paninidigan para sa pagbabago( pabula ) by.rosette\'s group of i-st.john 2010-2011
TRANSCRIPT
Paninindigan Para sa Pagbabago
Mahabang panahon na ang nakalipas, Si Don Diego Dragon ang namumuno sa Animalandia. Ngunit, kahit
kailan ay hindi siya nirerespeto at kinikilala ng mga hayop. Ang kanyang pagiging gahaman, sakim at malupit ang
naging dahilan ng kahirapan ng mga hayop. Maging si Ali Alitaptap na 25 taong alalay niya ay nawalan na ng
kakayahang respetuhin si Don Diego Dragon.
Ali Alitaptap
Isang araw, nagpatawag ng pulong si Don Diego Dragon. Para ito sa mga konseho na binubuo ng 12
konsehal na sila:
Naging maganda ang takbo ng pulong, ngunit, sa kalagitnaan ay biglang nagsalita ang Don ng ganito:
Sa inyong mga bumubuo sa konseho, bibigyan ko kayo ng limpak-limpak na pera sa isang kondisyon, makikiisa kayo sa akin at tayo ang mamumuno sa buong Animalandia!!! Har, har, har!!! Pumirma
dito ang gustong sumanib.
Hindi pumayag ang konseho. Nagalit ang Don at nagbanta,
Eh papatayin ko kaya kayo. Wag niyo kong subukan kung ayaw niyong makita ang sarili nyo sa loob ng
aking tiyan.
Dahil sa matinding takot, pumayag ang konseho maliban kay tatang kuwago na pinakapinuno ng buong konseho.
Aba! Tatang Kuwago, wag ka nang magmalinis, alam ko
naman na gustung-gusto mo ng limpak-limpak na pera. Aba, Diego, wag mong
kalimutan na kahit matanda na ako, hindi ako
magpapasuhol kung sinuman. Hindi ako katulad
ng aking kasamahan na nagpapadala sa takot.
Pinakita lamang nila na mababaw ang paggalang nila sa mga ibang
hayop at hindi nila kayang panindigan ang kanilang adhikain. Napakababaw ng pagkatao niyo!!!
Binibigyan kita ng tatlong araw para
pagisipan ang iyong desisiyon.
Kinabukasan, tinipon ni Tatang Kuwago ang lahat ng mga hayop na tumitiwalag kay Don Diego Dragon. Ilan sa mga hayop na ito na
tunay na naninindigan sila Patty Kalapati, Ali Alitaptap at pati na rin ang mga kawal at
trabahador ni Don Diego Dragon.
Mga kaibigan, sinuhulan ni Diego ang mga miyembro ng konseho
para makiisa sa kanya na angkinin ang buong Animalandia. Nagpatalo sa takot ang konseho at napilitang
sumapi kay Diego. Narito ako upang bumuo ng pangkat na lalaban para sa kawalan ng
kasamaan.
Sumasang-ayon ako kay Tatang kailangan na talaga nating
kumilos.
Kung ganun, ito ang
gagawin natin.
Araw ng pagkikita nila Don Diego at Tatang Kuwago………
Ano Tatang payag ka na bang
sumanib sa aking adhikain? Har, har,
har!!!
Hindi nagsalita si tatang Kuwago. Sa ilang sandali pa ay may sumigaw ng:
SUGOD!!!
Bigla nilang tinali si DON.
Pakawalan ninyo ako!!!
Iyan ang kabayaran sa
lahat ng kasamaan
mo!!!
Ngayon ko lang napagtanto na napakasama ko pala. Humihingi
ako ng paumanhin sa aking
pinaggagagawa.
Napatawad ka na namin, ngunit,
ikaw ay mapapaalis sa Animalandia at
hindi na makakabalik kahit kailan,” sabi ni Ali
Alitaptap.
Oo!!! Kung iyan ang kaparusahan
ko, tatanggapin ko. Salamat sa
pagpapatawad ninyo sa aking mga
sala.
Lumipas pa ang mga panahon, namuhay ang mga hayop ng matiwasay at mapayapa sa pamumuno ni Tatang Kuwago, ang pinakananinindigan para sa lahat.