panitikan ng armm

74
PANITIKAN NG ARMM A Research Paper Presented to Mr. Ariel Ahmad L. Fabrao Faculty of the Filipino Department RC-Al Khwarizmi International College Foundation, INC. Marawi City In Partial Fulfillment of the Requirements for the Course Filipino 13 (Retorika) MACAROMPIS, Alkhima M. ABDUL, Normalah P. KIRAM, Anady M. AMER, Najiera B. SULTAN, Asmah C. MONA, Norlailah February, 2013

Upload: untroshlich

Post on 12-May-2015

16.461 views

Category:

Education


37 download

TRANSCRIPT

Page 1: Panitikan ng ARMM

PANITIKAN NG ARMM

A Research PaperPresented to

Mr. Ariel Ahmad L. FabraoFaculty of the Filipino Department

RC-Al Khwarizmi International College Foundation, INC.Marawi City

In Partial Fulfillment of theRequirements for the Course

Filipino 13 (Retorika)

MACAROMPIS, Alkhima M.ABDUL, Normalah P.

KIRAM, Anady M.AMER, Najiera B.

SULTAN, Asmah C.MONA, Norlailah

February, 2013

Page 2: Panitikan ng ARMM

BALANGKAS

Panimula

Ang mga Maranao ay tinawag na mga taong naninirahan sa tabi ng ilog, “People of the

Lake”. Sila ang nangungunang relihiyong Muslim sa Pilipinas na naninirahan sa Mindanao.

Kilala sila sa kanilang tanyag na mga sining, tanyag nilang karanasan, at sa kanilang tanyag na

epikong panitikan.

I. Panitikan ng Meranao

1. Epiko

1.1 Darangen

2. Tutol (kuwento)

2.1 Tutol sa Pagkapoon (Kuwento Tungkol sa Pinagmulan)

2.2 Tutol sa Piyakakuyakayad (Nakakatuwang Kuwento)

2.3 Pangangayaman (Pabula)

3. Tubad Tubad (Maiiksing Tulang Pampag-ibig)

4. Kadaonga (Love Fest)

5. Pananaroon (Matalinghagang Kasabihan)

6. Sowa-Sowa-i (Drama)

6.1 Kambayoka

6. 2 Kaganat sa Darangen

6. 3 Diabro, kokok, at Onta

6.4 Sagayan

6.5 Sadoratan

7. Limpangan ago Antoka (Puzzles and Riddles)

Page 3: Panitikan ng ARMM

8. Sakuba (Rhymes)

9. Panitikang Pambata

9.1 Kanta tungkol sa Pangangaso

9.2 Kanta tungkol sa Pangingisda

9.3 Lalabay (Lullaby)

9.4 Kantang May Rima (Rhyme)

II. Panitikan ng Maguindanao

1. Elemento ng Literaturang Maguindanao

1.1 Folk Speech

1.1.1 Antuka (Bugtong)

1.1.2 Bayok

1.2 Folk Narratives

1.2.1 Tarsila

1.2.2 Luwaran

1.2.3 Hadith

1.2.4 Quiza

1.2.5 Katutubong tradisyon

1.2.5.1 Raja Indarapatra

1.2.5.2 Darangen

1.2.5.3 Raja Madaya

III. Panitikan ng Manobo

1.1 Tribo ng Manobo

1.2 Kasaysayan at Pinagmulan

1.3 Ekonomiya at industriya

1.4 Lipunan at Pamahalaan

1.5 Kaugalian at Paniniwala

1.6 Sining

1.7 Ang Manobo ng Modernong Panahon

1.8 Mga Uri ng Panitikan sa SOCCSKSARGEN

1.8.1 Mito

Page 4: Panitikan ng ARMM

1.8.2 Alamat

1.8.3 Epiko

IV. Panitikan ng Samal

1.1 Tradisyunal ng Literaturang Samal

1.1.1 Narrative Prose

1.1.2 Folk Tale

1.2 Iba pang naratibo

1.2.1 Mito

1.2.2 Numskull Tales

1.2.3 Novelistic Tales

V. Panitikan ng Tiruray

1.1 Mito

1.2 Alamat

1.3 Mga kwentong ang bida ay hayop

VI. Panitikan ng Yakan

1.1 Alamat

Page 5: Panitikan ng ARMM

Panitikan

Ang Panitikang Maranao

Ang mga Maranao ay tinawag na mga taong naninirahan sa tabi ng ilog, “People of the

Lake”. Sila ang nangungunang relihiyong Muslim sa Pilipinas na naninirahan sa Mindanao.

Kilala sila sa kanilang tanyag na mga sining, tanyag nilang karanasan, at sa kanilang tanyag na

epikong panitikan.

Ang mga Maranao

Ang salitang Maranao ay puwedeng baybayin na Maranaw. Ang totoong tema ay

Iranaon sapagkat ito ay matatas na binibigkas sa Iranon o Iranun na nangangahulugan ding

“People of the Lake”, tinutukoy ito na mga sina-unang tao na nanirahan sa lupang napapalibot

ng Lake Lanao at ang primaryang bayan ay Marawi City. Tatlo ang wikang ginagamit sa pook na

Marawi City, ito ay: Maranao, Bisaya at Tagalog. Ang mga Maranao ay parte ng malaking gropo

ng kulturang Moro na isa sa malaking gropo na kulturang Pilipino (Website, Wikipedia.com).

Sarimanok ay ang kanilang alamat na ibon na naging simbolo ng kanilang sining. Isa

itong alamid na makulay ang pakpak gayon din sa malapakpak na buntot nito at may nakatukang

isda. Ito ay sinasabi nilang simbolo ng magandang kapalaran.

Ang Panitikang Maranao

May tinatawag na Panitikang di pang-Islam. Ito ay nahahati sa mga sumusunod: (1)

Epiko, (2) Tutol (kuwento), (3) Tubad-tubad (maiiksing tula pampag-ibig) (4) Kadaonga (Love

fest), (5) Pananaroon (kasabihan), (6) Sowa-sowa-i (drama), (7) Limpangan ago Antoka (Puzzles

at Riddles), (8) Rhymes (Sakuba), (9) Panitikan Pambata (Madale, 1942).

1) Epiko

Ang Darangen ang pinakatanyag na epiko sa Maranao. Ito ay mga salaysay na patula

hinggil sa kabayanihan ng mga nasa Magindanaw, mga gawaing kahanga-hanga at di sukat

mapaniwalang kabayanihan at kagitingan ng mga mandirigmang Muslim. Ang Darangan ay

hindi iisang epiko – marami – ngunit tatatlo lamang ang napasalin pa sa Ingles at ito’y utang sa

Page 6: Panitikan ng ARMM

pagsasaliksik ni G. Frank Lauback. Ang mga Darangan ay nasusulat sa wikang Maranaw. Ang

lalong popular sa lahat ay ang Bantugan, na paulit-ulit na binibigkas sa dating pagkakakatha sa

palibot ng Lawa ng Lanaw. May ilang mga Muslim ngayon na nakapag-uulit sa kabuuan ng

Bantugan.

2) Tutol (Kuwento)

Ang tutol ay nahahati sa tatlo: (a) Tutol sa Pagkapoon (Kuwento tungkol sa

Pinagmulan), (b) Tutol sa Piyakakuyakayad (Nakakatuwang Kuwento), (c) Pabula

(Pangangayamun).

a) Tutol sa Pagkapoon (Kuwento Tungkol sa Pinagmulan)

Radia Indarapatra

Bagama’t itinuturing ang Radia Indarapatra bilang epiko, ito ay

napapabilang sa kategoryang tutol. Ito ay ayon kay Timan Madela (1942).

Ang Radia Indarapatra ay may dalawang bersyon: ang sa Maguindanao at

sa Maranao. Sa bersyon ng Maranao, binubuo ito ng pitong kabanata.

Ang tutol ay tumutukoy sa mga pangyayari sa iba’t ibang pagkakasunod:

(1) pisikal at political na heograpiya, (2) sosyal at pamilyang organisasayon, (3) kosmolohiya,

(4) relihiyon at mahika, at iba’t ibang katangian ng lipunan ng Maranao (Madale, 1942).

b) Tutol sa Piyakakuyakayad (Nakakatuwang Kuwento)

Isang magandang halimbawa sa nakakatuwang kuwento na gusto-gustong

marinig ng mga Maranao ay ang Pilandok. Si Pilandok ay mautak at maparaan . Isa sa mga

kuwento nito ay ang kuwento kung paano niya tinawid ang ilog na may mga buwaya (Madale,

1942).

c) Pangangayaman (Pabula)

Mahilig ang mga kabataan sa mga nakakatuwang kuwento. Bukod pa dito,

mahilig rin sila sa mga kuwento tungkol sa mga hayop o pabula. Halimbawa nito ay “Ang

Unggoy at Ang Tagak” (Madale, 1942).

Page 7: Panitikan ng ARMM

3) Tubad Tubad (Maiiksing Tulang Pampag-ibig)

Noong una, ang mga Maranao ay gumagamit ng maiiksing mga berso para iphayag

ang kanilang nararamdaman at pagkadismaya. Patula nilang pinapahayag ang mga ito para di

masakit sa iba (Madale, 1942).

Ito ay may iba’t ibang interpretasyon depende sa okasyong ginamit ito. Kung sa

conteksto na pag-ibig, maaring ibig sabihin nito na hindi mapapantayan ng isang mangiibig ang

isa dahil ang isa ay masmataas o masmagaling kaysa sa kanya. Ang isa pang interpretasyon ay

ang literal na kahulugan na ang lawin ay di makakapantay sa agila (Madale, 1942).

4) Kadaonga (Love Fest)

Kapag gusto ng lalaki magphayag ng pag-ibig sa babae, binibisita niya ito sa bahay

at may kasama siyang dala na nagsisilbing tagapagmensahe niya. Sa ganitong paraan, ang babae

mayroon ring tagapagmensahe. Ito ay di pormal na okasyon (Madale, 1942).

Ito ay halimbawa ng sagot nang lalaki matapos sagutin ng babae kung mayroon ba

itong pag-asa:

Meranao English

Ino ko di

Papanok ka so Nori

Apai so samber ian

Da ngka kasampiroti

Why will I not be sure

that the bird Nori is mine

When in flight it is free

but when it perched it's caught

5) Pananaroon (Matalinghagang Kasabihan)

Page 8: Panitikan ng ARMM

Ang mga pananaroon ng mga Maranao ay binibigkas tuwing pinaparusa ang isang

bata upang matuto o uyamin ang tao. Kahit karamihan sa mga ito ay di nakasulat, isinasapuso ito

ng mga bata at nagiging bahagi ng kanilang pagpapahalaga at paniniwala (Madale, 1942).

Halimabawa:

Meranao English

So bawing a ketesen

Na mi song bo sa ketesen

Na makapemagenesa

A bunch of bawing plants

May grow far apart

But they are one when being pulled

6) Sowa-Sowa-i (Drama)

Ang Sowa-sowa-I ay mahahati sa lima: (a)Kambayoka, (b)Kaganat sa darangen,

(c)Diabro, Onta, and Kokok (d)Sagayan (e)Sadoratan (Madale, 1942).

a) Kambayoka

Ang bayok ay mga patulang berso na tumatalakay sa iba’t ibang paksa. Ang tema

ay umiikot sa uri ng kapistahan na piangdidiwang. Ito ay maaring bahagi ng epiko. Ito ay inaawit

ng onor. Ang tawag sa sesyon na ito ay kambayoka (Madale, 1942).

Ito ay maaring kantahin ng dalawa o higit pa na nakaupo sa magkabila. Ito ay

nagsisimula ng isang panimulang talumpati ng tagapagbunsod at ng mga putok ng baril. Ang

pangatlong tao ay magsisilbing tagapaghatol kung sino sa dalawa ang may pinakamaganda at

may pinakamatalinghagang paglalarawan sa okasyon na iyon (Madale, 1942).

Ito ay isang halimbawa ng isang bayok na may tunog ng Darangen na

tumatalakay sa isang bahagi ng epikong, “Kamplomna” (Madale, 1942).

b) Kaganat sa Darangen

Ang Kaganat sa Darangen ay isang interpretatibong sayaw at kanta. Inilalarawan

ng tagapagtanghal na subukan gayahin si Prinsipe Lomna nang pinadala siya upang mag-alok ng

kasal para sa kanyang ama (Madale, 1942).

