paratransit gabay ng mga sumasakay - fasttransit.org · ano ang paratransit? ang serbisyo ng...

13
Paratransit Gabay ng mga Sumasakay Para Magpareserba Tumawag sa: (707) 429-2400 Pangkalahatang Impormasyon Pag-iiskedyul ng Pagbibiyahe Mga Oras at Mga Pamasahe Mga Patakaran at Mga Tip Setyembre 2014

Upload: others

Post on 28-Oct-2019

8 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Paratransit Gabay ng mga Sumasakay - fasttransit.org · ANO ANG PARATRANSIT? Ang serbisyo ng Paratransit ay ibinibigay alinsunod sa Americans with Disabilities Act (ADA) ng 1990

Para Magpareserba Tumawag sa: (707) 429-2400

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa DART Paratransit, tumawag sa (707) 434-3809

Para makipag-ugnayan sa Nangangasiwa ng Transit

tumawag sa (707) 434-3800

fasttransit.org

Paratransit Gabay ng mga Sumasakay

Para Magpareserba Tumawag sa:

(707) 429-2400

• Pangkalahatang Impormasyon

• Pag-iiskedyul ng Pagbibiyahe

• Mga Oras at Mga Pamasahe

• Mga Patakaran at Mga Tip

Setyembre 2014

Page 2: Paratransit Gabay ng mga Sumasakay - fasttransit.org · ANO ANG PARATRANSIT? Ang serbisyo ng Paratransit ay ibinibigay alinsunod sa Americans with Disabilities Act (ADA) ng 1990

Paratransit Gabay ng mga Sumasakay

1Gabay ng DART Paratransit

ANO ANG PARATRANSIT?Ang serbisyo ng Paratransit ay ibinibigay alinsunod sa Americans with Disabilities Act (ADA) ng 1990. Ang serbisyo ng Paratransit ay nakalaan para sa mga taong may mga kapansanan, o nakakabaldang mga kondisyon sa kalusugan na pumipigil sa kanila na malayang malaman ang sistema ng pampublikong bus, kilala rin bilang sistema ng nakapirming ruta, para sa ilan o lahat ng kanilang pagbibiyahe. Hindi kasama dito ang mga kapansanan na ginagawa lang komplikado o hindi maginhawa ang paggamit sa maaaring ma-access na serbisyo ng bus na nakapirmi ang ruta. Ang lahat ng sasakyan ng FAST at DART ay mayroong access para sa wheelchair.

SERBISYO NG DART PARATRANSITAng DART ay ang karagdagan ng ADA Paratransit sa mga lokal na nakapirming ruta ng Fairfield at Suisun Transit (FAST). Nangangahulugan ito na pinatatakbo ang DART nang katulad sa sistema ng bus na may nakapirming ruta sa parehong mga araw at oras. Ang serbisyong ito ay isang serbisyo ng pagsakay nang may kasamang ibang pasahero mula sa pinanggalingan papunta sa patutunguhan, sa loob ng mga Lungsod ng Fairfield at Suisun. Nagbibiyahe ang DART sa loob ng isang ¾ na milyang lugar sa magkabilang bahagi at sa mga dulo ng mga corridor na may nakapirming ruta, at sa loob ng ¾ na milya hanggang sa at sa paligid ng Ulatis Cultural Center at Kaiser sa Vacaville.

Ang DART Paratransit ay nakalaan para sa mga karapat-dapat at may kapansanang tao na hindi makasakay sa bus ng FAST, maka-access sa isang FAST bus stop, o kaya hindi malaman ang regular na sistema ng bus na may nakapirming ruta dahil sa isang nakakabaldang kondisyon ayon sa tinutukoy ng Americans with Disabilities Act (ADA).

PAGIGING KARAPAT-DAPAT PARA SA ADA PARATRANSITKung mayroon kang kapansanan na pumipigil sa iyong makasakay sa sistema ng pampublikong bus at gusto mong mag-apply para sa serbisyo ng paratransit, mangyaring tawagan ang Solano County Paratransit Eligibility Center sa (707) 541-7184 para mag-iskedyul ng isang personal na pagsusuri. Ang personal na pagsusuri sa pagiging karapat-dapat para sa ADA ay titiyaking nakalaan ang serbisyo ng ADA paratransit para sa mga indibiduwal na talagang nangangailangan ng serbisyo alinsunod sa Americans with Disabilities Act. Ang pagiging karapat-dapat para sa ADA ay ginagawa kang maging karapat-dapat para sa serbisyo ng ADA paratransit sa anumang ahensiya para sa paghahatid sa buong Estados Unidos.

