part 10 - life-giver (luke 7:1-17)
DESCRIPTION
In this story, we will look at how Jesus reveals himself not just as our Life-Saver, but more than that, as our Life-Giver. http://wp.me/po4gZ-1mfTRANSCRIPT
Part 10: Life-Giver (7:1-17) September 15, 2013
The Story
Pagkatapos mangaral ni Jesus sa mga tao, pumunta siya sa
Capernaum. May isang kapitan doon ng mga sundalong Romano
na may aliping malubha ang sakit at naghihingalo na. Mahal niya
ang aliping ito.
Kaya nang mabalitaan niya ang tungkol kay Jesus, sinugo niya
ang ilang mga pinunong Judio para pakiusapan si Jesus na
pumunta at sagipin ang buhay ng kanyang alipin.
Nang dumating sila kay Jesus, nakiusap silang mabuti sa kanya,
"Kung maaari po sana tulungan n'yo ang kapitan, dahil mabuti
siyang tao. Mahal niya tayong mga Judio at ipinagpatayo pa niya
tayo ng isang bahay-sambahan."
Kaya sumama sa kanila si Jesus.
Nang malapit na sila sa bahay ng kapitan, sinugo ng kapitan ang
ilang mga kaibigan niya para salubungin si Jesus at sabihin,
"Panginoon, huwag na po kayong mag-abalang pumunta sa bahay
ko, dahil hindi ako karapat-dapat na puntahan n'yo. Kaya nga
hindi na rin ako naglakas-loob na lumapit dahil hindi ako
karapat-dapat na humarap sa inyo. Sabihin n'yo lang po at
gagaling na ang utusan ko. Magagawa n'yo iyon dahil may mga
sundalo ding nasa ilalim ko. Kapag sinabi ko sa isa, 'Pumunta ka
roon,' pumupunta siya. Kapag sinabi kong, 'Halika,' lumalapit siya.
At kung ano pa ang iniuutos ko sa aking alipin ay sinusunod niya."
Nang marinig ito ni Jesus, namangha siya sa kapitan at sinabi
niya sa mga taong sumusunod sa kanya, "Hindi pa ako nakakita
ng isang tao sa Israel na may ganito kalaking pananampalataya."
Nang bumalik sa bahay ang mga sinugo ng kapitan, nadatnan
nilang magaling na ang alipin.
Pagkatapos, pumunta si Jesus sa bayan ng Nain. Sumama sa
kanya ang mga tagasunod niya at ang maraming tao. Nang
malapit na sila sa pintuang bayan, nakasalubong nila ang libing
ng kaisa-isang anak ng isang biyuda. Marami ang
nakikipaglibing.
Nahabag ang Panginoon sa biyuda nang makita niya ito. Sinabi
niya sa biyuda, "Huwag kang umiyak."
Lumapit siya at hinawakan ang kinalalagyan ng patay upang
tumigil ang mga nagdadala nito. Sinabi ni Jesus, "Binata,
bumangon ka!"
Umupo ang patay at nagsalita. At ibinigay siya ni Jesus sa
kanyang ina.
Kinilabutan ang mga tao at nagpuri sila sa Diyos. Sinabi nila,
"Inalala tayo ng Diyos. Isinugo niya sa atin ang isang dakilang
propeta." At kumalat sa buong Judea at sa palibot na mga bayan
ang balita tungkol kay Jesus.
Mahirap na Takbo ng Buhay Last week, nakita natin ang ending ng sermon ng Panginoong
Jesus sa Luke 6 tungkol sa kaseryosohan ng pagsunod sa
kanyang salita. Ikinumpara niya ang nakikinig nga sa mga
salita niya ngunit hindi naman sumusunod sa isang lalaking
nagtayo ng bahay sa buhanginan. Dahil hindi matibay ang
pundasyon, nang dumating ang malaking baha, lubusang
nawasak ang bahay. Sinasabi ni Jesus na kung gusto nating
maging matibay ang buhay natin at ayaw natin itong mawasak,
seryosohin natin ang pagsunod sa kanyang mga salita.