Page 9: Panitikan ng ARMM

Ang tagapagtanghal ay kailangan wala pang asawa, maganda at mayroong malambot na

katawan. Ito ay dula na nagpapakita ng pagpapadala kay Lomna sa Gindolongan. Maraming

pagwawagayway ng pamaypay at maraming paggiwang ng bewang ang isisinasagawa sa dulang

ito (Madale, 1942).

c) Diabro, kokok, at Onta

Ang daibro at ang kokok ay laging magkasama tuwing kasal, koronasyon at iba

ipang magkatulad na pagdiriwang. Ang diabro ay nakabihis ng tuyong dahon ng banana. Sa

kapistahan, tatakbo siya kukunin ang kopya (kalo) ng mga datu. Ito ay kostumbre na maari

lamang niya kunin balik ang kanyang gamit kung bibigyan niya ang diabro ng pera (Madale,

1942).

Ang koko naman ay isang nagmumukhang halimaw na nanggaling sa gubat.

Nakasuot siya ng kalo. Mahaba ang kanyang buhok at ang kanyang suot ay puno ng algae.

Kasama ang diabro, tatakbo sila, sasayaw sa tunog ng agong at kulintang (Madale, 1942).

Ang onta ay isang paggaya sa kamelyo. Gumagamit sila ng kawayan upang

makabuo ng isang istraktura na halintulad sa kamelyo. Apat na lalake ang nagsisilbing binti ng

kamelyo (Madale, 1942).

Kinagawian na ang onta ay linilibot ang buong baryo tuwing kasal at binubukas

ang bunganga. Ito ay kagawian na kung buksan nito ang kanyang bunganga ay kinakailangan na

lagyan ito ng laman. Ito ay nagsisilbing mga regalo ng pamilya ng babaeng kinakasal (Madale,

1942).

d) Sagayan

Ang sagayan (sayaw pandigma) ay nagmula sa Darangen. Ito ay pagsasadula ng

kabaynihan ni Bantugen habang ihinahanda ang kanyang sarili para sa pakikidigma sa mga

kalaban-Ikadaraanen (Madale, 1942).

e) Sadoratan

Page 10: Panitikan ng ARMM

Sa isang kabanata sa epiko, ang prinsesa matapos siyang dukutin ng isa pang prinsipe,

siya ay lumakad sa gitna ng napakaraming tao na nasilayan ang kanyang kagandahan (Madale,

1942).

Ganito ang paglarawan ng kanyang paglakad:

Meranao

“…Kisiod bon a nglai na arega sakampo, kanatap palad a-i na pasa-i saka inged.”

English

“…Swaying her hands as she walks is worth a camp, and lifting her foot is worth a

place.”

Ang sayaw na ito ay pagsasadula nang pinalakad ang prinsesa sa harap ng mga datu

at sultan. Ang tagapagtanghal ay kailangan maganda, marunong kumanta at malamyos maglakad

(Madale, 1942).

7) Limpangan ago Antoka (Puzzles and Riddles)

Ang limapangan (puzzles) ay para sa mga matatanda samantalang ang mga antoka

(riddles) ay para sa mga bata (Madale, 1942).

Ang halimabawa ng limpangan ay ang kuwento ng Unggoy at ng Puno.

Ang mga limpangan ay binibigkas tuwing nagsasama-sama ang mga batang Maranao.

Ang bata na na nakakasagot ng maraming limpangin ay hinahangaan at itinuturing matalino

(Madale, 1942).

Halimbawa :

Meranao English

Ladia sa kalaan

A di ketangalan sa ig.

Page 11: Panitikan ng ARMM

A cup from the forest

Which can not hold water

Sagot: Bird’s nest

8) Sakuba (Rhymes)

Ito ay kasiya-siyang pakinggan na may dalawang ibig kahulugan.

Meranao English

Ino ako den a-i Why am I

Mala ako den a-i A grown up

Pekelilid ako den rolling?

Kapag isinulat at baybayin sa ibang paraan. Ganito ang kahulugan nito:

Meranao English

Ino a koden den a-i Why is this

Mala a koden den a-i big pot

Pekelilid a koden rolling?

9) Panitikang Pambata

Ang panitikang pambata ay nahahati sa tatlo:(a) Kanta tungkol sa Pangangaso (b)

pangingisda, (c) lalabay,(d) kantang may rima (rhyme song) (Madale, 1942).

a) Kanta tungkol sa Pangangaso

Naniniwala ang mga bata na kapag maglagay sila ng bitag at kapag sila ay kumanta,

mahuhuli nila ang ibon. Ang isang uri ng ibon na mabibihag nila sa pamamagitan ng kantan ay

ang dao’lan. Matapos niyang ibitag ito, aawit siya.

Page 12: Panitikan ng ARMM

b) Kanta tungkol sa Pangingisda

Halimbawa :

Meranao English

Seda ka seda ka

O ba ka panonotolan

Magpeka baka ‘ka

Mabibid a lig ka.

Fish, fish

Do not tell your story

Or your jaw will break

And you neck twisted.

Pinaniniwalaan kapag kumanta sila ng kantang ito, marami silang mahuhuling

isda.

c) Lalabay (Lullaby)

Meranao English

Bon, bong ai bong bongan Sleep, sleep, sleep

Pakatorog ka wata Sleep dear little one

Gomirao si ‘na aka Mother might say

Ba ko seka dianeg That I punish

Go ka ri pimbongetan And reprimanded you.;

Kinakanta ito ng mga nakakatandang kapatid na babae sa kapag pinapatigil ang

iyak ng sanggol at kapag pinaputolog ang sanggol kapag umaalis sa bahay ang ina

(Madale, 1942).

d) Kantang May Rima (Rhyme)

Page 13: Panitikan ng ARMM

Karamihan ng mga bahay ay itinatayo malapit sa lawa. Dahil ditto, kinahiligan ng

mga bata maglaro at lumangoy sa tubig. Matapos maglaro, lulundag sila mula sa

banto at kakanta sila (Madale, 1942).

Halimbawa:

Meranao English

Talepi, talepi Beat, beat

Maona ko mamara I will dry ahead

Di so mga ped ko Of my companions.

Panitikang Maguindanao

Ang mga bumubuo sa elemento ng literatura ng mga Maguindanao ay ang folk speech at

folk narratives. Ang folk speech ay nahahayag sa mga antuka/pantuka/paakenala (bugtong) at

bayok (tulang liriko), samantalang ang mga naratibo naman ay nahahati sa tradisyong pang-

islam at sa katutubong tradisyon. Sa tradisyong pang-Islam kasama ang pagbasa sa Quran, ang

tarsila o naratibo ng angkan (genealogical narratives), ang luwaran, ang paglalarawan sa mga

nakasanayang batas; hadith o mga kataga ng propeta; ang quiza o mga relihiyosong kwento.

Ang katutubong tradisyon naman ay binubuo ng tudtul (katutubong kwento), at mga epiko tulad

ng Raja Indarapatra, Darangen, at Raja Madaya.

Para sa Maguindanao, ang mga bugtong ay nakakatulong sa pagsulong at pagkabuo ng

pagkakaibigan sa isang grupo. Nagsisilbi itong kasangkapan sa paghahanda sa pagtuturo. Ang

istruktura ng isang bugtong sa Maguindanao ay binubuo ng isang larawan o imahe at ng isang

paksa. Merong apat na uri ng larawan: komparatibo, deskriptibo, puns o puzzle at naratibo. Ang

mga Maguindanao ay nainiwala sa pagkakaisa ng mga iba’t –ibang aspeto ng kapaligiran at ang

paniniwalang ito ay nasasalamin sa kadalasang paggamit ng nagsasalungat na imahe at paksa sa

mga bugtong. (Notre Dame Journal 1980:17)

Page 14: Panitikan ng ARMM

Ang pagsasanay ng bugtong ay ginagawa sa isang grupo, kung saan ang isa ay ang

riddler. Kung isa man sa grupo ang nagnanais na maging riddler, kailangan ay may nakahanda

na siyang bugtong, kung wala pa, siya ay sasailalim sa dtapulung (ridicule), na binibigay di

bilang isang kritisismo ngunit bilang part eng tadisyon ng bugtungan. Tinuturing ng mga

Maguindanao na di magaling na riddler ang mga nagdadagdag o nagbabawas sa ‘orihinal’ na

teksto ng bugtong. Ang bugtungan ay maaring gawin saan mang oras at lugar, basta’t ito’y

gagawin bilang grupo.

Ang kalituhan sa sagot ay maaaring malutas sa pamamagitan ng pagtattanong sa

matatanda o ng sinumang nirerespeto sa lugar, partikular ng barangay. Sa ganitong pamamaraan,

ang sagot sa bugtong ay nagiging flexible, dumarami at lumalawak ang posibilidad ng mga sagot

na nagreresulta sa isang pedagogy.

Halimbawa:

Entuden, niaden

It is here, it is there (wind)

*Bukas rin sa iba pang kasagutan ang bugtong na ito, halimbawa, pwede rin itong tumukoy sa

duyan. Ang mga bugtong nila ay maaari ring sumalamin sa pananaw nila tungkol sa mundo.

May mga paniniwala tulad ng, dapat ang bugtungan ay hindi dapat ginagawa sa gabi,

para hindi maenganyo ang mga masasamang espiritu na makisali. Isa pang paniniwala ay ang di

pagamit ng salitang nipai (ahas) kapag gabi sa bugtungan.

Page 15: Panitikan ng ARMM

Ang mga verse ng mga Maguindanao ay pinapahayag sa pamamagitan ng ida-ida a rata

(children rhymes) o sa pamamagitan ng tubud-tubud (maikling tulang patungkol sa pag-ibig).

Halimbawa:

Pupulayog sa papas ka pumagapas apas

Ka tulakin kon ko banog

Na diron pukatalakin

Ka daon kasakriti

Kanogon si kanogon nakanogon ni ladan ko

A pukurasai mamikir a ana palandong a dar

Na di akun ipantao na pusulakan a ig

O matao kandalia.

Flying hard, the swift is

Trying to catch up the hawk

But he cannot equal him

Because he is far too small

Woe, woe unto me

Page 16: Panitikan ng ARMM

Worried from thinking of a loved one

And I cannot let my feelings prevail,

Express my love

Because everytime I want to reveal it

Stops it in its way.

Metaporikal ang wika ng Maguindanao kaya kung ang sasabihin o kung ang nais na

ipahiwatig ay nangangailangan ng pagiingat, bayok ang ginagamit. (Wein 1938:35-36)

Halimbawa:

Salangkunai a meling

A malidu bpagimanen

Ka mulaun sa dibernal

Dun-dun ai lumaging

A paya pagilemuan

Ka mumbus sa hakadulat

Na u saken idumanding

Sa kaludn pun na is

Page 17: Panitikan ng ARMM

Na matag aku ‘ngka maneg

Di ku mawatang galing

Talking Salangkunai

T’is hard to trust in you,

For untrue leaves could sprout

Dun-dun fond of chatting

T’is hard believing you

For cheating buds may show

Once I (start to) fondle

From the sea

You would just hear from me

My darling, close to me

Ang Luwaran ng Maguindanao ay lupon ng encoded adat laws na tumutugon sa mga

kasong tulad ng pagpatay, pagnanakaw, pati na rin sa mga isyu ng pamana at kalakalan. Ang

lahat ay nasasakupan ng batas at ito na rin ang naging basehan ng hudisprudensiya ng Islam.

(Darangen 1980:33).

Page 18: Panitikan ng ARMM

Ang hadith ay mga kasabihan at kaugalian ni propeta Mohammad na kinulekta, inipon at

pinagtibay ng mga iskolar ng Islam. Nilalaman ng Hadith ang isa sa mga pinagkunan ng batas ng

relihiyong Islam. Ginagamit din itong basehan para sa pagpapaliwanag ng mga paksa sa Quran.

Ang wikang ginagamit at Arabic.

Ang tudtul (katutubong kwento) ng Maguindanao, ay mga maiikling kwento na may

simpleng pangyayari. Dalawang halimbawa nito ay ang “Lagya Kudarat” na tungkol sa

pakikipagsapalaran ng dalawang anak ni Lagya (rajah) Mampalai ng Lum na tinangay sa

kagubatan matapos dumaing si Mampalai sa kawalan ng pwedeng mapangasawa ng kanyang

dalawang anak. Ang dalawang anak ay sina Lagya Kudarat at Puteli (prinsesa) Sittie Kumala. Si

Puteli Kumala ay tinangay sa kagubatan kung saan nakilala niya ang isang kabayan (isang

matandang dalaga). Inampon siya ng kabayan na ito kasama ng isang prinsipe na nagngangalang

Sumedsen sa Alungan. Kahit na magkasama sa bahay ay di naguusap sina Sumedsen at Kumala.