Page 3: Paratransit Gabay ng mga Sumasakay - fasttransit.org · ANO ANG PARATRANSIT? Ang serbisyo ng Paratransit ay ibinibigay alinsunod sa Americans with Disabilities Act (ADA) ng 1990

HANDA KA NA DAPAT UMALIS SA LOOB NG IYONG 30 MINUTONG PALUGIT SA PAGSUNDOHalimbawa: Ang oras ng pagsundo sa iyo ay 2:00pm. Ang lahat ng pagpapareserba ay mayroong 30 minutong palugit sa pagsundo. Kaya, maaaring dumating ang bus anumang oras sa pagitan ng 1:45pm at 2:15pm.

Magsisimula ang Palugit sa Pagsundo

Naka-iskedyul na Oras ng Pagsundo

Matatapos ang Palugit sa Pagsundo

1:45pm 2:00pm 2:15pm

2 Gabay ng DART Paratransit

Pag-iiskeydul ng Pagbibiyahe sa DART

Ihandang sabihin sa dispatcher:

• Ang numero ng iyong ADA

• Ang iyong pangalan at numero ng telepono

• Ang address kung saan mo gustong sunduin

• Ang address ng pupuntahan mo

• Ang oras na kailangan mong dumating sa pupuntahan mo

• Kung kailan mo gustong bumalik

• Ang bilang ng mga sasakay na tao (ikaw lang, o may kasamang Katulong para sa Pag-aalaga sa Sarili (Personal Care Attendant) o kasama)

• Anumang espesyal na pangangailangan (magbibiyahe nang may kasamang naglilingkod na hayop, oxygen, atbp.)

Maaari kang tumawag para magpa-iskedyul ng iyong pagbibiyahe sa pamamagitan ng DART Paratransit sa mga karaniwang oras ng negosyo mula 8:00am hanggang 5:00pm, Lunes hanggang Sabado. Kung tatawag ka bago o pagkatapos ng mga karaniwang oras ng negosyo, o sa isang malaking piyesta opisyal, maaari kang mag-iwan ng mensahe para magpa-iskedyul ng pagbibiyahe at tatawgan ka muli ng nag-iiskedyul. Maaaring maagang gumawa ng mga kahilingan sa pagbibiyahe mula isa (1) hanggang pitong (7) araw bago ang pagbibiyahe. Kung hindi available ang hiniling na oras ng pagbibiyahe, ang DART Paratransit dispatcher ay maaaring magbigay ng oras ng pagbibiyahe nang hanggang isang (1) oras bago o pagkatapos ng hiniling na oras ng pagbibiyahe para matugunan ang lahat ng hiniling na pagsakay.

2

Page 4: Paratransit Gabay ng mga Sumasakay - fasttransit.org · ANO ANG PARATRANSIT? Ang serbisyo ng Paratransit ay ibinibigay alinsunod sa Americans with Disabilities Act (ADA) ng 1990

3

Para Magpareserba Tumawag sa: (707) 429-2400

Para sa mga Telecommunications Relay Service (TRS) TTY: I-dial ang 711

Maaari lang tugunan ang mga paghiling sa parehong araw kung mayroong available na puwang. Ang mga oras para magamit ang DART ay pareho sa mga oras na magagamit ang FAST na may lokal na nakapirming ruta.

Kapag naka-iskedyul na ang iyong pagbibiyahe, darating ang bus ng DART para sunduin ka sa loob ng 30 minutong palugit ng iyong naka-iskedyul na oras ng pagsundo. Ang 30 minutong palugit ay sa pagitan ng 15 minuto bago ang oras ng pagsundo sa iyo at 15 minuto pagkatapos ng oras ng pagsundo sa iyo. (Halimbawa: Kung ang oras ng pagsundo sa iyo ay 2:00pm, darating ang bus ng DART anumang oras sa pagitan ng 1:45pm at 2:15pm.) Kailangan handa ka nang sumakay sa simula ng palugit ng pagsundo sa iyo.

