panapos na gawain suring-basa sa akdang pampanitikan...

26
Filipino Unang Markahan – Modyul 10 Panapos na Gawain Suring-Basa sa Akdang Pampanitikan sa Mediterranean 10

Upload: others

Post on 23-Mar-2021

137 views

Category:

Documents


2 download

TRANSCRIPT

Page 1: Panapos na Gawain Suring-Basa sa Akdang Pampanitikan ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-10-Q1...a. suring-pelikula b. suring-teleserye c. suring-basa d. suring-sulat

Filipino Unang Markahan – Modyul 10

Panapos na Gawain Suring-Basa sa Akdang

Pampanitikan sa Mediterranean

10

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 2: Panapos na Gawain Suring-Basa sa Akdang Pampanitikan ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-10-Q1...a. suring-pelikula b. suring-teleserye c. suring-basa d. suring-sulat

Unang Markahan-Modyul 10: Panapos na Gawain Suring-Basa sa Akdang Pampanitikan sa Mediterranean Unang Edisyon, 2020

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito’y pagkakakitan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.” Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. Antonio

Inilimbag sa Pilipinas 2020

Inilimbag sa Pilipinas 2020

Department of Education- Region VII

Office Address: IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City

Telefax: 520-3216 – 520-3217; SDS Office: (032) 255-6405; ASDS Apao: (032) 236-4628

Pangkat na Bumubuo sa Modyul

Manunulat : Genalin M. Oporto, Elsie M. Jamilarin, Jenelyn D. Castillote

Tagasuri : Ruel C. Arranchado

Disenyo ng Pabalat : Eliseo B. Pantaleon, Jr. – San Remigio National High School

Tagapag-ugnay : Dr. Necifora M. Rosales

Tagapamahala : Dr. Marilyn S. Andales, SDS, Cebu Province

Dr. Leah B. Apao, ASDS, Cebu Province

Dr. Cartesa M. Perico, ASDS, Cebu Province

Dr. Ester A. Futalan, ASDS, Cebu Province

Dr. Mary Ann P. Flores, Chief, CID

Mr. Isaiash T. Wagas, EPSVR, LRMDS

Mrs. Araceli A. Cabahug, ESPVR, Filipino

ii

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 3: Panapos na Gawain Suring-Basa sa Akdang Pampanitikan ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-10-Q1...a. suring-pelikula b. suring-teleserye c. suring-basa d. suring-sulat

Filipino 10 Unang Markahan – Modyul 10

Panapos na Gawain Suring-Basa sa Akdang

Pampanitikan sa Mediterranean

iii

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 4: Panapos na Gawain Suring-Basa sa Akdang Pampanitikan ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-10-Q1...a. suring-pelikula b. suring-teleserye c. suring-basa d. suring-sulat

Paunang Mensahe

Sa Tagapagdaloy:

Ang modyul na ito ay idinisenyo at nilinang bilang isa sa mga paraan ng pagtugon sa inilalatag na Learning Continuity Program ng Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, Leonor Magtolis Briones sa gitna ng di maiiwasang pangyayari dulot ng Covid -19 pandemya.

Maligayang paggalugad sa isa sa mga akdang Pampanitikan ng Mediterranean na siyang tuon ng Ikasampung Baitang sa Filipino, Unang Markahan sa pamamagitan ng Alternative Delivery Mode (ADM), naglalaman ang Modyul na ito ng araling lilinang ng Nobela mula sa France na lilinang sa iyong kakayahan at kasanayan na nakahanay sa Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies ng kasalukuyang kurikulum! Ang pagbuo ng modyul na ito ay bunga ng pagkakapit-bisig ng mga dakilang guro mula sa iba’t ibang baitang at paaralan ng Dibisyon ng Cebu-Province. Isa pa, dumaan din ito sa isang masusing, pagpaplano,pag-aayos, at pagsusuri ng mga bihasa upang maagapan ang mga mag-aaral na makamit ang mga pamantayang nakaangla sa K to 12 Curriculum kabilang dito ang 21st Century Skills upang ang mag-aaral ay maging handang makipagsabayan sa pandaigdigang kompetisyon at buong tatag na harapin ang iba’t ibang hamon sa buhay habang isinaalang-alang ang pampisikal, panlipunan, at pangkabuhayang balakid sa pagproseso ng pagkatuto. Sa pamamagitan ng paggamit sa sariling gawang modyul ng guro, inaasahang magganyak ang mga mag-aaral na gampanin ang mga nakalatag na mga gawain bilang pag-alinsunod sa binagong paraan ng pagtuturo ng DepED at ganap na matutuhan sa sariling paraan ang bawat butil ng kaalaman ayon sa abot ng kanilang kakayahan, kasanayan, at oras.

iv

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 5: Panapos na Gawain Suring-Basa sa Akdang Pampanitikan ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-10-Q1...a. suring-pelikula b. suring-teleserye c. suring-basa d. suring-sulat