Di kalaunan ay umalis si Kumala sa bahay at sumama si Sumedsen. Napadpad sila sa Lum, kung

saan nagkita-kita uli ang magkakapamilya. Di nagtagal ay nagpakasal rin si Sumedsen at

Kumala. Samantala si Lagya Kudarat naman ay tinangay sa Kabulawanan, doon ay nakilala niya

ang isa pang kabayan na pinatira siya sa kanyang bahay. Isang araw habang nangangaso,

nakarinig si Kudarat ng tunog ng mga naglalaro ng sipa. Sinundan niya ang tunog at ng Makita

ang mga naglalaro ay nakisali siya. Hindi niya alam kung paano maglaro nito, kaya aksidenteng

napunta sa lugar ng isang prinsesa ang sipa. Naghagis ang prinsesa ng isang singsing at panyo

patungo kay Kudarat. Di nagtagal ay ipinakasal silang dalawa. Matapos ng kasal ay bumalik sila

sa Lum at nagkasama-sama muli ang buong pamilya nila. Matapos ng isang lingo ay bumalik si

Kudarat at kanyang asawa sa Kabulawanan upang manirahan sa biyenan nito. (Notre dame

journal 1980:3-6).

Page 19: Panitikan ng ARMM

Ang isa pang folk tale ng Maguindanao ay ang “Pat-I-Mata” na tungkol sa dalawang

magkapatid na Pat-I-Mata at Datu sa Pulu. Si Pat-I-Mata ay namumuno sa Kabalukan at si Datu

sa Pulu naman ay sa Reina Regente. Pat-I-Mata ang kanyang pangalan dahil sa meron siyang

apat na mata, na kung saan kapag tulog ang dalawa ay naiiwang bukas ang natitirang dalawa.

Kilala siya sa kanyang kalupitan sa mga kababaihan, kung saan ay pakakasalan niya ito kung

ito’y maganda, ngunit kapag ito’y pumangit na ay iiwanan na niya. Dahil sa ganitong ugali ni

Pat-I-Mata ang mga mamamayanan ng Kaabalukan ay din a matiis ang kanyang pagkamalupit.

Lumapit ang mga tao sa kanyang kapatid at humingi ng tulong. Sinubukan ni Datu sa Pulu na

bigyan ng payo ang kanyang kapatid ngunit di ito nagbago kaya naisipan niyang patayin si Pat-I-

Mata. Gumawa siya ng isang hawla, nang makita ito ni Pat-I-Mata, tinanong niya ang kanyang

kapatid kung para saan ito at sinabi naman ni Datu sa Pulu na gagamitin ito bilang proteksyon sa

paparating na bagyo. Dahil sa pagkamadamot ni Pat-I-Mata, hiningi niya ang hawla at hinayaang

gumawa ng bago ang kanyang kapatid. Nang gagamitin na ang hawla at binuksan ito, hinayaan

ni Datu sa Pulu pumasok si Pat-I-Mata at pinabayaan itong makulong. Bago ihulog sa ilog si Pat-

i-Mata ay isinumpa niyang magkaaway sila ng kanyang kapatid habambuhay. (Notre Dame

Journal 1980:7-8).

Ang mga epiko ng Maguindanao ay sinasalita at pinaniniwalaang naunahan pa ang Islam.

Ang epikong Rajah Indarapatra ay patungkol sa maraming tauhan na biniyayaan ng kakaibang

kapangyarihan. Isang part eng epiko ay patungkol sa pagsilang kay Rajah Indarapatra, na

pinaniniwalaang nagmula sa union ng Sultang Nabi at pinsan nito.

Ang Rajah Madaya ay pinaniniwalaang orihinal na literature ng Maguindanao dahil

karamihan sa elemento nito-wika, metaphor, gamit sa kwento ay mula sa Maguindanao. Sa

kabilang banda, ang iba pang elemento ng epiko ay may kasamang ibang naratibo, isa na rito ang

Page 20: Panitikan ng ARMM

tungkol sa walang anak na si Sultan Ditindegen. Sa kanyang pagkadesperado, nagdasal siya

upang magkaroon ng anak, kapalit ang pangakong ibibgay niya ito sa isang dragon. Natupad ang

kanyang hiling at kasabay nito ang paglabas ng isang dragon na nagsasabing ito na ang malaking

Prinsesa Intan Tihaya. Nang mabalitaan ni Raja Madaya ang tungkol sa mahirap na sitwasyon ng

prinsesa, ay dumating ito upang tumulong. (Wein 1984:14).

Ang epiko ng Maguindanao ay binibigkas ng paawit sa paraang melismatiko. Ang mga

religious chants ay karaniwang melismatiko rin at gumagamit ng diatonic scale. Mahilig ang

mga Maguindanao sa chants, dalawang uri ang ginagamit nila, una ay ang sindil, ito ay

‘coloristic’ ang isa naman ay ang bayok na isa naming syllabic at tetrachordal. Ang mga oyayi

ay tetrachordal rin ang anyo. Ang mga kumakanta ng epiko at religious chants ay mga

propesyunal na maituturing samantalang ang mga kumakanta ng oyayi at bayok ay maituturing

na kabilang lang sa pangkalahatan.

Ang Tribo ng Manobo

Ang Manobo ay isa sa mga pinakamatandang tribo ng ating bansa na dapat na ipagmalaki

sapagkat mayaman ang kanilang kultura na sana'y naipasa sa bawat Pilipino. Ang nasabing tribo

ay tubong Agusan, isang lalawigan sa Mindanao,

MANOBO

Kasaysayan at Pinagmulan

Sino at ano nga ba ang nga Manobo? Saan ba talaga sila nagmula at anu-ano ang

kanilang mga kaugalian na magpahanggang ngayon ay patuloy pa ring umiiral sa komunidad?

Maraming mga sagot patungkol sa kung ano nga ba talaga ang ibig sabihin ng salitang Manobo.

Ang isa ay nagsasabing: ang Manobo ay nangangahulugang 'tao' o 'mga tao';ikalawa ay ito raw

ay nagmula sa salitang "Mansuba" mula sa salitang 'man' na nangangahulugang 'tao' at 'suba' na

Page 21: Panitikan ng ARMM

ang ibig sabihin ay'ilog',ibig sabihin ang salitang "Mansuba" ay nangangahuligang "taong ilog"

sapagkat karamihan sa kanila ay makikitang nakatira sa tabi ng mga ilog;ang ikatlo ay nagsasabi

na ito raw ay nagmula sa salitang "Banobo", isang creek na kasalukuyang dumadaloy sa Ilog

Pulange dalawang kilometro pababa ng Cotabato City;at ang ikaapat ay nagsasabi na ito ay

galing sa salitang "man" na ang ibig sabihin naman ay "first o aboriginal" at "tuvu" na ang ibig

sabihin ay "pagtubo o paglaki".

Ang mga manobo ay nagmula sa mga taong lagalag mula sa kanlurang bahagi ng Tsina.

Karamihan sa kanila ay nakatira sa tabing-ilog, tabi ng mga burol at sa talampas sa maraming

bahagi ng Mindanao. Sinasabing sila ay unang nanirahan sa mga lambak ng Ilog Pulangi subalit

naghiwa-hiwalay sa pagdating ni Shariff Kabungsuan dahil sa pagtanggi ng ilan sa

relihiyongIslam.

Ekonomiya at Industriya

Ang karaniwang industriya ng mga manobo ay angkaingin.Ang pangunahing hanapbuhay

ng mga manobo ay pagtatanim ng palay at mais. Marunong din silang mangisda,pangangaso at

pagkuha ng "pulot". Dahil dito, nabuhay ang nga Manobo sa isang sagana at matiwasay na

pamumuhay. Subalit, ang ilang nanirahan ng permanente ay natuto at nakuntento na lang sa

pagtatanim ng niyog at pagcocopra.

Lipunan at Pamahalaan

Nauuri sa apat ang mga manobo: ang bagani,baylan,mga manggagawa at mga alipin. Ang

mgabagani ay ang mga mandirigma na lumalaban sa nga digmaan at nagtatanggol sa pamayanan;

ang mgabaylan ay ang mga babae o lalaking pari at manggagamot; ang mga manggagawa ay ang

mga magasasaka at ang mga alipin ay ang mga nakuha o mga nabihag nilang mga kalaban. pati

mga katutubo ay pwede ring maging alipin kung sila'y naparusahan sa kanilang pagkakasala.

Pinamumunuan sila ng tatlo hanggang apat na timuay obai (babaeng datu) depende sa lawak at

pagkakalapit-lapit ng mga baranggay. Subalit, ang mga Manobo ay walang sistema ng pamunuan

hanggang sa kalagitnaan ng ika-20 siglo.

Kaugalian at mga Paniniwala

Page 22: Panitikan ng ARMM

Ang mga Manobo ay maraming paniniwala. Ilan dito ay ang paniniwala ng mga buntis na sila ay

dapat manatili sa loob ng bahay kung pula ang kulay ng langit matapos lumubog ang araw. Ito ay

dahil sa paniniwalang ang mga busaw (aswang) na uhaw sa dugo ay nasa paligid at nag-aabang

sa biktima. Hindi rin sila maaring tumakbo kapag nasugatan ang paa sapagkat malalaglag ang

kanilang pinagbubuntis.

Habang nanganganak ang babae,ang kumadrona ay naglalagay ng mga anting-anting sa bewang

ng nanganganak. Ito ay upang ipagtanggol ang buntis sa mga masasamang anito sa paligid.

Matapos manganak, nililinis ng kumadrona ang lahat ng bagay na ginamit sa panganganak upang

maitaboy ang busaw. Biang kabayaran, ang kumadrona ay dapat bayaran ng maliit na kutsilyo

upang linisin ang mga kuko; isang plato upang paglagyan ng dugo ng sinakripisyong manok;

malong upang makapagbihis siya; at konting salapi upang hindi siya maglagay o magbitiw ng

anumang sumpa sa pamilya.

Ang kasal naman ay kadalasang isang kasunduan sa pagitan ng mga magulang. Ito ay

nagsisimula sa ginsa (paki-usap) ng pamilya ng babae sa pamilya ng lalaki kung saan ito ay

magalang na tinatanggihan hanggang magkaroon ng kasunduan para sa kagun (bridewealth).

Lahat ng kamag-anak ng lalaki ay mag-aambagan para sa kagun hanggang sa maabot nila ang

halaga ng kagun. Ang araw ng kasal ay maitatakda lamang kung matapos nang maabot ang

halaga nang kagun. Habang nag-aambagan ang pamilya ng lalaki, ang pamilya ng babae naman

ay abala sa paghahanda ng apa ( handaan ng kasal). Nagtatapos ang proseso sa isang marangyang

kasal. Ang kasal sa kanila ay isang sistema kung saan ang ugnayan ng pamilya ng lalaki at babae

ay kinakailangan. Ang pagkakaroon ng maraming asawa, bagama't kadalasan lang kung

mangyari ay hindi ipinagbabawal.

Mayroon din silang kaugalian sapalilibing. Ang patay na lalaki ay kanilang inililibing na

nakaharap sa silangan upang ang pagsikat ng araw ay magbigay hudyat na oras na upang

magtrabaho. Ang babaeng namatay naman ay inililibing na nakaharap sa kanluran upang ang

paglubog ng araw ay magbigay hudyat na oras na para sa kanya ang magsaing. Sa oras na

tinatakpan na ng lupa ang libingan, lahat ng naroon ay tumatalikod upang mapigilan silang

mahikayat na sumama sa namatay. Matapos ang libing, mayroong walo hanggang labindalawang

araw ng kalungkutan depende sa estado ng namatay. Ang sanggol ay isang araw lang at ang datu

Page 23: Panitikan ng ARMM

hanggang pitong araw. May kantahan at sayawan sa loob ng mga araw na ito subalit

ipinagbabawal ang instrumental na mga kanta.

Sining

Ang pagiging makasining ng mga Manobo ay makikita sa kanilang pang-araw-araw na kasuotan.

ang kanilang tradisyunal na kasuotan ay magarang binurdahan at halos lahat ay gawa sa abaka.

Ito ay kinukalayan gamit ang mga pangkulay mula sa kalikasan. Kumukuha sila sa iba't-ibang

halaman para sa iba't-ibang kulay. Kadalasan ito ay hinahabi na may nga disenyo ng mga

bulaklak at mga bagay sa kalikasan. Subalit, ang mga kasuotang ito ay nakilala lamang raw ng

mga Manobo ng maaga lang ngayong siglo sapagkat, ang mga Manobo ay hindi marunong

maghabi.