Maraming tao ang hindi sineseryoso ang mga salita ni Jesus
kasi feeling nila, kahit hindi naman nila nasusunod ang mga
utos ni Jesus, normal pa rin namang tumatakbo ang buhay nila.
Maganda pa rin naman ang kita sa negosyo, hindi naman grabe
kung magkasakit ang mga anak, nakakakain pa naman sa
araw-araw, maganda naman ang mga grado sa eskuwelahan,
nakakabili naman ng mga gustong bilhin, masaya naman ang
pamilya. Pero dapat nating marealize na ang pagsunod kay
Jesus ay hindi naman nakasalalay sa takbo ng buhay natin,
kundi sa kung sino si Jesus para sa atin.
Dahil hindi natin kaagad naiintindihan iyon, hinahayaan ng
Diyos na maranasan natin ang hirap ng takbo ng buhay. Para
ano? Para ipakilala kung sino si Jesus at kung ano ang
kapangyarihan ng kanyang mga salita na dapat nating sundin.
Last Wednesday (Sept. 11), papunta ako ng IGSL sa QC,
pagbaba ko sa Munoz, napansin ko na dumadami ang tao.
Nakatingin sila sa taas ng billboard (30 meters siguro ang
taas). May lalaki na nasa taas (tantsa ko nasa late 20s or early
30s ang edad). Magpapakamatay. Kinabahan ako. Kasi buhay
ang nakasalalay doon. Nandoon sa tuktok ang isang lalaking
hindi na maayos ang takbo ng buhay kaya tatangkain niyang
wakasan na ang buhay niya. (Sasabihin ko mamaya kung ano
ang nangyari.) Sa mga panahong parang malapit nang matapos
ang buhay natin o kaya naman parang wala nang
patutunguhan o wala na tayong kasiyahang nararamdaman, sa
mga panahong iyon merong sinisimulang gawin ang Diyos.
Gusto ni Jesus ipakilala ang kanyang sarili sa mga tao.
Pagkatapos mangaral ni Jesus sa mga tao, pumunta siya sa
Capernaum (Luke 7:1). Hindi ba iyong parang isang guest
speaker sa isang church special event na pagkatapos magbigay
ng sermon, nabigyan ng love gift at umuwi na. Tapos na ang
kanyang tungkulin. Kundi parang isang pastor tulad ng
ginagawa ko na hindi sapat na makapagsermon lang. Kundi
iyong matiyak na napakinggan ang mga salita ni Jesus,
pinaniniwalaan at sinusunod.
Paano ngayon ipinakilala ni Jesus ang kanyang sarili sa mga
taong nakakarinig ng kanyang mga salita? Tingnan natin sa
dalawang kuwento sa Luke 7:1-17.
Jesus Our Life-Saver (7:1-10) Ilang beses na nating nakikita sa series natin sa Luke na
nagpapagaling si Jesus. Napagaling niya ang inaalihan ng
demonyo (4:31-37). Ang matinding lagnat ng biyenan ni Pedro
(4:38-41). Ang lalaking may malubhang sakit sa balat (5:12-
16). Ang lalaking paralitiko (5:17-26). Ang lalaking paralisado
ang kanang kamay (6:6-11). Lahat nga ng maysakit kaya
niyang pagalingin kung gugustuhin niya, "...all those who had
any who were sick with various diseases brought them to him,
and he laid his hands on every one of them and healed them"
(4:40). Siya iyong pambihirang doktor na makapagpapagaling
sa mga maysakit (5:31). Hindi maganda ang pagkakasakit,
pero paraan ito ng Diyos para magpakilala siya sa atin. Kung
sipon at ubo lang, medyo normal pa ang takbo ng buhay ng
pamilya n'yo. Pero kapag may kasama kayo sa bahay na
naghihingalo na, ibang usapan na iyon. Hindi na puwedeng
busy-busyhan ka lang niyan. Life and death situations are
God's way of calling us out to cry for help. Ganyan ang
nangyari sa Capernaum...