Kaya, kinakailangan ang malinaw na paggabay sa mag-aaral kung paano makatulong ang kagamitang ito sa kanila. Kabilang dito, dapat ding masubaybayan ang kinalalabasan ng pagkatuto nila na siyang batayan sa pagsukat ng kanilang kahinaan at kalakasan habang sila’y matututo nang sarilinan mula sa kanilang tahanan. Isa pa, palakasin din ang kanilang loob na gawin at tapusin ang mga inihandang gawain ayon sa itinakdang panahon. Sa mag-aaral: Bilang tagatanggap ng kaalaman, ang DepEd ay gumawa ng pagbabago sa paraan ng pagtuturo bilang pagtugon sa karapatan mong makapag-aral sa kabila ng nararanasang krisis dulot ng Covid - 19 pandemya. Sa pamamagitan ng Alternative Delivery Mode-ang Modyul na ito ang isa sa mga nakitang paraan. Halina’t sisirin ang isa mga akdang Pampanitikan ng Mediterranean na siyang tuon ng Ikasampung Baitang sa Filipino, Unang Markahan sa pamamagitan ng Alternative Delivery Mode (ADM), isang Modyul na naglalaman ng Nobela mula sa France na nakahanay sa Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies ng kasalukuyang kurikulum. Sadyang isinagawa ito upang mabigyan ka ng pagkakataong maipagtuloy ang pagkatuto kahit na mag-isa at nasa bahay lang, isinaalang-alang din naman ang iyong sariling kakayahan at kasanayan sa pagtamo ng kaalaman. Tiyak na ang lahat ng iyong pag-aaralan sa modyul na ito ay magpapaunlad sa iyong pagkatuto at pagkatao, at magpapalawak sa iyong pananaw bilang mamamayan ng Pilipinas at ng daigdig.

Paalaala para sa Guro Basahin at ipaunawa nang mabuti ang mga panuto sa bawat hakbang at gawain. Ipaalala sa mag-aaral na gumamit ng hiwalay na papel sa pagsulat ng kanilang mga sagot sa mga gawain. Lahat ng sagutang papel at mga proyektong nagawa ay ipapasa sa guro upang mabigyan ng nararapat na marka.

v

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 6: Panapos na Gawain Suring-Basa sa Akdang Pampanitikan ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-10-Q1...a. suring-pelikula b. suring-teleserye c. suring-basa d. suring-sulat

ITO ANG MGA BAHAGI NG MODYUL AT ANG KATUGONG SAGISAG

ALAMIN

Sa bahaging ito malalaman ang mga dapat matutuhan sa modyul.

SUBUKIN

Sa pagsusulit na ito, makikita kung ano ang kaalaman ng mag-aaral sa paksa ng modyul. Kung nakuha niya ang lahat ng tamang sagot (100%)., maaari nang laktawan ang bahaging balikan ng modyul.

BALIKAN

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksiyon.

TUKLASIN

Ang bagong aralin ay ipakikilala sa mag-aaral sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

SURIIN

Sa seksyong ito, bibigyan ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan ang mag-aaral na maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.

vi

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 7: Panapos na Gawain Suring-Basa sa Akdang Pampanitikan ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-10-Q1...a. suring-pelikula b. suring-teleserye c. suring-basa d. suring-sulat

PAGYAMANIN

Binubuo ito ng mga gawain para sa mapatnubayan at malayang pagsasanay upang mapagtibay ang pang-unawa at mga kasanayan sa paksa ng mag-aaral. Maaaring iwasto ang mga sagot ng mag-aaral sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto na sa huling bahagi ng modyul.

ISAISIP

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan ng mag-aaral mula sa aralin.

ISAGAWA

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa mag-aaral upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

TAYAHIN

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto ng mag-aaral sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

KARAGDAGANG

GAWAIN

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin ng mag-aaral.

SUSI SA PAGWAWASTO

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul.

vii

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 8: Panapos na Gawain Suring-Basa sa Akdang Pampanitikan ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-10-Q1...a. suring-pelikula b. suring-teleserye c. suring-basa d. suring-sulat

Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat matutuhan sa aralin ukol sa isa sa mga akdang pampanitikan ng Mediterranean. Ang lawak nito ay makatulong sa paglinang ng pagkatuto sa anumang kalagayan. Ang wikang ginamit ay iniaangkop ayon sa kakayahan ng pang-unawa ng mag-aaral. Ang mga aralin ay inayos bilang pagsunod sa pamantayan ng K to 12 Curriculum – Most Essential Learning Competencies. Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga Kasanayang Pampagkatuto:

1. Naibibigay ang kaugnay na mga konsepto ng piling salitang critique at simposyum (F10PB-Ii-j-69).

2. Nakabubuo ng isang suring-basa sa alinamang akdang Pampanitikang Mediterranean (F10PB-Ii-j-69).

3. Naibabahagi ang sariling opinyon o pananaw batay sa napakinggan ( F10PN-i- j-68).

Sa binagong paraan ng pagtuturo, isinaalang-alang dito na malinang ang sariling kasanayan at kakayahan ng mag-aaral sa tulong ng mga patnubay na mga gawain ay matamo pa rin ang pagkatuto kahit mag-isa lang. Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

• naipapaliwanag ang mga konseptong may kaugnayan sa piling salitang critique at simposyum

• nakabubuo ng suring-basa batay sa binasang buod ng nobela

• nakapagpapatibay ng sariling katwiran, pagpapasya at paniniwala sa sitwasyong napakinggan

• napapahalagahan ang konsepto sa panunuring akdang pampanitkan

ALAMIN

1

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 9: Panapos na Gawain Suring-Basa sa Akdang Pampanitikan ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-10-Q1...a. suring-pelikula b. suring-teleserye c. suring-basa d. suring-sulat

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang

marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na

papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing

napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain

at sa pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Ipagbigay - alam sa iyong guro kung nahihirapan ka sa pagsasagot sa mga

gawain. Alalayan ka pa rin niya kahit ginagampanan mo nang mag-isa ang

pagkatuto.

Nawa’y maging makahulugan ang modyul na ito na gagabay sa paglinang ng iyong kasanayan sa mapanuring pag-iisip at pag-unawa sa mga konsepto ng pagsusuri, pagsasalita, at pakikinig tungo sa isang makabuluhang pakikipagtalastasan.

Kaya mo iyan!

PANIMULANG PAGTATAYA

I.Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Bilugan lamang ang titik ng wastong sagot. 1. Ito ay isang maikling pagsusuring pampanitikang naglalahad ng sariling kuro-

kuro o palagay ng susulat tungkol sa akda. a. suring-pelikula b. suring-teleserye c. suring-basa d. suring-sulat

Mga Paalaala sa Paggamit

ng Modyul

SUBUKIN MO!