Mangyaring pumunta kaagad sa sasakyan kapag dumating ito, dahil maaari lang maghintay ang driver ng bus nang limang (5) minuto bago ito umalis. Kung darating ang bus ng DART sa loob ng paglugit ng pagsundo sa iyo , at hindi ka pa handa, maghihintay ang driver nang hindi magtatagal sa limang (5) minuto bago ito umalis at ire-record ang iyong pagbibiyahe bilang “Hindi Nagpakita (No Show).”

TANDAAN! Hindi pumupunta ang mga driver ng DART sa iyong pintuan. Kapag nagpareserba ka sa DART, abangan ang bus at lumabas para salubungin ito kapag dumating na ito.

MGA PAGLIPATAng DART Paratransit ay nagbibigay rin ng mga transfer point (mga lugar para sa paglipat) sa mga sumasakay na nagbibiyahe sa loob ng lungsod. (Mga pagbibiyahe ito papunta sa mga lungsod na nasa labas ng Lungsod ng Fairfield at Suisun.) Kapag tumawag ka para magpa-iskedyul ng pagbibiyahe sa lungsod, makikipagtulungan ang dispatcher sa iba pang nagbibigay ng serbisyo ng paratransit para siguruhing mai-iskedyul ang iyong pagbibiyahe na may paglipat at na naiintindihan mo kung saan ka lilipat. Hindi aalis ang bus ng DART hangga't hindi dumarating ang iyong lilipatang bus. Ang mga pagbibiyahe na may paglipat ay maaaring abutin ng dalawa (2) hanggang tatlong (3) araw bago ma-iskedyul.

Mga Pamasahe para sa Mga Pagbibiyahe sa Lungsod: Kailangan mong magbayad nang bukod na pamasahe sa bawat bus ng paratransit na sasakyan mo kapag magbibiyahe sa lungsod.

Gabay ng DART Paratransit

Page 5: Paratransit Gabay ng mga Sumasakay - fasttransit.org · ANO ANG PARATRANSIT? Ang serbisyo ng Paratransit ay ibinibigay alinsunod sa Americans with Disabilities Act (ADA) ng 1990

4

Ang patakaran ng DART Paratransit para sa Hindi Pagsipot/Late na Pagkansela ay isinunod sa pamantayan ng industriya na ginagamit ng iba't-ibang mga ahensiya ng transportasyon sa buong Estados Unidos. Ang layunin nito ay para matugunan ang paulit-ulit na pang-aabuso sa mga serbisyo ng paratransit. Ang pang-aabuso na ito sa sistema ay dinadagdagan ang mga gastos sa pagpapatakbo na nakakaapekto nang hindi maganda sa kakayahang magbigay ng mga serbisyo ng para- transit sa ibang mga karapat-dapat na indibiduwal.

Ang isang Hindi Pagsipot ay ibinibigay kapag wala ang isang pasahero ng DART para sunduin sa loob ng isinaad na palugit para sa kanilang pagsakay sa paratransit. Ibinibigay ang isang Late na Pagkansela kapag kakanselahin ng pasahero ng DART (o kinatawan ng pasahero ng DART) ang kanilang pagbibiyahe nang wala pang dalawang (2) oras bago ang palugit ng pagsundo sa kanila.

Kung makakaipon ang isang pasahero ng DART ng tatlong (3) Hindi Pagsipot o Late na Pagkansela na mga paglabag o kombinasyon ng mga paglabag, sa loob ng 90-araw na panahon, susupindehin siya at hindi na magiging karapat-dapat para magamit ang mga serbisyo ng DART sa loob ng pitong (7) araw na panahon.

Unang Hindi Pagsipot o Late na Pagkansela: Mag-iiwan ang driver ng isasabit sa pintuan para ipaalam sa pasahero ang Hindi Pagsipot o Late na Pagkansela kasama ang petsa at oras nang nandoon ang driver. Ipapaliwanag din ng nakasabit

sa pintuan ang patakaran para sa Hindi Pagsipot o Late na Pagkansela. Dagdag pa rito, magpapadala ng isang sulat na nagtatala sa petsa at oras ng unang Hindi Pagsipot o Late na Pagkansela na paglabag ng pasahero ng DART.