Maging ang pag-aayos ng kanilang buhok ay masining. Ang mga buhok nila ay kadalasang nasa

estilong "buns" at "bangs". Ang buhok ng mga babae ay nilalagyan ng kawayang suklay at mga

dekorasyon gaya ng perlas, kabibe at mga bagay na iba't-ibang hugis. Ang sa mga lalaki naman

ay ang tinatawag na tengkulu, isang piraso ng tela na kanilang binubuklod palibot sa kanilang

ulo.

Ang mga alahas din ay may mahalagang papel sa kanilang buhay. Ang ilan pa nga rito ay

pinaniniwalaang epektibo laban sa mga lason at sumpa. Ang mga babae ay may mga hikaw na

kahoy na halos tatlong sentimetro ang lapad. Ito ay nababalutan ng ginto,pilak o di kaya'y tanso.

Mga kuwintas na kung tawagin aybalungkag na hinuhubog nila sa iba't-ibang disenyo gamit ang

mga kabibe, maliliit na beads, ngipin ng buwaya o di kaya'y mga kristal na may iba't-ibang

kulay. Meron ding tinatawag na sinakit, isang kuwintas na sinukat sa laki at lapad ng leeg. Ang

para sa mga lalaki ay isang sinakit na hinugis na tila likod ng isang sawa.

Marami pa silang mga dekorasyon sa katawan gaya ng tattoo, panggilid sa ngipin at pulseras ng

iba't-ibang uri at laki.

Gumagawa rin sila ng mga bagay-bagay na magagamit nila sa pang-araw-araw na buhay. May

mga sombrero na gawa sa kawayan at erik-ik o anahaw. Marami silang basket para sa iba't-ibang

gamit. May basket para sa isda, bigas at mga pang-imbak.

Page 24: Panitikan ng ARMM

Ang mga Manobo ay mayaman rin pagdating sa kanilang pagsulat.Mayroong atukon, bugtong,

salawikain, panonggelengan, katutubong kuwento, pabula, epiko at nakakatuwang kuwento.

Ang Manobo ng Modernong Panahon

Kung tatanungin man ninyo kung mayroon pa bang mga Manobo sa panahon ngayon, sigurado

ang aming grupo sa aming isasagot, OO, nananatiling buhay ang grupong ito at patuloy na

hinaharap ang magandang kinabukasan na para sa kanila'y lubos na pinapahalagahan. Sa isang

maliit na bayan ng Tacloban City, Leyte, hindi namin inakalang magkakaroon kami ng

pagkakataong makakita at di lamang makakita kundi makisalamuha kahit lamang sa maikling

panahon. Ang kanina pang binabanggit sa blog na ito na aming nakunan ng personal na mga

sagot sa aming mga katanungan, na ang ngalan ay Divina, ba-i kung tawagin ang isang pinunong

babae na Manobo. Ayon sa kanyang pahayag, mayroon din silang katutubong pangalan na hindi

maaaring maibahagi sa amin sapagkat ito'y parang kanilang "password" na tanging silang mga

katutubong Manobo lamang ang may karapatang sumambit sa mga sitwasyong alanganin.

Mga Uri ng Panitikan sa SOCCSKSARGEN

Ayon sa papel ni Corazon T. Martin-Roquero na pinamagatang Manobo Oral Literature, ang

panitikan na makikita sa bahagi ng SOCCSKSARGEN ay madalas pasalita at naipasa-pasa na sa

iba’t ibang henerasyon, gaya rin ng sa iba pang mga pangkat etnikong sa bansa. Ang mga

panitikan na matatagpuan dito ay repleksyon ng simpleng pamumuhay ng mga etnikong grupo sa

lugar. Kung susuriin nang mabuti, ang kanilang buhay agrikultural, industriyal, at komersyal ang

siyang nakaaapekto at lumalaman sa mga kwento na kanilang ipinapasa-pasa. Ang kanilang

relihiyosong mga paniniwala, panlipunang oryentasyon, pag-iibigan, pagkakaibigan at

pakikidigma ay nakadaragdag rin sa maraming paraan ng pagkwekwento ng mga grupong ito.

Ngunit maraming hadlang sa mga grupong tulad ng mga Manobo upang lubusang maipalaganap

ang kanilang panitikan. Ilan sa mga ito ay ang illiteracy at ang mga di-kagandahang sitwasyon ng

kanilang lipunan. Sa kabila nito, kamangha-mangha pa rin kung paano naipalaganap ng maliliit

na grupo sa Rehiyon 12 ang kanilang panitikan.

Page 25: Panitikan ng ARMM

Ang pag-aaral at pagsasaliksik sa mga pantikan ng isang grupo, dagdag ni Roquero, ay hindi

lamang pagtatangkilik sa mga poetic methods ngunit higit sa lahat, ito ay isang pag-aaral sa

ikinaunlad ng isang grupo. Ang panitikan ng kahit anong grupo ay nagdadala ng mensahe ng

nakaraan. Sabi nga ni Roquero, “It is forged from the sum total of human experience and

interpreted in the light of local environment.”

Ayon kay Roquero, laganap ang paggamit ng mga kasabihan sa parte ng SOCCSKSARGEN,

lalo na sa lugar kung saan maraming naninirahan na mga Manobo. Tinawag ni Roquero ang mga

kasabihan na “the sacred books of each nation, the sanctuary of the institutions” dahil ang mga

ito ang siyang gumagabay sa mga tao patungo sa daan ng kaayusan. Gaya ng mga banal na

iskripto, ang mga kasabihan ay nagpapayo o nagbibigay-liwanag sa mga taong tila nababalisa o

nawawala sa kanilang landasin. Dagdag pa niya, ang mga kasabihan ay “ang mga kristal ng

karunungan ng isang lahi.” Ibig sabihin ang mga ito ang siyang ipinapasa-pasa ng iba’t ibang

salinlahi at siyang pumapatnubay sa lahat ng mga nangangailangan ng gabay.

Ilan sa mga halimbawa ng mg kasabihan na mula sa Rehiyon 12 ay:

1. Manobo: De’t talinga te dalan wa’y dot pakpak ka bava.

1. Trans.: Paths have ears and mouths have wings.

2. Manobo: Ka talad ne otang ne kenano palilipati.

2. Trans.: A promise is a debt you must not forget.

3. Manobo: Andai to migalavok neduen baras din.

3. Trans.: He who serves must be rewarded.

4. Manobo: Ka tangis ne pakadazaat te putso izing te limo ne pakaamin do’y pusong.

4 Trans.: Rust wears away metals as love consumes the heart.

5. Manobo: Angit ka wa’y adangit ka kalibutan. Sonahao ka wa’y sikana za tod angit.

Page 26: Panitikan ng ARMM

5. Trans.: Laugh and the world laughs with you. Cry and you cry alone.

6. Manobo: Andai to migalavok neduen baras din.

6. Trans.: He who serves must be rewarded.

7. Manobo: Ka kathalan ned buno te langon ne kamarasayan.

7. Trans.: Industry conquers all hardships.

8. Manobo: Limo te kurata ne dalid te langon ne sala.

8. Trans.: Love of money is the root of all evil.

9. Manobo: Kamatayen ted sopos te langon.

9. Trans.: Death ends all cares.

10. Manobo: Andai te adlipezeng kena pakaka-an.

10. Trans.: He who sleeps shall not eat.

11. Manobo: Oman sankad ne pakaovay do’t leueng.

11. Trans.: Each step brings one nearer to the grave.

12. Manobo: Abmaharang ka gelat ambia sigi gamiten.

12. Trans.: A knife grows sharp with constant use.

13. Manobo: Ka lua ne malamo mamaza chaid ka moto mauhot kalipati.

13. Trans.: Tears are easily dried but sorrow is hard to forget.

14. Manobo: Ka manisan ne maritan ne bulawan, ka mapia ne maritan ne lambus.

14. Trans.: A beautiful woman is a jewel; a good woman is a treasure.

15. Manobo: Ka mapia ne aso kena sangongo ambia waza puonan din.

15. Trans.: A good dog does not bark without a good cause.

Page 27: Panitikan ng ARMM

16. Manobo: Ka ma-amas ne pakpak kena pakalayang.

16. Trans.: Wet wings cannot fly.

Ang mga bayok o bugtong ay bahagi din ng napakayamang panitikan ng SOCCSKSARGEN.

Bayok ang tawag sa pormang literatura kung saan may ibibigay na mga salita na hindi diretsong

tumutukoy sa tamang sagot. Napakaraming bayok ang pumapaloob sa probinsya ng Cotabato.

Ayon sa pag-aaral ni Roquero, ang mga bayok ay isa sa mga kumon na porma ng libangan sa

mga okasyon na napupuno ng kasiyahan.

Ilan sa mga halimbawang nakalap ni Roquero ay:

1. Manobo: Ibpemulata maapon

Naperenderen ta masalem.

1. Translation: We plant it in the afternoon

We pull it up in the morning.

1. Sagot: lekeb o door-shutter

2. Manobo: Marayo pak kanakan

Nagpampangilkil ak raja.

2. Translation: The young man is still far

But the young lady is already trembling.

2. Sagot: kramag o wind

3. Manobo: Daisek an kanakan

A napakaukom a tariru.

3.Translation:Small gentleman could settle a problem.

Page 28: Panitikan ng ARMM

3. Sagot: rahum o needle

4. Manobo: Taltalanaka na kana pailsuluha.

4. Translation: They belong to one family but they

do not give water to one another.

4. Sagot: tava o sugarcane

5. Manobo: Layoy na mama-an

Taman d ate bakavako.

5. Translation: It is a tall betelnut tree but

It reaches only the ankles.

5. Sagot: Dalan o trail

6. Manobo: Maama na edlooklook na kana

Ed kaamas kad uzan.

6. Translation: A man that walks through the rain yet does not get wet.

6. Sagot: Aval o Smoke

Tulad ng karamihan ng mga rehiyon sa Pilipinas, ang SOCCSKSARGEN ay mayroon ring

mga mito. Ang mga mito ay ang sinasabing repleksiyon ng buhay ng isang lugar. Ipinapikita sa

mga mito ang pag-usad ng paraan ng pamumuhay, paniniwala, at kaisipan ng isang lahi. Ayon

kay Roquero: “They represent a place of development above that which is ordinarily possible to

the primitive peasant mind.” Sa mga mito di-umano natin makikita ang pinagsamang galing ng

isang malikhaing manunulat at ng isang pilosopo, sapagkat may arte ang pagsasatitik ng mga ito

at mayroong malalim na mensaheng nais iparating. Isa sa mga sikat na mito ng rehiyon ay ang

Mito ng Mindanao.

Ang Mito ng Mindanao ay tungkol kay Prinsipe Maranao ng Lanao at kay Prinsesa Minda. Si

Prinsesa Minda ay maingat na pinangangalagaan ng kaniyang ama na si Datu Dipatuwan. Ayon

Page 29: Panitikan ng ARMM

sa datu, ang lahat ng magtatangkang manligaw sa prinsesa ay dapat munang dumaan sa tatlong

matinding pagsubok: 1) maibalik ang ikinalat na monggo sa isang sako sa loob ng 12 oras, 2)

makuha ang singsing ng datu mula sa ilalim ng dagat, 3) ang makabalik sa ibabaw ng mundo

mula sa isang malalim na underground kung saan walang makakapitang bato o puno sa pag-

akyat.

Nang marining ni Prinsipe Maranao ang tungkol kay Prinsesa Minda, agad itong nagpaalam sa

kaniyang magulang para ito’y puntahan. Hindi naging madali ang panliligaw ni Prinsipe

Maranao kay Prinsesa Minda. Tulad ng ibang manliligaw, hinarang ng datu ang binata at

binigyan ito ng tatlong pagsubok.

Sa unang pagsubok pa lamang ay nahirapan na ang binata. Tatlompung minuto na lamang ang

natitira ngunit wala pa siyang napupulot ni isang munggo. Hindi naglaon, nakarinig siya ng isang

matinis na boses. Nang siya ay napatingin sa lupa, isang pulang langgam ang tumatawag sa

kaniya at nais maghatid ng tulong. Agad-agad dumami ang pulutong ng mga pulang langgam.

Wala pang sampung minuto at napuno na ng prinsipe ang isang sako ng munggo.

Ang pangalawang pagsubok ay mas mahirap kaysa sa nauna. Hindi magaling na maninisid ang

prinsipe, kaya lubos itong kinabahan nang siya ay inihagis sa dagat para hanapin ang singsing.

Ngunit nang oras na siya ay itinapon sa dagat, siya ay napadpad sa isang malawak na daanan.