2

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 10: Panapos na Gawain Suring-Basa sa Akdang Pampanitikan ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-10-Q1...a. suring-pelikula b. suring-teleserye c. suring-basa d. suring-sulat

2. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi napabilang sa pagsusuri sa estilo ng pagkasulat ng may-akda?

a. mabisa ang estilo ng pagkasulat ng may-akda b. masining ang paraan ng pagkagawa ng akda c. mahusay na tumugon sa panlasa ng mambabasa d. mahaba ang paraan ng pagkabuod ng akda

3. Ano ang tawag sa paraan na makakatulong sa sumusulat upang makabuo ng

isang mahusay na sulatin na may pagkakaisa at pagkakaugnay-ugnay? a. paglalahad b. balangkas c. salaysay d. kritikong pagsusuri

4. Isang pahayag na nagsasaad ng ideya o panyayaring napatunayan at

hindi mapapasubalian. a. pagsasalaysay b. opinyon c. paglalahad d. katotohanan

5. Ito’y tumutukoy sa isang pananaw ng isang tao o pangkat na maaaring totoo

pero pwedeng mapasubalian? a. opinyon b. paglalarawan c. pagsasalaysay d. paglalarawan

II. Lagyang ng tsek (/) ang pahayag kung ito’y may kaugnayan sa konsepto ng salitang critique at simposyum at (X) naman kung taliwas sa inaasahan. Isulat ang sagot sa inilaang puwang.

_______ 6. Sa pagsusuri ng akda tulad ng nobela, isang mahalagang pamaraan ay pagsusuring pangkaisipan. ________7. Mahalagang paghandaang mabuti ng mg panauhing tagapagsalita ang saklaw ng kanilang paksa at kasanayan sa pagbigkas sa harap ng tagapakinig upang maging malinaw at makabuluhan ang pagtatalakay. ________8. Ang paraan ng paggamit ng mga salita o estilo ng pagkasulat ng akda ay hindi binibigyang puwang sa pagsusuring pampanitikan. ________9. Ang tagumpay ng simposyum ay hindi lamang ang mabubuting pakikinignakasalalay sa kahandaan ng mga tagapagsalita.

_______10. Ang pagdaraos ng simposyum ay isang kapaki-pakinabang na uri ng kasanayang pangkaisipan at kasanayan sa pagsasalita at pakikinig.

3

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 11: Panapos na Gawain Suring-Basa sa Akdang Pampanitikan ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-10-Q1...a. suring-pelikula b. suring-teleserye c. suring-basa d. suring-sulat

GAWAIN 1: Natandaan mo pa ba sila?

Panuto: Isulat ang kalakasan at kahinaang taglay nina Cupid at Psyche mula sa Mitolohiya ng Rome-Italy.

Tumpak! Magaling ka talaga, pinatunayan mong natandaan mo ang mga nasuring

katangian ng mga pangunahing tauhang Cupid at Psyche.

Sige, tumuloy lang para masungkit mo ang nakatagong kaalaman sa modyul na

ito.

KAHINAAN KALAKASAN KALAKASAN KAHINAAN

BALIKAN NATIN

4

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 12: Panapos na Gawain Suring-Basa sa Akdang Pampanitikan ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-10-Q1...a. suring-pelikula b. suring-teleserye c. suring-basa d. suring-sulat

GAWAIN 2: Alamin Mo. Panuto: Hulihin at isilid sa basket ang mga isda na nagsasaad ng kaisipang may kaugnayan sa talakayan ng mga akdang pampanitikan ng Mediterranean

.

Kaisipan Malugod Tema Opinyon Kultura Pangkat Sinopsis Masining

Tagpuan

Himig ng

Critique Tauhan Damdamin Simposyum

TUKLASIN

5

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 13: Panapos na Gawain Suring-Basa sa Akdang Pampanitikan ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-10-Q1...a. suring-pelikula b. suring-teleserye c. suring-basa d. suring-sulat

Ayos!! At natuklasan ninyo ang mga bagong kaalaman. Ngayon ay matutuhan ninyo ang bagong kaalaman tungkol sa Suring-basa.

Nabatid mo ang mahalagang ambag ng panitikang Mediterannean sa pag-unlad ng sarili nating panitikan at maging sa buong mundo. Ang kaalamang ito ay higit mo pang mapagyayaman kung magsasagawa ka ng suring-basa sa alinmang panitikang tuluyan ng bansa sa Mediterranean.

Alam mo ba… Suring-basa- ay isang maikling pagsusuring pampanitikang naglalahad ng sariling kuro-kuro o palagay ng susulat tungkol sa akda. Layunin nito ang mailahad ang mga kaisipang matatagpuan sa isang akda at ang kahalagahan nito.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsasagawa ng Suring-basa

1. Alamin kung anong uri ng akdang pampanitikan ang sinusuri.

2. Bago isulat ang suring-basa ng isang akda, gumawa muna ng sinopsis o maikling lagom. 3. Ipahayag ang kaisipan sa malinaw at tiyak na paraan. 4. Gumamit ng mga pananalitang matapat. 5. Pahalagahan din ang paraan o estilo ng pagkakasulat

SURIIN

6

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 14: Panapos na Gawain Suring-Basa sa Akdang Pampanitikan ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-10-Q1...a. suring-pelikula b. suring-teleserye c. suring-basa d. suring-sulat

Pormat na gagamitin sa pagsulat ng suring-basa

I. Panimula

Uri ng panitikan – Pagtukoy sa mga anyo ng panitikang sinulat, sa

himig o damdaming taglay nito. Bansang pinagmulan – Pagkilala sa bansa kung saan naisulat ang akda

Pagkilala sa may-akda – Ito ay hindi nangangahulugan sa pagkasuri

sa pagkatao ng may-akda kundi sa mga bagay na nag-uudyok sa kanyang likhain ang isang akda.