May isang kapitan doon ng mga sundalong Romano na may
aliping malubha ang sakit at naghihingalo na. Mahal niya ang
aliping ito (2). Ang kapitang ito ay tinatawag na "centurion" o
tagapamahala ng 50-100 sundalo. Isa siyang Romano, hindi Judio. Nagpapakita na ang Panginoong Jesus ay naparito hindi
lang para sa mga Judio kundi para sa lahat ng tao. Meron
siyang alipin. Siyempre sa lipunan nila, mababa ang tingin nila
sa mga ganitong tao, ang tingin lang nila ay nakedepende sa
pakinabang na makukuha nila. Pero itong kapitan,
pinapahalagahan niya ang aliping ito. Hindi ito parang isang
gamit na kapag naluma o nasira ay pwede namang palitan.
Nagpapakita ito ng pagpapahalaga ng Panginoong Jesus
maging sa mga taong mababa ang tingin sa lipunan. Kapitan ka
man o alipin, dumating si Jesus para sa kagaya mo. Mahalaga
ang buhay ng bawat isa sa atin para sa Diyos.
Naghihingalo na ang alipin, ilang sandali na lang mamamatay
na. Dinala na sa mga doktor, sinubukan na ang mga gamot,
dinala na sa ospital, wala pa rin. Parang wala nang pag-asa.
Tanggapin na lang siguro ang sitwasyon. Pero isang araw, may
nagbalita sa kapitan, siguro isa sa mga napagaling ni Jesus o
nakakita kung paano siya nagpagaling. Nabuhayan ng pag-asa
ang kapitan. Hangga't nariyan ang Panginoong Jesus, may pag-
asa, kahit naghihingalo na.
Kaya nang mabalitaan niya ang tungkol kay Jesus, sinugo niya
ang ilang mga pinunong Judio para pakiusapan si Jesus na
pumunta at sagipin ang buhay ng kanyang alipin (3).
Napakagandang larawan na makitang ang mga Judio ay
tumutulong din sa mga hindi Judio para sagipin ang buhay ng
isang alipin. Ganoon talaga kapag buhay na ng isang tao ang
nakasalalay, kailangang isantabi muna ang mga differences at
magtulung-tulong. Pero kahit anong sikap pa ng mga tao, kahit
anong pagkakaisa ang gawin natin, kung wala naman tayong
kakayahang pagalingin ang isang taong naghihingalo, wala rin.
Maliban na lang kung lalapit sila at makikiusap sa nag-iisang
makapagsasalba sa buhay ng alipin. Iyon ang request nila.
Kung hindi sumang-ayon si Jesus, siguradong patay. Tulad ng
isinakay sa ambulansya na nag-aagaw buhay, kung hindi
naman maadmit at maaccomodate sa operating room, patay!
They now feel the urgency of the situation. Nagmamadali iyan,
tumatakbo, kahit pagod, basta makarating agad ang request
kay Jesus.
Nang dumating sila kay Jesus, nakiusap silang mabuti sa
kanya...(4a). Para bang lumuluhod na sa harap ni Jesus at
nagmamakaawa, "Please...Please...Wala na kaming ibang
malalapitan..." Iyan din naman ang hirap sa ating mga tao.
Kung anu-ano pa ang sinusubukan natin o nilalapitan natin
para masolusyunan ang problema, tapos palpak naman lahat,
tapos parang last resort na lang ang Panginoong Jesus. Kapag
agaw-buhay na, wala nang posibleng human solution saka tayo
lalapit sa kanya. Kahit naman simple pa lang ang sakit, kahit
naman hindi pa malala ang problema, puwede naman nating
siyang lapitan. "Give all your worries and cares to God, for he
cares about you" (1 Pet. 5:7 NLT). Tulad noong nangyari sa
Prayer Meeting last Friday. Nakasalampak kami sa sahig. May
mga umiiyak dahil inilalapit nila ang kabigatan nila sa
Panginoon. Nakikinig ang Diyos. Tutulong siya sa atin. Dahil
ano? Dahil mabuti ba tayo at deserving of his mercy? Pakiusap
ng mga isinugo ng kapitan...