Pangalawang Hindi Pagsipot o Late na Pagkansela: Kung mayroong dalawang (2) Hindi Pagsipot o Late na Pagkansela ang isang pasahero ng DART sa loob ng 90-araw na panahon, magpapadala ng isang sulat na nagsasaad ng mga petsa at oras ng parehong Hindi Pagsipot o Late na Pagkansela. Ipapaalam rin ng sulat sa pasahero ng DART na ang pangatlong Hindi Pagsipot o Late na Pagkansela ay magreresulta sa pagkakasuspinde ng serbisyo nang pitong (7) araw at pagkakaalis mula sa listahan ng suskripsyon (kung naaangkop). Ipapaliwanag muli ng sulat na ito ang patakaran sa Hindi Pagsipot o Late na Pagkansela.

Pangatlong Hindi Pagsipot o Late na Pagkansela: Kung magyroong tatlong (3) Hindi Pagsipot/Late na Pagkansela ang isang pasahero ng DART sa loob ng 90-araw na panahon, magpapadala ng isang sulat sa pasahero ng DART na nagsasaad ng mga petsa at oras ng kanilang tatlong (3) Hindi Pagsipot o Late na Pagkansela na mga paglabag. Aabisuhan rin ng sulat ang pasahero ng DART na suspendido sila sa paggamit ng sistema ng DART nang pitong (7) araw at inalis sila mula sa listahan ng suskripsyon. Hindi sila magkakaroon ng pagkakataong hilingin na ibalik muli sa listahan ng suskripsyon sa loob ng anim (6) na buwan. Ang sulat na ito ay may kasama ring kopya ng proseso ng mga apela.

PATAKARAN SA HINDI PAGPSIPOT

Gabay ng DART Paratransit

Page 6: Paratransit Gabay ng mga Sumasakay - fasttransit.org · ANO ANG PARATRANSIT? Ang serbisyo ng Paratransit ay ibinibigay alinsunod sa Americans with Disabilities Act (ADA) ng 1990

5

Kung alam mo na hindi mo na kakailanganin ng isang naka-iskedyul na pagbibiyahe, mangyaring kanselahin ito kaagad nang maaga para masigurong makukuha ng ibang mga pasahero ang iskedyul. Tinatanggap ang mga pagkansela nang hanggang dalawang (2) oras bago ang pagbibiyahe. Ang mga pagkansela na gagawin nang mas mababa sa dalawang (2) oras bago ang pagbibiyahe ay ituturing na late at mamarkahan bilang Late na Pagkansela. Gayunpaman, ikakalugod pa rin namin ang iyong pagtawag para magkansela, kahit na kailangan mong tumawag nang late.

Kung magpapatuloy ang gawi ng Hindi Pagsipot o Late na Pagkansela, madadagdagan ang haba ng pagsuspinde. Kapag mayroong mga pangyayari na wala sa kontrol ng pasahero, hindi ito ituturing na Hindi Pagsipot. Kung sa anumang dahilan, darating ang sasakyan ng DART pagkatapos ng iyong 30 minutong palugit sa pagsundo, at nakagawa ka na ng iba pang mga pakikipag-ayos o kinansela ang iyong pagsakay, hindi ito ituturing na Hindi Pagsipot.

Paano Iiwasan ang Hindi Pagsipot/ Late na Pagkansela:

• Suriin muli ang mga oras at petsa kasama ng dispatcher ng DART para masigurong naiintindihan mo ang 30 minutong palugit sa pagsundo at kung kailan mo inaasahang dumating ang bus.

• Kapag hindi mo na kailangan ng masasakyan, tawagan kaagad ang DART dispatch sa (707) 429-2400 para ipaalam ito sa kanila. Kailangan mong abisuhan ang dispatch nang kahit dalawang (2) oras bago ang naka-iskedyul na oras ng pagsundo; kung hindi, sisingilin ka sa Late na Pagkansela at maaari kang maharap sa panganib na masuspinde sa sistema.

• Maghandang sumakay sa loob ng limang (5) minuto bago dumating ang sasakyan.