Layunin ng akda – Pagsusuri sa kahalagahan ng akda kung bakit sinulat.

Layunin ba nitong magpakilos o manghikayat, manuligsa, magprotesta atbp.

II. Pagsusuring Pangnilalaman

Tema o Paksa ng akda – Ito ba’y makabuluhan, napapanahon,

makatotohanan at mag-aangat o tutugon sa sensibilidad ng mambabasa

Mga Tauhan/Karakter sa akda – Ang mga karakter ba’y anyo ng mga

taong likha ng lipunanng ginagalawan, mga tauhang hindi pa nalilikha sa panahong kinabibilangan o mga tauhang lumilikha, nagwawasak, nabubuhay o namamatay. Kung walang tauhan, ang persona sa akda ang ilarawan

Tagpuan/Panahon – Binibigyang-pansin sa panunuring pampanitikan ang kasaysayan? kapaligiran at panahong saklaw ng isang akda bilang mga saksi at sanhi ng kalagayan o katayuan ng indibidwal, ng kaniyang kaugnayan sa kapwa at sa lipunan.

Balangkas ng mga Pangyayari – Isa bang gasgas na mga pangyayari

ang inilahad sa akda? May kakaiba ba sa nilalamang taglay? Dati o luma na bang mga pangyayaring may bagong bihis, anyo, anggulo, o pananaw? Paano binuo ang balangkas ng akda? May kaisahan ba ang pagkakapit ng mga pangyayari mula simula hanggang wakas? Ano ang mensaheng ipinapahiwatig ng kabuuan ng akda? May natutuhan ka ba sa nilalaman ng akda? –

Kulturang Masasalamin sa akda – May nakikita bang uri ng pamumuhay,

paniniwala, kaugalian o kulturang nangingibabaw sa akda? Nakaimpluwensiya ba ito sa pananaw ng ibang tao o bansa?

III. Pagsusuring Pangkaisipan Mga Kaisipan/Ideyang Taglay ng akda Ang isang akdang pampanitikan ay nagtataglay at nagpapaliwanag sa mga kaisipang umiiral, tinatanggap at pinatutunayan ng mga tiyak na sitwasyon o karanasan. Maaari ding ang mga kaisipang ito ay salungatin, pabulaanan, magbago o palitan. Ito ba ay mga katotohanang unibersal, likas sa tao at lipunan, mga batas ng kalikasan, sistema ng mga ideya o paniniwalang kumokontrol sa buhay? Mahalagang masuri sa akda ang mga kaisipang ginamit na batayan sa paglahad ng mga pangyayari.

7

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 15: Panapos na Gawain Suring-Basa sa Akdang Pampanitikan ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-10-Q1...a. suring-pelikula b. suring-teleserye c. suring-basa d. suring-sulat

Estilo ng Pagkasulat ng Akda – Epektibo ba ang paraan ng paggamit ng

mga salita? Angkop ba sa antas ng pang-unawa ng mga mambabasa ang pagkakabuo ng akda? May bisa kaya ang estilo ng pagkakasulat sa nilalaman ng akda? Masining ba ang pagkakagawa ng akda? Ito ba’y kahalagahang tutugon sa panlasa ng mambabasa at sa katangian ng isang mahusay na akda?

IV. Buod Hindi kailangang ibuod nang mahaba ang istorya ng akda. Ang pagbanggit sa mahahalagang detalye ang bigyang-tuon.

Critique o Pagsusuri – ay ang paghimay sa iba’t ibang elemento at bahagi ng isang akda upang makuha at maintindihan ang nais iparating ng akdang sinusuri o binabasa. Halimbawa, suring-basa – ay isang maikling pagsusuring pampanitikang naglalahad ng sariling kuro-kuro o palagay ng susulat tungkol sa akda. Layunin nito ang mailahad ang mga kaisipang matatagpuan sa isang akda at ang kahalagahan nito. Isinaalang-alang din dito kung anong uring akdang pampanitikan ang sinusuri, ipinapahayag sa malinaw at tiyak na paraan, gumamit ng matapat na pananalita, at pinapahalagahan ang paraan o estilo ng pagkasulat.

Ang simposyum ay nag-uugat sa salitang Griyego na sympinein na nangangahulugang sama-samang pag-inom. Mahihiwatigan ang pagsalo-salong ito ay sinasabayan ng mga talakayan at pagpapalitan ng mga opinyon kaugnay ng mga kasalukuyang pangyayari. Sa kasalukuyan ito ay nangangahulugang isang pagtitipon kung saan may malayang talakayan o palitan ng mga kaisipan. Maaari ding pagpupulong kung saan may ilang tagapagsalita na nagbibigay ng maiikling panayam tungkol sa isang paksa o iba’t ibang aspekto ng naturang paksa. Ito ay isang mahalagang paraan upang matalakay, mailahad ang ideya at mapalawak ang kaisipan sa paksang pinag-uusapan. Ito ay may modereytor na:

a. Tagapaglalahad ng paksa at layunin ng talakayan b. Tagapagpakilala ng mga tagapagsalita c. Tagapatnubay sa kaayusan at daloy ng talakayan d. Tagapaglinaw sa mga tanong at detalye e. Tagapagbigay ng buod ng talakayan

Isa –isang tatalakayin ng mga tagapagsalita ang paksang ibinigay sa kanila ayon sa itinakdang oras at haba ng pagsasalita. Kapag nakapagsalita na ang lahat ng bumubuo ng pangkat, ito ay susundan ng lahatang diskusyon o open forum kung saan maaaring magtanong ang mga tagapakinig. Sa bahaging ito nagkakaroon ng paglilinaw at pagbatid sa ibang bagay na kaugnay ng paksang tinatalakay. Mahalagang paghandaang mabuti ng mga panauhing tagapagsalita ang saklaw ng kanilang paksa at ang kasanayan sa pagbigkas sa harap ng mga tagapakinig upang maging malinaw at makabuluhan ang pagtatalakay sa paksa.