Ilang minuto ang nakalipas at nakarinig ng malalim na boses ang binata. Ito ay ang Hari ng

Kaharian ng mga Isda. Inutusan nito ang kaniyang mga isda na hanapin ang singsing. Walang

kahirap-hirap, nakuha ng prinsipe ang singsing.

Pinakamahirap sa lahat ng pagsubok ay ang pangatlong utos ng datu. Ihahagis ang prinsipe sa

isang balon na walang puno o bato na mapagkakapitan. Kailangan niyang makabalik sa mundo

para makuha ang prinsesa. Nalaman ito ni Prinsesa Minda, at kaniyang kinasundo ang mga

tauhan ng ama at agad sumama sa prinsipe sa ilalim ng balon.

Nang sila’y nasa baba na, dumating ang datu. Sa takot ng mga tauhan, pinutol nila ang tali.

Takot na takot ang dalawang magkasintahan dahil alam nilang wala ng paraan para sila ay maka-

akyat. Ngunit sila ay nakatagpo ng isang ibon na tumulong sa kanila sa kanilang pag-akyat.

Page 30: Panitikan ng ARMM

Nakita ng prinsesa ang kaniyang ama sa kanilang pagbalik at humingi ito ng kapatawaran.

Tinanggap na ng datu ang prinsipe at pinayagang pakasalan ang kaniyang anak. Nang yumao ang

datu, si Prinsipe Maranao at Prinsesa Minda ang namuno sa naiwang kaharian ni Datu

Dipatuwan.

Ang mga kwentong bayan ay tila bahagi na ng panitikan ng bawat rehiyon sa bansa. Saan ka man

sa Pilipinas, may uusbong at uusbong na mga natatanging kwentong bayan. Iba’t iba ang

katangian ng isang kwentong bayan.Nariyan ang nakatatakot, nakagigimbal, nakamamangha.

Isinulat ni Roquero na ang mga kwentong bayan ay ang pinagtagpi-tagping ispiritwal na

paniniwala, tradisyon, at pangaraw-araw na pamumuhay ng mga tao. Dagdag pa niya, ang mga

kwentong bayan ay “the fabric upon which the people weave the pattern of the future.” Dahil sa

mga mito ay nakabubuo ang mga tao ng kanilang kinabukasan. Nilalaman nito kung ano ang

naiisip na hinaharap ng mga tao sa isang komunidad.

Nabiyayaan din ang SOCCSKSARGEN ng maraming alamat. Ilan sa mga ito ay ang alamat

ng mga katawang pangkalawakan at ang alamat ng Lawa Pinamaloy. Ang mga alamat na ito ay

tungkol sa pag-ibig, pamilya, at katapangan.

Ang alamat ng mga katawang pangkalawakan ay nag-uumpisa sa pagbubuo ni Azean kina

Andaw (araw) at Bulaw (buwan). Sina Andaw at Bulan ang kinikilalang unang magkasintahan sa

buong kalawakan. Hindi naglaon ay nagkaroon ang dalawa ng kanilang sariling anak. Ngunit ang

naging problema ay hindi ito mahawakan ni Andaw dahil sa napakainit niyang katawan. Lubos

itong ikinalungkot ni Andaw dahil hindi niya maipakita ang pag-aaruga ng isang ina. Sa kanyang

pamamalagi sa tabi ng kaniyang anak, lagi lang tinititigan ni Andaw ang kanyang sanggol.

Isang araw nang umalis si Bulan, nakita ni Andaw na umiiyak ang kaniyang anak. Nakita

niyang aligaga ang kaniyang alaga sa kaniyang pinaghihigaan. Hindi nagtagal, tila malalaglag na

ang bata. Walang pagdadalawang-isip na sinalo ni Andaw ang kaniyang anak. Sa kasawiang-

palad, nasunog ang bata at namatay.

Page 31: Panitikan ng ARMM

Nang makabalik sa Bulan at nalaman ang kinahinatnan ng kanilang anak, lubos niya itong

ikinagalit. Napagpasiyahan ni Bulan na sila ni Andaw ay maghihiwalay dahil sa nangyari.

Ngunit bago iyon ay hinati-hati muna nila ang katawan ng bata at ikinalat sa buong kalawakan.

Ang mga pinutol na bahagi ng bata ay ang siyang naging mga katawang pangkalawan. Ang

bahaging hindi nasunog ay ang siyang naging dunya o mundo.

Sa kanilang paghihiwalay, nagsalita si Andaw na: “Mula ngayon, hinding-hindi na magtatagpo

ang ating mga landas. Akin ang umaga, sa iyo ang gabi.”

Ang alamat ng Lawa Pinamaloy ay tungkol sa isang binata mula sa lugar na kung tawagin ay

Aruman. Ang binatang ito ay isang mangangaso na magaling sa paggamit ng sibat at dilek. Isang

araw, siya ay nangaso sa kagubatan na ang kasama lamang ay ang kaniyang aso. Sa kagubatan ay

nakapatay siya ng isang baboy-ramo. Ngunit bago niya ito nagawa ay lubhang napuruhan rin

siya nito. Pinutol ng binata ang mga tenga ng baboy-ramo at inutusan ang kaniyang aso na dalhin

ito sa kaniyang iniibig na dilag.

Nang marating ng aso ang dilag, ipinakita nito ang mga tenga ng baboy ramo. Nang tanungin ng

babae kung ano ang nangyari sa minamahal, ayaw magsalita ng aso sa takot na mayroong

mangyaring masama. Pinilit nanng pinilit ng babae ang aso hanggang sa malaman niya ang

totoo. Matapos sabihin ng aso ang tunay na nangyari, kumidlat nang malakas at nayanig ang

kanilang bayan.

Nang ang bayan ay lumubog na dahil sa delubyong naganap, tumakbo pabalik ang aso sa

kaniyang amo. Doon ay dinala sila ng isang diwata sa lumubog na bayan na tinawag na Ranaw

Pinamboy.

Sinasabi na sa ibang mga gabi ay mayroong naririnig na babeing humihikbi at isang aso na

tumatahol sa may lawa.

Tulang naratibo ang tawag sa mga tulang mahahaba at isinulat para basahin o di kaya’y

kantahin. Ang pinakamagandang halimbawa ng isang tulang naratibo ay ang epiko na Ulahingan.

Batay sa mga ulat, ang epikong Ulahingan ay mas mainam di-umano basahin nang malakas

kaysa sa basahin nang taimtim. Ngunit aabutin ang isang mambabasa ng halos 12 oras bago

Page 32: Panitikan ng ARMM

matapos ang panimula palamang ng epiko. Kung nanaising tapusin ang kabuuan nito, aabot sa

humigit kumulang na 612 na araw bago mabigyang wakas ang epiko.

Ayon kay Dr. Elena Maquiso, isang iskolar na nagtala ng Ulahingan, nakalulungkot man isipin

ngunit hindi lubos na kilala ang epikong ito sa bahaging Kotabato. Ito na rin ang nag-udyok sa

kaniya upang isulat ang epiko ayon sa pagkakakanta sa kaniya ng mga katutubo. Sa kaniyang

sanaysay na “The Ulahingan: A Manobo Epic”, isinulat niya ang kaniyang mga layunin sa

pagtala ng epiko: una ang maipaalam sa madla na mayroong ganitong uri ng epiko; pangalawa

ay ang ipakilala sa madla ang epikong ito; at pangatlo ay ang pagpapakalat ng kayamanan ng

epiko.

Ang epikong Ulahingan ay tungkol sa buhay ni Agyu noong narito pa lamang siya sa mundong

ibabaw. Tungkol din ito sa Nalandangan nang mapunta si Agyu at ang kaniyang mga kababayan

dito. Sa Ulahingan, inilalahad ang pagpatay ng mga dayuhan sa mga tao ni Agyu, ang

pagkukulong kay Agyu ng mga dayuhan, ang pagkakakulong ng kanyang mga kababayan sa

Cagayan, ang kanilang pagtakas papunta sa Hilagang Mindanao, ang kanilang pakikipagdigma

laban sa isang datu ng Maguindanao, at ang kanilang mga sakripisyo at paghihirap.

Matapos ang kanilang paghihirap, lumibot si Agyu kasama ng kaniyang mga kasamahan sa

kabuuan ng Mindanao. Sa kabutihang-palad, nakakita sila ng isang sakong bigas. Niluto nila ito

at sa kanilang gulat ay nabusog ang lahat mula sa mga sanggol hanggang sa matatanda. Ito ang

nagdulot sa kanilang pag-akyat mula Aruman patungo sa Nalandangan.

Bago sila tuluyan umakyat sa Nalandangan, iniwan ni Agyu ang kanyang anak na si Bayuayan

upang magsilbing tagapagsalaysay ng kanilang naging pakikipagsapalaran.

Dagdag ni Maquiso sa kaniyang sanaysay, mayroong tatlong ginagamit na musical na porma

sa pagkanta ng epikong Ulahingan: ang undayag, ang likuen, at ang panahansan. Ang undayag

ay ginagamit sa dalawang paraan. Ang una ay ang umpisa ng kanta kung saan hinahanda ng

manganganta ang kaniyang sarili. Sa kaniyang paghahanda, sinasabi ng mangangawit ang mga

linyang aday aday mandaan and ay ay andaman na wala namang ibig sabihin.

Ang likuen at panahansan ay maaring magsalitan sa kanilang gamit para makapagbigay ng

baryasyon sa pagkanta. Maraming anyo ang tono ng likuen, at ang mga ito ay may iba’t ibang

Page 33: Panitikan ng ARMM

melodyo. Ngunit ang parahansan ay may iisang nota lamang, na ginagamit nang paulit-ulit sa

isang malakas na pagbigkas. Ang dalawang ito ay ginagamit na lang sa mismong kwento, at

hindi sa pamahra kung saan kinakanta ang likuen.

Sa libro na Filipinos Writing: Philippine Literature from the Regions, na tinipon ng Pambansang

Alagad ng Sining para sa Literatura na si Bienvendio Lumbera, at kung saan si Christine

Godinez-Ortega ang patnugot ng parte ng panitikan sa Mindanao, unang naitala ang mga kantang

rebolusyonaryo na kabilang sa mga anyong pampanitik ng Mindanao.

Ang mga kantang rebolusyonaryo ay ang mga awit na nilikha ng mga local na Muslim laban

sa mga migranteng pumapasok at siyang nagdudulot ng kaguluhan sa kanilang lugar.

Ilan sa mga nailimbag na halimbawa ay ang O Papanok (O Bird) at ang Bangsamoro (People

of Bangsamoro).

“O Papanok”

O’ papanok aku bu na munota kusasambil

ka ingu ko kaganatan I kalidu nu ginawa

galido su ginawa nu pingganat na labi din su

kagganatan

O’ tayan tu, tayan ku na

di kadin bagulyang

ka mawatan pan I bangaayan ku

kokitan ku su palaw ingu su mga masla a kayo

O’ tayan ku, tayan ku na

pakabagil kay ginawa ningka

Ka gatagat ku su mga wata ta

Page 34: Panitikan ng ARMM

meka matay aku na dika bagulyang

kagina nakukit ako sa lalan nu mga sahid

‘‘O Bird”

If I’m just a bird, then I will fly in the wind

so that I can leave the burdens I have

It is hard to go, and it is painful for the ones left

behind

O’ my dear, my only dear

Don’t cry!

I still have a long way to go

I’ll pass the mountains and trees

O’ dear, my only dear

be strong in faith

I’ll be leaving our children behind.

If I die, don’t you cry

for I passed the way of the righteous.

Bangsamoro

Page 35: Panitikan ng ARMM

Bangsamoro, gedam imaman kanu

Ka itindig su agama Islam

So kapanlalim sa lekitanu

nu taw a lumalapu

wageb saguna na imbunwa tanu

Bangsamoro, a baninindig

kanu inged

lila su ngiwa indi lugo

Mamagayon, mamagisa-isa

apas tanu su kandaludaya

Palaw ataw disdan

Pawas kadatalan

su kandaludaya

ataw pakuburan

People of Bangsamoro

People of Bangsamoro, awake and make up your

Mind

Stand for our faith

the oppression they did to us

the immigrants

Page 36: Panitikan ng ARMM

now is the time to fight them

People of Bangsamoro who

fight for our Cause

offer your body and blood

Cooperate, unite

aim for freedom in the mountains

even how many our enemies are

Freedom

Or Martyrdom

for I passed the way of the righteous.

Ang Parang Sabil ay isang awitna para sa mga bandido. Halaw mula sa salitang Malaysian ang

‘parang’ na ang ibig sabihin ay “giyera” at ang ‘sabil’ naman ay “sa paraan ng Diyos o ni Allah.”