Gabay ng DART Paratransit

TANDAAN!Kung kailangan mong kanselahin ang

iyong pagbibiyahe, tawagan kaagad ang DART dispatch sa (707) 429-2400

Page 7: Paratransit Gabay ng mga Sumasakay - fasttransit.org · ANO ANG PARATRANSIT? Ang serbisyo ng Paratransit ay ibinibigay alinsunod sa Americans with Disabilities Act (ADA) ng 1990

6

MGA KATULONG AT KASAMA PARA SA PAG-AALAGA SA SARILIMaaaring sumama sa iyong pagsakay ang isang Katulong para sa Pag-aalaga sa Sarili (Personal Care Attendant, PCA) nang walang bayad kapag sumakay ka sa DART. Kakailanganin ang isang PCA kung kailangan mo ng tulong sa pagsakay at pagbaba mula sa sasakyan ng DART Paratransit, o kailangan ng tulong sa pagdadala ng oxygen o ng iba pang mga dadalhing gamit. Maaari ka rin mangailangan ng isang PCA kung nahihirapan kang maniobrahin ang iyong kagamitan para sa paggalaw. Dagdag pa sa mga PCA, maaari ka ring magpareserba ng pagsakay para isama ang isang kasama (pamilya, kaibigan, o indibiduwal maliban sa iyong PCA). Pareho ang pamasahe ng mga kasama sa pamasahe ng isang pasaherong ser tipikado ng ADA. Mangyaring sabihin sa dispatcher kung kasama mong sasakay ang isang PCA at/o isang kasama. Kailangan pumunta ang iyong PCA at/o kasama sa parehong lugar na pupuntahan mo at kailangan nitong sumakay at bumaba ng bus nang kasama ka.

Gabay ng DART Paratransit

Maaaring tanggapin ang mga karagdagang kasama kung mayroong puwang para sa kanila sa sasakyan ng paratransit at hindi ito magreresulta sa pagkakait ng serbisyo sa mga sertipikadong pasahero ng ADA paratransit.

MGA PAMASAHE AT MGA PASS

Kung magbabayad ka ng cash para sa iyong pagbibiyahe, kailangan mo ng eksaktong barya. Kung mas gugustuhin mong huwag magdala ng cash, maaari kang bumili ng DART pass. Ang lokal na DART pass para sa isang sakay ay $3.50 at ang (Vacaville) DART pass para sa isang sakay sa lungsod ay $5.50. Nag-aalok rin ang DART ng isang pass na may lamang $35.00 na mayroong 10 one-way na lokal na pagbibiyahe. Sa may laman na pass, awtomatikong ibabawas ang halaga ng bawat pagbibiyahe sa pass at lalabas ang balanse sa likuran ng pass.

Ang mga pamashe sa DART ay $3.50 (one-way) para sa pagbibiyahe sa loob ng Fairfield at Suisun at $5.50 (one-way) para sa pagbibiyahe papuntang Vacaville.

Page 8: Paratransit Gabay ng mga Sumasakay - fasttransit.org · ANO ANG PARATRANSIT? Ang serbisyo ng Paratransit ay ibinibigay alinsunod sa Americans with Disabilities Act (ADA) ng 1990

7

Kung sasakay ka ng mga city bus ng FAST para sa ilan sa iyong mga pagbibiyahe, maaari kang sumakay nang kalahati ang presyo! Ang bawas na pamasahe para sa mga matatanda, may mga Medicare card , at mga taong may mga kapansanan (may card ng DART) ay $.85 (one-way) para sa pagbibiyahe sa loob ng Fairfield at Suisun at $1.35 (one-way) para sa pagbibiyahe papuntang Vacaville. Maaaring humiling ng katunayan ng pagiging karapat-dapat kapag sumakay ka sa bus.

Kung magbibiyahe ka gamit ang mga city bus ng FAST na kasama ang isang PCA, maaari silang sumakay kasama mo nang walang bayad.

MGA BISITAKung isa kang bisita ksa lugar at maaari kang magbigay ng iyong pagiging karapat-dapat para sa ADA, maaari mong gamitin ang serbisyo ng DART Paratransit nang hanggang 21 araw sa loob ng isang taon bago ka magparehistro sa lugar. Gayundin, kung bibisita ka sa isa pang lungsod at kailangan mong gamitin ang kanilang serbisyo ng paratransit, ibibigay namin ang iyong impormasyon sa pagiging karapat-dapat kapag hiniling mo, kaya mase-set up mo ang katayuan bilang bisita at magagamit ang serbisyo ng kanilang paratransit nang hanggang 21 araw sa isang taon sa kalendaryo.

