pangungusap

21
PANGUNGUSAP

Upload: mary-anne-bermudez

Post on 01-Nov-2014

353 views

Category:

Documents


5 download

DESCRIPTION

Mga Uri ng Pangungusap

TRANSCRIPT

Page 1: PANGUNGUSAP

PANGUNGUSAP

Page 2: PANGUNGUSAP

ay ang kalipunan ng mga salitang nagsasaad ng isang buong diwa. Ito ay may patapos na himig sa dulo na nagsasaad ng diwa o

kaisipang nais niyang ipaabot. Ito ay tinatawag na Sentence sa

wikang Ingles.

Page 3: PANGUNGUSAP

Simuno o Paksa Ang Simuno o Paksa ( Subject sa wikang Ingles) -ang bahaging pinag-uusapan o pinagtutuunan ng pansin sa loob ng pangungusap. Ang paksa o simuno ay maaaring gumaganap ng kilos o pinagtutuunan ng diwang isinasaad sa pandiwa at ganapan ng kilos ng pandiwa. -Halimbawa:1.Naglalaro si Crisanto ng ahedres. ( gumanap ng kilos ) 2.Inihaw ni Wilson ang mga nahuling isda ( pinagtutuunan ng diwang isinasaad ng pandiwa ) 3.Si Melody ay kumakanta sa liwasan ngayon.

Page 4: PANGUNGUSAP

PanaguriAng Panaguri (Predicate sa wikang Ingles) ang bahagi ng pangungusap na nagbibigay ng kaalaman o impormasyon tungkol sa paksa. Ito ay naglalahad ng mga bagay hinggil sa simuno.Ito ay maaaring: panaguring pangngalan panaguring panghalip panaguring pang-uri panaguring pandiwa panaguring pang-abay panaguring pawatas

Page 5: PANGUNGUSAP

1) Bangus ang pambansang isda ng Pilipinas. ( pangngalan )

2) Sila ang aawit sa misa. ( panghalip ) 3) Malulusog ang anak niyang kambal.

( pang-uri ) Naglalaba ang kanyang ina. ( pandiwa )

4) Dahan-dahan ang kanyang pag-akyat. ( pang-abay ) Magtanim ng orkidyas ang kinahihiligan niya. ( pawatas)

Page 6: PANGUNGUSAP

Payak

Ito nagsasaad ng isang diwa at nagtataglay lamang ng iisang sugnay na makapag-iisa.

Halimbawa:

Si Andres Bonifacio ay isang matapang na bayani.

Page 7: PANGUNGUSAP

Payak na Simuno at Payak na Panaguri Halimbawa: Si Jose Rizal ang pambansang bayani ng Pilipinas.

Tambalang Simuno at Payak na Panaguri Halimbawa: Si Ding at Dang ay matalino sa matematika. Payak na Simuno at

Tambalang Panaguri Halimbawa: Si Toto ay matulungin at madasalin.

Tambalang Simuno at Tambalang Panaguri Halimbawa: Ang Pransya at Alemanya ay magkalapit at makaibigang bansa.

Isang sambitla na may patapos na himig sa dulo Halimbawa: Umuulan! Sunog!

Page 8: PANGUNGUSAP

TambalanIto ay binubuo ng dalawa o higit

pang sugnay na makapag-iisa at pinag-uugnay ng mga pangatnig o paggamit ng tuldukwit (;).oHalimbawa:

Ang ilan sa mga mag-aaral ay hindi gumagawa ng takdang-aralin; samantalang ang karamihan ay gumagawa.

Page 9: PANGUNGUSAP

HugnayanIto ay binubuo ng isang sugnay na

makapag-iisa at isa o higit pang sugnay na di-makapag-iisa.oHalimbawa:

Ang manggagawang ginantimpalaan dahil sa kanyang kasipagan sa pagtatrabaho sa kompanya ay nanay ni Randy.

Page 10: PANGUNGUSAP

LangkapanIto ay binubuo ng dalawa o higit pang

sugnay na makapagiisa at isa o higit pang sugnay na hindi makapagiisa.oHalimbawa:

Tayong mga magkakagrupo ay kailangang magtulungan para mabilis nating matapos ang ating gawain dahil sa tayo ang mamamayan ng Pilipinas, kailangan nating magtulungan upang tumatag ang ekonomiya.