"Kung maaari po sana tulungan n'yo ang kapitan, dahil mabuti
siyang tao. Mahal niya tayong mga Judio at ipinagpatayo pa
niya tayo ng isang bahay-sambahan" (4b-5). Tutulungan ba siya
ni Jesus dahil mabuti siyang tao? Dahil mataas ang katayuan
niya sa lipunan? Dahil maganda ang reputasyon niya?
Kaya sumama sa kanila si Jesus (6a). Dahil ano? Dahil sa
kahilingan ng kapitan, hindi dahil sa kanyang kabutihan. "Who
am I, that the Lord of all the earth / Would care to know my
name / Would care to feel my hurt?.../ Not because of who I
am / But because of what You've done / Not because of what
I've done / But because of who You are." Malinaw ito dahil ang
kapitan mismo ang nagpasabi nito.
Nang malapit na sila sa bahay ng kapitan, sinugo ng kapitan
ang ilang mga kaibigan niya para salubungin si Jesus at sabihin,
"Panginoon, huwag na po kayong mag-abalang pumunta sa
bahay ko, dahil hindi ako karapat-dapat na puntahan n'yo. Kaya
nga hindi na rin ako naglakas-loob na lumapit dahil hindi ako
karapat-dapat na humarap sa inyo.... (6b-7a). Sabi ng mga
isinugo niya noong una, worthy siya. Pero siya mismo ang
nagsabi na hindi. Dalawang beses sabi niya, "Hindi ako
karapat-dapat puntahan n'yo...Hindi ako karapat-dapat
humarap sa inyo." Dahil ba Judio si Jesus at ayaw niyang
maparatangan pa ng kapwa Judio si Jesus? Pwedeng iyon ang
isang dahilan dahil itong mga Judio hindi pumapasok sa bahay
ng mga di-Judio. Pero hindi ganoon mag-isip si Jesus. Kahit
sino ka pa, basta narealize mong kailangan mo siya. At itong
kapitan, narealize niya ang totoo niyang kalagayan sa buhay,
na bagamat mataas ang posisyon, nasa kapangyarihan, wala
siyang awtoridad at kapangyarihan ng tulad ng kay Jesus.
Kahit gaano kataas ang tingin natin sa sarili natin o ng ibang
tao sa atin, hindi iyan maipapantay sa kataasan ng Panginoong
Jesus. Kahit pa anong galing ang tingin natin sa sarili natin,
balewala iyan kung ikukumpara sa magagawa ni Jesus. Iyan
ang pinaniniwalaan ng kapitan. Ang tingin niya sa sarili niya,
hindi siya karapat-dapat. Ang tingin niya kay Jesus? Pambihira
ang kapangyarihan kaya pinasabi niya kay Jesus...
Sabihin n'yo lang po at gagaling na ang utusan ko (7b). Hindi
kailangan ng gamot, hindi kailangang lumapit pa, hindi
kailangan ng technology. Just his word! At tiyak itong kapitan
na ganoon ang bisa ng mga salita ni Jesus. Hindi niya sinabi,
"Subukan n'yo pong magsalita lang at pagalingin siya, tingnan
natin baka matsambahan n'yo...Try lang ba, no choice na."
Hindi ganoon! Alam niyang magagawa iyon ni Jesus dahil kung
ikukumpara sa kanya, no match ang power ni Jesus.
"Magagawa n'yo iyon dahil may mga sundalo ding nasa ilalim
ko. Kapag sinabi ko sa isa, 'Pumunta ka roon,' pumupunta siya.