8

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 16: Panapos na Gawain Suring-Basa sa Akdang Pampanitikan ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-10-Q1...a. suring-pelikula b. suring-teleserye c. suring-basa d. suring-sulat

Ang tagumpay ng simposyum ay hindi lamang nakasalalay sa kahandaan ng mga tagapagsalita. Malaki ang tungkuling ginagampanan ng mga tagapakinig sa gawain. Ang aktibong tagapakinig ay makatutulong upang maging produktibo ang simposyum. Ang mabuting pakikinig ay nangangahulugang pagpapakita ng interes sa paksang tinatalakay, paggalang sa mga tagapagsalita at kapwa tagapakinig, maayos na paraan ng pagtatanong at matalinong pagbibigay ng reaksiyon ukol sa mga napakinggan. Sa kabuuan, kung ang lahat ay may kahandaan sa gawain, ang pagdaraos ng simposyum ay isang kapaki-pakinabang na uri ng ehersisyong pangkaisipan at kasanayan sa pagsasalita at pakikinig. May iba’t ibang paraan ang pagpapahayag, may pagdepensa sa sarili, may nagpapaunawang diwa, may nagpapahayag ng isang pananaw, mga pahayag na may mga ebidensya atbp. Pagtuonan natin ng pansin ang dalawang uri ng pagpapahayag.

1. Katotohanan - isang pahayag na nagsasaad ng ideya o pangyayaring napatunayan at tanggap ng lahat na totoo at hindi mapapasubalian kahit sa ibang lugar hindi ito nagbabago at maaaring I-verify ang pagkamatoohanan nito sa ibang sanggunian, tulad ng mga babasahin, larawan at mga taong nakasaksi nito.

2. Opinyon – isang pananaw ng isang tao o pangkat na maaaring totoo pero pwedeng mapasubalian ng iba. Ito rin ay isang paniniwala na mas malakas pa sa impresyon, mas mahina sa positibong kaalaman na batay sa obserbasyon at eksperimento.

Ngayon, handa na ba kayong palalimin pa ang natuklasan ninyong bagong konsepto ng mga salita? Sumagwan pa at magagamit mo ang mga ito sa mga sumusunod pang gawain. Kaya, subaybayan pa.

9

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 17: Panapos na Gawain Suring-Basa sa Akdang Pampanitikan ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-10-Q1...a. suring-pelikula b. suring-teleserye c. suring-basa d. suring-sulat

Bilang isang Pilipino, mahalaga bang mapag-aralan ang pantikan at kultura ng ibang lahi? Naiimpluwensiyahan ba ng mga pantikang Mediterranean ang sarili nating panitikan? Sa iyong palagay anong mabubuting bagay ang dapat tularan kaugnay sa paraan ng pamumuhay, paniniwala, o kaugalian ng mga taga-Mediterranean na makatulong sa pag-unlad ng bayan? Ilan lamang ito sa mga mapanuring-tanong na humahamon sa iyo upang malinang ang iyong sarili sa pagsusuri ng anumang akdang pampanitikan. Sa nakaraang aralin, nabatid mo ang mahalagang ambag ng panitikang Mediterranean sa pag-unlad ng sarili nating panitikan at maging sa buong mundo at mapagyayaman mo ito sa pagsasagawa mo ng suring-basa. Sa tulong nito nahihimay-himay mo ang bawat elemento at bahagi ng isang akda upang maipaabot ang nais sabihin o mensahe ng akda para sa mambabasa. Sa bahaging ito napaunlad mo ang iyong kasanayang pangkomunikatibo at mapanuring pag-iisip sa larangan ng pagsusuring-basa. Dagdag dito, mapapaunlad rin ang iba pang nakatago mong kasanayan bukod sa pagsulat maging kasabayan nito ang paglinang ng iyong kakayahan sa pagsasalita tulad ng paglipat ng iyong natutuhan sa pagdaraos ng simposyum. Dito malinaw at malayang mong mailalahad ang iyong saloobin batay sa umiiral na usapin na sinasalamin sa sinuring akda at maging gabay sa iyo sa paghaharap ng anumang suliranin na dumating sa buhay.

PAGYAMANIN

10

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 18: Panapos na Gawain Suring-Basa sa Akdang Pampanitikan ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-10-Q1...a. suring-pelikula b. suring-teleserye c. suring-basa d. suring-sulat

Nauunawaan mo na ba?

Tinalakay sa itaas ang iba’t ibang konseptong nagpapaliwanag kaugnay sa pagsusuring-basa.

GAWAIN 3: Dugtungan…..

Aprub! Binabati kita sa ipinamalas mo sa pag-unawa ng ating aralin. Ginamit mo ang talas ng iyong isip at pandama upang matuklasan at masisid ang konsepto ng ating talakayan na siyang maging kasangkapan mo sa pakikiangkop sa iyong kapaligiran.

4. Nauunawaan ko sa salitang critique ay… 5. Mahalagang malinang ang uri ng pagpapahayag dahil.……

1. Ang dapat tandaan sa pagsagawa ng suring-basa ay…

2. Napapaunlad sa pagsusuri ang kasanayan ko sa…

3. Ang kailangan kong tandaan sa pagbubuod …

ISAISIP

11

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 19: Panapos na Gawain Suring-Basa sa Akdang Pampanitikan ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-10-Q1...a. suring-pelikula b. suring-teleserye c. suring-basa d. suring-sulat

Panuto: Basahin at unawaing muli ang akdang Ang Kuba ng Notre Dame (Buod)

upang masuri ang mahalagang bahagi nito.