Isang halimbawa ng Parang Sabil ay ang ‘Kissa kan Panglima Hassan’, na tungkol sa isang

matapang na bayani na nakipagaban sa mga Amerikano na nais magpatupad ng sistemang

Mayroon ding iba’t ibang uri ng maikling kwento ang matatagpuan sa rehiyon. Sa katunayan,

mayroong inilabas na libro ang DepEd na isang antolohiya ng mga kwentong pambata sa salitang

Kotabato. Sa librong A Voice from Mt. Apo: Oral and Written Essays on the Culture and World

View of the Manobo, mayroon ding matatagpuan na koleksyon ng mga tula at mga maiikling

kwento, na naisalin mula sa salitang Manobo patungo sa Ingles. Ilan sa mga kwentong ito ay ang

Molingling ni Tano Bayawan, Tilanduk woy dos Gungutan (Tilanduk and the Giant) ni Enagaro

Bugcal, at Iddos Oggasi way dos Anak (The Ogre and the Child) ni Olinan Landas, at iba pa.

Page 37: Panitikan ng ARMM

Sa mga libro at kwento na nabanggit, tila makabago na ang paraan ng pagkwekwento, ngunit

naroroon parin ang mga elemento ng kababalaghan, ng supernatural, at iba pang mga paraang

maaring ibinatay sa tradisyon at kultura ng mga naninirahan roon. Naniniwala parin sila sa mga

ispirito, sa mga halamang nakagagaling ng sakit, sa mga misteryo na dulot ni Inang Kalikasan.

Pinapatotoo nito na mula noon magpasahanggang-ngayon, ang pinagmulan ng mga porma ng

panitikan ay konektado sa isa’t isa at magpasawalang hanggang magiging maimpluwensya sa

kanilang mga tao.

Ilan ito sa mga tula at awit na matatagpuan sa librong A Voice from Mt. Apo: Oral and

Wrigtten Essays on the Culture and World View of the Manobo:

Maandus

Manuel Arayam

Oy, otid dava rok matat allow,

Kovudtrus dok songnga ku.

Konna kud od koti-is, dayas ku nod ponihis.

Oy, id somdit kut lawon Inday, konnod pomakoy’t buyyag.

Dumoruma rut sutsut, sutsut to inayon din.

Oy, lohinat kad, Maandus, konuhun to gastu ta.

Worad koponoyunat mongovay’t Nolivoddan.

Oy, wora pe-en pihu mongovay’t Monubisa.

O Ina, od monnuwon kud lawa en nanoy’n Inday.

Maandus

Page 38: Panitikan ng ARMM

Oy, if the eye of the sun is already set in the west,

My breath is cut.

I cannot bare it, (I cannot stop) my tears from falling.

Oy, I regret that Inday did not believe the old ones.

She listened to that provocation, provocation of her aunt.

Oy, stand up (and let’s go), Maandus, we’re wasting our money.

The young lady of Nolivoddan will no longe continue (the plan to marry).

Oy, (my engagement) to the young lady from Monubisa is not all sure.

O Mom, how can I get Inday to (believe me).

Sosoliman

Manuel Arayam

Oy, osiyoy, kahi rin, pullusow’k tongkuu ku, id tambod du du rut uu ku.

Patow rut Mondaangan patow ru to Tohovusow.

Oy, id sondit kut lawon Ungkoy, timbak nod kookollon, od pongondollon nod tiru.

Ini es konno rud en, konggin konno ru man.

Oy, antap ayut songnga ku, od liling ad ka-ay’t ingod, ossurad to bonuwa,

Bonuwon Moivuyan, ingod to Tohovusow.

Sud lonuhat Mondaangan, koogon konna rud en.

Page 39: Panitikan ng ARMM

Soliman’s Song

Oy, Osiyoy, he said, get down my headdress, cover my head.

The sign of Mondaangan is a sign of Tohovusow.

Oy, I regret that Ungkoy is shooting (me) as (his hand) is shaking,

aiming as his hand is shaking.

Don’t do it, kooggon, don’t you do it.

Oy, it is perhaps the opinion/impression of my breath, I will leave this world,

I will move away to the city,

The city of Moivuyan, region of Tohovusow.

Because Mondaangan went along with this plan, koogon don’t do it.

Tonggapow kos Ginawa Ku

Retchor Umpan

1 Duwon mammis no kuvukaran

nod dopotton to ahad ingkon no mgo manuk.

2 Otin bo ondoy iddos bonnaa nod kopiyan ka-ay no kovukaran ku,

no dii ku od elleyan.

3 Otin ondoy iddos od kopiyan nod penek,

od sondihan ku to dipalla,

Page 40: Panitikan ng ARMM

od lukatan ku to sobbangan.

4 Ko-ungkay su id lukatan dud man,

od pominog a to dinoggan

diyon to kikow’n kovonnaan,

no sikkow en iddos kovukaran

no siyak en iddos od ollob

nod poko-iling to tomeng

nod ossop taddot mammis no kovukaran.

5 Ponunggeleng ko duwon potiyukan,

id soliyan kud ika,

id potawan kud ika.

6 Wora ahad ondoy nod puwag duwon;

loppas koddi-oy.

7 Su sikkow en iddos timbang mangga;

ahad od soongkaton du ika,

od ongayon ku su id ko-ivoggi ku.

8 Su sikkow en iddos timbang buwan

woy mgo bitu-on nod pokotaddow ka-ay’t lawa ku,

nod se-aa ka-ay’t pusung ku.

9 Pomon to nose-alan kos koddin pusung.

Page 41: Panitikan ng ARMM

Accept My Love

1 There is a sweet flower cluster

that any kind of bird will go near.

2 Whoever truly desires this flower cluster of mine,

I will not refuse.

3 Whoever wants to come up to the house,

I will lean the dipalla post,

I will open the door.

4 Now because you have opened it,

I will listen to your telling

of truth about you,

that you are the flower cluster

and I the one who extracts its sweetness

like a bee who sucks the sweetness of the flower cluster.

5 If I compare (your love) to a beehive,

I have placed a mark on it,

I have placed a symbol on it.

6 No one can smoke it out;

Page 42: Panitikan ng ARMM

I am the only one.

7 Because you indeed are like a mango;

even if you surround it with thorns,

even if you put a fence around it,

I will get at it because I desire it.

8 because you are like the moon

and stars whose rays of light shine on me,

glowing here in my heart.

Mga Tradisyonal na Naratibo sa SOCCSKSARGEN

Molingling

Ang Molingling ay isang tradisyonal na kwento na inilahad ni Tano Bayawan. Ang kwentong

Molingling ay kilalang-kilala sa mga Manobo na nagpapaliwanag sa pinagmulan ng anit—ang

mga ipinagbabawal na gawain tulad ng incest at pakikipagrelasyon sa mga hayop at mga ispiritu.

Ang mga Manobo ay dapat umiwas sa mga ipinagbabawal na mga gawain na ito, dahil kung

hindi, sila ay mapaparusahan ng Inanit, ang ispirito ng anit. Gaya ng kwento sa Genesis kung

saan si Adan, ang ama ng santinakpan, ay nagkasala sa buong sambayanan, si Molingling ay

nagkasala ng pakikiapid at naapektuhan ang buong bayan na ngayon ay napaparusahan ng anit.

Ang Buwitre at ang Inahin

Page 43: Panitikan ng ARMM

Ang buwitre at ang inahin ay tungkol sa isang pagkakaibigan na nasira dahil sa pagiging

banidoso ng inahin. Isang araw, ang inahin ay may pupuntahan na handaan. Nang dahil sa

kagustuhan na maging pinakamaganda sa handaan, pinuntahan niya aang kaibigang buwitre para

hiramin ang isang gintong singsing. Agad naming ipinahiram ng buwitre ang kaniyang

pinakaiingat-ingatan niyang singsing, at nagbiling na pakaaalagaan niya ito.

Nang dumating ang inahin sa handaan, siya ang itinanghal na pinakamaganda.

Pinagkaguluhan siya ng kaniyang mga kaibigan. Ngunit sa kaniyang pag-uwi, napansin ng inahin

na nawawala na ang singsing na ipinahiram ng buwitre. Ginalugad niya ang lahat ng lugar na

kaniyang napuntahan, hinanap ang singsing sa bawat sulok na kaniyang dinaaanan. Pero hindi

niya nakita ang singsing ng buwitre.

Nagdaan ang ilang araw at hindi pa rin nagpapakita ang inahin sa kaibigang buwitre. Nagtaka

na ang buwitre dahil hindi pa naisasauli ang kaniyang singsing. Galit na galit itong sumugod sa

bahay ng inahin, at itinanong kung nasaan na ang kaniyang singsing. Nang sabihin ng inahin na

nawawala ito, nagwala ang kaibigang buwitre. Nang wala ng magawa ang buwitre, sumumpa ito

na hinding-hindi na sila magiging magkaibigan ng inahin. Isinumpa rin ng buwitre na hanggat

hindi naisasauli ang kaniyang singsing, habang buhay nitong kukunin ang mga anak na sisiw ng

inahin.

Magmula noon ay naging magkaaway na ang inahin at ang buwitre.

Pituy

Ang kwentong Pituy ay isang tradisyonal na naratibo ng mga Manobo ng rehiyon. Si Pituy ay

isang tamad na bata na walang ginawa kundi ngumuya ng nganga. Isang araw, pumunta si Pituy

sa tabi ng ilog para hanapin ang isang puno ng nganga. Sa kanyang paggagalugad, nakahanap

siya ng isa. Sa kaniyang pag-aakyat, mayroon siyang narinig na boses ng palaka. Ito ay kilala

bilang si Otatat, isang mapaglarong palaka.

Sumigaw si Otatat ng, “Ang posisyon ni Pituy ay parang pambayo ng linga.”

Ikinainis ito ni Pituy at sumigaw ng, “Hintayin mo ako, papatayin kita.” Bumaba agad-agad si

Pituy ay hinanap ang palaka. Para mas mapadali ang kaniyang paghahanap ay tinabas niya ang

mga makakapal na talahib na nakapaligid.

Page 44: Panitikan ng ARMM

Nang hindi niya ito Makita ay muli siyang umakyat. Mula sa kaniyang kinaroroonan, muli

niyang narinig ang sigaw ng palaka. Muli siyang bumaba at inulit ang naunang ginawa.

Hindi pa rin niya makita ang palaka, kahit na paulit-ulit niyang gawin ang pagtatabas ng

talahib at paghahanap. Nang napanisin ni Pituy na wala ng talahib sa kaniyang paligid, naisipan

niyang taniman ang lupang kinatatayuan. Magmula noon, nakaka-ani na siya ng mga produkto

gaya ng mais, mga gulay, at iba pa.

Simula noon, nagtrabaho na nang nagtrabaho si Pituy at lubos niyang ikinatutuwa ang mga

bagay na kaniyang naaani.

Ang Humuhuning Ibon at ang Pusa

Ang kwentong ang Humuhining Ibon at ang Pusa ay isang tradisyonal na naratibo na inilahad

ni Badette Pescadera. Ito ay tungkol sa isang pusa na nais patayin ang isang ibong humuhuni

para kainin. Ngunit, sa kasawiang pald, hindi niya ito mapatay-patay dahil hindi maabot ng pusa

ang ibon.

Isang araw, lumanding ang ibon sa isang puno na may maraming bulaklak para kaniyang

sipsipin ang sabaw ng mga ito. Agad siyang nakita ng pusa at sinabing, “Ibon, marahil maaring

bumaba ka riyan, at aking didilaan ang iyong mga pakpak.”

Dahil alam na ng ibon kung ano ang nais gawin ng pusa, alam nito kung paano magdahilan

para hindi siya mahuli sa patibong. “Hindi maaari, pusa, dahil pinagbawalan ako ng aking mga

magulang na bumaba sa lupa.”Hindi mapilit ng pusa ang ibon.

Nagplano ang pusa kung paano mahuhuli ang ibon. Hindi mapakali ang pusa sa pag-iisip kung

paanong paraan niya mahuhuli ang pusa. Nang dumating ang araw na nagkaroon siya ng ideya.

Sabi niya, “Ayun yun; ngayon alam ko na kung paano huhuliin ang humuhuning ibon dahil gusto

ko talaga siyang kainin.”

Bumalik ang pusa sa kinalalagyan ng ibon. Nagulat ang ibon dahil nakita niya ang pusa na

may dalang basket sa kaniyang bibig na mayroong mga hinog na bayabas. Ang sabi ng ibo,” Ku!