Kapag sinabi kong, 'Halika,' lumalapit siya. At kung ano pa ang
iniuutos ko sa aking alipin ay sinusunod niya" (8). Umapela ang
kapitan hindi sa kanyang awtoridad bilang kapitan, kundi sa
awtoridad ni Jesus na higit pa sa kaninumang kapitan, o
general, o presidente, o hari. Jesus has authority over all
creation, over all sicknesses, over all people. That's faith.
Believing in the authority and power of Jesus to do everything,
to do the humanly impossible.
Nang marinig ito ni Jesus, namangha siya sa kapitan at sinabi
niya sa mga taong sumusunod sa kanya, "Hindi pa ako nakakita
ng isang tao sa Israel na may ganitong pananampalataya" (9).
Si Jesus ang namangha!Sa Luke, dito lang nangyari iyon.
Palaging ang mga tao ang namamangha sa kanya. Hindi ibig
sabihing sa Israel ay walang pananampalataya ang mga tao.
But it is a call and a challenge sa mga sumusunod sa kanya at
namamangha sa mga miracles niya na hindi puwedeng
hanggang doon lang. Tulad ng kapitang ito, they must have
"great faith" (NIV). Great dahil sa dakilang kapangyarihan ng
object of our faith. This event also looks forward to the
inclusion of Gentiles in the church and the rejection of Israel.
Hindi ba't nakita natin iyan sa story ng Book of Acts. Marami sa
Israel ang tumalikod sa mensahe tungkol kay Jesus. Pero may
mga Gentiles, tulad ng kapitan din na si Cornelius na nakinig sa
mensahe ni Pedro at naligtas (Acts 10-11). Hanggang
makarating ito sa atin ngayon. Nakamamangha. Dahil may mga
taong naniwala kay Jesus, nahabag sa atin at ibinalita ito sa
mga katulad natin. Dahil para sa mga taong katulad nito,
malinaw na malinaw at kitang-kita ang ebidensiya tungkol kay
Jesus.
Nang bumalik sa bahay ang mga sinugo ng kapitan, nadatnan
nilang magaling na ang alipin (10). Malinaw na malinaw ang
ebidensiya. Kung baga sa kaso ni Napoles sa plunder, hindi na
na maidedeny na siya ay magnanakaw dahil sa mga ebidensya
laban sa kanya. Heto namang kay Jesus, malinaw na ebidensiya
para sa kanya, na ang narinig ng kapitan tungkol kay Jesus, ang
pinaniniwalaan niya, ang sinabi mismo ni Jesus, nangyari nga.
Wala nang sakit ang alipin niya. Kani-kanina lang agaw-buhay,
pero sinagip ni Jesus ang buhay.
Jesus is our life-saver, salba-bida. Nung nakita ko ang
magpapakamatay, feeling ko wala naman akong magagawa
para iligtas siya. Hindi naman ako Superman. Umalis na ko,
sumakay ng bus, at nagpray, "You alone can rescue. You alone
can save." Kahapon lang nabasa ko sa news na tinawagan ng
mga pulis ang pinsan ng lalaking ito (Lucien Junn Gacotano,
22). Umakyat din ang pinsan niya at kinausap siya para
bumaba na at huwag nang magpakamatay. Answered prayer.
Anumang pangyayari sa buhay, we must call to Jesus for help.
Habang ginagawa ko ang sermon na 'to, nabalitaan kong
isinugod sa ospital ang nanay ni Marie. I stopped what I was
doing and asked God for help. We need him to keep us alive,
para hindi tayo malunod sa rumaragasang takbo ng buhay
ngayon.
Jesus Our Life-Giver (7:11-17) Jesus is our life-saver, yes. But he is a lot more than that. Kasi
mamamatay din naman tayo. Nasagip nga ang nagtangkang
magsuicide, pero mamamatay din iyon. Iyong alipin ng
kapitan, magkakasakit ulit iyon at mamamatay din. Kaya sa
sumunod na kuwento, may patutunayan si Jesus sa atin na
higit pa doon sa naunang kuwento.