Ang Kuba ng Notre Dame (Buod)

ni Victor Hugo Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo

Sa isang malawak na espasyo ng Katedral nagkikita-kita ang mamamayan upang magsaya para sa “Pagdiriwang ng Kahangalan” na isinasagawa sa loob ng isang araw taon-taon. Taong 1482 nang itanghal si Quasimodo – ang kuba ng Notre Dame bilang “Papa ng Kahangalan” dahil sa taglay niyang labis na kapangitan. Siya ang itinuturing na pinakapangit na nilalang sa Paris. Nang araw na iyon, iniluklok siya sa trono at ipinarada palibot sa ilang lugar sa Paris sa pamamagitan ng pangungutya ng mga taong naroroon na nakikibahagi sa kasiyahan. Naroroon si Pierre Gringoire, ang nagpupunyaging makata at pilosopo sa lugar. Hindi siya naging matagumpay na agawin ang kaabalahan ng mga tao sa panonood ng nasabing parada. Malaki ang kaniyang panghihinayang sapagkat wala man lang nagtangkang mapanood ang kaniyang inihandang palabas. Habang isinasagawa ang mga panunuya kay Quasimodo, dumating ang paring si Claude Frollo at ipinatigil ang pagdiriwang. Inutusan niya si Quasimodo na bumalik sa Notre Dame na kasama niya.

Sa paghahanap ng makakain, nasilayan ni Gringoire ang kagandahan ni La Esmeralda- ang dalagang mananayaw. Ipinasiya niyang sundan ang dalaga sa kaniyang pag-uwi. Habang binabagtas ni La Esmeralda ang daan, laking gulat niya nang sunggaban siya ng dalawang lalaki – sina Quasimodo at Frollo. Sinubukang tulungan ni Gringoire ang dalaga subalit hindi niya nakaya ang lakas ni Quasimodo kung kaya’t nawalan siya ng malay. Dagli namang nakatakas si Frollo. Dumating ang ilang alagad ng hari sa pangunguna ni Phoebus – ang kapitan ng mga tagapagtanggol sa kaharian.

Dinakip nila si Quasimodo. Samantala, hatinggabi na nang pagpasiyahan ng pangkat ng mga pulubi at magnanakaw na bitayin si Gringoire. Lumapit si La Esmeralda sa pinuno ng pangkat at nagmungkahing huwag ituloy ang pagbitay sapagkat handa siyang magpakasal sa lalaki sa loob lamang ng apat na taon, mailigtas lamang ang buhay ni Gringoire sa kamatayan.

Nang sumunod na araw, si Quasimodo ay nilitis at pinarusahan sa tapat ng palasyo sa pamamagitan ng paglatigo sa kaniyang katawan. Matindi ang sakit ng bawat latay ng latigo na ipinapalo sa kaniyang katawan. Inisip niya ang dahilan ng kaniyang pagdurusa. Ang lahat ng iyon ay kagustuhan at ayon sa kautusan ni Frollo- na kailanman ay hindi niya nagawang tutulan dahil sa utang na loob.

ISAGAWA

12

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 20: Panapos na Gawain Suring-Basa sa Akdang Pampanitikan ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-10-Q1...a. suring-pelikula b. suring-teleserye c. suring-basa d. suring-sulat

Kasabay ng sakit na nadarama niya ay ang matinding kirot na nalalasap sa bawat panghahamak sa kaniya ng mga taong naroroon. Nagmakaawa siya na bigyan siya ng tubig subalit tila bingi ang mga taong nakatingin sa kaniya – na ang tanging gusto ay lapastanganin at pagtawanan ang kaniyang kahabag-habag na kalagayan. Dumating si La Esmeralda.

Lumapit ang dalaga sa kaniya na may hawak na isang basong tubig. Pinainom siya. Samantala, sa di kalayuan ay may babaeng baliw na sumisigaw kay La Esmeralda. Tinawag siya ng babaeng “hamak na mananayaw” at “anak ng magnanakaw.”

Kilala ang babae sa tawag na Sister Gudule. Siya ay pinaniniwalaan na dating mayaman subalit nawala ang bait nang mawala ang anak na babae, labinlimang taon na ang nakalilipas.

Makaraan ang ilang buwan, habang si La Esmeralda ay sumasayaw sa tapat ng Notre Dame at pinagkakaguluhan ng maraming tao, napagawi ang mga mata ni Phoebus sa mapang-akit na kagandahan ng dalaga. Nang mapuna ni La Esmeralda si Phoebus ay napaibig dito ang dalaga. Tila siya nawalan ng ulirat nang kaniyang marinig ang paanyaya ng binata na magkita sila mamayang gabi upang lubos na magkakilala. Si Frollo ay nakatanaw lamang mula sa tuktok ng Notre Dame at nakaramdam ng matinding panibugho sa nasasaksihan. Ang kaniyang matinding pagnanasa kay La Esmeralda ang nag-udyok sa kaniya na talikuran ang Panginoon at pag-aralan ang itim na mahika. Mayroon siyang masamang balak. Nais niyang bihagin ang dalaga at itago sa kaniyang selda sa Notre Dame. Nang sumapit ang hatinggabi, sinundan niya si Phoebus sa pakikipagtipan kay La Esmeralda. Habang masayang nag-uusap ang bagong magkakilala ay biglang may sumunggab ng saksak kay Phoebus ngunit mabilis ding naglaho ang may sala. Hinuli ng mga alagad ng hari si La Esmeralda sa pag-aakalang siya ang may kagagawan ng paglapastangan sa kapitan.