Page 11: PANGUNGUSAP

Karaniwang Ayos Ang panaguri ay nauuna sa simuno. Halimbawa:

Mabilis magsampay ng damit si Nena.

Di-karaniwang Ayos Ang simuno ay nauuna sa panaguri. Kapunapuna ang paggamit ng ay pagkatapos ng simuno sa pangungusap.

Halimbawa:

Si Nena ay mabilis na nagsampay ng damit.

Page 12: PANGUNGUSAP

Batayang Pangungusap: Nag-aral si Engelbert sa math.

Lagyan ng mga paningit Kabilang sa mga paningit ay ang mga salitang: daw,    kaya,    ba,    sana,   at iba pa. Halimbawa: Nag-aral  kaya  sa Matematika si Engelbert?

Gumamit ng pang-uri bilang panuring Halimbawa: Nag-aral  nang mabuti  sa Matematika  ang batang  si Engelbert.

Gumamit ng pang-abay bilang panuring Halimbawa: Nag-aral nang mabuti sa Matematika si Engelbert  para sa darating na kompetisyon .

Page 13: PANGUNGUSAP

Paturol Ito ay nagsasaad ng katotohanan o isang kaganapan. Nagtatapos sa bantas na tuldok ( . ).

Halimbawa:

1)Ang Asya ang pinakamalaking kontinente.Ang mga kabataan ngayon ay mahilig magbulakbol.

2)Ang EDSA Shrine ay dausan ng mga pag-aaklas

Page 14: PANGUNGUSAP

PautosIto ay naghahayag ng utos o

kahilingan. Nagtatapos din a bantas na tuldok(.)oHalimbawa:

Dalhan mo ako ng pasalubong.Buksan mo ang mga bintana.

Page 15: PANGUNGUSAP

Anyo ng PautosPautos na PananggiPinangungunahan ng salitang "huwag".o Halimbawa:

Huwag kang lalabas ng bahay.Pautos na Panag-ayonIto ang paksa ng pangungusap ay nasa

ikalawang panauhan at may pandiwang nasa anyong pawatas.o Halimbawa:

Ipaluto mo si Marissa ng tinola

Page 16: PANGUNGUSAP

PatanongIto ay nagsasaad ng isang katanungan.Anyo ng Patanong

Patanong na masasagot ng OO o HindioHalimbawa:

Kumain ka na ba?Pangungusap na Patanggi ang TanongoHalimbawa:

Hindi ka ba papasok?Hindi ka ba kakain dito?

Page 17: PANGUNGUSAP

Gumagamit ng Panghalip na PananongAng mga panghalip ay kinabibilangan ng mga

salitang:    ano,    alin,    sino,    saan    at iba pa.o Halimbawa:

Ano ang iyong kinain kanina?Alin ang pipiliin mo?

Nasa Kabalikang Anyo ng Tanongo Halimbawa:

Siya ba ay pupunta rin?Tayo ba ay aalis na?

Tanong na may Karugtong o Pabuntoto Halimbawa:

Kumain ka na, hindi ba?Dumaan ka na dito, hindi ba?

Page 18: PANGUNGUSAP

PakiusapIto ay nagsasaad o nagpapahayag ng pakiusap.o Halimbawa:

Maaari po kayong umupo.Pakibuksan mo nga itong lata ng sardinas.Maaari po ba akong lumabas bukas?

Page 19: PANGUNGUSAP

PanamdamIto ay nagpapahayag ng matinding damdamin.oHalimbawa:

Hala!Aba!Ha!Hoy!Gising!Naku!Magnanakaw!

Page 20: PANGUNGUSAP

Modal Nagpapahayag ng kahilingan o pagnanasa o pagnanais. Halimbawa: Nais ko sanang malibot ang buong mundo.

Eksistensyal Ito ay pahayag na ginagamitan ng may, mayroon o wala. Halimbawa: May tao sa loob.

Mayroong ganyan doon.

Page 21: PANGUNGUSAP

TemporalIto ay nagsasaad ng sagot tungkol sa panahon.o Halimbawa:

Sa Linggo.Mamaya.

PenomenalIto ay nagpapahayag ng pangyayari.o Halimbawa:

Lumindol sa Africa.Bumabagyo sa Bikol.

Pormulasyong PanlipunanIto ay nagpapahayag ng paggalang.o Halimbawa:

Makikiraan po.Tao po.Salamat po.