Pagkatapos, pumunta si Jesus sa bayan ng Nain. Sumama sa
kanya ang mga tagasunod niya at ang maraming tao (11).
Maraming tao. Ang iba totoong tagasunod, ang iba
nakikiusyoso lang. O nakikita si Jesus na panggarantiya sa
buhay nila ngayon, na maging maginhawa, na gumaling kapag
nagkasakit, na mapakain kapag nagutom. Ginagawa siya
sigurong life insurance. E paano kapag namatay na, sasabihin
ba ni Jesus, "Sorry, hanggang diyan na lang ako. Hindi ko na
kaya iyan. Patay na e."
Nang malapit na sila sa pintuang bayan, nakasalubong nila ang
libing ng kaisa-isang anak ng isang biyuda. Marami ang
nakikipaglibing (12). Walang asawa, iisa na lang ang anak.
Nawala pa. As good as dead na rin siya. No point of going on
with her life. Baka maging suicidal na rin ito kung walang
aalalay sa kanya. Buti na lang maraming nakipaglibing, nakita
ang kaawa-awang kalagayan ng biyuda. Sa panahon kasi noon,
ang lalaki lang halos ang kumikita. Kaya kapag nabiyuda, at
nawalan na ng anak wala na siyang ikakabuhay maliban na
lang kung may mga aalalay sa kanyang kamag-anak
(remember the story of Ruth and Naomi?). Minsan may na-
meet akong "suicidal" na. Nanay siya. Iniwan ng asawa. Isa
lang ang anak niya. Pero mga kamag-anak niya galit din sa
kanya at inaaway siya. Gusto na niyang magpakamatay kasi
feeling niya mas mainam pang mamatay kaysa naman ganito
ang buhay. When everything or everyone we love is taken
from us, parang wala nang saysay ang buhay. Sa mga
panahong tulad nito, dama ng Panginoon ang kalagayan natin...
Nahabag ang Panginoon sa biyuda nang makita niya ito. Sinabi
niya sa biyuda, "Huwag kang umiyak" (13). Oh, we have a
compassionate Savior. He is for us. He feels our pain. At siya
lang talaga ang makapagsasabi sa atin na, "Huwag ka nang
umiyak." Kapag tayo nagsabing "Huwag kang umiyak,"
balewala iyon kung hindi naman mawawala ang reason for
crying. Si Jesus lang ang makagagawa noon. He came to wipe
away our tears.
Lumapit siya at hinawakan ang kinalalagyan ng patay upang
tumigil ang mga nagdadala nito (14a). Sa panahon nila, bawal
humawak sa patay o sa kinalalagyan ng patay. Magiging
marumi sila or ritually unclean. Pero kay Jesus - he's the Holy
One of God - hindi siya magiging marumi. Balewala na iyon sa
kanya dahil buhay ng tao ang mas mahalaga. Naparito si Jesus
para gapiin ang kasalanan, ang sakit, at ang kamatayan. Kaya...
Sinabi ni Jesus, "Binata, bumangon ka!" (14b). Binata, totoo pa.
Bumangon? Patay nga. Makikinig ba iyon? Makakasunod ba
iyon? Observe here the power, the life-giving power of Jesus'
word. Sa ilang salita lang, may kapangyarihan siyang muling
makarinig ang patay, muling tumibok ang puso, muling
magkaroon ng hiningi, na maipanumbalik ang lakas.
Umupo ang patay at nagsalita (15a). Hindi "umupo ang binata"
kundi umupo ang patay para bigyang diin na patay na ito.
Ililibing na nga. Pero walang imposible sa Panginoon. Kung sa
tao wala nang kapag-a-pag-asa. "Habang may buhay may pag-
asa." Kay Jesus, "Kahit patay na, may pag-asa." Dahil siya
mismo ang Lumikha sa atin na nagbigay ng buhay. Siya rin ang
bumabawi at nagbabalik nito. Kung ang pag-asa natin kay
Jesus ay hanggang dito lang sa buhay na ito, tayo na ang
pinakakaawa-awa sa lahat ng mga tao (1 Cor. 15:19).