Matapos pahirapan sa paglilitis, sapilitang pinaako kay La Esmeralda ang kasalanang hindi niya ginawa. Pinaratangan din siyang mangkukulam. Siya ay nasintensiyahang bitayin sa harap ng palasyo. Dinalaw siya ni Frollo sa piitan at ipinagtapat ang pag-ibig sa kaniya. Nagmakaawa ang pari na mahalin din siya at magpakita man lang kahit kaunting awa ang dalaga subalit tinawag lamang siya ni La Esmeralda ng tiyanak na monghe at pinaratangang mamamatay tao. Tumanggi siya sa lahat ng alok ni Frollo. Bago ang pagbitay, iniharap si La Esmeralda sa maraming tao sa tapat ng Notre Dame upang kutyain. Napansin ng dalaga ang anyo ni Phoebus kaya isinigaw niya ang pangalan ng binata. Si Phoebus ay nakaligtas sa tangkang pagpatay sa kaniya. Tumalikod si Phoebus na tila walang naririnig at tinunton ang bahay ng babaeng kaniyang pakakasalan. Ilang sandali’y dumating si Quasimodo galing sa tuktok ng Notre Dame patungo kay La Esmeralda gamit ang tali. Hinila niya paitaas ang dalaga patungo sa Katedral at tumatangis na isinigaw ang katagang “Santuwaryo”. Si Quasimodo ay napaibig kay La Esmeralda nang araw na hatiran siya ng dalaga ng tubig sa panahong wala man lang magnasang tumulong sa kaniya. Matagal na niyang

13

7

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 21: Panapos na Gawain Suring-Basa sa Akdang Pampanitikan ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-10-Q1...a. suring-pelikula b. suring-teleserye c. suring-basa d. suring-sulat

pinagplanuhan kung paano itatakas si La Esmeralda sa naging kalagayan ng dalaga. Batid ni Quasimodo na ang dalaga ay mananatiling ligtas hangga’t nasa katedral. Sa mga araw na magkasama ang dalawa, mahirap para kay La Esmeralda na titigan ang pangit na anyo ni Quasimodo. Di nagtagal, naging magkaibigan ang dalawa.

Lumusob sa katedral ang pangkat ng mga taong palaboy at magnanakaw sila ang kinikilalang pamilya ni La Esmeralda. Naroon sila upang sagipin ang dalaga sapagkat narinig nila na nagbaba ng kautusan ang parliyamentaryo na paaalisin si La Esmeralda sa katedral. Samantala, inakala naman ni Quasimodo na papatayin ng mga lumusob si La Esmeralda kaya gumawa siya ng paraan upang iligtas ang dalaga.

Malaking bilang ng mga lumusob ang napatay ni Quasimodo. Habang nagkakagulo, sinamantala ni Frollo na makalapit kay La Esmeralda. Nag-alok siya ng dalawang pagpipilian ng dalaga: ang mahalin siya o ang mabitay? Mas pinili ni La Esmeralda ang mabitay kaysa mahalin ang isang hangal na tulad ni Frollo. Iniwan ni Frollo ang dalaga na kasama si Sister Gudule. Labis ang pagkamangha ng dalawa nang mabatid nila na sila ay mag-ina. Nakilala ni Sister Gudule si La Esmeralda dahil sa kuwintas na suot ng dalaga. Ito ang kaniyang palatandaan na suot ng kaniyang anak bago mawala. Ninasa ni Sister Gudule na iligtas ang anak subalit huli na ang lahat.

Nang mabatid ni Quasimodo na nawawala si La Esmeralda, tinunton niya

ang tuktok ng tore at doon hinanap ang dalaga. Sa di kalayuan, napansin niya ang anyo ng dalaga. Si La Esmeralda ay nakaputing bestida at wala ng buhay. Naantig siya sa kaniyang nasaksihan. Labis na galit ang nararamdaman niya kay Frollo na noon pa man ay batid niya na may matinding pagnanasa sa dalaga. Nawala sa katinuan si Quasimodo. Nang mamataan niya si Frollo, hinila niya ito at sa matinding lungkot na nararamdaman ay inihulog niya ito mula sa tore- ang paring kumupkop sa kaniya.

Inihulog niya sa kamatayan ang taong naghatid ng pagdurusa sa babaeng

kaniyang minahal – si La Esmeralda. Habang nakatitig sa wala nang buhay na katawan ng dalaga, sumigaw si Quasimodo, “walang ibang babae akong minahal.” Mula noon, hindi na muling nakita pa si Quasimodo.

Matapos ang ilang taon, nang matagpuan ng isang lalaking naghuhukay ng

puntod ang libingan ni La Esmeralda, nasilayan niya ang hindi kapani-paniwalang katotohanan- nakayakap ang kalansay ng kuba sa katawan ng dalaga.

14

7

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 22: Panapos na Gawain Suring-Basa sa Akdang Pampanitikan ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-10-Q1...a. suring-pelikula b. suring-teleserye c. suring-basa d. suring-sulat

Gawain 4- Subok-Kaalaman! A. Panuto: Ibigay ang sagot sa mga sumusunod na katanungan. 1. Ano ang mahalagang papel ng Katedral sa kuwento ng nobela? 2. Ilarawan ang tagpuan ng kuwento? 3. Anong uring akdang pampanitikan ang binasang akda? 4. Ano ang katangiang nakikita kay Esmeralda na nais mong tularan? Bakit? 5. Ano ang kaisipang taglay na inilahad sa mga pangyayari sa kuwento? 6. Anong pangyayari sa akda na sumamsalamin sa kultura ng kanilang bansa? 7. Ano ang katangiang nangingibabaw na naglalarawan sa pangunahing kay Quasimodo? 8. Ano ang pananaw ng may-akda tungkol sa pamilya, at pag-ibig? Magbigay ng patunay. 9. Epektibo ba at mabisa ang pagkasulat ng akda? 10. May kaisahan ba ang pagkakapit ng mga pangyayari mula simula hanggang sa wakas?