Panggagalingan▼ Fairfield

Lungsod ng Suisun Vacaville

Fairfield $3.50 $3.50 $5.50

Lungsod ng Suisun $3.50 $3.50 $5.50

Gabay ng DART Paratransit

Page 9: Paratransit Gabay ng mga Sumasakay - fasttransit.org · ANO ANG PARATRANSIT? Ang serbisyo ng Paratransit ay ibinibigay alinsunod sa Americans with Disabilities Act (ADA) ng 1990

8

MGA NAGLILINGKOD NA HAYOPSa ilalim ng mga regulasyon ng Americans with Disabilities Act (ADA) ng Kagawaran ng Transportasyon (Department of Transportation, DOT), ang depinisyon ng naglilingkod na hayop ay isang hayop na “hiwalay na sinanay para gumawa o gawin ang mga gawain para sa isang indibiduwal na may kapansanan.” Ang mga hayop na tumutugon sa depinisyon na ito ay itinuturing na mga naglilingkod na hayop sa ilalim ng ADA ang mga ito man ay lisensyado o sertipikado ng estado o lokal na pamahalaan. Kung ang tanging tungkulin lang ng isang hayop ay magbigay ng emosyonal na suporta o kaginhawaan para sa sumasakay, ang hayop na iyon ay hindi mapapabilang sa depinisyon ng isang naglilingkod na hayop batay sa pagsasanay ayon sa regulasyon. Ang mga naglilingkod na hayop ay mga gumagawang hayop at hindi mga alagang hayop.

Ang mga naglilingkod na hayop ay kailangan nakokontrol at sumusunod sa lahat ng pagkakaton. Aalisin ang anumang naglilingkod na hayop kung ito ay nagpapakita ng mga palatandaan ng pagsalakay o hindi naaangkop na pagkilos.

Kung nagpaplano kang magbiyahe kasama ang iyong naglilingkod na hayop, mangyaring sabihan ang dispatcher kapag nagpareserba ka sa DART Paratransit.

MGA DADALHING GAMITAng mga pasahero ay pinahihintulutan lang magdala ng ilang bag na makakaya nila nang hindi tutulungan ng driver. Dahil sa mga limitasyon sa puwang at itatagal na oras para sumakay sa sasakyan, limitado lang ang bilang ng mga bag sa pamimili sa limang (5) bag na madaling madadala ng pasahero at maisasakay nang hindi maaantala ang sasakyan. Ang mga dadalhing gamit ay kailangang magkasya sa alinman sa iyong kandungan o sa sahig na nasa harapan mo. Kung magdadala ang pasahero ng mahigit sa makakaya niya nang walang tulong, maaaring pumili ang pasahero kung sasakay siya ng dala ang makakayang bilang ng mga gamit at maghahanap ng alternatibong sasakyan para dalhin ang mga natitirang dalahin, o kaya tanggihan ang pagbibiyahe.

Gabay ng DART Paratransit

Page 10: Paratransit Gabay ng mga Sumasakay - fasttransit.org · ANO ANG PARATRANSIT? Ang serbisyo ng Paratransit ay ibinibigay alinsunod sa Americans with Disabilities Act (ADA) ng 1990

9

MGA CARTAng mga shopping cart o anumang uri ng kagamitan na ginagamit para tumulong sa pagdadala ng mga dalahin, mga groserya, damit, o iba pang mga gamit ay pinahihintulutan sa isang limitadong basehan. Ang mga cart ay hindi maaaring mas malaki sa 28.5 pulgada ang taas, 12pulgada ang lalim at 15.5pulgada ang lapad. Kailangan ipareserba ang pagbibiyahe at aprubahan kasama ang cart, o kung hindi, hindi madadala ng driver ang customer kasama ng kanyang shopping cart.

Kapag limitado ang puwang, bibigyan ng prayoridad ang mga pasaherong may mga kagamitan para sa paggalaw kaya maaaring hindi payagan ang iyong cart. Kung tatanggihan ang iyong cart dahil sa magagamit na puwang, maaari mong kanselahin ang pagsakay nang walang multa para sa pagkansela.