Saan mo dadalhin ang bayabas, pusa?Mukhang masasarap ang mga iyan!”

Page 45: Panitikan ng ARMM

Sumagot ang pusa,” Te, ibinibenta ko ang mga ito, ibon, ngunit hindi pera ang aking gusto.

Ang nais ko ay ang mga balahibo ng mga ibong marunong lumipad dahil natutuwa akong

makahawak ng mga iyon. Ikaw, gusto mo ba? Isang bayabas para sa isang balahibo. Na, bilisan

mo magdesisyon dahil baka mapilitan akong ibenta ang mga ito.”

Dahil talagang gusto ng ibon ang mga bayabas, siya ay pumayag ngunit mayroon kung ano

man ang pumipigil sa kaniya. Sinabi ng ibon, “Nahihirapan talaga ako magdesisyon dahil hindi

talaga ako maaring umapak sa lupa.”

Ang sabi ng pusa, “Hayaan mo na, ibon. Halika na lang dito sa loob ng aking basket na aking

bitbit. Hayaan mo na kung nahihirapan ka; sa tuwing kakain ka ng bayabas, maari kang

mamalagi dito at magtanggal ng iyong balahibo.”

At ayun nga ang ibong sa loob ng basket. Kumain siya ng bayabas.Sa tuwing nakauubos siya

nito, minumungkahi ng pusa na magpatuloy siyang kumain. Inulit nang inulit ng pusa ang

pagkain, nang hindi niya na namalayan na mayroon na lang siyang iisang balahibong natitira.

Humalakhak ang pusa sa galak dahil nahuli niya na ang ibon. Kahit gaano subukan ng ibong

lumipad, hindi na niya magawang makaalis sa lupa.

Ang Paglalakbay ni Sunni

Ang Mga Paglalakbay ni Sunni ay isang tradisyonal na kasaysayan na ibinahagi ni Julian

Tungcalan. Nagsisimula ang kwento sa isang mag-asawang sina Ombong at Tumomowan.

Nakatira sila sa Dollag sa Tomoggow. Mayroon silang isang anak na lalaki na nagngangalang

Sunni. Nang dumating ang araw na kaya ng mag-isip ng wasto ni Sunni, gumawa siya ng isang

plano. Sinabi niya sa kaniyang ina, “Nay, Tay, kung ayos lang po ba sa inyo, gaya ng pagiging

maayos nito para sa akin, maglilibot po ako sa buong bansa.” At iyon nga ang sinabi ni Sunni, at

nagpatuloy siya sa kaniyang plano, dala-dala ang kaniyang backpack na gawa sa kawayan at ang

kaniyang mga sibat. At tuluyan niyang nilisan ang kanilang bayan.

Ngunit bago niya napagtanto, siya ay nasa kalagitnaan na ng kagubatan. Ngayon, habang

naglalakad siya sa kasukalan ng gubat, napansin niya ang kaniyang napagdaanan. Napansin

niyang may mga puno na mayroong mga bunga; mayroong mga nakakain at mayroon din iyong

mga hindi. Sa bawat oras na siya ay nagpapahinga at kumakain ng bunga, dahan-dahan niyang

Page 46: Panitikan ng ARMM

nilalagay ang mga buto sa kaniyang backpack. Sa tuwing mapapansin niyang walang katulad na

puno ang bungang kinain niya, itinatanim niya ang mga butong nakuha hanggat sa naikalat na

niya ang mga iba’t ibang uri ng puno sa kagubatan.

Unti-unti nakita niyang nalibot ang bansa at kung paano ito nabuo. Nalaman niya na ang bansa

ay binubuo ng iba’t ibang mga pulo, tatlong malalaking isla, at napaliligiran ng mga katawang-

dagat. Sa tuwing dumidilim ang paligid, matutulog siya sa ilalim ng puno.

Nang malibot na niya ang buong bansa, bumalik siya sa kanilang bahay sa Dollag. Nagiging

kulay abo na si Sunni at kumukuba dahil na rin sa haba ng kaniyang inilibot sa bansa.

Ipinamahagi niya sa kaniyang mga kababayan ang kaniyang mga karanasan sa paglibot sa bansa:

ang itsura nito, ang korte nito, ang mga nakakaing bunga sa kagubatan, at iba pa.

Ngayon, ang mga sumunod kay Sunni ay hindi na nagugutom kapag sila ay pumupunta sa

kagubatan, dahil alam na nila kung anong mga bunga ang maaring kainin at hindi. Sabi ni Sunni,

“Ang punong ito ay mayroong bungang nakakain; ito naman ay hindi.” Magmula noon, alam na

ng mga naninirahan sa kanilang bayan na hindi sila mamatay sa gutom dahil sa kayamanang

taglay ng kagubatan.

Tuwaang

Ang Tuwaangay isang epiko ng mga Manobo na ginagawa ring libangan tuwing may libing,

kasal, ritwal ng pagpapasalamat para sa saganing ani, o sa isang matagumpay na pangangaso.

Ang bawat awit ng epiko ng Tuwaang ay ipinakikilala ng mang-aawit gamit ang isang tula na

tinatawag ng mga Manobo na tabbayanon, na mayroong dalawang bahagi: ang tabbayanon na

nagdudulot ng interes at kadalasang naghahayag ng pag-ibig at pangarap ng mang-aawit; at ang

bantangon, na nagpapabatid ng simula ng pag-awit. Mayroong higit sa 50 na mga kanta ng

Tuwaang, ngunit hanggang ngayon, dalawang kanta pa lamang ang nailalathala.

Ito ay ang Mangovayt Buhong na Langit (The Maiden of the Buhong Sky) at Midsakop

Tabpopawoy (Tuwaang Attends a Wedding). Sa unang awit, iniligtas ni Tuwaang ang isang

dilag mula sa kanyang dambuhalang manliligaw, isang lalaki mula sa Pangumanon. Gamit ang

laway ni Tuwaang, napabuhay niyang muli ang mga taong pinatay ng higante. Dinala ni

Tuwaang ang dilag sa kanyang bayan at doon, ay may nakasagupa na naman siyang isang

Page 47: Panitikan ng ARMM

katunggali. Pagkatapos, si Tuwaang at ang kanyang mamamayan ay sumakay sa isang bangka

patungo sa langit.

Sa ikalawang awit, si Tuwaang ay dumalo sa isang kasalan, para lamang maging kabiyak ng

babaeng ikakasal, matapos na mabigong magbigay ang lalaki mula sa Sakadna ng kabayaran

para sa kasal. Natalo ni Tuwaang ang lalaki at pagkatapos ay dinala niya ang babae sa Kuaman

kung saan siya ay naghari magpakailanman.

PANITIKAN NG SAMAL

Ang Sama/Samal ay isa sa apat na grupong etniko na nasa archipelago ng Sulu. Ang

salitang ‘Sama’ ay maari raw nagmula sa salitang sama-sama (togetherness). Ang wikang gamit

nila ay Siama/ Sinama na tinatawag ring Bahasa Sama, Bisla Sinama at Pamong Sinama.

Ang tradisyunal na literature ng mga Samal ay binubuo ng kanilang mga naratibong

prosa (narrative prose), katutubong kwento (folk tale) na karaniwang tinatawag bilang kata-

kata, isang termino na karaniwang tumutukoy sa mga trickster tales na madalas isang pusung

ang sentrong karakter. Ang iba pang naratibo na mayroon ang panitikan ng Samal ay ang mga

mito, kwento na hayop ang mga bida, numskull tales, kwentong may mahika, at mga novelistic

tales. Mayroong kata-kata ang mga Samal dahil ito ang nagpapaliwanag sa mga pinagmulan ng

pagkain, bituin, pagkabuo ng lupa at iba pa. May mga kwento rin sila patungkol sa mga dragon,

anghel, halimaw, prinsipe at prinsesa.

Isang araw, noong unang panahon, may mga matatandang lalaki na nagsasagwan ng

bangka gamit ang isang matabang sanga, nang masira ang sanga, may tumulong katas at

natuklasan nila na ito’y matamis. Sa ganitong paraan nadiskubre ang tubo.

Isang maybahay ang gumagamit ng gatong para sa kanyang niluluto. Nang magsimulang

magbaga ang gatong, tumalsik ang iba nito sa kamay ng maybahay. Nilapit niya ang kanyang

kamay sa kanyang bibig at aksidenteng nalasahan ang gatong, at ito pala ay gabi, na maaaring

kainin.

Mayroon isang naga (dragon) na sobrang laki na halos kaya na nitong lumunok ng

sampung kalabaw, nakalalason ang dila at kung ihampas nito ang kanyang buntot ay parang

magkakaroon ng bagyo. Kinain nito ang mga tao hanggang sa isang mag-asawa kasama ng

Page 48: Panitikan ng ARMM

kanilang isang anak ang natitira. Umakyat sila sa kabundukan upang hilingin sa diyos na bigyang

hangganan na ang kalupitan ng dragon. Di pa sila natatapos sa kanilang pagdarasal ay lumutang

na ang dragon ng napakataas at ito ang naging bituin sa kalangitan. Sa katapusan ng mundo, ang

dragon na ito ay magbabalik upang parusahan ang mga masasama. (Ziegler 1973:117).

Sa mga kwentong pusung palaging naiisahan ni pusung ang mga nakatataas sa kanya.

Minsan binigyan Pusung ang sultan ng cake. Nasarapan ang sultan sa cake ngunit kalaunan ay

nalaman niyang gawa pala ang cake sa buhok ng asong alaga ni pusung. Nagalit ang sultan at

dahil dito at ipinautos na arestuhin si Pusung. Nang malaman ito ni Pusung, sinabihan niya ang

mga guwardiya na ang taong hinahanap nila ay may kulay itim na puwit samantalang siya ay

may dilaw na puwit. Ang mga guwardiya ay nabigong mahuli si Pusung.

Isa pang paboritong trickster ay si Abunnawas, isang matapat na subject sa Jolo. Katulad

ni Pusung, palagi niya ring naiisahan ang Sultan. Isa sa maituturing na tagumpay ni Abunnawas

ay ang pagpapakasal nito sa isa sa mga babae ng sultan, na pinaghirapang ligawan ng sultan.

Isang halimbawa ng novelistic tale meron ang mga Samal ay tungkol sa isang babae na

naghiram ng pera sa kanyang asawa at nagdesisyong umalis patungong ibang lugar upang

hanapin ang swerte. Nanghiram siya sa pitong opisyal ng sultanato, ang: pang-lima, maharajah,

urungkaya, datu, bilal, hatib, at imam. Sa bawat isa ay nangako siyang ibabalik ang hiniram, at

kung hindi man niya ito magawa, ang kanyang sarili ang kanyang ipambabayad. Dumating ang

takdang panahon ng pagbabayad ngunit hindi niya kayang magbayad, kaya nangako siyang

makipagkasal sa bawat isa. Matapos nito ay nagkaroon siya ng pitong aparador na ginto ang

labas. Isang gabi, dumating ang pitong lalaki sa pagitan ng tig-iisang oras. Tuwing may kakatok

ay nagtatago ang mga lalaki sa may aparador sa pag-aalalang baka ang asawa ng babae ang

dumating. Matapos ang tatlong araw ay nabalita na may nawawalang pitong opisyal. Lumapit

ngayon ang babae sa sultan at ibinigay ang mga nawawalang opisyal. Pareho niyang nakuha ang

gantimpala para sa mga nawawalang opisyal at pati na rin ang reward money dahil sa pagsasabi

niyang pinilit siyang ipakasal, kahit na alam na ng mga opisyal na mayroon na siyang asawa.

Ang tradisyong pangmusika ng mga Samal ay kaugnay rin ng mga iba pang grupo na

matataguan sa Sulu. Ang pinakamatnadang uri ng musika ay ang luguh na siyang kinakanta ssa

mga banal at sosyal na pagtitipon. Mayroon itong mabagal at melancholy tune.

Page 49: Panitikan ng ARMM

PANITIKAN NG TIRURAY

Ang salitang Tiruray ay mula sa salitang ‘tiru’ na nangangahulugang ‘place of origin,

birth o residence’ at ang ‘ray’ naman ay nangangahulugang ‘upper part of a stream or river’ .

tinatawag ng mga Tiruray ang kanilang mga sarili na etew teduray (Tiruray People).

Ang panitikan ng Tiruray ay binubuo ng mga mito, alamat at mga kwentong ang bida ay

ang mga hayop.