KAYANG-KAYA KO ‘TO!

GAWAIN 5: Suri-lapat: Sumulat ng isang suring-basa mula sa akdang “Ang

Kuba ng Notre Dame” gamit ang sumusunod na pamantayan:

I- Panimula A. Pagkilala sa may-akda B. Uri ng Panitikan C. Layunin ng may akda

TAYAHIN

15

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 23: Panapos na Gawain Suring-Basa sa Akdang Pampanitikan ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-10-Q1...a. suring-pelikula b. suring-teleserye c. suring-basa d. suring-sulat

II- PAGSUSURING PANGNILALAMAN

A. Tema o paksa ng may akda B. Mga tuhan at karakter sa kwento C.Tagpuan at panahon D. Nilalaman ng bawat balangkas sa kwento E. Kulturang Masasalamin sa akda

III- PAGSUSURING PANGKAISIPAN

A. Mga kaisipan/ Ideyang Taglay ng may akda B. Istilo ng pagkakasulat ng may akda

IV- BUOD

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

Dimensyon Mahusay

5

Katamtaman

4

Mahina

3 Puntos

Orihinalidad

Ang pagkasulat ay naayon sa pamantayan at hindi gasgas

Mahusay dahil hindi masyadong karaniwan ang pagkasulat

Masyadong gasgas at karaniwan ang pagkasulat

Pagsusuri sa Panimula

Ang pagkasulat ay maayos at mabisa dahil nasunod ang pamantayan sa pagsulat

Mahusay dahil hindi masyadong karaniwan ang pagkasulat

Masyadong karaniwan at gasgas

Pagsusuring Pangnilalaman

Buo, malinaw at organisado ang pagkalahad ng ideya

May kaisahan at di masyadong maayos ang pagkalahad ng ideya

Hindi ganap ang pagkabuo ng ideya at di malinaw

Pagsusuring Pangkaisipan

Lahat na kaisipan ay angkop, mahusay na inilahad

Karamihan sa nilalaman ay angkop at mahalagang inilahad ang kaisipan

May mga inilahad kaisipan na hindi malayo at di- angkop.

Buod

Mahusay ang pagkasunod-sunod ng pangunahing ideya at di mahaba ang buod

Maayos ang organisasyon ng ideya may pagkahaba ang buod

Di-masyadong ang mga ideya at mahaba ang buod

16

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 24: Panapos na Gawain Suring-Basa sa Akdang Pampanitikan ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-10-Q1...a. suring-pelikula b. suring-teleserye c. suring-basa d. suring-sulat

Lawak-Kaalaman…

GAWAIN 6. 1. Magtala ng mga kaalaman na nagpapatibay sa iyong kaalaman tungkol sa ating aralin. 2.Sa iyong paniniwala, nakatutulong ba ang panunuring

pampanitikang Mediterranean sa pakikiangkop mo sa iyong lipunan ngayon? Pangatwiranan.

1. 2.

Maraming Salamat! Sa wakas nagalugad mo na rin ang nilalaman ng modyul na ito. Nawa’y ang butil ng kaalaman na iyong nasungkit ay magagamit mo sa araw-araw na pakikitalad sa hamon ng mundo..

KARAGDAGANG GAWAIN

17

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 25: Panapos na Gawain Suring-Basa sa Akdang Pampanitikan ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-10-Q1...a. suring-pelikula b. suring-teleserye c. suring-basa d. suring-sulat

22

SUS SA PAGWAWASTO

A.SUBUKIN MO! Panimulang Pagtataya

1. C 6. / 2. D 7. / 3. B 8. X 4. D 9. / 5. A 10. /

C. ISAISIP Gawain 3 1. ang pagsunod sa pamantayan sa pagsulat 2. komunikatibo 3. ay hindi dapat malaman at hindi mahaba 4. ang paghimay sa iba-t-ibang elemento ng akda 5. nakasalig sa kanyang karanasan at mga nabasang prinsipyo o kaisipan

B. BALIKAN NATIN! Gawain 1: Iba-iba ang sagot Gawain 2. 1.Kaisipan 2. Tema 3. Opinyon 4. Sinopsis 5. Masining 6. Kultura 7.Critique 8. Tauhan 9.Himig ng damdamin 10. Tagpuan

D. ISAGAWA Gawain 4 1. Iba-iba ang sagot 2. Sa isang malawak na espasyo ng katedral 3. Nobela 4. Iba-iba ang sagot 5. Iba-iba ang sagot 6. Iba-iba ang sagot 7. Mapagmahal 8. Iba-iba ang sagot 9. Iba-iba ang sagot 10. Oo

E. TAYAHIN Gawain 5: Iba-iba ang sagot batay sa pag-unawa ng mag-aaral

F. KARAGDAGANG GAWAIN Gawain 6: Iba-iba ang sagot

18

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 26: Panapos na Gawain Suring-Basa sa Akdang Pampanitikan ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-10-Q1...a. suring-pelikula b. suring-teleserye c. suring-basa d. suring-sulat

FILIPINO - Ikasampung Baitang, Modyul para sa Mag-aaral, Unang Edisyon. https://www.coursehero.com/file/32337057/SIMPOSYUM-AT-CRITIQUEpptx/

https://www.google.com/search?q=images+of+cupid+god+of+love&tbm=isch&ved=2ahUKEwiwvqqV8IXrAhULBJQKHajVBFYQ2- https://www.slideshare.net/karenmfajardo/kahulugan-at-kahalagahan-ng-panunuring-pampanitikan-katangian-ng-isang-mahusay-na-kritiko

Sanggunian:

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education: DepEd-Cebu Province Office Address: Sudlon, Cebu City, 6000 Cebu Telefax: (032) 255-6405 Email Address: [email protected]

19

User
Version 2.0
User
DMWMark