Ang mga gamit, bagahe, o mga package ay hindipinahihintulutan sa mga bus kung mapanganib ang mga ito o nililimitahan ang malayang paggalaw ng mga pasahero. Ang mga gamit na pahihintulutan sa bus ay hindi dapat makahadlang sa pagtakbo ng sasakyan o sa sinumang ibang pasahero. Ang mga cart ay kailangang itupi o ilagay sa posisyon at nang sa gayon hindi nito mahaharangan ang pasilyo ng bus. Anuman ang dadalhin ng pasahero sa bus ay kailangan madaling magalaw. Ang mga pasaherong may mga stroller ay kailangang itupi ang stroller at ilagay ito sa ilalim ng upuan na nasa harapan nila.

PATAKARAN PARA SA SEAT BELTAng mga pasahero at driver ay kailangang magsuot ng mga seat belt o harness sa balikat. Dapat tingnan ng mga driver ang mga pasahero para tiyakin na nakasuot nang tama ang lahat ng seat belt at harness sa balikat at tutulong sa pagkakabit at pag-aalis sa mga ito kapag hiniling o kung malalaman ng driver na hindi ito nakakabit nang tama. Dagdag pa rito, para sa mga pasaherong gumagamit ng mga wheelchair, scooter, o iba pang mga kagamitan para sa paggalaw, dapat ilagay ng operator sa posisyon ang kagamitan para sa paggalaw sa pamamagitan ng pagtiyak na nakatali nang maayos ang mga gulong at naka-lock ang mga preno.

Ang mga pasaherong tatangging magsuot ng magagamit at gumaganang mga seat belt o harness sa balikat ay hindi ihahatid. Itatawag sa isang superbisor o dispatch ang pagtanggi at ire-record sa pamamagitan ng isang DriveCam na video device. Kung hihilingin ng isang pasahero na suotin nang maluwang ang seat belt o harness sa balikat dahil sa isang kapansanan, dapat linawin ng driver ang kahilingan sa isang superbisor o dispatch at i-record ang kahilingan sa pamamagitan ng isang video Drive Cam bago paandarin ang sasakyan.

Gabay ng DART Paratransit

Page 11: Paratransit Gabay ng mga Sumasakay - fasttransit.org · ANO ANG PARATRANSIT? Ang serbisyo ng Paratransit ay ibinibigay alinsunod sa Americans with Disabilities Act (ADA) ng 1990

10

MGA TULONG SA PAGGALAWAng lahat ng bus ng DART Paratransit pati rin ang mga city bus ng FAST ay mayroong mga lift o rampa para sa wheelchair. Maaari kang magbiyahe kasama ang iyong kagamitan para sa paggalaw sa kondisyon na makakaya ng lift o rampa ang laki at bigat ng iyong kagamitan para sa paggalaw kapag okupado ito, maliban kung hindi ito magiging alinsunod sa mga lehitimong kinakailangan para sa kaligtasan.

Mga Lehitimong Kinakailangan para sa Kaligtasan (Mga Regulasyon ng ADA 49 CFR 37):

• Ang bigat ng iyong kagamitan para sa paggalaw, kapag okupado, ay hindi dapat lumampas sa isinasaad na bigat sa mga detalye ng lift o rampa.

• Ang laki ng iyong kagamitan para sa paggalaw ay hindi dapat makaharang sa pasilyo o masyadong malaki para maipasok nang husto sa sasakyan.

• Ang iyong kagamitan para sa paggalaw ay hindi dapat makahadlang sa pagsusuri ng kaligtasan ng mga pasahero sa isang emerhensiya.

Ang mga kagamitan para sa paggalaw ay kailangang gumagana nang maayos (hal., ang mga gulong, preno, footrest, at mga baterya ay kailangang gumagana nang maayos). Ang mga kagamitan para sa paggalaw na hindi maayos na gumagana o may tumatagas o hindi gumaganang unit ng baterya ay hindi papayagang isakay.

MGA TIP PARA SA MGA SUMASAKAY SA DART:• Uunahin ang Kaligtasan. Nangunguna naming

prayoridad ang kaligtasan, kaya kailangang manatili ang aming mga bus operator sa sasakyan sa lahat ng pagkakataon. Ang mga pasahero ng DART ang may pananagutan sa pagsakay at pagbaba sa sasakyan ng DART paratransit. Isinasaad ng mga regulasyon ng ADA na, “Kailangang tumulong ang mga driver o iba pang tauhan sa paggamit ng mga lift, rampa, at paglalagay ng mga kagamitan sa posisyon.” Kung mangangailangan ang pasahero ng karagdagang tulong, kakailanganin nilang gumamit ng isang Personal Care Attendant (PCA).