Ang mito ng paglikha ay nakasentro sa isang diyosang nangngangalang Minaden, kung

saan hinubog niya ang mga tao mula sa putik. Matapos gawin nito, nilagay niya ang araw sa

gitna ng himpapawid at lupa, kaya nagkaroon ng umaga. Ang himpapawid ay hinihinalang may

walong layers, ang pinakamataas ay pinamumunuan ni Tulus, na kapatid ni Minaden. Kilala rin

sa iba pang pangalan si Tulus tulad ng Meketefu at Sualla. Gumawa si Minaden ng dalawang tao

at pinalaki ito, ngunit sa loob ng matagal na panahon ay di ito nagkaanak. Bumaba mula sa

himpapawid si Meketefu at nakita na may problema sa pagkakalikha sa dalawa kaya

napagdesisyunan niya na lumikha ng bagong tao mula sa luwad o putik. Di nagtagal ay taong

nalikha niya ay nagsilang ng isang anak, ngunit wala naming pagkain para mabuhay kaya

namatay rin ito kalaunan. Wala pang lupa noon kaya humiling ang ama kay Meketefu na bigyan

sila ng lupa, na siya rin namang binigay. Lumipas ang panahon at ang lupa ay tinubuan ng iba’t-

ibang klase ng halaman at gulay. (Patanne 1977:256 and Wood 1957:15-16).

Ang mga Tiruray ay may mga bayani sa kanilang kulturang mitolohiya katulad nila

Lagey Lengkuwos, na tinuturing na pinakamalakas sa kanilang lahat. Sinasabing nakapagsasalita

na siya kahit na nasa sinapupunan pa lamang ng kanyang ina. Siya raw ang nagbigay ng bagong

buhay sa mundo na dating ginawa ni Minaden, dahil ang ginawa dati ni Minaden ay puro lupa at

bato lamang. Ayon sa talaan ni Sigayan, ang mga babaeng epic chanters ay nagkukwento ng

tungkol kay Lagey Lengkuwos, Metiyatil Kenogon, Bidek at Bonggo na sinasabing mga

naunang taong namuhay sa mundo. Hindi sila mga diyos ngunit sila ay nererespeto at sinusunod

ng mga sinaunang Tiruray. Nakatira na sila ngayon sa mundo ng mga espiritu.

Page 50: Panitikan ng ARMM

Ang alamat ng “Kung paano nalikha ang mais at bigas” ay nagpapaliwananag na ang mga

sinaunang Tiruray na kinakatawan ni Kenogolagey at ng kanyang asawang si Kenogen ay

kumakain lamang ng kamote at cassava. Isang araw, isang matandang lalaki ang bumisita sa

kanila at nagbigay kaalaman hinggil sa mas mainam na pagkain, ang bigas at mais na makukuha

lamang sa nakakatakot na kastilyo ng isang higante sa gitna ng dagat. Dahil sa paying ito ng

matanda, nagpadala si Kenogolagey ng dalawang kaibigan, isang pusa at aso para kunin ang

nasabing pagkain. Dalawang araw silang lumangoy sa dagat at nakita ang pagkain sa may

paanan ng higante. Habang natutulog ang higante, ang pusa ay kumukuha ng mga butil ng bigas

at ang aso naman ay kumuha ng mais, matapos nito ay lumangoy sila pabalik sa pampang ngunit

nahulog ng aso ang mais at napunta ito sa kailaliman ng dagat. Hindi agad natulungan ng pusa

ang aso sapagkat may dala-dala rin siyang bigas. Nang makarating ang pusa sa pampang ay

nilapag niya muna ang nakuhang bigas at saka lumangoy muli para kunin ang nahulog na mais.

Sinamantala ito ng aso at kinuha ang bigas. Bumalik ang aso sa kanilang lugar at ipinagmalaking

siya ang nakakuha. Nang makaligtas ang pusa ay bumalik ito sa kanilang lugar at sinabi ang

buong katotohanan. Nagalit ang aso at sinugod ang pusa, ngunit nakatakbo ang pusa. Kahit na

nagkaroon na ng bigas at mais sa kanilang lugar, doon naman nagsimula ang awayan ng aso’t

pusa.

Katulad ng Pilandok (mouse deer), ang pagong sa mga kwento ng Tiruray ay

mapanlinlang at makulit. Sa kwentong “Ang Pagong at ang mga unggoy”, ang pagong ay

nakipagkita sa isang manok na ipinagmamalaki na hindi niya na kailangan pang magpagod

upang makahanap ng pagkain dahil nakahanap siya ng maraming palay. Nainggit ang pagong sa

manok at sinabihan itong namumula ang mata niya, isang palatandaan ng matinding sakit na

maaari niyang ikamatay. Naniwala ang manok sa sapantaha ng pagong at ito’y ikinatakot niya.

Kumuha siya ng dagta ng tegef at inilagay niya ito sa kanyang mga mata. Tumigas ang dagta, at

nataranta ang manok kaya siya’y nahulog kung saan ang ulo niya’y pumasok sa isang butas na

tinitirahan naman ng isang talangka. Kinain ng talangka ang dagta sa mata ng manok na naging

dahilan upang ito’y maging malaya muli at nagdesisyon itong maghiganti sa pagong. Samantala,

ang pagong ay naglalaro sa may halamanan ng rattan at inaya rin ang unggoy na maglaro. Di

nakayanan ng halaman ang bigat ng unggoy at ito’y nahulog sa bangin at namatay. Kinuha agad

ng pagong ang utak, tenga at puso ng unggoy. Isa pang unggoy, si Dakel-ubal ay abala sa

pagtatanim ng palay at tinanong ang pagong para sa isang nganga. Nakilala ni Dakel-ubal ang

Page 51: Panitikan ng ARMM

labi ng unggoy at tinawag ang iba pa nitong kasamahan at sinentensiyahan ang pagong na

mamatay sa paglunod dito. Sa tubig, pinagtawanan lamang ng pagong ang unggoy. Nagalit ang

mga unggoy at nakiusap sa isang nilalang na nagngangalang Ino-Trigo na sipsipin ang lahat ng

tubig papunta sa tiyan nito. Ginawa naman ito ni Ino-Trigo at nakita nila ang pagong na

nagtatago sa likod ng mga sanga. Nang makita ng manok ang pagong, tinuka niya ito sa mata

ngunit nabigo siya at ang natuka niya ay ang tiyan ni Ino-Trigo, nabutas ang tiyan nito at

lumabas ang lahat ng tubig na siyang nagdulot ng pagkalunod ng manok at ng mga unggoy.

Maraming uri ng kanta ang mga Tiruray na nababagay sa iba’t-ibang okasyon. Ang balikata ay

isang awit na may improvised text na kinakanta sa tradisyunal na melodiya na ginagamit rin sa

mga debate at pakikipag-usap. Ang balikata bae ay kilalang oyayi samantalang ang lendugan

naman ay isang awit ng pag-ibig, isang patulang paglalarawan sa kagandahan ng ligawan, na

inihahambing rin sa mga bulaklak. Minsan, inilalarawan rin nito ang uri ng pamumuhay meron

ang mga Tiruray. Ang binuaya ay isang kantang naratibo na nagkukwento tungkol sa mga

mahahalagang pangyayari sa nakaraan. Ang siasid ay isang dasal na inaawit na inaalala ang mga

biyayang binigay ni Lagey Lengkuwos at ng espiritu ng kalikasan na sina Serong at Remoger.

Ang foto moto ay isang kanta na wari’y nanunukso na siyang itinatanghal tuwing may kasal.

Ang meka meka ay awit ng katapatan na kinakanta ng babae sa kanyang asawa.

PANITIKAN NG MGA YAKAN

Ang mga Yakan ay ang pinakalamaking grupo ng Muslim sa Basilan. Tinatawag sila ng

mga Espanyol na Samecas at itinuturing silang maiilap at palaban na taga-bundok (Wulff

1978:149; Haylaya 1980:13).

Ang mga Yakan ay nagtataglay ng katangian ng mga Malay at nagsasalita ng wikang

Bahasa Yakan, isang baryasyon ng Samal Sinama o Siama at ng wika ng Tausug (Jundam

1983:7-8). Sinusulat ito sa Malayan Arabic Script na may adaptasyon sa tunog na hindi maririnig

sa Arabic (Sherfan 1976).

Ang pinaka-prominenteng halimbawa ng literature ng Yakan ay mga alamat. Dalawang

magkaugnay na alamat ay ang kwento ng paglikha ng mundo at tao. Una ay kadiliman lamang

Page 52: Panitikan ng ARMM

ang mayroon at nilikha ng Diyos ang liwanag, sunod ay ang tubig at mga puno na nagbunga ng

7.7 milyon na prutas. Sunod na nilikha ng Diyos ay ang mga ibon na mangamatay matapos

kainin ang huling prutas. Pagkatapos ng pagkamatay ng ibon, nilikha ng Diyos ang 70 Adan na

may 70 taon na buhay. Ang huling Adan ang ating ninuno.

Nilikha rin ng Diyos ang mga bundok. Si Adan umakyat sa pinakamataas na bundok at

napagtantong wala pa siyang asawa at humiling sa Diyos na bigyan siya. Nagpakita ang isang

espiritu at sinabihan siyang bumalik sa biyernes. Nang dumating ang araw na iyon, gumuhit ng

anyo ng isang babae at sinabi kay Adan na ito ang kanyang magiging asawa. Matapos ay

inatasan si Anghel Gabriel na patulugin si Adan at kumuha ng laman sa kanyang tadyang na sa

kalaunan ay naging si Sitti Hawa ( Eve). Inutuan ng Diyos si Adan na bigyan ng regalo ang

kanyang asawa. Ang regalo na ibinigay ni Adan ay isang pormula: La Ilaha Illahah na

nangangahulugang “Walang ibang Diyos kundi si Allah”. Nagkaroon sila ng apat na anak,

dalawang lalaki at dalawang babae. Ang dalawang lalaki ay sina Kain at Habil. Mula sa kanila

umusbong ang dami ng tao.

Ang isa pang kwento ay tungkol naman sa pinagmulan ng mga Yakan. Nagkaroon ng

isang delubyo at sa kanluran naman, isang yakal ang nahati na siyang naglalaman ng unang tao

sa Basilan. Sa silangan ay may kabundukan na tinatawag na Tong Magtangal. Mula sa punso ay

lumabas ang unang babae sa Basilan. Nagkita ang dalawa, nag-ibigan, at nagkaroon sila ng apat

na anak. Ang panganay na babae ay si Kumalang, na ipinangalan mula sa isang ilog na tinatawag

na Bohe Kumalang na nasa kanluran. Sa hilaga nanirahan ang kanilang anak na lalaki na si

Gubawan, na hango rin sa pangalan ng ilog. Sa timog-silangang parte ng isla nanirahan ang isa

pa nilang anak na lalaki na si Tumahubong, na mula sa ngalan ng ilog. Ang huling anak na lalaki

na si Basilan ay ipinangalan mula sa ilog na Bohe Basilan sa may silangan.

Isang araw, isang negosyanteng nagngangalang Julol mula sa Borneo ang dumating at

umibig kay Kumalang. Ang mga magulang ni Kumalang ay pumayag na ipakasal sila sa

kondisyon na makakapagdala si Julol ng mga binhi ng mangga, niyog at marang na nagawa

naman niya, kaya ang Basilan ay sagana sa mga prutas na ito (Sherfan 1976).

Ang pinakapopular na katutubong kwento ay tungkol sa mga hayop. Isang halimbawa ay

ang kwento sa suliranin sa pagitan ng mga unggoy at paru-paro. Isang araw ang mga paru-paro,

Page 53: Panitikan ng ARMM

bibe at ibon ay nagsagwan gamit ang isang malaking dahon at tubo naman bilang batangan.

Isang unggoy ang kumain sa tubo kaya naman ang mga nasa dahon ay tumaob. Nagalit ang mga

ibon at tinanggihang tulungan makapunta ng pampang ang mga unggoy, ngunit nakumbinsi ng

mga unggoy ang isang paru-paro. Nang makaahon sa pampang ang unggoy ay tinapakan

niya ang paru-paro hanggang sa mamatay ito. Nagalit ang iba pang mga paru-paro at kalaunan ay

nagkaroon ng digmaan. Nangamba ang mga paru-paro dahil sa sila’y maliliit lamang ngunit

nakaisip ang pinuno ng mga paru-paro. Dumapo sila sa ilong ng mga unggoy at lumipad kaagad

kaya naman ang mga unggoy ay nagkatamaan. Namatay ang mga unggoy maliban na lamang sa

isang buntis kaya naman di nagtagal ay dumami muli ang mga unggoy (Eugenio 1989:42-43).