At ibinigay siya ni Jesus sa kanyang ina (15b). Hawig na hawig
ang mga salitang ito sa kuwento ni Propeta Elias (1 Kings
17:23) kung saan binuhay din niya ang anak ng isang biyuda at
ibinigay sa kanyang ina. But Jesus was greater than the
prophet Elijah! Hindi lang siya instrumento ng Diyos para
magbigay buhay, Jesus himself is the life-giver. Ibinigay niya
ang buhay sa binata na parang isang regalo. Ganoon din sa
biyuda, binigyan niya ng bagong buhay, bagong pag-asa. Jesus
is not just our life-saver. He is our life-giver.
You need him. Some of you here are dead, spiritually-speaking.
Patay dahil sa kasalanang naghahari sa inyo (Eph. 2:1). Pero
naniniwala ako sa kapangyarihan ng salita ni Jesus na bigyan
kayo ng buhay. We are "born again...through the living and
abiding word of God" (1 Pet. 1:23). Pakinggan n'yo ang mga
salita niya. Paniwalaan. Magtiwala sa kanya. Pumasok ka dito
na patay. Lalabas kang buhay. Sabihin mo sa kanya, "You alone
can rescue. You alone can save. You alone can lift us from the
grave. You came down to find us, led us out of death." Now that
you're alive...
Bagong Buhay Ngayong may bagong buhay na tayo dahil kay Jesus, may
bagong pananaw na rin tayo sa buhay.
A View of Self - Humility. Sa verse 16, "Kinilabutan sa takot
ang mga tao." Iyon bang nakita nila ang kapangyarihan,
kadakilaan ni Jesus, at ang sarili nilang kalalagayan.
Kinatatakutan mo ang isang tao higit na mataas ang katayuan
sa iyo. Ibig sabihin, nakita mo ang aba mong kalagayan. Kahit
ano pa ang taas ng posisyon natin, tulad ng kapitan sa
kuwento, sinasabi din natin sa Diyos in humility, "Hindi ako
karapat-dapat." Dahil nandoon ang humility sa atin, we must
let Jesus do his way. Sabi niya sa biyuda, "Huwag kang
umiyak." Hindi na nagsalita pa ang biyuda, in humility she let
Jesus do his way. Kung ikaw ay may bagong buhay na, hindi na
ang posisyon mo sa trabaho, o ang kayamanan, o ang
reputasyon ang sukatan ng buhay mo, kundi ang relasyon mo
sa Panginoon.
A View of God - Worship. "They glorified God" (v. 16). Nakita
nila ang ginawa ni Jesus, nagkaroon sila ng dahilang magbigay
papuri sa Diyos. Hindi tao ang dapat maitaas kundi ang Diyos.
Na sa pagsamba natin maipakita siya lamang ang tunay na
dakila. Kung may bagong buhay na tayo dahil kay Jesus, anong
klaseng pagsamba ngayon ang iaalay natin sa Diyos? Ang iba
sa inyo, parang patay pa rin kung sumamba sa Diyos. Walang
kabuhay-buhay.
A View of Others - Compassion. Sinabi ng mga tao, "God has
visited his people!" (v. 16). It shows the compassionate
character of God. Nakita ng Diyos ang kaawa-awang kalagayan
ng tao, dinalaw niya, hindi lang para bumisita at bumati, kundi
para pagalingin. Tulad ng ginawa ni Jesus, nahabag siya sa
biyuda. Tayo ang mga anak ng Diyos. "Be merciful, even as
your Father is merciful" (6:36). Tayo ang mga tagasunod ni
Jesus, we must have Christ-like compassion. May bagong
buhay na tayo, maraming nakapaligid sa atin ang "patay" dahil
wala sa kanila si Jesus. Don't you feel compassion for them?