Gabay ng DART Paratransit

Page 12: Paratransit Gabay ng mga Sumasakay - fasttransit.org · ANO ANG PARATRANSIT? Ang serbisyo ng Paratransit ay ibinibigay alinsunod sa Americans with Disabilities Act (ADA) ng 1990

11

Maaaring samahan ng mga PCA ang isang taong may kapansanan nang walang karagdagang singil. Gayundin, ang mga PCA ay maaari ring sumakay nang libre kasama ang pasahero ng DART sa anumang city bus ng FAST.

• Limitado ang puwang. Limitahan ang iyong sarili sa pagkakaroon lamang ng mga package na makakaya mong dalhin. Hindi maaaring tumulong ang mga driver sa mga dadalhing gamit. Kung kailangan mo ng tulong sa oxygen o iba pang mga gamit, kakailanganin mo ng isang PCA.

• Pangangalaga sa Sugat. Kung ang mga pasahero ay mayroong bukas o tumutulong sugat o tumatagas na mga likido sa katawan, maaaring tumangging magbigay ng serbisyo ang DART Paratransit para sa mga kadahilanan ng kalusugan at kaligtasan hanggang maayos ang sitwasyon.

• Kalinisan. Kailangan sundin ng lahat ng sumasakay sa DART Paratransit ang naaangkop at makatwirang kalinisan sa sarili. Hindi papayagang sumakay ang isang pasahero kung nakakaistorbo ang amoy o kalinisan ng kanyang katawan sa kaginhawaan ng iba. Bibigyan ng abiso ang pasahero bago itigil ang mga pribilehiyong sumakay, maliban kung ayon sa pagpapasiya ng tauhan ng transit, ang taong iyon ay inilalagay ang mga umiiral na pasahero sa labis na pagkabalisa o ay ituturing na panganib sa kalusugan.

• Mga Car Seat para sa Bata. Ang mga cart seat para sa bata ay hindi ibinibigay ng DART. Ang mga pasaherong may mga bata ay kailangang magkaroon ng kanilang sariling mga car seat.

PAGSASANAY PARA SA PAGBIBIYAHENagbibigay na ngayon ang FAST ng pagsasanay para sa mga mamamayan ng Lungsod ng Fairfield at Suisun. Kung gusto mong maging malaya at malaman kung paano magbibiyahe sa mga city bus ng FAST, tuturuan ka namin!

Gusto mo mang pumasok sa trabaho, sa paaralan, mamili, o manood ng pinakabagong pelikula, maasahan mong madadala ka doon ng city bus ng FAST! Ang lahat ng city bus ng FAST ay madaling maa-access ng mga customer na may mga kapansanan sa paggalaw at nag-aalok ng mga buwanang pass at mga pamasaheng may diskuwento para sa mga matatanda at mga karapat-dapat na mga sumasakay na may mga kapansanan.

Kung interesado kang malaman pa ang tungkol sa pagsasanay para sa pagbibiyahe, mangyaring makipag-ugnayan sa Solano Mobility Call Center sa (800) 535-6883 o sa opisina ng pangasiwaan ng FAST sa (707) 434-3800.

Gabay ng DART Paratransit

Page 13: Paratransit Gabay ng mga Sumasakay - fasttransit.org · ANO ANG PARATRANSIT? Ang serbisyo ng Paratransit ay ibinibigay alinsunod sa Americans with Disabilities Act (ADA) ng 1990

Para Magpareserba Tumawag sa: (707) 429-2400

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa DART Paratransit, tumawag sa (707) 434-3809

Para makipag-ugnayan sa Nangangasiwa ng Transit

tumawag sa (707) 434-3800

fasttransit.org

Paratransit Gabay ng mga Sumasakay

Para Magpareserba Tumawag sa:

(707) 429-2400

• Pangkalahatang Impormasyon

• Pag-iiskedyul ng Pagbibiyahe

• Mga Oras at Mga Pamasahe

• Mga Patakaran at Mga Tip

Setyembre 2014