin sa pagpapasya

6. Gumawa ng mga pagpapasiya at maging mapanagutan sa

anumang kahihinatnan nito.

Page 21: Pananagutan sa Kahihinatnan ng Kilos at Pasiya

17 CO_Q2_ESP 10_ Modyul 4

Susi sa Pagwawasto

SUBUKIN 1. A 2. A 3. B 4. C 5. D 6. 2 7. 4 8. 5 9. 1 10. 3 11. TAMA 12. MALI 13. MALI 14. TAMA 15. TAMA

ISAISIP

1 – 5 (sa anumang

pagkakasunud-sunod:

masidhing damdamin, takot,

karahasan, kamangmangan,

gawi) 6. Makataong Kilos 7.

Pananagutan 8. Pag

papasiya 9.

Managot 10.

Obligasiyon 11.

Kahihinatnan 12.

Kusang loob 13.

Mabago 14.

Paggawa 15.

Kalimutan

TAYAHIN 1. D 2. A 3. C 4. B 5. A 6. 3 7. 2 8. 1 9. 4 10. 5 11. TAMA 12. TAMA 13. MALI 14. TAMA 15. MALI

Page 22: Pananagutan sa Kahihinatnan ng Kilos at Pasiya

18 CO_Q2_ESP 10_ Modyul 4

Mga Sanggunian

Aklat

Brizuella, Mary Jean et al. Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul Para sa Mag-aara. Unang Edisyon 2015. DepEd-IMCS.

Punsalan, Twila et al. Pagpapakatao. Sta. Mesa Heights, Quezon City: Rex

Printing Company.

Page 23: Pananagutan sa Kahihinatnan ng Kilos at Pasiya

For inquiries or feedback, please write or call: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]