Yung magpapakamatay sa Munoz, pinagtatawanan pa ng mga
tao. Narinig kong sabi ng iba, "Pinagtatagal pa." Sabi naman ng
isa, "Bumaba ka dito, tulungan kitang magpakamatay." Sa
report ng Inquirer, meron daw din na nagsabi na ice cream
vendor na malaki ang kita kasi maraming tao, "Huwag ka
munang tatalon." Nung may dumaan na karo ng patay, sabi
nila, "Hintayin mo na." Pagkaraan ng tatlong oras at hindi
natuloy magpakamatay, "Natalo ang pusta ko," sabi ng isa.
People don't value life anymore. No more compassion. Pero iba
ang mga may bagong buhay kay Jesus. Mahalaga ang buhay ng
isang tao.
A View of the World - Mission. Sinabi ng mga tao, Isinugo
niya sa atin ang isang dakilang propeta (v. 16). Narecognize
nila na si Jesus (bagamat higit pa sa isang propeta) ay sugo na
galing sa Diyos. Ibig sabihin, naparito siya with a sense of
mission from God - na ipangaral ang kanyang mga salita. We
have the same mission. Hindi lang sa Pilipinas kundi sa ibang
bansa din. Kaya nga tinulungan ni Jesus ang kapitan na hindi
naman Judio. Kung mag-abroad kayo, huwag n'yong isiping
mas mabuti ang kalagayan ng mga tao doon, pareho din naman
silang mga patay. You have a mission field there. At kung
nasaan man tayo, ang mission natin ay ikalat an gbalita
tungkol kay Jesus. Nagtapos ang kuwento natin dito, At
kumalat sa buong Judea at sa palibot na mga bayan ang balita
tungkol kay Jesus (17). Lumabas ang balita, hindi itinago. Iyon
din ang utos sa atin, "Go and make disciples" (Matt. 28:19).
Sabi niya sa verse 18, "All authority in heaven and on earth has
been given to me." Ang sakit sumusunod kay Jesus. Ang patay
nakikinig sa kanya at bumabangon. Ikaw pa kaya na may
buhay at binigyan na ng bagong buhay?
Jesus is the Life, the Only Life Kapag si Jesus ang iyong buhay, mag-iiba ang pananaw mo sa
buhay, mag-iiba ang takbo ng buhay mo. Ang dalawang
himalang nakita natin sa kuwento ngayon ay isang
"demonstration," hindi ito ang "solution" sa hirap ng takbo ng
buhay. Hindi niya sinasabi dito sa kapitan, "Malungkot ka dahil
sa alipin mong naghihingalo. Wag kang mag-alala pagagalingin
ko siya." Mamamatay din naman ang aliping iyon di ba?
Sinasabi niya, "Nandito ako." Hindi niya sinasabi sa biyuda,
"Umiiyak ka dahil sa anak mong namatay. Huwag ka nang
umiyak, ibibigay ko siya ulit sa iyo." Paano kung mamatay iyon
ulit? Sinasabi niya, "Nandito ako." He is not just life-saver. He is
not just life-giver. He himself is our life.
Mabibigo tayo sa buhay kung maghahanap pa tayo ng iba.
Alam n'yo kung bakit magpapakamatay iyong nasa Munoz?
Iniwan daw siya ng girlfriend niya na nangangaliwa sa kanya
at umuwi na sa probinsiya. He's looking for love, he must be
looking for Jesus. Nabasa ko sa Inquirer na noong araw ding
iyon, meron pang isang lalaki na janitor na umakyat din sa
billboard sa Magallanes at magpapakamatay din. Ang dahilan?
Limang araw na ang nakaraan nang iwanan naman siya ng
asawa niya. People around us, tulad natin, we are looking for
love para magkaroon ng saysay ang buhay natin. We are
looking at the wrong places. We must be looking to Jesus. He is
our Life. At kapag naranasan natin iyon, masasabi din natin
tulad ng awit na 'to, "Your unfailing love is better than life
itself" (Psa. 63:3 NLT).